Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Paningin

Ang paningin sa kwento ay tumutukoy sa pananaw na pinagdaraanan ng mga pangyayari sa katha.


Ito ay kaugnay ng nagsasalaysay. Sa pamamagitan ng paningin nakikilala ng bumabasa ang nilikhang paglalahad, ang lugar
at ang panahong sumasaklaw sa paglalahad, ang taong pinaglalaharang nito, ang relasyon ng naglalahad at ng pangyayaring
inilalahad, at kung gaano ang nalalaman ng nagsasalaysay.
MGA URI NG PANINGIN
Unang Panauhan

Paninging Panarili

Ikatlong Panauhan

Obhetibong Paningin o Palayon


Paninging Laguman
Tinakdang Obhetibong Paningin

UNANG PANAUHAN
Ang ganitong paglalahad ng isang kwento ay karaniwang tungkol sa karansan ng nagsasalaysay- ni ako. Ang ako ay
kumakatawan sa tauhang nagsasalaysay kaya ang kwento ay lumilitaw na personal niyang karanasan at iyon ay mula sa kanyang
pananaw lamang.
PANINGING PANARILI (Subjective Point Of View)
Ang paninging panarili ay isang paraan ng pagsulat na sa pamamagitan ng daloy ng kamalayan o stream of consciousness.
Sumusulong ang kwento sa pamamagitan ng paglalahad ng may-akda na ang isipan at damdamin ay naaayon sa damdamin at
kaisipan ng isang tauhan lamang. Isinasalaysay ang kwento sa pamamagitan ng unang panahunan (first person). Gayunman hindi
ginagamit ang panghalip na ako.
Halimbawa: Suyuan sa Tubigan ni Macario Pineda
Sumisilip pa lamang ang araw nang kami'y lumusong sa landas na patungo sa tubigan ni Ka Teryo. Nakasabay namin si Ka
Teryo. Nakasabay namin sa Ka Albina, na kasama ang dalaga niyang si Nati at ang kanyang pamangking si Pilang. Ang tatlo'y may
sunong na mga matong ng kasangkapan at pagkain.
Halimbawa: Bahagi ng Kuwento ng Isang Guro ni Silvester Tagarao
Hindi niya namamalayan nang dumating si Avelino. Maingat ang yabag nitong papaloob at maingat ding tumayo sa tapat ng
mesang susulatan niya. May naulinigan siyang bahaw na tinig. Itinaas niya ang kanyang mukha at ang mga mata niya ay dumapo sa
yayat at maputlang mukha ng isang maliit na bata na sa kanyang palagay ay nasa pagitan ng labindalawa o labintatlong taong gulang.
Napuna agad niya ang limahid na kauutan nito at buhok na hindi man lamang maayos. Nakita rin niya na sa tuyot at mapanglaw na
mukha ng bata ay maipapalagay na hindi man lamang nalilinis ito ng tubig.
Naitanong niya sa bata kung siya nga ay si Avelino na tila hindi niya mapaniwalaang iyon nga. Tumango ang bata . Ang
kanyang noo at nguso ay ginigitian ng pawis . Nangngatal ang kanyang mga kamay habang pinapatunog ang mga daliri. Mailap ang
kanyang mga mata.
Sa di akalaing pagbabalikwas ng damdamin ay naramdamn na lamang niya na siyay nahahabag kay Avelino.

PANGATLONG PANAUHAN
Ang mga pangyayari sa ganitong uri ng paningin ay dumaraan sa panauhang "siya na maaring sinuman.
Ang nagkukwento ay gumagamit ng pangatlong panauhan na malayang nagsasalaysay ng mga pangyayari sa kwento. Ang
nagsasalaysay ay maaaring pumasok sa isipan at damdamin ng mga tauhan at sabihin sa bumabasa kung ano ang kanilang iniisip o
nadarama. Nabibigyan din ng puna at pakahulugan ang kilos ng mga tauhan. Nasasabi ng nagsasalaysay ang lahat ng gusto niyang
sabihin o itago ang nais niyang itago.
OBHETIBONG PANINGIN O PANINGING PALAYON
Ang tagapagsalaysay ay nagsisilbing kamera o malayang nakalilibot habang itinatala nito ang bawat nakikita at naririnig. Ang
tagapagsalaysay ay hindi nakakapasok sa isipan ng tauhan at hindi rin nakapagbibigay puna o paliwanag. Tumatayong tagapanood
lamang siya ng mga pangyayari sa kwento. Nakikita niya ang ginagawa ng mga tauhan, naririnig ang sinasabi nila , ngunit hindi niya
tuwirang masasabi ang kanilang iniisip o nadarama.
Halimbawa :Ang Nara, ang Bagyo at ang Alaala ni A. Sanchez Encarnacion
Pinulot ni Victor ang naligaw na dahon ng nara na nilipad sa pasamano ng bintana, at hindi niya naunawaan kung bakit
dahan-dahan niya itong inilagay sa lukong ng malambot na palad.
Halimbawa:Hango sa Kuwento ng Isang Guro ni Silvester Tagarao
Ang pagdating ni Avelino ay hindi nalingid kay Bb. Cruz na guro ng bata,bagamat
pumasok at humarap sa kanyang titser.

halos walang nakakamalay nang itoy

Titser, aniya na halos hindi marinig na tinig, Titser, ang ulit matapos lumunok ng laway , ako nga po ba ay ipinatatawag
ninyo?
Nang itinaas ni Bb. Cruz ang kanyang mukha at ang mga mata niya ay dumapo sa yayat at maputlang mukha ni Avelino ay
hindi niya mapigilang mawika sa sarili: Kahabag-habag naman ang ayos ng batang ito. Limahid ang kasuutan at ang buhok ay hindi
man lamang maayos. At kay Avelino, aniya: Ikaw nga ba ay si Avelino?
Opo,ako po, at ang noo at nguso ay ginitian ng pawis, at ang mga daliri ay pinatutunog habang ang mga kamay ay
nangangatal.
Kaawa-awa ka naman, Avelino, ang napiping tinig sa mga labi ni Bb. Cruz.
PANINGING LAGUMAN
Ang paninging laguman ay ang pagsasama sa katha ng dalawang paraang nabanggit,ang mga paraang panarili at palayon .
Ang ganitong paraan ng pagtingin ay siyang pinakamadalas gamitin ng mga mangangatha at iyan din ang paraang nagpapahintulot sa
awtor na malawak na kalayaan sa pagasasalaysay, paglalahad at paglalarawan.
TINAKDANG OBHETIBONG PANINGIN
Ang pananaw ay limitado sa isa lamang na tauhan sa kwento. Maaaring ang pangunahing tauhan o di kayay alinman sa
mga katulong na tauhan sa kwento ang tagapagsalaysay.
Halimbawa:
Naguumapaw ang kasiyahan na mayroon sa aking puso sa araw ng aking pagtatapos. Pagtatapos na matagal kong
inasam sa aking buhay. Higit kaninuman, walang papantay sa kagalakang ngayoy nararamdaman ng aking minamahal na ina. Sa
wakas ay masusuklian ko na ang pawis at dugo na kanyang inialay mabigyan lamang ako ng edukasyon. Alam kong Lubos niya akong
ipinagmamalaki.

HANAH

GRACE

V.

NONAN

You might also like