Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Halimbawa ng isang talumpati

Magandang Kapaligiran Anong Nangyari?


Ni: Jaymel Goron Grade 10- Jasmine
Ang kapaligiran ang kinagisnan nating tahanan. Ito rin ang itinuturing nating
pangalawang tirahan. Marami ng henerasyon ang nakalipas na, at noong una ay
maganda pa. Pagmulat ng iyong mga mata nakikita mo ang kapaligiran na
napakaganda. Ang ilog, mga bundok, simoy ng hangin, karagatan at ang kasaganahan
nito. Ngunit ngayon ano ang nangyari?
Masasabi mo bang nagagandahan ka na sa iyong kapaligiran? Maraming
basurang nakatambak sa ibat-ibang lugar. Ang mga puno sa kagubatan ay unti-unti ng
nauubos. Ang tubig sa karagatan ay umiitim dahil sa maling pagtrato nito. Maraming
basura, kahoy na palutang-lutang, patay na mga hayop at kung ano-ano pa.
Marahil hindi na kayo nagtataka, dahil kayo ay nasanay na. Pero ito lang ang lagi
nating tatandaan na tayo ay ginawa ng Diyos upang pangalagaan ang kanyang mga
nilikha. Kaya huwag nating aksayahin at abusuhin ang pagtitiwala na ibinigay ng Diyos
sa atin. Dapat nating unahing pangalagaan ang kanyang mga nilikha para sa ikabubuti
ng lahat.

KAHIRAPAN, KAWALAN NG TRABAHO, EDUKASYON AT PAGNANAKAW SA


KABAN NG BAYAN
Ni: Reymart Booc L. Grade 10- Jasmine
KAHIRAPAN, WALANG trabaho, WALANG maayos na edukasyon at
PAGNANAKAW sa kaban ng bayan ang lagi kong naririnig sa aming bansa. Maraming
mga pangako ang binitawan ng ibat-ibang pangulo natin pero ang lahat na iyon ay
naging pako. PAKO? Ang tawag sa mga opisyal ng bansa na nang-aabuso sa kaban ng
bayan, mga pakong hadlang sa pag-unlad ng ating bansa. Trabaho at maayos ng
edukasyon para sa mahihirap. Nasaan na ba ang lahat ng pangakong iyon? Nalimutan
lamang ng lubusan dahil nakuha na ang gustong gawin para sa sarili. Sarili lamang kasi
ang iniisip, imbes sila yong daan para umangat tayong mga Pilipino, sila pa yong
hahatak sa atin pababa.
Gutom, walang makain ang mga anak at hindi makapag-aral dahil sa walang
sapat na pera. Imbes ang pera na mula sa tulong ng ibang bansa ay para sa mahihirap,
binubulsa lamang nila. Bilyon-biyon ang perang tulong para sa ating mahihirap pero
nakarating ba ang lahat ng iyon? Hindi ba wala? Dahil sa mga opisyales na ginagamit
ang puwesto para makalikom ng limpak-limpak na salapi. Hindi man lang nila naisip
kung sino ang magdurusatayong mahihirap. Tayong mahihirap na salat sa kahirapan,
tayong mahihirap na walang kalaban-laban.

Ang lahat ng ito ay dahil sa kahirapan. Dahil gusto kong bigyan kaming
mahihirap ng importansiya dahil salat kami sa buhay. Bigyan ng maayos na trabaho at
sapat na suweldo ang mga mahihirap. Bigyan ng maayos na edukasyon ang mga
batang mahihirap, dahil naniniwala ako sa mga katagang binitawan ni Rizal na ang
kabataan ang pag-asa ng bayan. Pinakikinggan ko lamang ang mga opisyales na
mapang-abuso sa kaban ng bayan, wala akong pinatatamaan ang alam ko lang patas
ang laban. Wala akong hihilingin pa kundi maayos na pamamalakad sa ating bansa.
Bigyan ng importansiya at bigyan ng karapatan para makapagsalita ang bawat isa.

Ang Kahirapan sa Ating Bansa


Ni: Luchavez Erica Jane Sang-an Grade 10-Jasmine
Bakit ba walang tigil ang kahirapan sa ating bansa? Ito ang gumugulo sa aking
isipan at ito ang katanungan na nangangailangan ng kasagutan.
Nasaan na? Nasaan na ang pangako ng ating mga pangulo, imbes na tulungan
ang nangangailangan, sila pa ang nangungurakot sa lugmok na pamahalaan. Ang
inyong pangako ay lagi lang napapako! Iniisip lang ninyo ang inyong sarili at katayuan
sa buhay. Samantalang ang bawat Pilipino ay walang makain, tirahan at ang iba ay
nasa lansangan, masamang gawi ang natutunan at walang pakialam sa kinabukasan.
Bakit ba puro sila salita? Ngunit wala naman sa gawa. Sa halip na pagtuunan ng
pansin ng pamahalaan ang mga proyektong makakalikha ng hanapbuhay para maibsan
ang kahirapan. Ngunit ano? Walang ginawa ang pamahalaan kundi lalo pang ilugmok
ang ating bansa. Kaya hanggang ngayon lalong naghihirap ang bansa. Ano? Ano ba
ang dapat gawin?

You might also like