Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 43

MAY PAGSINTAY WALANG PUSO

May Pagsinta'y Walang Puso ipinakikita dito ang pinakamatitining na saloobin ng mga tao na
saksi sa masalimuot na usapin ng pag-ibig, pag-aasawa, at pangalunganya. Sa panulat ni Iigo
Ed. Regalado, inedit at binigyang introduksiyon ni Robert T. Aonuevo. Inilimbag muli ng
Ateneo de Manila University Press noong 2001.
Tungkol sa aklat
Inilalantad ng May Pagsinta'y Walang Puso (1921) ang pinakamatitining na saloobin ng mga tao
na saksi sa masalimuot na usapin ng pag-ibig, pag-aasawa, at pangalunganya. Sa pamamagitan
ng mga tauhang gaya nina Sela, Fidel, Rafael, at Marya, natalakay ng mahusay ni Iigo Ed.
Regalado ang maselang paksang dating hindi sinasaling sa panitikang Tagalog. Ginagamit ni
Regalado ang pambihira niyang talento sa paghabi ng mga tauhan, lunan, pangyayari, at
panahaon ng may matayog na pagsasaalang-alang sa wikang Tagalog at sa lahat ng malig nito.
Nagbunga lahat iyon ng kapana-panabik na mga tagpo, ng mga kakatwang kaisipan, at ng mga
nakapupurgang damdamin para sa sinumang mambabasang naghahanap ng kapanatagan,
kasiyahan, at kaliwanagan.
NOTES:

Canal De La Reina (buod)

Kabanata 1 : Panimula
Mula ng pagkabata ni Caridad, ngayon na lang niya ulit binalikan ang lugar na kanyang
sinilangan at kinalakihan. Malayong-malayo na ang dati nitong malinis at maayos na istura sa
maputik at madaming basura na makikita mo ngayon. Ang sariwang hangin ay napalitan na ng
mabahong amoy ng kapaligiran. Kasama ni Caridad ang kanyang pamilya upang puntahan ang
lote nila. Ngunit si Junior, ang bunsong anak ni Caridad at Salvador, na lamang ang sumama sa
kanyang ina sa pagtawid sa maduming ilog. Habang papunta sa kanilang lote, ikinwento ni
Caridad kay Junior na nasunugan sila ng bahay kaya sila nagpasya lumipat ng Lolo Gorio niya.
Nang makarating sila sa kanilang lote na kinatitirikan na ng bahay at tindahan, hinanap ni
Caridad si Tisya sa babaeng nagbabantay ng tindahan. Si Tisya ay ang asawa ni Osyong na
enkargado ng lupa nila. Ngunit sinabi ng babae na wala na si Tisya dito. Ipinaalam ni Caridad
na siya ang may-ari ng lupang tinatayuan ng kanilang tindahan. Nagulat ang bantay sa tindahan
at tinawag ang kanyang amo, Nyora Tentay ang pangalan.
Kabanata 2: Alaala
Nakasagutan ni Caridad si Nyora Tentay. Pakilala ni Caridad na siya ang may-ari ng
loteng kinatitirikan ng bahay at tindahan niya. Sagot naman ng matanda ay may papel siyang
hawak para patunayan na sa kanya ang lupang iyon. Tinanong ni Caridad kung kilala niya si
Precioso Santos o Osyong na asawa ni Tisya. Sabi ni Nyora Tentay na kay Osyong niya binili
ang lupa. Idinagdag pa niya, na walang nabanggit si Osyong na mayroong ibang nagmamayari ng
loteng kinatatayuan ng kanilang bahay. Lumapit sa kanya si Junior at hinawakan ang bisig nito.
Nag-init ang ulo ni Caridad ngunit, namulatan siya at sinabing babalikan na lamang ulit
siya. Pagkaalis ni Caridad, umapoy din sa galit si Nyora Tentay at nagbantang magkakahalo
ang balat sa tinalupan. Nagbalik muli sa alaala ni Caridad ang kanilang nasunog na bahay. Ang
bahay nilang pawid at kawayan na barnisado sa tabi ng isang malaking punong kamatsile, sa
gilid ng makitid at malinis na Canal de la Reina. Hindi rin niya makakalimutan ang paggawa niya
ng bangkang papel kasama ang kanyang Ate Anita, ang Tiya Aning nila Leni at Junior at
tinitingnan kung kaninong bangka ang unang makakatawid sa kabilang ibayo. Naalala din niya
ang lorong nagsasalita ng kanyang pangalan noong bata pa siya. Iyon ay loro nila Aling Andang,
ang anak ni Mang Sintong Kawayan. Nang makarating sina Caridad at Junior sa kanilang kotse,
sinalubong sila ni Salvador. Kinamusta ni Salvador ang pagpunta nila sa minanang lote ni
Caridad at isinalaysay ni Caridad ang nangyari at muntik na silang mapasubo sa
away. Pinagkatiwalaan ni Caridad si Osyong pero niloko lamang sila nito. Sinabi ni Salvador na

