Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang panahon ng aktibismo ay uminit noong 1970-1972.

Maraming kabataan ang mga naging aktibista


upang humingi ng pagbabago sa pamahalaan. Karamihan sa mga kabataang ito ay mga mag-aaral ng
Unibersidad Ng Pilipinas. May tatlong salita na kadalasang isinisigaw ng mga estudyante sa bawat
pagmimiting o rally. Ito ay ang imperyalismo, feudalismo, at facismo.
Ang imperyalismo ay ang pagpapalawak ng lakas o impluwensya; ang feudalismo ay mga suliranin sa
pagmamay-ari ng mga lupang sakahan; at ang facismo ay ang pagiging diktador o paggamit ng kamay na
bakal at hindi paggalang sa karapatan ng kapwa.
May tatlong katangian ang mga tulang naisulat sa panahong ito: Una, ang pagmamasid at pagsusuri sa
kalagayan ng bayan; Pangalawa, ang pagsisiwalat ng mga katiwalian at dayukdok na pagpapasasa ng mga
nanunungkulan ; at ang Ikatlo, ay ang tahasang masasabing labag sa kagandang-asal na panunungayaw at
karahasan sa pananalita.
Mga katipunan ng tulang naisa aklat sa panahon ng aktibismo:
1.

Mga A! Ng Panahon (1970)- ni Alejandro Q. Perez

2.

Kalikasan (1970)- ni Aniceto Silvestre

3.

Peregrinasyon at Iba pang Tula(1970)- ni Rio Alma

4.

Sitsit sa Kuliglig(1972)- ni Rolando S. Tinio

5.

Mga gintong Kaisipan(1972)- ni Segundo Esguerra


Labis na naging mapangahas ang mga manunulat ng dula, maikling kwento o maging nobela sa panhong
ito, hindi lamang sa paksa kundi maging sa usapan at salitaan ng kanilang mga tauhan sa akda. Naging
palasak din ang panghihiram ng mga salitang Ingles, Kastila at iba pang likhang salita sa kanto at
pabalbal.
Maging ang mga awiting tagalog sa karaniwang naririnig sa mga radio, telebisyon, o sa panahon ng
demonstrasyon ya ngapapahiwatig ng di-pagkakaroon ng kasiyahan sa takbo ng pamahalaan sa bayan
natin noon. Ang mga awiting: Inang Laya, Pagpupuyos, Babae ka, Wala ng Tao sa Santa Felomina,
Base Militar, Walang Lagay at Titser ay buhat sa Isipan ng mga nangungunang kabataang nagtatanong
at nagpapahiwatig ng mga kalituhan na naghahanap ng lunas.
Sa panahon ding ito ay nagsimulang mapanood ang mga pelikulang malalaswa na tinatawag ding
Pelikulang Bomba at mga akdang tungkol sa kahalayan .
Iba pang akda sa Panahon ng Aktibismo:

Mga tula:
1.

Mga Duguang Plakard mahabang tulang alay sa mga demonstrador napinatay sa Mendiola ni
Rogelio Mangahas.

2.

Ang Burgis sa Kanyang Almusal pagtuligsa sa kawalang pakialamng mga middle class sa
karukhaan ng taumbayan Ni Rolando S. Tinio

3.

Tata Selo iba pa sa maikling kwento ni Romulo Sandoval

4.

Ang Mga Kagila-gilalas na Pakikipagsapalaran ni Juan de la Cruz ni Jose Pete Lacaba

5.

May Bango Ang Awit ng Rebolusyon ni P.T. Martin

6.

Elehiya sa Isang Rebelde ni Virgilio Almario


Mga Nobela

1.

Daluyong ni Lazaro Francisco

2.

Luha ng Buwaya ni Amado V. Hernandez

3.

Dugo sa Bukang-Liwayway ni Rogelio Sicat

4.

Sa Mga Kuko ng Liwanag ni Edgardo ReyesMga Maikling Kuwento

5.

Banyaga ni Liwayway Arceo

6.

Impeng Negro ni Rogelio Sicat

7.

Tata Selo ni Rogelio Sicat

8.

Ang Kamatayan ni Tiyo Samuel ni Efren Abueg

9.

Servando Magdamag ni Ricky Lee

10.

Isang Araw sa Buhay ni Lazaro ni Jose Rey Munsayac

You might also like