Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

KABANATA 2- Pagkilala sa Kinabukasan

Nasa bahay lang madalas si AJ. Kapag wala si AJ doon, madalas ay nasa eskwelahan siya
o nasa isang lugar kung saan ginanap ang isang programa nilaan ng eskwelahan. Ang
eskwelahan para kay AJ ay lugar ng pagkatuto sa buhay. Hindi lang sa klase o sa guro matututo
ang isang estudyante kundi lalo na sa kanyang kaklase, kaibigan, ibang taong hindi nabanggit at
ang mga relasyon at karanasan sa mga ito. Sa katunayan, mas mahalaga ang mga matutunan ng
isang estudyante sa mga relasyon at karanasan sa ibang tao kaysa sa mga tinuturo ng mga guro sa
klase dahil maaari ito maaplay kahit saan sa mundo at mas maisasalarawan niya ang kanyang
sarili kung sino talaga siya sa mundo at kung ano talaga ang papel niya sa bawat tao na
nakakasalubong niya sa buhay, sa labas man o sa loob ng kanyang bahay.
Ang paaralan ay itinayo para tulungan ang bawat estudyante na alamin ang mga bagaybagay na nangyayari sa mundo, maging handa sa buhay at malaman ang talento nila sa buhay,
kung ano ang mga kalakasan at kahinaan niya sa buhay. Maaari itong malaman sa kahit anong
paraan, sa klase man o sa mga karanasan sa pakikipagrelasyon sa mga tao, pero dapat itong
iaplay base sa kabutihan ng bawat tao sa mundo. Ang relasyon na tinutukoy dito ay ugnayan ng
isang tao sa kanyang guro, kaklase, kaibigan, pamilya at iba pang tao na nakakasalubong niya sa
buhay, hindi lang sa kasingtahan. Ngunit dahil sa pagpilit ng ibang tao sa kanilang sariling
kagustuhan, naaapektuhan ang sistema ng lipunan at nababahiran ito ng kasamaan gaya ng
korapsyon at katakawan sa kapangyarihan. Naapektuhan din ito ang sistemang pinapatupad sa
paaralan sapagkat sapilitan silang susunod sa mga batas para hindi bumagsak ang dignidad ng
paaralan. Dahil dito, nagkakaroon ng mga estudyante ng mga pressures sa pag-aaral sapagkat
marka at pera ang naging habol nila dito imbes na kaalaman sa buhay. Pinupursige ng kanilang
mga magulang ang kanilang mga anak na mag-aral ng mabuti para magkaroon ng magandang
trabaho. Maiaaplay ng bata ang kanyang mga natutunan sa klase sa pagtatrabaho ngunit
ginagawa niya ito para kumita ng salapi. Sa sobrang kagustuhan na makamtam ang salapi,
nakakalimutan ng tao kung saan ang pinangalingan niya at kung ano ang mas mahalagang
matutunan sa buhay. Ito ang dahilan kung bakit may mga kurakot na opisyales sa pamahalaan.
Tinitignan ng mga opisyales ang posisyon nila bilang isang trabaho o negosyo lamang, hindi ang
magkaroon ng magandang ugnayan sa kanilang kapwa. May ilan naman na hindi ganito ang
mindset nila ngunit ayon sa nakikita natin sa lipunan, marami ang tumataliwas sa tamang landas.
Marami pa tayong makikita na katulad kapag nawala ang mga bagay sa ating buhay ngunit hindi
na tayo makakakita ng katulad ng isang tao na nawala na sa ating buhay. Hindi naman masama
magtrabaho o magkamit ng magandang marka o karangalan sa buhay ngunit kailangan hindi rin
natin dapat kalimutan ang mga bagay-bagay na nagpapaganda ng karamdaman at kaugalian natin
sa buhay. Mas maganda nga minsan na paulit-ulit kinukuha ang mga aralin sa paaralan kaysa sa
ipasa kaagad ito ng hindi naman sapat ang kaalaman na nakuha sapagkat may mga tao na
gumagawa ng masama gaya ng pangongopya at paninira sa kaklase para lang makakuha ng
magandang marka at karangalan sa paaralan sapagkat dumadagdag ng dumadagdag ang
kaalaman sa ganitong estilo. Kapag ginawa ng isang estudyante ang ganitong estilo, mas madali
sa kanya ang magtrabaho sa kumpanya na pinasukan niya at maaaring mas malaki ang salapi na
makukuha niya ng hindi inaasahan. Sumusunod tayo sa kagustuhan ng iba na nakakalimutan
natin na tanging Diyos lamang ang may hawak o may alam ng kinabukasan natin. Kung ramdam
ng isang tao ang kaginhawaan sa buhay, ito ang linapat ng Panginoon sa kanya, hindi ang plano
ng ibang tao na akala nila ay tama at sinang-ayunan ng Diyos. Hindi naman masama magplano

