Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

KULTURA SA ASYA

Natatangi ang kultura ng Asya.Nagsimula ang kadakilaan at paghanga sa kulturang


Asyano as panahon ng pag-unlad ng ga sinaunang kabihasnan sa daigdig.Ang paraan
ng pamumuhay ng mga Asyano sa Mesopotamia, Indus at Huang Ho ay tunay na
hinangaan ng mga dayuhang Europeo.Hanggang sa kasalukuyan, ang paghangang ito
ay hindi nawawala sapagkat patuloy na napauunlad at napaghuhusay ng makabagong
Asyano ang natatanging kultura ng Asya.
Ilan sa mga kultura ng bansa sa Asya
1. Japan

Maituturing na pinakamodernong bansa sa Asya ang Japan subalit napanatili nito


ang impluwensiya ng relihiyon sa kanyang tradisyon.

Itinuturo pa rin sa mga Haponesa ang pagsusuot ng tradisyunal na damit na


kimono at obi, ang detalyadong ritwal ng seremonya sa tsaa at pag-aayos ng
bulaklak (kilala rin sa pangalang ikebana).

Isinasaayos naman tuwing ika-20 taon ang dakilang dambana sa Ise o kung
tawagin ay Ise Shrine.

Napangalagaan pa rin ang mga templong Tang na yari sa kahoy.

Naging bahagi na ng tradisyong Hapones ang arkitekturang halaw mula sa China


sa panahon ng Tang.

Nakatutuwang isipin na ang mga Hapones ay nakasakay sa pinakamodernong


sistemang transportasyon subalit pag-uwi sa kanilang bahay ay nagsusuot ng
kimono at tradisyunal na tsinelas, nauupo sa tatami mat, at kumakain ng
pagkaing Hapones.

2. Vietnam

Makikita sa mga bansang Buddhist, partikular sa Timog Silangang Asya, na hindi


lamang personal na kaligtasan ang mahalaga kundi pagpapabuti sa kondisyon
ng pang araw araw na pamumuhay.

Malaki rin ang epekto ng Buddhism sa mga patakarang pambansa. Kadalasang


nangunguna ang mga mongheng Buddhist sa mga protestang pulitikal.

Sa Vietnam, naging aktibo ang mga monghe sa pagiging nasyonalista ng mga


Vietnamese. May mga naglalabang partidong pulitikal na Buddhist.

Isang katibayan ng pagiging aktibo ng mga Buddhist sa isyung pulitikal at


panlipunan ay ang tanyag na pagsunog sa sarili (self-immolation) ng mongheng
Buddhist na si Thich Quang Duc noong 1963.

Ginawa niya ito, katulong ang dalawa pang mongheng nagbuhos ng gasolina sa
kanyang katawan, sa isang abalang sangandaan sa Saigon (ngaon ay Ho Chi
Min City), Vietnam.
Ito ay bilang protesta sa mapaniil na patakaran ng Kristiyanong rehimen ni
pangulong Ngo Dinh Diem laban sa mga Buddhist sa Vietnam.
Sa mga liham ni Thich Quang Duc sa pamayanang Buddhist gayundin sa
pamahalaang Kristiyano bago naganap ang insidente, hiniling niyang alisin ng
rehimen ang mga restriksyong ipinataw nito sa mga Buddhist gaya ng
pagbabawal sa pagwagayway ng kanilang bandila at ang pagpapakulong sa
kanila.
Sinasabing ang naturang insidente ay lalong nagpasidhi ng damdaming Buddhist
at nagbigkis sa mga naniniwala sa relihiyong ito.

Humantong ang mga protestang ito sa pagpapatalsik sa rehimeng Diem sa


South Vietnam noong 1963.

3. India

Isa sa mga tradisyong Hindu ang sati (suttee sa ibang aklat) o ang
pagpapakamatay ng balong babae sa pamamagitan ng pagsama sa cremation o
pagsunog ng labi ng asawang namatay.

4. Saudi Arabia

Sa lipunang Arabo, nananatili pa ring mababa ang katayuan ng kababaihan sa


lipunan.
Ang diskriminasyon laban sa kababaihan ay sinasabing wala sa mga aral ng
Islam na may paniniwala sa ummah o konsepto ng pagkakapantay pantay ng
lahi, kasarian, o uring panlipunan.
Subalit dahil sa ilang salik, hindi ito ganap na naipapatupad sa mga bansang
Arabo.

Halimbawa, sa usapin ng kasal, pinapayagan ang kalalakihang magkaroon ng


hanggang apat na asawa at kahit ilang concubine.
Subalit kailangan ay mapapakain niya lahat at matatrato niya nang pantay ang
mga ito.
Tila rin walang kahirap hirap sa lalaki na makipagdiborsyo sa kanyang asawa.
Sa usapin naman ng karapatan sa bata matapos ang diborsyo, mananatili ang
anak na lalaki sa ina hanggang umabot siya sa pitong taong gulang, pagkatapos
ay sa ama na siya mananatili.
Kapag babae ang anak, dapat maabot muna niya ang gulang na siyam bago siya
mapunta sa kanyang ama.
Subalit kung magdesisyon ang babae na magpakasal nang hindi pa natatapos
ang panahon ng legal custody, mawawalan na siya ng karapatan sa kanyang
mga anak.
Sa Afghanistan halimbawa, nang mangibabaw rito ang Taliban, mas lumala ang
diskriminasyon sa kababaihan.

You might also like