Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 32

Batch 26

Beginning New Life in Christ (BNLC) Ministry

November 7, 14, 21 & 28, 2009

MORE THAN CONQUERORS FELLOWSHIP INTERNATIONAL INC.


012 Felipe Estrella St. Sto. Rosario, City of Malolos, Bulacan 3000
Contact No: (+6344) 791-0782
E-mail Address: mtcf_ph@yahoo.com; Website: http://www.mtcf.org.ph

TALAAN NG MGA NILALAMAN

ANG MABUTING BALITA 1 - 5


NAMATAY SI KRISTO PARA SA AKIN (CHRIST DIED FOR ME)..6 - 10
NAMATAY SI KRISTO BILANG AKO (CHRIST DIED AS ME)...11 - 20
SI CRISTO

AY

NABUBUHAY SA AKIN (CHRIST LIVES IN ME)21 - 27

SI CRISTO

AY

NABUBUHAY SA PAMAMAGITAN KO (CHRIST LIVES THROUGH ME)28 - 31

PAGBABAUTISMO SA TUBIG.32 - 42
ANG PAGBABAUTISMO NG ESPIRITU SANTO..43 - 59
KINAUSAP NG MANLILIKHA ANG MGA LAPIS. 60

Hindi ko ikinahihiya ang Mabuting Balita tungkol kay Cristo, sapagkat


ito ang kapangyarihan ng Diyos sa ikaliligtas ng bawat nananampalataya unay sa mga Judio at gayon din sa mga Griego. - Roma
1:16

Ang Mabuting Balita ng kaligtasan ay parang switch ng ilaw. Ito ang nagbubukas ng liwanag para
makapamuhay tayo sa biyaya ng Diyos bilang Kristiyano. Higit pa ito sa kuwento bakit dumating si Jesus
sa mundo. Ito ang kapangyarihan ng kaligtasan na kumikilos para mas makilala natin ang kabutihan ng
Diyos sa ating buhay. Kahit pa walang duda na nakikilala natin ang kapangyarihan ng Diyos sa mga milagro, mas makikilala pa natin Siya sa pamamagitan ng pagbabasa ng Mabuting Balita. Hindi lang ito
para sa mga makasalanan, ito rin ang pinagkukunan ng lakas, tatag, sigla at galak ng mga Kristiyano.
Bukod sa ipakikilala nito sa atin kung paanong mamuhay kasama ang Panginoon araw-araw, ito rin ang
magpapatatag sa atin at magpapalalim sa ating pananampalataya. Madadama rin natin ang buong karanasan ng lahat ng plano ng Diyos para sa atin na Kanyang mga anak sa pag-aaral ng Mabuting Balita at
paglakad sa ilalim ng gabay nito.
Purihin ang Diyos na makapagpapatibay sa inyo sa pamamagitan ng Mabuting Balita tungkol kay
Jesu-Cristo na ipinangangaral ko sa inyo. Ang Mabuting Balitang iyan ay isang hiwaga na nalihim
sa loob ng mahabang panahon. Roma 16:25

Ang Dalawang Bahagi ng Gospel


Ang Gospel ay mula sa lumang wikang Ingles na godspell. Mula naman ito sa wikang Griyego na evangelion o good news ang Mabuting Balita. May dalawang bahagi
ito, at para maintindihan natin ang kabuuan ng Kanyang Salita ay marapat lamang na
maunawaan natin ang sinasabing dalawang bahagi.

Kayat ang sinumang nakipag-isa kay Cristo ay isa nang bagong nilalang. Wala na ang dating
pagkatao; siyay bago na. 2 Corinto 5:17

Wala Na ang Luma


Malinaw na ipinapakita sa unang kalahati ng Gospel kung paanong inalis tayo ng Diyos sa luma
at makasalanang pamumuhay. Sa Krus, pinasan ni Jesus ang ating mga kasalanan at mag-isang pinagdusahan ang kaparusahang para sana sa atin. Ginawa Niyang lahat ito para sa atin. Nilinis ng Kanyang
dugo ang ating mga kasalanan. Dahil diyan, naibalik ang ating relasyon
sa Diyos; malaya na tayo ngayon sa kondemnasyon at paghusga. Dahil
din diyan, tinanggap natin ang buhay na walang hanggan bilang regalong
mula sa Diyos.
Sinasabi ko sa inyo: ang nakikinig sa aking salita at nananalig sa nagsugo sa akin ay may buhay na walang hanggan. Hindi na siya hahatulan kundi inilipat na sa buhay mula sa kamatayan. Juan 5:24

Isang Bagong Buhay


Ang ikalawang kalahati ng Mabuting Balita ang naglalarawan naman ng bagong buhay na mayroon
tayo ngayon kay Cristo. Matapos suguin ang bugtong Niyang Anak, ipinadala naman Niya ang Banal na
Espiritu sa ating buhay upang palakasin tayo. Sa pamamagitan ng biyaya ng Espiritu Santo, napagtatagumpayan natin ang kasalanan. Sinasanhi Niya na tayo ay tuluyang mabago tungo sa pagiging kahawig ni
Cristo. Narito ngayon ang dalawang napakahalagang mga benepisyong mula kay Cristo:
1. Buhay na walang hanggan (unang kalahati ng Mabuting Balita)
2. Buhay na mayaman sa biyaya ng Banal na Espiritu (ikalawang kalahati ng Mabuting Balita)
Kaya lamang pupunta rito ang magnanakaw ay upang magnakaw, pumatay,at magwasak.
Naparito ako upang ang mga tupay magkaroon ng buhay isang buhay na ganap at kasiyasiya. Juan 10:10

Ang Mabuting Balita ay binuo ng Diyos upang lumukob sa lahat ng aspeto ng ating
buhay. Hindi sa iyong unang kalahati lamang ng Gospel ang maipamuhay, bagkus ang kabuuan
Nito, para sa isang puspos, masaya, at kumpletong buong buhay-Kristiyano.

Inihahayag nito na ang pagpapawalang-sala ng Diyos sa mga tao ay nagsisimula sa pananampalataya, at nagiging ganap sa pamamagitan ng pananampalataya. Ayon sa nasusulat, Ang
pinawalang-sala sa pamamagitan ng pananampalataya ay mabubuhay. Roma 1:17

Sinisimulan natin ang buhay-Kristiyano sa bisa ng pananampalataya at kapangyarihan


ng Diyos na iligtas tayo. Ipinamumuhay naman natin ang bawat araw bilang mga
Kristiyano sa pamamagitan ng pananalig sa kapangyarihan ding iyan ng Diyos.
Iyan ang sikreto ng matagumpay na buhay-Kristiyano: sa pamamagitan lamang ng pananampalataya, at iyan ay sa biyaya ng Panginoon. Ang ating buhay dito sa lupa kasama si Jesus ay isang first to
last experience karanasang mula sa simula hanggang sa wakas. Panglahat ng panahon at panghabampanahon.

Ang Mabuting Balita


Mayroong dalawang bahagi ang Mabuting Balita; bawat isa ay nahahati sa dalawa. Ibig sabihin
nito, mayroong apat na mahahalagang bahagi ang Magandang Balita ng Kaligtasan. Nakakalungkot na
magpahanggang sa ngayon ay maraming Kristiyano ang namumuhay na tanging isang bahagi o one-fourth
lamang ang nalalaman. Kulang. Hindi sapat. Kailangan na malaman natin ang kabuuan
ng Mabuting Balita at maintindihan ang biyaya ng Diyos ng kumpleto at buong katotohanan. Sa pag-aaral at patuloy na pagtuklas natin ng Kanyang salita magmumula ang
ating pamumunga at paglago.
Nalaman ninyo ang tungkol sa inaasahan ninyong ito nang ang salita ng katotohanan,
ang Mabuting Balita, 6ay ipangaral sa inyo. Itoy lumalaganap sa buong sanlibutan at
nagdadala ng pagpapala, tulad ng nangyari sa inyo mula nang marinig ninyo at
maunawaan ang katotohanan tungkol sa kagandahang-loob ng Diyos. - Colosas 1:5-6

Tanging ang dalisay na ebanghelyo lamang ang pagmumulan ng dalisay ring bunga. Ito lamang ang magdadala sa atin sa daan na patungo sa Kanya. Mahigpit ang bilin ni Pablo:
Maging kami o isang anghel man mula sa langit ang mangaral sa inyo ng iba kaysa Mabuting Balitang ipinangaral namin, pakasumpain siya! 9Sinabi na namin, at inuulit ko: kung may mangaral sa
inyo ng iba kaysa Mabuting Balitang tinanggap ninyo, pakasumparin siya! - Galacia 1:8-9

Napapanahon ang kanyang babala. Sa panahon ngayon kung kailan maraming nagsasabing silay namumuhay ayon sa Biblia, marapat lamang na tayo ay maging mapanuri at maingat sa pagtanggap nang tayo ay
hindi mailigaw ng baluktot na katuruan. Tanging ang pagpapahayag, pagtanggap, at pagkaunawa sa kabuuan ng ebanghelyo ang siyang makapagpapalabas ng buong kapangyarihan ng Diyos para sa isang matatag at buo na
buhay-Kristiyano. Kaya naman gayon na lamang ang tagubilin na maipangaral ang Mabuting Balita. Sa ganitong paraan, marami ang makakarinig,
mananampalataya, at tatanggap kay Jesus.
Ayon sa Mabuting Balita na aking ipinangangaral, mangyayari ito sa araw na ang mga lihim ng
taoy hahatulan ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo Jesus. - Roma 2:16
Kung may talukbong pa ang Mabuting Balitang ipinahahayag namin, itoy natatalukbungan lamang
sa napapahamak. - 2 Corinto 4:3
Sa halip, kinilala nilang akoy hinirang ng Diyos upang mangaral ng Mabuting Balita ng kaligtasan
sa mga Hentil, tulad ng pagkahirang kay Pedro upang mangaral ng Mabuting Balita ng kaligtasan sa
mga Judio. Galacia 2:7
Subalit kailangan kayong manatiling tapat at matatag sa inyong pananampalataya at huwag
bayaang mawala ang pag-asang dulot ng Mabuting Balita na inyong narinig. Niloob ng Diyos na
akong si Pablo ay maging tagapangaral ng Mabuting Balitang ito na ipinapahayag sa lahat ng
tao. - Colosas 1:23
Aral na naaayon sa Mabuting Balita. Itoy galing sa dakila at mapagpalang Diyos at ipinagkatiwala sa akin upang ipahayag. - 1 Tim. 1:11

Nakita ko ang isa pang anghel na lumilipad sa kalawakan, dala ang di-magmamaliw na Mabuting Balita upang ipahayag sa mga tao sa lupa, sa lahat ng bansa, lipi, wika, at bayan. Pahayag (Rev.) 14:6

Nilibot ni Jesus ang buong Galilea. Nagtuturo sa mga sinagoga at ipinangangaral ang Mabuting
Balita tungkol sa paghahari ng Diyos. Pinagaling din niya ang mga tao sa kanilang mga sakit at
karamdaman. - Mateo 4:23
At sinabi ni Jesus sa kanila, Humayo kayo sa buong sanlibutan at ipangaral ninyo sa lahat ang
Mabuting Balita. - Marcos 16:15
Subalit walang halaga sa akin ang aking buhay, maganap ko lamang ang aking tungkulin at
matapos ang gawaing ibinigay sa akin ng Panginoong Jesus ang pagpapahayag ng Mabuting
Balita tungkol sa kagandahang-loob ng Diyos. -- Gawa 20:24

NAMATAY
SI KRISTO
PARA SA AKIN

NAMATAY
SI KRISTO
BILANG AKO

SI KRISTO
AY NABUBUHAY
SA AKIN

SI KRISTO AY
NABUBUHAY
SA PAMAMAGITAN KO

PAGKAPAKO SA KRUS
PAGKABUHAY NA MULI
B U H AY - K R I S T I YA N O

Kay Jesu-Cristo lamang matatagpuan ang kaligtasan, sapagkat sa


silong ng langit, ang Kanyang pangalan lamang ang ibinigay ng Diyos
sa ikaliligtas ng tao. -- Gawa 4:12

Ayon sa Biblia, si Jesus lamang ang tanging daan tungo sa kaligtasan.


Sumagot si Jesus, Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makapupunta sa Ama
kundi sa pamamagitan ko. - Juan 14:6

Bakit ganito? Bakit kailangan ng kaligtasan? Kaligtasan mula saan?


Ayon sa nasusulat: Walang matuwid, wala kahit isa; walang nakauunawa, walang humahanap sa
Diyos. Ang lahat ay lumihis ng landas at nagpakasama; walang gumagawa ng mabuti, wala kahit
isa. -- Roma 3:10-12

Maging ang pinakamabait na tao sa mundo ay nagkasala; maging obispo, pari, pastor, o imam.
Dahil dito, dapat lamang na tayo ay parusahan ng Diyos. Hindi sinusukat ang pagiging mabuti ayon sa
pamantayan nating mga tao kundi ayon sa sukatan ng Diyos, na nakabatay sa kalubusan ng Kanyang kaluwalhatian.
Sapagkat ang lahat ay nagkasala at walang sinumang karapat-dapat sa paningin ng Diyos. --Roma 3:23

Ang mabuting balita ng kaligtasan ay ito: ipinadala ng Diyos si Jesus upang siyang magpasan ng
ating mga kasalanan.
Sapagkat noong tayo'y mahihina pa, namatay si Cristo sa takdang panahon para sa mga
makasalanan. 8Ngunit ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si
Cristo para sa atin noong tayo'y makasalanan pa. -- Roma 5:6, 8

Ito ay dahil hindi lang tayo makasalanan. Tayo ay mga taong makasalanan at walang kakayahan ni kapangyarihan na iligtas o baguhin ang ating mga sarili. Kaya naman sa Krus, si Jesus na ang naging ikaw at ako. Hindi lang
Niya tayo iniligtas. Siya ang naging kaligtasan para sa atin.

Ngunit ang maawain at mapagmahal na Diyos ay siya ring banal na Diyos. Dahil dito,
hindi puwedeng magbulag-bulagan Siya sa ating nagawa at basta na lang tayo patawarin.
Salamat na lamang at hindi Niya tayo natiis sa Kanyang pag-ibig at karunungan, gumawa Siya ng paraan
upang pareho nating matamo ang kaukulang hatol sa ating mga kasalanan (kamatayan) at makamit ang
Kanyang kapatawaran.
Ayon sa Kautusan, halos lahat ng bagay ay nililinis sa pamamagitan
ng dugo, at walang kapatawaran ng kasalanan kung walang pagbububo ng dugo. --Hebreo 9:22
Ginawa ng Diyos ang hindi nagawa ng Kautusan dahil sa likas na
kahinaan ng tao. Sinugo niya ang Kanyang sariling Anak sa anyo ng
taong makasalanan upang maging handog para sa kasalanan, at sa
anyong iyo'y hinatulan Niya ang kasalanan. - Roma 8:3

Sa Lumang Tipan ng Biblia, mayroong inilaan ang Diyos ng natatanging daan tungo sa kaligtasan:
ang pagpapalit. Ganito iyon. Kung nagkasala ang isang tao, maaari siyang maghandog ng kordero o batang
tupa. Ang kordero ang isasakripisyo (mamamatay) sa halip na ang nagkasalang tao. Papatayin ang kordero
at ibubuhos ang dugo nito sa paligid ng altar (Levitico 7:2).
Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan (Roma 6:23), pagkatapos nito ay patatawarin na
ng Diyos ang kanyang mga kasalanan. Ang pagsasakripisyo ng tupa ay nagdudulot ng pansamantalang kapatawaran. Pansamantala lamang, dahil sa sandaling magkasala ulit ang tao, mag-aalay siyang muli ng korderong papatayin bilang kabayaran sa kanyang kasalanan. Kaya lang, sa dalas magkasala ng tao, mauubos
naman ang mga tupa sa mundo! Ang tunay na kailangan ay isang minsanang sakripisyo, at si Jesus na nga
iyon: ang kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan.
Kinabukasan, nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa kanya. Sinabi niya, Narito ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan! -- Juan 1:29

Nang siya'y mamatay, namatay siya nang minsanan para sa kasalanan, at ang buhay niya ngayo'y para sa Diyos. - Roma 6:10

Kalayaan Mula sa Paghusga


Hindi lamang kasalanan ang nililinis ng banal na dugo ni Cristo.
Nililinis din nito ang anumang batayan ng akusasyon at mga bintang.
Kaya nga, hindi na hahatulang maparusahan ang mga nakipag-isa
kay Cristo Jesus. -- (Roma 8:1)

Susubukan at susubukan ni Satanas na bintangan tayo ng kung anu-ano. Sisikapin niyang lituhin tayo
at takutin gamit ang mga paratang, kahit na wala siya ni munting karapatan na tayo ay husgahan. Tanging
ang Diyos ang may karapatan na humusga sa anumang kamalian na ating nagawa, pagkat ang kasalanan ay
usapin sa pagitan lamang natin at ng Panginoon. Hindi kasali rito si Satanas. Tandaang mabuti: si Satanas
ay walang K (kinalaman, karapatan, kapangyarihan) sa ating buhay. Diyos at Diyos lamang ang maaaring
humusga at maghatol sa atin pero mismong Diyos na ang gumawa ng paraan upang tayo ay bigyangkatuwiran!
Iba Na Ang May-Ari
Alam ninyo kung ano ang itinubos sa inyo sa walang kabuluhang pamumuhay na inyong minana sa
inyong mga magulang. Ang itinubos sa inyo'y di mga bagay na nasisira o nauubos, paris ng ginto o
pilak, 19kundi ang buhay ni Cristong inihain sa krus. Siya ang Korderong walang batik ng kapintasan. -- 1 Pedro 1:18-19

Kapatid, ang dugo ni Jesu-Cristo ang halagang ibinayad ng Diyos para matubos tayo sa paGkakaalipin ng diablo. Ito ang ibig sabihin ng tinubos ng dugo. Kung paanong noong unang panahon ay dugo ng
kordero ang ibinububo para makamtan ang kapatawaran, ganoon din naman nabubo ang dugo ni Jesu-Cristo
sa Krus para tayo ay magkamit ng kapatawaran at kaligtasan. Bukod diyan, tayo ay inari na
ring mga anak ng Diyos:
Ang lahat ng pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos ay mga anak ng Diyos...Ang tinanggap ninyo
ay espiritu ng pagiging anak, at ito ang nagbibigay sa atin ng karapatang tumawag ng Ama!

