Professional Documents
Culture Documents
Ang Beterano
Ang Beterano
Ba! At sino ang nagsabi sakin na di kayo mamumuhi kung ginawa ko ang ganyang
panghihimasok?
Tanggapin natin, anang binibini. Ngunit animnaoung libong dolyar na ba naman
kaya ang sukat maging mahalaga ng aking pagkamuhi?
Si Robertson naman ang napahalakhak.
Sa ganang akin, anang ginoo na tila inalihan ng pagbibinata sa kagandahan ng
kaharap ng dilag, ang pagkamuhi ninyo ay di mapapantayan ng pilak.
Hmmm! ang mahinang ungol ng dalaga na kasabaay ng pagkapawi ng ngiti sa
kanyang mga labi. Ipagpaumanhin ninyo ang aking mga biro. Sa katotohanan ay
sinusulat ko na ang gaya ng aklat na inyong hinihiling. Nangangalahati na ako.
Diyata? Ang pagkilas ni Robertson. Ano ang pamagat ng aklat?
Ang kutsilyo sa Kamay ng Bata. Patutunayan ko kung paanong ang kalayaan sa
kamay ng mga Pilipino ay makakahalimbawa lamang ng kutsilyo sa kamay ng isang
paslit na bata na maaring igilit sa sariling lalamunan.
Magaling! ani Robertson na pinagkiskis ang dalawang palad. Nabasa ba ninyo
ang The Philippines, A Treasure and a Problem at ang The Isle of Terror?
Nabasa ko na. May mga sipi ako sa aking aklatan.
Hindi ba ninyong tinangkang magsadya sa Pilipinas upang lumikom ng mga tala at
ulat na makapagbibigay ng lalong kislap sa mga pagkukurong lalamanin ng inyong
aklat?
Nagpahatid na ako ng kablegrama sa aking pinsan, kay Tenyente Philip Hall, upang
ipaglaan ako ng isang silid sa pinakamabuting otel sa Maynila.
Kailan kayo aalis?
May bilyete na ako. Tutulak bukas ang President Jackson na siya kong lululanan.
Ibibigay ko sa inyo ang sandaang libong aming inaalok, ani Robertson na inilabas
ang tsekeng may lagda ngunit wala pang sulat na halaga.
Pinaglaanan ko ng sarili kong gugol ang gawaing ito.
Kung gayoy ituring na lamang ninyo ito na parang isang alaala.
Huwag, ginoong Robertson. Ito ay malugod na tumindig at nagpaalam. Inihatid
siya ng dalaga hanggang sa beranda.
Maligayang paglalakbay at maluwalhating pagbabalik! ang pamamaalam ni
Robertson na buong higpit na kinamayan ng dalaga.
Ngunit, anang binata na di pansin ang huling kataga ng dalaga, ano ang
kahulagan ng mga pagsusumakit na iyan? Ilan na kayong nagsadya rito sa ganyan
ding pakay? Bakit ganyan na lamang ang pagsusumukap ninyong Makita ang
kapintasan ng kahabag-habag na bayang ito samantalang nabubulag-bulagan kayo
sa mga sarili ninyong kasiraan? Kailan pa natin makikilala na lalo pang isang
malaking kasalarinan ang pagkakait sa bayang ito ng kanyang kalayaan, niyang
kalayaang upang makamit lamang ay pinamumuhunan din ng katakut-takot na
dugo at buhay n gating mga magulang? Kailan pa natin natutuhan na ang marangal
na pagtupad sa pangako ay ang humanap ng mga sanhi sa pagtatalo-sira?
Labis na. Tinitimplang poot ni Bertha Carvel sa gayong harapang pagpuna ng
pinsang tenyente ay ipinahiwatig na ng kislap ng kanyang mga mata at ng
pamumula ng kanyang mukha.
Nakakuha ka ba ng pahintulot sa pamamahinga? Ang tanong ni Bertha sa binata sa
isang tinig na malamig at tuyot.
Oo, gaya ng tagubilin mo ay dalawang buwan ang aking hinihingi!
Maisasauli mo na anang dalaga. Hindi na kailangan! Makakalakad na ako nang
nag-iisa sa balak kong pagliliwaliw.
Ba! Ba! ang pagbigla ng binata. Ano ang sanhi ng ganyang pagbabago? Namula
ka, Bertha! Ikinamumuhi mo ba na matapos kong manahin ang dugo at laman ng
mga bayani at magigiting nating ninuno ay minana ko rin pati ang kagitingan at ng
kadilaan ng kanilang damdamin.
Ano ang ibig mong sabihin, Philip? ang hadlang ng dalaga na nanginginig ang
tinig. Inaalipusta mo ako? Sukat na! Kung mapapaunlakan mo akong saluhan sa
tanghalian ay iyan na lamang ang karangalang hihintayin ko sa iyo.
Hindi maaari! ani Philip. Sasamahan kita saan ka man paroon. Tungkulin ko iyan
sa iyo habang naririto ka sa Pilipinas.
Tungkulin? Ako ang nagbibigay sa iyo ng tungkuling iyan at ako rin ang makapagaalis. Inaalis ko ngayon din.
IV
Sa napahinuhod o hindi si Bertha Carvel sa pagpupumilit ni Philip na ito ay
ipagsama sa gagawing paglalakbay sa ibat ibang dako ng kapuluan, kinahapunan
ng araw na yaon, ang dalawa ay makikitang sumasagap ng malayang hangin sa
Luneta. Linggo noon. Sa gloryeta ay nagpaparinig ng magagandang tugtugin ang
banda ng konstalbularya.
Palipat-lipat sa ibang bagay ang paksa ng pag-uusap ng dalawa. Kapwa sila
nangingilag na magawi ang salitaan sa paksang ipinagkasamaan nila ng loob.