Republic Act 9344

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic Act 9344.

JUVENILE JUSTICE AND WELFARE ACT OF 2006

1 | Page

I.

Introduksyon

Sa panahon ngayon, kaliwat-kanan na ang mga krimen. At ang mas masama pa


rito, ay pabata ng pabata ang mga gumagawa nito. Kung minsan pay pati ang mga
magulang ang siya mismong nagtutulak sa kanilang mga anak para gawin ito. Karamihan
sa mga naunang batas ay nagbibigay diin sa pagpaparusa ng mga BSB o mga batang may
suliranin sa batas katulad ng pagpapakulong sa mga ito. Ang bagong batas o ang R.A.
9344: Juvenile Justice and Welfare Act ay naglalayong proteksyunan ang mga BSB sa
pamamagitan ng mga alternatibong paraan para sa kanilang pagbabago,

Nakasaad sa batas na ito, na ang mga batang may edad na 15 pababa ay hindi
makukulong, sa halip ay sasailalim sila sa intervention at prevention program. Gayon din
ang mga batang hihigit sa edad na 15 ngunit hindi lalagpas sa edad na 18, sila ay
maaaring dalhin sa SWDO o Social Welfare and Development Office. Hindi sapat ang
budget para sa mga proyektong ito, kaya ang mga programang ito, ay hindi
naisasakatuparan at nauuwi ang mga kaso sa pakikipag areglo. Matapos ang areglo, ay
malaya na silang muli upang gumawa ng panibago at mas karumal-dumal na krimen.
Maraming tao ang bumabatikos sa batas na ito sapagkat sinasamantala ito ng mga
sindikato. At habang mas tumatagal, parami ng parami ang mga kaso ng pagnanakaw,
pangga-gahasa at ang pinakamalala, ang pagpatay. Ang kahirapan ang pinakaunang
dahilan kung bakit ang mga inosenteng bata ay napipilitang gawin ang mga ganitong
klaseng krimen. Dagdag dito, ang kapaligiran kung saan lumaki at matuto ang mga bata ay
isa ring dahilan kung bakit naisasaalang-alang ang kanilang pagiisip tungkol sa mga bagay
na tama at mali.

2 | Page

Nangangailangan ang mga batang ito ng reporma upang maging isang


mamamayang sumusunod sa batas nang hindi naapektuhan ang kanilang dignidad. Ito ang
bagay na maihahatid ng RA 9344 upang masugpo di lamang ang kriminalidad na
kinasasangkutan ng mga bata, pati na rin ang stigmatization. Ito bay naging
kapakipakinabang? O kaguluhan lamang ang hatid?

II.

III.

Layunin ng Pag-aaral

Tukuyin kung ano ang karaniwang sanhi ng kriminalidad na

kinasasangkutan ng mga menor de edad.


Alamin ang mga nagiging epekto nito sa ating lipunan.
Tukuyin ang ibat ibang proyekto at programa upang masugpo ang

kriminalidad.
Alamin kung gaano kaepektibo ang mga batas na inihahain ng

pamahalaan.
Alamin ang mga pagbabagong naganap nang maipatupad ang batas.

Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang alamin kung aling mga bagay ang
nakakadulot sa pag-iisip ng mga bata upang isangkot ang kanilang mga sarili sa krimen at
kung aling mga diskarte o paraan ang kanilang ginagawa upangmaibsan ito.
Mahalaga ang pag-aaral ng batas na ito, sapagkat nagpapatuloy ang pagtaas ng
kriminalidad sa ating bansa. Ginagawang adbentahe ng mga sindikato ang mga menor de
edad at itinutulak sila sa mga masasamang gawain dahil alam nilang sila ay
pinoproteksyunan ng batas na ito. Kaya naman hindi na rin kataka-taka ang pagtaas ng
kriminalidad, sapagkat malayang nakakapagpagala-gala ang mga batang ito.

3 | Page

Sinasabi na ang punto ng batas na ito ay para maproteksyunan ang mga batang
maaaring mapagsamantalahan sa loob ng presinto sa oras na silay makulong. Pero dahil
ang batas na ito ay hindi masinsinang napagaralan, tila kabaligtaran ang nangyayari. Sa
pamamagitan ng pag-aaral na ito, maaaring makahanap ng mgamabisang paraan ang mga
mamamayan kung paano nila mababawasan ang kriminalidad na kung minsay
nagsisimula sa kanilang mga tahanan. Makakatulong ang pag-aaral nito upang mapagtanto
ng mga tao ang mga kamalian sa pag-gawa ng batas na ito. Ang pangunahing suliranin?
Kahirapan. Kaya naman sa pag-aaral na ito, bibigyang diin kung ano nga ba ang mas
magandang paraan upang sugpuin ang kriminalidad na kinasasangkutan ng mga
kabataan.

IV.

Saklaw at Limitasyon
Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa paniniwala ng mga estudyante at
mga propesyonal na tao (kung nakakatulong nga ba ang R.A. 9344 sa ating lipunan o
nararapat na nga ba itong baguhin) na nakararanas ng mga pangyayaring ito. Sila ay mas
magkakainteresa na gawin itong paksa dahil sila ay may angkop na kaalaman tungkol sa
mga bagay na ito. Isa pang bagay na isinasaalang alang ay ang mga konklusyon at
rekomendasyon na maaaring makuha sa mga respondente.

Ang mga tao na kasama sa pag-aaral na ito, ay nasa 20 hanggang 70 years old.
Malaki ang maitutulong ng agwat ng edad upang malaman kung ano ang mga naging
pagbabago sa ating lipunan noong mapatupad ang batas na ito.

4 | Page

V.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

BSB batang may suliranin sa batas/ mga batang sangkot sa anumang gulo o krimen.
Batas

5 | Page

You might also like