Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Rags2Riches: Building trust at the grassroots level

By Victoria Vizcarra
Sort: Entrepreneur Philippines, September 2015 Issue
Summary:
Pinatunayan ng Rags2Riches na ang isang social enterprise ay maari rin
pagkakitaan ng malaking halaga: Naisad ni Reese Fernandez-Ruiz sa artikulong ito ang
pinagmulan ng Rags2Riches (R2R), kilala ito sa ibang bansa bilang isang renowed
fashion and design brand.
Ayon sakanya, ang R2R ay isang seryosong eksperimento. Ipinaliwanag rin niya
na hindi daw ito ang inaasahan nila noong una. Hindi niya inakala na ang trabaho na ito
ay papatok o hindi kikita ng malaking halaga. Dagdag pa nito na bilang isang
negosyante kailangan mong isaalang-alang ang sitwasyon kung saan kailangan mong imonitor ang mga produkto at isipin kung paano maka-target ng malaking kita ngunit
para daw sakanya, ang malagay sa ibat ibang mahirap na sitwasyon ay makakatulong
para maging matatag at magsikap pa lalo.
Noong nakaranas siya ng hirap sa pagpapatakbo ng kanyang negosyo ang
pinaka madali niyang naisip na paraan ay ang tumanggap ng mga trabahador na
katulad sa mga pabrika. Isinangtabi niya ang mga taong gusto niyang makasama sa
pagpapatakbo ng kanyang negosyo sa halip ay pumili siya ng mga taong hindi niya
kakilala ngunit nakakasiguro siyang malaki ang maitutulong sakanya. Napili niyang
makasama sa negosyo niya ang mga home-based artisans kabilang dito ang mga ina
ng tahanan.
Pakikipagtulungan sa mga tao: Hindi ganon kadali ang magtiwala sa mga
tauhan ko, o sa mga komunidad na napili ko. Gumugol ito ng matagal tagal na panahon
bago maisaayos lahat. Kailangan ng maraming pagpapasensya. Kailangan ng
kaagabay. Aniya ni Reese. Ang pakikipagtulungan ay ang kabilang parin sa mga
sangkap na nagpapatatag sa negosyo. Ang R2R ay patuloy na nakikipag tulungan sa
mga NGOs at sa iba pang foundation para maipakilala sila sa iba pang lugar dito sa
bansa.
Bawat lugar na napupuntahan at nakikilala niya ay kakaiba. May kanya kanyang
kwento, magkakaibang problema at trust issues. Dahilan sa mga ito ay natuto si Reese
maging open-minded, tignan ang mahalaga sa mga artisans at ang pinaka mahirap sa
lahat ay ang paulit ulit na pag eeksamin sa mga opinion at ideas ng mga tauhan. Akala
rin ni Reese noong una na madali lang turuan ang mga artisans ng accounting at
pagdidisenyo hanggat sa narealize niya na tulad ng isang magulang hindi basta basta
ang pagtuturo ng mga bagay bagay. Dagdag pa niya na hindi natin mapipilit ang
Paredes, Paula Jane L.
1st Semester, AY 2015-2016

