Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

EUTHANASIA

ay ang pagpapatiwakal ng isang indibidwal na nagnanais


ng wakasan ang sariling buhay sa tulong ng ibang tao. Ito
ay maaaring makatulong sa isang indibidwal na wala ng
pisikal na kapasidad na isagawa ang pagpapakamatay
dahil sa matinding karamdaman. Ang karaniwang
tumutulong sa pagsasagawa ng isang eutanasya ay isang
miyembro ng pamilya o doktor(kung ito ay legal sa isang
bansa) .

ALKOHOLISMO

ay isang salitang may iba't iba ngunit magkakasalungat na


kahulugan. Sa karaniwan at pangkasaysayan na paggamit,
binabanggit ang alkoholismo bilang kahit anong kalagayang
nagresulta sa patuloy na pag-inom ng mga inuming alkoholiko sa
kabila ng mga problema sa kalusugan at negatibong kahihinatnan
nito sa lipunan. Inilalarawan ng medisina ang alkoholismo bilang
isang sakit na nagresulta sa paulit-ulit na pag-inom ng alak at iba
pang inuming nakalalasing sa kabila ng mga negatibong
kahihinatnan nito. Maaari ring banggitin ang alkoholismo sa
pagiging maligalig sa pag-inom o pagpilit na makainom ng alak, at
maging sa kawalan ng abilidad na makilala ang mga negatibong
epekto ng sobrang pag-inom ng alak.

PAGPAPATIWAKAL

ay pagkilos ng sinasadyang pagsasagawa ng sariling


ikamamatay. Ang pagpapakamatay ay madalas na
ginagawa dahil sa kawalan ng pag-asa, ang sanhi nito ay
madalas na inuugnay sa mental disorder o sakit sa
isipan tulad ng depresyon, bipolar disorder, schizophrenia,
pagkalulong sa alak, o pagkalulon sa droga.

ABORSYON

ay ang sinadyang pagtatanggal ng embryo o fetus sa loob ng


matres, na nagsasanhi ng kamatayan nito. Pwede itong mangyari
ng biglaan tulad ng kapag ang babae ay nakunan, o
ng artipisyal sa pamamagitan ng kemikal, pagtistis at iba pa. Sa
pangkalahatan, ang "pagpapalaglag" o abortion sa Ingles ay
tinutukoy sa inuudyokang pagpapalaglag sa panahon ng
pagbubuntis; sa medikal na pagtawag, tinatawag na nakunan ang
babae kung ang pagpapalaglag ay nangyari bago ang ikadalawampung linggo ng pagbubuntis, kung saan ito ay tinuturing
na hindi pa buhay.

PAGGAMIT NG DROGA

ay tumutukoy sa anumang sangkap, hindi kasama


ang tubig at mga pagkain, na nakapagpapabago sa takbo
ng kaisipan ng tao at katawan din ng tao. Maaaring
makaapekto ang droga sa isip lamang ng tao o sa
katawan ng tao, subalit maaari ring parehong
maapektuhan ang mga ito. Sa malawakang kahulugan,
kinabibilangan ang mga bawal na gamot ng mga
produktong drogang may kapeina, tabako,
mga nalalanghap na sangkap o mga inhalante,
ang marihuwana o cannabis, heroina, at mga isteroyd.

MODYUL 13 :

MGA ISYU
TUNGKOL SA

BUHAY

You might also like