Professional Documents
Culture Documents
Fil - Done
Fil - Done
KABANATA I
SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
Panimula
Ang paaralan ay isang institusyon kung saan nililinang ang mga kakayahan at abilidad ng
mga mag-aaral. Ito ay maaring pampubliko o pampribado. Layunin nitong mabigyan ng sapat na
kaalaman at malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral upang maging kapaki-pakinabang na
mamayan. At isa pang layunin nito ay ang makalikha ng mamayan na kayang makipagsabayan sa
buong mundo sa aspeto ng kakayahan, katalinuhan at kaalaman. Nakatutulong rin ang paaralan
sa pagunlad ng lipunan sapagkat ito ay nagbibigay ng sapat na edukasyon na magiging kaagapay
sa pagunlad ng buhay ng mag-aaral at ng bansa.
Sa bawat paaralan, hindi na mawawala ang mga guro na nagsisilbing susi sa pagkatuto ng
mga mag-aaral. Ang hirap na pinagdadaanan ng bawat guro ay tunay ngang nagsisilbing simbolo
ng pagiging espesyal na indibidwal nila sa lipunan. Sila ang nagbibigay ng mga bagong
kaalaman at lumilinang ng mga kakayahan ng mga mag-aaral.Sila rin ay nagtuturo ng mga
magagandang asal at pag-uugali na maisasagawa sa loob o labas man ng paaralan. Batid ng
marami na ang guro ay pinakamahalagang baryabol sa silid-aralan na nag-aangkin ng kakayahan
at kasanayang propesyonal, magandang saloobin at pananaw sa propesyon.
Ayon kay Papham (1980), malaki ang tungkuling ginagampanan ng mga guro sa
pagpapaunlad ng mga kakayahang taglay ng mga mag-aaral. Ang kanyang impluwensya sa
lipunan at sa paghubog ng mga kakayahan ng mga mag-aaral ay hindi matatawaran kailanman.
Bilang pangalawang magulang, siya ay nagsisilbing uhay sa pagpapalago at pagpapayabong ng
anumang kakayahang mayroon ang mga mag-aaral.
Pahina| 1
Pahina | 2
Ayon kay Smith (1995), Ang guro ay dapat maging malikhain at maparaan sa pagtuturo upang
ang mga mag-aaral ay mabilis at mabisa ang pagkatuto.Ang pagiging epektibo ay hindi lamang
sa kaalaman na mayroon siya kundi ito ay ang kakayahan niyang maisalin o maibahagi sa mga
mag-aaral ang kaalaman at kakayahang tinataglay niya. Sabi nga ng isang manunulat You
cannot give what you do not have! bilang mga pangunahing tagapagturo at tagapagbahagi ng
kaalaman, ang isang guro ay dapat na hindi huminto sa kanyang pag-aaral pormal man ito o
hindi; sa pagkauhaw sa mga kaalaman na makatutulong sa kanyang propesyon at sa tuwina ay
pagtuklas ng mga pamamaraan upang higit na mapaunlad ang kanyang pagtuturo.
Si Richard (1992) ay nagsabing ang epektibong guro ay malikhain. Ang kanyang klase ay
masigla, kawili-wili at laging may bagong gawain. Hindi lamang ang magpunla at magkintal ng
impormasyon or prinsipyo ang hangarin, kundi higit sa lahat, ang ninanais ay matulungan ang
mga mag-aaral na mapabuti ang buhay. Dagdag pa ni Hendricks (1998), nasusukat ang pagiging
epektibo ng isang guro sa gawain, kaasalan at saloobin ng kaniyang mga tinuturuan. Ito ang
resulta ng kanyang mga gawain sa klase. Ito ang batas ng edukasyon.
Sa pahayag ng mga dalubhasa, masasabing napakalaki ang papel ng mga guro sa proseso
ng pagtuturo-pagkatuto. Umiikot sa silid-aralan ang kanilang mundo at kumikilos ayon sa dikta
ng pilosopiya bilang isang edukador. Ang pagpapahalaga sa mga tinuturuang mag-aaral ang
batayan sa pagpili at paghahanda ng mga araling magagamit upang makipag-ugnayan sa
kaniyang mga tinuturuan. Nababatid niya ang mga angkop na metodo, estratehiya at mga
kagamitang instruksyunal na makatutulong upang mapakilos ang mga mag-aaral tungo sa
pagtugon at pagkatuto.
Batid ng marami na ang guro ay ang pinakamahalagang baryabol sa sild-aralan. Ito ang
tunay na guro na nag-aangkin ng kakayahan at kasanayang propesyonal, magandang saloobin at
Pahina| 2
Pahina | 3
pananaw sa propesyon at may magandang katangiang personal. Maaring maging guro siyang
qualified to teach subalit baka hindi naman siya quality teacher. Maaring nakatugon siya sa
kahingian ng pagiging kwalipikadong gurong magtuturo sapagkat nakapagtapos siya ng kurso ng
pagkaguro ngunit naging epektibo ba ang kanyang pagtuturo? Mataas ba ang kalidad ng
kaniyang isinagawang pagtuturo upang masabi o makapantay na isa sa mga de-kalidad?
Nais naming ipahayag sa aming gagawing pananaliksik ang mga katangian ng isang
epektibong guro na nakakaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Gayon din ang mga
pamamaraan, estratehiya at mga kagamitang instruksyunal na ginagamit ng mga guro sa
pagtuturo.
