3 Gramatika at Retorika Sa Filip13

You might also like

Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 29

Kaugnayan ng Gramatika at

Retorika

Mga Layunin
Nasususri ang mga karaniwang
salitang mali ang pagkakagamit sa
pagpapahayag
Nakakapagbibigay-halimbawa ng mga
pahayag sa ibat ibang sitwasyon ayon
sa wastong gamit ng mga salita

Balarila
* agham ng pagtalakay sa mga salita
*pagbuo ng mayaman at mainam na
pahayag
Retorika
* pagpapahayag ng karunungan
* sumsaklaw sa malikhain at masining na
pagpapahayag ng kaisipan at saloobin

Wastong gamit ng mga salita


1. nang at ng
1.1. nang
*bilang pangatnig
Nagsisimula na ang klase
nang dumating siya.
*Bilang pang-abay na+ng
Sa tuwa ng ina niyakap siya
nang mahigpit.

* bilang salitang nangangahulugan ng


para o upang
Ipahayag ang iyong saloobin nang
maunawaan ang nais mong mangyari.
*bilang panggitna sa mga salitang
inuulit
Magdamag siyang iyak nang iyak sa
paglisan ng kanyang ama.

1.2 ng
* bilang pantukoy
Mapagmahal sa kalikasan ang taong sumulat ng
tulang iyan
* bilang pang-ukol (with)
Pabiro niyang hinampas ng pamaypay ang kausap.
*bilang pang-ukol na katumbas ay sa
Ang magkakaibigan ay nagtungo ng Palawan.
* bilang pang-ukol nagpapakilala ng pangalang
paari
Gumawa ng katangi-tanging imbensyon ang mga
siyentipiko.

bilang tagatanggap ng kilos


Si Ralph ay sumulat ng tula para sa
kanyang ina.
bilang pananda sa tuwirang layon ng
pandiwang palipat
Naghanda ng hapunan ang kanyang ate
para sa matalik na kaibigan.
ginagamit kapag nagsasaad ng pagmamayari
Ang pera ng bayan ay kinurakot ng
buwayang pulitiko.

2. Kung at kong
2.1 kung pangatnig na panubali
Lahat ay makakukuha ng mataas na
marka kung mag-aaral na mabuti.
2.1 kong-mula sa panghalip panao na
inangkupan ng ng
Gusto kong tulungan ka ngunit
kailangang tulungan mo muna ang
iyong sarili.

3. may at mayroon
3.1 may
* sinusundan ng pangalan
May babae sa kabilang silid.
* sinusundan ng pandiwa
May umiiyak na babae sa kabilang
sild
*sinusundan ng pang-uri
May bagong aklat ng Retorika sa
LRC.

* sinusundan ng panghalip na paari


Mapalad sila sa magulang sapagkat may
kani-kanila na silang kabuhayan.
* sinusundan ng pang-uri
Siguradong matutuwa siya sa sorpresa
natin may bago na naman siyang bag.
* sinusundan ng pantukoy
May mga gawaing tinatapos ang
samahan
* sinusundan ng pang-ukol na sa
May sa palos sa bilis ang lalaking iyan.

3.1 mayroon
*sinusundan ng panghalip na palagyo
Mayroon kang matatanggap na sorpresa
sa linggong ito.
* sinusundan ng isang kataga
Mayroon ngang planong isasagawa tungo
sa kaunlarang pangkomunidad.
* bilang patalinghagang pahayag
Kilala silang mayroon sa kanilang
lalawigan.

* ginagamit kung may napasingit na


kataga sa salitang sinusundan
Mayroon po kaming magandang
mungkahi sa proyektong isasagawa.
* ginagamit bilang panagot sa
tanong
May maaasahan ba akong
pagbabago sa iyong pag-aaral?