kukuha nalang sila ng abogado para maayos ang problemang ito. Pagdating nila sa bahay,
inilibas ni Caridad ang titulo ng lupa, pati na ang mga resibo. Hindi niya matanggap na
maaaring mawala ang kaisa-isang alalalang napakahalaga sa kanya. Naalala ni Caridad ang
kanyang ina. Naalala niya ang pagkamuhi nito sa bahay nila sa Canal de la Reina dahil nawala ng
parang abo ang ipinundar ng tatay ni Caridad para sa kanilang pamilya.
Kabanata 3: Linta
Isang dyip ang tumigil sa harap ng tindahan ni Nyora Tentay. Kinabahan siya dahil
simula ng makita niya si Cardidad ay hindi na nawala ang nerbyos sa kanya. Sa kanilang pook,
siya ang may pinakamalaking bahay. Siya din ang takbuhan at utangan ng kanyang mga
kapitbahay kahit na ang maging tubo ay biente porsyento. Nang bumaba na sa dyip ang isang
lalaking mataas ngunit kita ang malaking tiyan ay nawala na ang kanyang bahala. Ito pala ay si
Doro. Daladala ni Doro ang kwaderno na nagkakalaman ng listahan ng may mga utang kay
Nyora Tentay. Natanong ni Nyora Tentay si Doro kung may malalapitan sila sa husgado kung
saka-sakali at naikwento ni Nyora Tentay si Caridad Reynante de los Angeles. Kilala pala ni
Doro si Caridad, at sinabing siya nga ang anak ng may-ari ng lupang kinatitirikan ng bahay na
iyon. Muling nanumbalik ang nerbyos ng matanda at sinabing may hawak siyang papel, titulo ng
kanilang lupa. Mayroong kilala si Doro sa registry of deeds kaya madali na yon. At sinabing
pagbumalik dito ang Reynanteng iyon, pakibanggit na lang ang pangalan ni Doro, anak ng
Tonyang Bulutong. Siguradong maaalala ni Caridad si Doro dahil dati lamang silang
magkapitbahay. At pagkaalis ni Doro, may naghihintay na babae sa labas kasama ni Asyang.
Napansin ni Nyora Tentay na mukhang malaki ang pangangailangan nito. Tinanong kung kukuha
ba ang babaeng tinawag ni Asyang na Nenita. May dala ang babae na telebisyon at sinabing
may mahigpit siyang kompromiso at iniabot na ang pera sa babae pagkatapos ay umalis. Nang
mga sandaling iyon ay hindi na naiisip ni Nyora Tentay si Caridad Reynante de los Angeles.
Kabanata 4: Salu Salo
Kaarawan ni Leni at pawing nababakas sa kanyang mukha na ayaw nitong magdiwang ng
kanyang kaarawan ngunit pinilit siya ni Caridad na magkaroon ng munting salu-salo. Sa araw
ding iyon ay kasama na ni Salvador ang abogadong hahawak ng kaso sa lupa ni Caridad. Sinabi
ni Caridad na kung matatayuan sana iyong lupa na iyon ng apartment, siguradong kikita sila
roon. Binigyang-diin din ni Caridad na ang tao ngayon ay mapagsamantala na, mahirap na
pagkatiwalaan. Tinanong tuloy ni Leni kung ang abogadong nakuha ng kanang ama ay
mapagkakatiwalaan. Sinabi naman ni Caridad na abogado iyon ng kompanya ni Salvador kaya
may tiwala sila doon. Si Attorney Agulto ang kanilang abogado. Dumarating na din ang mga
kasamahang interno at interna ni Lenis sa ospital. Kasama na rito ang masugid na manliligaw
nito na si Vic. Positibo namang sinabe ni Salvador na malakas ang laban nila sa kaso. Maaari na
daw silang magharap ng petisyon sa korte at sinabi ng abogadong palsipikado ang titulong
hawak ni Nyora Tentay. Ipinaalam din ni Atty. Agulto na may pinapunta na siyang tao doon
para magtanung-tanong at makasagap ng unting balita tungkol sa lupa na pag-aari ni Caridad.
Dumating na din si Junior kasama ang kanyang mga kabarkada. Kasama niya sina Ben, Doddy,
Dante at ang kaisa-isang babae na si Betty. Inalok ni Caridad na kumain muna sila ngunit
tumanggi sila Junior. Napaisip si Caridad sa kasamang babae ni Junior at pumasok pa sila sa
kwarto. Nabahala si Caridad at ayaw niyang makasama ni Junior ang pangkat na nasa silid ng
kanyang anak, pati na rin ang babae. Sinabi na lang ni Junior na mananaog sila kapag gutom na
sila.
Kabanata 5: Makabago
Tila hindi mawari ni Caridad kung ganoon na nga ba ang henerasyon ngayon at kung
ganoon na rin ba ang mga babae ngayon. Hindi siya mapakali hanggang sa nanaog na sila ngunit
patuloy pa rin ang pagusisa niya sa babaeng kasama ng barkada ni Junior. Nang makaalis na
ang mga bisita ni Junior ay hindi na nakatiis ang kanyang ina at Ate Leni sa pagtatanong
tungkol sa babaeng iyon. Naisip din kasi ni Caridad na baka mabuntis ni Junior ang kasama
nilang babae. Nagalit din si Caridad dahil hindi man lang marunong gumalang ang kanyang mga

