Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

MGA PISTA SA PILIPINAS

LUZON
Panagbenga
Ito ay ginaganap taun-taun sa Baguio na
ipinagdiriwang sa buong buwan ng Pebrero.
Ito ay ipinagdiriwang dahil sa kasaganahan
ng mga bulaklak sa Baguio.

Pahiyas
Isang makulay na pista na ipinagdiriwang tuwing ika-15 ng
Mayo sa Lucban,Quezon.Sapamamgitan ng pistang ito
pinasasalamatan ang mga
magsasaka sa dahil sa
kanilang
masaganang ani ang kanilang
patron na
si San Isidro Labrador.
Carabao Festival sa
Bulacan

Pulilan,

Idinaraos ito tuwing ika-14 ng


Mayo sa
bawat taon. Dahil sa daming
naitutulong ng kalabaw tinitiyak ng mga magsasaka na, araw-araw ay
napapakain at nabibigyan ng hustong pag-aalaga ang mga ito kapalit
ng kanilang paglilingkod. Ayon sa mga Pulileo, ang Carabao Festival
ay isang pagdiriwang ng pasasalamat sa kanilang patron, si San
Isidro Labrador. Bilang pagkilala, sa pagdaraos ng parada ay
lumuluhod ang mga kalabaw sa tuwing tatapat o bago tumapat sa

simbahan.

Mango

Festival
Sa masaganang aning
mga
bungang mangga na mas kinilalang sweetest and most delicious
mango world-wide ay apat na araw ang ilulunsad na piyesta sa
lalawigan ng Zambales na tinaguriang Dinamulag 2015.

Ati-atihan Festival
Ipinagdiriwang tuwing ikalawa
hanggang ikatlong linggong Enero kada
taon ang pistang Ati-atihan sa Kalibo,
Aklan, bilang pagdakila sa Santo Nio.
Nagpapahid ng uling sa mukha at
katawan ang mga mananayaw, samantalang patuloy ang ritmong
tambol nawari ng nagsasagutan sa himig ng Hala, Bira! Makikilahok
ang buong bayan sa pista, magbabahagi na ng pagkain at inumin, at
isang linggong malalango ang mga lansangan. Hinango ang pista sa

maalamat na pagtatagpong mga katutubo at ng mga Kristiyanong


mananakop, at ang pagsambasa Santo Nio na malimit hinihingan ng
milagro.
Ang selebrasyon ng Ati-atihan ay
dinadagsa ng mga lokal at
dayuhang turista hanggang
ngayon.

VISAYAS
Sandugo
Ang Sandugo ay ang tradisyunal na kasunduan na pinatutunayan ng
pag-iisang dugo. Ito ay higit na tumutukoy sa ginawang pag-iisang
dugong Kastilang si Miguel de
Legazpi at Boholanong si DatuSikatuna noongMarso 16, 1565
sa Bohol upang selyuhan ang kanilang pagkakaibigan. Pinasok ni
Lpez de Legazpi ang kasunduan upang tiyakin maayos na
pakikitungo sa kanilang mgakatutubo. Ito ang sinasabing unang
kasunduang internasyonal sa pagitan ng dalawang tao mula sa
magkaibang lahi, ang Filipino at Kastila.
Sinulog
Sumisiklab ang Lungsod Cebu, Cebu tuwing Enero dahil sa
pagdiriwang ng Sinulog. Gaya ng Ati-atihan, ang Sinulog ay
tinatampukan ng sagradong imahenng Santo Nio, at sa himig ng Pit
Seor! Hala, Bira! ay yayanigin ng tambol, palakpak, at hiyawan ng

mga tao ang buong lungsod. Ang Sinulog ay binubuo ng halos isang
buwan na paggunita sa mahal na patron ng mga Sebwano, at
kabilang ditto ang Sinulog Bazaar, ang timpalak Sinulog, ang sining at
pangkulturang pagtatanghal, prusisyon, ang parade doonsa Ilog
Mactan, ang Reyna ng Sinulog, at ang makukulay na kuwitis na
pinasasabog sa himpapawid.
Maskara Festival
Unang ginanap ang MassKara
Festival
bilang
panghalili
sa
kinagawian nang pagdiriwang sa
Bacolod na kinatatampukan ng
parada ng mga militar, pagkilala sa
ilang mga piling personalidad at
mga programang musikal tuwing
anibersaryo nang pagkakatatag ng
naturang lungsod. Nagsimula ito noong panahon ng krisis sa
naturang bayan. Ang mga kalahok sa pagdiriwang na ito ay
nagsusuot ng makukulay na maskara. Nakangiti ang mga nasabing
maskara na sumisimbulo ng ugali at pagkakakilanlan sa mga
residente
ng
Bacolod
bilang
lungsod ng mga ngiti.
Pintados
Festival

de

Pasi

Ang Pintados de Pasi


Festival ay
taunang
pagdiriwang na dinaraos
tuwing ikatlong linggo ng
sa
probinsiya
ng Iloilo.
Itinaon ang kapistahan sa
kung kailan naging siyudad
Passi, Marso 14, 1998.

