I. Isalaysay ang karanasan sa pagpunta sa pook ng tanghalan hanggang sa marating ito. Kung mayroon, banggitin ang mga naranasang suliranin at ang mga naging kalutasan nito. Kami ay nagkita-kita sa UST at nagsimba muna kami bago pumunta sa tanghalan. Sumakay kami sa sasakyan ng aking kaibigan at doon ko naalala na hindi kop ala nadala ang ticket ko kaya pinakiusapan ko ang kaibigan na idaan muna ako saglit sa aming bahay. Nang kami ay dumating, nagsisimula na ang pagtatanghal. II. Ilarawan ang tanghalan: ang kaligiran o background, ayos, ilaw, bentilasyon, at ang pangkalahatang anyo nito. Unang beses ko pa lang makapunta sa Aliw Theater kaya naman pagpasok ko ay namangha ako sa laki nito. Napakarami na naming nanood ngunit hindi pa rin napuno ang tanghalan! Kumpleto sa ibat ibang uri ng ilaw na nagpapaganda lalo ng palabas at tama lamang ang lamig sa loob ng tanghalan. Angkop rin ang kaligiran sa tema ng palabas dahil nagmukhang nasa sinaunang panahon ang anyo ng entablado. III. Ilarawan ang pisikal na aspekto ng pagtatanghal tulad ng kasootan ng mga nagsiganap, ang musika, kilos, pananalita, kagamitan o props, ugnayan ng nagtanghal at ng kanilang mga manonood, at iba pa. Mapapansing sa lahat ng aspekto ng palabas ay talagang pinaghandaan ito! Sa mga kagamitan at kaligiran, nagmumukhang tunay at totoo ang tagpuan. Magaganda rin ang mga kasootan ng mga nagsiganap, halatang pinagkagastusan at dito pa lang mahuhulaan na ang papel ng isang nagtatanghal. Pagdating sa musika at sayaw, napakahusay rin ng kanilang naipakita sapagkat maayos at sabay-sabay ang kanilang mga galaw. IV. Isalaysay sa paraang pabuod ang nasaksihang pagtatanghal at ilahad ang sariling interpretasyon nito. Tatlong kwento ang isinadula nila: Ang Prinsipe ng mga Ibon, Ang Kapatid ng Tatlong Maria at Ang Mahiwagang Biyolin. Ang Prinsipe ng mga Ibon ay tungkol sa isang prinsesa na umibig sa prinsipe ng mga ibon. Masaya sila ngunit ang ama ng prinsesa na isang hari ay tutol sa kanilang relasyon. Ipinaglaban ng prinsipe ang prinsesa at sa huli, wala ng nagawa ang hari.
Ang Kapatid ng Tatlong Maria naman ay isang epiko ng isang lalaking
hinahanap ang kanyang tatlong nawawalang kapatid. Ang kanyang paglalakbay ay dinala siya sa kaharian sa ilalim ng dagat, kaharian ng mga ibon at kaharian ng mga mababagsik na hayop. Ang huling istoryang Ang Mahiwagang Biyolin ay isang komedya tungkol sa isang lalaki minamaltrato ng walang puso niyang amo. Nagbago ang lahat ng binigyan siya ng isang pulubing kanyang tinulungan ng mahiwagang biyolin na kayang magpasayaw sa makakapakinig nito. V. Paano mo iuugnay sa wika at kultura ang pagtatanghal na napanood? Ang palabas ay isang magandang halimbawa ng di-berbal na pakikipag-ugnayan. Kahit hindi sila nagpahayag ng mga salita ay naintindihan ko ang gusto nilang iparating sa aming mga manonood. Gumamit sila ng mga tsanel tulad ng kinesika, pagpapahayag gamit ang mukha, paralanguage, artipaktwal at iba pa. Samantala, ang pagtatanghal ay isang natatanging repleksyon ng ating mayabong na kultura. Makikita ito sa istilo ng istorya, tagpuan at sa mga tauhan. VI. Isa-isahin ang mga kapakinabangang natamo mula sa cultural show. Natutununan ko sa palabas ay walang makakahadlang sa dalawang taong nag-iibigan bastat wala silang natatapakang iba. Kung ang dalawang tao ay nagmamahalan, gagawin nila ang lahat upang sila ay magkasama. natutunan ko rin na dapat tratuhin natin ang bawat isa ng maayos at igalang natin sila. Hindi dahil sila ay mahirap at ating tauhan, gagawin na natin kahit ano ang gusto natin sa kanila. Huwag tayong maging sakim at imoral.