4. subukin at subukan
4.1 Subukin pagsusuri, pagsisiyasat at pagsubok
sa bisa
Subukin natin ang bisa ng gamot na iyan kung
talagang mawawala ang pananakit ng ating ulo.
4.2 subukan-pag-alam sa kakayahan
ng tao
pag-alam sa ginagawa ng
tao
# Subukan mo kung maipapasa mo ang
pagsusulit
# Subukan mo kung ano ang ginagawa ng mga
mag-aaral sa silid.

5.pahirin at pahiran
* pahirin pag-alis ng isang bagay
Bago ilapag ang gamit sa mesa ay kailangang pahirin ang
alikabok
* pahiran paglalagay ng isang bagay
Higit na maganda kung pahiran natin ng pinturang pula
ang kahon.
6 operahin at operahan
* opreahin bahaging tinitistis
Operahin na ang kanyang mga mata upang manumbalik ang
liwanag.
* operahan tao, lugar o panahon ang tinutukoy
Si Daniel ay ooperahan mamaya
Sa Chinese Hospital Siya ooperahan

7. napakasal at nagpakasal
* napakasal pag-iisang dibdib
Napakasal ang magkasintahang Jane at Jake bago sila
mangibang bansa.
*nagpakasal tumutukoy sa taong nangasiwa o punong abala
sa kasalan
Ang mga magulang nina Jane at Jake ang nagpakasal sa
kanila.
8. din/daw at rin/raw
* Ang rin at raw ay sinusundan ng mga salitang nagtatapos sa
patinig, w at y
Si Ruth ay matalino ring tulad ng kanyang ama.
* Ang daw at din ay sinusundan ng mga salitang nagtatapos sa
katinig maliban sa w at y
Masinop din sa pamumuhay si Dianne tulad ng kanyang ina

9.sila at sina/kina at sila


* sila panghalip panao
*sina panandang pangkayarian sa pangalan
Nakita ko sila sa MOA noong linggo.
Mabubuting anak sina Sandy at Ralph.
Kina - panandang kayarian sa pangalan
Madalas siya kina April at Alex.
** walang salitang kila sa sa balarilang
Filipino

10. pinto at pintuan


* pinto ( door)bahagi ng danan na binubuksan at isinasarado
Isara twina ang pinto upang di pasukin ng di kilalang tao.
* pintuan (doorway) kinalalagyan ng pinto
May batong nakaharang sa pintuan kayat mahirap isarado ang pinto.
11. hagdan at hagdanan
* hagdan (stairs) mga baitang
Tinakbo niya ang hagdan upang di abutan ng kapatid.
* hagdanan (stairways) bahagi ng bahay na kinalalagyan ng hagdan
Maganda at matibay ang hagdanan, palibhasay eksperto ang gumawa.
13. Iwan at iwanan
* iwan may iiwanan
Alam kong mahalaga ang mga papales na iyan pero dapat mong iwan na upang di
mawaglit.
* iwanan may ibibigay na isang bagay
Sige iwanan ko sa iyo at ikaw na ang magtatago.

14. sundin at sundin


sundin pagunod sa payo
Sundin ang payo ng magulang upang di mapariwara.
sundan paggaya o pagtungo sa pinuntahan ng iba
Sundan ang yapak ng ama sa pagnenegosyo upang lalong
mapaunlad ang kabuhayan
15. dahil sa at dahilan sa
* dahil sa - sinusundan ng pangalang pinagsanhian ng pangyayari
Mababa ang marka niya sa pagsusulit dahil sa di pag- unawa sa panuto
dahilan sa itoy pangalan mismo
Hindi nagkaunawaan ang magkaibigan dahilan sa pag-iisip ng
masama sa isat isa
16 kung di (if not) Tatagal sana ang ating pagkakaibigan kungdi ka
nagtraydor
kungdi walang salitang ganito
kundi kolokyalismo ng kungdi

Balik-tanaw

Mga Layunin
Nasusuri ang wastong pagkakabuo ng
mga pahayag
Nakabubuo ng mga pahayag sa ibat
ibang sitwasyon