kaibigan. Paliwanag naman ni Junior na ang babaeng kanilang tinutukoy ay ang girlfriend ng
kanyang kabarkada at hindi din niya type ang ganung klaseng babae. Patuloy pa nito na
kanyang pinagmamalaki sa kanyang mga kabarkada na wala silang communication gap pati na
ang generation gap. Hinayaan na lamang siya ni Caridad dahil baka maisipan pa nitong gumawa
ng di kanaisnais.
Si Nyora Tentay ay galit na galit kay Maring na namomroblema dahil iniwan siya ni
Duardo. Nalaman kasi nito na ginagamit lamang siya ni Maring upang makakuha ng pera para
sa pagsusugal. Ang natira lamang kay Maring ang relos niyang brelyante na binigay ni Duardo
sa kanya. Nasabi na rin niya na hindi na siya mangungupahan dahil gusto niyang ilayo sa lugar
na iyon ang kanyang anak. Isinanla niya na ang kanyang relos upang pang bayad sa kanyang
utang na upa ng bahay. Habang nag-uusap si Maring at Nyora Tentay, mayroong kotse na
pumarada sa harapan ng tindahan ni Nyora Tentay. Lumabas siya ng tindahan dahil siyay
hinahanap ng agrimensor na nagtatrabaho para sa gobyerno. Naparoon sila upang magsukat ng
lupa at naghahanap ng mga muhon dahil sa kakulangan ng estero sa kanilang lugar at
kinabahan si Nyora Tentay at naalala niya si Caridad Reynante Delos Angeles nang maitanong
sa kanya kung ilan tao na siyang nangungupahan sa lupang iyon.
Kabanata 6: Pakikipagtunggali
Naglabas si Nyora Tenta ng isang malaking bote ng wiski, isang malaking boteng
panghalo ng inumin, isang malaking sisidlan ng yealo na hugis-bariles at sinamahan pa ng isang
malaking lata ng sitsarong baboy laman ngunit hindi agad nahimok ni Nyora Tentay ang mga
ito at binalutan pa niya ito ng tig-isang sigarilyong blue seal. Tinanong ni Nyora Tentay kung
bakit kinakailangang ngayon sukatin ang lupa at ang sagot ng mga ito ay dahil masyadong
malalaki ang lupain na nasasakop ng Canal De La Reina na dahilan ng pagkawala ng tubig roon
at ang pagtakip sa mga lagusan ng tubig. At tumuloy na ang kanyang mga bisita na
pinabitbitan pa ng pagkain kang Ingga. Lumabas si Nyora Tentay sa tindahan at natanaw si
Lucing at nagalit ditto dahil hindi na binayaran ni Lucing ang hiniram niya kay Nyora Tetay na
sa akala ni Lucing ay isang tulong para sa pagpapagamot ng kanyang anak. Ang inaakalang
mabuting kalooban sa pagtulong sa kaniyang anak ay isa palang utang na napatungan na ng
mataas na tubo.
Nagulat si Leni sa kanyang nakita na halos naghihingalo na ang pasyente ng ipatawag
siya sa Emergency Room ng charity ward. Isang babaeng wala ng kulay ang mga labi, malalim
na ang nakalapat na mga mata at namamarak ang namumutlang mga pinsgi. Pilit niyang
isinasalba ang babae ngunit hindi na matanggap ng katawan nito ang iniksyon at hindi na rin
masalinan pa ng dugo. Kanyang pinirmahan ang papeles at nagulat siyang makitang nakatira ito
sa Canal de la Reina.
Kabanata 7: Daigdig ng Pagdarahop
Si Leni ay baguhan pa lamang sa larangang iyon kung kayat hindi pa siya sanay
makakita ng mga taong nababawian ng buhay. Kanyang nagunita nang nabanggit ng kanyang ina
na siyay maging isang General Practitioner noong hindi pa siya nagdodoktor ngunit nirespeto
pa rin ni Caridad ang kagustuhan ni Leni. Sa kalagayan ni Paz Cruz nakita niya kung gaano
kahirap ang buhay dahil may mga taong hindi makapagpagamot dahil sa kawalan ng pera.
Nabalitaan na nga ni Nyora Tentay na namatay na si Paz na ang tawag ng mga taga roon
ay Pacing. Kanyang naisip na kikita nanaman siya dahil doon. Maraming makikiramay sa pamilya
nito kahit na wala ang katawan roon ni Pacing ngunit mapapansing hindi sila naparoon upang
dalawin ang bangkay nito at paniguradong sa kanya sila bibili ng mga maiialok sa mga
nakikiramay. Pinuntahan ni Nyora Tentay si Dado na asawa ni Pacing at nakiramay sa kanya
ngunit hindi pa rin nakalimitan ni Nyora Tentay ang mga utang ni Dado sa kanya.
Kabanata 8: Pagkapit sa Patalim
Patuloy pa rin ang pagiyak ni Dado dahil sa kanyang pangungulila sa kanyang asawa at sa
bagong silang nitong anak. Pumayag si Dado sa nais ni Nyora Tentay sa dagdag nitong interes

sa ibabayad niya. Sinisisi ni Dado ang kanyang sarili sa pagkamatay ng kanyang asawa dahil
napabayaan niya ito at hindi naitakbo agad sa ospital nang may tumawag sa kanya. Ito pala ay
si Gracia na asawa dati ni Victor na anak naman ni Nyora Tentay. Kanyang nabalitaan na
pumanaw na nga ang asawa ni Dado kung kayat itoy nakiramay sa kanya. Naalala pa ni Dado na
ang damit na pinausot niya kay Pacing ay ang damit na matagal nang nabigay ni Gracia sa
kanya.
Sinabi naman ni Atty. Agulto na hindi basta-bastang kalaban si Nyora Tentay.
Pinalabas na binenta ito ni Caridad kay Osyong at pumirma gamit ang tatak ng kanyang kanang
hinlalaki at sinabing may malubha siya karamdaman kaya hindi ito nakapirma. Habang silay
naguusap ay tumunog ang telepono na kanya namang agad na nasagot. Siyay nagulat sa
kanyang narinig na ang tumawag sa kanya ay si Ingga na katulong ni Nyora Tentay.

