Professional Documents
Culture Documents
Aanhin Nino
Aanhin Nino
Aanhin Nino
Ni Vilas Manwat
Salin ni Luwalhati Bautista
Si Nai phan ay isa sa mga sikat sa kapit-bahayan. Hindi dahil isa siyang mananayaw na angpaa y singgaan
ng saboy ng bituin; hindi rin dahil ginawa niyang bukod-tangi ang sarili salarangan ng pulitika o panitikan. Marahil,
ang kanyang talino sa pagsasangkap sa isangmasarap na luto ng sinangag ang kanyang naging tuntungan sa
kawalang-hanggan, pero kahithindi naging katangi-tangi ang nalalaman niya sa pagluluto, magiging tanyag pa rin
siya,dahil handa niyang pahintulutan ang kanyang mga parokayano sa walang limitasyong pangungutang.Mahilig
siyang mamigay ng matamis sa mga bata nang hindi naghahanap ng pera. Mangyari pang dahilan ito lagi para
magreklamo ang kanyang asawa, pero sasabihin niya: Ang dalawampung satang na halaga ng matamis ay hindi
ipinahihirap ng pamilya. Pag ang ThanKhun, isang mataas na opisyal na naninirahan sa may iskinita, ay gusto ng
isang masarap nakape, sasabihin nito sa anak: Magdala ka rito ng kape mula sa tindahan ni Nai Phan. Marami
siyang maglagay ng gatas; iisipin mong nag-aalaga siya ng baka para doon!Sa iskinita ding iyon naninirahan ang
isang lasenggo na hilig nang lumitaw sa kaninan attumula ng mga berso mula sa kwento nina Khun Chang at Khun
Phaen; makikinig si Nai Phannang taimtim ang atensyon.
Matapos magpalabas, hihingi ang lasenggo ng isang libreng basong tsaang may yelo, na malugod namang
ipagkakaloob ni Nai Phan, na may kasama pangdoughnut para kumpleto. Pag maulan, sasabihin ni Nai Phan sa mga
estudyanteng dalagita: Mga binibini, nahihirapan na kayo sa pagtatampisaw sa putik. Mula ngayon, pwede nyong
bitbitin ang inyong mgasapatos hanggang sa aking tindahan at doon nyo isuot. Lagi niyang binibigyan ang mga
itong malinis na tubig para panghugas ng paa.Pero eksakatong gabi-gabi, isasara niya ang kanyang tindahan.
Sasabihin sa kanya ng mgakaibigan niya, Dapat kang magbukas at magsilbi sa gabi; dyan maganda ang negosyo,
masmadali kang yayaman.Masayang tatawa si Nai Phan at sasabihin, Mas masarap matulog kaysa magpayaman
nangmabilis.Ang sagot na itoy may pinupukaw sa puso ng mga nakakarinig na mas mayaman kaysa kay Nai Phan,
pero hindi pa rin kuntento sa yaman nila, bagkus ay nagkukumagkag pangmagpundar ng mas malaki pang
kayamanan. Ang mga taong naninirahan sa iskinita, pauwi sa kani-kanilang bahay sa kalaliman ng gabipagkaraan ng
maghapong ginugol sa paghahabol ng pera, ay makatatanaw kay Nai Phan nanakahilig sa kanyang maliit na silyang
de-tiklop, kuntentong nakikipag-usap sa asawa. At maiisip nila sa kanilang sarili, Ang saya-saya nilang tingnan,
malayo sa paghahangad sakayamanan. Mas mabuti pa sila sa amin.Isang gabi ay nagpunta sa sinehan ang kanyang
asawa, at nag-iisia si Nai Phan. Papadilim naat naghahanda na siyang magsara ng tindahan nang mabilis na pumasok
ang isang kabataanglalaki.Anong maipaglilingkod ko sa inyo sir? Tanong ni Nai Phan. Sa halip na sumagot,
naglabas ngbaril ang estranghero at itinapat iyon sa puso niya. Hindi ito maunawaan ni Nai Phan, peronadaman niya
na hindi maganda ang mga pangyayari.Iabot mo ang salapi mo, marahas na sabi ng kabataang lalaki. Lahat! Kung
anuman meron ka. Mukhang patayan ang uso sa mga panahong ito; nagbabarilan ang mga tao sa ibat ibang dako
araw-araw.
Pag pinatay kita, wala nang ispesyal doon, at pag napatay mo ako, hindi narin masyadong nakapagtataka,
kaya bilisan mo na. pag hindi ko nakuha ang salapi,patitikimin kita ng mga bala.Hindi nanginig si Nai Phan.