Page 1 of 3
Prof.E.Viray

kaalaman natin sa kaalaman ng iba. Maaring yun lang ang kaya niya kayat hindi na
natin sila mapipilit man.
Mas madali na ibahagi ang iyong kalaman kaysa sa makatanggap ng ibang
kaalaman sa ibang tao. Sabi niya. Dagdag pa nito na Kung ikaw ay nakikipagtulungan
sa ibang tao na may kakaibang pinanggalingan, matututo ka ng mga bagong bagay at
iaaply mo na ito sa pang araw-araw mong gawain. Pagsama samahin mo narin ang turo
sa ekskwelahan, mga napuntahang lugar at ang mga turo ng nasa komunidad mo tiyak
na epektibo na ang asenso mo.
Dahil sa pagiging aktibo ng mga artisans sa ngayon ay mahigit kumulang isang
daan na sila. Lahat sila ay kalahok sa skill training at values information program na
pinangungunahan ni Cynthia Cabrera, ang manager ng R2R na isa rin sa mga naunang
artisans. Ayon kay Reese na misconception daw na bibigyan mo lang ng pera ang mga
tauhan mo at pagkatapos ay okay na. Maling mali daw iyon, dahil ang kahirapan ay
hindi lang daw basta sa pera. Kundi sa mga kalidad ng kaalaman na nadadagdag
sakanila.
Ang mga trabahador ng Rags2Riches ay hindi lang aktibo sa paggawa ng
kanilang produkto kasama rin sila sa pag iisip ng mga istratehiya tungkol sa
pagsusupply hindi lang boses ang mayroon ang mga trabahador na ito iilan sakanila ay
kabilang rin sa business board members.
Sa patuloy na pagasenso ng R2R, may mga tied-up na rin sila sa mga retail
stores at mayroon na rin silang sariling tindahan sa Makati. Mayroon rin itong
onlineshop na kung saan ay mas madali ang pagadvertise ng produkto.
Ang pagsasarili kaysa makipagteam-up ng negosyo ang nagdala kay Reese sa
mabilis at kalidad na produkto. Sabi nga niya Theres always two stories that were
trying to balance: the story of empowerment, of inspiration, of our artisans; and at the
same time, the story that we are a reliable business.

Reaction/Critique:
Ang pagasenso na tinatamasa ngayon ng Rags2Riches ay dahil sa tulong ng
mga tao sa bawat komunidad. Kung hindi isinantabi ni Reese ang mga kagustuhan niya
siguro ay hindi parin kilala ng karamihan ang R2R.
Kakabit ng asenso nila ngayon ay ang pagtulong nila sa bawat komunidad.
Nakakatulong sila hindi lang sa financial kundi nagbibigay pa sila ng trabaho. Sila ang
lumalapit sa bawat komunidad para sa trabahong hinahanap nila. Nakakatuwa rin isipin
na ang isang produkto na ito ay gawa ng mga ina ng tahanan. Nagkakaroon ng
libangan ang ina na nasa bahay lang.
Paredes, Paula Jane L.
1st Semester, AY 2015-2016

Page 2 of 3
Prof.E.Viray

Nabanggit rin sa artikulo ang pakikipagkaisa at tiwala sa trabaho. Sa una ay


mahirap talagang buoin ang tiwala. Lalo nat bago palang kayong magkakilala ngunit
kapag naglaon ay magkakaroon narin iyon. Mabuting amo si Reese dahil naiisip rin niya
ang kapakanan ng mga trabahador niya. Mahalaga sa mga negosyante ang maging
open-minded, nakakatulong itong bumuo ng matatag na samahan sa mga trabahador
mo. Isa pa ang pagiintindi sa mga ideas nila minsan ay mas maganda pa silang ideas at
opinion kaysa sa mga amo. Ang pagbabahagi ng kaalaman ay nakabubuti rin minsan.
Maganda ang relasyon ni Reese sa mga trabahador niya dagdagan pa ng mga
istratehiya niya sa pagpapatakbo ng negosyo niya at ang mga kaalaman na naibahagi
niya, walang duda na epektibo ang pag asenso niya. Hindi lang basta trabaho ang
binibigay niya o higit pa pera dahil kasama sa mga pagdedesisyon niya ang mga ito.
Ang pagnenegosyo ay hindi basta basta, kailagan natin isipin ang mga
maprosesong pamamaraan tulad ng ginawa ni Reese. Isipin natin kung paano kumita at
paano makatulong sa ibang komunidad. Ang pag asenso ng negosyo na may halong
tulong sa ibang tao ay higit na mas masaya pa sa simpleng pag asenso. Hindi lang
basta nakakatulong, nakakapagbigay pa ng dagdag kaalaman.

Paredes, Paula Jane L.


1st Semester, AY 2015-2016

Page 3 of 3
Prof.E.Viray

You might also like