Professional Documents
Culture Documents
Heneral Luna
Heneral Luna
Alquisola
3C-1
Aman
Bb. Jenalyn J.
FL114 KULTURANG POPULAR
HENERAL LUNA
BY JERROLD TAROG
Sa simulay tila isang pangkaraniwang palabas lang ito tungkol sa mga bayani ng ating
bansa na nakipaglaban para sa ating kasarinlan. Napakalaki pala ng magiging epekto nito sa
aming mga kabataan ngayong itoy aming napanood. Una sa lahat ang pinakamasasabi ko ay
napakagaling ng pagkabuo ng sineng ito, hindi ko akalain na ganon kalaki ang magiging impact
sa akin. Hindi ko akalain na may mga ganoong pangyayari noong unang panahon, hindi ko alam
na kapwa Pilipino pala ni Hen. Luna ang kumitil sa buhay niya napakabrutal at hindi makataong
pagkamatay niya at hindi ko rin akalain na ganoon katapat at kasigasig sa panunungkulan siya.
Isa pang hindi ko alam na sinuyo pala ni Hen. Luna ang maraming hukbo sa ibat ibang parte ng
kanilang lugar upang lumakas ang kanilang pwersa laban sa mga mananakop. Ang akala ko lang
noon ay isa sa pambansang bayani si Hen. Luna at ngayong napanood ko ito napaisip akong
bigla na wala pala akong ginawa upang alamin at kilalanin pa ng lubusan siya. Nakakabilib ang
mga ipinakitang pagganap ng mga pangunahing tauhan lalo na si Hen. Antonio Luna na hinaluan
ng kakatwa ang isang seryosong palabas na isa sa nagpaganda sa pelikula. Napakaraming
eksena o pangyayari pala noon na hanggang ngayon ay umiiral pa rin kaya siguro tulad ng mga
tiwali sa gobyerno at pagtatakipan sa mga krimeng nagawa kaya siguro masasabi nating
Matagal na pala tayong ganito. Malungkot man isipin, napakarami talagang baluktot sa
pamunuan simula pa noon tulad ng pagtatraydoran ng Pilipino sa kapwa Pilipino para sa mga
pansariling interes. Sa panahon ngayon, bihira na ang opisyal na katulad ni Hen. Luna na
handing ibuwis o isangkalan ang kanyang buhay para sa ating bansa at para sa kalayaang ating
minimithi mula sa mga banyagang mananakop. Dahil sa pagkalabas ng pelikulang ito sa
maraming sinehan ay marami ang napukaw ang interes na balikan ang ating kasaysayan at para
sa aking kakaiba ito sa lahat ng napanood kong tungkol sa mga bayani, naging popular dahil sa
kakaibang istilong ginamit ng director, napakatalino at malikhain. Naipalabas o napalutang ang
mga mahahalagang pangyayari noong panahon ni Hen. Luna, bawat eksena ay napakahalaga
para sa akin kapupulutan ng maraming ideya at aral na maari kong dalhin-dalhin. Ipinakita rin sa
pelikulang ito ang pagpapahalaga sa isang Ina, may mataas na pagrespeto at sumusunod pa rin
sila kahit na matatanda na rin sila na talagang hinangaan ko rin. Sa simula, parang mainip
panoorin pero noong magsimula nang bumitaw ng mga linya at banatan ay talagang nabuhayan
ako at sinubaybayan ang bawat pangyayari. Artikolo Uno: Ang hindi pagsunod sa Punong
Heneral ay tatanggalan ng ranggo at ipapatay nang walang paglilitis sa hukumang militar, ang
paulit-ulit kong narinig na ikinatuwa ko na tila hindi nadudugsungan at hanggang artikulo isa
lamang .
Ang mga pahayag at banatang hinding-hindi ko malilimutan tulad na nga lamang ng mga
sumusunod:
Hen. Antonio Luna: May mas malaki tayong kalaban sa mga Amerikanoang
ating sarili.
Hen. Antonio
magpasakop sa dayuhan.
Isabel: Mas mahalaga ang papel natin sa digmaan kaysa sa anumang
watak, Joven."
Hen. Antonio Luna: Mas madali pang pagkasunduin ang langit at lupa kaysa
Luna:Mas
magandang
mamatay
sa
digmaan
kaysa
Hindi