sa buhay pero kailangan nating tanggapin kung may tumaliwas sa plano natin sapagkat ang
Diyos ay mas magandang plano kaysa satin dahil mas may alam Siya kaysa sa mga
pinakamatatalinong tao na nanirahan sa mundo.
Si AJ ay nag-aral sa Santa Rosa Science and Technology High School o SciTech o
StaRSci bilang isang high school student. Ito ay isang pampublikong paaralan at Science High
School na kung saan matatalinong estudyante ang nag-aaral dito. Kung gusto mong pumasok sa
eskwelahan na ito, kailangan paparating ka pa lang sa unang antas ng High School, hindi sa mas
mataas na baitang, sapagkat nagtatanggal sila ng mga estudyante kada taon base sa kakayahan
nila. Dahil dito, kapag mas mataas ang baitang ng isang estudyante, kumokonti ang bilang ng
pangkat nito base sa bilang ng mga natitirang estudyante sa isang batch. Kung sino ang mga
naging kabatsmeyt mo noong unang antas, magiging kabatsmeyt mo hanggang sa huli. Para
makapasok sa SciTech, kailangan maipasa ng estudyante ang tatlong pagsusuri nito. Ang unang
pagsusuri dito ay tungkol sa Abstract Reasoning na kadalasan na ginaganap tuwing Disyembre.
Ang ikalawang pagsusuri naman ay tungkol sa mga natutunan ng estudyante sa larangan ng
Ingles, Matematika at Siyensya at ang huling pagsusuri nito ay isang panayam tungkol sa
pagkatao ng estudyante para malaman ang kahusayan nito sa pagsasalita. Ayon sa pagkakaalam
ni AJ, ang huling pagsusuri bago siya pumasok sa SciTech ay dapat nasa wikang Ingles ngunit
napalitan ito simula nang dumating si AJ sa nasabing paaralan. Ayon sa ilan, ito ay dahil umupo
na si Dr. Yolanda L. Zambajon o Ms. Zambajon bilang bagong puno ng paaralan. Ang
kaganapang ito ay dahil daw sa Prefect of Discipline (POD) nila na si Dr. Socorro B. Escape o
Ms. Escape. Si Ms. Escape ay may kapatid na nagtatrabaho din sa SciTech, si Mr. Santiago B.
Escape o Mr. Escape. Akala nga ng mga estudyante noon mag-asawa sila ni Ms. Escape. Ayon
din sa ilan, mayroong English Policy na pinapatupad ang SciTech noon bago umupo sa Ms.
Zambajon sa pwesto. Hanggat maaari, hindi pwede magsalita sa wikang Tagalog ang kahit sino
sa paaralan kung ayaw nila masuspende dito. Nung nakadalawang taon na si Ms. Zambajon sa
pwesto, sinubukan nilang ibalik ang patakarang ito ngunit hindi nagtatagumpay hanggang sa
nagtapos na ng hayskul si AJ. Hindi na alam ni AJ kung ano na ang sistema ng SciTech ngayon
matapos siyang magtapos dito. Noong ikaapat na antas na si AJ sa High School, nagkaroon ang
SciTech ng bagong gusali para sa mga estudyante at mga empleyado dito ngunit pinapaganda pa
ito noong panahon na iyon. Ang dating gusali ng nasabing paaralan ay pinaghatian na ng
SciTech at ng Academy of Professional Excellence (APEX). Ito ang naabutan ni AJ noong
estudyante pa siya ng SciTech sapagkat isang beses na lang siya nakabisita sa paaralan
pagkatapos niyang magtapos ng High School. Ang isang beses na ito ay ang pagkuha ng
kanilang yearbook noong Hunyo 1, 2013 ngunit saglitan lang siya doon. Ang isang mag-aaral sa
SciTech ay karaniwang may klase mula ikapito ng umaga hanggang ikalima ng hapon kada araw
mula Lunes hanggang Biyernes at ang mga baitang dito ay mga apelyido ng mga siyentipiko.
Gaya ng ibang paaralan, may mga programa din silang dinedeklara dito at sumasali sa mga
programa sa labas ng paaralan. May mga organisasyon din na nabubuo dito na karamihan ay may
relasyon sa pang-akademiya.

