Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ANG ROSAS, ANG DRAGON AT ANG PARU-PARO

Sa gabing kabilugan ng buwan ako ay may pangitain.


Pulang rosas, puting rosas, dragon at paru-paro aking napansin.
Kay Tatang nagtanong ako, Apo, may kahulugan po ba ito?
Lahat ng iyan may gagampanang mahalaga sa mundo. Tugon ni Apo.
Mula sa bibig ni Juan ay lumabas ang pulang rosas.
Parang si Jacob kay Esau sumunod ang puting rosas.
Ang pulang rosas ay para sa katarungan ng dalawang tao,
Ganoon din sa iba pang gumagalaw sa sagradong misteryo.
Mag-ingat ka lamang anak ko, sabi pa ni Tatang.
Sa mga Serenang lulan ng barko na lalabas sa pulang rosas.
Ingatan ang iyong puso, sa kasaganaan huwag malasing.
Sa kasalatan pumasa ka, sa kasalanan huwag mahumaling.
Pumutok ang mga bulkan at bumuka ang lupa
Hangiy pumipinsala punong puno pa ng baha!
Hindi pa ito ang wakas, ang sabi ni Tatang,
Iyan ay babala lamang sa lahat ng nilalang.
Ang puting rosas ay napadpad sa dakong Herusalem.
Sa dakong pinamumugaran ng mga Paraong may Harem.
Sa kaniyang pagbuka bungay kayamanang walang kabalisahan
Walang sapat na silid na kalalagyan, kapurihan ng Makapangyarihan!
May dragon na nakaabang sa harap ng puting rosas.
Hinihintay ang pagbuka sasakmalin ang puting bato na lalabas.
Ang dragon ay nabigo, hinawi ang buntot, dagat ay lumigwak!
Ang puting bato ay dinala sa higanteng bundok - iginayak.
Ang puting bato ay naging isang batang may hawak na ginto.
Pamalo yan sa 72 bansang matitigas ang ulo!, ani Tatang ko.
At ang bata ay naging malaking Monarkiyang Paru-Paro!
May dalang pagkaing gamot karamdamay pinaglalaho!
Isa pang kagila-gilalas ang Paru-Paro ay may lagda
Ang mga kayamanang natatago napalalabas Niya.
Nagawang ang Pilipinas naging kahariang parisukat!
Gamit ay Susing Papel mula sa langit kung saan nagbuhat.
Nagising ako sa aking pagkakaidlip
Hinanap ko si Tatang sa aking panaginip.
May tatsulok na may mata sa gitna na may pitong pilik-mata.
ANG KAHARIAN KAY CRISTO PATUNGONG SILANGAN, aking nabasa!

You might also like