Layunin ng Pag-aaral
Ang pananalksik na ito ay naglalayong malaman ang mga katangian ng isang epektibong
guro sa pananaw ng mga mag-aaral nasa unang taon ng kursong edukasyon sa Baliuag
University. Upang maging tiyak ang pag-aaral na ito ay naglalayon na:
1. Mabatid ang kahalagahan ng paaralan at edukasyon sa mga mag-aaral.
2. Malaman ang ibat- ibang katangian ng isang epektibong guro sa pananaw ng mga
mag-aaral na kumukuha ng kursong Edukasyon Baliuag University.
3. Mabigyang diin ang epekto ng guro sa kinabukasan ng kaniyang mag-aaral.
4. Malaman ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mabisang pagkatuto ng mga magaaral.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Pahina| 3
Pahina | 4
Ang payak na pananaliksik na ito ay isanasagawa upang malaman ang mga katangian
ng isang epektibong guro na nakakaapekto sa ibat ibang aspeto o bahagi ng Baliuag
University. Ang mga nasabing aspeto o bahagi ay ang mga sumusunod:
Mga mag-aaral na kumukuha ng kursong Bachelor of Science in
Education(BSED), ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa kanila upang lumawak pa ang
kanilang kaalaman ukol sa mga pamamaraan, estratehiya at istilo ng pagtuturo ng mga
epektibong guro upang magamit nila sa kanilang magiging propesyon balang-araw.
Mga magaaral, ang pananaliksik na ito ay makatutulong sa kanila upang magkaroon
sila ng kaunawaan sa kahalagahan ng isang epektibong guro na humuhubog sa kanilang mga
kakayahan at nagpapaunlad sa kanilang mga kaalaman.Ito rin ay makakatulong upang mas
pahalagahan nila ang kanilang mga guro na nagsisilbing pangalawang magulang.
Mga magulang, ang pag-aaral na ito ay mabibigyan sila ng kaalaman ukol sa mga
katangian ng epektibong guro na huhubog sa kakayahan ng kanilang mga anak. Ito rin ay
makakatulong sa kanila upang maging isang epektibong magulang na nagsisilbi ring guro sa
kanilang mga anak. Sila ang nagsisilbing tagapunla ng uhay ng pagpapahalaga sa mga
munting isipan ng kanilang mga anak.
Mga guro, ang resulta ng pag-aaral na ito ay magiging instrumento nila upang mas
maging mabisa ang kanilang pagtuturo. Ito rin ay makatutulong sa kanila upang malaman
ang mga ibat ibang istilo at estratehiya na maaari nilang gamitin upang magkaroon ng
epektibong pagtuturo sa kanilang mga estyudante.
Unibersidad, ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa unibersidad upang magkaroon
ng dekalidad na edukasyon upang mas mahubog ang kanilang mga estyudante. Ito rin ang
Pahina| 4
Pahina | 5
Paglalahad ng Suliranin
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang mga katangian ng isang
epektibong guro sa pananaw ng mga mag-aaral sa unang taon ng kursong Edukasyon sa
Baliuag University.Upang palawigin ang pag-aaral na ito ay naglalayong masagot ang
mga tanong na:
Pangkalahatang katanungan
1. Ano ang mga katangian ng isang epektibong guro sa pananaw ng mga mag-aaral na nasa
unang taon ng kursong Edukasyon?
Tiyak na katanungan
1. Ano ang propayl ng mga mag-aaral sa mga sumusunod na baryabol?
a. Edad
b. Kasarian
2. Ano ang layunin ng paaralan sa mga mag-aaral?
3. Ano ang mahalagang papel na ginagampanan ng isang guro sa buhay ng mga mag-aaral?
Pahina| 5
Pahina | 6
Hindi sinakop ng pag-aaral ang iba pang mag-aaral sa Baliuag University na nasa
ika-dalawang taon hanggang ika-apat na taon at iba pang departamento tulad ng Kolehiyo
ng Sining at Agham, Kolehiyo ng Narsing at iba pa.
Depinisyon ng mga Terminolohiya
1. Edukasyon- ay isang kasanayan na nakatutulong sa mga mag-aaral na matuto at
umunlad ang kakayahan.
2. Estratihiya-ay ang maingat o masusing pagplaplano ng mga maaksyong bagay para
makamit ang nais na mangyari (goal)
3. Qualified Teacher ay ang mga guro na de-kalidad ang pagtuturo.
4. Skills-Ito ang mga kakayahan na tinataglay ng bawat isa na maaring linangin at
mapaunlad pa.
5. Visual Aids- ay mga larawan o imahe na ginagamit sa pagtuturo upang mas maging
malinaw at mas medaling maunawaan ang itinuturo
6. Background-Ito ang mga personal na impormasyon ng isang tao.
7. Favoritism- ay ang pagtatangi o pagkiling sa isang bagay o sa isang tao.
8. Feedback- Ito ang impormasyong tugon ng encoder o dekodermatapos nilang
maibigay at maunawaan ang mga hatid na mensahe.
9. Sining- ay ano mang kasanayan kung saan napapakita ang pagkamalikhain at nais
ipahatid na mensahe ng isang tao.