Logo ng Santa Rosa Science and Technology High School

Magsisimula ang buhay High School ni AJ sa pagkilala sa kanyang mga unang kaklase,
mga unang kaibigan, mga unang guro, unang baitang at unang tagapayo. Kaunti lang ang
natatandaan ni AJ mula sa kanyang unang antas ng High School hindi kagaya sa mga sumunod
na taon. Nagsimula ang unang araw ng buhay High School ni AJ noong Hunyo 2, 2008. Hindi pa
siya gaano sanay nun dahil ngayon pa lang siya nakaranas ng maghapon na klase, nagmula siya
sa isang pribadong paaralan at tanging si Geraldine A. Mojares o Geraldine lang ang kilala niya
sa batch niya na sa ibang baitang pa siya napunta. Nag-aalala nga si nanay Rosie sa maaaring
mangyari kay AJ dito. Si Geraldine ay naging kaklase ni AJ noong Elementary pa lamang sila.
Ang unang baitang ni AJ ay pinangalanang Brahe. Ang kanilang silid-aralan nun ay nasa may
ikatlong palapag sa kanilang lumang gusali na naghati ang SciTech at APEX sa mga silid-aralan.
Mula nung naging ikaapat na antas na sila, hawak na ito ng APEX. Naging kaklase din ni AJ si
Seanna Leigh Serzo Dimagiba o Seanna noong Elementary at naging kamag-aral noong High
School at kolehiyo. Hindi nga lang naging magkaklase ang dalawa mula nung naghayskul sila.
Noong nagkaroon na ng seating arrangement, doon na siya nagsimula magkaroon ng mga
kaibigan na nagmula kay Jose Jasper M. Pagala o Joepet. Hindi matandaan ni AJ kung sino
talaga ang unang nakilala niya ngunit kinuha siya ni Joepet para isama siya sa samahan nila na
tinatawag nilang DotA Boys kahit hindi naglalaro ng DotA si AJ. Ang mga kasamahan dito ay
sina Daniel Eleazar Valdez o Dave, John Jerome Laza Bati o Jerome, Ignatius Matthew
Cubal Matula o Matthew, David Jose Magno Vicente o David, Genes Edward Gonzaga
Ochoa o Genes, Larie Besabe Amimirog o Larie, Ivan Mark Harvey Rodriguez Dalida o
Ivan at Ren Israel Mata Recuenco o Ren. Magkakaklase silang lahat noong panahon na iyon.
Nakilala nila Joepet si AJ dahil nakikita nilang nangungulangot at kumakamot si AJ sa kanyang
mga pribadong parte ng katawan. Lahat naman siguro ng tao ay nangungulangot at kumakamot
ngunit ginagawa ito ng karamihan sa mga pribadong lugar gaya ng sa kanilang mga bahay. May
mga bagay na kinahihiya ng nakararami sa atin kahit hindi naman dapat ito ikahiya. Dito
nagsisimula ang kanilang pagtatago sa kanilang sarili, mga daloy ng kanilang talambuhay,
sapagkat nasasanay silang magtago ng mga simpleng bagay. Unti-unting nawawala ang kanilang
panatag kapag ganito ang nangyayari na nagdadagdag ng mga bagay na maaaring tanggalin din
ng kapanatagan nito. Kapag nangyari ito, mawawalan ang kanilang dignidad sa buhay sapagkat
hindi sila determinado sa mga ginagawa at paniniwala nila sa buhay. Huwag lang din sumobra sa
paglalantad sapagkat dumadagdag ang kanilang pagmamataas sa buhay. Lahat ng bagay ay dapat
ilagay sa tamang lugar para hindi makasira ng katauhan ng isang tao.

Naging kaklase din ni AJ si Ken Wynn Genave Mangilin o Ken Wynn na siyang naging
kaklase ni AJ sa lahat ng antas sa buong High School niya. Hindi naman gaano sila malapit sa
isat isa ngunit nagbabatian naman sila. Nagagalit si Ken Wynn minsan kapag sobrang ingay na
sa silid-aralan. Nainis nga si Ken Wynn kay AJ isang beses noong nasa ikalawang antas sila
dahil nadamay siya sa kulitan nila ni Ren. Naging kaklase din ni AJ si Ren noong nasa ikalawang
antas na sila pero hanggang doon lang sila naging magkaklase. Si Larie naman ay naging kaklase
din ni AJ noong nasa ikatlong antas sila. Si Genes naman ay naging kaklase din ni AJ noong
nasa ikaapat na antas sila kasama si Krystin Bernadette Lebrilla Papagayo o Kryzette. Naging
kaklase din ni AJ si Kryzette noong ikalawang antas sila at siya ang kaharap ni AJ nun sa
kanilang unang seating arrangement. Maski si Mary Concepcion Rama Hernan o Mary ay
naging kaklase din ni AJ noong unang antas sa High School. Sina Seanna, Kryzette at Mary ay
ilan sa mga naging kamag-aral din ni AJ sa kolehiyo. Ang mga nabanggit na bagong pangalan
dito mula kay Joepet ay ilan lang sa mga naging kaklase ni AJ noong unang taon niya sa High
School.

