Si Saul at Si David

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

SI SAUL AT SI DAVID

(Maiksing kasaysayan na may kapupulutang aral)

Sariwain natin ang kasaysayan ni haring David


Ama ng haring Solomon na lumikha ng mga awit
Bago naging hari dumaan sa pagsubok na mahigpit
Pastor ng mga tupa sa mga leon at oso malupit.
Pinahiran siya ng langis noong siya ay bata pa
Ni Samuel na Propeta ayon sa atas ng Ama
Sa mga magkakapatid hindi siya kasama
Sapagkat may gatas pa sa labi ika nga.
Bakit? Hindi ba si Haring Saul ay buhay pa?
Itinalaga na siyang hahalili sa kaniya,
Dahil si haring Saul nagkasalang lubha
Sa Maylalang hindi sumangguni kundi sa medium niya.
Si David ay naging bayani ng mga Israelita
Nuong paslangin niya ang kalabang higanteng mandirigma.
Walang Israelitang nangahas lumaban sa kanya
Nagalit si David, hinayaang lapastanganin bayan ng Ama.
Lumaban si David na walang baluti at matalas na tabak
Umasa siyang ang Panginoon sa kaniya ang hahawak.
Ibibigay ang ulo ni Goliat na madirigma
Kahit tirador lamang ang panlaban babaon ang bato sa ulo niya.
Naging pinuno ng hukbo si David sa angkan ng Huda
Tagumpay sa pakikipagbaka ibinigay ng pauli-ulit ng Ama.
Si Haring Saul ay pumaslang ng daan-daan, sabi nila
Si David ay libo-libo naman, sabi ng mas maraming Israelita.
(Inggit ay malupit kapag ito ay kumapit
Nagbalak si Haring Saul si David ay iligpit
Kaya siya (David) ay nagtago sa malayong yungib
Hindi nagkaroon ng paghihiganti sa dibdib.)
Anak, tularan mo si David sa paggalang sa karapatan.
Sa ginawa niyang iyon, naging hari naman.
Kahit ang kalaban siya mismo ay lapastangan (gaya ni Saul).
Ang pinahiran ng langis iyong pagpitaganan.
Akin ang paghihiganti, sabi ng Ama ating tandaan
Ang tampalasan ay mananagot, doktrina yan.
Kapag ikaw ay lumaban, aalisin ang pangalan sa talaan.
Mawawalan ka ng karapatan sa buhay na walang hanggan!

You might also like