Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Araling Panlipunan (4th Quarter) Aralin 3 Summative Reviewer

Ideolohiya isang sistema o kalipunan ng mga ideya o kaisipan na naglalayong


magpaliwanag tungkol sa daigdig at sa mga pagbabago nito.
Desttutt de Tracy nagpakilala ng salitang ideolohiya bilang pinaikling pangalan ng
agham ng mga kaisipan o ideya.
Ibat ibang kategorya ng Ideolohiya:
1.) Ideolohiyang Pangkabuhayan nakasentro ito sa mga patakarang pangekonomiya ng bansa at paraan ng paghahati ng mga kayamanan para sa
mga mamamayan.
2.) Ideolohiyang Pampolitika nakasentro ito sa paraan ng pamumuno at sa
paraan ng pakikilahok ng mga mamamayan sa pamamahala. Pangunahng
prinsipyong political at batayan ng kapangyarihang political.
3.) Ideolohiyang Panlipunan tumutkoy ito sa pagkapantay-pantay ng mga
mamamayan sa tingin ng batas at sa iba pang pangunahing aspeto ng
pamumuhay ng mga mamamayan.
Ang Ibat iabng ideolohiya:
1.) Kapitalismo isang sistemag pangkabuhayan kung saan ang produksiyon,
distribusyon, at kalakalan ay kontrolado ng mga pribadong mangangalakal
hanggang sa maging maliit na lamang ang papel ng pamahalaan sa mga
patakarang pangkabuhayan.
2.) Demokrasya kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay ng mga tao.
Tuwirang demokrasya: ibinoboto ng mamamayan ang gusto nilang
mamuno sa pamahalaan.
Di-tuwirang demokrasya: kung ang ibinoboto ng mamamayan ay mga
kinatawan nila sa pamahalaan na siya naming pipili ng mga pinuno sa
pamahalaan.
3.) Awtoritaryanismo ang namumuno ay may lubos na kapangyarihan. (Ex.
Pamahalaan ng Iran)
Konstitusyonal na awtoritaryanismo ang kapangyarihan ng namumuno
ay itinakda ng Saligang Batas. Tawag rin ni dating Pangulong Marcos sa
kaniyang pamamahala.
4.) Totalitaryanismo pinamumunuan ng isang diktador o grupo ng taong
makapangyarihan. (Ex. Pamahalaan ni Hitler at Mussolini.)
5.) Sosyalismo nakabatay sa patakarang ekonomiya na kung saan ang
pamamalakad ng pamahalaan ay nasa kamay ng isang pangkat ng tao.
Hangad ng sosyalismo ang pagkakamit ng perpektong lipunan sa
pamamagitan ng pantay na distribusyon ng produksyon sa bansa. (Ex. China
at ang dating Union Soviet)
Ang Puwersang Pangkabuhayan sa Politika ng Bansa

Nag-ugat ang ideolohiyang komunismo sa Rusya noong panahon ng Tsar.


Bumagsak ang Dinastiyang Romanov sa kadahilanang:
1.) Pulitikal ang pamahalaan ay awtokratiko
2.) Pangkabuhayan mahirap at makaluma ang kalagayan at
pamamaraan ng pagsasaka.
3.) Sosyal kakaunti ang kalayaang sosyal. Lahat ay pinipilit na sumunod
sa pananampalatayang Orthodox. Pinalaganap ang wikang ruso.
- Binalak ni Lenin na magkaroon ng Pamahalaang Komunismo.
Kapayapaan, Lupain at Tinapay.
Ang Pagpalaganap ng Komunismo
Nagkaroon ng labanan sa pagitng ng mga Red Army (Bolshevik) at mga
White Army (Tsar).
Lenin kinailangang gumamit ng dahas at manakop para maitatag ang
Diktadurya ng mga Manggagawa.
Ang estadong itinatag nila ay tinawang na Union Soviet Socialist Republic
o USSR.
Mga prinisipyo ng USSR:
1.) Ang manggagaw ang supremo ng pamahalaan.
2.) Pangangasiwa ng pamahalaan sa sistema ng produksiyon at
distribusyon ng pag-aari.
3.) Pagwawaksi sa kapitalismo.
4.) Pagtatwa sa kapangyarihan ng Diyos at lubos na paghihiwalay ng
estado at ng simbahan;
5.) Pagsuporta, paghikayat at pagpapalaganap ng Kilusan Komunismo sa
buong daigdig.
Pagsilang n Fascism sa Italy

Fascism ideolohiyang namayani sa Italy.