10. Obra-maestra- ay may kakaibang katangian na di makikita sa ibang mga akda at siya
namang nagpapatanyag sa gumawa at lumikha nito.Tumutukoy sa isang gawa o akda
na sinulat o binuo na hinahangaan sa kakaiba nitong pagka-gawa at disenyo
11. Persepsyon- ito ang pagkilala sa mga simbolo na nakalimbag.
KABANATA II
Pahina| 6
Pahina | 7
Pahina | 8
(2000) ang pagtuturo ay isang sining sapagkat ito ay maayos na paraan ng pagsasagawa ng
pagkikintal ng kaalaman. Ito ay sangay ng karunungang nauukol sa paglikha ng maririkit na
bagay, magagandang kaganapan. Sa masining na pananaw at pamamaraan ng isang guro
nakasalalay ang mabisang pagtuturo. Ang pagiging malikhain at pagka-resourcefulay
nagbubunga ng mabisang pagtuturo. Samakatuwid ang isang masining na paraan ng pagtuturo ay
makakatulong sa mga mag-aaral, una sa lahat ay maganyak (motivate) silang mag-aral. Ang pagaaral ng liksiyon ay isang hakbang naman tungo sa ikauunlad o ikalalawak ng komprehensyon
ng mga mag-aaral, na tanda ng pagkatuto. Binigyang halimbawa at pagtutulad ni Calderon
(1998) ang sining ng pagtuturo sa isang pintor na kayang gumawa ng marikit, masining at
simbolikong obra-maestra. Kasama na rito ang mga ibat-ibang pamamaraan ng pagtuturo ng
mga guro para sa bawat uri ng kakayahang pang-akademiko ng mga mag-aaral.
Ayon kay Manuel 2012, malaki, malawak at malalim ang epekto ng isang guro sa buhay
at kinabukasan ng kaniyang mga mag-aaral at sa sambayanan. Ang kaniyang mga ibinahagi
maging ito man ay pang-akademiko, pag-uugali at pagpapahalaga ay hindi masusukat ang halaga
at hangganan sa hinaharap. Samakatwid, bilang mga guro, kailangang matugunan ang
pangangailangan ng isang partikular na pangkat ng mga mag-aaral na maging makabuluhan sa
daigdig na papasukin nila pagkatapos ng kanilang pag-aaral. (Badayos, 2006).Ang kakayahan at
responsibilidad ay nasa guro at ginagampanan niya ang tungkulin bilang instruktor sa paggamit
ng talakayan sa leksyon.(Novak,1998).
Ang pagiging epektibo at mabisang pagtuturo ng isang guro ay tunay ngang mahalaga sa bawat
mag-aaral. Magagawa ng isang gurong epektibo ang akayin sa pagkatuto ang kanyang mga magaaral na nagtataglay ng kani-kaniyang mga potensyal at kakayahan (DepEd; 2002) .Sa ganitong
Pahina| 8
Pahina | 9
paningin, ang papel ng paaralan sa mga mag-aaral ay ang makapagbigay ng pagkakataon sa mga
ito na madibelop o malinang ang kani-kanilang taglay na kakayahan (skills). Magsisimulang
matuto ang mga mag-aaral sa mapanghamong reyalidad at ang guro dapat na nakaantabay at
nakaalalay sa pagpapaunlad ng kaisipan ng mga mag-aaral.Ito ay sa paggawa ng mga araling
makatutulong sa lalo pangpagpapaunlad ng kanilang ibat ibang taglay na mga katalinuhan.
Ibat ibang pananaw ng mga dalubhasa ukol sa katangian ng isang epektibong guro:
Ayon kay Valle 1995, Ang mga katangiang dapat makita sa isang guro o
tagapangasiwa ay katapatan, kagandahang-loob, mahusay makitungo, at
pagkamagiliw
Ayon kay Prozesky, 2000, ang epektibongguro ay may kakayahang mapadali ang
mahihirap at kumplikadong paksa at nagagawang maituro ng maayos at malinaw
sa mga mag-aaral.
Ayon kay Graham et al. 2001, Ang epektibong guro ay naniniwala na ang lahat ng
mga mag-aaral ay kayang matuto at maging matagumpay balang-araw. Ang
gurong may positibong pananaw ay nakakapagpalakas ng loob ng mga mag-aaral
na pagbutihan ang kanilang pag-aaral at abutin ang kanilang mga mithiin sa
buhay.
Ayon kay Strong et al. 2004, Ang epektibong guro ay nakikinig sa opinyon at
komento ng kaniyang mga estyudante .Tumutulong na mapagaan ang loob ng
Pahina| 9
P a h i n a | 10
bawat mag-aaral kung may dinadala man itong mga problema at nagpapakita ng
malasakit.
Ayon kay Killen 2006, Ang epektibong guro ay may maganda at maliwanag na
layunin sa pagtuturo.
Lowman 1994, Ang epektibong guro ay laging handa sa pagtuturo at alam kung
anong akmang pamamaraan at estratehiya ang kaniyang gagamitin sa talakayan.
Ayon kay Zeichner 1993, magiging epektibo ang isang guro kung aalamin niya ng
lubusan ang kaniyang mga estyudante, ang mga background nito, ang kanilang
mga abilidad at kahinaan,ang kanilang mga interes at mga ayaw upang mai-akma
ng guro sa katangian ng mga estyudante ang kaniyang gagamiting pamamaraan
upang maging mabisa ang kaniyang pagtuturo.
Sinabi ni Willing (1988; Nunan 1991; Badayos 1999) na ang isang gurong
sensitibo at isinasaalang-alang ang istilo sa pag-aaral ng mga estudyante ay
makatutulong upang magkaroon ng isang matagumpay at mabisang pagkatuto.
