Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Kabataan Pag-asa Pa Ba Ng Bayan?

Isa sa nabangit ni Gat. Jose Rizal tungkol sa kabataan ay ito ang pag-asa ng Inang Bayan.
Ngunit asan na nga ba ang mga pag-asa ng Bayan? Ito ba yung mga makikita sa mga computer
shop na doon nag aaksaya ng pera at panahon sa paglalaro at panonood ng mga may iskandalong
palabas. Mga makikita sa madilim na eskinita at humihithit ng marijuana, mga kabataang lulong sa
droga. O mga kabataang na sa murang edad pa lamang ay nagkaroon na ng sariling pamilya. Kung
ito lagi ang pagbabasehan ay masasabi mo na rin na wala ng pag-asa ang ating bayan.
Ang tunay na kahulugan ng pag-asa ay hindi nakikita sa mga kokonti lamang bagkus ito ay
nagsisimula sa sariling sikap upang matulungan natin ang ating sarili para sa ika-uunlad ng bayan.
Kung ikaw ay kabataan, masasabi mo bang may nagawa ka na para sa sariling bayan? Isang
kabataang may paninindigan at prinsipyo? o isa ka sa mga kabataang walang paki sa kahihinatnan
ng inang bayan.
Mga kapwa kabataan.
Tayo na at mag tulungan. Tayo ang inaasahan ng ating mga magulang na mag aahon sa kanila sa
putik ng kahirapan. Ang panahon ng pag kilos ay ngayon. Kung noon pa lamang ay naisip na natin
ang kahalagahan natin sa ating bayan at ang papel natin dito. Marahil kinabukasan masasabi mo na
"Ako ang Kabataan, Ang pag-asa ng inang Bayan".

You might also like