Kabanata 9: INISASYON 1
Humihingi si Ingga ng tulong kay Caridad dahil gusto na nitong tumakas sa kalupitan ni
Nyora Tentay. Ngunit, sa kasamaang palad ay naabutan ni Nyora Tentay itong gumagamit ng
telepono at pinagbantaang baon ito sa utang at hindi makakaalis sa kanyang bahay.
Dumalaw si Junior sa Canal dela Reina at hindi siya nagpaalam sa kaniyang mga
magulang na gagabihin siya sa araw na iyon. May isang bata ang lumapit sa kaniya, si Bindoy
dahil napansin nito na sinusundan siya ni Junior. Kinakabahan naman si Junior dahil hindi niya
alam kung saan sila pupunta. Akala ni Bindoy ay naghahanap ng yosi si Junior ngunit ang laman
nito ay droga. Siyay dinala ni bindoy sa isang lugar kung saan ay maraming taong mga
nakatayo at inabutan siya ng isang serbesa at sinubo sa kanya ang isang kapsula at biglang
nag-iba ang kaniyang pakiramdam. Patuloy ang paghingi ng tulong ni Junior sa Panginoon dahil
hindi niya na makayanan ang kaniyang nararamdaman. Ang gusto lamang niya ay ang makalayo.
Kabanata 10: INISASYON 2
Namamanhid na halos ng buong katawan ni Junior ngunit pinipilit pa rin niyang
makapaglakad palayo sa lugar na iyon.
Sobrang nag-aalala na sina Caridad at Salvador dahil hindi pa nakakauwi si Junior at
dis oras na ng gabi. Alam nilang tumatawag naman ito kung siya ay gagabihin. Nakausap ni
Caridad si Dodi at sinabing ligtas siya at nasa bahay nila si Junior ngunit inakala nila Caridad
at Salvador na lasing ito. Patuloy ang paghingi ng patawad ni Junior sa kaniyang nagawa.
Nasabi ng ama ni Dodi na siya ay nakainom ng isang droga at ang nagpasama pa rito ay
sinamahan pa ito ng serbesa. Kaagad silang bumili ng gamot para bumuti ang pakiramdam ni
Junior. Sinabi ni Caridad na ang lupa ang susi ng lahat. Dahil konektado ang nangyari kay
Junior sa lupa o kayay kapakanan ito ni Nyora Tentay at pag nabawi nila ang lupa, lahat ay
mapasasaayos.
Kabanata 11: Pagkamulat
Masakit pa rin ang ulo ni junior ngunit pakiramdam niya ay nakabawi na siya sa tulog.
Sinabi ng kanyang Ate Leni na uminom siya ng maraming tubig upang mahimasmasan siya.
Pinilit niyang binubuhay sa kanyang isip ang mga naganap bago siya tuluyang manghina at
tinananong niya ang kanyang ina kung may napansin siyang aso sa bahay nila Nyora Tentay.
Sinabi ni Bidoy na sadyang napakalaki ng asong iyon. Itim ang kulay at parang lenteng malalaki
ang mga mata. Si Nyora Tentay daw mismo ang nagpapaligo at nagpapakain dahil walang
makalapit sa aso at baka din daw lasunin ng mga taong may galit sa kanya. Naging malinaw sa
isipan ni Junior ang katauhan ni Nyora Tentay. Isang lalaki ang umalalay sa kanya patungo sa
taxi na naghatid sa kanya sa tahanan nila. Sinabihan siya ng tsuper na wag nang babalik doon.
Sinabi rin ng tsuper na isang pulis ang naghatid sa kanya. Masasabing guwardiyado ang lugar
na iyon.
Simula elementarya ay nag-aaral na siya sa isang ekslusibong kolehiyong panlalaki na
pinamamahalaan ng mga pari. Marami siyang naging kamag-aral na mayaman at mayroon ding

nasa panggitnang antas ng kabuhayan. Sumali sila Junior at Elmo nang magkaroon ng
demostrasyon ang mga kabataan at estudyante sa harap ng kongreso upang ipakita sa pangulo
ang damdamin ng bayan. Tumulong sila sa paghahanda ng itim na kabaong na inihagis sa
sasakyan ng pangulo at gumawa rin sila ng isang malaking paper-mache na buwaya na kinabitan
ng pangalang Marcos. Maraming nasaktan. Walang patawad ang mga pulis. Binawian ng buhay
si Elmo dahil inabutan siya ng mga pulis. Inilipat si Junior nang eskwelahan. Marami ang nagiba sa kanyang buhay. Napalitan ng arkitektura ang kanyang hangarin mag-aral ng batas at
nagbago rin ang kanyang mga kasama.
Dumating si Leni at si Vic sa bahay nila Caridad. Nag-usap sila sa teresa. Hindi
natapos ni Vic ang kanyang kinakain dahil nagkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan kaya
umalis na ang binata.
Kabanata 12: Banta ng Sigwa
Tumawag ni Nyora Tentay kila Caridad at si Inyang ang nakasagot. Gusto nito
makausap si Caridad ngunit hindi siya kinausap nito at nagbilin na tatawag ulit tungkol sa
usaping lupa. Nagbigay ng lagay si Salvador sa sheriff dahil parang naging routine na iyon.
Nagulat si Caridad noong sinabi ni Salvador iyon dahil ngayon lamang ginawa ni Salvador ang
magbigay ng lagay. Kaya nga hindi nagtagal si Salvador sa trabaho niya sa gobyerno dahil
ayaw na ayaw niya sa mga suhulan.
Tinanong ni Caridad kung magkano at bakit kailangang magpalagay at sinabi naman ni
Salvador na maliit lang ang binigay niya at bahala na raw si Attorney. Mabuti nga raw na
nauna sila kay Nyora Tentay na maglagay dahil baka lalong maapektuhan ang kanilang apila
tungkol sa lupa. Galit na galit si Nyora Tentay dahil nagpapasok ng taong hindi nila kilala si
Ingga. Nabalisa si Nyora Tentay sa sinabi ng kanyang anak na kailangana niyang humarap sa
piskalya.
Naghahanap si Nyora Tentay ng isang magaling na abogado at naisip ni Victor ang
kanyang biyenan ngunit umayaw si Nyora Tentay at pinagpipilitan ang kongressman niyang
kaibigan na abogado rin. Ngunit ayaw iyon ni Victor dahil maaari silang matalo sa kaso dahil
iyon ay kabilang sa gobyerno at maaring mabahiran ng politika.
Kabanata 13: Unang Senyal
Si Attorney Pea ang kinasundo ni Nyora Tentay na humawak ng kanyang kaso na
noong una ay bantulot ito sa pagtanggap sa kaso pero noong binigyan na siya ng sobre agadagad siyang nagbago ng isip at tinanggap ito. Pinag-usapan nila ang mangyayari sa unang
hearing. Agad nadama ni Nyora Tentay na siya ay hindi maipagtatanggol ni Attorney Pea
kaya nanghinayang siya sa pera na ibinigay dito
.Noong araw ng unang hearing. Buo ang mag-anak ni Caridad na nagtungo sa piskalya.
Unang isinalang si Caridad at sinimulan siyang tanungin ng abogado ni Nyora Tentay ukol sa
lupa. Sinabi ni Caridad na galing pa sa kanyang ninuno ang lupang iyon. Nagkasagutan ang
dalawang kampo at ipinapatawag ulit sila para sa pangalawang hearing dahil sa pagwawala ni
Nyora Tentay.
Tinawag ni Leni ang kanyang ina at sinabi na may naghahanap sa kanya na ang pangalan
ay Gracia Montes.
Kabanata14: Ikalawang Senyal
Lumabas sina Caridad at Leni sa bulwagan upang kausapin si Gracia
Montes. Pinabayaan na nila si Atty. Agulto na makipagtalo dahil alam na nito ang pasya ni
Caridad na hindi sila tatanggap ng anumang uri ng pakikipag-ayos maliban kung ibabalik sa
kanila ang lupa. Nang makita na nila si Gracia sa kanyang Volkswagen, linapitan nila ito at
sinabi sa kanila na sa telepono na lamang sila mag-usap. Iniabot ni Gracia ang isang tarhetang
may nakalagay na numero ng kanyang telepono, at sa ilalim ng kanyang pangalan ay ang maliliit
na titik na Piano teacher at Plaridel Village. Ibinigay naman ni Caridad ang numero ng kanyang
telepono kay Gracia. Tatawagan daw ni Gracia si Caridad pag dating nito sa kanyang bahay.
Pagbalik nila sa piskalya ay tapos na ang hearing. Binalitaan na lamang sila na pinapaghaharap
ang panig nila Nyora Tentay ng sagot sa loob ng 10 araw. Ayon kay Atty. Agulto, maganda ang