Ama ko! Ang Espiritu nga ang nagpapatotoo, kasama ng ating espiritu, na tayo'y mga anak
ng Diyos. -- Roma 8:14-16

Mahalaga ang pagpapanimula natin sa buhay-Kristiyano. Bakit? Simple lamang


kung paano tayo nag-umpisa, ganoon din tayo magpapatuloy. Halimbawa: kung hindi pantay
ang butones sa ohales ng iyong isusuot na pang-itaas, at maipasok mo ang unang butones sa
ikalawang ohales, tiyak na maibutones mo man hanggang dulo ang iyong pang-itaas ay mali at hindi pantay ang kalalabasan.
Tandaan natin na ang Mabuting Balita ng Kaligtasan ay karanasang panghabangpanahon: mula sa
simula hanggang wakas. Paano magsimula? Narito ang tugon ng Banal na Salita:
Sumagot si Jesus, Sinasabi ko sa inyo: maliban na ipanganak na
muli ang isang tao, hindi siya paghaharian ng Diyos. -- Juan 3:3

Ipanganak na muli? Aba! Pupuwede ba naman iyon? Maaari


bang iyong matanda na ay muling pumasok sa sinapupunan ng kanyang ina, para muling isilang?
Sinasabi ko sa inyo, ani Jesus, maliban na ang tao'y ipanganak
sa tubig at sa Espiritu, hindi siya paghaharian ng Diyos. 6Ang ipinanganak sa laman ay laman, at ang ipinanganak sa Espiritu ay
espiritu. - Juan 3:5-6

Ah, ang ibig palang sabihin, ipanganak na mag-uli sa Espiritu. At mula roon, lalago tayo sa
Espiritu rin bilang mga anak ng Diyos. Sa madaling sabi, kailangang isilang tayong muli sa pamilya ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu Niya. At ito ay hindi natin kayang gawin sa sarili lang natin.
Mas linawin pa natin. Halimbawa, isang sanggol. Aba, hindi naman niya maaaring ipanganak ang
sarili niya mag-isa. Kailangan, isilang siya ng kanyang ina. Tulad nito, hindi rin mapapabilang ang sinuman sa pamilya ng Diyos sa pamamagitan ng sariling gawa o lakas. Ikaw ay isisilang ng mismong Espiritu
ng Diyos sa Kanyang pamilya. Ito ang simula ng pamumuhay bilang isang Kristiyano: sa Diyos magmumula
lahat.

Nauna na nating napag-usapan na ang Mabuting Balita ay may apat na bahagi: Namatay Si Kristo
Para Sa Akin; Namatay Si Kristo Bilang Ako; Namumuhay Si Kristo Sa Akin; at, Nabubuhay Si Kristo sa
Pamamagitan Ko.
Sa unang bahagi kung saan nalaman natin na si Kristo pala ay namatay para sa atin, binubuksan ng
Diyos ang pintuan ng langit tungo sa buhay na walang hanggan sa piling Niya. Ito ang pinakamahalagang
bahagi ng Mabuting Balita. Bukod sa ipinahahayag nito ang katiyakan ng kaligtasang panghabang panahon,
ito rin ang pundasyon kung saan nakatayo ang tatlo pang bahagi ng ebanghelyo.
Naipunla na ng Diyos ang kaligtasan sa iyong puso. Ang punlang ito, tulad ng karaniwang halaman,
ay kailangang lumago. Sa pagtanggap mo ng lahat ng iyong kailangan para makapamuhay ng kalugodlugod sa Diyos, hayaan mong tumagos at makita ang epekto ng kaligtasang ito sa lahat ng aspeto ng iyong
buhay.
At diyan, mahal na kapatid, iikot ang kuwento ng tatlo pang bahagi ng Gospel.

10

Kaya't ang sinumang nakipag-isa kay Cristo ay isa nang bagong nilalang.
Wala na ang dating pagkatao; siya'y bago na. - 2 Corinto 5:17

Matapos tayong ma-born again, ibig sabihin ba nito ay patuloy pa rin


tayong makikipagbuno sa kasalanan? Mayroon bang paraan para tayo, bilang mga Kristiyano, ay makaiwas
sa kasalanan? Salamat sa Diyos sapagkat OO! Mayroong paraan!
Ito ang ikalawang bahagi ng Gospel. Dito natin matututunan na mayroon palang paraan para
makaiwas tayo sa kasalanan, ngunit dapat, buong ingat nating unawain ito. Alam mo ba na bukod sa pinawi na sa Krus ang ating mga kasalanan, pinawi rin ng Krus ang kalikasan natin bilang makasalanan? Oo!
Kaya naman dapat mahayag sa bawat Kristiyano na siya ay namatay na kasama ni Kristo sa Krus. O, kapag
patay na, mabubuhay pa ba?
Halimbawa, si Tibo. Naku, ito raw si Tibo ay kilala sa kanilang lugar bilang isang lasenggo. Bawat kanto ata, mayroon
siyang kumpare sa bote. Sa araw-araw na paglalasing, tinamaan ang atay ni Tibo (obvious ba, hindi siya liver lover tulad ni
Robin Padilla!) at siya ay namatay. Matapos ang tatlong araw na burol, inihatid na sa huling hantungan ang ating bida. Akalain
mong mayroong umpukan sa daan patungong Memorial! Hawak ang isang baso, lumapit ang isang siga at kinausap ang labi ni
Tibo: Pare, tagay muna!
Babangon pa ba si Tibo para tumagay? Horror movie po iyan kapag siyang nabuhay pang mag-uli,
at comedy naman pag tumagay nga siya!
Sadyang di na nga makababangon ang patay upang gawin ang mga ginagawa niya
noong siya'y nabubuhay pa. Ganun din kapag ikaw ay na-born again. Ibig sabihin, patay na
ang dating ikaw. Patay na, dahil kasama ni Cristong napako sa Krus. Inilibing mo na. Ang

11

pumalit sa dating ikaw ay isang bagong nilalang, malaya na sa buhay-makasalanan at isinilang nang muli
(kaya tayo tinatawag na born again) sa Espiritu ng Diyos.
Kung ang Diyos lamang ang ating tatanungin, lahat ng taong makasalanan ay namatay nang kasama ni Kristo sa Krus. Ito ay matibay na katotohanan na nakatala sa langit na hindi maaaring baguhin
ninuman.
Sapagkat ang pag-ibig ni Cristo ang nag-uudyok sa aking magkaganyan, ngayong malaman kong
siya'y namatay para sa lahat at dahil diyan, ang lahat ay maibibilang nang patay. -- 2 Cor. 5:14

Ganoon pala. Eh bakit maraming nagsasabing born again daw sila


pero hindi pa rin nila personal na nararanasan ang katotohanang ito? Ito
ay dahil tulad ng iba pang mga katotohanan na matatagpuan natin sa Biblia, mararanasan lamang natin ang kapangyarihan ng katotohanang ito
kung tayo mismo ay mananalig na ito nga ay naganap na sa ating buhay.
Pamilyar marahil sa atin ang talatang ito:
Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na
Anak, upang ang sumampalataya sa Kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na
walang hanggan. - Juan 3:16

Aba, kahit na anong relihiyon o paniniwala ang pinanghahawakan mo bago ka napunta sa Beginning New Life Classes (BNLC) ng More Than Conquerors Fellowship (MTCF), maaaring nabasa mo na ito
sa mga dyip, sa dingding na paaralan, sa mga istiker at notebook, o di kaya'y narinig sa mga nangangaral
sa bus o palengke.
Sa kasikatan, Miss Universe ang dating ng Juan 3:16. Kahit sino ata, narinig na
iyang For God so loved the world that He gave His one and only Son
Kasunod niyan sa kasikatan ang Juan 8:32, 1st Runner-up kumbaga:
Makikilala ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.

12

Aba, hindi iilang bida sa pelikula at telenovela (at maging mga


pulitiko) na marahil ang bumigkas sa English version niyan -- You shall
know the truth and the truth shall set you free. Sa sobrang kasikatan ng
talatang iyan, batid kaya natin ang tunay nitong pakahulugan?
Ano nga ba ang katotohanan? At saan naman tayo palalayain?
Tulad ng mga Pariseo noong araw, tiyak na mabilis ang sagot ng ating isip:
Bukod sa alipin, bilanggo lang ang dapat palayain. Hindi naman ako alipin at hindi rin ako bilanggo,
saan naman kaya ako palalayain? Maganda pong tanong iyan. At may maganda ring kasagutan:
Sumagot si Jesus, 'Tandaan ninyo: alipin ng kasalanan ang lahat ng nagkakasala.' - Juan 8:34

Dito, buong linaw na sinagot ni Jesus ang ating tanong: alipin ng kasalanan ang sinumang nagkakasala. Ito ang uri ng pagkaalipin kung saan ninanais Niya tayong palayain. Pero anong uri kaya ng
kalayaan?
Kapag kayo'y pinalaya ng Anak, tunay nga kayong malaya. -- Juan 8:36
Sapagkat ang namatay na ay pinalaya mula sa kapangyarihan ng kasalanan. - Roma 6:7

Mayroong daan ang katotohanan na siyang makapagpapalaya sa atin mula


sa walang patid na pakikipagbuno sa kasalanan. Hindi na natin kailangang matali sa
buhay na gapos ng pagkakasala, dahil bahagi ng plano ng Diyos na tayo ay mamuhay ng
malaya at masaya. Sa halip na mamuhay na nakalublob sa kasalanan, nais Niyang mamuhay tayo ng naaayon sa Kanyang katuwiran at kabanalan.
Alam natin na ang dati nating pagkatao ay ipinakong kasama Niya upang mamatay
ang makasalanang katawan at nang hindi na tayo maalipin pa ng kasalanan. - Roma
6:6

Pag-aralan natin ang eksaktong tinutukoy ng talatang nasa itaas:


mayroong inilaang solusyon para tayo ay hindi manatiling alipin ng kasalanan;

13

para mangyari iyon, dapat na maalis ang buong-buo ang


pinagmumulan ng kasalanan (body of sin); at
para maalis ang mismong pinag-uugatan ng ating pagiging
makasalanan, dapat nating malaman na ang ating dating
sarili ay napako na sa krus kasama ni Cristo.
Ang katotohanang ito ay tunay na makapagpapalaya sa atin!
Hindi po mamag-isang napako at namatay sa krus ng Kalbaryo si Jesus --- kasama Niyang nabayubay sa krus ang dati nating katauhan! Ang dati nating katauhan na ito ay bahagi ng dating pagkatao na binanggit sa 2 Corinto 5:17:
Kaya't ang sinumang nakipag-isa kay Cristo ay isa nang bagong nilalang. Wala na ang dating pagkatao; siya'y bago na. - 2 Corinto 5:17

Maniwala tayong hindi lamang 20% namatay ang dati nating pagkatao. Hindi rin naman 99%.
Hindi po tulad ng utang na pahulugan ang pagkatubos sa atin; hindi drop-drop, hindi three gives, hindi
pinatutubuan. Ang pagtubos sa atin ng Panginoong Jesus ay minsanan. As in 100%. Siyento-por-siyento
pong wala na ang dati nating pagkatao, ang pagkataong makasalanan.
Mayroong mga Kristiyano na araw-araw ay sumusubok pa ring parusahan ang sariling kasalanan.
Wika nga, nagpapasan ng sariling krus. Mayroon din naman na tuwing summer, literal na nagpapasan ng
krus tuwing Mahal na Araw. Nagpapapako pa nga sa krus, o di kayay
nagpipenitensiya at hinahampas ang sariling likod bilang pagtitika.
Nasanay marahil tayo sa ganito, dahil bahagi ito ng nakagisnan natin
na kulturang Pilipino. Pero hindi ibig sabihin ay tama ang ganitong
mga gawain. Ang totoo niyan, kabaliktaran ito sa itinuturo ng Biblia.
Tingnan na lamang natin ang mga sumusunod na talata at pansinin ang
panahon o tense ng pangungusap sa chart sa kabilang pahina.

14

TALATA

NAKARAAN

2 Corinto 5:17

Kaya't ang sinumang nakipag-isa kay Cristo ay isa nang bagong nilalang. Wala
na ang dating pagkatao; siya'y bago na. - 2 Corinto 5:17

Roma 6:6

Alam natin na ang dati nating pagkatao ay ipinakong kasama niya upang
mamatay ang makasalanang katawan at nang hindi na tayo maalipin pa ng kasalanan.

Galacia 2:19-20

Ako'y namatay na sa Kautusan sa pamamagitan na rin ng Kautusan upang mabuhay para sa Diyos. Namatay na akong kasama ni Cristo sa krus.
At kung ako ma'y buhay hindi na ako ang nabubuhay kundi si Cristo ang
nabubuhay sa akin. At habang ako'y nasa daigdig, namumuhay ako sa pananalig
sa Anak ng Diyos na umiibig sa akin at nag-alay ng Kanyang buhay para sa akin.

Colossas 3:3

Sapagkat namatay na kayo at ang tunay na buhay ninyo'y natatago sa Diyos,


kasama ni Cristo.

Galacia 5:24

At pinatay na ng mga nakipag-isa kay Cristo Jesus ang likas nilang pagkatao, kasama ang masasamang pita nito.

Kaya naman marapat lamang nating tanggapin ang sakripisyo ni Jesus para sa atin bilang isang kumpletong gawa, isang sakripisyo o kabayarang naganap na. Mangyari'y nababawasan pa ang kapangyarihan ng
krus sa sandaling dagdagan pa natin ito ng sarili nating gawa. Paano ay wala naman tayong kakayahan na
dagdagan pa ito, o di kaya'y gayahin para lalo pang mapaganda, dahil ito nga ay tapos na. Wika nga, nakapast tense na.

