Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

I.

I
II
III

IV

Pamagat
Kahapon, Ngayon at Bukas
May-akda/ Lugar
Aurelio Tolentino
Genre
Dula
Sanggunian
http://jayzielebusproyektofilipino.doomby.com/pages/kahapon-ngayon-at-bukas-niaurelio-tolentino.html
Buod
Ang kabuuan ng kwento ay pumapatungkol sa hindi pagsang-ayon sa
mga manlulupig na nagpapalawak ng kanilang teritoryo at pinamumunuan.
Ipinakita rito si Inang Bayan, ang sumisimbolo sa bayang Pilipinas, at ang
kanyang pagwawagi laban sa kanyang mga kaaway. Isa ring pupukaw sa
atensyon ng mga mambabasa at manunuod ng dulang ito ay ang paglililo o
pagtataksil ng isang kapwa Pilipino na si Asalhayop. Ipinabatid sa ating mga
Pilipino ang pagiging makasarili ng iba din nating kalahi. Kung sino ang akala moy
siyang kakampi ay siya palang pinaka
Mabagsik na kalaban. Hindi pinili ni Asalhayop ang maging kasapi ng mga
kalaban, pinili niya ang kanyang sarili. Pinili niyang punan ang sa tingin niyay
kakulangan niya. Pinili niya ang salapi dahil para sa kanya ito ang kanyang
Bathala. Ito ang nagpapaikot ng kanyang mundo kung kayat nagawa niyang
ipagbili ang sariling bayan. Pumatungkol ito sa mga Pilipinong mahihina ang loob
at hindi nagtataglay ng puso ng isang makabayan.
Sa kabilang banda, isa sa mga magigiting na tauhan sa dula ay
nagngangalang Tagailog. Nang mapukaw ang kanyang pagkamabayanay agad
itong gumawa ng hakbang upang tugisin ang mga kalaban. Batid niya ang
kahalagahan ng kasarinlandahil noon pa may ipinaglalaban na ito ng mga
Pilipino. Pinili niya ang bayan bago ang sarili. May mga kasama siyang handa ring

magdanak ng dugo at isugal ang kanilang mga buhay para sa baying sinilangan.
Kung kayat ganoon na lamang ang poot ng mga bayaning ito nang malaman
nilang pinagtaksilan sila ng isang kasamahan. Si Tagailog ang sumisimbolo sa
V

mga matatapang nating mga bayani.


Pagsusuri
Ang akdang ito ay nagpapakita ng kasaysayan ng Pilipinas. Isa itong
dulang sadyang nilikha upang magpakita ng mahalagang mensahe sa mga
bagong manananakop noon. Ang mga mahihirap ay lalo lamang naghihirap
habang ang mga mayayaman ay patuloy ang pag-unlad. Kapansin-pasin na ang
mga nag-aaral sa ibang bansa ang siyang mas maunlad at nagtataglay ng
malalaking opotunidad kumpara sa mga Pilipinong nag-aaral sa sariling bayan.
Ang mga magulang ay nagtutungo sa ibang bansa dahil sa kawalan ng trabaho
dito sa Pilipinas. At kung hindi naman ay dahil sa hindi sapat na kita o sweldo. Sa
madaling salita, an gating bayan ay Malaya ngunit nakamit nga ba natin ang
kalayaan na inaasam ng ating mga bayani?
Ang ating gobyerno sa kasalukuyang panahon ay maikukumparakay
Asalhayop. At tila nawawala si Tagailog upang puksain ang mapaglinlang na mga
kaaway na ito, na siya ngay mga Pilipino rin na ang tanging kamit at patuloy na

VI

kinakamit ay ang salapi at pansariling interes.


Teoryang Pampanitikan
Klasisismo- dahil itoy tumatalakay sa mataas na uri ng tao. Sinasabing
ang mataas na uri ay yaong yumayaman at nakapag-aral at itinuturing na

VII

makapangyarihan.
Bisang Pampanitikan
A Bisa sa isip
Sa ating lipunan ngayon ay talamak na ang paninilbihan ng mga
mahihirap sa mga mayayaman, ito ay dahil lamang sa labis na kahirapan. At ito

naman ay sinasamantala ng mga ganid na tao. Ipinakita ang pagka-ganid sa


salapi at sa mataas na katungkulan ng isang kapwa Pilipino na kung ating iisipin
ay hindi niya dapat ginawa sa sarili nating bayan. Bagkus, dapat nakianib siya at
isinugal din ang buhay para sa baying sinilangan. Hindi tamang ipagpalit mo sa
salapi at sa mataas na katungkulan ang sarili mong bayan.
B Bisa sa damdamin
Ang naiwang bisa sa aming damdamin bilang mambabasa ay haluhalong damdamin mula sa umpisa ng kwento hanggang sa wakas nito, at mula sa
mga tauhang nagsiganap sa nobelang ito. Paghanga kay Tagailog sa kanyang
pinakitang kabutihang loob at pagka-makabayan at pagkagalit kay Asalhayop
dahil sa pagkagahaman nito at kasamaang loob nito sa pagtaksil sa sariling
bayan. Poot at galit ang naramdam sapagkat hindi lubos maisip kung bakit kayang
ipagpalit ang kanilang sariling bayan sa isang salapi. Wala silang puso.
C Bisa sa kaasalan
Kapag nabasa at naunawaan nila ito ng mabuti ay malalaman nila ang
tunay na pangyayari noon at dito malalaman ang mga tunay na pagkatao ng
isang tao kapag ang nangingibabaw sa kanya ay salapi. Isang aral para sa ating
lahat na masasabi mong hindi sapat ang salapi para bilhin ang lahat ng bagay.
Katulad ng kalayaan ng ating bansa. Mayaman man o mahirap, ang lahat ng tao
VIII

ay pantay-pantay sa paningin ng Diyos.


Implikasyon
A Kalagayang panlipunan/ pambansa
Makikita ang kalagayan ng bansa sa tatlong panahon: ang Kahapon na
representasyon ng pananakop ng mga Intsik; ang Bukas na representasyon
naman ng pananakop ng mga Kastila; at ang Bukas na representasyon ng
nagbabadyang pananakop ng mga Amerikano. Nilalayon nitong "gisingin" ang

natutulog na nasyonalismo sa puso't isipan ng mga mamamayang ilang taon nang


dinidiktahan ng mga mananakop.
B Kalagayang pangkabuhayan
Paghihirap na may kasamang pag-unlad ang dinanas ng mga
mamamayang Pilipino sa kamay ng mga Intsik, Kastila at mga Amerikano.
C Kalagayang pansarili
Pansariling interes ang nagingibabaw dahil nasisilaw sila sa salapi.

You might also like