Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Uri ng Pagbasa

Iskiming- pasaklaw na pagbasa upang makuha ang pangkalahatang ideya tungo


sa pagpapasya kung alin ang tekstong gagamitin o bibilhin.

Iskaning- uri ng pagbsa na ang hinahanap sa teksto ay ang pangunahing salita o


keywords o pamagat lamang. Hindi binibigyang pansin ang ibang mga kaugnay ng
detalye.

Kaswal- di gaanong seryoso ang pagbasa tulad na lamang kung nagpapalipas ng


oras, nagpapatuyo ng buhok habang nagbabasa at iba pa.

Previewing- ang uring ito ay hindi agadnagtutuon ng pansin sa kabuuan ng


teksto. Tinutunguhan muna ang sumusunod:
*pamagat at mga kaugnay na paksang nakapaloob sa teksto.
*pagsulyap sa una, gitna at huling bahagi ng teksto.
*kung mayroong introduksyon, buod, larawang grap, at tsart ang hinahanap sa
teksto.
*pagsulyap sa talaan ng nilalaman ng teksto.

Matiim na Pagbasa- higit na maingat na pagbasa. Ang mga impormasyong


nakalap ay karaniwang ginagamit sa sulating teknikal.

Pagbasang Pang-impormasyon- pagbasa na hinahanap ang lahat ng


mahahalagang impormasyon na kinakailangan ng mambabasa higit na binibigyangpansin ang dati ng kaalaman upang maiugnay sa bagong pangangailangan.

Pagtatala- ginagawa habang nagbabasa ang pagtatala sa mga mahahalagang


detalye na kinakailangan ng mambabasa. Stabilo naman ang gamit ng iba upang
madaling makita ang mahahalagang bagahi na dapat tandaan upang maging
madali sa muling pagbasa.

Muling Pagbasa- pag-uulit ng pagbasa upang higit/lubos na maunawaan ang


teksto. Sa muling pagbasa, maiiwasan ang muling konsepto sa isipan na nabuo sa
unang pagbasa.

Teorya tungkol sa Pagbasa


Teoryang Bottom-up- Ito ay isang traditional na pagbasa. Ito ay bunga ng teoryang
behaviorist na higit na nagbibigay pokus sa kapaligiran sa paglinang ng komprehension sa pagbasa.
Ayon sa teoryang ito, ang pagbasa ay pagkilala ng serye ng nakasulat na mga simbolo upang
maibigay ang katumbas nitong tunog. Nananalig ang teoryang ito na ang pagkatuto sa pagbasa ay
nagsisimula sa pagkilala sa mga titik, salita, parirala, at pangungusap bago malaman ang kahulugan
ng teksto. Sinasabi nitong ang pagbasa ay pagkilala ng mga salita, at ang teksto ang pinakamahalaga
sa pagbasa. Ang mambabasa ay isang pasib na partisipant lamang sa proseso ng pagbasa dahil ang
tangin tungkulin niya ay ulitin ang lahat ng mga detalyeng nakasaad sa tekstong kanyang binasa. Ang
proseso ng pag-unawa ayon sa teoryang ito, ay nagsisimula sa teksto (bottom), patungo sa
mambabasa (up), kaya tinawag itong bottom up. Tinatawag din itong "outside-in" o "data driven"
sapagkat ang impormasyon sa pag-unawa ay hindi nagmula sa tagabasa kundi sa teksto.

Teoryang Top-Down- Nabuo ito bilang reaksyon sa naunang teorya. Ito ay dahil
napatunayan ng maraming dalubhasa na ang pag-unawa ay hindi nagsisimula sa teksto kundi sa
mambabasa tungo sa teksto. Ito ay impluwensya ng sikolohiyang Gestalt na naniniwalang ang
pagbasa ay isang prosesong holistik. Ayon dito, ang mambabasa ay napakaaktib na partisipant sa

proseso ng pagbasa, na siya ay may taglay na dating kaalamang nakaimbak sa kanyang isipan ay may
sariling kakayahan sa wika na kanyang ginagamit habang nakikipagtalastasan sa may-akda sa
pamamagitan ng teksto. Tinatawag din ang teoryang ito na "inside out" o "conceptually-driven" dahil
ang kahulugan o impormasyon ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto. Ito ay nangyayari
dahil ang mambabasa ay gumagamit nga kanyang mga dating kaalaman at ng konseptong nabuo sa
kanyang isipan mula sa kanyang mga karanasan at pananaw sa paligid. Bunga nito, nakakabuo siya
nga kanyang mga palagay at hinuha na kanyang iuugnay sa mga ideyang inilalahad ng awtor ng isang
teksto.

Teoryang Interaktib- Bunga naman ito ng pambabatikos ng mga dalubhasa sa


ikalawang teorya. Ayon sa mga proponent nito, ang top-down at maaaring akma lamang sa mga
bihasa nang bumasa at hindi sa mga baguhan pa lamang. Higit na angkop daw ang kombinasyong
top-down at bottom-up na nagpapahiwatig ng dalawang direksyon ng komprehensyon, itaas-pababa
at ibaba-pataas. Ayon sa teoryang ito, ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan. Dito
nagaganap ang interaksyong awtor-mambabasa at mambabasa-awtor.. kung gayon, ang interaksyon
ay may dalawang direksyon o bi-directional. Masasabing ang teoryang ito ay isang pagbibigay-diin sa
pag-unawa sa pagbasa bilang isang proseso at hindi bilang produkto. Sa teoryang itong, mahalaga
ang larangan ng metakognisyon na nahihinggil sa kamalayan at kabatiran sa taglay na kaalaman at sa
angking kasanayan ng mambabasa.

Teoryang Iskima- Mahalaga ang tungkuling ginagampanan sa pagbasa ng dating


kaalaman ng mambabasa. Ito ang batayang paniniwala ng teoryang iskima. Bawat bagong
impormasyong nakukuha sa pagbabasa ay naidaragdag sa dati nang iskima. Samakatuwid, bago pa
man basahin ng isang mambabasa ang teksto, siya ay may taglay nang ideya sa nilalaman ng teksto
mula sa kanyang iskima sa paksa. Maaaring binabasa na niya lamang ang teksto upang mapatunayan
kung ang hinuha o hula niya tungkol sa teksto ay tama, kulang o dapat baguhin. Dahil dito, maaaring
sabihin na ang teksto ay isang input lamang sa proseso ng komprehensyon. Hindi teksto ang iniikutan
ng proseso ng pagbasa, kundi ang tekstong nabubuo sa isipan ng mambabasa.

You might also like