Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

1. Sinabi din sa akda na hindi totoong aksidente ang pagdating ng mga Amerikano sa Pilipinas.

Ang kanilang pagpasok sa Pilipinas at sa buong Asya ay udyok ng makasariling hangarin. Noong
daw mga panahong yaon, humihina na ang mga dating kolonyalistang bansa tulad ng Espanya,
Portugal, Pransiya at Olanda. Dahil dito, madaling naisagawa ng Estados Unidos ang
pagpapalawak ng kanyang impluwensyang pangkabuhayan. Napadali ang pagtatatag nila ng
pamilihan sa ibat-ibang bansa sa Asya na napagdadalhan nila ng kanilang produktong industriyal
at agrikultural na labis sa pangangailangan ng kanilang mamamayan. Ayon pa sa may-akda,
inihandang mabuti ng Estados Unidos ang kanyang sistemang gagawin na may hangarin sa
Asya.

Idineklara ang kasarinlan noong 12 Hunyo, 1898, sa pagitan ng ikaapat at ikalima ng hapon sa
Cavite sa pinamanang tahanan ni Heneral Emilio Aguinaldo, 30 kilometro timog ng Maynila. Nakita
sa pangyayaring ito ang pagwagayway ng Pambansang Watawat ng Pilipinas, na siyang ginawa sa
Hong Kong ni Marcella Agoncillo, Lorenza Agoncillo at Delfina Herboza, at ang pagpapatugtog
ng Marcha Filipina Magdalo bilang pambansang awit, na kilalala ngayon bilang Lupang Hinirang, na
siyang sinulat ni Julian Felipe at pinatugtog ng bandang San Francisco de Malabon.[2]
Ang Akto ng Pagpapahayag ng Kasarinlan ay inihanda, sinulat at binasa ni Ambrosio Rianzares
Bautista sa wikang Kastila. Ang pagpapahayag ay inilagda ng 98 katao, kabilang na dito ay isang
opisyal ng hukbong Amerikano na siyang nakasaksi sa proklamasyon. Ipinahayag ng huling talata
na mayroong isang "estranghero" (extrangero sa wikang Kastila, na nangangahulugang dayuhan)
na dumalo sa katitikan, si G. L. M. Johnson, na siyang inilarawan bilang "mamamayan ng U.S.A,
isang Koronel ng Artilerya".[3] Ngunit ang pahayag ng Kasarinlan ng Pilipinas ay ipinatupad lamang
noong 1 Agosto, kung kailan marami nang mga bayan ang binuo sa ilalim ng mga pamuntunang
inilatag ng Pamahalaang Diktaturya ni Heneral Aguinaldo.[4][5]

benevolent assimilation (uncountable)


1. (US) The assimilation of a people group, by absorbing foreign people into a new culture, with
the primary stated reason being that it is an act of benevolence.
Finally, it should be the earnest wish and paramount aim of the military administration to win
the confidence, respect, and affection of the inhabitants of the Philippines by assuring them
in every possible way that full measure of individual rights and liberties which is the heritage
of free peoples, and by proving to them that the mission of the United States is one of
Benevolent Assimilation substituting the mild sway of justice and right for arbitrary rule." -William McKinley, December 21, 1898

Ang Labanan sa Pasong Tirad ay isa sa mga labanan ng Pilipino at Amerikano kung saan
ang namuno sa mga Pilipino ay si Hen. Gregorio del Pilar.
Unang araw ng Disyembre nang mapasailalim ang Concepcion sa mga Gringo. Ang
Kabundukan ng Concepcion ay Tirad, na kasalukuyan sina Aquinaldo, Del Pilar at kanilang
rebolusyonaryo'y patuloy ang pagtakas sa dahilang pag habol sa kanila ng tropa ni Major
Peyton March na may "nom de guerre", January Galoot. Karamihan sa mga sundalong
Gringo ay beterano ng "Indian Wars" at nakakarami dito'y mga "sharpshooters". Napabalita
na mayroong napatay na 53 rebeldeng Pilipino at kabilang dito ay si Heneral Del Pilar.

Si Heneral Gregorio H. del Pilar (Nobyembre 14,1875 - Disyembre 2,1899), bayani ng Tirad Pass, ay ang
pinakabatang Pilipinong heneral na nagsakripisyo ng kanyang buhay para sa kalayaan at kasarinlan
ng Pilipinas noong panahon ng rebolusyon.
Siya ang pangalawa sa mga pinakabatang anak ng kanyang mga magulang na sina Fernando H. del Pilar at
Felipa Sampio, na ipinanganak noong 14 Nobyembre 1875 sa San Jose, Bulacan. Marahil nasa dugo na niya
ang pagiging nasyonalismo dahil sa ang kanyang tiyo na si Marcelo H. del Pilar ay isa ring propagandista, at
ang isa pa niyang tiyo na si Padre Toribio H. del Pilar ay kasama naman ay sa pag-aaklas sa Cavite noong
1872.

