Professional Documents
Culture Documents
Limbang Cawayan
Limbang Cawayan
Limbang Cawayan
Buhay na Alamat
Ni Dodievic V. Arma
Sa pagsisimula ng
kabihasnan noong nakaraang
panahon, mayroong mga
magkakompetinsyang tribu sa
isang hindi pa kilalang lugar na ang
tanging mapapansin lamang ay
ang banayad na simoy ng hangin
na nagmumula sa karagatang
nakapalibot sa isla, at malulusog
na mga halaman at puno sa
kagubatan. Dalawa sa tribung ito
ay pinamumunuan ng pamilyang
iba-iba ang pananaw sa buhay,
dahilan para sila ay hindi
magkasundo . Ngunit, lingid sa
kaalaman ng mga magulang na
may namamagitan sa kanilang
anak na lalaki at babae. Pinilit ng
dalawang panig na paghiwalayin
ang kani-kanilang anak dahil hindi
nila halos mawari kung paano
tatakbo ang kanilang tribu na may
koneksiyon sa kagalit na tribu. Todo
ang kanilang paghihigpit na para
bang nakahuli sila ng isang ibon na
pwede nilang itali at kontrolin
maging ang paglipad nito.