Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Kaligiran ng Pag-aaral

Kagandahanisang bagay na inaasam makamtan ng mga kababaihan ngunit may


nagbabagong kahulugan. Ano nga ba talaga ang tunay na ibig sabihin nito sa mata ng karamihan?
Ang batayan ng kagandahan ay nagkakaiba sa bawat panig ng mudo, sa bawat bansa sa ibat
ibang kontinente. Marami na ang nakapagsabi na Beauty is in the eye of the beholder
Bagamat ang kasabihang ito ay may katuturan, ang ispesipikong depinisyon ng kagandahan ay
naiimpluwensyahan ng kasaysayan, ng kultura, at ng ibat-ibang paniniwala. Bawat isa rito ay
may kanya-kanyang bahaging ginagampanan sa pangkalahatang kuhulugan ng kagandahan.
Noong unang panahon, ang pinakamahalagang katungkulan ng isang babae ay pagdadala
ng sanggol sa kanyang sinapupunan. Kung kaya naman, ang kagandahan ay inaangkla sa
malalaking hinaharap at balakang; sapagkat, mas malusog itong tingnan at may mas malaking
tsansa ng survival.
Lumipas ang panahon, sa 500 BC, sa pag-usbong ng sibilisasyon sa Athens na nagging
sentro ng kultura, politika at ekonomiya ng Greece, walang malinaw na depinisyon ng
kagandahan. Naging malinaw lamang ito noong ginawa ni Plato ang golden proportion kung
saan

ang mukha ay kailangang may lapad na dalawang katlo (2/3) ng kanyang haba at

kailangang ang mukha ay simetrikal. Sa kasalukuyang panahon, napagtanto ng mga


mananaliksik na kaakit-akit nga ang simetrikong mukha.
Sa panahon ng Renaissance, nagkaroon ng malaking pagpapahalaga sa dibdib ng
kababaihan. Makikita ito sa kanilang mga likhang-sining na nagpapakita ng mga hubad na
larawan na may malalaking hinaharap, bughaw na mata, mahabang kulot na buhok at mga
katawang may katabaan.

Kabaliktaran naman ito noong panahon ni Tudor ng Inglatera kung saan mas maganda sa
paningin ang may maliit na dibdib. Patunay ditto ang mga damit sa panahong ito na
nagpapanatili ng maliit na hinaharap.
Noong ika-18 siglo, ang mga magagandang kababaihan ay hindi mataba o payat,
bagkus sila ay may maliliit na beywang. Pinakamalaking dekorasyon sa katawan ang buhok, na
kalimitay malalaki at nilalagyan ng laso o malalaking sombrero na nagpapakita ng katayuang
ekonomiko ng isang babae.
Noong 1930s kasabay ang pag-usbong ng Art Noveau at Art Deco sa Europa at Amerika,
ang nauusong buhok ay malalaki o may volume. Ito ay maikli, hanggang panga at may naaayong
porma. Ang mga may mahabang buhok ay iniipit upang makapagpakita ng hanggang pangang
buhok. Ang kulay ng buhok ay matingkad ngunit may iisang kulay lamang. Kung ang blonde ang
pinakamalinis tingnanng kulay, ang mga maiitim na kulay ang nagbibigay ng dating sa buhok.
Noong 1940s, sa kabila ng kasagsagan ng digmaan, nagkaroon ng mariing
pagpapahalaga ang tao sa kanilang mga buhok. Ang updos ng 30s ay nagpatuloy ngunit nagging
mas mahaba at may mas maitim na kulay. Kung kaya naman ang mga buhok ay ipini-pin curls at
binu-brush upang magkaroon ng natural na alon. Ilan sa mga style icon noong 1940s ay sina Ava
Gardener at Veronica Lake.
Noong 1950s kasabay ng pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdaig, ang
kagandahan ay iniugnay sa pagkakaroon ng imaheng pang-maybahay. Nagsusuot ang mga babae
ng makapal na mascara, eyeliner at eye shadow. Madalas ay nagpupunta sila sa salon upang
magkaroon ng perpektong kulot at alon o wave.

Sa pagpasok ng 1970s, naging imahe ng kagandahan si Farrah Fawcet ng Charlies


Angels. Sya ay may mahahaba at ginintuang mga dread locks, kayumangging balat at makintab
na labi. Maraming kababaihan ang gumaya sa itsurang ito. Katunayan, tinawag ang 1970s bilang
Hippie Decade, nauso rin ang mga body piercing at spikes. Naka-pokus ang dekadang ito sa
pagiging malaya sa pananamit
Nagkaroon naman ng dalawang nausong itsura noong 1980s. Nariyan ang kakaibang
itsura tulad ng mga mang-aawit na sila Madonna at Cindy Lauper. Nauso ang mga maikli at
matingkad na kulay ng buhok. Sa kabilang banda, nagkaroon naman ng mas malinis na porma,
ang preppy style.
Nagsimula ang ideya ng pagpapapayat noong 1990s. Sa kasamaang palad, nagbunsod ito
sa depresyon ng mga kababaihan dahil sa kanilang panlabas na kaanyuan.
Sa paglipas ng panahon, nagbabago-bago ang persepsyon ng karamihan tungkol sa tunay
nakahulugan ng kagandahan. At nais tuklasin ng mga mananaliksik kung ano na nga ba ang
pulso ng mamayan ukol sa usaping ito.

You might also like