Para naman kay Borich (1996), ang mga gawain ng isang epektibong guro ay ang mga
sumusunod:
Pahina| 10
P a h i n a | 11
Inilarawan ni Ornstein (1990) ang ibat ibang aspeto ng mabisang pagtuturo sa loob ng klase:
1. Pamamahala ng klase- Napapaunlad ng isang mabisang guro ang kanyang
magagandang pamamaraan sa pamamahala ng klase. Nagiging disiplinado ang mga magaaral , at alam nila ang kanilang mga gampanin at gawi.
Pahina| 11
P a h i n a | 12
Ayon kay Aranan (1990), Ang pamamaraan ng pagtuturo ay hindi lamang dapat na
manatili sa pagpapaunlad ng mga kaalaman kundi sa mga pagkakataong maiaangkop ng mga
Pahina| 12
P a h i n a | 13
mag-aaral sa pang araw-araw na buhay ang mga magagandang kaugalian hanggang maging
bahagi ito ng kanilang pagkatao.
Totoong
mag-aaral.
may
mga
nasa
Bukod
katangian
guro
sa
ang
paksa
siyang
madali
at
dapat
at
mabisang
pamamaraang
na
laging
dapat
isaisip
pagkatuto
niyang
upang
ng
mga
matutuhan,
maging
lalo
Kaugnay na Pag-aaral
Tinalakay ni Rosenshine (1995) ang nauukol sa pag-unlad ng pagtuturo na resulta ng
tatlong bahagi ng pananaliksik na kanyang isinagawa sa loob ng 25 taon. Ang mga pananaliksik
ay nauukolpag-aaral sa mga gurong humahawak ng klase na nakakuha ng pinakamataas na
marka, at pananaliksik sa pamamaraang kognitibo. Tinangka ng pag-aaral na ito na alamin ang
mga gawi ng guro na may kaugnayan sa pagtatagumpay ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral.
Mula 1955 hanggang 1980, mahigit 10 magkakaugnay at eksperimental na pag-aaral ang
isinagawa. Dalawang bagay ang natuklasan mula sa mga isinagawang pananaliksik na may
kaugnayan sa pagtuturo. Una ay ang kahalagahan ng maikling hakbang sa pagtuturo at ang
kahalagahan ng gabay ng mga guro kapag may pagsasanay ang mga mag-aaral. Bilang buod, ang
epektibong guro ay ginagawa ang mga sumsunod: nagpapakilala ng mga bagay/ kaisipan sa
isang tiyak na panahon, ginagabayan ang mga mag-aaral sa kanilang paglutas ng mga
Pahina| 13
P a h i n a | 14
Pahina| 14
P a h i n a | 15
sapat
ang kaalaman
sa kanyangasignaturang itinuturo,
maaari
sa kanyang mga mag-aaral. Maaring mabigoang isang guro na hamunin ang kaniyang mag-aaral
na mag-isip ng tama bagkus maaari silangm a g - i s i p n g m g a b a g a y n a h i n d i a n g k o p .
Samakatwid,
kan yang
humuhubog sa kanyang kasanayan bilang guro kung paano siyamagtanong, mga ideyang
kanyang ibinabahagi, mga gawaing kanyang itinatalaga.Sa pag-aaral ni Shulman (1986), ang
isang guro ay hindi lamang dapat maalam sa mgatanggap na katotohanan ngunit dapat marunong
din siyang ipaliwanag ang mga katotohanang ito, bakit kailangan itong malaman at ano ang
relasyon nito sa iba pang katotohanan. Ang ganitonguri ng pagkaunawa sa isang paksa ay
pinaniniwalaan ni Scheffler (1973) na nagpapalakas saisang guro at sa ganitong paraan
mapapalakas ang kanyang sining.
Ipinaliwanag ni Gurney (2007) sa kanyang pag-aaral na kung ang guro ay hindi
handamaaaring hindi niya magampanan ang responsibilidad ng isang guro. Kung ang guro ay
maykahandaan sa kanyang pagtuturo at handa siyang ibahagi ito sa kanyang mga mag-aaral,
masmakikita ang ganap na epektibong relasyon ng pagtuturo at pagkatuto.Ayon kay Clemente-
Pahina| 15
P a h i n a | 16
Reyes (2003), isa sa mga katangian ng isang epektibong guro aydapat maging eksperto sa lahat
ng saklaw ng pagtuturo gaya ng paksang-aralin, pamamahalang pangklasrum, pagtuturo at
dayagnostiks na pagtuturo.
Ayon kay Lardizabal (1995), Maraming kagamitan ang pagtuturo at pagkatuto. Ang
kagamitan pampagtuturo o kagamitang instruksyonal ay anumang karanasan o bagay na
ginagamit ng guro bilang pantulong sa paghahatid ng impormasyon, kasanayan, saloobin,
palagay, katotohanan, pag-unawa at pagpapahalaga sa mga mag-aaral upang lalong maging
konkreto, tunay, dinamiko at ganap ang pagkatuto. Dagdag pa ni Quisumbing (1978) sa kaniyang
aklat na may pamagat na, Education, Culture and Journal, na ang isang kasangkapan sa
pagtuturo ay ang kagamitang pampagturo. Gaano mang pagbabago ang gawin ng guro sa
hangaring maituro ang mga layunin ay may hadlang parin kung ang guro naman ay magkukulang
sa kaniyang mga gagamitin sa pagtuturo. Ang mga kagamitan sa pagtuturo katulad ng mga aklat,
mga larawan at iba pang babasahin na makatutulong sa pag-aaral ay mahalagang kasangkapan sa
pagtuturo ng guro. Sa bahaging ito ay malaki ang bahagi ng tagapangasiwa upang matugunan
ang mga panunahing kasangkapan ng guro kagaya ng mga aklat. Ang istatrehiyang pampagtuturo
ay isang set ng interkonektadong aksyon ng pagtuturo na dinesenyo sa pagsasakatuparan ng
isang ispesipikong gol (Kauchack; 1998).