tinatakbo ng kanilang kaso, at nahanap na rin niya kung saan naroroon si Tisya. Inihatid na
nilang mag-anak si Leni sa pagamutan dahil 2 araw nalang ay magsisimula na ang pag-kuha ni
Leni ngboard exams, ang una sa isang buwang pagsusulit, tuwing araw ng Linggo.
Sa bahay ni Geronimo M. Marcial nakatira si Gracia. Si Geronimo ay ang anak ni
Gracia at Victor. Siya ay isang practitioner na doktor ng pediatrics. Sa sandaling iyon ay nasa
kanyang sariling silid si Gracia, nasa harapan niya ang telepono at kinakabahan na tinawagan si
Caridad. Kinuwento niya kay Caridad ang kanyang buhay nang nakalipas na dalawamput pitong
taon. Dati siyang manugang ni Nyora Tentay at asawa ni Victor. Alam niyang pinagtatawanan
ni Nyora Tentay ang kanyang propesyon, kung kayat noon pa man ay naramdaman niyang hindi
sila maaaring magkasundo, maliban na lamang kung magsasarili sila ni Victor na ayaw naman
nito. Inamin niyang minahal niya dati si Victor, ngunit ngayoy wala na siyang paggalang sa
kanya at hindi na niya ito mahal. Dati ay umasa daw si Victor na babalik siya sa kanya dahil sa
kanilang anak, ngunit hindi alam ni Victor na ayaw niyang mamulatan ang kanyang anak sa ugali
nila Victor at Nyora Tentay kaya tuluyan niyang hiniwalayan si Victor.Ikinwento rin niya na
naroon pa siya nang bilhin nila Nyora Tentay ang lupa sa Canal dela Reina. Marami raw milagro
sa bilihang iyon, kaya handa raw siyang tumestigo kung kailangan nila ang tulong niya.
Pagkatapos ng kanilang paguusap, dumating ang anak ni Gracia sa kanilang tahanan.
Kabanata 15: Unos
Ikinwento ni Gracia kay Geronimo na iniimbitahan sila ni Caridad sa kanilang bahay sa
Makati, at binanggit rin niya ang anak na babae ni Caridad. Parang ipinapares niya ito kay
Geronimo, ngunit hindi alam ng kanyang ina na ayaw niyang maranasang umibig. Ayaw niyang
masaktan dahil alam niyang magkakahiwalay lamang sila ng magiging kahati niya sa buhay
pagkalipas ng panahon, katulad ng nangyari sa kanyang mga magulang. Binanggit rin ni Gracia
sa kanyang anak ang tungkol sa lupain nila Caridad, at kung paano siya handang tumestigo
kung kinakailangan, ngunit sinabi ni Geronimo na ayaw niyang mapasama pa si Gracia roon
kahit sa anong paraan. Ang totooy ayaw na niyang maugnay sa kahit na anong paraan ang
kanyang ina kay Victor. Ayaw na nga niya itong makita. Noon ngay nung kasusulit ni Geronimo
sa pagka-manggagamot, nakasama siya sa unang sampung nanguna. Nailathala sa pahayagan
ang kanyang larawan, kayat malamang ay nakita ito ni Victor at pumunta sa kanyang
pagamutan. Nagpakilala siya, ngunit malamig ang pagtanggap ni Geronimo sa kanya. Sa dami ng
mga narinig niya sa kanyang ina kung bakit sila nakahiwalay sa kanyang ama, hindi siya
nakadama ng pananabik sa kanilang pagkikita. May tinangkang iabot si Victor sa kanya galing
sa bulsa nito, ngunit itinigas ni Geronimo ang kanyang palad kaya nalaglag ang ibinigay sa
kanya. Hindi siya lumingon kahit narinig niya ang mahinang tinig ni Victor. Ito ang gunitang
naalala niya sa kanyang diwa nang mabanggit ni Gracia ang usapin sa lupa.
Sinundo na nila Caridad si Leni, at ikinuwento sa kaniya ang nangyari sa husgado.
Nagmura si Nyora Tentay nang masukol sa pagtatanong ni Atty. Agulto. Dahil ditoy nacontempt siya. Kaya daw galit na gait si Nyora Tentay dahil dumating si Gracia, ngunit hindi
niya kasama si Geronimo. Nang marinig ni Leni ang pangalan ni Geronimo, naalala niya ang mga
naging pagkikita nila. Una ay nang anyayahan ni Caridad ang mag-ina sa isang hapunan sa
kanilang bahay. Nahuli sila sa pagdating dahil may biglang dumating na pasyente si Gerry.
Nang pagkakataong iyon, nagunita rin niya si Vic, hindi dahil magkapangalan sila ng ama ni Vic,
kundi malimit na kinukwento nito ang nasisirang oras ng usapan bunga ng mga kaabalahan sa
pagamutan. Hindi mauunawaan iyon ng isang hindi katulad ang propesyon. Pangalawa, nagtungo
si Geronimo sa pinaglilingkuran niyang pagamutan dahil may sinamahan siyang batang pasyente
na ipinasok sa Pediatrics, kaya naisip niyang hanapin si Leni. Pangatlo, dinalaw ni Geronimo ang
pasyente niyon at pinuntahan siya sa kanyang department.Pang-apat, kasama si Geronimo
nang ilabas ang bata. Dumaan uli sa kanyang kinaroroonan. Sa mga pagkakataong iyon,
nagugunita niya si Vic. Isa sa malimit na masabi niya kay Vic ay ang ukol kay Geronimo, ngunit
ayaw ni Vic na pagusapan siya at sinabi pa nga niya na hindi niya gusto ang doktor na iyon.
Noong panahon na iyon ay napakalakas ng ulan at signal number two na ang bagyo,
ngunit babalik pa rin si Leni sa ospital. Napagusapan nila ang Canal dela Reina dahil lulubog
nanaman daw ang lugar na iyon. Kalahati na ng ilog ang nawawala at tuwing uulan nang malakas

