Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

PAGSISIMULA AT PAGLAGANAP NG PISO NET SA PILIPINAS

Tesis
IPEPRESENTA KAY G. RAFFY SANTOS
LA SALLE COLLEGE ANTIPOLO

SA PARSYAL NA PAGKUMPLETO
NG PANGANGAILANGAN PARA SA BS KOMUNIKASYON ATRES

ISINUMITE NI
KRISTINE JOICE L. ROBRIGADO
MARSO 15,2016

KABANATA 1
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL
Panimula
Sa panahon ngayon, mahilig gamitin ng mga pilipino ang internet. Ito man ay mapa eskwela o
libangan, ginagamit ang internet. Naging mabilis ang gawain o pagaaral dahil sa internet. Ngunit
hindi lahat ng mga Pilipino ay may computer at internet sa kanilang tahanan. Mayroon mang
computer shops ngunit hindi lahat ng tao ay may puhunan para makapagtayo sa kanilang lugar.
Sa pagiging malikhain ng mga Pilipino, sila ay nakagawa ng piso net.
Malaking tulong sa mga pilipino ang pagkakaroon ng piso net dahil pwede sila magkaroon ng
negosyo at makakadagdag ito sa pangangailangan nila. At malaking tulong rin ito sa mga walag
computer o internet sa kanilang tahanan dahil mas makakatipid at macocontrol nila ang pag
gamit ng internet. Hindi na rin kailangan gumastos ng malaking halaga upang makapag internet
o makapaglaro at bawat minuto nito ay masusulit. Makakapag ipon rin ng malaki kung maliit na
halaga lamang ang magagastos sa pagiinternet, at marami ring kikita sa pagkakaroon ng
ganitong negosyo sa bansa.
Ayon kay Jonas Chavez Hiponia (2014) na mayroong negosyo ng piso net, sa karaniwang
computer shop set up ang lahat ng unit ay nakakabit sa isang server unit. Ang server ay ang

may kontrol sa lahat ng iba pang mga unit. Dito malalaman kung gaano na katagal ang gamit ng
isang customer, upang malaman ang bill kung magkano ang kailangan bayaran. Maaari ding

walang server unit. Pagpasok ng gustong mag computer ay magpalista muna sa bantay upang
maiumpisa na ang pagbilang ng minuto o oras ng paggamit.
Ito ay madali lamang kung ang isang shop ay may ilang unit lamang ngunit ang set-up na ito ay
magkakaroon ng problema kung sakaling magdagdag ng unit, halimbawa trenta. Dahil dito
nagkaroon ng solusyon sa problema at ito ay ang piso net, Ang pisonet set ay katulad rin ng
karaniwang computer set-up ngunit mayroon itong nakakabit na timer at coin slot. Tinawag itong
pisonet dahil makapag-internet o makapaglaro na ng piso lang ang ihuhulog.

Batayan Teorotikal
Ang teorya ng pananaliksik ay naka tutok sa

Layunin ng Pananaliksisk
Ang pananaliksik na ito ay nais malaman ang epekto ng Piso net sa mga negosyante at mga
mahihilig maglaro ng online games. Ang pananaliksik na ito ay may nais na ibigay ang
kasagutan kung saan mas kikita ang kanilang negosyo kung sa pag gamit ba ng computer shop
kada oras o pag gamit ng piso net. Ang pangkalahatang layunin ng pananaliksik na ito ay
malaman kung ano ang magandang advantage ng Piso net kaysa sa karaniwang computer
shop set up.
Ang mga sumusunod na tiyak na layunin ay narito. Una, alamin kung ano ang Piso net.
Pangalawa, alamin kung saan at paano ito nagsimula. Pangatlo ay alamin kung paano ito
naging epekto sa mga kabataan na mahilig maginternet o maglaro ng online games.
Nais ng layunin na ito ay makakuha ng sapat na datos na makakatulong sa mga negosyante at
mahilig maginternet o maglaro ng online games. Makakatulong ang pananaliksik na ito sa
karamihan ng nagnenegosyo at nagiinternet sa Pilipinas.

Kahalagahan ng Pag-aaral
Mahalaga ang pananaliksik na ito dahil malaki ang maitutulong sa mga may negoyso o gustong
magkanegosyo dahil maganda ang kita nila sa pagtayo nito. Sa mga kabataan rin na mahilig

gumamit ng internet o mahilig maglaro ng online games na mas makakatipid at makokontrol


ang oras ng paggamit. Pati na rin ang mananaliksik dahil makakakuha rin ng ideya sa pag tayo
ng negosyo at pagiinternet sa labas.

Sakop at Delimitasyon
Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang malaman kung ano ang epekto ng pisonet sa mga
nagnenegosyo nito. Pati na rin sa mga kabataan na mahilig maglaro ng online games at
maginternet. Ang pag-aaral na ito ay limitado lamang sa paksang Piso net. Sakop nito ang mga
bagay na tungkol sa pagnenegosyo at pag gamit ng internet sa kompyuter shop. Ang
pananaliksk na ito ay hindi sakop ang tungkol sa internet at kompyuter dahil lalawak ang
pananaliksik.

Depinisyon ng Katawagan
Internet Negosyo - isang organisasyon kaugnay ng pakikipagpalitan ng produkto at serbisyo sa
mga consumers.
Kompyuter

Pamamaraan ng Pananaliksik
Ang pananaliksik na ito ay isinigawa sa disensyo ng pamamaraang historikal. Gamit angg
disensyo na ito, maipopokus ng mananaliksik at maipapapaliwanag kung paano nalaganap ang
piso net at kung ano ang epekto nito sa mga negosyante.
A. Lugar ng Pananaliksik
Ang pananaliksikk na ito ay isnisasagawa sa paaralan ng La Salle College Antipolo na siyang
eskuwelahan ng mananaliksik. Ang ibang mga nalakap na mga impormasyon sa papel na ito ay
nakuha sa artikulo mula sa internet.
B. Instrumentong Ginamit
Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng mga artikulo at ilang pag-aaral sa internet upang makalap
ang nais na kasagutan mula sa layunin na naibigay. Ang mananaliksik ay gumamit ng isang
serbey upang maisagawa ang pag aaral. Ang serbey ay naglalaman ng ibat ibang katanungan
na may koneksyon sa piso net. Ang mga tanong na nasa serbey ay nasa uring Multiple Choice
kung saan mas limitado ang posibleng sagot.

Ang naturang survey ay ipapamahagi sa mga 15 na tagatugon. Ang mga tagatugon ay ang mga
kabataan o mahihilig maglaro ng online games. Ito ay ipapamahagi sa mga kabataan ng La
Salle College Antipolo.

You might also like