Professional Documents
Culture Documents
Ating Abutin
Ating Abutin
Ating Abutin
Ikaw may pangarap ka ba? Pangarap mo bang yumaman, maging sikat na artista, magaling na
negosyante, makapagtayo ng sariling eskwelahan, propesyunal sa napiling kasanayan o kayay
maging bayani ng bayan? Maging sino ka man, bata man o matanda, may pera o wala may
pangarap at itoy iyong karapatan na TUPARIN, ABUTIN, MAKAMTAN AT MAKUHA. Ito ang mga
salitang gusto kong ITATAK, IDIKIT, ISAMA AT AT ITANIM sa inyong kaisipan at kalooban kapag
naiiisip ninyo ang inyong pangarap. Libre ang mangarap pero lahat ng indibidwal ay mayroon nito,
samakatuwid lahat ay maaring umunlad.
Ako, nuong bata pa ako pangarap kong matutong magbisikleta. Kaya araw-araw akong nakadungaw
sa bintana sa bintana na aming bahay nag-aabang na namimisikleta; Pinag-aralan ko kung paano
sila nakakabalanse at sinubukan kong gamitin ang luma naming bisikleta na mataas ng bahagya sa
akin. Takot, pagod at hirap ang dinanas ko pero nasa kalagitnaan na ako kaya hindi na ako
maaaring sumuko. Paisa-isang metro ay nakakatibay na ko hanggang sa natuto na ako. Ayos!
Nakakatawa ba? Marahil. Ito ay isang anekdota na aking iingatan na hanggang ngayon ay
nagpapalakas ng aking loob.
Ang pangarap ay parang mga binhi na itinatanim sa matatabang lupa. Pinag-uukulan ng panahon,
lakas at alaga nang sa gayon ay lumaking matatag na kahit gaano kalakas ang bagyo di matutumba
at sandigan ng lahat. Ganoon talaga. Walang taong nagtanim na umasa na kinabukasan ay puno
na. Wala rin naming nagtanim ng ubas ng lumakit bumunga ay mangga. Anu nga ang iyong tinanim
mabuti o masama. Makakatulong ba o makakasira. Simulan natin sa mabuting adhikain at sundan
natin ng gawa. Huwag tayong tumigil hanggat di nating natutupad ang ating pangarap. Lahat ng
nangangarap ay may kapasidad na tuparin ang kanilang pangarap. IKAW, AKO, SIYA, TAYO! ay
mga tao ibig sabihn may pangarap at pag may pangarap may potensyal na makamtam ito. Simulan
na natin, hindi bukas, makalawa, o sa bagong taon kung hindi NGAYON! Tara na!