Pagbuo ng Pangungusap
1.Tiyaking magkatimbang at pararelismo ang
ideya sa panungusap.
Di-Timbang: Matapos magsitangis ay agad na nagbalot ng
mga gamit ang mga pinaalis na iskwater.
Timbang: Matapos magsitangis ay agad nagsipagbalot ng
mga gamit ang mga pinaalis na iskwater.
Di-Paralel: Ang pag-eehersisyo at masustansyang pagkain
ay mahalaga sa pagpapabuti ng ating katawan.
Paralel: Ang pag-eehersisyo at pagkain ng
masusustansyang pagkain ay mahalaga sa pagpapabuti ng
ating katawan.

nagkakaisa ang mga


aspeto ng pandiwa
2.Tiyaking

Di nagkakaisa: Nagsialis at nagsisiuwi ang mga panauhin


ko kanina.
Nagkakaisa: Nagsialis at nagsiuwi ang mga panauhin ko
kanina.

3. Huwag pagsamahin ang mga pangungusap na


di magkaugnay
Di magkaugnay: Hindi uunlad ang ating wika kapag hindi
natin ito gagamitin at mahilig tayo sa kalayawan.
Wasto: Hindi uunlad ang ating wika kapag hindi natin ito
ginamit.

4. Iwasan ang pagsama-sama ng


maraming kaisipan sa isang
pangungusap
Di mabisa: Ang pagsasayaw gaya rin ng paglalaro ng mga bata ng
taguan kung gabing walang buwan at padadama ng mga lalaking
walang magawa at nagpapalipas ng oras sa pagupitan ay tunay na
nakaaaliw.
Mabisa: Ang pagsasayaw, gaya ng paglalaro ng taguan ng mga
bata ay tunay na nakalilibang.

5. Gawing malinaw kung alin ang punong sugnay at


pantulong na sugnay

Hindi malinaw:

Dahil sa ayaw ko iyon, hindi ko binili ang


aklat.
Malinaw: Dahil sa ayaw ko ang aklat, hindi ko iyon binili

6. Gamitin ang tinig na balintiyak ng


pandiwa kapag ang simuno ng
pangungusap ang di gumaganap ng kilos
Mali: Si Joel ay binili ang relo para kay Bernie.
Tama: Ang relo ay binili ni Joel para kay Bernie.
Mali: Si Marie ay kinuha ang hinog na papaya sa puno.
Tama: Ang hinog na papaya sa puno ay kinuha ni Marie.
Kinuha ni Marie ang hinog na papaya sa puno.

7. Huwag ilayo ang salitang panuring sa


tinuturingang salita
Malayo: Maganda ang kwentong binasa ko talaga.
Malapit: Maganda talaga ang kwentong binasa ko.
Malayo: Tinawag ni Rony ang tao nang malakas.
Malapit: Malakas na tinawag ni Rony ang Tao.

8. Ilapit ang panghalip na pamanggit sa


pangngalang kinakatawan nito
Malapit: Ipinanhik ni Jun ang telebisyon sa bahay na binili
ng tatay niya.
Malapit: Ipinanhik ni Jun angtelebisyong binili ng tatay
niya.

9 Sa Filipino nauuna ang panaguri sa simuno


sa karaniwang ayos ng pangungusap
Karaniwang ayos : Minahal at ginamit ang sariling wika.
Mabait na bata si Marvin.
Di karaniwang ayos: Ang sariling wika ay minahal at
ginamit niya.
Si Marvin ay mabait na bata

Dinamikong - gawain
Pangkatang pagbuo ng mga pahayag
gamit ang mga wastong salita
Sitwasyon
Pangkat1-tahanan
Pangkat2-sa kantina
Pangkat3- sa party
Pangkat4- sa klasrum

Magsaliksik:
Pagpapahayag ng ideya sa ibat ibang
estilo
*Tayutay
* Idyomatikong pagpapahayag
* Matalinghagang ekspresyon

You might also like