Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

VEGETABLE PLANTING DEMONSTRATION

SITE: Brgy. Masaya, Bay, Laguna


AUDIENCE: 27 (9 groups of 3)

MATERIALS:
10 PET containers (Wilkins)
10 makeshift PET trowels
1 sack of garden soil
9 plastic bags
kakawate/ipil-ipil leaves
(natural amendments)
9 plastic bags
Alambre
Seeds
For makeshift water sprinkler:
1 big can
Hammer and a big nail
Para sa audience:
Pamphlet (production guide of at least 3 crops including yung idedemo)
* Ready-to-use na yung container at GI wires

DEMONSTRATION PROPER:
[Isang pananim lang yung actual na ipapakita sa kanila bale yung dalawa
pang klase ay isasama nalang habang nasa lecture na part]

PANIMULA
Maituturing natin na isang malaking bagay ang pagkakaroon ng mga
pananim sa ating mga bakuran. Kakaibang saya ang ating mararamdaman kapag
ang ating mga pananim ay namumunga na. Makikinabang tayo ng husto sa ating
mga pananim dahil maaari rin nating ibenta ang ating mga inani. Subalit may mga
bagay tayo na dapat bigyang konsiderasyon para sa paghahanda, pagpapalaki at
pag-aani ng ating mga pananim sa bakuran. Ang mga ito ay napapaloob sa
tinatawag na Bio-intensive Gardening
Ang Bio-intensive gardening ay binubuo ng mga konsepto sa pagpapalaki ng
mga pananim na naangkop sa maliit na espasyo gaya ng ating mga bakuran. Ating
isa-isahin ang mga layunin sa bio-intensive gardening.
[Distribution of materials to the audience]
[Sa part na ito, ituturo natin yung tamang paglalagay ng alambre sa PET container
kung gusto nilang nakasabit o hanging ang kanilang mga pananim. Ireremind natin

sila kung anong mga pananim yung pwedeng nakasabit, kasi maaaring detrimental
sa ibang crops pag nakasabit]
Paghahanda sa lupa (Deep Soil Preparation)
Ito ang unang bahagi o step sa pagtatanim ng mga binhi. Mahalagang ihanda
natin ang lupang tatamnan ng mga pananim dahil isa ito sa mga salik na
makaaapekto sa paglago ng ating mga pananim. Ayon sa soil survey ng Bureau of
Soils and Water Management, ang lupa na nandito sa Bay ay nasa ilalim ng
kategorya na Lipa Loam, ipinangalan ito sa isang lugar sa Batangas dahil doon
unang nakita itong ganitong klase ng lupa. Maaari nating mapaganda ang
kakayanan ng lupa para sa mapipili nating pananim sa pamamagitan ng paghahalo
ng iba pang mga materyal na makikita natin sa ating paligid.
[Ituturo natin dito yung paghahanda ng planting medium. Sa isip, hahatiin natin ang
container sa limang bahagi. Unang ilagay ang garden soil sa container, sumunod
naman yung mga dahon ng kakawate/ipil-ipil, sunod lupa ulit, tapos ung
amendments then finally yung lupa]
Paggamit ng kompost at natural na alternatibo (Use of Compost and Natural
Amendments)
Gaya ng nabanggit kanina, maaari nating mapaganda ang kakayanan ng lupa
sa pamamagitan ng paghahalo ng naaangkop na mga materyal sa lupa. Bilang
halimbawa, ang paghahalo ng rice hulls o ipa sa lupa ay nakatutulong sa
epektibong pagtuyo ng lupa (drainage). Maaari rin tayong maghalo ng iba pang
materyal na nakapagdaragdag ng sustansiya sa lupa para sa mga pananim gaya ng
tuyong dumi ng baka o kalabaw, o kaya mga dahon ng halaman gaya ng ipil-ipil o
kakawate (kapuna-puna ang taglay nitong nitrogen, isang elementong kailangangkailangan ng mga halaman).
[Ipapaliwanag natin dito yung kalagahan ng mga natural amendments na idinagdag
natin sa lupa. Yung mga dahon ng kakawate at ipil-ipil ay magbibigay nung nitrogen
sa pananim. Hindi agad-agad ang proseso siyempre. Kailangan munang mabulok
yung mga dahon, at dapat may interaction with the soil microorganisms para ma-fix
yung nitrogen into forms na maaabsorb ng plant.]
Masusing pagpaplano (Intensive Planning)
Binibigyang-diin natin dito ang paggamit ng husto sa espasyo para sa mga
pananim. Ito ay dapat naayon sa taglay na sustansiya ng lupa, exposure sa sikat ng
araw, at sa katangian ng paglaki ng pananim. Kaakibat ng bahagi na ito ang
pagpaplano ng mga potensyal na pananim.
Pagpaplano ng pananim (Crop Planning)
Sa pagpili na mga itatanim, ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga
dapat bigyang-pansin:
1. Klima at temperatura