Kalmante siyang nakatayo at sinabi niya sa tinig na parangnakikipag-usap lang; Ibibigay ko sayo ang pera, pero
hindi dahil sa baril mo, ibibigay kosayo dahil mukhang kailangang-kailangan mo iyon. Baka nakasalalay ditoy
buhay atkamatayan. Eto. . . lahat ng perang meron ako ay nandito. Kunin mo na at umuwi ka naagad. Sinong
nakakaalam? Siguroy may sakit ang iyong ina; baka nga maraming taongnaghihintay doon, iniisip kung mag-uuwi
ka ng pera o hindi. Maraming buhay ang maaaring nakadepende sa pag-uwi mo na may dalang pera. Hindi ko
sasabihin sa mga pulis. Mgasiyam na raan ang cash dito; higit pa. . .kunin mo na.Inilagay niya ang salapi sa mesa
pero ang binatang holdaper ay tila hindi nagkalakas-loob nahipuin iyon.Bakit hindi mo kunin? tanong ni Nai Phan.
Tingnan mo, bakit kita lolokohin? Alam kong hirap na hirap ka. Hirap tayong lahat sa mga araw na ito. Hindi ako
naniniwalang masamakang tao. Sino ang gustong maging magnanakaw kung maiiwasan niya? Maaari ding
nagkaatake ang iyong ama at kailangan mo siyang alagaan. Dalhin mo sa kanya ang perangito, pero huwag mong
ubusin lahat sa gamot. Maniwalak ka sa akin, magagamot ng doktorang katawan, pero kailangan ng tao ang lunas
pati sa kanyang isip at kaluluwa. Bumili ka ngilang mababangong bulaklak, isang kuwintas ng bulaklak para sa
iyong ina na mailalagay niyasa harap ng sagradong imahen sa bahay. Iyon ang ginagawa ko gabi-gabi. Hindi
mokailangang malaman kung ano ang kabanalan o kung saan ito nananahan. Sapat na angmakadama ka ng
kapayapaan sa iyong sarili. Iyon ang langit. Ay!at itabi mo ang iyongbarilgiginhawa agad ang pakiramdam mo.
Ang isang lalaking may dalang baril ay hindinakakakilala nbg kapayapaan, ang puso niyay naghihirap sa
takot at pag-aalinlangan, at saamoy ng panganib. Hindi tayo liligaya habang ang ating mga kamay ay nagsisikip sa
mgasandata.Inilagay ng kabataang lalaki ang baril sa kanyang bulsa, tulad ng isang masunuring bata.Itinaas niya
ang mga kamay sa pagpupugay sa wai kay Nai Phan, na kilala sa kanyangsinangag at kape at pagbubukaspalad.Dapat na barilin ko ang aking sarili imbis na barilin ka, sabi ng kabataang lalaki.Huwag kang magsalita na
parang baliw, sabi ng tagapamahala ng tindahan, habang inaabotang pera sa binata. Ito na lahat iyon. Dalhin mo at
iyo nang lahat. Hindi ito pagbibigay naginawa sa galit. Alam ko na puno ang mga bilangguan, pero hindi ng mga
kriminal. Isa kanglalaking tulad ko, tulad ng ibang lalaki; kahit sinong lalaki, kahit isang ministro, ay ganyandin ang
gagawin ko kung desperado.Naupo ang kabataang holdaper. Hindi pa kita nakita kailanman, at hindi pa ako
nakakitakailanman ng gaya mo kung magsalita. Hindi ko kukunin ang pera mo, pero itinabi ko na angaking baril.
Ngayoy uuwi na ako sa aking ina na gaya ng sabi mo, umubo siya ng ilang ulitbago nagpatuloy. Masama
akong anak. Lahat ng perang ibinigay sa akin ng aking inayinubos ko sa karera ng kabayo; yong kakaunting
natiray inubos ko sa pag-iinom.Lahat ng taoy nagkakamali. Ano ba ang buhay kundi magkahalong
eksperimento,pagkakamalit mga kabiguan? sabi ni Nai Phan.Hindi, malakas ang katawan ko, alam mo,
pagpapatuloy ngkabataang lalaki. Narinig moba ang ubo ko? Natatakot ako na mayroon na akong T.B. iyon ang
dapat sa akin, sa palagayko, dahil meron akong mga ginawang masasamadapat talagang mamatay na ako agadagad.Hindi ako dapat mabuhay, pasanin lang ako sa mundo. Salamat, at paalam.
Hindi mo kailangang umalis agad. Dito ka muna sandali at mag-usap tayo. Gusto kitangmakilala. Saan ka nakatira?
Ano ang mga hilig mo? Ibig kong sabihin, ano ang mgapinaniniwalaan mo?Walang pag-asang umiling ang
kabataang lalaki. Hindi ko alam kung saan ako papuntangayon. Saan ako maaaring pumunta? Ano ang mga
pinaniniwalaan ko? Hindi ko alam.Mukhang walag anupaman sa mundong ito na karapat-dapat na paniwalaan.