15

Ang Subnormal na Buhay-Kristiyano


14Alam natin na espirituwal ang Kautusan, ngunit akoy makalaman at alipin ng kasalanan.
Hindi ko maunawaan ang aking sarili. Sapagkat hindi ko ginagawa ang ibig ko, bagkus ang bagay na
kinasusuklaman ko ang siya kong ginagawa. 16Ngayon, kung ginagawa ko ang hindi ko ibig, sinasangayunan ko na mabuti nga ang Kautusan.
15

17Kaya, hindi na ako ang may kagagawan niyon, kundi ang kasalanang nananahan sa akin.
Alam kong walang mabuting bagay na nananahan sa akin, ibig kong sabihiy sa aking katawang
makalaman. Kayang-kaya kong magnasa ng mabuti, hindi ko lang magawa ang mabuting ninanasa ko.
19
Sapagkat hindi ko ginagawa ang mabuting ibig ko, kundi ang masamang hindi ko ibig ang siya kong
ginagawa. 20Kung ginagawa ko ang hindi ko ibig, hindi na ako ang
may kagagawan nito kundi ang kasalanang nananahan sa akin.
18

21

Ito ang natuklasan ko: kapag ibig kong gumawa ng mabuti, ang masama ay malapit sa akin. 22Sa kaibuturan ng aking puso, akoy nalulugod sa kautusan ng Diyos. 23Subalit nararamdaman kong may ibang
tuntunin sa mga bahagi ng aking katawan at itoy salungat sa tuntunin ng aking isip. Dahil dito, akoy naalipin ng kasalanang
nananahan sa mga bahagi ng aking katawan.
24

Kahabag-habag ang kalagayan ko! Sino ang magliligtas sa akin sa


katawang ito na nagdudulot sa akin ng kamatayan? 25Ang Diyos sa
pamamagitan ni Jesu-Cristo na ating Panginoon! Salamat sa kanya!
Ito ang kalagayan ko: sa pamamagitan ng aking isip, sumusunod ako sa kautusan ng Diyos,
ngunit sa pamamagitan ng aking katawang makalaman, akoy sumusunod sa tuntunin ng kasalanan.
- Roma 7:14-25

Dito natin makikita na subnormal nga kakaiba ang buhay-Kristiyano. Nararamdaman pa rin
natin na kahit tayo ay na-born-again na, hinahanap-hanap pa rin natin ang mga dating gawain, mga dating
bisyo, mga dating ugali. Sabi nga ng isang lumang rap, Gusto kong bumait pero di ko magawa Ayon naman sa mundo, natural lang ito. Tao lang, wika nga.
Ngunit HINDI ito ang buhay na nais ng Diyos para sa atin. Mayroon siyang napakagandang plano para sa atin:
mga panukalang inihahanda ko para sa ikabubuti ninyo, at para dulutan kayo ng pag-asa sa
hinaharap. Jeremias 29:11

16

Ulitin natin ito sa ating sarili: HINDI kasama sa plano ng Diyos sa ating buhay ang maguluhan sa pagtatalo ng ating pusot isip. Hindi komo nagpapambuno ang
pusot isip natin, ibig sabihin na ay palpak o walang bisa ang sakripisyo ni Jesus sa
krus. Hindi po. Kaya natin nararanasan ito ay dahil maaaring hindi pa natin lubusang hinaharap ang usapin ng dati nating pagkatao.
Sa binasa nating mga talata mula sa Roma 7:14-25, hindi tinutukoy ni Pablo
ang kanyang sarili. Hindi po ibig sabihin nito ay patuloy ding nakipagbuno si Pablo
sa kasalanan.
Nagbibigay-halimbawa lamang siya sa mga pangungusap na iyan, para
mailarawan sa atin ng mas malinaw kung gaano ka-miserable ang dati nating buhay noong tayo ay hindi
pa naliligtas. Pansinin po natin ang mga sumusunod:
ngunit akoy makalaman (v. 14) ang tinutukoy dito ni Pablo ay hindi ang kanyang sarili, kundi
ang buhay na wala kay Kristo.
at alipin ng kasalanan (v. 14) - sa pagsasabi nito, hindi niya kinokontra ang mga nauna na niyang binanggit sa Roma 6:6 (ang dati nating pagkatao ay ipinakong kasama ni Kristo upang
mamatay ang makasalanang katawan at nang hindi na tayo maalipin pa ng kasalanan). Binanggit lamang ito ni Pablo upang bigyang-diin na ang ganitong pamumuhay ay wala kay Kristo;
Hindi ko maunawaan ang aking sariliang bagay na kinasusuklaman ko ang siya kong ginagawa. (v. 15) tulad ng pagiging makalaman, tinutukoy din nito ang mga dati nating karanasan
bago natin tinanggap si Cristo. Ngayon ay mayroon na tayong kaisipan ni Cristo.
Alam kong walang mabuting bagay na nananahan sa akin(v. 18) muli, tinutukoy nito ang dati
nating buhay bago tayo na-born-again. Hindi na ito totoo ngayon dahil mismong si Cristo na
ating Tagapagligtas ay nabubuhay na sa atin! (Galacia 2:20)
...ang masamang hindi ko ibig ang siya kong ginagawa. (v. 19) naku, kung totoo ito,
ibig bang sabihin niyan eh pinapayagan ng Biblia na magpatuloy tayo sa buhay na

17

makasalanan? Hinding-hindi! Sa Galacia 5:24, mababasa natin na bukod sa makasalanang kalikasan natin, kasama rin ni Cristo na napako sa
krus ang mga pita ng laman. Tayo ngayon ay may kapangyarihan nang
itakwil ang kasalanan, talikdan ang likong pamumuhay at itakwil ang
mga gawaing makalaman. (Tito 2:11)
Kahabag-habag ang kalagayan ko! Sino ang magliligtas sa akin sa katawang ito na nagdudulot sa akin ng kamatayan? (v. 24) kabaliktaran
naman ito ng buhay na ninanais ng Diyos para sa atin. Matapos bigkasin ang mga salitang ito, idinugtong ni Pablo ng tanging sagot: Ang Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na ating Panginoon!
Salamat sa Kanya! (v. 25)

Ang Katawan ng Kamatayan


Nagtataka ka siguro kung ano ba iyong katawang nagdudulot ng kamatayan na sinabi si Pablo sa
Roma 7:24. Ito rin iyong makasalanang katawan na binanggit niya sa Roma 6:6.
Ganito iyon. Noon kasing unang panahon sa Roma, ang mga Romano ay maraming naimbentong
paraan ng pagpaparusa sa mga kriminal. Isa na riyan ang pagpapako sa krus. Nariyan din na sinusunog nila
ng buhay ang mga nahuhuling Kristiyano. Narito ang isa pa: kung halimbawa at mapatunayan na ikaw ay
may napatay nga, ang bangkay ng taong napatay mo ay huhukayin sa libingan. Itatali ito sa likod mo, tapos magkasama kayong ikukulong sa dungeon, isang kulungan na napakadilim at nasa
ilalim ng lupa hanggang sa ikaw mismo ay mamatay! Ang nakakakilabot na parusang
ito ay tinawag nilang body of death katawan ng kamatayan. Ito ang sinasabi ni
Pablo na kalagayan natin bago namatay si Cristo para sa atin.
Tulad ng malakas at masiglang ihip ng trompeta, matagumpay na sinabi ni
Pablo: Salamat sa Diyos! Sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na ating Panginoon!
Ang sakripisyong ginawa ni Jesus sa krus ay isang buo at kumpletong pagaalay para mapatawad ang ating mga kasalanan. Ito ay minsanan lamang at

18

di na dapat ulitin, pagkat sapat na ang ginawa ni Jesus para tubusin tayo, iligtas, at mabigyan ng bagong
buhay. Ang Kanyang kamatayan ay kamatayan din naman ng makasalanang pagkatao ng bawat isa sa atin.
Paano naman natin pakikinabangan ang napakagandang katotohanan na ito? Iisa lang ang sagot: sa
pamamagitan ng pananampalataya (faith)!
6Alam natin na ang dati nating pagkatao ay ipinakong kasama Niya upang mamatay ang makasalanang katawan at nang hindi na tayo maalipin pa ng kasalanan. 7Sapagkat ang namatay na ay
pinalaya mula sa kapangyarihan ng kasalanan. 8Ngunit tayoy naniniwalang mabubuhay tayong kasama ni Cristo kung namatay tayong kasama Niya. 9Alam nating si Cristo na muling binuhay ay hindi
na muling mamamatay. Wala nang kapangyarihan sa Kanya ang kamatayan. 10Ng Siyay mamatay,
namatay Siya nang minsanan para sa kasalanan, at ang buhay Niya ngayoy para sa Diyos. 11Kaya
dapat ninyong ibilang ang inyong sarili na patay na sa kasalanan datapwat buhay naman para sa
Diyos sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus. 12Huwag na ninyong paghariin ang kasalanan sa inyong mga katawang mamamatay upang hindi na kayo maalipin ng masasamang pita nito. 13Huwag
ninyong ipailalim sa kapangyarihan ng kasalanan ang alinmang bahagi ng inyong katawan bilang
kasangkapan ng kasamaan. Sa halip, pasakop kayo sa Diyos bilang mga taong namatay at muling
binuhay at ihandog sa Kanya ang buo ninyong pagkatao bilang kasangkapan ng katuwiran. - Roma
6:6-13

1. Alamin Paano nga ba mapapakinabangan ang katotohanang ito kung hindi natin alam? Mabuti na lang,
itoy inihayag ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng Biblia! Ang katotohanan ang mangingibabaw - namatay
tayong kasama Niya - Si Cristo ay namatay BILANG TAYO! Ang kahayagan na iyan, ang katotohanan na
iyan, ang siyang magpapalaya sa atin!
2. Ibilang Ngayong alam na natin ito, ibilang nga natin ang ating mga
sarili sa mga naligtas, at tanggapin na sapat na ang sakripisyo ni Jesus
bilang kabayaran sa ating mga kasalanan! Ang maganda pa nito, bukod sa kapatawaran ng ating mga pagkakasala, tuluyan na ring inalis
ng pagkamatay ni Jesus sa krus ang ating makalaman na kalikasan!
Paano nga natin ito gagawin?

19

Tulad din ng sakripisyong ginawa ng Kordero ng Diyos: minsanan! Kumbaga, isang beses lang natin
kilanlin at tanggapin ang dulot Niyang kaligtasan, sapat na iyan panghabampanahon!
3. Ihandog Matapos nating malaman at ibilang ang sarili sa mga naligtas, dapat nating ihandog sa Diyos
ang ating buhay.
19

Hindi ba ninyo alam na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo at tinanggap
ninyo mula sa Diyos? Ang inyong katawan ay hindi talagang inyo kundi sa Diyos; 20 binili Niya kayo
sa malaking halaga. Kaya't gamitin ninyo ang inyong katawan upang maparangalan ang Diyos.

Tinatawag ng Panginoon tayo na kanyang mga hinirang para ihandog ang buo nating katauhan sa
Kanya. Ito ay para nga naman hindi na natin muling isangla sa buhay-makasalanan ang bagong buhay na
bigay ng Diyos.
Kailangan nating gawin ito dahil tinatanggal ng paghahandog ng buhay ang mga pansariling hangarin, kagustuhan, kalooban at pagpapasya (self-will). Pang-araw-araw na gawain ang paghahandog ng
sarili sa Diyos. Sabi nga sa Gawa 17:28:
Sapagkat hawak Niya ang ating buhay, pagkilos at pagkatao. Tulad ng sinabi ng ilan sa inyong
mga makata, Tayo ngay mga anak Niya.

Hindi riyan nagtatapos ang Mabuting Balita. Marami pa tayong matutuklasan! Mararanasan natin
ito sa araw-araw na pamumuhay natin gamit ang Biblia bilang gabay.
Ang buhay-Cristiano ay nakabatay sa ginawa ni Cristo sa krus. Hindi lamang Siya namatay para sa
iyo, kundi ikaw man ay namatay kay Cristo at sapat na iyon para sa ikaw ay maligtas at magkamit ng kapatawaran sa iyong mga kasalanan. Sa krus, ang paghusga at kahatulan sa iyong mga kasalanan at ang
kapangyarihan ng kasalanan sa buhay mo ay parehong binasag at pinawalang-bisa ni Cristo. Ang kuwentong ito ay kalahati lamang ng Mabuting Balita.

20

Kaya't ang sinumang nakipag-isa kay Cristo ay isa nang bagong nilalang. Wala na ang dating pagkatao; siya'y bago na. -- 2 Cor. 5:17

Nang tanggapin natin si Cristo, tayo ay naging bagong nilalang bagong


tao, bagong buhay. Kung sino man tayo noon, kung ano man tayo noon,
lahat ng iyan ay wala na, napawi na. Kaya nga sinabi, wala na ang dati. Kaya nga born-again ang tawag
sa atin. Ang dating tayo ay namatay na at tayo ay ipinanganak nang mag-uli.
Patungo Sa Pagiging Kawangis ni Jesus
At ngayong naalis na ang talukbong sa ating mukha, tayong lahat ang nagiging sinag ng kaningningan ng Panginoon. At ang kaningningang iyon na nagmumula sa Panginoon, na siyang Espiritu, ang
bumabago sa ating anyo upang maging lalong maningning, hanggang sa maging mistulang larawan
niya. - 2 Cor. 3:18

Nang tayo ay isilang sa pamilya ng Diyos, muli tayong nilikha ng Diyos para maging kamukha
niya. Muli, dahil noong nilikha Niya si Adan, sa pisikal na aspeto ay kamukha natin ang Diyos. Ngunit
kay Cristo, ang Espiritu ng Diyos ang sumaatin at ating nakakahawig habang lumalago tayo sa buhay-Kristiyano. Gusto ng Panginoon na lumaki o lumago tayo at
lalong maging kahawig ni Jesus.
Lahat naman ng kailangan natin para mangyari iyan ay inilagay na Niya sa
ating katauhan. Ang kailangan na lamang ay magpatuloy tayo. Hindi ito na dapat
pang pilitin - sing-natural ito ng pisikal na paglaki ng isang bata hanggang sa siya
ay makamukha na ng kanyang ama. Tulad ng paglaki ng isang sanggol hanggang
maging ganap na tao, patuloy din tayong makakawangis ng Diyos kung matututo tayong
makinig at sumunod.

21

Posible kaya iyon? At kung posible, paano naman mangyayari? Kung magpapatuloy tayo sa paglago, dahil sa tayo ay mga anak Niya, darating ang araw na
Siya ang makikita ng mundo sa atin. Sa ating buhay, sa ating kilos, sa ating
pananalita. Natural na proseso ito - hindi dinaraan sa pansariling kakayahan.
Ang kailangan lang nating gawin ay mabuhay araw-araw sa piling ng Diyos.
Magagawa natin ito kung araw-araw tayong nagbabasa ng Kanyang salita, at ipinamumuhay natin ang
Kanyang mga aral. Sa ganitong paraan, ang Diyos nga ang masasalamin sa ating pagkatao.
Mga Kayamanan Nakasilid sa Palayok
Ngunit kaming pinagkalooban ng kayamanang espirituwal na ito ay hamak kung baga sa sisidlan
ay palayok lamang upang ipakilalang ang di malirip na kapangyarihan ay sa Diyos, at hindi sa
amin. - 2 Cor. 4:7

Buong ingat na hinuhubog ng magpapalayok ang bawat paso o palayok na kanyang nililikha.
Ganito rin ang Diyos sa atin. Tayo ay mga palayok sa Kanyang palad. Buong ingat Niyang binabantayan
ang ating buhay.
Ngunit hindi ang katawan nating ito ang mahalaga. Ang nais ng Diyos ay mas bigyang-pansin natin
ang kayamanan na kaloob Niya sa atin. Oo, kayamanan. Hindi ito materyal, hindi pera ni ginto, hindi rin kotse o ari-arian. Mas mahalaga pa kesa
sa lahat ng iyan. Ang kayamanan na pinag-uusapan natin dito ay ang mismong Buhay Niya.
Ang buhay ng Diyos, sa ating buhay? Parang imposible, hindi ba?
Ngunit iyan ang totoo. Tayo nga ay mga sisidlang putik lamang na tulad
ng palayok, ngunit pinili ng Diyos na paglagyan ng kayamanang espiritwal. Nang mamatay ang dati nating pagkatao
sa krus kasama ni Jesus, nabago ang buhay na nasa atin.

22

Hindi na tayo ang nabubuhay kundi si Cristo na. Ganito: katawan natin, pero
buhay ni Cristo. Kumbaga, tayo ang gripo, at si Jesus ang tubig na dumadaloy sa atin at
nagsisilbing buhay natin at ng mga nababahaginan ng Kanyang regalong kaligtasan.
Kaya naman hindi natin kailangang magpakahirap para lumalim ang ating pananampalataya. Hindi ba't mismong buhay na ni Jesus ang sumasaatin?
Kaya magiging natural at madali lamang ang paglaki natin bilang mga espiritwal
na anak ng Diyos.
Ang pag-unlad ng ating katauhan at espiritu hanggang sa maging kamukhang-kamukha tayo ni Jesus ay hindi nadadaan sa pagtanda. Paano'y wala naman sa edad ang pagiging matured. Mayroon diyan na mga bata pa pero malalim na sa pagkakakilala sa Diyos at sa pagkakaunawa sa layunin Niya
sa ating buhay. Mayroon namang tumanda na at lahat ay ni hindi pa alam kung ano ang Mabuting Balita.
Oo, ang paglago at paglalim sa pananampalataya ay hindi depende sa kung anong edad mo na. Ito ay
nag-uugat sa kauhawan o pananabik na mas makilala ang Diyos, ang iyong natatanging Panginoon at Tagapagligtas. Matutugunan iyan ng pagbabasa at pagninilay ng Salita ng Diyos sa araw-araw. Kung gagawin natin
iyan, malinaw nating makikilala kung sino Siya. Mahahayag sa atin ang buhay Niya na ngayon ay sumasaatin
na, at masasalamin siya sa maraming aspeto ng pang-araw-araw nating pamumuhay.
Ang Kapangyarihan ng Pagkabuhay na Mag-uli
Ang pinakapuso ng Mabuting Balita ay ito: namatay si Cristo para sa atin, nalibing para sa atin, at
nabuhay na mag-uli para sa atin. Ito ang katotohanan na hindi mapapawi sa
habang panahon. Mayroon itong malaking epekto sa pang-araw-araw nating
buhay.
Purihin natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Dahil
sa laki ng habag niya sa atin, tayo'y isinilang sa isang panibagong buhay
sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo. Ang bagong
buhay na iyan ang nagbigay sa atin ng malaking pag-asa. - 1 Pedro 1:3

23

Dahil nabuhay na mag-uli si Jesus, ibig sabihin, tagumpay ang krus! Nilagyan nito ng selyo ang sakripisyo ni Jesus sa krus ng Kalbaryo. Isang deklarasyon na
punung-puno ng kapangyarihan: kumpleto at ganap ang ating kaligtasan, salamat
kay Jesus!
Maging ang hungkag na libingan Niya, tila nagsasabing Aprub! Paano'y
walang bangkay na natagpuan doon matapos ang ikatlong araw. Patunay ito na
totoo ang Mabuting Balita at hindi gawa-gawa lamang. Ito ang katibayan na pinawi na ng lubusan ang batik ng kasalanan sa ating katauhan. Tuluyan na ngang
naibaon sa hukay ang luma nating buhay, at ngayon, tayo ay may bagong buhay na sa Espiritu.
At kung hindi muling binuhay si Cristo, kayo'y hindi pa nahahango sa inyong mga kasalanan, at
walang katuturan ang inyong pananampalataya. -- 1 Cor. 15:17

