Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Peoples Response to Disasters

Vulnerability, capacities and resilience in Philippine Context


JC Gaillard, 2011
Bilang paghahanda sa pananaliksik na aming gagawin, binasa ko ang librong
isinulat ni JC Gaillard na pinamagatang Peoples Response to Disasters Vulnerability,
capacities and resilience in Philippine Context na Inilimbag ng Center for Kapampangan
Studies, Holy Angel University, Angeles City, Pampanga taong 2011.
Sinimulan ang libro sa pagpapahayag ng kasalukuyang kalagayan ng Pilipinas,
kung saan ay nasabi na ang ating bansa ay nasa loob ng parte ng mundo na kung hindi
man madalas, ay tila lapitin ng mga sakuna o kalamidad. Ang mga kalamidad ay
kadalasang tumatatak sa mga isipan ng mga tao na hindi pangunahing problema o hindi
na kailangang paghandaan, kung kayat nabanggit din sa libro ang kahinaan at kalakasan
ng mga Pilipinong nakaranas at kasalukuyang nakakaranas na sa mga sakuna. Sa oras ng
pagdating ng kalamidad na hatid ng Inang kalikasan, kadalasang sumasagi sa isipan ng
mga Pilipino na tila wala na silang magagawa sa pagdating nito. Kaya idiniin ng may akda
na walang sinuman ang mabubuhay upang maging biktima lamang ng kalamidad
sapagkat ang ating komunidad ay mayroong nagagawang paraan tuwing may kalamidad
kagaya na lamang ng lindol. Ilan na rito ay ang pagtutulungan ng lokal na komunidad
upang magkaroon ng organisadong maayos at epektibong paraan sa pagdating ng sakuna,
patuloy na paghahanap ng paraan ng mga tao ng pangkabuhayan, at pagiging handa sa
pamamagitan ng kaalaman ukol sa mga nararapat gawin, at pamamahagi nito sa kapwa.

Ang pag-aaral at datos ng may akda ay kadalasang nakasalalay sa pananaliksik sa


mga partikular na lugar at komunidad. Sa pamamagitan ng mga datos ngSa kanyang
pananaliksik ay nakagawa siya ng isang magandang daloy ng impormasyon. Sinimulan
nya sa pamamagitan ng mga tanong, sinundan ng kasagutan sa mga tanong, at konklusyon
ukol sa mga impormasyong kanyang nailathala sa aklat. Isa pa sa aking mga napuna ay
ang pahayag ni JC Gaillard ukol sa pagsisi ng gobyerno sa kalamidad sa pagbagsak ng
ekonomiya ng Pilipinas. Ang may akda ay kapansin pansin ding nagbibigay pansin sa mga
mahihirap, o kayay mga taong nasa probinsya.
Si JC Gaillard,PhD. ay isang geographer na may partikular na pagkamangha sa
DRR o disaster risk reduction kayat ang kanyang pananaliksik nang limampung taon sa
ibat ibang parte ng Pilipnas ang kaniyang naging gabay at pundasyon sa akdang ito. Ang
kanyang pagkabihasa sa larangang ito ay nagbibigay ng matibay na kredibilidad sa
kanyang akda na aking gagamitin sa araling ito.

1. Mga batayang (basic) detalye sa materyal na binasa (tesis, disertasyon, dyornal, at katumbas)
2. Isang talatang buod nito
3. Obserbasyon (halimbawa sa estilo ng pagtalakay ng teksto, taglay nitong posisyon at/o
politikal na paninindigan, maaari ding sa disenyo ng pag-aaral)
4. Puna: mga kalakasan at/o ambag ng akda sa larang (field) ng pag-aaral sa naturang paksa
(halimbawa, sa midya) at kahinaan (maging kritikal at suportahan ng mga detalye.
Natural Hazards
Earths Processes as Hazards, Disasters, and Catastrophes
Edward A. Keller at Robert H. Blodgett, 2008
Nakatulong sa akin upang aking maunawaan at mas maintindihan ang aking paksa
sa tulong ng aklat ni Edward A. Keller at Robert H. Blodgett na pinamagatang Natural
Hazards: Earths Processes as Hazards, Disasters, and Catastrophes na inilimbang taong
2008.
Ang aklat ay nakatuon sa ibat ibang panganib na dala ng kalikasan sa mundo, at
isa sa pinagtuonan ng pansin ng mga manunulat ay ang lindol. Nakasaad sa aklat ang mga
sanhi at bunga ng lindol, mula sa indibidwal na tao hanggang sa buong mundo at isa na
rito ang mga bagay na dapat gawin ng indibidwal na tao bago, habang, at pagkatapos
lumindol. Ang ilan dito ay ang paghahanda ng tubig, pagkain, mga panggamot, at pera na
madaliang makukuha. Kailangan din malaman ang proseso na duck, cover and hold na
paulit ulit pinapaalala tuwing may evacuation drill. Ang mga paghahandang ito ay isa
lamang sa Five fundamental concepts na nakasaad sa bawat bahagi ng aklat, at ang iba

rito ay ang mga sanhi ng lumilindol, pagsusuri sa mga panganib na maaaring mangyari,
ibat ibang sakuna na maaaring sumunod pagkatapos ng lindol, at ang mga paraan upang
makaiwas sa pagkadisgrasya sa pagdating ng lindol.
Kapansin pansin na ang pagtatalakay ng bawat talata ay mayroong balanse pagdating
sa paglalahad ng impormasyon. Isa itong magandang bagay sapagkat kasabay ng pagunlad
ng teknolohiya ng mundo ay ang pagdagdag ng kaalaman ukol sa mga ganitong uri ng
pagaaral, at napili nang maayos ng mga may akda ang impormasyong kanilang ibinahagi
sa libro at madaling unawain.
Ang mga may akda ay kapwa geologist. Sila ay mga propesor at propesyonal sa
pagaaral ukol sa pisikal na katangian ng mundo. Hinihikayat ni Edward Keller ang
kaniyang mga estudyante sa California State University upang magsaliksik pa ukol sa mga
sakuna na dulot ng kalikasan. Si Robert Blodgett, ay isa namang espesiyalista sa lindol. Ang
kanilang kaalaman at kahusayan sa larangang ito ay nagpapahiwatig ng literaturang
mayroong maaasahang kredibilidad. Ang aklat na ito ay mayroong maaasahang
impormasyon na nakapaghikayat sa akin upang ipagpatuloy ang aking pagsusuri ukol sa
kandaan at kaalaman ng komunidad ng aking paaralan.

You might also like