ay bumabaha roon. Napagusapan rin nila ang tungkol sa kaso. Lamang daw sila at nailabas na
rin daw si Tisya.
Kabanata 16: Baha
Napakalakas na nang ulan. Lubog na sa Maynila, kaya nag-alala ng husto si Caridad
para kay Leni dahil madaling lumubog sa pook ng pagamutan. Nagbukas sila ng radyo at narinig
nila sa balita na ang pagamutan ng lungsod ay binaha na ng husto. Sinimulan nang ilikas ang
mga pasyenteng nasa unang palapag ng gusali dahil naabot na ito ng tubig. Hindi na makapasok
ang ambulansya sa loob ng pagamutan. Nag-alala pa lalo si Caridada para kay Leni. Ayon rin sa
balita, nagsisimulang magpakita ng palatandaan na maaaring sumabog ang isang malaking dike
sa Pampanga. Dahil dito, maaaring lumubog ang buong lalawigan, at madamay pati ang mga
karatig na lalawigan ng Bulacan, Bataan, Tarlac, at maaaring ang buong Gitnang Luzon. Naisip
ni Caridad ang kanilang palayan sa Bulacan, at lalo na kung ano na ang nangyayari sa kanyang
Ate Anita. Bigla na lamang nawalan ng kuryente.
Samantala, pumasok na ang tubig sa bahay ni Nyora Tentay. Sila lamang ni Ingga ang
nasa bahay dahil bihira nang umuwi si Victor mula nang kumalat sa kanilang pook ang balita ng
usapin niya na iniharap ni Caridad. Lumapit noon si Victor kay Gracia, ngunit hindi man lamang
siya hinarap nito. Dahil ditoy pinagalitan siya ni Nyora Tentay dahil ayaw niyang lumalapit ito
kay Gracia. Mula noon ay hindi na ito nag-uuwi, at natuklasan ni Nyora Tentay na may
inuupahang apartment si Victor. Ibang-iba na si Victor. Hindi na ito ang dating palasang-ayon
sa lahat ng sinasabi ni Nyora Tentay. Natuto na itong sumagot sa kanya. Ngayon ay kailangan
niya si Victor dahil bumabaha na sa kanilang bahay. Bigla na lamang may mga taong kumatok
sa kanyang pinto at nagsisigaw, nagmamakaawang patuluyin sila dahil baha na sa kanilang
bahay, at siya lamang ang may mataas na bahay sa Canal dela Reina. Pinagkaitan niya sila.
Hinawakan niya ng mahigpit ang kanyang bayong na naglalaman ng mga alahas, pera, pilak at
mahahalagang papeles kasama na ang titulo ng kanyang lupa. Tinawag niya ang pangalan ng
panginoon upang humingi ng tulong dahil natatakot siya sa mga taong kumakatok sa kanyang
pinto. Matagal na rin niyang hindi natatawag ang pangalan ng panginoon. Winasak na ng mga
tao ang pintuan ng kanyang bahay upang makapasok sila, kaya wala na siyang nagawa.
Naramdaman niyang nawalan na lamang siya bigla ng lakas at siyay tuluyan ng natangay ng
rumaragasang tubig.
Kabanata 17: Ama at Anak
Nang siya ay magkamalay hindi niya makilala ang mga tao sa kanyang paligid. Tila hindi
niya mamukhaan kung nasaan siya. Bigla niyang nagunita ang kanyang mga suot na brilyantes
pati ang mga papel na pera sa kanyang bulsa ay wala na rin. Siyay tumili ng maramdaman
niyang may sumakit sa kanyang ulo at nasalat niyang mayroon siyang sugat na nakuha niya sa
pagkakatangay ng malakas na agos ng tubig. Hinahanap niya ang utusan niyan na si Ingga
ngunit wala. May lumapit sa kanya na dalaga na gustong tumulong sa kanya ngunit tumatangi
siya at patuloy na hinanap si Ingga. Tinanong si Nyora Tentay kung mayroon man lamang
siyang kamaganak at sinabi niya na may anak siya na ang pangalan ay Victor.
Sa tahanan ng mga Caridad ay nawalan na ng tuluyan ang kuryente ngunit hindi naman
naputol ang linya nang kanilang telepono. Hindi pa umuuwi si Leni dahil sa trabaho
niya,marami ang nangailangan ng tulong dahil sa bagyo. Nagkaroon pa ng pagtatalo si Junior
at ang kanyang magulang. Una dahil gusto tumulong ni Junior sa mga "rescue operations" at
ayaw pumayag ng kanyang magulang dahil alam nilang delikado. Pangalawa pinagaway nila ang
gobyerno, sabi ni junior na wala naman daw natutulong ang gobyerno kapag walang pera na
kasama. Ang henerasyon daw ng kanyang magulang ay walang ginagawa masyado sila mahinhin
na hindi sila nagrerebelde. Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mag-ama.
Kabanata 18: Pagkikilala
Pagkatapos ng matinding pagsasagutan ng mag-ama ay napag-isipan ni Salvador na may
punto din naman ang kanyang anak si Junior kaya pinagbigyan niya si Junior na pumunta
sa rescue operation basta lamang ay mahanap niya ang utusan ni Nyora Tentay. Mabilis