Marso
petsa
ang

Ang
selebrasyong
ito
ay
sumasalamin sa mayamang kasaysayan ng Passi, Iloilo. Pangunahing
bahagi ng Pintado de Pasi Festival ang sayawan ng mga taong

napapalamutian ng tradisyunal na tattoo sa buong katawan. Sa saliw


ng musikang lumalabas mula sa tambol, plastik at kawayan
umiindayog ang mga mananayaw. Ang itaas na bahagi ng kanilang
katawan animoy alon na marahang hinahampas ng hangin. Mayroon
ding talon, ikot, lukso at pagsipang paggalaw na parang isang
mandirigma.

Salakayan Festival
Ang Salakayan
Festival ay
ipinagdiriwang
tuwing
unang
linggo ng Pebrero sa bayan ng
Miag-ao sa lalawigan ng Iloilo. Isa
itong selebrasyon ng kasaysayan
na nagbibigay ng oportunidad
para sa mga Miagawanon at mga
dumarayong
bisita
na
makapagsaya at magkasama sa
isang makulay na kapistahan.

MINDANAO
Kadayawan Festival

Ang Pista ng Kadayawan sa


Dabaw ay isang linggong
selebrasyon ng pasasalamat para
sa masaganang ani. Ito ay
ipinagdiriwang tuwing ikatlong
linggo ng Agosto sa Lungsod ng
Davao.
Ang salitang Kadayawan ay
nagmula sa katutubong salitang
dayao na ang ibig sabihin ay
madayaw isang ekspresyon na
ginagamit din upang ipaliwanag
ang mga bagay na mahalaga,
maganda, mabuti at kapaki-pakinabang. Sa Mandaya, ito ay
tumutukoy sa isang magandang bagay na nagdadala ng suwerte.

Kaamulan Festival
Ipinagdiriwang ang
Kaamulan sa lalawigan
ng
Bukidnon, partikular sa
lungsod ng Malaybalay,
simula
sa ikatlong linggo ng
Pebrero hanggang ika-10
ng
Marso. Bilang isang
etnikong pagtitipon,
ipinagdiriwang ng
Kaamulan ang mga
tradisyon at pinagmulan
ng
pitong tribo na orihinal na bumuo sa lalawigan ng Bukidnon. Ang mga
tribung ito ay kinabibilangan ng Bukidnon, Higaonon, Talaandig,
Manobo, Matigsalug, Tigwahanon at Umayamnon. Marami sa mga
miyembro ng nasabing mga tribo ang nagtitipon-tipon na nakasuot
ng mga hinabing kasuotan at mga aksesorya katulad ng mga hikaw,
kwintas, pulseras, mga anting at iba pang adorno sa katawan.
Lanzones Festival

Ang mga lokal na mamamayan ng


Mambajao, Camiguin at
mga
turista ay nagsasaya sa isang
linggong selebrasyon na may ibat
ibang aktibidad na nagpapakita ng
yaman ng kultura ng Camiguin.
Kontribusyon na rin ito ng mga
mamamayan
upang
makilala
ang Mindanao bilang isang cultural
tourism destination. Ilan sa mga ito
ay ang sayawan sa kalsada, parada
ng lanzones, agri-cottage industry
products exhibits, at beauty pageant (Mutya ng Buahanan). Bukod
dito,
inaabangan
din
ang
taunang
barangay beautification
contest, indigenous sports, at iba pang pagpapamalas ng lokal na
kultura.
Tuna Festival
Ang Tuna Festival ay
isang
pagdiriwang na
nagaganap sa loob ng
isang
linggo, simula huling
linggo
ng Agosto hanggang
unang
linggo ng Setyembre. Ito
ay
nagaganap sa General
Santos
City, na siyang tinuturing
na
Tuna Capital ng
Pilipinas. Ang okasyong
ito ay
nagsisilbing pagpapahalaga sa tuna bilang pangunahing
pinagkukunan ng kita ng lugar. Ito rin ay dinadayo ng libu-libong mga
turista, kung kayat ang Tuna Festival ay pinapahalagahan din bilang
isa sa mga pinakasikat na tourist attraction sa bansa.

Hermosa Festival
Ang Zamboanga La Hermosa o Fiesta Pilar ay isa sa mga pistang
ipinagdiriwang
sa Zamboanga bilang
pagbibigay-pugay
sa
milagrosong imahen ng Ating Babae ng Pilar sa Fort Pila. Naniniwala
ang mga taga-Zamboanga na naging simbolong kultural ang imahen
sa pagkakaisa ng mga tao sa kanilang lugar.
Nagsisimula sa 1 hanggang 12 ng Oktubre ang fiesta, kung saan
isinasagawa
ang
novena,
paputok,
parada,
kultural
na
pagtatanghal, regatta, at ang parada ng Miss Zamboanga.

You might also like