Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Buksan mo ang mga mata mo, lawakan mo ito.

Makikita mo ang mga problema ng tao sa mundo.


Buksan mo ang isip mo
paano sila matutulungan kahit sa maliit na paraan.
Buksan mo ang puso mo mahabag ka sa mga taong may kapansanan, di
marunong magbasa at magsulat at iba pang mga problema ng tao sa
mundo
Buksan mo ang bibig mo, magsalita ka
Ipahayag ang pagmamahal, pagpapahalaga at pagunawa sa mga taong
kailangan ang tulong mo, wag kang bulag sa paligid mo.
Mula sa Gobyerno hanggang sa simpleng tao.
Kigaya ng mga guro, Bilang mag-aaral na gaya niyo.
Maraming guro ang hindi marunong magturo walang ibang ginawa kundi
ang pakopya ng pakopya sa pisara o di kaya guro na text ng text na
parang may ka-chatmate.
Kayo bay matututo? Hindi diba!? Kaya magsalita at ipabatid na mali ito.
Sa mga magulang na walang alam kundi magsermon at hindi marunong
makinig sa mga anak, kamiy pakinggan ninyo dahil may sarili rin kaming
opinyon.
Kayo bay nabibilang sa mga taong nagbubulagbulagan sa ating lipunan?
Sana hindi! Hindi kayo ang taong yon.
Isipin mo kung ikaw ang maging taong bulag, pipi, binge o ano mang
kapansanan, o karamdaman o problema sa paligid ng lipunan
Nanaisin mo ba na ikaw ay wag tulungan, pabayaan.
Kumilos ka at gumawa ng nararapat sa kapwa mo.
Makinig ka, alamin mo ang mga bagay-bagay sa paligid mo
Magmasid ka, lumingon, mahabag ka.
Kumilos ka at magsalita, isigaw mo, isulat mo, ilathala ito makibaka.

O di kaya tumulong ka sa paraan mo na ninanais


Wag kang makasarili wag kang maramot Huwag kang magbulag-bulagan.
Ang mga tao sa lansangan, mga pulubi, mga batang solvent,
mga magnanakaw, adik, mga dalagang ina, binatang ama at kung anuano pang problema ng lipunan.
Mga matatanda,mga may kapansanan, mga politikong magaling
lang sa salita matapos na silang ihalal ay ano? Ano na? ang paunti-unting
pagkuha sa kaban ng bayan.
Lahat kayo dyan. Sino ang may facebook,twitter, instagram.
May blogspot at kung anu-anong social media.
Ako? Meron ako lahat nyan. Handa akong magsalita, magsulat at kumuha
ng mga larawan. Kung ang mga ito ay paraan ng pagtulong.
Malapit na naman ang eleksyon Imulat ang mga mata ninyo
sino ba ang dapat iboto
Yung magaling mag salita, gwapo , maganda o magaling kumanta at
sumayaw o di kayay magaling mangako at mamigay ng pera
Bumoto po tayo ng tama yung nararapat sa kanilang kakayahan at
kaalaman
Ang ating ihahalal ay yung makatao,makamasa, may malasakit, marunong
umunawa magpahalaga, nakakaintindi sa kapakanan ng ibang tao lalo na
sa mga mahihirap, may kapansanan at matatanda.
Halimbawa sa lugar natin Oo dito mismo sa Aklan maraming
mambabatas ang nag bubulag-bulagan sa mga nangyayari sa ating
paligid,
Wala tayong mental na institusyon
oo tama ang narinig ninyo
hospital ng mga baliw o may deperensiya sa pag-iisip, mga taong kulang
sa pag-unawa

Kinakailangan pa nating mamasahe papuntang Iloilo para lang


magpagamot
Paano nalang ang mga kapos-palad? nasiraan na nga ng pag-iisip dahil sa
gutom hindi pa matulungan ng gobyerno. Marami rin sa ating kababayan
ang nabiktima ng mga droga, rape at iba pang karahasan dahil sa
kakulangan ng kaalaman.
Dumako naman tayo Sa Ospital na dapat kapang pumila ng
pagkahaba-haba, mga nars at doktor na dapat magmakaawa ka pa kundi
papabayaan ka, dahil hindi nila pinahahalagahan ang buhay ng iba,
ganyan ba dapat ang publikong ospital? pano nila tratuhin ang tao
karamihan sa kanila ay ganyan ang pananaw, katwirang maliit ang
suweldo dapat serbisyoy may presyo.
Magsalita ka magreklamo ka
Pag ikaw ay nabiktima o may kakilala tulungan sila at magsalita.
Ang mga tauhan o empleyado ng gobyerno dibat marami sa kanila ang paimportansiya, magta time-in lang tapos labas na ng opisina.
ang tagaBIR na magaling maningil ng tax daig pa ang metro ng
taxi. Mga taga LTO na walang alam kundi mag tadtad ng violation para
maabot ang kota, at mga tagaDENR strikto sa kalikasan pero puntahan
mo ang mga bahay aba ang mga cabinet at mwebles na kasangkapan ay
yari sa narra.
Yang 4Ps na yan, kung malakas ka sa politiko, sigurado may
pera ka. At kung hindi ka kapartido, ay hindi ka makakabenepisyo.
Kung ang mga kalsada natin tuwing eleksyon lang napapaayos, paano
tayo uunlad?
Ilan lang yan sa problema ng lipunan. Wag tayong mag
bulag-bulagan, wag tayong mag bingi-bingihan at wag tayong magpipipipihan oras ng makilam sa mga problema ng ating lipunan.

MjBriones

You might also like