Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

Mga Pagbabagong

Morpoponemiko
Online Lecture sa FIL 10

Layunin
Sa katapusan ng sesyon, nararapat na ang mag aaral ay
Mapag aralan ang anim na halimbawa ng pagbabagong morpoponemiko
Makapagbigay ng isang halimbawa sa bawat pagbabagong morpoponemiko
Magamit ang nasabing mga halimbawa sa pangungusap

Bakit mayroong pagbabagong


morpoponemiko?
Nagaganap ang pagbabago sa morpema dahil sa impluwensya ng ibang ponemang
nakapaligid dito.

Ang nakakaimpluwensyang ponema dito ay maaaring iyong sinusundan o iyong


susunod na katabing ponema. Gayunpaman, kadalasan ay iyong sinusundang
ponema ang nakaaapekto.

Kadalasan ng mga pagbabagong nagaganap ay dulot ng pagdaragdag ng panlapi o


pagsasama ng dalawa o higit pang morpema.

Umaayon ito sa natural na layunin ng tao mas madaling magamit ang mga salita

Asimilasyon
Ito ang pagbabagong nagaganap sa tunog na // sa mga panlaping pang-,
mang-, hing-, at sing- dahil sa impluwensya ng kasunod na tunog.

Pagbabawas letra o pagpapaikli.


Mayroon itong dalawang uri:
Asimilasyong ganap
Asimilasyong parsyal o di-ganap

Asimilasyon

Asimilasyong di-ganap o parsyal

Kapag ang tunog na // ay nababago ayon sa sinusundan nitong morpema.


Pang+tukoy = Pantukoy

Mang+dukot = Mandukot
Sing+puti = Simputi
Mang+bola = Mambola

Nagiging tunog na /m/ ang tunog // kapag ang kasunod na morpema ay nagsisimula
sa /p/ o /b/

Nagiging tunog na /n/ naman ang tunog na // kapag ang kasunod na morpema ay
nagsisimula sa /d, l, r, s, t/

Mga halimbawa:

Pang+DOTA= pandota

Pang+bahay = pambahay
Pang+paaralan = pampaaralan
Pang+panguluhan = pampanguluhan

Pang+salok =pansalok
Pang+labas = panlabas
Pang+rosaryo = panrosaryo
Pang+takbo = pantakbo

Asimilasyon
Asimilasyong ganap
Bukod sa pagbabagong nagaganap sa ponemang //, inaalis na rin ang unang letra ng
kasunod na morpema

Isinama na kasi ang naunang tunog sa naunang ponema


Pang+tali = Panali
Mayroong mga ibang parehas na uri ng asimilasyon ang maaaring gamitin.
Pang+kuha = Pangkuha/Panguha
Pang+tabas = Pantabas/Panabas

Pagpapalit ng Ponema
Napapalitan o nagbabago ang pagbubuo ng mga salita. Napapalitan din ang

diin.
Ang ponemang /d/ ay nagiging /r/ kapag ang huling ponema ng unlapi ay PATINIG.
Ma+dapat = Marapat
Ma+dunong = Marunong

Gayundin ang isinasagawa kapag hulapi ang idinadagdag at ang ponema ay nasa hulihan.
Tawid+an=Tawiran
Lapad+an=Laparan

Pagpapalit ng Ponema
Ilang halimbawa pa ng pagpapalit ng ponema ay ang pagpapalit ng /n/ sa dibinibigkas na /-h/ kapag nilalagyan ng hulaping /han/
/tawa(h)/+/an/ = tawanan

Metatesis
Kapag ginagamit ang gitlaping in sa salitang ugat na nagsisimula sa letrang
/l/ ay /y/, nagpapalit ng pusisyon ang /i/ at /n/.
-in-+lipad = l-in-ipad = nilipad
-in-+yaya = y-in-aya = niyaya

Nagiging ni- ang in- at napapalipat sa unahan ng salitang ugat.

Pagkakaltas ng Ponema
Nawawala ang huling patinig ng salitang ugat kapag nilalagyan ito ng hulapi.
Sara+han = sarahan = sarhan
Takip+han = takipan = takpan

Paglilipat-diin
Naiiba ang pagbigkas dahil sa paglilipat-diin.
Kung ang mga salita na iwas, sira, at lapat ay may nararapat na diin ayon sa
kahulugan nito, nababago ang diin kapag nilagyan na ito ng panlapi.
Iwasan
Sirain
Lapatan

Reduplikasyon
Pag-uulit ng pantig ng salita ang reduplikasyon. Ginagamit ang pa-uulit bilang
pagpapakita ng kilos na ginagawa o gagawin pa lamang.

Alis -> Aalis


Punta -> Pupunta

Masaya -> Masasaya


Lakad -> Naglakad -> Naglalakad

Paglalagom
Mayroong anim (6) na pagbabagong morpoponemiko ang ating tinalakay:

Asimilasyon
Pagpapalit ng Ponema
Metatesis
Pagkakaltas ng Ponema
Paglilipat-diin
Reduplikasyon

Paano tayo naaapektuhan ng mga pagbabagong morpoponemiko sa araw araw?

Mahalagang alam natin ang wastong paggamit ng mga salita upang magabayan tayo sa araw araw na paggamit nito
Masisiguro natin na tama ang ating paggamit upang hindi mapahiya at magdulot ng kalituhan sa mga pinapahayag at isinusulat
sa Wikang Filipino.

You might also like