Ayon kay Bowen (1978), Ang guro ay maaring mahusay ang pamamaraan sa pagtuturo
ngunit itoy hindi sapat na dahilan upang kawilihan ng bata ang anumang aralin.Kailangan hindi
lamang mahusay na pamamaraan sa pagtuturo, kundi isang mahusay na kagamitan upang
makamit ang magandang layuning edukasyon.Pinatunayan ito ng resulta ng pag-aaral ni Anosan
(1998) na kinagigiliwan ng mga mag-aaral ang gurong gumagamit ng iba't ibang pamamaraan sa
pagtuturo sapagkat nabubuhay nito ang kanilang atensyon at interes. Lalo na ang paggamit ng
Pahina| 16
P a h i n a | 17
telebisyon at ibang teknolohiya sa loob ng klase dahil napupukaw ang interes ng mga mag-aaral
at may mataas na lebel ng pagkatuto.
Bilang pangkalahatan, anumang paraan ang ginamit ng guro, ang mahalaga ay ang istilo
ng pagkatuto ng mag-aaral na siyang tumutukoy sa kaparaanan na mas higit gusto ng mga magaaral sa kanilang pag-aaral. Dahil sila ang nagkaroon ng pagkatuto sa anumang mabisang
estratehiya na ginagamit ng guro Badayos (2008).Dagdag pa ng mga ekspertong sina Stevick,
Curran at mga kasama(1998), ang susi ng tagumpay sa gawaing pagtuturo at pagkatuto sa loob
ng klasrum ay nakasalalay sa relasyon ng mga guro at estudyante. Madaling natututo ang
estudyante kung sila ay nasisiyahan sa kanilang pag-aaral, at higit na nagaganyak ang guro sa
kanyang pagtuturo kung nakikita niyang nasisiyahan ang kanyang estudyante.
KABANATA III
DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
Tinatalakay sa kabanatang ito ang isinagawang pamamaraan upang makuha ang mga
impormasyong kinakailangan bilang pagtugon sa pananaliksik. Naglalaman ito ng pormula na
siyang naging basehan upang makuha ang wastong bahagdan ng bawat kasagutan. Makikita sa
kabanatang ito ang pagpili sa mga kasangkot gayundin ang teknik na ginamit ng mga manaliksik.
Disensyo ng Pananaliksik
. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya na ginagamitan ng
talatanungan para sa pananaliksik. Ayon kay Jose F. Calderon itoy disenyo ng pag-aaral na
nagsusuri, kumukuha, at sumusukat sa mga datos sa pamamagitan ng pangangalap, pagaaanalisa
Pahina| 17
P a h i n a | 18
RESPONDANTE
BSEd
KASARIAN
EDAD
KABUUAN
Babae
Lalaki
16
17
18
19
39
11
13
20
12
78%
22%
50 o 100%
P a h i n a | 19
Pahina| 19
P a h i n a | 20
Ginamit ng mga mananaliksik ang percentage technique upang makita ang kinalabasan
ng ginawang pagsusuri batay sa mga sagot ng mga tagatugon. Ginamit din ito upang makuha ang
kalahatang bahagdan ng bilang ng pare-parehong mga sagot sa isang partikular na tanong. Ang
ginamit na pormula ay:
damingtagatugonnasumagotsapartikularnatanong
100=
kabuuangdamingmgatagatugon
KABANATA IV
PAGLALAHAD, PAGSUSURI, AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
Ang kabanatang ito ay naglalahad at nagpapaliwanag nang maayos sa mga datos na
nakalap at nalikom ng mga mananaliksik mula sa mga talatanungan tungkol sa mga katangian ng
isang epektibong guro.
Pahina| 20
P a h i n a | 21
Tungkulin ng Paaralan
a.Nagpapaunlad ng
kaalaman at
kakayahan
4%
26%
46%
24%
P a h i n a | 22
Pagtuturo
a.Mahalagang
gampanin ng isang
guro
24%
30%
46%
b. Pinakamabisang
paraan upang matuto
ang mga mag-aaral.
c.Isang sining ng
pagkikintal ng
kaalaman
d. iba pa
Pahina| 22
P a h i n a | 23
2%
22%
36%
a. Motibasyon sa pagaaral.
b. Nagsisilbing tagapayo.
c. Lumilinang ng mga
kakayahan at talento.
40%
Tanong blg. 4: Ano ang katangian ng isang epektibong guro para sa iyo?
Pahina| 23
P a h i n a | 24
12%
16%
a. Masungit at mahigpit.
b. Masayahin at palabiro
sa klase.
c. Organisado at handang
magturo.
28%
d. iba pa
44%
Batay sa resulta sa tanong blg. 4 ang katangian ng isang epektibong guro ay ang pagiging
organisado at handing magturo na may apatnaput apat na bahagdan (44%), kasunod ang iba
pang katangian ng isang epektibong guro tulad ng masayahin at palabiro sa klase na may
bahagdang dalawamput walo (28%), masungit at mahigpit na may labing anim na bahagdan
(16%), at iba pang kasagutan tulad ng relihiyoso, alam ang itinuturo, hindi masungit, magaling
magturo, maunawain at approachable na may labing dalawa na bahagdan (12%).