Lubos na Tagumpay
Sa Diyos na makagagawa nang higit kaysa lahat ng maaari nating hilingin at isipin... (Efeso 3:20)

Kailangan natin ng kahayagan ng kapangyarihan ng Diyos na sumasaatin! Mayroon bang kasalanan


na makakatagal sa kapangyarihan ng Muling Pagkabuhay ni Jesus? Siyempre wala! At mayroon bang demonyo o masamang espiritu na kayang makipagbuno at talunin ang kapangyarihan ng Anak ng Diyos na
nabuhay mag-uli? Lalong wala! Kung ang Diyos ay sumasaatin, sino pa ang maaaring
makatalo sa atin? Siyempre wala na.
Kaya't nasa ilalim ng kapangyarihan ni Cristo ang lahat ng paghahari, kapamahalaan,
kapangyarihan, at pamunuan. Higit ang Kanyang pangalan kaysa lahat ng pangalan,
hindi lamang sa panahong ito kundi pati sa darating. -- Efeso 1:21

Tandaan mo: nang mabuhay muli si Jesus at iwanan ang kanyang


libingan, kasama ka Niyang nabuhay mag-uli. Nang Siya ay umakyat sa
langit, kasama ka Niyang pumaroon. At nang maupo Siya sa kanang ka-

24

may ng Diyos Ama, ikaw man ay naupo na kasama Niya. Paano nangyari iyon? Ganito
iyon: ang posisyon ni Cristo ay higit pa sa anumang kapangyarihang mayroon si Satanas.
Ito, kapatid, ang siya ring posisyon mo ngayon kay Cristo.
Dahil sa ating pakikipag-isa kay Cristo-Jesus, tayo'y muling binuhay na kasama Niya at
pinaupong kasama Niya sa kalangitan. -- Efeso 2:6

Iba Na Ang Mas Binibigyang-Pansin


Binuhay kayong muli, kasama ni Cristo, kaya't ang pagsumakitan ninyo ay ang mga bagay na nasa
langit na kinaroroonan ni Cristo na nakaupo sa kanan ng Diyos. -- Colossas 3:1

Kadalasan, kung ano ang inaakala nating mahalaga sa buhay, iyon ang binibigyan natin ng higit na
pansin. Dito nakasentro ang ating isip. Dito natin inuubos ang ating panahon at lakas. Idinisenyo ng
Diyos and Kanyang Salita para gabayan tayo at kilanlin Siya bilang sentro ng ating buhay. Ang Diyos, at
hindi ang ating mga sarili at pansariling kagustuhan, ang siyang dapat na maging giya at pokus ng bawat
isang Kristiyano.
Bakit kaya?
Napag-usapan na natin na si Kristo ay namatay para sa atin. Nabanggit na rin natin na nang mapako Siya at mamatay sa krus, tayo ang dati nating makasalanang pagkatao ay
kasama Niyang napakot namatay roon. At makaraan ang tatlong araw buhat nang
ilibing siya sa kuwebang laan ni Jose ng Arimatea, di ba't bumangon ang Panginoong
Jesus at nabuhay na muli? Ibig sabihin nito ay tinalo niya ang kamatayan. Ibig sabihin nito ay nabawi na Niya ang susi mula sa kaaway at naipaglandas na Niya ang relasyon natin sa Ama. Tagumpay ang Krus!
Mahal ko, nais ng Diyos na malaman mo at matandaan ito: noong nabuhay na mag-uli
si Jesus ay kasama Niya tayong nabuhay na mag-uli. Kung paanong hindi na ang katawang tao
ni Jesus ang binuhay ng Diyos Ama, ganoon ding hindi na simpleng tayo lamang ang nasasa-

25

katawan natin. Bagong buhay ang regalo ng Diyos sa iyo at sa akin, dahil nang buhayin Siyat iakyat ng
Diyos Ama sa langit, kasama tayo roon na naluklok katabi ni Jesus.
Nakakalungkot nga lang at marami pa ring Kristiyano ang hanggang ngayon ay namumuhay ng nakayuko at tinatalo ng mga problemang
panlupa: problema sa pera, sa relasyon, sa pagpapamilya, at marami
pang iba. Dahil dito, muli silang nagtiwala sa mga personal na diskarte
at pansariling kakayahan. Parang nakalimutan na nila na sa malaki at
maliit na sitwasyon man, handa ang Diyos na makinig at tumulong.
Sapagkat ang mga namumuhay ayon sa hilig ng laman ay nahuhumaling sa mga
bagay na ukol sa laman, ngunit ang namumuhay sa patnubay ng Espiritu ay nagsisikap ukol sa mga
bagay na espirituwal. 6 Ang pagkahumaling sa mga bagay ukol sa laman ay magbubulid sa kamatayan, ngunit ang pagsisikap sa mga bagay ukol sa espiritu ay magbubunga ng buhay at kapayapaan. Roma 8:5-6

Ang Panginoon ang pinakasentro, ang ubod, ang lundo ng buhay -Kristiyano. Kapag sa
Kanya nakatutok ang ating pansin, pag sa Kanya umiikot ang ating buhay, napapasaya natin
Siya. Ito ang isa sa mga layunin ng Diyos kung bakit Niya ginustong lumaya tayo sa kasalanan:
upang mamuhay para sa Kanya at kasama Niya.
Nang siya'y mamatay, namatay siya nang minsanan para sa kasalanan, at
ang buhay niya ngayo'y para sa Diyos. -- Roma 6:10

Kung tayo ay patay na sa kasalanan eh ang sentro pa rin ng


lahat ay ang kasalanan. Kaya importante na makita rin natin na bukod sa wala na ang dati nating pagkatao, na patay na ang makasalanan nating katauhan, tayo ay buhay na buhay naman sa Diyos!
Sa sandaling maintindihan natin ito, maiiba ang pokus ng ating buhay: mula sa pagiging bilib sa mga bagay na pansarili (talino, lakas,
salapi at kakayahan), mababago tayo: magiging bilib na
bilib tayo sa Diyos na nabubuhay sa pamamagitan natin.

26

Pag-aalay ng Sarili sa Diyos


Huwag ninyong ipailalim sa kapangyarihan ng kasalanan ang alinmang bahagi
ng inyong katawan bilang kasangkapan ng kasamaan. Sa halip, pasakop kayo
sa Diyos bilang mga taong namatay at muling binuhay at ihandog sa kanya ang
buo ninyong pagkatao bilang kasangkapan ng katuwiran. - Roma 6:13

Binigyan Niya tayo ng kalayaang mamili. Tayo ang bahala kung sa kasalanan natin ihahandog ang ating sarili, o kung iaalay natin ang ating buhay sa
Diyos. Hindi kasi sapat ang maniwala lang tayo na kasama ni Jesus na namatay
sa krus ang luma nating katauhan. Kailangan din na makita natin kung paano na
ang bagong katauhang regalo Niya sa atin ay buhay na buhay naman para sa Diyos. Kailangang itaas natin
sa Kanya ang bagong buhay na ito.
Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa atin, ako'y namamanhik sa
inyo: ialay ninyo ang inyong sarili bilang handog na buhay, banal at kalugud-lugod sa kanya. Ito ang
karapat-dapat na pagsamba ninyo sa Diyos. -- Roma 12:1

Ang buong buhay-Kristiyano ay lumalago patungo sa isang natatanging layunin: ang maging kawangis ni Cristo. Nang pumasok ang kasalanan sa sanlibutan, ang lahat ng Kanyang
nilikha, mas naging malinaw ang kakapusan ng sinuman sa luwalhati ng Diyos. Ngunit
hindi tayo dapat malungkot. Dahil sa ginawa ni Cristong pagsasakripisyo ng buhay Niya
sa krus maligtas lamang tayo, naibalik Niya tayo sa tamang daan. Muli, nabalik tayo sa
sentro ng layunin ng Diyos ito ay para ihayag ang Kanyang kaluwalhatian sa pamamagitan natin.
25

Ako'y naging lingkod nito nang hirangin ako ng Diyos upang ipahayag sa inyo ang kanyang salita.
Hinirang niya ako upang lubusang ihayag sa inyo 26ang hiwaga na mahabang panahong nalihim sa
maraming sali't saling lahi, ngunit ngayo'y inihayag sa kanyang mga anak. 27Inibig ng Diyos na
ihayag sa lahat ng tao ang dakila at kamangha-manghang hiwagang ito. Ito ang hiwaga: sumainyo si Cristo at dahil dito'y nagkaroon kayo ng pag-asang makapiling ng Diyos doon sa
kaluwalhatian. -- Colossas 1:25-27

27

At sinabi niya sa lahat, Kung ibig ninumang sumunod sa akin, limutin


niya ang ukol sa kanyang sarili, pasanin araw-araw ang kanyang krus,
at sumunod sa akin. -- Lucas 9:23

Nais ng Diyos na tayo ay maligtas at mamuhay ng matagumpay at mapayapa sa piling Niya. Bukod
diyan, nilayon Niya na makapamuhay tayo para sa Kanya na namatay sa krus para sa atin. Muli, tandaan
natin: mapasasaya natin ang Panginoon kung tayo ay mamumuhay ng para sa Kanya, sa halip na para sa
ating sarili. Ito ay magagawa natin dahil sa biyaya Niya na siyang nagbibigay-kakayahan sa atin.
Iniimbitahan din tayo ng Diyos na maging kamanggagawa Niya. Wow! Kamanggagawa ng Diyos!
Ang laking karangalan at pribilehiyo nito! Yun lang makamayan o kausapin tayo ng sikat na tao, gaya ng
artista, mayor, o sinumang kilalang pulitiko, naipagmamalaki na natin agad. Ito pa kayang Diyos na mismo
ang pumili sa atin! At hindi lang tagasunod ha kundi kamanggagawa pa!

Ang Mga Tao ng Krus


Bukod sa pagiging daan tungo sa kaligtasan, daan din ng buhay ang krus. Hindi ba, sinabi pa nga
ng Diyos sa Biblia na kung gusto nating maging tagasunod Niya, kunin natin ang ating krus, pasanin ito
araw-araw at sumunod sa kanya? Hindi naman pisikal na pagpapasan ng malaki't mabigat na krus ang ibig
sabihin ng Diyos dito.
Kaya naman bago tayo kumuha ng krus na idadagan natin
sa ating mga balikat, dapat nating maintindihan ng
husto kung ano ba talaga ang krus na sinasabi ng
Panginoon, at kung bakit ba araw-araw dapat itong
pasanin. Basta ang dapat na malinaw sa atin, na

28

hindi ito iyong kahoy na krus, na papasanin natin habang naglalakad sa kalye kung Mahal na
Araw.
Ano nga ba ang krus na tinutukoy ng Diyos? Kung hindi kahoy na krus, ano ito at anu
-ano ang mga bahagi?
Mayroong tatlong bahagi ang krus na tinutukoy ng Diyos, at malaki ang kinalaman
nito sa pamumuhay natin bilang Kristiyano.
Unang Bahagi: Ang Puso ng Krus
Una sa lahat, hindi naman aksidente lang ang krus. Halimbawa, larong basketbol lang
ang lahat. Sa umpisa pa lang, may diskarte na agad si Coach. Magkagitgitan man ang iskor,
may nakahanda siyang pambato sa kalaban na team. Pansinin n'yo: kapag last two minutes na,
hindi natataranta ang mga coach. Ang nangyayari, nagta-time out lang sila at pinupulong ang
mga manlalaro ng koponan.
Halos ganyan din ang krus. Kung tutuusin, hindi na nga tournament ang nangyari sa kalbaryo.
Awarding ceremonies na 'yon, dahil noon napanalunan ni Jesus ang kaligtasan at kapatawaran ng ating
mga kasalanan. Hindi pa nga lang natin naki-claim ang trophy, pero panalo tayo sa laban.
Ang nais ng Diyos na matandaan mo sa kasaysayan ng krus ay ito: ang krus ay hindi
trip lang na naisipang gawin ng Diyos dahil last two minutes na at kailangan na ng sanlibutan ng tagapagligtas. Tulad ni Coach, sa umpisa pa lang, nakaplano na ang lahat.
Nakaplano? Pero paano?
Ganito iyon. Iwan natin ang usapang basketbol at bumalik
tayo sa Biblia. Sa Pahayag 13:8 (Revelation 13:8 sa
Ingles), sinabi na si Jesus ay itinuring ng patay sa
umpisa pa lang na likhain ng Diyos ang mundo:

29

Sasamba sa kanya ang lahat ng nabubuhay sa ibabaw ng lupa, maliban sa mga taong ang pangalan ay nakasulat sa aklat ng buhay, magmula pa nang likhain ang sanlibutan. Ang aklat na ito'y iniingatan ng Korderong
pinatay. - Pahayag 13:8

Malinaw ang sinasabi ng Biblia: ang pangalan ng bawat isang naligtas (dito, ang tinutukoy ay tayo na mga
tumanggap kay Jesus bilang kaisa-isang Tagapagligtas) ay nakasulat sa Aklat ng Buhay na hawak ng Korderong (si Jesus) inari nang patay sa simula pa lang ng likhain ang sanlibutan. Dito pa lang ay makikita
natin na noon pa man ay nakaplano na ang surprise attack ng Diyos Ama kay Satanas: ang pagkamatay ni
Jesus sa krus, na siyang kaligtasan ng lahat ng tao.
Ito ang larawan ng tunay at tapat na pag-ibig: masakit man sa Diyos Ama, buong puso Niyang
inilaan bilang sakripisyo ang Kanyang kaisa-isang Anak na si Jesus. Ito ay upang maligtas tayong lahat at
mabigyang-kapatawaran ang kasalanang minana pa natin kina Adan at Eba. Ito ay dahil nananabik ang
Diyos na makapiling tayo, tayong mga inari Niyang anak.
Iyan ang puso ng Diyos. Pusong punong
-puno ng pag-ibig na mapagtiis, mapagpasensiya at mapagsakripisyo. Parang
puso ng magulang: isusubo na lang,
ibibigay pa sa
anak. Di bale na masaktan, huwag lang mahirapan ang anak. Madalas, pag napapanood natin sa telenovela ang mga ganitong eksena, sinasabi natin na nata-touch
tayo. Heto ang mas makabagbag-damdamin: kapatid, ang pagmamahal ng Diyos sa
iyo at sa akin, higit pa sa pag-ibig na naranasan natin sa ating mga ama't ina! Iyan
ay dahil sa ang puso ng krus ay ang mismong puso ng Diyos Ama.
Ikalawang Bahagi: Ang Gawain ng Krus
Ang ginawa ni Jesus sa krus ay kumpleto at sapat. Kaya nga nasabi niya
bago siya nalagutan ng hininga, It is finished! Sa wakas tapos na! Dahil diyan,
nawalan ng karapatan si Satanas na husgahan tayo. Nawalan din ng kapangyarihan

30

sa ating buhay ang kasalanan. Pati nga ang factory o ugat na pinagmumulan
ng pagkakasala ang dati nating pagkatao ay tuluyan na Niyang inalis.
Sadyang para sa atin kaya tinanggap ni Jesu-Cristo ang kamatayan sa krus.
Siya lamang ang maaaring gumawa nito, at nagawa na nga Niya ng buong
katagumpayan. Wala na tayong maaaring idagdag, bawasin o ayusin, at
lalong wala tayong dapat idagdag, bawasin o ayusin. Perpekto ang ginawa
ni Jesus sa krus, as sapat na iyon upang tayo ay maligtas at magtamo ng kapatawaran.
Ikatlong Bahagi: Ang Landas ng Krus
Ang daan na nilikha ng krus ang siyang gusto ng Panginoon na ating lakaran mula ngayon. Hindi ito
patungong kaparusahan o kamatayan. Hindi tayo ihahatid nito patungo sa krus. Manapa, ito ay mula sa
krus, patungo sa kinabukasan na inihanda ng Diyos para sa atin!
Buhay man ang ating katawang-lupa, ibinibilang naman tayong mga patay na sa kasalanan at masasamang pita ng laman. Dahil diyan, inaanyayahan tayong tulungan naman ang ibang tao sa pamamagitan ng pagbuhat ng kanilang krus. Hindi naman sinasabing magsakripisyo tayo ng buhay para sa iba. Ang
ibig lamang sabihin ng buhatin/pasanin ang krus ng ating kapwa ay ito: ang magkaroon ng ugali at
pananaw na tulad ng kay Cristo.
Ibig sabihin, matuto tayong damhin ang pangangailangan ng ating kapwa. Matuto tayong maglingkod ng may ngiti sa labi kahit pagod na. Matuto na humindi sa ating sariling mga kagustuhan, para makita
kung ano man ang kailangan ng ibang tao. Maganda rin kung magdarasal tayo, at/o dikaya'y mag-aayuno (fasting), para idulog sa Diyos ang buhay ng ating kapwa at hilingin
na tagpuin Niya sila.
Ang pagtunton sa landas ng Krus ang tinatawag nating ministry. Ito ang
pakikibahagi sa gawain ng Panginoon. Ito ay pagpapasan ng krus hindi sa
pansarili lamang kundi para sa kapwa. Iisang salita lamang ang dahilan na
siyang magtutulak sa atin na gawin ito. Iyon din ang dahilan kung bakit
pumayag si Jesus na mamatay sa krus tulad ng isang kriminal: PAG-IBIG.

