Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

RESPONSABLENG

PAGPAPAMILYA
PARA SA KAUNLARAN

RESPONSABLENG
PAGPAPAMILYA
Nakasalalay sa kamay ng mga responsableng magulang ang
ikabubuti ng isang pamilya tungo sa isang matatag na
pamayanan.
Kabilang dito ang kakayanan na maibigay at matugunan ang
lahat ng pangangailangan ng mga anak upang lumaking
maunlad ang mga ito.
Magkatuwang na responsibilidad ng mag-asawa na planuhin
ang tamang bilang o laki ng pamilya, gayun din ang tamang
pag-aagwat at tamang panahon ng pag-aanak.

RESPONSABLENG
PAGPAPAMILYA
Makakatulong dito na malaman ang
PERTALIDAD ng babae at lalake at ang ibat
ibang pamamaraan ng pagpaplano ng
pamilya.
Ang mga magulang ay responsable sa
paghubog sa pamilya, kaakibat nito ay ang
pagtuturo ng mabuting asal, pagkakaroon ng
takot sa DIYOS, at ang sama samang
pananalangin.

RESPONSABLENG
PAGPAPAMILYA
Kasama rin dito ang masinop na
pangangasiwa ng sambahayan at
pananalapi o tamang pag-budget ng
pera, oras at lakas, masinop na pag
gamit ng kasangkapan, likas yaman at
kapaligiran.

FAMILY PLANNING

HUMAN FERTILITY
Ay ang kakayahan ng mag-asawa
na magka-anak. Ang babae na
magbuntis at ang lalaki na
makabuntis, ito ay bahagi ng
pagiging responsableng magulang.

ANO ANG FERTILITY NG LALAKI?


Nagsisimula sa pagbibinata edad 9-12 pag sya
ay naglabas na ng hinog na punlay (wet
dreams). Hudyat na maaari na syang
makabuntis.
Ang lalaki ay fertile araw-araw ng kanyang
buhay.
Ang semilya ng lalaki ay mabubuhay sa loob ng
matris ng babae sa loob ng 3-5 araw.

ANO ANG FERTILITY NG BABAE?


Nagsisimula ang pertilidad ng babae sa kanyang
pagdadalaga edad 9-12 sa unang regla. Hudyat
na maaari nang magbuntis ang babae.
Ang itlog ng babae ay inilalabas sa panahon ng
obulasyon at nagaganap isang beses lamang sa
bawat siklo ng babae.
Ang hinog na itlog galing sa obaryo ng babae ay
maaaring mabuhay ng mga 12-24 oras.

ANO ANG JOINT FERTILITY?

Mula sa lalaki ang semilya o


punlay at mula naman sa babae
ang itlog. At dahil dito, dapat na
magkatuwang sila sa
pagdedesisyon sa
pagpapamilya.

4 NA BAHAGI NG
SIKLO NG REGLA

UNANG BAHAGI ( Menstrual


phase)
Unang araw ng siklo
Nakakaranas ng pagdurugo na tumatagal ng 3-5
na araw
Ang pagreregla ay sanhi ng paghihiwalay ng
ENDOMETRIAL LINING sa matris. Sa umpisa ng
regla, nagsisimula ng sumibol ang mga itlog sa
obaryo.
Walang makikitang uhog sa pwerta, maliban sa
dugo o regla.

IKALAWANG BAHAGI (PreOvulatory phase)


Ang mga tuyong araw pagtapos ng regla.
Pabago-bago at di ito maoobserbahan ng ilang
kababaihan ang kanilang tuyong araw kung
maigsi ang kanilang siklo. (24 araw pababa)
Sa panahong ito nagsisimula ng mahinog ang
itlog at nagsisimula na muling gumawa ng
estrogen hormone.
Nag-uumpisa ng kumapal ang sapin ng matris.

IKATLONG BAHAGI ( Ovulatory


phase)
Mabunga ang mga babae sa bahaging ito kung saan
biglang tataas ang kanyang temperatura.
Nangyayari ito 12-14 araw bago sya magregla.
Naglalabas siya ng isang hinog na itlog patungo sa
kanyang anurang itlog.
Basa ang pakiramdam ng babae sa pwerta sapagkat siya
ay naglalabas ng uhog na madulas, malinaw na parang
klaro ng itlog.
Maaaring magbuntis ang babae pag may pagtatalik na
maganap.

IKA-APAT NA BAHAGI ( Postovulatory phase)


Mga panahon na di mabubuntis ang babae
Tuyo ang pakiramdam sa pwerta at walang
uhog
Bumababa ang estrogen at progesterone
na nagreresulta sa paghihiwalay ng lining
ng matris at mararanasan ang pagdurugo,
paglabas ng cervix.

KAHALAGAHAN AT BENEPISYO NG
FAMILY PLANNING
Sa ina:
Panunumbalik ng kalusugan pagtapos
manganak
Sapat na panahon sa pamilya
Maagapan ang masyadong bata (<18),
medyo matanda (>35), at sunod-sunod na
pagbubuntis dahil ito ay maselan at delikado
para sa kanila.

KAHALAGAHAN AT BENEPISYO NG
FAMILY PLANNING
Sa ama:
Ginhawa sa kabuhayan kung konti lamang ang anak
Pagkakaroon ng sapat na panahon sa asawa at anak
Pagkakataong makapag ipon para sa kinabukasan
Oportunidad sa pansariling pag unlad
Pagkakataong makasali sa mga programang
nagpapaunlad ng komunidad
Kung walang permanenteng kabuhayan, di gaanong
malaking pasanin ang kaunting anak.

KAHALAGAHAN AT BENEPISYO NG
FAMILY PLANNING
Sa anak:
MASAYA kung mabibigyan ng tamang pagmamahal at
atensyon
MALUSOG kung may tamang pangangalaga
NAIS ang tamang espasyo ng pag-aanak ay
nagbibigay ng oportunidad sa mga magulang upang
masubaybayan ng wasto ang paglaki at pag-unlad
SECURED ang kinakailangang pagkain, damit, mabuting
edukasyon, at lahat ng iba pang pangangailangan.

KAHALAGAHAN AT BENEPISYO NG
FAMILY PLANNING
Sa pamilya:
Maginhawang pamumuhay at sapat na panahon
para sa isat isa.
May pagkakataong makapag impok upang
magamit sa pagpapaunlad ng kabuhayan

MGA KADAHILANAN SA
PAGPAPLANO NG PAMILYA
Upang magka-anak lalo na sa mga wala pa o isa pa lang
ang anak. Ito ay ang pagtatalik ng mag asawa sa
panahong ang babae ay mabunga o paggamit ng
Natural Family Planning Methods.
Upang huwag muna o huwag na magka-anak sa
pamamagitan ng pag gamit ng sumusunod na paraan:
Artipisyal na paraan
Natural na paraan
Permanenteng paraan

MGA ARTIPISYAL NA PARAAN


Pills-araw araw
IUD-hanggang 10 taon
Condom-Spermicidal
Injectables- mayroong kada buwan
o kada tatlong buwan

NATURAL NA PARAAN
Cervical Mucus Method pag malagkit
ay hindi magbubuntis, pag malinaw at
nababanat maaaring magbuntis.

MGA PERMANENTENG PARAAN


BILATERAL TUBAL LIGATION (BTL) tinatalian at
pinuputol ang dalawang anurang itlog ng babae.
NO-SCALPEL VASECTOMY (NSV) tinatalian at pinuputol
ang anurang punlay na dinadaanan ng punlay sa mga
lalake.

You might also like