Tanong blg. 5: Bakit mahalaga ang pagiging epektibo ng isang guro?
Pahina| 24
P a h i n a | 25
40%
22%
Pahina| 25
P a h i n a | 26
Ano ang kinakailangan taglayin ng guro upang maging epektibo ang pagtuturo?
2%
26%
16%
a. Malakas na boses at
malinaw na pagsasalita
b. malawak na pagiisip at
pagkamalikhain
56%
Pahina| 26
P a h i n a | 27
b. Gumagamit ng
Experential Learning.
c. Nagbibigay ng
halimbawa hango sa tunay
na buhay.
d. Ibang kasagutan
Ayon sa dalawamput dalawang (22) mga tagatugon sa mga nakalap na datos ang
katangian ng isang matalinong ay ang napapadali ang mahihirap na paksa na may apatnaput apat
(44%) na bahagdan., sabi naman ng labinganim (16) na tagatugon na ang matalinong guro ay
gumagamit ng Experential Learning na may tatlumput dalawa na bahagdan (32%) at labing
dalawang(12) tagatugon ang nagsabi na ang matalinong guro ay nagbibigay ng halimbawa hango
sa tunay na buhay na may labing apat (24%) na bahagdan.
Pahina| 27
P a h i n a | 28
b. Gumagamit ng Visual
Aids.
c. Maayos ang
pagkakapaliwanag ng mga
aralin.
d. Iba pang kasagutan.
Pahina| 28
P a h i n a | 29
ang iba pang kasagutan tulad ng paggamit ng Visual Aids na may dalwamput tatlong (28%)
bahagdan at pagbibigay ng maraming halimbawa na may dalawamput apat (24%) na bahagdan.
Tanong blg. 9: Sa iyong palagay, ano ang mga bagay na maaring makahdalang sa pagiging
epektibo ng isang guro?
2%
a. Personal na problema.
26%
44%
28%
b. Mababang sweldo.
c. kakulangan sa
asignaturang itinuturo.
d. iba pang kasagutan.
Pahina| 29
P a h i n a | 30
Ano ang ginagawa ng inyong guro sa mga araling nahihirapan kayong intindihin at matutuhan?
a. Hinahayaan na lamang.
4% 14%
b. Sinasabihang magselfstudy.
18%
64%
c. Pinapaliwanag muli at
nagbibigay pa ng ibang
halimbawa.
d. Iba pang kasagutan.
Pahina| 30
P a h i n a | 31
Tanong blg. 11: Ano ang katangian ng iyong guro ang nais mong tularan?
18%
a. Pagiging palabiro at
masayahin.
12%
b. Pagiging malikhain sa
pagtuturo.
32%
38%
c. Laging handa sa
pagtuturo.
d. Pagkakaroon ng
positibong ugali.
Batay sa mga nakuhang datos ang pagiging handa sa pagtuturo ang nangungunang
katangian na nais tularan ng labing siyam (19) na tagatugon na may tatlumput walong (38%)
bahagdan. Sumunod naman ang pagiging malikhain sa pagtuturo na may tatlumput dalawang
bahagdan (32%), pagkakaroon ng positibong ugali na may labing walo (18%) na bahagdan, at
pagiging palabiro at masayahin na may labing dalawang (12%) bahagdan.
Tanong blg. 12: Paano nakakaapekto ang iyong guro sa kinukuha mong kurso?
Pahina| 31
P a h i n a | 32
18%
24%
b. Lumalalim ang
kaalaman sa asignatura.
58%
c. Nagiging inspirasyon
upang ipagpatuloy ang
kursong kinukuha.
d. Iba pang kasagutan.
Inalam ng mananaliksik kung paano nakakaapekto ang guro sa kursong kinukuha ng mga
mag-aaral sa unang taon ng Edukasyon ang pangunahing kasagutan ay nakakakuha ng
magagandang istratehiya sa pagtuturo na may bahagdan na limamput dalawa (52%) na
bahagdan. Pumapangalawa ang nagiging inspirasyon upang ipagpatuloy ang kursong kinukuha
na may dalawamput anim (26%) na bahagdan at lumalalim ang kaalaman sa asignatura na may
dalawamput dalawa (22%) na bahagdan
Tanong blg. 13: Paano mo pinapahalagahan ang iyong guro?
Pahina| 32
P a h i n a | 33
26%
36%
16%
22%
Tanong blg. 14: Ano sa mga katangian ng guro ang mahalaga para sa iyo? Pumili ng tatlo.
Pahina| 33
P a h i n a | 34
Tanong blg. 15: Sa iyong palagay, ano ang maaring maging resulta kung hindi epektibo ang
pagtuturo ng isang guro sa mag-aaral?
Pahina| 34
P a h i n a | 35
Natuklasan ng mga mananaliksik mula sa mga datos na nakalap ang pangunahing resulta
ng hindi epektibong pagtuturo ng guro ay maaring hindi maging produktibong mamayan ang
mga mag-aaral sa darating na panahon na may animnaput walong (68%) bahagdan. At iba pang
kasagutan tulad ng kaunti lamang ang matutuhan ng mga mag-aaral na nakakuha ng
dalawamput apat (24%) na bahagdan at walang epekto sa mga mag-aaral na may walong (8%)
bahagdan
KABANATA V
LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
Pahina| 35
P a h i n a | 36
Lagom
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay matukoy ang katangian ng isang epektibong guro sa
pananaw ng mga mag-aaral na kumukuha ng kursong Edukasyon. Nais ng mga mananaliksik na
maipakita ang lahat ng datos na kanilang nakalap tungkol sa pag-aaral na ito.