31

21

Nabautismuhan na noon ang lahat ng tao, gayon din si Jesus. Nang siya'y
nananalangin, nabuksan ang langit 22at bumaba sa kanya ang Espiritu Santo sa
anyong kalapati. At isang tinig mula sa langit ang nagsabi, Ikaw ang minamahal kong Anak; lubos kitang kinalulugdan. -- Lucas 3:21-22

Kapag narinig natin ang salitang bautismo, ano ang pumapasok sa isip natin? Kadalasan, ang
mga salitang iniiwasan ng marami sa atin: pag-anib o pagpapalit ng relihiyon. Ang iba naman sa atin,
ang naiisip, binyag. Kung binyag, sa tradisyunal na kulturang nakalakhan nating mga Pilipino, ibig sabihin nito ay :
may seremonyas na magaganap
may pagdiriwang at handaan
napapabilang tayo sa pamilya ng Diyos. Kaya nga ang mga imbitasyon sa binyag na baby, may
nakalagay: Welcome to the Christian World!
Ngayong nakilala na natin ang tanging Panginoon at Tagapagligtas, ano nga ba, para sa mga tulad
natin, ang totoong ibig sabihin ng bautismo?
Makikilala ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo. - Juan 8:32

Sa araling ito, malalaman natin ang katotohanan tungkol sa bautismo at gaya ng nasa Juan 8:32,
magiging malaya tayo sa mga lumang pagpapakahulugan. Halika, tuklasin natin kung saan nga ba nag-ugat
ang salitang bautismo. Nasa Biblia kaya ito?
Kaya, humayo kayo at gawin ninyong alagad ko ang lahat ng bansa. Bautismuhan ninyo sila sa
ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. - Mateo 28:19

Aah. Ang Diyos pala mismo ang nagsabi: Bautismuhan ninyo sila... Nasa Biblia nga!
Para saan daw? Para gawing tagasunod Niya ang lahat ng tao. Pero paano?

32

Ang Ingles ng salitang bautismo ay baptize. Mula naman ito sa salitang Griyego
(baptidzo) na ang ibig sabihin ay ilubog sa tubig. Sa sandaling maniwala ang isang tao
kay Jesus bilang Panginoon at Tagapagligtas, siya ay inilulubog sa tubig. Kakaiba, 'di ba?
Bakit naman iuutos ng Diyos na gawin natin ang kakaibang bagay na ito?

Ang Ilog Jordan ngayon.

Bago pa iniutos ng Diyos na gawin natin ito, mismong ang Anak ng Diyos ay nagpabautismo:
6

Si Jesu-Cristo ang naparito sa sanlibutan, binautismuhan sa tubig, at nagbubo ng Kanyang dugo sa kanyang kamatayan hindi lamang binautismuhan sa tubig, kundi nagbubo
pa ng kanyang dugo. Ang Espiritu ang nagpapatotoo tungkol dito, sapagkat ang Espiritu ay katotohanan. 7Tatlo ang nagpapatotoo: 8ang Espiritu, ang tubig, at ang dugo; at nagkakaisa ang tatlong ito. - 1 Juan 5:6-8

Paano binautismuhan si Jesus? Sino ang nagbautismo sa kanya at saan? Lumusong (o lumubog)
Siya sa Ilog Jordan; si Juan Bautista ang nagbautismo sa Kanya; naganap ito sa tubig:
9

Hindi nagluwat, dumating si Jesus mula sa Nazaret, Galilea, at siya'y binautismuhan ni Juan sa Ilog
Jordan. 10Pagkaahung-pagkaahon ni Jesus sa tubig ay nakita niyang nabuksan ang kalangitan, at
bumababa sa kanya ang Espiritu na gaya ng isang kalapati. 11At isang tinig ang nagmula sa langit:
Ikaw ang minamahal kong Anak; lubos kitang kinalulugdan. -- Marcos 1:9-11

May iba pa bang sinasabi ang Biblia tungkol dito? Mayroon:


Nalugod ang Diyos Ama sa pusong masunurin ni Jesus. Pero ito lang ba ang tanging dahilan ang
pasayahin ang Diyos Ama? Tiyak naman na dati pang nalulugod ang Diyos Ama kay Jesus Anak Niya ito,
hindi ba? Kaya bakit kinailangan pang magpabautismo ni Jesus?
13

Si Jesus ay dumating naman sa Jordan mula sa Galilea at lumapit kay Juan


upang pabautismo. 14Sinansala siya ni Juan na ang wika, Ako po ang kailangang
bautismuhan ninyo, at kayo pa ang lumalapit sa akin! 15Ngunit tinugon siya ni
Jesus, Hayaan mo itong mangyari ngayon, sapagkat ito ang nararapat nating gawin upang matupad ang kalooban ng Diyos. At pumayag si Juan.
16
Nang mabautismuhan si Jesus, umahon siya sa tubig. Nabuksan ang langit
at nakita niya ang Espiritu ng Diyos, bumababa sa kanya, gaya ng isang
kalapati. 17At isang tinig mula sa langit ang nagsabi, Ito ang minamahal
kong Anak na lubos kong kinalulugdan! Mateo 3:13-17

33

May dalawang dahilan pala kaya nagpabautismo si Jesus: (1) ito ang nararapat gawin, at
(2) upang matupad ang kalooban ng Diyos (v. 15). Dahil diyan, nalugod Niya ang puso ng
Diyos Ama sa ibinigay Niyang halimbawa. Isa pa, nang gawin ni Jesus ito, nabigyan Niya
tayo ng isang magandang halimbawa:
Ang pagtitiis ng hirap ay bahagi ng pagkahirang sa inyo ng Diyos; sapagkat nang si Cristo
ay magtiis para sa inyo, binigyan niya kayong halimbawang dapat tularan. 1 Peter3:21

Ang Pagbabautismo ay Larawan


Bakit mahalagang maintindihan natin ng lubos ang ibig sabihin ng bautismo? Ito ang
susi sa isang matagumpay na buhay -Kristiyano. Ang mismong paglubog natin sa tubig at pag ahon mula rito ay matingkad na larawan na nagpapakita kung ano ang nangyari sa buhay ng
isang mananampalataya. Sa pagbabautismo, muli nating nasasaksihan ang apat na yugto ng
ginawang pagliligtas sa atin ni Jesus:
...ang dati nating pagkatao ay ipinakong kasama Niya...ang namatay ay pinalaya... - Roma 6:6-7
...tayo'y namatay at nalibing na kasama niya... - Roma 6:4
...tayo'y namatay at nalibing na kasama niya sa pamamagitan ng bautismo... nakaisa tayo ni Cristo sa isang kamatayang katulad ng kanyang kamatayan...- Roma 6: 4-5

...Dahil sa ating pakikipag-isa kay Cristo Jesus, tayo'y muling binuhay na kasama

niya at pinaupong kasama niya sa kalangitan. - Efeso 2:6

Ang pagbabautismo sa tubig ay isang malaking pagdiriwang sapagkat ito ay:


...ang ating libing! Aba, dapat bang magdiwang sa isang libing? Sa kasong
ito, oo: hindi naman mismong katawan natin ang patay kundi ang dati nating
pagkatao na alipin ng kasalanan. At matapos itong ilibing, tuluyan na tayong
makakapagbagong-buhay!
Kapag nagpabautismo tayo, hindi ibig sabihin nito ay mayroon tayong kailangang patayin para may mailibing. Hindi ba't gina-

34

gawa lamang ang paglilibing sa taong patay na? Ngayon, dahil nga kasama
ni Cristo na namatay sa krus ang dati nating buhay, oras na para ilibing
natin ito. At ang pagpapabautismo ang paglilibing na iyan.

...ang ating pagkabuhay na mag-uli!


10
Nang siya'y mamatay, namatay siya nang minsanan para sa kasalanan, at ang
buhay niya ngayo'y para sa Diyos. 11Kaya dapat ninyong ibilang ang inyong sarili na
patay na sa kasalanan datapwat buhay naman para sa Diyos sa inyong pakikipag-isa
kay Cristo Jesus. - Roma 6:10-11

...tayo ay tinuli! - Ha? Lalaki lang ang tinutuli, hindi ba? Kaya hindi ibig sabi-

hin nito ay pisikal na pagtutuli, na may hihiwaing kapirasong bahagi ng ating katawan at pagkatapos
ay magsasalawal ng maluwag. :)
11

Dahil sa pakikipag-isa kay Cristo, kayo'y tinuli hindi sa laman kundi sa pagwawaksi ng masamang
hilig ng laman. Ito ang pagtutuling mula kay Cristo. 12 Nang kayo'y bautismuhan, nalibing kayong
kasama ni Cristo at muling nabuhay na kasama niya dahil sa inyong pananalig sa kapangyarihan ng
Diyos na muling bumuhay sa Kanya. Colossas 2:11-12

Kapag may tinutuli, may inaalis ang doktor na kapirasong parte ng katawan na hindi naman kapakipakinabang, bagkus ay siya pang pinagkakaipunan ng dumi. Ganito rin ang ginagawa ng Espiritu Santo
sa atin, ngunit sa espiritwal na paraan. Inaalis ang dati nating pagkatao, inihihiwalay sa atin ang marumi
nating nakaraan. Pansinin ang karaniwang tukso sa mga bagong tuli:
binyagan!
...kinunan tayo ng picture! - Paano naman naging simpleng
picture-taking lang bautismo? Ganito. Hindi ba kapag nagpapakuha
tayo ng larawan, may iba-iba tayong posisyon? Minsan, sa tabi, sa
likod, sa harap at kadalasan, masaya tayo.
Ito ang diwa ng bautismo:
sa tabi ang Espiritu Santo ay nasa tabi natin,
kasama natin. Ang tawag nga sa Kanya, Parakletos.
Ibig sabihin nito ay Siya na naglalakad sa tabi ni

35

sa likod hindi ba tuwing graduation o kasal halimbawa, mapapansin na ang mga magulang
ay buong pagmamalaking naka-pose sa likod ng anak? Ganito ang Diyos Ama sa sandaling
bautismuhan tayo. Proud parent Siya...ipinagmamalaki Niya tayo:
11

At isang tinig ang nagmula sa langit: Ikaw ang minamahal kong Anak; lubos kitang kinalulugdan.
- Marcos 1:11
21

Nabautismuhan na noon ang lahat ng tao, gayon din si Jesus. Nang siyay nananalangin, nabuksan ang
langit 22at bumaba sa kanya ang Espiritu Santo sa anyong kalapati. At isang tinig mula sa langit ang
nagsabi, Ikaw ang minamahal kong Anak; lubos kitang kinalulugdan. - Lucas 3:21-22

17

At isang tinig mula sa langit ang nagsabi, Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan!
- Mateo 3:13-17

sa harap sa okasyon ng binyag, kahit baby pa lang, kahit na mahirap ang magulang ay sinisikap nila na masuotan ng bagong damit ang sanggol na ihahandog sa Diyos. Walang mintis na
pagdating ng kuhanan ng larawan,
lagi ay nasa pinakaharap, buong
pagmamalaking iginigitna pa, ang
baby. Ganito rin tayo. Bilang mga
bagong mananampalataya, maituturing na baby pa ang ating
espiritu. Sa sandaling tayo ay magpabautismo, tayo ay sinusuotan din
ng bagong damit. Ang bagong
damit na ito ay si Jesus! At tulad
ng baby na bagong binyag, nasa
unahan din tayo't sa pinakagitna pa
ng larawan dahil sa isinuot na
natin ang bagong
damit (tayo'y nagbagong buhay na).

36

...yamang hinubad na ninyo ang dating pagkatao pati ng mga gawa nito 10at nagbihis
na ng bagong pagkatao. Patuloy itong nababago ayon sa larawan ng Diyos na lumikha
sa inyo, upang maging ganap ang inyong kaalaman tungkol sa Kanya. - Colosas 3:9-10

Pagtanggap ng Diyos sa akin bilang anak Niya! Sa sandaling tayo'y bautismuhan,


para na rin nating nakita ang Diyos Ama na sumulat ng ganito sa ating espiritwal na birth certificate: Pangalan ng Ama: Diyos. Buong ligaya Niyang gagawin iyan, dahil ang sandali ng pagbabautismo ang senyales na tayo ay tuluyan nang napabilang sa pamilya ng Diyos.
Pagpapatunay ko sa mundo na ako ay bagong tao na! Ang pagpapabautismo ay
iyong patunay sa mundo na tuluyan mo nang tinatalikdan ang dati mong buhay, na ito'y patay na
at nakalibing na.

May dalawang kuwento sa Lumang Tipan ng Biblia na naglalarawan ng kahulugan ng bautismo sa


ating buhay:
1. Ang Exodus
Sa aklat na ito ng Biblia matatagpuan ang kuwento ng pagliligtas ng Diyos sa mga Israelita mula sa
nagngangalit na galit ng Paraon. Dito, sinanhi ng Diyos na mahati ang dagat noong malapit nang abutan ng
mga sundalong Ehipsiyo ang mga Israelita. Dahil diyan, nagawa nilang tumawid sa dagat na ni hindi nababasa man lang ang kanilang mga paa.
1

Ibig kong malaman ninyo, mga kapatid, ang


nangyari sa ating mga ninuno na sumunod kay
Moises. Silang lahat ay naliliman ng ulap sa
kanilang paglalakbay, at tumawid sa Dagat ng
Pula. 2Sa gayon, nabautismuhan silang lahat sa
ulap at sa dagat bilang tagasunod ni Moises....
11
Nangyari ito sa kanila bilang babala sa
iba, at nasulat upang turuan tayong mga
inabot ng huling panahon.
- 1 Corinto 10:1-2, 11

37

2. Ang Malaking Baha


Naaalala mo pa ba ang kuwento ni Noe? Masaya pa nga ang kantang pambatang
tungkol dito:
Si Noe ay gumawa ng arko,
Si Noe ay gumawa ng arko,
Si Noe ay gumawa ng arko,
Tinulungan siya ng Diyos

Bumuhos ang ulan, bumaha


Bumuhos ang ulan, bumaha
Bumuhos ang ulan, bumaha
ang arko'y lumutang-lutang...

Bahagi lamang iyan ng isang lumang kantang pambata. Ang buong kuwento ay
mababasa natin sa Genesis 6:13-22. Sa pamamagitan ng napakalaking baha na nagpalubog sa mundo, nilinis ng Diyos ang mundo na noon ay papalaot na sa kasamaan. Nang bumaba ang tubig, muling nagumpisa ang lahi ng tao. Nabigyan ang tao ng panibagong pagkakataon na talikdan na ang luma at makasalanang uri ng pamumuhay at magsimula muli.
20

Iyan ang mga espiritung ayaw sumunod nang sila'y matiyagang hinihintay ng Diyos noong panahon
ni Noe, samantalang ginagawa nito ang daong (arko). Sa tulong ng daong na ito'y iilang tao
wawalo ang nakaligtas sa baha. 21 Ang tubig ay larawan ng bautismong nagliligtas ngayon sa inyo.
Ang bautismo ay hindi paglilinis ng dumi ng katawan kundi isang pangako sa diyos buhat sa isang
malinis na budhi. Inililigtas kayo ng bautismo sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni JesuCristo, 22 na umakyat sa langit at ngayo'y nakaluklok sa kanan ng Diyos. Naghahari siya roon sa mga
anghel at sa mga kapangyarihan at lakas na panlangit. - 1 Pedro 3:20-22

Ganito rin ang pagbabautismo sa tubig. Huhugasan at lilinisin nito ang ating pagkatao, sasanhiin
na malibing na ang katawan na nagdudulot ng kamatayan, at mabubuksan sa atin ang pagkakataong makapiling ng Diyos. Mananauli
ang relasyon natin sa Kanya na hindi na kinakailangan pa ng matinding delubyo baha, lindol, o pisikal na kamatayan.
14

Huwag nawang mangyari sa akin ang gayon. Ang krus


lamang ng ating Panginoong Jesu-Cristo ang siya kong ipinagmamapuri. Sapagkat sa pamamagitan ng kanyang krus,
ang sanlibuta'y patay na para sa akin at ako'y patay na para
sa sanlibutan.-- Galacia 6:14

38

Ang Guhit na Naghahati


Iniligtas niya tayo sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat sa kaharian ng
kanyang minamahal na Anak. - Colossas 1:13

Lahat tayo, ma-lalaki man o mapa-babae, ay isinilang sa mundong


balot ng dilim at nakapailalim sa isang sumpa: ang kasalanan na minana pa
natin kina Adan at Eba. Dahil diyan, masasabing dati tayong mga alagad ng kadiliman.
Tinatanggap natin ang patotoo ng tao, ngunit lalong matibay ang patotoo ng Diyos, at iyon ang patotoo ng Diyos tungkol sa Kanyang Anak. - (1 Juan 5:19)

Walang ibang daan palabas sa kadiliman, walang ibang paraan upang makalaya sa pagkakahawak
sa atin ni Satanas, maliban sa kamatayan. Hindi ibig sabihin nito ay pisikal tayong mamatay. Kailangan
lang na mamatay tayo sa mga pansarili nating kagustuhan o makasalanang pamumuhay. Ibig sabihin ng
mamatay, gaya na mga nauna na nating pag-aaral, ay ang tuluyang pagtalikod sa masasamang pagnanasa at sa paggawa ng kasalanan.
Wala ring ibang daan patungo sa kaharian ng Diyos maliban sa tayo ay muling ipanganak sa
espiritu, sapagkat tanging ang ipinanganak lamang sa Espiritu ng Diyos ang makapapasok sa Kanyang
tahanan.
Sumagot si Jesus, Sinasabi ko sa inyo: maliban na ipanganak na muli ang isang tao, hindi siya
paghaharian ng Diyos. 4Paano pong maipanganganak na muli ang isang tao kung matanda na
siya? Makapapasok ba siya sa tiyan ng kanyang ina para ipanganak uli? tanong ni
Nicodemo. 5Sinasabi ko sa inyo, ani Jesus, maliban na ang taoy ipanganak sa tubig
at sa Espiritu, hindi siya paghaharian ng Diyos. 6Ang ipinanganak sa laman ay laman,
at ang ipinanganak sa Espiritu ay espiritu. - Juan 3:3-6

Sa Kanyang pagkamatay sa krus ng Kalbaryo at sa pagkabuhay Niyang muli,


si Jesus ang gumanap sa ating kamatayan at muling pagsilang. Ito ngayon
ang idinideklara nating sa sandaling tayo ay magpabautismo!