Noong 1 Enero 1897, bilang isang sundalo, siya at ang iba pa niyang mga kasama ay lumusob sa Kakaron.
Dahil sa napasok nila ang kuta ng mga kaaway at dahil na rin sa kanyang katapangan, itinaas ang kanyang
ranggo bilang Tenyente. Noong Agosto 1897, nagsagawa naman siya ng isang pagsalakay sa Paombong,
kung saan natalo rin niya ang pwersa ng Espanyol at muling naitaas ang kanyang ranggo sa Tenyente Koronel.
Napansin ni Aguinaldo ang kanyang galing sa pakikidigma, kaya matapos ang konklusyon ng Kasunduan ng
Biak-na Bato noong Disyembre 14 at 15, 1897, sumama siya kay Aguinaldo at naging isa sa mga alaga nito.
Noong Mayo 1898, itinalaga siya ni Aguinaldo na maging Diktador ng Bulakan at Nueva Ecija.
Sa gabi ng 1 Hunyo 1898, dumating ang tropa ni del Pilar sa Kay Luntaw, itinayo ang kanyang kuta sa
Matungao at sinimulan niyang paligiran ang probinsiya ng Bulakan. Noong 24 Hunyo, pinirmahan ni
Gobernador Vicente Cuervo at Commander Ortiz ang pagsuko ng mga Espanyol, at dahil sa kanyang
tagumpay, itinaas muli ang kanyang ranggo sa Brigadier General.
Naging kanang-kamay si del Pilar ni Aguinaldo noong 5 Hunyo 1899. Ginawa rin siyang Gobernador Militar
ng Pangasinan. Noong Nobyembre 22, inutusan si del Pilar na depensahan ang Mt. Tirad upang
maprotektahan ang pagtakas ni Presidente Aguinaldo.
Sa umaga ng 2 Disyembre 1899, sinugod ang Mt. Tirad ng 300 Amerikano sa ilalim ni Major Payton C. March.
Noong una, napigilan ng mga sundalong Pilipino ang pag-atake ng mga kaaway, ngunit isang bayarang espiya,
si Jose Galut ang nagkanulo sa mga Pilipinong sundalo kaya naman nakapasok ang mga kaaway. Sa araw
ding ito, nabaril si del Pilar at binawian agad ng buhay.
Kinuha ng mga Amerikano ang kanyang mga personal na gamit, kabilang dito ang isang talaarawan na may
nakasulat na,

Sa 60 na sundalo na lumaban sa Mt. Tirad, walo lamang ang nabuhay. Isang marangal na sundalong
Amerikano, si Lt. Dennis P. Quinlan, ang nag-utos sa kanyang mga tauhan na magbigay galang sa mga
namatay na magigiting na sundalong Pilipino. Sa isang batong pananda kung saan namatay si del Pilar,
nakaukit ang mga sumusunod na salita:

Si Macario Sacay Y de Leon (Macario Sakay) ay isang Filipino ng Heneral na nakipaglaban sa mga
Amerikano noong Digmaang Filipino- Amerikano.
Siya ang nagtatag ng Republika ng Tagalog, na ang pangunahing misyon ay labanan ang pananakop ng mga
Amerikano.
Noong 14 Hulyo 1906, makatapos matanggap at mabasa ni Sakay ang liham mula sa gobernador-heneral ang
Amerika, na nagsasabing siya at ang kaniyang mga tauhan ay bibigyan ng amnestiya kapalit ng kanilang
pagsuko. Si Sakay na isa sa mga huling Filipinong heneral na namumuno sa mga rebolusyonaryo ay sumuko.
Makalipas ang tatlong araw, hinuli si Sakay at ikinulong. Siya ay pinagbintangan isang bandido o tulisan. At
noong Setyembre 13 1907, si Sakay ay pinatay ng mga Amerikano.

Si Miguel Malvar y Carpio (Setyembre 27, 1865 - Oktubre 13, 1911) ay isang Pilipinong heneral na
naglingkod noong Himagsikang ng Pilipinas at kalaunan sa kasagsagan ng Digmaang PilipinoAmerikano. Ginampanan niya ang pamamahala ng panghimagsikang hukbong katihan ng Pilipinas
noong huling bahagi ng sigalot pagkatapos sumuko si Emilio Aguinaldo sa mga Amerikano noong
1901. Ayon sa ilang mga mananalaysay, maaari siyang itala bilang isa mga pangulo
ng Pilipinas subalit kasalukuyang hindi kinikilala ng pamahalaan ng Pilipinas.

You might also like