Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Si Matabagka at ang Tagapag-ingat ng Hangin

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Sino ang sumulat ng akdang Si Matabagka at ang Tagapag-ingat ng Hangin?
a. Rogelio R. Sikat
b. Aurora E. Batnag
c. Luis P. Gatmaitan
d. Ligaya Bernales
2. Ano ang tawag sa kahariang nasasakupan nina Matabagka at Agyu?
a. Nalandangan
b. Talaandig
c. Gitnang Bukidnon
d. Daligdigan
3. Ano ang ipinakitang katangian ni Matabagka ng sambitin niya ang katagang Ako ay
babae, matapang, may sariling lakas at higit sa lahat ay lumalaban.
a. Kabaitan
b. Kaduwagan
c. Katapatan
d. Katapangan
4. Lalong nabighani si Imbununga nang makita niya si Matabagka sa pakikihamok sa
kabilang hukbo. Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugang:
a. Pakikipag-away
b. Pakikipagbati
c. Pakikipaglaban
d. Pakikipagkaibigan
5. Ano ang kulturang ipinakita ng mga taga-bukidnon?
a. Ang paghahanda ng nganga ng mga babae para sa kanyang mapapangasawa.
b. Pagpapainom ng alak sa panauhin.
c. Pagpapatuloy ng panauhin sa silid- tanggapan.
d. Ang pagbibigay ng pagkain sa panauhin.
6. Ang mga sumusunod na pahayag ay maaaring maganap sa tunay na buhay maliban sa:
a. Ang pagtatanggol ng mga babae sa bayan.
b. Ang pagpapakita ng katapangan ng mga babae.
c. Ang pagtataglay ng kakaibang kapangyarihan upang mailigtas ang mundo.
d. Ang pag-iibigan ng dalawang tao.
7. Ang mga sumusunod na pahayag ay hindi maaring maganap sa tunay na buhay maliban
sa:
a. Ang paggamit ng taklubu at baklaw
b. Ang paglipad sakay ng sulinday
c. Ang paggamit ng kapangyarihan
d. Ang pagtatanggol ng babae sa kanyang bayan
8. Ang mga sumusunod ay pawing kasingkahulugan ng salitang marangya maliban sa isa.
Alin ang hindi kasama?
a. Mariwasa
b. Magarbo

c. Maralita
d. Masagana
9. Bilang isang mag-aaral, paano mo ipakikita ang iyong pagmamahal sa bayan?
a. Paggalang sa mga nakatira sa bayan ko
b. Pagtangkilik sa sariling produkto ng bansa
c. Hindi pagtatapon ng basura sa ilog
d. Paggamit ng ibang wika
10. Ikaw ay naglalakad patungo sa inyong paaralan kasama ang iyong mga kaibigan. Habang
naglalakad,narinig moa ng ating pambansang awit--- ang Lupang Hinirang. Huminto ka
saglit upang ipakita ang iyong pagmamahal sa bayan ngunit ang iyong mga kaibigan ay
hindi. Ano ang gagawin mo?
a. Hahayaan na lang sila sa kanilang ginawa.
b. Pagsasabihan sila na sa susunod ay hihinto muna upang maipakita ang iyong
pagmamahal sa bayan.
c. Pagagalitan sila dahil sa kanilang ginawa.
d. Isusumbong sa guro ang ginawa ng kaibigan.
11. Ano ang magiging bunga ng pagtataksilng asawang babae sa asawang lalaki?
a. Pagkasira ng pamilya
b. Pag-aaway ng dalawa
c. Pagkakaroon ng magandang samahan ng pamilya
d. Pagiging matatag ng pamilya
12. Ano ang dahilan kung bakit nagagawang magtaksil ng isang tao sa taong mahal nito?
a. Pansariling kaligayahan
b. Para sa kapakanan ng nakararami
c. Upang tumatag ang kanilang samahan
d. Pansariling kagustuhan lamang
13. Ano ang pinapaksa ng epikong Si Matabagka at ang Tagapag-ingat ng Hangin?
a. Dakilang pag-ibig ng babae sa lalaki
b. Pagpapakita ng pagmamahal sa bayan
c. Pagiging bayani ng babae
d. Pagliligtas ng bayan gamit ang kakaibang kapangyarihan
14. Ano ang katangiang ipinakita ni Agyu ng sambitin niya ang katagang Ano ang
magagawa mo? Ikaw na isa lamang babae
a. Maunawain
b. Matulungin
c. Mapanghamon
d. Maawain
15. Saan nagmula ang epikong Si Matabagka at ang Tagapag-ingat ng Hangin?
a. Bukidnon
b. Bulacan
c. Zambales
d. Quezon
16. Hindi sana gustong puksain ni Agyu ang kalaban ngunit nang malaman niyang nais rin
siya nitong patayin ay napilitan siyang gawin ang bagay na iyon. Hanapin sa loob ng
pangungusap ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit?

a. Napilitan
b. Kalaban
c. Patayin
d. Malaman
17. Sumikdo ang dibdib ni Imbununga ng makita niya si Matabagka. Ano ang ibig sabihinng
salitang sumikdo?
a. Nagulat
b. Tumibok
c. Kinabahan
d. Tumalon
18. Nilisob ng kabilang hukbo ang inyong tribo. Ikaw ang inatasang mamuno sa hukbong
sandatahan na lalaban sa kabilang hukbo ngunit sugatan ka pa sanaganap na labanan, ano
ang iyong gagawin?
a. Uutusan ko na lang ang aking mga kawal na labanan ang kabilang hukbo.
b. Lalaban pa rin ako upang ipagtanggol ang aking nasasakupan.
c. Magpapagaling muna ako bago lumaban.
d. Hihingi ng tulong sa kabilang tribo.
19. Hindi ka na babalik kapag itinuro ko sa iyo ang landas patungong Nalandagan. Ibig
kong dito ka manatili habang buhay ano ang nais iparating ni Imbununga?
a. Gusto niyang managing alipin si Matabagka
b. Gusto niyang pakasalan si Matabagka
c. Ayaw niyang ituro kay Matabagka ang daan pabalik sa Nalandangan
d. Ayaw niyang umalis si Matabagka
20. Ano ang damdaming namayani sa puso ni Matabagka ng malaman niyang ang kanyang
iniibigay siya rinniyang kalaban?
a. Pagmamahal kay Imbununga
b. Pagmamahal sa nasasakupan
c. Pagmamahal sa sarili
d. Pagmamahal kay Agyu
Inihanda ni: Nheann A. Dayapera

You might also like