Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

Teoryang

Pampanitikan

Teorya?
Theory
a supposition or a system of ideas intended to
explain something, especially one based on
general principles independent of the thing to
be explained.

Teorya
Pagpapaliwanag ng isang konsepto
Isang uri ng pagtingin sa isang bagay

Teoryang Pampanitikan
Ibat ibang paraan ng pag aaral at
pagtingin sa isang panitikan
Pagpapaliwanag sa kung paano nabuo o
isinulat ang isang piraso ng panitikan
Pagtingin sa mga ugat na konsepto ng
isang panitikan

Teoryang Marxismo
Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag
sa tao ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa
pagdurusang dulot ng pang-ekonomiyang kahirapan at suliraning
panlipunan at pampolitika.
Itinatampok nito ang tunggalian sa pagitan ng naghaharing uri at
ng mga proletaryado o mga uring manggagawa at magsasaka.
Ang kasaysayan ng anumang lipunan ay kasaysayan ng
tunggalian ng mga uri.

MANGGAGAWA
Jose Corazon de Jesus

Bawat palo ng martilyo / sa bakal mong


pinapanday
alipatong nagtilamsik, / alitaptap sa
kadimlan;
mga apoy ng pawis mong / sa Bakal ay
kumikinang
tandang ikaw ang may gawa / nitong
buong Santinakpan
Nang tipakin mo ang bato / ay natayo
ang katedral,
nang pukpukin mo ang tanso / ay
umugong ang batingaw
nang lutuin mo ang pilak / ang salapi ay
lumitaw,
si Puhunan ay gawa mo / kaya ngayo'y
nagyayabang.
Kung may ilaw na kumisap / ay ilaw ng
iyong tadyang,

kung may gusaling naangat, / tandang


ikaw ang pumasan
mula sa duyan ng bata / ay kamay mo
ang gumalaw
hanggang hukay ay gawa mo / ang
kurus na nakalagay.
Kaya ikaw ay marapat / dakilain at
itanghal
pagkat ikaw ang yumari / nitong buong
Kabihasnan.
Bawat patak ng pawis mo'y / yumayari
ka ng dangal
dinadala mo ang lahi / sa luklukan ng
tagumpay.

Mabuhay ka ng buhay na / walang


wakas, walang hanggan,
at hihinto ang pag-ikot / nitong mundo
pag namatay.

Kabataan Partylist
Campaign Jingle 2010

Teoryang Feminismo
Tinitingnan nito ang lipunan bilang isang uri ng lipunan na may
pamamayagpag ng patriyarkal na paniniwala, kung saan higit
na binibigyan ng pagpapahalaga ang kalalakihan kaysa sa
kababaihan
Pagkakaroon ng stereotypes sa lipunan sa trabaho at iba
pang gawain sa pamilya at komunidad
Engineer, Doktor, Piloto, Drayber ay lalake
Ang kababaihan ang dapat gumawa ng mga gawaing bahay

Naniniwala ang teoryang Feminismo na dapat ilagay ang


kababaihan sa tamang lugar nito sa lipunan at mabuwag ang
de kahong imahe na ibinibigay sa kababaihan

Bago ang Babae


Rebecca Anonuevo

Mabuti na lang at sa panahong ito ako


Ipinanganak na babae.
Hindi ko kailangang manahimik
Kung kailangan magsalita.
Hindi ko kailangang magsalita
Kung nais kong manahimik.
Hindi ko kailangan ipaliwanag
O hindi ipaliwanag ang bawat pagpapasiya.
Hindi ko kailangan sumunod sa inaasahan
Ng lahat, tulad ng pag-aasawa.
Kung mag-asawa man ako'y
Hindi ko kailangan magpakulob,
Hindi ko kailangan matakot
Kung dumating ang araw ng pagkabalo,
O kailangan nang makipaghiwalay.

Hindi ko kailangang magkaanak nang


labis
Kahit kaya kong panagutan
Hindi ko kailangang malugmok sa lungkot
Sakali't hindi ako magkaanak.
Kung kailangan ko mang gampanan
Ang pagiging ina at asawa,
Hindi ko kailangang humingi ng
paumanhin,
Hindi ko kailangang panawan ng talino at
lakas,
Hindi ko kailangang kalimutan ang lahat,
Hindi ko kailangang itakwil ang sarili,
Hindi ko kailangang burahin
Na isa akong tao
Bago isang babae.

Huwag Siya
Donnalyn Bartolome feat.
Shehyee (2014)

We Will Survive
Full Trailer, January 2016
ABS CBN Corporation

Mga Ilang Dulog o Teoryang


Pampanitikan
1. Klasismo

2. Humanismo
3. Romantisismo

4. Realismo
5. Siko-Analitiko

6. Eksitensyalismo

Pag uulat
Ang bawat isang grupo ay maguulat ng isa sa anim na dulog
(teoryang) pampanitikan
Maghanda ng maikling pag uulat na di hahaba ng higit sa 15
minuto
Magbigay ng mga halimbawang panitikan na susuriin natin sa
klase.
Sisimulan ang ating pag uulat sa Lunes, Abril 25

You might also like