Naging isangmiserableng nilikha na ako mula nang araw na akoy ipinanganak; hindi nakapagtataka nahindi ko
gusto ang aking mga kapwa-tao. Minsan, ang tingin koy pananagutan ng lahat angmga kasamaan ko. Ayokong
makisalamuha sa mga tao. Hindi ako nagtitiwala sa kahit kanino.Kinasusuklaman ko ang paraan ng pakikipag-usap
ng tao sa isat isa, kung paano nila gugulinang kanilang buhay, kung paano nila mahalin at purihin ang isat isa,
kung paano sila tumawaat ngumiti.Tumango nang may pagkaunawa si Nai Phan. Lahat ng taoy ganon ang
pakiramdam kungminsan.Kaya mo ba akong paniwalaan?. Hindi ako interesado sa kahit ano. Sawang-sawa na
akosa lahat.
Ang buong mundo ay parang hungkag. Walang kahulugan, walang anupaman namapangangapitan o
maigagalang ng tao. Kung talagang gusto kong magtrabaho, sa palagayko ay maaari akong humanap ng gawain. Pero
nasusuklam akong makita ang sangkatauhan,ayokong tumanggap ng kahit na anong pabor mula sa kanila. Mananatili
ako nang isang linggosa isang trabaho, dalawang linggo, sa isa pahindi ako nagtatagal kahit saan.Nagbabasa ka
ba ng libro? Dati. Pero umayaw na ako. Ni hindi na ako nagbabasa ng dyaryo ngayon. Bakit pa? alam naalam ko
kung anong laman nila. Wala kundi barilan, nakawan, patayan! Binabago nila angmga lugar at mga pangalan, pero
ganun at ganon din ang mga istorya.Hinimas ng kabataang lalaki ang kanyang baba at masusing naningkit ang mga
mata kay NaiPhan. Suwerte mo na hindi ka nagpakita ng anumang takot o galit nang pagbantaan kita ngbaril, tiyak
na papatayin kita. Ang daigdig na itoy punung-puno ng mga lalaki na gustongmagpakita ng galit, mga lalaking
marurumi ang isip, na laging bumubulalas na nabubulok naraw ang sibilisasyon at moralidad. Hindi ako naniniwala
na dahil lang daan-daan o libo-liboang napasama, ganun na rin ang dapat gawin ng lahat ng tao. Alam ko na ngayon
na hindiako naparito dahil sa pera kundi para patunayan sa sarili ko na tama ang aking paniniwala.
Naiisip ko palagi kahit pa nawawalan na ng pag-asa ang mundo at lumulubog na sa kalaliman,pinarumi at
dinungisan ng kasalanan ng tao, may natitira pa rin kahit isang tao na hindi taodahil lang ganun ang itsura niya,
kundi isang tunay na taong nilalang. Alam niya kungpaaanong magmahal ng iba, kung paano mapagwawagian ang
paggalang ng ibang tao. Perohindi ko ganap na pinanaligan iyon dahil wala pa akong nakitang ganun. Sa loob ng
maramingtaon ay iniisip ko: Sanay makakita ako ng isang tao na hindi pa naging buktot kasabay ngkabuktutan ng
mundo, para mapaniwalaan ko na may natitira pang kabutihan, paramagkaroon ako ng lakas para patuloy na
mabuhay. Ngayoy nakatagpo ako ng isang taong ganun. Ibinigay mo sa akin ang lahat ng hinahangad ko. Wala ka
nang dapat ibigay. Uuwi naako ngayon. Mangyari pa, sa isip ko, hindi ko na kamumuhian uli ang daigdig.
Natuklasan kosa wakas ang uri ng buhay na gusto kong tuntunin.Mukhang naging mas masigla na ang estranghero.
Tumindig na siya para umalis at pagkaraan,naalala niya, inilabas niya ang baril. Iniabot niya iyon sa may-ari ng
tindahan.Sanay kunin mo ito. Hindi ko na ito kailangan. Iyan ang tatak ng mababangis. Sinumanglalaki na
magdadala ng baril ay walang awa o paggalang sa iba, wala siyang iginagalang kundiang baril. Ang mga bandido y
maaaring mabuhay sa kanilang baril, pero ang buhay nilaylaging gagambalain ng katotohanan na ang mga kaaway
nilay maaaring sumalakay sa kanilanang wala silang kahandaan. Wala silang panahon para panoorin ang paglubog
ng araw o paraumawit. Pag ang taoy walang panahon para umawit, mabuti pang maging kuliglig na lang oibong
mynah.Ngumiti nang masaya ang holdaper, at kumakaway ng pamamaalam, idinugtong nito:Babalik ako para
makita ka uli, pero huwag mo nang ipakita uli sa akin ang aking baril. Yanang kaaway ng isang malinis na buhay.