39

Sapagkat kung papaanong mamamatay ang lahat dahil sa kanilang


kaugnayan kay Adan, gayon din naman, mabubuhay ang lahat dahil
sa kanilang kaugnayan kay Cristo. - 1 Corinto 15:22
Ang kasalana'y pumasok sa sanlibutan sa pamamagitan ng isang tao,
at ang kamatayan sa pamamagitan ng kasalanan niya. Dahil dito,
lumaganap ang kamatayan sa lahat ng tao sapagkat ang lahat ay
nagkasala. - Roma 5:12

Sa mata ng Diyos, mayroon lang dalawang uri ng tao. Ang mga isinilang kay Adan at iyong mga
na kay Cristo.
Kay Adan....
Walang ibang kumakatawan sa tao sa Hardin ng Eden kundi siya. Siya ang kauna-unahang tao sa
daigdig. Masasabi natin na talagang siya ay ninuno natin. Dahil sa kanya, nakapasok ang kasalanan, kamatayan at kahatulan sa mundo ng tao. Apektado nito ang lahat ng taong isinilang mula sa kanya.
Sa pamamagitan ng isang tao si Adan naghari ang kamatayan dahil sa kanyang kasalanan. Ngunit
sa pamamagitan din ng isang tao si Jesu-Cristo higit ang kinamtan ng mga kinahabagan nang sagana at pinawalang-sala: sila'y maghahari sa buhay. Roma 5:17a

Dahil diyan, matatawag na isinilang kay Adan (Adamic) ang bawat taong isinilang sa mundo na
hindi pa tumatanggap kay Jesus.
...at Kay Cristo
Ni hindi sinubukan ng Diyos na tagpian o basta tapalan na lang ang gawak na
nilikha ng pagkakamali nina Adan at Eba. Alam kasi Niya na pansamantala lamang
ang ganitong solusyon. Sa halip, tinuldukan Niya ng tuluyan ang makasalanang lahi ni
Adan sa krus, at nagpasimula ng isang bagong lahi kay Jesu-Cristo. Tulad ni Adan, si
Jesus man ay kinatawan din ang lahi ng tao sa buong panahon na Siya ay namuhay sa
lupa. Dahil sa Kanya ipinatapw ang lahat ng kasalanan ng mundo at ang kaparusahan

40

para dito, tinawag siyang huling Adan -- ang huling miyembro ng makasalanang lahi.
Ngunit bilang ikalawang lalaki na mismong ang Diyos ang lumikha, Siya rin ang pinagmulan ng bagong lahi ng sangkatauhan. Para makamtan ang kapatawaran sa ating mga kasalanan at sa gayon tayo'y maligtas, ibinuwis Niya ang sariling buhay sa krus. Diyan nagwakas ang lahi ni Adan, at diyan din namatay ng tuluyan ang makasalanang kalikasan na
minana natin sa kanila ni Eba.
16
Kaya ngayon, ang pagtingin namin kaninuman ay hindi na batay sa sukatan ng tao.
Noong una'y gayon ang aming pagkakilala kay Cristo, ngunit ngayo'y hindi na. 17Kaya't ang sinumang
nakipag-isa kay Cristo ay isa nang bagong nilalang. Wala na ang dating pagkatao; siya'y bago na.
- 2 Corinto 5:16-17

Si Cristo, ang Ikalawang Tao na Nilikha ng Diyos


Ipinadala ng Diyos Ama sa lupa si Jesus bilang bagong Tao. Nang talunin
niya ang kamatayan tatlong araw matapos siyang ilibing, bumangon siya hindi bilang Huling Adan kundi
bilang Ikalawang Tao na Nilikha ng Diyos.
Paanong ikalawang lalaki lamang si Jesus, gayong napakarami nang salinlahi ang naipanganak buhat kay Adan? Ganito:
Si Adan ay nilikha ng mismong kamay ng Diyos mula sa alabok, at binigyan Niya ng hininga kaya
nabuhay. Ang katawang tao naman ni Jesus ay binuo ng mismong Diyos Espiritu Santo sa sinapupunan ng
birheng si Maria. Walang ibang lalaki sa kasaysayan ng mundo ang mismong kamay ng Diyos ang lumikha
maliban sa kanilang dalawa.
Ganito ang sinasabi sa Kasulatan: Ang unang tao, si Adan, ay nilikhang binigyan
ng buhay; ang huling Adan ay Espiritung nagbibigay-buhay. 46Ngunit hindi nauna
ang panlangit; ang panlupa muna bago ang panlangit. 47Ang unang Adan ay mula
sa lupa, sapagkat nilikha sa alabok; mula sa langit ang pangalawang Adan.
48
ang mga katawang panlupa ay tulad ng nagmula sa lupa; ang mga katawang panlangit ay tulad ng nagmula sa langit. 49Kung paanong tayo'y katulad ng taong nagmula sa lupa, darating ang araw na matutulad din tayo sa
nanggaling sa langit. -- 1 Corinto 15:45-49

41

Mga Bagong Nilalang


Kaya sinumang nakipag-isa kay Cristo ay isa nang bagong nilalang. Wala na ang dating pagkatao;
siya'y bago na. -- 2 Corinto 5:17
Sapagkat kung paanong mamamatay ang lahat dahil sa kanilang kaugnayan kay Adan, gayon din
naman, mabubuhay ang lahat dahil sa kanilang kaugnayan kay Cristo. - 1 Corinto 15:22

Ngayon, sa sandali ng pagbabautismo, buong siglang idinideklara natin sa lahat ng nakakakita na


hindi na tayo kasama sa lahi ni Adan, ang lahing isinumpa. Bagkus, tayo ngayon ay bahagi na ng isang
bagong salinlahi ang lahing mula kay Jesus.
11

Dahil sa pakikipag-isa kay Cristo, kayo'y tinuli hindi sa laman kundi sa pagwawaksi ng masamang hilig ng laman. Ito ang pagtutuling mula kay Cristo. 12 Nang kayo'y bautismuhan,
nalibing kayong kasama ni Cristo at muling nabuhay na kasama niya dahil sa inyong pananalig
sa kapangyarihan ng Diyos na muling bumuhay sa Kanya. Kayong mga Hentil na dating patay
dahil sa kasalanan ay muling binuhay ng Diyos na kasama ni Cristo. Pinatawad niya tayo sa
ating mga kasalanan... -- Colosas 2:11-12

42

32Ito ang patotoo ni Juan, Nakita ko ang Espiritung bumababa buhat sa langit,
gaya ng isang kalapati, at nanatili sa Kanya. 32Hindi ko rin Siya lubos na nakikilala noon, ngunit ang nagsugo sa akin upang magbautismo sa tubig ang nagsabi
sa akin, Makikita mo ang Espiritu na bababa at mananatili sa isang tao Siya
ang magbabautismo sa pamamagitan ng Espiritu Santo. 34Nakita ko ito, at pinatototohanan kong siya ang Anak ng Diyos. - Juan 1:32-34

Nang bumalik si Jesus sa Ama, hindi Niya tayo iniwan na mga ulilang espiritwal sa mundong ito.
Tulad ng nabanggit sa Efeso 1:
13

Kayo may naging bayan ng Diyos nang kayoy manalig sa kanya matapos ninyong marinig ang
salita ng katotohanan ang Mabuting Balita na nagdudulot ng kaligtasan. Kayat ipinagkaloob
sa inyo ang Espiritu Santong ipinangako ng Diyos bilang tatak ng pagkahirang sa inyo. 14Ang
Espiritu ang katibayan ng mga pangako ng Diyos sa ating mga hinirang hanggang kamtan natin
ang lubos na kaligtasan. Purihin natin ang kanyang kadakilaan! - Efeso 1:13-14

Ayon naman sa Juan 14:15-16, kung totoong iniibig natin si Jesus, tutuparin natin ang Kanyang
mga ipinag-uutos. Tatawag tayo sa Diyos Ama at bibigyan naman Niya tayo ng isa pang Patnubay na
magiging kasama natin magpakailanman. Sino itong Patnubay na ito?
17

Itoy ang Espiritu ng katotohanan, na hindi matanggap ng sanlibutan sapagkat hindi siya
nakikita ni nakikilala ng sanlibutan. Ngunit nakikilala ninyo siya, sapagkat siyay sumasainyo at
nananahan (mananahan) sa inyo. 18Hindi ko kayo iiwang nangungulila - Juan 14:17-18

Ang Espiritu Santo ay Diyos


Una sa lahat, dapat nating kilanlin ang katotohanan na ang Espiritu Santo ay Diyos na
tunay.

43

3Kayat sinabi ni Pedro, Ananias, anot napadaig ka kay Satanas, at nagsinungaling sa


Espiritu Santo? Bakit mo binawasan ang pinagbilhan ng lupa? 4Nang hindi pa naipagbibili
ang lupa, hindi ba sa iyo iyon? At nang maipagbili na, hindi ba iyo ang pinagbilhan? Bakit mo
pa naisipang gawin iyon? Hindi ka sa tao nagsinungaling sa Diyos ka nagsinungaling!
- Gawa 5:3-4
Ang Panginoong binabanggit dito ay ang Espiritu, at kung saan naroon ang Espiritu
ng Panginoon, naroroon din ang kalayaan. - 2 Corinto 3:17

Pinili ng Panginoon na ipakilala ang Kanyang Sarili sa mundo bilang Diyos na may tatlong persona:
Diyos Ama, Diyos Anak, at ang Diyos Espiritu Santo. Tatlong persona, ngunit iisang Diyos lamang.
19

Kaya, humayo kayo at gawin ninyong alagad ko ang lahat ng bansa. Bautismuhan ninyo sila sa
ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Mateo 28:19

Kahit na malinaw ang kaibahan ng Banal na Espiritu sa Ama at sa Anak, Siya man ay Diyos din.
Pansinin natin ang winika ni Pedro sa Gawa 5:3-4: Ananias, anot napadaig ka kay Satanas, at nagsinungaling sa Espiritu Santo.. Hindi ka sa tao nagsinungaling sa Diyos ka nagsinungaling! Ang tatlong persona ng Diyos ay aktibong bahagi ng ating kaligtasan.
Ang Regalo ng Banal na Espiritu
Ang Espiritu Santo ay parang regalong ibinibigay ng Diyos Ama sa bawat mananampalataya:
38

Sumagot si Pedro, Pagsisihan ninyo't talikdan ang inyong mga kasalanan at


magpabautismo kayo sa pangalan ni Jesu-Cristo upang kayo'y patawarin; at ipagkakaloob sa inyo ang Espiritu Santo. 39Sapagkat ang pangako'y para sa inyo at sa
inyong mga anak, at sa lahat ng nasa malayo sa bawat tatawagin ng Panginoong
Diyos. -- Gawa 2:38, 39

Sa sandaling manalig ang isang tao kay Jesus at tanggapin


ang kaligtasan na Kanyang iniaalok, bumababa ang Banal na Espiritu
at namamahay sa puso ng mananampalataya. Dito natin nararanasan ang kapangyarihan ng buhay-espiritwal na mula sa Diyos.

44

37

Sa huli at pinakatanging araw ng pista, tumayo si Jesus at malakas na


sinabi: Ang nauuhaw ay lumapit sa akin at uminom. 38Ayon sa sinasabi ng
Kasulatan, 'Mula sa puso ng nananalig sa akin ay dadaloy ang tubig na nagbibigay-buhay.' 39(Tinutukoy niya ang Espiritung tatanggapin ng mga
nananalig sa kanya. Nang panahong iyon ay hindi pa naipagkakaloob ang
Espiritu Santo, sapagkat hindi pa nagaganap ang pagkamatay at muling
pagkabuhay ni Jesus.) Juan 7:37-39

ANO

ANG

GINAGAWA

NG

ESPIRITU SANTO?

A. Sa Personal na Pamumuhay ng Mananampalataya


Ang Espiritu Santo ay nananahan sa ating puso at ipinararanas sa atin ang mga sumusunod:
...Siya ang nagbibigay-daan upang makalapit tayo sa Ama.
Dahil kay Cristo, tayoy kapwa makalalapit sa Ama sa pamamagitan ng Espiritu. Efeso 2:18

...Binibigyan tayo ng pagkakataon na muling maisilang.


3

Sumagot si Jesus, Sinasabi ko sa inyo: maliban na ipanganak na muli ang isang


tao, hindi siya paghaharian ng Diyos... 6Ang ipinanganak sa laman ay laman, at ang
ipinanganak sa Espiritu ay espiritu. Juan 3:3-6

...Pinapapag-isa Niya tayo sa Panginoon sa Espiritu.


Ngunit ang nakikipag-isa sa Panginoon ay kaisa niya sa Espiritu. 1 Corinto 6:17

...Binibigyan Niya tayo ng karunungan (knowledge) at kapahayagan (revelation).


At hinihiling sa Diyos ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang dakilang Ama, na pagkalooban Niya
kayo ng espiritu ng karunungan at ng tunay na pagkakilala sa Kanya. Efeso 1:17
...Pinatutunayan niya ang ating relasyon sa Diyos.
Ang Espiritu nga ang nagpapatotoo, kasama ng ating espiritu, na tayo'y mga
anak ng Diyos. Roma 8:16

Ang sumusunod sa mga utos ng Diyos ay nananatili sa Diyos, at


nananatili naman sa kanya ang Diyos. At sa pamamagitan ng
Espiritung ipinagkaloob niya sa atin ay nalalaman nating
nananatili siya sa atin. 1 Juan 3:24

45

...Tinuturuan Niya tayo.


Ngunit ang Patnubay, ang Espiritu Santo na susuguin ng Ama sa pangalan ko, ang
siyang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay at magpapaalaala ng lahat ng sinabi
ko sa inyo. Juan 14:26

...Ginagabayan Niya tayo.


At lahat ng pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos ay mga anak ng Diyos.
Roma 8:14

...Tinutulungan Niya tayong manalangin.


Gayon din naman, tinutulungan tayo ng Espiritu sa ating kahinaan. Hindi
tayo marunong manalangin nang wasto, kaya't ang Espiritu ang lumuluhog para sa
atin, sa paraang di magagawa ng pananalita. Roma 8:26

...Binibigyan Niya ng buhay (resurrection life) ang ating mga katawan.


Kung nananahan sa inyo ang Espiritu ng Diyos na siyang muling bumuhay kay JesuCristo, ang Diyos ding iyan ang magbibigay ng buhay sa inyong mga katawang
mamamatay, sa pamamagitan ng kanyang espiritung nananahan sa inyo. Roma 8:11
18

Naway liwanagan ng Diyos ang inyong mga isip upang malaman ninyo ang ating
inaasahan sa kanyang pagkatawag sa atin. Itoy ang kaluwalhatiang inilaan niya sa
kanyang mga hinirang, 19at ang walang hanggang kapangyarihan niya sa atin na mga
nananalig sa kanya. Ang kapangyarihan ding iyon 20ang muling bumuhay kay Cristo at
nagluklok sa kanya sa kalangitan, sa kanan ng Diyos. Efeso 1: 18-20

...Dahil sa Kanya, nakakaya natin na mamuhay ng kalugud-lugod sa Diyos at may


kabanalan.
16

Ito ang sinasabi ko sa inyo: ang Espiritu ang gawin ninyong patnubay sa inyong buhay at
huwag ninyong susundin ang pita ng laman.
17

Sapagkat ang mga pita ng laman ay laban sa mga ninanasa ng Espiritu, at ang mga ninanasa ng Espiritu ay laban sa mga pita ng laman. Magkalaban ang dalawang ito, kaya
hindi ninyo magawa ang ibig ninyong gawin. 18Kung kayo'y pinapatnubayan ng Espiritu,
wala na kayo sa ilalim ng Kautusan. 19Hindi maikakaila ang mga gawa ng laman: panga-ngalunya, karima-rimarim na pamumuhay, kahalayan, 20pagsamba sa diyus-diyosan, pangkukulam, pagkapoot, pagkagalit, paninibugho,
kasakiman, pagkakabaha-bahagi, pagkakampi-kampi, 21pagkainggit,
paglalasing, walang taros na pagsasaya, at iba pang tulad nito. Binabalaan ko

46

kayo tulad noong una: hindi tatanggapin sa kaharian ng Diyos ang gumagawa ng
gayong mga bagay. 22Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabaitan, kabutihan, katapatan, 23kahinahunan, at pagpipigil sa
sarili. Walang utos laban sa ganitong mga bagay. 24At pinatay na ng mga nakipagisa kay Cristo Jesus ang likas nilang pagkatao, kasama ang masasamang pita nito.
25
Ang Espiritu ang nagbibigay-buhay sa atin kaya ito rin ang dapat maghari sa ating
mga buhay. Galacia 5:16, 17-25

...Binabago Niya tayo tungo sa pagiging kawangis ni Cristo.