Ang pag-aaaral na ito ay isinagawa sa Baliuag University. Ang mga mananaliksik ay
gumamit ng palatanungan upang makakalap ng mga datos na ibinigay sa limampung (50)
estudyanteng nasa unang taon ng kursong Edukasyon sa nasabing paaralan. Batay sa mga datos
sa mga talatanungan nalagom ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:
Tanong Blg. 1: Ano ang mahalagang tungkuling ginagampanan ng paaralan sa ating bansa?
Natuklasan sa pag-aaral na ito na ang mahalagang tungkulin na ginagampanan ng
paaralan ay ang pagpapaunlad ng kakayahan at kaalaman ng bawat mag-aaral mula sa datos
dalawamput tatlo (23) sa mga tagatugon ang nagsasabing ang pagpapa-unlad ng kakayahan at
Pahina| 36
P a h i n a | 37
Pahina| 37
P a h i n a | 38
Batay sa resulta sa tanong blg. 4 ang pangunahing katangian ng isang epektibong guro ay
ang pagiging organisado at handang magturo na may apatnaput apat na bahagdan (44%),
kasunod ang iba pang katangian ng isang epektibong guro tulad ng masayahin at palabiro sa
klase na may bahagdang dalawamput walo (28%), masungit at mahigpit na may labing anim na
bahagdan (16%), at iba pang kasagutan tulad ng relihiyoso, alam ang itinuturo, hindi masungit,
magaling magturo, maunawain at approachable na may labing dalawa na bahagdan (12%).
Pahina| 38
P a h i n a | 39
bahagdan (16%). At iba pang kasagutan tulad ng pagiging maunawain na may dalawang
bahagdan (2%).
Tanong blg. 7: Sa iyong palagay, Ano ang katangian ng isang matalinong guro?
Ayon sa dalawamput dalawang (22) mga tagatugon sa mga nakalap na datos ang
katangian ng isang matalinong ay ang napapadali ang mahihirap na paksa na may apatnaput apat
(44%) na bahagdan., sabi naman ng labinganim (16) na tagatugon na ang matalinong guro ay
gumagamit ng Experential Learning na may tatlumput dalawa na bahagdan (32%) at labing
dalawang(12) tagatugon ang nagsabi na ang matalinong guro ay nagbibigay ng halimbawa hango
sa tunay na buhay na may labing apat (24%) na bahagdan.
Tanong blg. 8: Paano mo masasabing handa ang iyong guro sa pagtuturo?
Batay sa resulta sa tanong blg. 8 ang maayos na pagkakapaliwanag ang pangunahing
basehan sa pagiging handa ng isang guro na may apatnaput walo na bahagdan (48%), kasunod
ang iba pang kasagutan tulad ng paggamit ng Visual Aids na may dalwamput tatlong (28%)
bahagdan at pagbibigay ng maraming halimbawa na may dalawamput apat (24%) na bahagdan.
Tanong blg. 9: Sa iyong palagay, Ano ang mga bagay na maaring makahadlang sa pagiging
epektibo ng iyong guro?
Nalaman ng mga mananaliksik na ang personal na problema ang pangunahing bagay na
maaring makahadlang sa pagiging epektibo ng isang guro na may apatnaput apat na bahagdan
(44%). Sumunod naman ang iba pang bagay na nakakahadlang tulad nang mababang sweldo na
Pahina| 39
P a h i n a | 40
Pahina| 40
P a h i n a | 41
na may dalawamput anim (26%) na bahagdan at lumalalim ang kaalaman sa asignatura na may
dalawamput dalawa (22%) na bahagdan.
Tanong blg. 13: Paano mo pinapahalagahan ang iyong guro?
Nalaman ng mananaliksik na pinapahalagahan ng mga mag-aaral ang kanilang mga guro
sa pamamagitan ng pakikinig at pakikibahagi sa talakayan na may tatlumput anim (36%) na
bahagdan. Sumunod naman ang pagkakaroon ng respeto sa kanilang guro na may dalwamput
anim na bahagdan. At iba pang kasagutan tulad ng hindi pagliban sa klase na may labing
dalawamput dalawa (22%) na bahagdan at ang paggawa at pagpapasa ng mga takdang aralin o
proyekto na may labing anim (16%) na bahagdan.
Tanong blg. 14: Alin sa mga katangian ng guro ang mahalaga para sa iyo? Pumili ng tatlo.
Natuklasan ng mga mananaliksik ang tatlong pangunahing katangian ng isang epektibong
guro na pinapahalagahan ng mga mag-aaral. Pagiging malikhain at matalino na may walumput
apat (84%) na bahagdan, may kahandaan sa pagtuturo na may animnapu (60%) na bahagdan at
masayahin at palabiro sa klase na may limamput apat (54%) na bahagdan. At iba pang
kasagutan tulad ng positibong ugali na may apatnapu (40%) na bahgdan, walang itinatangi o
favoritism na may tatlumput apat (34%) na bahagdan at may mataas na ekspektasyon na may
dalawamput walo (28%) na bahagdan.
Tanong blg. 15: Sa iyong palagay, Ano ang maaring maging resulta kung hindi epektibo ang
pagtuturo ng isang guro sa mga mag-aaral?
