Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Luneta Park ay isa sa mga pinakamagandang lugar sa Pilipinas.

Ito ay nasa puso ng


bansa sa 0 kilometer zone at malapit sa Manila bay. Dati itong tinawag na Bagumbayan (mula sa
"bagong bayan") noong kapanahunan ng kolonyalismo sa ilalim ng mga Kastila at tinawag na
Luneta dahil sa hugis nitong mistulang kalahating buwan. Ang Luneta ay isang mahalagang
bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas. Sa Luneta nangyari ang pagbaril sa bayaning si Jose Rizal
noong Disyembre 30, 1896 at ang kanyang pagkamartir ang naging dahilan ng kaniyang
pagiging bayani ng Himagsikang Pilipino, bagkus, ipinangalan kay Rizal ang liwasan upang
itoy ikarangal. Opisyal na pinalitan ng pangalang Liwasang Rizal ang parke bilang parangal sa
pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal. Ang paghahayag ng pagsasarili ng pamahalaang Pilipino
noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano ay nangyari rin sa Luneta. Minsan ding
ginamit ang Luneta Park para sa pagtutol ng masang Pilipino sa pamumuno ng dating
Pangulong Ferdinand Marcos. Matatagpuan ang Luneta sa Intramuros at ang bahaging
katimugan naman nito ay nasa Ermita. Nagsisilbi ring punto ng orihen o Kilometro Sero patungo
sa lahat ng ibang mga kalunsuran sa Pilipinas ang monumento ni Rizal na nasa sentro ng Luneta
Park, ito ang pook na sukatan saanmang dako ng bansa. Sa ngayon ang Luneta Park ay
kinukulob ng Roxas Boulevard, kalye Teodoro M. Kalaw at kalye Abenida Howard Taft.
Ang monumento ni Rizal ay isa sa mga pinaka sikat na atraksyon sa Luneta Park. Ang
monumentong ito ay ginamitan ng tanso upang mailikha ang rebulto. Malapit sa monumento ay
ang Light and Sound Complex, na may larawan ni Rizal. Naroon rin ang National Historical
Institution na may mga artifacts ng Pilipinas. Sa gilid ng monumento ni Rizal ay ang Japanese
Garden, Chinese Garden at ang Butterfly Pavilion. Lahat ng mga turista ay dumadaan sa Rizal
Park upang magbigay paggalang sa pambansang bayani ng Pilipinas. Sa maraming bagay na
nagyari sa kasaysayan ng Pilipinas, ang Luneta ay isa sa mga maglalarawan sa kwento ng ating
bayan.
Ang Rizal Park ay isang lugar na maaari ring dalhin ang pamilya. Ang bukas na espasyo,
ang damo at mga bulaklak ay maganda para maglakad lakad sa paligid nito. Sa hapon, may mga
musical na pagtatanghal na maaaring mapanuod ng sinumang bumibisita. May palaruan at
fountain upang makapaglaro ang mga bata. Ang Luneta Park ay may ibat ibang bahagi para sa
lahat.
Maipagmamalaki ng Luneta ang pambihira nitong harding may hibong Tsino at Hapones,
na paboritong puntahan ng mga mag-anak, magkakaibigan, at kahit ng mga deboto ng ibat ibang
relihiyon gaya ng El Shaddai. Naroon sa parke ang replika ng arkipelago ng Pilipinas, at malapit
sa awditoryum na malimit gawing tanghalan ng sayaw, konsiyerto, dula, tula, at iba pang may
kaugnayan sa sining. Ang mga kagawaran ng pamahalaan, gaya ng Pambansang Aklatan,
Pambansang Museo, at Kagawaran ng Turismo, ay tila nagpapasulak ng damdamin sa lugar.
Samantalang ang Planetarium, Orchidarium at Butterfly Pavillion, at kahit ang fountain ay
makapagpapaalala hinggil sa ating pag-iral at pagkamamamayan.

You might also like