Gaano pa kaya ang paglilingkod ayon sa Espiritu? 9Kung may kaningningan ang
paglilingkod na nagdudulot ng hatol na kamatayan, lalo pang maningning ang paglilingkod na ang dulot
ay pagpapawalang-sala. 10Dahil dito, masasabi natin na ang dating ningning ay wala na sapagkat nahalinhan ng lalo pang maningning. 11Kung may kaningningan ang lumilipas, higit ang kaningningan noong
nananatili magpakailanman.. 18At ngayong naalis na ang talukbong sa ating mukha, tayong lahat ang
nagiging sinag ng kaningningan ng Panginoon. At ang kaningningang iyon na nagmumula sa Panginoon,
na siyang Espiritu, ang bumabago sa ating anyo upang maging lalong maningning, hanggang sa maging
mistulang larawan Niya. 2 Corinto 3:8-11, 18

B. SA MANANAMPALATAYA MISMO NANG SIYAY MAKAPAGLINGKOD


Bukod sa pinabababa ng Diyos ang Banal na Espiritu upang manahan sa bawat mananampalataya, gusto rin ng Diyos na mapuspos tayo at mabautismuhan upang makapaglingkod, maparangalan, at mabigyang-luwalhati ang Kanyang Pangalan sa buong sansinukob.
...Binibigyang-kapangyarihan at tapang ng kalooban ang mananampalataya
upang makapagpatotoo.

Ngunit bibigyan kayo ng kapangyarihan pagbaba sa inyo ng Espiritu Santo, at kayo'y magiging
saksi ko sa Jerusalem, sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa dulo ng daigdig. Gawa 1:8
Pagkatapos nilang manalangin, nayanig ang pinagtitipunan nila. Silang lahat
ay napuspos ng Espiritu Santo at buong tapang na nangaral ng salita ng Diyos.
Gawa 4:31

47

Ang Sermon ni Pedro


14

Tumayo si Pedro at ang labing-isang apostol, at nagsalita nang malakas, Mga kababayan,
at mga naninirahan sa Jerusalem: pakinggan ninyong mabuti ang aking sasabihin: 15Hindi lasing
ang mga taong ito, gaya ng palagay ninyo, sapagkat ikasiyam pa lamang ng umaga. 16Manapa'y
natupad ngayon ang sinabi ni Propeta Joel:
17
'Ito ang gagawin ko sa mga huling araw, sabi ng Diyos,
Pagkakalooban ko ng aking Espiritu ang lahat ng tao,
At sa ngalan ko'y magpapahayag ang inyong mga anak.
At ang inyong mga binata'y makakakita ng mga pangitain,
At ang inyong matatandang lalaki'y magkakaroon ng mga panaginip.
18
Sa mga araw na iyon ay pagkakalooban ko rin ng aking Espiritu
Ang aking mga alipin, maging lalaki at babae,
At sa ngalan ko'y magpapahayag sila.
19
Magpapakita ako ng mga himala sa langit
At mga kababalaghan sa lupa:
Dugo, apoy at makapal na usok.
20
Magdidilim ang araw
At pupulang animo'y dugo ang buwan,
Bago sumapit ang Araw ng Panginoon,
Ang dakila at maningning na Araw.
21
At sinumang tumawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas.'
22

Mga Israelita, pakinggan ninyo ito! Si Jesus na taga-Nazaret ay sinugo ng Diyos. Pinatutunayan ito ng mga himala, mga kababalaghan, at mga tandang ginawa ng Diyos sa pamamagitan
niya. Alam ninyo ito sapagkat lahat ay naganap sa gitna ninyo. 23Ngunit ang taong ito na ibinigay
sa inyo ayon sa pasiya at pagkaalam ng Diyos sa mula't mula pa, ay ipinapako ninyo at ipinapatay sa
mga makasalanan. 24Subalit siya'y muling binuhay ng Diyos at pinalaya sa kapangyarihan ng kamatayan. Hindi ito maaaring mamayani sa kanya, 25gaya ng sinabi ni David:
'Nakita ko na laging nasa tabi ko ang Panginoon,
Siya'y kasama ko kaya't hindi ako matitigatig.
26
Dahil dito, nagalak ang puso ko at umawit sa tuwa ang aking dila,
At ang katawan ko'y nahihimlay na may pag-asa.
27
Sapagkat ang kaluluwa ko'y di mo pababayaan sa daigdig ng mga patay,
At hindi mo itutulot na mabulok ang iyong Banal.
28
Itinuro mo sa akin ang mga landasing patungo sa buhay,
Dahil sa ikaw ang kasama ko, ako'y mapupuspos ng kagalakan.'
29
Mga kapatid, masasabi ko sa inyo nang tiyakan na ang patriyarkang si David ay
namatay at inilibing; naririto ang kanyang libingan hanggang ngayon. 30Siya'y
propeta at nalalaman niya ang pangako sa kanya ng Diyos: na magiging haring tu-

48

lad niya ang isa sa kanyang mga inapo. 31 Ang muling pagkabuhay ng Mesias ang
nakita't hinulaan ni David nang kanyang sabihin:
'Hindi siya pinabayaan sa daigdig ng mga patay;
At hindi itinulot na mabulok ang kanyang katawan.
32
Itong si Jesus ay muling binuhay ng Diyos, at saksi kaming lahat sa bagay na ito. 33 Nang itaas siya sa kanan ng Diyos, tinanggap niya sa kanyang Ama
ang ipinangakong Espiritu Santo at ito'y kanyang ipinagkaloob sa amin, tulad ng
inyong nakikita at naririnig ngayon. 34 Hindi umakyat sa langit si David, ngunit
siya ang nagsabi,
'Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon, maupo ka sa aking kanan
35
hanggang sa lubusan kong mapasuko sa iyo ang mga kaaway mo.'
36
Kaya't dapat malaman ng buong Israel na itong si Jesus na ipinako ninyo sa krus siya
ang ginawa ng Diyos na Panginoon at Cristo!
37
Nabagabag ang kanilang kalooban nang marinig ito, at tinanong nila si Pedro at ang mga
apostol, Mga kapatid, ano ang gagawin namin? 38Sumagot si Pedro, Pagsisihan ninyo't talikdan
ang inyong mga kasalanan at magpabautismo kayo sa pangalan ni Jesu-Cristo upang kayo'y
patawarin; at ipagkakaloob sa inyo ng Espiritu Santo. 39Sapagkat ang pangako'y para sa inyo at sa
inyong mga anak, at sa lahat ng nasa malayo sa bawat tatawagin ng Panginoong Diyos.
40
Marami pa siyang inilahad upang patunayan ang kanyang sinabi, at nanawagan siya sa
kanila, Lumayo kayo sa masamang lahing ito upang kayo'y maligtas. 41Kaya't ang mga naniwala
sa kanyang sinabi ay nagpabautismo; at nadagdag sa kanila ang may 3,000 tao nang araw na
iyon. -- Gawa 2:14-40

...Binubuksan Niya sa atin ang mundong supernatural.


Iba't iba ang kaloob, ngunit iisa lamang ang Espiritung nagkakaloob ng mga ito. - 1 Corinto 12:4
7

Ang bawat isa'y binigyan ng kaloob na naghahayag na sumasakanya ang Espiritu, para sa ikabubuti ng lahat. 8Sa isa'y ipinagkaloob sa pamamagitan ng Espiritu ang kakayahang magpahayag ng mga aral ng Diyos, at sa isa'y ang kakayahang makaunawa ng aral ng Diyos. 9Ang iisang Espiritu ring iyon ang nagkakaloob sa iba ng malaking pananalig
sa Diyos, at sa iba'y ang kapangyarihang magpagaling ng mga maysakit. 10May
pinagkalooban ng kapangyarihang gumawa ng mga kababalaghan; may pinagkalooban naman ng kahusayan sa pagpapahayag ng salita ng Diyos. At may pinagkalooban din ng kakayahang makakilala kung aling kaloob ang mula sa Espiritu at
kung alin ang mula sa masamang espiritu. May pinagkalooban ng kakayahang magsalita sa iba't ibang wika, at sa iba naman, ang magpaliwanag niyon. 11Ngunit isa lamang Espiritu ang gumagawa ng lahat ng ito at namamahagi ng iba't ibang kaloob, ayon sa kanyang maibigan. - 1 Corinto 12:7-11

49

At silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo at nagsalita ng iba't ibang wika,


ayon sa ipinagkaloob sa kanila ng Espiritu. - Gawa 2:4
Naririnig nila ang mga Hentil na nagsasalita sa iba't ibang wika at nagpupuri sa
Diyos. - Gawa 10:46
Ipinatong ni Pablo ang kanyang kamay sa kanila. Bumaba sa kanila ang
Espiritu Santo at sila'y nagsalita ng iba't ibang wika at nagpahayag ng salita
ng Diyos. - Gawa 19:6

...Pinatutunayan Niya na Buhay si Jesus


30

Ang Diyos ng ating mga ninuno ang muling bumuhay kay Jesus na pinatay
ninyo nang inyong ipabitay sa krus. 31Iniakyat siya ng Diyos sa kanyang kanan bilang
Tagapanguna at Tagapagligtas, upang bigyan ng pagkakataon ang mga Israelita na
magsisi't tumalikod sa kanilang mga kasalanan, at sa gayon, sila'y patawarin. 32Saksi
kami sa mga bagay na ito kami at ang Espiritu Santo na ipinagkaloob ng Diyos sa mga
tumatalima sa kanya. - Gawa 5:30-32
31

Pagkatapos nilang manalangin, nayanig ang pinagtitipunan nila. Silang lahat ay


napuspos ng Espiritu Santo at buong tapang na nangaral ng salita ng Diyos. 32Nagkaisa
ang damdami't isipan ng lahat ng sumasampalataya at di itinuring ninuman na sarili
niya ang kanyang mga ari-arian, kundi para sa lahat. Ang mga apostol ay patuloy na
gumagawa ng kababalaghan at nagpapatotoo sa muling pagkabuhay ng Panginoong Jesus.
At ibinuhos ng Diyos ang kanyang pagpapala sa kanilang lahat. Gawa 4:31-33

...Binibigyan Niya tayo ng panibagong pagkaunawa sa Salita ng Diyos.

Ganito ang sinasabi ng Kasulatan, Hindi pa nakikita ng mata, ni naririnig ng


tainga, hindi pa rin sumasagi sa isip ng tao, ang inihanda ng Diyos sa mga umiibig
sa kanya. 10Subalit ito'y inihayag ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng Espiritu.
Nasasaliksik ng Espiritu ang lahat ng bagay, maging ang pinakamalalim na panukala
ng Diyos. - 1 Corinto 2:9-10
Pagdating ng Espiritu ng katotohanan, tutulungan niya kayo upang maunawaan
ninyo ang buong katotohanan. Sapagkat magsasalita siya hindi sa ganang
kanyang sarili; sasabihin niya sa inyo ang kanyang narinig, at ipapahayag ang
mga bagay na darating. - Juan 16:13

50

...Pinupuspos Niya tayo ng Espiritu ng tunay na pagsamba sa Diyos.


18

Huwag kayong maglalasing, sapagkat nakasisira iyan ng maayos na pamumuhay. Sa halip ay sikapin ninyong mapuspos kayo ng Espiritu Santo. 19Samasamang ipahayag ang inyong damdamin sa pamamagitan ng mga salmo, mga
imno at mga awiting espirituwal. Buong puso kayong umawit at magpuri sa
Panginoon. Efeso 5:18-19
Ang Diyos ay Espiritu kaya dapat siyang sambahin sa espiritu at sa katotohanan.
Juan 4:24

...ibinubuhos Niya sa atin ang mga biyayang espiritwal.

12

Ibat iba ang kaloob, ngunit iisa lamang ang Espiritung nagkakaloob ng mga ito. 5Ibat iba
ang paraan ng paglilingkod, ngunit iisa lamang ang Panginoong pinaglilingkuran. 6Ibat iba ang
mga gawain ngunit iisa lamang ang Diyos na sumasalahat ng taong gumagawa ng mga iyon.
7
Ang bawat isay binigyan ng kaloob na naghahayag na sumasakanya ang Espiritu, para sa ikabubuti ng lahat. 8Sa isay ipinagkaloob sa pamamagitan ng Espiritu ang kakayahang magpahayag ng mga aral ng Diyos, at sa isay ang kakayahang makaunawa ng aral ng Diyos. 9Ang iisang
Espiritu ring iyon ang nagkakaloob sa iba ng malaking pananalig sa Diyos, at sa ibay ang kapangyarihang makapagpagaling sa mga maysakit. 10May pinagkalooban ng kapangyarihang gumawa ng mga kababalaghan; may pinagkalooban naman ng kahusayan sa pagpapahayag ng
salita ng Diyos. At may pinagkalooban din ng kakayahang makakilala kung aling kaloob ang
mula sa Espiritu at kung alin ang mula sa masamang espiritu. May pinagkalooban ng kakayahang magsalita sa ibat ibang wika, at sa iba naman, ang magpaliwanag niyon. 11Ngunit isa lamang Espiritu ang gumagawa ng lahat ng ito at namamahagi ng ibat ibang kaloob, ayon sa
kanyang maibigan. 1 Corinto 12:4-10

...Niluluwalhati Niya si Jesus


13

Pagdating ng Espiritu ng katotohanan, tutulungan niya kayo upang maunawaan ninyo ang buong
katotohanan. Sapagkat magsasalita siya hindi sa ganang kanyang sarili; sasabihin niya sa inyo ang
kanyang narinig, at ipapahayag ang mga bagay na darating. 14Pararangalan niya ako, sapagkat sa
akin magmumula ang ipapahayag niya sa inyo. 15Ang lahat ng sa Ama ay akin; kaya ko sinabing sa
akin magmumula ang ipapahayag niya sa inyo. Juan 16:13-15
Ngunit ang Patnubay, ang Espiritu ng Katotohanan, ang paparito mula sa Ama.
Susuguin ko siya sa inyo buhat sa Ama, at siya ang magpapatotoo tungkol sa
akin. Juan 15:26

51

Ang Huling Habilin Ni Jesus


Sa araling ito, magsisimula tayo sa pag-aaral ng mga Huling Salitang iniwan
ni Jesus. Anu-ano nga ba ang mga ito? Hindi ito iyong Seven Last Words o mas kilala
ng matatanda bilang Siete Palabras kung Mahal na Araw. Hindi natin tinutukoy dito
iyong mga huling sinabi Niya bago Siya namatay sa Krus. Ang pinag-uusapan natin ay
ang mga katagang binitiwan Niya bago Siya umakyat sa langit. Nagpaalam Siya sa
Kanyang mga alagad, at noong huli nilang pagpupulong, narito ang sinabi Niya:
46

Sinabi niya sa kanila, Ganito ang nasusulat: kinakailangang magbata ng hirap at


mamatay ang Mesias at muling mabuhay sa ikatlong araw. 47Sa kanyang pangalan, ang pagsisisi at
kapatawaran ng mga kasalanan ay dapat ipangaral sa lahat ng bansa, magmula sa Jerusalem.
48
Kayo ang mga saksi sa mga bagay na ito. 49Tandaan ninyo: susuguin ko sa inyo ang ipinangako ng
aking Ama, kaya't huwag kayong aalis sa lunsod hanggang hindi kayo napagkakalooban ng kapangyarihan mula sa itaas. -- Lucas 24:46-49

Malinaw ang habilin ni Jesus sa atin bilang Kanyang mga alagad: ipangaral natin sa lahat ng mga
bansa (sa lahat ng tao) ang pagsisisi at ang kapatawaran ng mga kasalanan sa Kanyang Pangalan. Sinabi
Niya na dapat humayo ang mga alagad sa lahat ng dako at ipangaral ang Mabuting Balita ng kaligtasan sa
lahat ng nilalang. Matapos iyon, sinabi pa ni Jesus na huwag muna silang humayo, at maghintay muna
sapagkat kailangan nilang matanggap ang kapangyarihan mula sa langit:
...huwag kayong aalis sa lunsod hanggang hindi kayo napagkakalooban ng kapangyarihan mula sa
itaas. -- Lucas 24:49

Sa biglang tingin, parang magkasalungat ang diwa ng gustong ipagawa ni Jesus sa atin. Humayo,
pero maghintay. Go but wait! Paano naman tayong hahayo kung maghihintay pa tayo?
Hindi magkasalungat ang bilinp Niya, dahil ito ang buong diwa ng
Kanyang bilin: Sige, humayo kayo at ipangaral ang Mabuting
Balita. Pero hindi ninyo makakayanan na ipangaral iyan sa
sarili ninyong lakas. Kailangan ninyo ng kapangyarihang mula

52

sa langit. Kapag natanggap na ninyo ito, saka pa lang kayo maaaring humayo at magpalaganap ng tungkol sa regalo Kong kaligtasan.
Sa madaling sabi, dahil hindi natin kakayaning mangaral gamit ang sarili nating
kakayahan at lakas, mayroong nakalaan na kapangyarihan at lakas ang langit para sa
atin. Biyaya itong dapat nating matanggap para buong husay nating matupad ang habilin ng Panginoong Jesus.
Pag-aaralan natin ngayon kung paanong tumanggap ng kapangyarihan mula sa
langit. Ito ang ibig sabihin ng bautismo na mula sa Espiritu Santo. Basahin natin ang aklat ng Gawa 1
(Acts). Ang aklat ng Gawa at ang aklat ng Lucas ay sinulat ni Lucas. Isa siyang doktor at kabilang sa mga
unang alagad ni Jesus. Ang totoo niyan, ang huling kabanata ng aklat ng Lucas ay pagbabalik-tanaw sa
mga huling habilin ni Jesus.
4

At samantalang siya'y kasama-sama pa nila, kanyang tinagubilinan sila: Huwag muna kayong
aalis sa Jerusalem. Hintayin ninyo roon ang ipinangako ng Ama na sinabi ko na sa inyo. 5 Nagbautismo nga sa tubig si Juan, ngunit di na magtatagal at babautismuhan kayo sa Espiritu
Santo. - Gawa 1:4-5

Ang Pangako
Sinabi ni Jesus sa ikaapat na talata: (v. 4) maghintay kayo pagkat may pangako ang Ama. Kapag
nangako ang Diyos, ito ay tinutupad Niya:
Ako nga si Yahweh. Hindi mapapahiya ang sinumang magtiwala sa akin.Isaias 49:23
Ang Diyos ay di sinungaling, tulad ng tao. Ang isipan niyay hindi nagbabago, ang sinabi niya ay
kanyang ginagawa, ang kanyang pangakoy tinutupad niya.Bilang 23:19

Ano ang pangakong tinutukoy ng ..di na magtatagal at babautismuhan kayo sa


Espiritu Santo (Gawa 1:5)?