Natuklasan ng mga mananaliksik mula sa mga datos na nakalap ang pangunahing resulta
ng hindi epektibong pagtuturo ng guro ay maaring hindi maging produktibong mamayan ang
Pahina| 41
P a h i n a | 42
mga mag-aaral sa darating na panahon na may animnaput walong (68%) bahagdan. At iba pang
kasagutan tulad ng kaunti lamang ang matutuhan ng mga mag-aaral na nakakuha ng
dalawamput apat (24%) na bahagdan at walang epekto sa mga mag-aaral na may walong (8%)
bahagdan.
Konklusyon
Ang paaralan ay tunay ngang napakahalagang institusyon na naglilinang,
nagbibigay at nagpapaunlad ng bawat kakayahan at kaalaman ng bawat isa. Ito ang nagsisilbing
gabay tungo sa pagkatuto at upang magkaroon ng edukasyon na tanging maipapamana ng mga
magulang sa kanilang mga anak. Lahat ng bagay sa mundo ay lumilipas pero ang karunungan ay
kailanman ay hindi kumukupas. Ang edukasyon lamang ang tanging bagay na hindi maaagaw
ninuman at ito ang nagsisilbing tulay upang maabot ang mga pangarap at mithiin sa buhay.
Ang pagkakaroon ng dekalidad na edukasyon ay mahalaga upang magkaroon ng
mabisang interaksyon sa pagitan ng guro at mga mag-aaral. Napag-alaman ng mga mananaliksik
na ang guro ay susi sa mabisang pagkatuto ng mga mag-aaral at ang epektibong pagtuturo ng
guro ay mahalaga rin sa paghubog ng kakayahan ng mga mag-aaral. Malaki ang ginagampanan
ng isang guro sa paghubog at paglinang ng kaisipan at kakayahan ng mga mag-aaral kaya dapat
nilang taglayin ang mga katangian tungo sa pagiging epektibo ng pagtuturo.
Natuklasan ng mga mananaliksik ang ibat ibang katangian ng epektibong guro tulad ng
malikhain, matalino, may positibong pag-uugali, may kahandaan sa klase, walang itinatangi, at
may mataas na ekspektasyon sa klase. Ang mga katangiang ito ay susi sa mabisang pagtuturo at
pagkatuto.
Pahina| 42
P a h i n a | 43
Rekomendasyon
Sa aming pag-aaral na isinagawa, natuklasan na ang ibat ibang suliraning
pampamilya ay lubhang nakaaapekto sa pag-aaral ng isang estudyante. Una dito ay ang
problemang pinansyal, sumunod ang problemang personal, di pagkakaunawaan ng mga
miyembro, at ang impluwensya ng media, teknolohiya at kapaligiran na kanyang
ginagalawan.
Inirerekomenda ng mga mananaliksik na mas palawakin pa ang pananaliksik na
ito, una sa pamamagitan ng pagkuha ng mas marami pang mga tagatugon. Mas
makakatulong kung makakakuha pa ng mga tagatugon mula sa ibang taon, ibang kurso,
at pang ibang unibersidad.
Makatutulong rin kung hihingi ng payo mula sa mga may karanasan na sa
paggawa ng pananaliksik upang makakakalap pa ng mas maraming impormasyon at
batayan sa ikaaayos ng paggawa ng pananaliksik na gagawin at upang maging batayan
rin ito ng mga susunod pang pananaliksk sa hinaharap.
Pahina| 43
P a h i n a | 44
BIBLIYOGRAPI
Stronge, J.H., Tucker, P.D. & Hindman, J.L. (2004) Handbook for qualities of effective
teachers Association for Supervision and Curriculum Development, Alexandria, VA,
USA
Belvez, Paz M. Ang Sining at Agham ng Pagtuturo Manila: Rex Printing Company
2000
Sokal, L., Smith, D. G., & Mowat, H. (2003). Alternative certification teachers attitudes
towards classroom management, High School Journal, 86(3), 816. [Accessed on 17th
January. 2010], from http://80-web5.infotrac.galegroup.com.
Pahina| 44
P a h i n a | 45
Lowman, J. (1995) Mastering the techniques of teaching 2nd edit. Jossey-Bass, Inc. CA
USA
Killen, R. (2006) Effective teaching strategies Lessons for research and practice 4th
edit., Thomson, Social Science Press, UK
Stronge, J. H., Tucker, P. D., & Ward, T. J. (2003) Teacher effectiveness and student
learning: What do good teachers do? Presented at the American Educational Research
Association. Chicago, IL.
Stronge, J.H., Tucker, P.D. & Hindman, J.L. (2004) Handbook for qualities of effective
teachers Association for Supervision and Curriculum Development, Alexandria, VA,
USA
https://thesparkslsu.wordpress.com/2013/06/12/de-kalidad-na-edukasyon-para-sa-lahat/
Pahina| 45
P a h i n a | 46
Palatanungan sa Pananaliksik na may titulong Mga Suliraning Pampamilya ng mga Magaaral na nasa Unang Taon ng Kursong Engineering sa Baliuag University
Pangalan(opsyonal):_____________________Edad:___________________
Kurso:__________________________
Kasarian:________________
P a h i n a | 47
a. oo
b. hindi
PANUTO: Ibigay lamang ang inyong mga opinion sa piling tanong.
6. Sa iyong palagay, ano ang posibleng solusyon sa mga suliraning pampamilya?
Pahina| 47