Professional Documents
Culture Documents
Mga Salitang Pangkayarian
Mga Salitang Pangkayarian
Tagalog/Pang-ugnay
Pang-ukol[baguhin]
Ang pang-ukol (Ingles: preposition) ay kataga o salitang nag-uugnay sa pangngalan o panghalip sa
ibang salita sa pangungusap.
sa para sa ayon
para kay tungkol sa
na may
Halimbawa: Ang kanyang nilutong ulam ay para sa kanyang asawa at mga anak.
Mga Gamit ng Pang-ukol[baguhin]
1. Nagpapakita ng kinalalagyan o patutunguhan ng isang bagay. Halimbawa: Ang pera ay nasa loob
ng kuwarto ni Coby.
2. Upang ipakita ang dahilan o pagmamay-ari. Halimbawa: Ang bagong damit ay para kay Lita.
3. Ang layon ng pang-ukol ay maaaring pangngalan o panghalip. Halimbawa: Ang kanyang talumpati
ay para sa kababaihan. Marami siyang kinuwento tungkol sa pagpapalago ng negosyo.
Pangatnig[baguhin]
Ang Pangatnig (Conjunction sa salitang Ingles) ang tawag sa mga kataga o salitang naguugnay sa
dalawang salita, parirala o sugnay na pinagsusunod-sunod sa pangungusap:
at pati saka o ni maging subalit ngunit
kung bago upang sana dahil sa sapagkat
Uri ng Pangatnig[baguhin]
=Paninsay[baguhin]
Ito ay nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay.
at saka pati ngunit maging datapuwat subalit
Halimbawa:
Gusto niyang bumili ng damit, ngunit wala siyang pera.
Naglinis muna si Hannah, saka siya nagluto.
Pantulong[baguhin]
Ito ay nag-uugnay ng di-magkapantay na salita, parirala o sugnay.
kung kapag upang para nang sapagkat dahil sa
Halimbawa:
Nag-trabaho siya ng mabuti, para makabili siya ng damit.
Umasenso ang kanyang buhay, dahil sa kanyang pagsisikap.
Pang-angkop[baguhin]
Ang pang-angkop (ligatures sa wikang Ingles) ay ang salitang nag-uugnay sa panuring at salitang
tinuturingan. Tatlo ang pang-angkop na ginagamit: na, -g, at -ng.
Pananda - ito ay nagpapakilala o nagsisilbing tanda ng gamit na pambalarila ng isang salita sa loob ng
pangungusap.
Halimbawa ng mga salitang pananda;
1. Ang / Ang mga - ginagamit sa pantukoy ng isang pangngalan na ginagamit na simuno ng
pangungusap. Ginagamit ang ang mga kapag marami ang tinutukoy.
2. Sa / Para sa - ang sa ay ginagamit bilang isang panandang ganapan kung saan naganap ang
kilos ng pandiwa. Ito ay nagiging panandang kalaanan kung sinasamahan ng salitang para.
3. Si / Sina - ginagamit sa pagtukoy ng tao o mga tao. Ang si ay ginagamit sa isahan at ang sina
ay para sa dalawahan o maramihan.
4. Ng / Ng Mga - ginagamit bilang pananda sa pangngalang ginagamit na layon ng pandiwa,
panuring na paari o tagatanggap ng pandiwa.
5. Kay / Kina - ito ay mga pananda ng pangngalang ginagamit na layon ng pandiwa at panuring.
Ang kay ay isahan at ang kina ay maramihan.
6. Ay-isang pang-angkop o panandang pagbabaligtad na binabaligtad ang pangungusap mula sa
payak na panaguriang pangungusap.
MGA PANANDA NA GINAGAMIT SA PAGPAPAHIWATIG NG KILOS
Pananda - ito ay nagpapakilala o nagsisilbing tanda ng gamit na pambalarila ng isang salita sa loob ng
pangungusap. Halimbawa ng mga salitang pananda:
1. Sa / Para sa - ang sa ay ginagamit bilang isang panandang ganapan kung saan naganap ang
kilos ng pandiwa.
Tatlong Pang-angkop
Posted by Bokals on Sunday, January 20, 2013
Labels: Pang angkop / Comments: (1)
1. Pang-angkop na -NA Ito ay nag-uugnay ng dalawang salita na kung saan ang naunang salita ay
nagtatapos sa mga katinig (consonant) maliban sa titik n. Isinusulat ito nang kahiwalay sa mga salitang
pinag-uugnay.
Halimbawa:
1. malalim bangin = malalim na bangin
2. mataas tao = mataas na tao
3. feel feel = feel na feel
4. yamot yamot = yamot na yamot
5. tulay bato = tulay na bato
2. Pang-angkop na -NG Ito ay isinusulat karugtong ng mga salitang nagtatapos sa mga patinig
(vowel). [a, e, i, o u].
Halimbawa:
1. malaya isipan = malayang isipan
2. malaki bahay = malaking bahay
3. buo buo = buong-buo
4. madamo hardin = madamong hardin
5. sombrero pandan = sumbrerong pandan
Halimbawa:
1. aliwan pambata = aliwang pambata
2. balon malalim = balong malalim
3. pamayanan nagkakaisa = pamayanang nagkakaisa
4. pamilihan bayan = pamilihang bayan
5. institusyon pangmental = institusyong pangmental
Answer:
ang mga halimbawa ng pantukoy ay:
Ang Pantukoy ay ang katagang ginamit sa pagpapakilala sa pangngalan. Ito ay tinatawag na Article
sa wikang Ingles.
Uri ng Pantukoy
Ang, Ang mga -Ito ay ang pantukoy sa ngalan ng bagay, lunan o pangyayari.
Halimbawa:
Ang kotse ni Raul ay maganda.
Si, Sina -Ito ay mga pantukoy ukol sa ngalan ng tao.
Halimbawa:
Si Jose Rizal ang ating pambansang bayani.
Sina Rizal at Bonifacio ay magigiting na mga bayani.
Ng, mga, Ni, Nina, Kay, Kina, Sa, Sa mga -Ito ay tumutukoy sa mga tao o bagay na nagmamay-ari ng
alinmang bagay.
Halimbawa:
Kay Maria ko ibibigay ang mga rosas na ito.
Sa mga lilipat, mag-ingat po sa dadaanang tulay.
Wastong Gamit ng Pantukoy
Pangawing
Posted by Bokals on Friday, August 27, 2010
Labels: Pangawing
Pangawing ang AY ay palatandaan ng ayos ng pangungusap. Ibinabadya nito ang karaniwang ayos
pangungusap. Ang una ang panag-uri sa paksa ay nilalagyan ng pagbabago. Palataandaan ito na inilipat
ng posisyon ang bahaging paksa ng pangungusap. Ito ay pang-dugtong sa mga pangungusap na dikaraniwang ayos
Halimbawa:
Ako ay galing sa banyo.