Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, bagong Denial Queen at

King!

OLA CHIKKA! BAKIT kaya may mga taong


kailangan magpanggap at magkaila kung
kitang-kita na ng buong Pilipinas ang mga
tinatanggi nila? Tulad na lamang nitong mga
Kapuso star na sina Jennylyn Mercado at
Dennis Trillo.

Kung sa bagay, ang showbiz nga naman may


makita ka lang na kasama, isyu na agad. Ngunit
hindi naman na yata p’wedeng masabing
friends lang kayo kung lagi na kayong
magkasamang magbakasyon at makita kung
saan-saan, ‘di ba? Eh, bakit pa ayaw aminin
nitong dalawa kung may relasyon sila? Para
silang mga baliw dahil niloloko lang nila mga
sarili nila. As if naman naniniwala ang mga tao
dahil sa kabila ng mga ebidensiya, sabi-sabi at
litrato, maitatago pa ba nila ‘yun?

Ang tindi talaga nitong si Papa Dennis dahil ang tinik sa mga chikas. Kung sa bagay, kung ako
nga naman ang babae, why not, ‘di ba?! Ha-ha! Kaso hindi, eh. Kaya suwerte ka na Jen, ‘wag
nang magdeny-deny pa kung ayaw mong matulad kay Carlene na hard tanggi pa siyang walang
relasyon ngunit nu’ng nabuntis ay wah na sa pag-deny. Ha-ha! Panalong-panalo talaga ‘tong
Kapuso stars at dahil d’yan bibigyan ko kayo ng titulo… “Denial King and Queen of the month”.
Bonggacious!

AT KUNG PABONGGAHAN naman ang pag-uusapan ay wala na talagang bobongga pa sa


kagandahan nitong si Vice Ganda dahil sa patuloy na pagkakaroon niya ng mga projects. Kung
lumabas ang ganda niya sa Showtime eh, mas lalabas ang tunay niyang kagandahan dito sa
kanyang nalalapit na bagong pelikula, kung saan bagay na bagay ang bansag sa kanyang
kabayotic beauty.
At dahil kabayotic ang pinag-uusapan dito, malamang hindi makukumpleto ang pelikula kung
wala ang tunay na nagtataglay ng kabayotic face… ehem! ehem!

Tama mga kapatid. Kaya hintayin n’yo na lang sa mga susunod na araw ang mga pasabog ng
‘pag remake ng Petrang Kabayo! Yeee… haaa!!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong guwapong male singer na talaga
namang wholesome ang dating at napakagaling pang kumanta?

Hindi maikakaila ang kanyang pagiging magandang lalaki dahil height pa lang, panalo na. Kapag
humawak na ng mikropono ay kikiligin ka talaga, kaya walang dudang bidang- bida siya ngayon
sa ibang bansa.

Ngunit ano itong narinig ng aking parazzi girl na ibang mikropono raw ang hinawakan nitong
male singer sa ibang

bansa, at kung disente ang image dito sa ‘Pinas ay doon nagkakalat ng lagim sa ibang bansa?

Naku, huh! Ka-pederasyon ka na rin ba namin? Ay, sana ‘wag naman dahil talagang sayang ka…
gusto n’yo ng clue? Ha-ha! ‘Wag na dahil sa kuwento ko pa lang ay talagang gets mo na! ‘Yun
na!

AT HUWAG N’YO pong kalimutan ang aking OLA CHIKKA PRODUCTIONS para sa
advertisement, guesting, exposure, shows at everything regarding entertainment. For inquiries
just call us at 417 6181 at 0927 428 4216. Nais ko lamang pong linawin na hindi ko po personal
numbers ang mga iyan. Lahat ng iyan ay office numbers kaya para sa mga updates sa akin at
comments, maaari po kayong mag-send sa akin ng e-mail sa tita_s2006@yahoo.com. Maraming
salamat po and God bless us all!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

You might also like