Mga kondisyong nagbigay daan sa fascism:
1.) Nasyonalismo
2.) Paghihirap sa Kabuhayan price hike, tax increase, job crisis.
3.) Kahinaan ng Pamahalaan
Si Benito Mussolini

Black Shirts tagasunod ni Mussolini na pangkat na military.


Haring Victor Emmanuel napilitang gumawa ng bagong kabinete na si
Mussolini ang Punong Ministro.
Mga prinsipyong sinunod ng Fascism:
1.) Gumagawa laman ang tao sa kapakanan ng estado.
2.) Ang demokrasya at mahina at walang saysay at lakas ang
kinakailangang pangibabawin.

3.) Lahat ng bibitiwang opinion, pasalita man o pasulat ay kailangang


naaayon sa pamahalaan.
4.) Kinukontrol ang buong sistema ng edukasyon. Dinodominahan ng
fascitan propaganda ang mga paaralan.
5.) Maingat na sinesensor ang lahat ng pahayagan at publikasyon.
6.) Sinusuri ang lahat ng uri ng libangan.
7.) Hindi kinikilala ang kalayaan sibil.
8.) Binibigyan ng bonus ang malalaking pamilya.
9.) Hindi binibigyan ng karapatang sosyal, politika at pangkauhayan ang
mga babae.
Ang Nazi ng Germany

Nazism isa sa pinakamalupit na diktaduryang totalitarian sa


makabagong panahon.
Ang kahinaan ng Weimar Republic republikang pinakademokratikong
pamahalaan sa buong mundo na itinatag pagkatapos ng WWI.
Kasunduan ng Versailles
Paghihirap sa kabuhayan nagbigay-daan sa pagbagsak ng Rebublikang
Weimar.
Adolf Hitler pinakamakapangyarihang pinuno ng Nazi. Isinilang sa
Austria at isang panatikong nasyonalista. Binuo niya ang National Socialist
Party o Nazi.
Mein Kampf, Ang Aking Labanan:
1.) Ang kapangyarihang racial
2.) Anti-Semitism naging dahilan ng holocaust o pagpatay ng mga
Hudyo.
3.) Ang pagbuwag sa Treaty of Versailles
4.) Pan-Germanism
5.) Ang Pagwasak sa Demokrasya laban ang Nazism sa demokrasya at
pamahalaang Parlyamento.
Ang Pananaw sa Cold War

Lumakas ang US at ang Soviet Union (kapwa tinatawag na superpower)


US nagtaguyod ng demokrasya at kapitalismo.
Soviet Union kumakatawan sa sosyaismo at komunismo.
US tiniyak ang pagbangon ng kanlurang Europe at ang Japan sa
silangan.
Ang Tunay na Sanhi

Pagkakaiba ng ideolohiyang kanilang pinaniniwalaan isa sa rason sa cold


war

Pinutol ng Soviet Union ang kapangyarihan sa Silang Europe kaya naputol


ang kalakalan, limitado ang paglalakbay, bawal ang pahayagan, magasin,
aklat at pograma sa radio.
Tinawag itong Iron Curtain
Kompetisyon sa Kalawakan ng USSR at USA

Naunahan ng USSR ang US sa pagpadala ng sasakyang pangkalawakan


(Spunik I)
Una ring nagpadala ng tao sa kalawakan ang USSR Yuri Gagarin, unang
cosmonaut sakay ang Vostok I.
Naikot ni John Glenn Jr. ang buong mundo nang tatlong beses sakay ang
Friendship 7.
US unang makatapak sa buwang ang amerikanong sina Michael Collins,
Neil Armstron at Edwin Aldrin (Apollo 11)
USS Nautilus unang submarine na pinatatakbo ng puwersang nukleyar.
Telstar isang pangkomunikasyong satellite.

Mabuting Epekto ng Cold War

IMF International Monetary Fund


IBRR International Bank for Rehabilitation and Reconstruction o World
Bank.
Glasnost pagiging bukas na pamunuan sa pamayanan at perestroika o
pagbabago ng pangangasiwa sa ekonomiya.
Mga Di-mabuting Epekto ng Cold War
Bumaba ang moral ng mga manggagaaw ng Soviet Union.
Nagkaroon ng banta n magkaroon ng samahang pansadatahan tulad ng
Nort Atlantic Treaty Organization (NATO), WARSAW Treaty Organization o
Warsaw Pact, at ikatlong puwersa o kilusang non-aligned.

You might also like