Paalam.Nawala sa dilim ang estranghero. Yumuko si Nai Phan, ang may-ari ng tindahan, parabisitahin ang
pinakabago niyang pag-aari. Iniisip niya na bukas ay ipagbibili niya iyon.Kailangang-kailangan niya ng bagong
pansala ng kape.
Wala akong hangaring makipamista, o malibang. Hindi iyon ang dahilan ng paghahangad
kong magkaroon ng kalayaan. Ibig kong malaya upang makatayo nang mag-isa, mag-aral,
hindi para mapailalim sa sinuman, at higit sa lahat, hindi para pag-asawahin nang sapilitan.
Ngunit dapat tayong mag-asawa, dapat, dapat. Ang hindi pag-aasawa ang pinakamalaking
kasalanang magagawa ng isang babaeng Muslim; ito ang pinakamalaking kahihiyang
maipagkakaloob ng isang katutubong babae sa kanyang pamilya.
At ang pag-aasawa para sa amin mababaw pa ngang ekspresyon ang sabihing miserable.
At paano nga ba hindi magkakaganoon, kung tila ginawa lamang para sa lalaki ang mga
batas, kung pabor para sa lalaki at hindi para sa babae ang batas at kumbensyon; kung ang
lahat ng kaluwagay para sa kanya lang?
Pag-ibig! Anong nalalaman namindito ukol sa pag-ibig?Paano namin maiibigan ang isang
lalaking hindi namin kailanman nakilala? At paano nila kami iibigin? Hindi yata maaaring
mangyari iyon. Mahigpit na ipinaghihiwalay ang mga kabataang babae at lalaki, at
kailanmay hindi pinapayagang magkakilala.
Sa gubat, tinuruan ng isang guro ang mga magkakaibigang kobra, sawa at dahong palay ng pagtatanggol sa sarili.
Ang mga ito ay tinuruan ng guro sapagkat napansin nito na ang mga ahas ay maliliit at palagi silang kinakawawa ng
mga mas malalaking hayop.
Matapos ang kanilang pagaaral, natuto nga ang mga ahas ng kakayahang ipagtanggol ang sarili. Mahigpit na
ipinagbilin ng guro sa mga ito na wag gamitin ang natutunang kakayahan sa paghahambog lamang. Ito ay gagamitin
lang nila kung kinakailangan at sa mabuting layunin lamang.
Ngunit dahil sa bagong natutunan, naging mataas ang tingin ng mga ito sa sarili. Saan man sila magpunta ay
pinagyayabang nila na itinuro sa kanila ng guro ang kakayahan na ipagtanggol ang sarili maski mas malaki pa ang
kalaban.
Isang araw, ang mga ahas ay nagkatuwaan at nagpustahan kung sino sa kanila ang pinakamagaling. Nagpatagisang
gilas silang tatlo. Dahil dito, ang lahat ng mga hayop sa gubat ay nagkagulo. Sumakit ang katawan ni Leon ng pilipitin
ni kobra. Iika-ika si elepante matapos sipa-sipain ni sawa ang kanyang mga binti. Si matsing naman ay napagod at
hinihingal sa katatakbo upang maiwasan ang mga suntok ni dahong palay.
Narinig ng guro ang ginawa ng mga tinuruan niyang ahas. Napa-iling ito at nag-isip kung paano niya tuturuan ng
leksiyon ang mga hambog at malilikot na hayop. Matapos mag-isip ay hinanap niya ang mga ahas.
Nang makita ng guro ang mga ahas, ito ay nagdasal. Napatulog niya ang mga ito. Itinali niya at inipit ang mga paa ng
malilikot na ahas at pinutol ang mga ito.
Nagising ang tatlo at nakita ang putol nilang mga paa. Nasa tabi nila ang kanilang guro. Pinaunawa ng guro na kaya
niya pinutol ang mga paa nito ay dahil sa naging hambog ang mga ito dahil sa panibagong natutunan. Pinagsabihan
niya ang mga ahas na simula noon ay wala na silang paa at gagapang na lamang sila para makalakad. Hindi na rin
nila magagamit ang kakayahan sa pagtatanggol dahil hindi sila karapat-dapat para dito.
Simula noon ay gumagapang na lang ang mga ahas. Dahil hindi na rin nila magamit ang kakayanan ng pagtatanggol
at sa hiyang dinulot ng pagkakaputol ng paa, sila ngayon ay naging mailap sa ibang mga hayop. Nagtatago sila at nagaantay ng tamang pagkakataon upang umatake sa kanilang biktima.