Dapat nababagay sa klima ang pipiliin nating mga pananim. Bilang


halimbawa, ang strawberry ay nabubuhay sa lugar na mataas ang altitude at
malamig kung kayat ito ay mainam na itanim sa mga lugar na tulad ng Baguio o
Benguet.
2. Lugar at espasyo
May mga halaman na gusto sa matinding sikat ng araw, at mayroon ding
mga halaman na higit ang paglago sa malilim na lugar. Dapat bigyang-diin din ang
espasyo sa pagitan naman ng mga pananim.
3. Klase at acidity ng lupa
Hindi lahat ng halaman ay naangkop sa iisang klase ng lupa. Iba-iba ang
preference ng mga halaman pagdating sa lupa na pagtatamnan.
[Ituturo na natin yung pagtatanim ng mga buto. Ipapaliwanag din natin yung
growing requirements nung crop. Distribute yung pamphlets at ipapaliwanag natin
sa kanila yung tungkol sa ibang crops at yung management kapag lumalaki na]
[Watering (emphasize flooding)]
[Demonstrate yung paggawa ng modified na regadera para sa tamang pagdidilig]
[Weeding]
Paggamit ng mga lokal na materyal (Use of locally available materials)
Iniiwasan natin dito ang paggamit ng mga mamahaling pataba at pesticides
na nabibili sa komersyo. Layunin sa BIG na gumamit ng mga natural na
alternatibong pataba at pamuksa ng peste para sa mga pananim.
[Explain Mulching. Ang mulching ay isinasagawa kapag ang pananim ay lumaki na
ngunit hindi pa namumulaklak o namumunga. Ito ay ang paglalagay ng mga
nabubulok na materyal, ngunit hindi lahat ng nabubulok ay pwedeng maging mulch.
Karaniwang ginagamit ang rice straw o dayami, o kaya naman moss para naman sa
ornamental plants. Bukod sa nakadaragdag ng sustansiya ang mulch, nakatutulong
din ito upang magamit ng husto ng halaman ang moisture ng lupa at para
maiwasan ang pagtubo ng mga weeds (Check PDF about mulching)]
Pagkontrol sa peste (Pest Control)
Gaya ng nabanggit kanina, sa halip na bibili tayo ng mga kemikal upang
mapuksa ang mga peste, ay gagamitin natin ang mga konsepto sa ekolohiyang
bayolohiko. Mainam na ibat-ibang klaseng mga halaman ang itanim sa bakuran.
Huwag natin pagtabi-tabihin ang magkakapaerhong pananim. Halimbawa, kung
may monggo tayo sa unang paso, dapat ibang pananim naman ang itatabi natin
dito gaya ng kamatis o okra. Mainam din na iwas peste ang pagtatanim ng mga
pungent herbs o mga halaman na may katangi-tanging amoy tulad ng citronella,
tanglad, sibuyas, amarillo at iba pa na itatabi natin sa ating mga pananim. Bagamat
hindi natin maiiwasan ang pagsalakay ng mga peste, ang ating layunin ay
mabawasan ang mapipinsala nitong mga pananim.

[Ipaliwanag yung harvesting ng crop na nasa demonstration]


Sa BIG ay hindi natin kailangang mamuhunan ng malaki. Ang mahalaga ay
hindi natin napapabayaan ang ating mga pananim. Magandang pagkakataon ang
pagtatanim sa bakuran para sa pagpapatibay ng samahan ng pamilya, hindi lamang
libangan kundi maaari pang pagkakitaan.

Reference:
Crop Science 2 Laboratory Manual Crop Science Cluster College of Agriculture
UPLB
*************************************************************************************
Lipa series are residual soils derived from volcanic tuff, light brown and
moderately friable clay loam to loamy textures (Carating et al, 2014). It gives
favorable external drainage but fairly favorable when it comes to internal drainage.
The Lipa soils span deep as it provides moderately well to well drainage capabilities.
The terrain is characteristically undulating to rolling. Both the estimated hydraulic
conductivity and infiltration rates are moderate. Specific to the municipality is the
Lipa loam type of soil, which has the best physical characteristics among the soil
types found in the province of Laguna. Sugar cane, fruit trees, upland rice and
vegetables thrive in this type of soil (Soils, n.d.).
REFERENCES:
Carating, R. B., Galanta, R. G., & Bacatio, C. D. (2014). The soils of the
Philippines. Springer Science
& Business.
Soils. (n.d.). Retrieved March 26, 2016, from http://santarosacity.gov.ph/?
page_id=240
*************************************************************************************
Content ng pamphlet (in Tagalog dapat)
Basic Information ng Crop

Growing requirements
Nutritional Values
Culinary Uses

Soil and Climatic Requirements

Temperature
Planting season

Water management

Weed Control
Harvesting
*************************************************************************************

You might also like