Download as rtf, pdf, or txt
Download as rtf, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Naririnig ko pa rin ang tunog nang paglipat ng kamay ng bawat segundong

namamatay. Dalawang buwan din ang inilagi ko sa probinsya bago tumungo


pa maynila. Bagamat, biglaan man at nagmamadali, pilit ko pa ring sinisilip
ang isang bagay na magpapa alala sa akin ng aking maiiwan.
Kulubot na ang balat, kupas na ang kulay dahil sa kalumaan at medyo may
sira na. Iyan na lang ang mga huli kong natatandaan sa nag iisang sapatos ng
aking tatay. Hindi ko alam kung ilang taon na yun pero ang alam ko mas
matanda pa ang sapatos na gamit niya kaysa sa akin. Naalala ko pa na palagi
nya itong nililinisan sa tuwing may minsanang okasyon pero palagi namang
nakatago sa maraming taon.
Tuwing magpapasko at bagong taon ko nalang nakikita ang sapatos na yun.
Pagkatapos nun wala na.

You might also like