Ken Wynn G. Mangilin noong unang antas sa High School

Gaya ng sa Elementary, may mga tagapayo rin sa bawat baitang sa High School. Ang
naging tagapayo nila AJ sa kanilang unang antas ay si Mr. Pedroque G. Alarcon o Mr. Alarcon.
Siya ay guro rin nila sa kanilang Developmental Reading o ang isa sa kanilang asignaturang
English. Dalawa ang kanilang asignaturang English I at ang guro nila sa isa pang asignatura nito
ay si Ms. Arlene M. Espao o Ms. Espao. Nakakainip sa klase kapag siya ang nagtuturo
sapagkat mahina palagi ang kanyang boses hindi katulad ni Mr. Alarcon na palabiro magturo.
Mabait pa sa kanyang mga estudyante si Mr. Alarcon sapagkat nakikisama siya sa kanila.
Pinayagan nga ang klase ni AJ na magbukas ng mga babasahin nung siya ang nagbabantay sa
pagsusuri sa Philippine History o ang kanilang asignaturang Social Science I para makapasa lang
sila dito. Ang guro nila sa Philippine History noon ay si Ms. Reynalyn L. Parcon o Ms. Parcon
ngunit ang orihinal na guro dito ay si Mr. Fabie Pasilan o Mr. Pasilan na asawa ni Ms.
Chriseleen Jazel D. Pasilan o Ms. Pasilan. Si Ms. Pasilan naman ay naging guro nila sa
asignaturang Music, Arts, Physical Education and Health (MAPEH) noong una at ikatlong antas
sa High School. Si Mr. Alarcon ay naging estudyante ni Ms. Rosa L. Amatorio o Ms. Amatorio

na naging guro nila AJ sa Environmental Science o ang isa sa kanilang asignaturang Science I. Si
Ms. Amatorio ang pinakamahigpit na guro na nakilala ni AJ sa buong buhay niya sa High School
pero siya ang pinakamatanda sa mga guro sa SciTech sapagkat mukhang lola na siya. Mahigpit
siyang guro sapagkat mababa siya magbigay ng marka sa kanyang mga estudyante at palaging
nagsesermon sa klase pero natutulog naman minsan sa klase. Ang guro nila sa isa pang
asignaturang Science I na tinatawag na General Science ay si Ms. Jesusa Gregory HabigGomez o Ms. Gomez na naging asawa ni Mr. Miguel P. Gomez, Jr. o Mr. Gomez. Si Mr.
Gomez ay naging guro din nila noong ikalawang antas sa High School. Ms. Habig pa nga ang
tawag nila noon kay Ms. Gomez dahil naging mag-asawa na sila noong ikatlong antas na sila AJ
sa High School. Ang mga gurong ito bukod kay Mr. Gomez ay ilan lamang sa mga naging guro
ni AJ noong unang antas sa High School.
Noong mga unang araw ni AJ sa High School, sinusundo pa siya ni nanay Rosie papunta
at pauwi gamit ang kanilang kotse na binenta na ngayon sapagkat hindi pa marunong maglakbay
si AJ mag-isa nun at napunta siya sa bagong mundo. Ito ang naging gawi nila sa araw-araw
kapag may pasok si AJ ngunit hindi nagtagal, hindi na siya sinusundo ni nanay Rosie. Isang
araw, tapos na ang klase ni AJ kaya bumaba na siya sa covered court ng SciTech. Ang covered
court na ito ay nasa harapan lamang at nakadikit sa kanilang lumang gusali. Kapag tapos na ang
mga klase niya noong unang antas niya sa High School, bumababa na siya kaagad para umuwi
hindi kagaya ng mga sumunod na taon sapagkat wala pa siya gaanong kaibigan noong mga araw
na iyon. Kung sino lang ang naging kaklase niya, yun lang ang kilala niya. May mga upuan sa
covered court noong panahon na iyon kaya pinuntahan niya ito ngunit nakatayo lamang siya
doon. Maya-maya lamang, tinawagan ni nanay Rosie si AJ tungkol sa proseso ng kanyang paguwi nung nasa eskwelahan siya. Habang tinatawagan ni nanay Rosie si AJ, pumunta si AJ sa
may pintuan ng eskwelahan. Pagkatapos ng tawagan nila, may isang matanda na lumapit kay AJ
at nagtanong kung siya si AJ. Sinabi naman niya na siya iyon kaya sinabi ng matanda na sumama
siya sa kanya. Sino ang matandang lumapit kay AJ? Alamin ang kasagutan sa susunod na
kabanata.
MGA TAUHAN SA IKALAWANG KABANATA:
1. Adrian Joven Yu Dizor taong hindi marunong maglakbay papunta sa eskwelahan at
pauwi sa kanyang bahay
2. Dr. Yolanda L. Zambajon puno ng Santa Rosa Science and Technology High School
na pinaniniwalaang dahilan ng pagpalit ng sistema sa huling pagsusuri para makapasok sa
paaralan
3. Dr. Socorro B. Escape Prefect of Discipline ng Santa Rosa Science and Technology
High School na pinaniniwalaang dahilan ng pag-upo ni Dr. Yolanda L. Zambajon bilang
bagong puno ng paaralan
4. Mr. Santiago B. Escape kapatid ni Dr. Socorro B. Escape na nagtatrabaho din sa Santa
Rosa Science and Technology High School
5. Geraldine A. Mojares naging kamag-aral ni Adrian Joven Dizor noong unang
dalawang taon nila sa High School
6. Seanna Leigh Serzo Dimagiba kaklase ni Adrian Joven Dizor noong Elementary na
naging kamag-aral mula High School hanggang kolehiyo
7. Rosie Yu Dizor naghahatid sundo kay Adrian Joven Dizor papunta sa eskwelahan at
pauwi sa bahay