siyang umalis ng bahay kasama si Dodi, ang kanyang kaibigan. Bago sila nakarating sa
mismong rescue operation napadaan sila sa ospital na pinapasukan ni Leni at kinamusta siya ni
Junior. Pagkatapos ay napunta na siya sa rescue center na Sampaguita Health Center. Sa awa
ng Diyos ay nakita niya agad ang katulong ni Nyora Tentay na si Ingga. Siya ay tuwang tuwa
dahil may pag-asa na dumating sa kaniya. Itinanong niya kung siya ba ang anak ni Caridad at
bakas sa kanyang mukha ang kasiyahan. Tinanong niya kay Junior kung maari ba siyang
sumama rito at sinabi naman ni Junior na magintay lamang ito ng kaunting oras dahil silay
tutulong sa mga nasugatan sa center.
Kabanata 19: Langit at Lupa
Halu-halong emosyon ang naramdaman ni Caridad nang makita niya si Ingga na kasama
ni Junior. Tuwang-tuwa naman si Ingga nang makarating siya sa bahay ni Caridad. Para siyang
nakawala sa isang napakasikip at madilim na lugar. Ipinakita naman ni Ingga ang isang bayong
na puno ng mga brilyantes na mga alahas, mga salaping papel at ang titulo ng lupa sa Canal de
la Reina. Nagulat sila Caridad sa nakita nila. Umamin si Ingga na hindi niya iyon napulot kung
hindi ay inagaw niya it okay Nyora Tentay upang maging kabayaran sa mga ginawa nito sa
kanya. Nagaalala sila Caridad at hindi nila alam kung ano ang dapat gawin dahil hindi pa sila
nakakasigurado kung buhay pa o patay na si Nyora Tentay.
Kabanata 20: Sagandaan
Dumating na si Salvador sa kanilang bahay na putikan at halatang pagod na
pagod. Masaya siya dahil walang nasaktan sa kanilang opisina. Si Junior naman ay bumisita sa
Ate Leni niya na tumulong din sa mga naging biktima ng baha. Ipinakita ni Caridad kay
Salvador ang laman ng bayong at nagulat rin ito sa kanyang mga nakita. Ayaw nang ibalik ni
Ingga ang bayong dahil gusto niya maghinganti kay Nyora Tentay. Kinumbinse naman ni
Salvador at Caridad na ibalik ang bayong dahil masamang maghiganti lalo na kung walang
katiyakan kung nasaan na si Nyora Tentay.
Si Nyora Tentay naman ay walang bukang bibig kung hindi ang bayong na nawalay sa
kanya. Dumating si Victor upang hanapin ang kanyang ina. Natagpuan niya iyon sa
Lakandula rescue center. Nanibago siya sa itsura nito at ng nilapitan niya ay hindi siya
pinansin nito dahil sa pagiging abala mahanap ang kanyang bayong. Ang tanging sinasabi nito
ay ang pagkawala ng kanyang bayong. Dumating ang mga manggagamot at sinabi na kailangan
siya dalhin sa mas pribadong ospital upang matutukan ang kanyang kundisyon ngunit wala
silang mahanap kung hindi ang Mental Hospital. Dumating na ang mga taga-medical team at
mga relief workers at sinamahan sila papuntang Mental Hospital. Doon niya nakita ang
kanyang anak na si Geronimo papunta sa isang emergency room kasama ang mga medical team
dahil may babaeng manganganak. Nang dumaan sila sa harap nito ay hindi pinansin ni Geronimo
ang kanyang ama.
Kabanata 21: Maliit ang Daigdig
Nakapagpanganak ng maayos ang nasabing babae. Magkahalong tuwat saya ang
nararamdaman ng babae dahil hindi man lamang naabutan ng kanyang asawa ang kanilang anak
dahil ito ay namatay dahil sa mabilis na ragasa ng baha. Inaasahan na ni Gerry na kasama sa
mga nasalanta ang kanyang lola na si Nyora Tentay. Nagtama ang kanilang mata kung kayat
wala na siyang nagawa kung hindi lapitan ito. Ayon sa kanya ay mukhang nagkaroon lamang ito
ng nervous breakdown. Nang may biglang lumapit kay Gerry na humihingi ng tulong dahil
malubha na ang lagay ng kanyang anak. Agad na tinawag ni Gerry si Leni upang tumulong sa
pagsalba ng bata at kinailangan na itong itakbo sa ospital upang malaatan ng lunas. Habang
nasa biyahe sila papunta sa ospital ay naikwento ni Gerry na nakita niya doon ang kanyang ama
at ang kanyang lola na talagang ikinakahiya niya. Ipinakita naman ni Leni na wala iyon sa kanya
dahil andun sila upang tumulong ng mga taong may karamdaman. Umiyak ng malakas ang