53

Ang mga salitang bautismo ng Espiritu Santo ay hindi imbento


lamang ng alinmang denominasyong Kristiyano. Ito ay bukas sa lahat at
hindi para sa iilang simbahang born-again lamang. Mahalagang mahayag
sa atin na ang pangako ng Ama ay para sa lahat ng ng inaari Niyang anak
tayong mga Kristiyano.
Ganunpaman, posible na walang tanggaping katuparan ng pangako
ang isang Kristiyano kung hindi siya maghihintay sa katuparan ng pangako
ng Ama. Ano nga ulit ang pangakong pinag -uusapan natin dito? Ang bautismo ng Espiritu Santo. Pansinin mo ang mga apostoles. Lahat sila ay
Kristiyano, pero sinabi ni Jesus sa kanila: Nais Kong tanggapin ninyo ang pangako ng Aking
Ama at ang pangakong iyan ay ang pagbabautismo ng Banal na Espiritu. Ibig sabihin niyan,
Kristiyano na silang lahat, pero hindi pa rin nila natatanggap ang Banal na Espiritu.
Nililinaw ng talatang ito maging ang pananaw ng mga Kristiyanong naguguluhan o nalilito. Sila iyong mga nagsasabi na: Oo, Kristiyano nga ako pero hindi naman ako banal. Tanging mga banal lang ang nakakatanggap ng Holy Spirit. Mali ang paniniwalang ito. Kaya nga
babautismuhan ang isang Kristiyano ay dahil kailangan niya ang Banal na Espiritu, at matatanggap lamang niya ito sa pamamagitan ng bautismo. Ito ang dahilan kaya binitiwan ng Diyos
Ama ang pangako ng bautismo, para lahat ng Kristiyano oo, maging ikaw at ako ay tumanggap ng kapangyarihan at basbas mula sa Diyos sa pamamagitan ng
bautismo ng Espiritu Santo.
Natatandaan mo pa ba ang ibig sabihin ng bautismo? Tulad ng
napag-usapan natin sa nakaraang aralin, ang wikang ito ay hango sa
salitang Griyego na baptidzo. Wala kasing mahanap na angkop na
salitang Ingles na pareho nito ang ibig sabihin, kaya hindi na pinalitan
ang salitang Griyego at direktang isinalin na lang sa Ingles
bilang baptize ang Griyegong baptidzo.

54

Ano Nga Ba Ang Bautismo?


Isipin mo na mayroong isang malaking pitsel na puno ng tubig, at sa
loob nito ay may munting baso. Kung tayo ay Griyego, tiyak na sasabihin natin
na ang maliit na baso ay naka-baptidzo. Ano'ng ibig sabihin nito?
Bago ipinasok sa pitsel ng tubig ang munting baso, wala itong laman.
Ngayon, sa loob ng pitsel na puno ng tubig, ito ay nabalot ng tubig. Puno ang loob ng baso at napapalibutan naman ng tubig ang labas nito.
Ganito ang mangyayari sa sandaling tayo ay bautismuhan sa Banal na Espiritu. Bukod sa mapupuno ang ating puso ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, lulukuban din Niya tayo. Sa sandali ng pagbabautismo, wala tayong ipinagkaiba sa maliit na basong nasa loob ng pitsel na puno ng tubig. Iyan ang ibig
sabihin ng baptidzo. At iyan ang ipinangako sa atin ng Ama sa pamamagitan ni Jesus.
Bibigyan ko kayo ng lakas. Makikita ninyo ito sa sandaling kayo ay mabautismuhan sa
Banal na Espiritu.
Lakas o Dunamis
Ngunit bibigyan kayo ng kapangyarihan pagbaba sa inyo ng Espiritu Santo, at kayo'y
magiging mga saksi ko sa Jerusalem, sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa dulo ng daigdig. -Gawa 1:8

Dito, sinabi niya na tatanggap ng lakas ang mga alagad sa sandaling bumaba sa kanila ang Espiritu
Santo. Ang pagbabang ito ay ang pagbabautismo. Sa New International Version na salin ng Biblia, ang
salitang lakas ay binanggit ni Jesus sa Gawa 1:8 bilang power: But you will receive power when the
Holy Spirit comes on you; and you will be my witnesses... Saan galing ang salitang power? Galing ito
sa dunamis, isang salitang Griyego. Ang dunamis ang ugat ng mga kilalang
salitang Ingles na dynamo at dynamite. Kung napapatakbo ng
lakas na mula sa dynamo ang mga de-kuryenteng kagamitan sa
bahay tulad ng mga bumbilya at bentilador (electric fan), ang

55

dynamite naman ay isang kilalang pampasabog na gamit ng mga


nagmimina. Pansinin natin: lakas at sumasabog. Iyan ang dunamis: pambihirang lakas na nagpapasabog sa mga bagay na humahadlang.
Noong araw, wala naman talagang landas paakyat at pababa ng Baguio City. Malamig ang klima rito at mabango ang simoy ng hangin, amoy-pine tree. Dahil diyan, napili ng mga
Amerikano na gawing bakasyunan tuwing tag-init ang lungsod ng
Baguio. Para maging madali sa kanila ang pagbabalik-balik rito
mulang Maynila na siyang sentro ng pamahalaan, gumawa sila ng
daan: ang kilalang Kennon Road. Pinasabog ang bahagi ng bundok upang maipaglandas at mailatag ang
kalyeng ito.
Ganito katindi ang kapangyarihang mula sa Banal na Espiritu. Lakas na sumasabog. Lakas na nagbibigay ng lakas ng loob upang malagpasan ang mga balakid sa ipinagagawa ng Diyos. Ito ang lakas na tutulong sa atin upang tumatag tayo sa lakad natin bilang mga bagong Kristiyano. Iyan ang pangako ng Ama
na ipinahihintay sa atin ni Jesus. At dahil alam ng diyablo ang uri ng kapangyarihan na kaakibat nito, gagawa at gagawa siya ng paraan para pigilan tayo at hadlangan ang pagtanggap natin sa pangakong ito.
Hindi tayo dapat padaig sa diyablo kailangan natin ang sumasabog na lakas na mula sa Espiritu
Santo upang tumatag tayo at lumago.
Kapag wala tayo nito, matutulad tayo sa mga gasera na aandap-andap; may angkin ngang liwanag
pero papahina naman ng papahina hanggang sa sarili mang daan ay di
na kayang ilawan! Kung sa sarili lang natin ay mahihirapan tayong
maging laging masigla ang liwanag ng ating espiritwal na buhay. Hindi
ito ang nais ng Panginoong Diyos na mangyari sa atin. Mas maganda
kung maliwanag tayong parang fluorescent daylight na de-40!!! At
mapapanatili lang natin na maliwanag ang taglay nating
ilaw kung hihintayin natin ang pagbaba sa atin ng
Espiritu Santo para tanggapin ang pangako ng Ama.

56

Kapangyarihan at Lakas Para Makapagpahayag ng Mabuting Balita


...at kayo'y magiging mga saksi ko .... hanggang sa dulo ng daigdig. -- Gawa 1:8

Palalakasin tayo at pagliliwanagin ng Diyos para matupad ang habilin


ni Jesus: na tayo'y maing mga saksi Niya hanggang sa dulo ng daigdig. Iyan ang
tanging dahilan kung bakit lulukuban tayo ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.
Ang salitang saksi na ginamit dito ay witness naman ang salin sa New International Version ng Biblia.
Alam mo ba na ang witness ay halaw sa Griyegong salita na martus? Dito nanggaling ang salitang Ingles na martyr.
May kilala ba tayong martir?
Halimbawa, si Jose Rizal. O si Ninoy Aquino. Ano ba ang nangyari sa kanila? Hindi ba't
pareho silang handang mamatay alang-alang sa kinikilala nilang katotohanan? Kay Jose Rizal, ang katotohanan na kailangang lumaya ng mga Pilipino sa mapanikil na paghahari ng mga Kastilang mananakop. Ang
kay Ninoy naman, ang katotohanang ipinaglalaban niya ay ang pagbabalik ng demokrasya sa bansa, na
para sa kanya ay naglaho ng pairalin ng dating Pangulong Marcos ang Batas Militar (Martial Law) sa loob ng
halos isang dekada.
Kung bilib kayo sa kanila, mas nakakabilib ang isang Kristiyano. Mayroon siyang pagtatalaga o
anointing mula sa Espiritu Santo. Wala siyang takot kahit kanino. Ito ay dahil alam niyang pag kailangan niya ng espiritwal na lakas at tatag ng loob para maikuwento sa kapwa ang Mabuting Balita, tiyak na
bibigyan siya ng Diyos ng lakas at biyayang supernatural. Maaari ring hindi siya takot mamatay pagkat nais
niyang makatupad sa mga gampaning ipinagagawa ng Diyos.
Iyan ang dahilan kung bakit Nais ng Diyos na mag-umapaw ka sa Espiritu Santo, para
naman buong sigla't lakas mo siyang mapagsilbihan.
Huwag kayong maglalasing, sapagkat nakasisira iyan ng maayos na pamumuhay. Sa halip ay sikapin ninyong mapuspos kayo ng Espiritu Santo. - Efeso 5:18

57

Paano Nga Ba Tanggapin ang Banal Na Espiritu?


Dahil ikaw ay isa na Niyang anak ngayon, nais ng Diyos na mapuspos ka ng
Banal na Espiritu. Nais Niyang tanggapin mo ito bilang regalo, hanggang sa magumapaw ka sa kapangyarihang maglingkod sa Kanya.

...Ito ay regalong ipinangako ng Diyos, kaya sige, hingin mo sa Kanya!


Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa
inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Amang nasa langit! Ibibigay
niya ang Espiritu Santo sa mga humihingi sa kanya! - Lucas 11:13
9
Kaya sinasabi ko sa inyo: humingi kayo, at kayo'y bibigyan; humanap
kayo at kayo'y makasusumpong; kumatok kayo, at ang pinto'y bubuksan
para sa inyo. 10Sapagkat tumatanggap ang bawat humihingi; nakasusumpong ang bawat humahanap; at binubuksan ang pinto ng bawat kumakatok. 11Kayong mga ama, bibigyan ba ninyo ng ahas ang inyong
anak kung humihingi ng isda? 12 Bibigyan ba ninyo siya ng alakdan kung
siya'y humihingi ng itlog? - Lucas 11:9-12

...Simulan mo nang magpuri sa Diyos habang tumatanggap ng buong


pananalig.
Siya'y sinamba nila; pagkatapos, sila'y nagbalik sa Jerusalem, taglay ang
malaking kagalakan. Palagi sila sa templo at doo'y nagpupuri sa Diyos.
- Lucas 24:52 - 53

...Makakapagsalita ka sa ibang wika!


Ipinatong ni Pablo ang kanyang kamay sa kanila. Bumaba sa kanila
ang Espiritu Santo at sila'y nagsalita ng iba't ibang wika at nagpahayag ng salita ng Diyos. - Gawa 19:6

58

Ang mga sumasampalataya ay magtataglay ng ganitong tanda ng kapangyarihan: sa pangalan ko'y magpapalayas sila ng mga demonyo at magsasalita ng ibang wika. - Marcos
16:17
At silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo at nagsalita ng iba't ibang wika, ayon sa
ipinagkaloob sa kanila ng Espiritu. - Gawa 2:4
Namangha ang mga mananampalatayang Judio na kasama ni Pedro, sapagkat ang mga
ito ay pinagkalooban din ng Espiritu Santo. Narinig nila ang mga Hentil na nagsasalita
sa iba't ibang wika at nagpupuri sa Diyos. - Gawa 10:45-46
Ibig ko sanang kayong lahat ay makapagsalita sa ibang wika, ngunit higit na ibig kong
kayo'y makapagpahayag ng salita ng Diyos. Higit na mahalaga ang nagpapahayag ng
salita ng Diyos kaysa nagsasalita sa iba't ibang wika maliban na nga lamang
kung ipaliliwanang niya ang kanyang sinasabi, upang makatulong sa pag-unlad
ng iglesya.... - 1 Corinto 14:5, 18.

Ano ang Garantiya na Matatanggap Nga Natin ang Banal Na Espiritu?


Tinitiyak ng Diyos na matatanggap natin ang Espiritu Santo. Itoy sapagkat ito ang nais ng Diyos, na ang bawat isang Kristiyano ay mabautismuhan sa
Banal na Espiritu. Ang totoo niyan, iniuutos ng Panginoong Jesus sa bawat isang tumanggap sa Kanya na
magpabautismo sa Espiritu Santo. Sa Gawa 1:4-5, ito ang mababasa natin:
4

At samantalang siyay kasama-sama pa nila, kanyang tinagubilinan sila: Huwag muna


kayong aalis sa Jerusalem. Hintayin ninyo roon ang ipinangako ng Ama na sinabi ko na sa
inyo. 5Nagbautismo nga sa tubig si Juan, ngunit di na magtatagaql at babautismuhan
kayo sa Espiritu Santo.

Bakit mahigpit Niya itong ipinag-utos? Ito ay upang tumanggap tayo ng kapangyarihan na siyang makatutulong sa ating magpatotoo at magpahayag ng Magandang Balita ng Kaligtasan na mula sa Panginoong Jesus.
Tatanggap tayo, bastat buo ang ating pananalig sa ating paghingi
nito sa Kanya. Ang kailangan lang ay humingi at tumanggap.

59

Kinausap ng Lumikha
ang mga lapis:
Bago kayo humayo,
dapat nyong malaman
ang limang bagay. Lagi
nyong isaisip ang mga
ito upang kayo ay maging
pinakamagagaling na lapis.
Una, anumang gagawin mo ay mag -iiwan ng marka.
Ikalawa, lagi nay may pagkakataong itama anumang
pagkakamali na iyong nagawa. Ikatlo, pinakamahalaga
ang iyong kalooban. Pang -apat, tatasahan ka, mayat
maya, ng mga pangyayari sa buhay mga problema,
masasakit na karanasan, mahihirap na pagsubok.
Huw ag kang susuko.
Kailangan ang mga ito
upang ikawy maging
mas mabuting lapis.
Ikalima, kaya mong
gumawa ng mga
dakilang bagay,
Hayaan mo lamang
na ikawy gabayan
ng Dakilang Kamay.
Mahal kong kapatid,
tayo ang mga lapis
na buhay at ang
Panginoong Jesus
ang Kamay. Halinat
isulat natin ng buong
linaw ang mensahe
ng buhay na bigay Niya.
Magpatuloy tayo!
Gayon pa may laging kasama Mo ako:
Sa aking paglakad ay inaakay Mo. - Awit 73:23
Ang sagot ni Yahweh, malilimot kaya ng ina ang sarili niyang anak?
...Kung mayroon mang inang lumilimot sa kanyang bunso,
Akoy hindi lilimot sa inyo kahit na sandali.pangalan moy nakasulat
sa Aking mga palad. - Isaias 49:15-16

60

You might also like