8. Jose Jasper M. Pagala dahilan kung bakit napasama at nakilala si Adrian Joven Dizor
sa kanilang grupo
9. Daniel Eleazar Valdez isa sa mga kasamahan nila Jose Jasper Pagala
10. John Jerome Laza Bati isa sa mga kasamahan nila Jose Jasper Pagala
11. Ignatius Matthew Cubal Matula isa sa mga kasamahan nila Jose Jasper Pagala
12. David Jose Magno Vicente isa sa mga kasamahan nila Jose Jasper Pagala
13. Genes Edward Gonzaga Ochoa isa sa mga kasamahan nila Jose Jasper Pagala
14. Larie Besabe Amimirog isa sa mga kasamahan nila Jose Jasper Pagala
15. Ivan Mark Harvey Rodriguez Dalida isa sa mga kasamahan nila Jose Jasper Pagala
16. Ren Israel Mata Recuenco isa sa mga kasamahan nila Jose Jasper Pagala
17. Ken Wynn Genave Mangilin naging kaklase ni Adrian Joven Dizor sa loob ng apat na
taon noong High School na nainis sa kulitan nila Ren Israel Recuenco noong ikalawang
antas nito
18. Krystin Bernadette Lebrilla Papagayo naging kaklase ni Adrian Joven Dizor sa loob
ng tatlong taon noong High School na naging kamag-aral sa kolehiyo
19. Mary Concepcion Rama Hernan naging kaklase ni Adrian Joven Dizor sa unang taon
sa High School na naging kamag-aral sa kolehiyo
20. Mr. Pedroque G. Alarcon tagapayo nila Adrian Joven Dizor sa unang taon sa High
School na nakikisama sa mga estudyante
21. Ms. Arlene M. Espao guro ni Adrian Joven Dizor sa isa sa mga asignaturang English
I na mahina palagi ang boses
22. Ms. Reynalyn L. Parcon pumalit na guro ni Adrian Joven Dizor sa Philippine History
23. Mr. Fabie Pasilan orihinal na guro ni Adrian Joven Dizor sa Philippine History
24. Ms. Chriseleen Jazel D. Pasilan asawa ni Mr. Fabie Pasilan na naging guro ni Adrian
Joven Dizor sa asignaturang Music, Arts, Physical Education and Health noong una at
ikatlong antas sa High School
25. Ms. Rosa L. Amatorio guro ni Mr. Pedroque Alarcon na naging pinakamahigpit na
guro na nakilala ni Adrian Joven Dizor noong High School
26. Ms. Jesusa Gregory Habig-Gomez guro ni Adrian Joven Dizor sa General Science
27. Mr. Miguel P. Gomez naging asawa ni Ms. Jesusa Gomez na naging guro ni Adrian
Joven Dizor noong ikalawang antas sa High School

You might also like