kargang bata ng inang humihingi ng tulong sa kanila kung kayat naputol ang kanilang usapan at
nagmamadali ng malapatan ng lunas ang bata.
Kabanata 22: Pasiya
Umuwi muna si Gerry mula sa ospital para tignan ang mga pasyente sa kanyang
klinika. Napagusapan nila ni Leni ang kahalagahan ng kanilang trabaho lalung-lalo na dahil hindi
sila binayaran sa kanilang serbisyo. Naisip tuloy ni Leni na maging General Practitioner kesa
sa magespesyalista sa larangan ng Pediatrics. Simula ng dumating sa buhay ni Gerry si Leni
ay gumaan ang loob nito at nabubuo ang espesyal na pagtingin kay Leni. Sinabi ni Geronimo
ang nangyari kay Nyora Tentay at sinabi ni Gracia na isa iyong aral kay Nyora Tentay upang
malaman niya na hindi kanya ang mundo.Patuloy pa rin ang pagkumbinse ni Caridad at Salvador
kay Ingga na isauli ang bayong. Sabi ni Ingga na ayaw niyang isauli ang bayong dahil ayaw na
niyang Makita pa ulit si Nyora Tentay dahil araw na niya bumalik doon. Nagboluntaryo naman
si Junior na siya na lamang ang magaabot ng bayong sa pamilya ni Nyora Tentay dahil
siguradong hindi siya pagiisipan ng masama nito dahil isa siya sa mga volunteers. Kanya na
lamang daw papalabasin na napulot niya ito kung saan man.
Kabanta 23: Nilikha Ukol sa Iba
Si Junior ang nakapilit kay Ingga upang maibalik kay Nyora Tentay ang bayong nito.
Ngunit mas gusto parin ni Ingga na huwag na itong isauli pa kay Nyora Tentay dahil gusto niya
talagang makaganti rito ngunit sinabi sa kanya ni Caridad na para na rin siyang nakaganti kay
Nyora Tentay sa kung ano mang nangyari sa matanda. Iniayos na ni Caridad ang mga gamit na
nasa loob ng bayong. Kanilang pinatuyo ang mga basing perang papel pati na rin ang mga
mahahalagang papeles na laman nito. Nilagay nila sa supot bago ilagay sa paper bag.Nang
paalis na si Junior at si Salvador nasabi bigla ni Junior na siya ay natatakot at sinabi naman
ni Salvador na normal lamang iyon dahil alam niya kung ano talaga ang laman ng bayong.
Nang makaalis sila Salvador at Junior ay may taong dumating at nagpakilalang siya ay
si Tisya. Inilahad ni Tisya ang totoong nangyari sa pagbili ni Nyora Tentay nang kanilang lupa
sa Canal de la Reina. Kanyang sinabi na pinilit lamang ni Nyora Tentay si Osyong na ibenta ang
lupa para mawala na ang utang nito kay Nyora Tentay. Hindi napigilan ni Ingga na hindi
sumabat sa pinaguuapan nila dahil alam na alam ni Ingga ang ganung sistema na ginagawa ni
Nyora Tentay sa lahat ng tao na may utang sa kanya.
Mas lalong naging sakitin si Nyora Tentay dahil lalo siyang namumutla sa bawat araw na
lumilipas kakahanap niya sa kanyang nawawalang bayong. Walang magawa ang mga nurse sa
ospital kung hindi ay turukan nang pampatulog si Nyora Tentay dahil hindi nila ito mapakalma
at hindi rin ito makatulog. Dumating naman si Junior kung nasaan si Nyora Tentay at siya ay
hinarap ni Victor.
Kabanata 24: Sumbat
Ipinakita ni Junior ang laman ng paper bag na dala niya. Nakita ni Victor na ito ang
bayong na matagal ng hinahanap ni Nyora Tentay. Tuwang-tuwa si Victor na naibalik na ang
bayong ng kanyang ina na maaring makapagpagaling sa matanda. Inabutan ni Victor si Junior
ng anim na lilimampung salaping papel ngunit itoy tinanggihan ni Junior. Siyay paalis na at
naalalang kunin ni Victor ang pangalan ng taong nagbalik ng bayong at sinabi ni Junior na siya
ay si Salvador de los Angeles Jr. Dahil sa ginawa ni Junior ay napaisip si Victor na naturuan
sila ng leksyon dahil doon. Sa kabila ng pagkakagalit ng kanilang pamilya dahil sa lupa ay
nagmagandang loob pa rin ang mga De los Angeles sa kanila.
Pumunta si Junior sa ospital na pinapasukan ni Leni at ibinalita niyang hindi niya
tinanggap ang binibigay nitong salapi na katumbas sa kabutihang loob na ginawa niya. Kasama
niya doon si Leni at si Gerry na apo ni Nyora Tentay. At nakibalita si Leni kay Junior tungkol
sa kanilang mga magulang. Ayaw na ayaw ni Leni na nagtatanim ng galit si Gerry sa kanyang
lola at ama. Silay nagusap at mukhang nahimasmasan si Gerry na balak na niyang makipagusap
sa kanyang ama ngunit pinipigil siya ng kanyang loob na maaring hindi pa ito matanggap ng
kanyang ina.

Kabanata 25: Saan sa Kahapon?


Iniabot ni Junior sa kanyang ina ang isang kapirasong papel na nilagdaan ni Victor
bilang patunay na atanggap na nila ang bayong. Ilang beses inuulit ni Caridad na mas
gugustuhin niyang gumaling si Nyora Tentay dahil mas magiging kaparusahan sa kanya kung
kung titino ang kanyang isip at malalaman nito ang mga nangyayari sa kanyang paligid lalo na
ang pagbawi ng mga De Los Angeles sa kanilang lupa. Sa kabilang banda naman ay ipinakita ni
Victor sa doktor ng kayang ina na nasakanila na uli ang bayong ngunit hindi na ito maalala pa ni
Nyora Tentay.
May klinik noon si Gerry ng biglang bumisita ang kanyang ina upang ayain ito na kumain
sa labas. Hindi inaasahan ni Gerry na dadating ang kanyang ama upang humigi ng tulong.
Kabanata 26: Masikip sa Tatlo ang Mundo
Hindi malaman ni Gerry kung anong gagawin dahil nasa klinika rin niya ang kayang ina.
Humingi ng tulong si Victor kay Gerry kung mayroon ba ito mairerekomendang doktor para sa
kanyang lola dahil alam ni Victor na mas madaming kilalang eksperto si Gerry at maaari pa nila
itong bigyan ng presyong kaibigan. Nagrekomenda naman ng doktor si Gerry bilang tulong at
nabanggit ng kanyang ama na kung puwede ba niyo tiong maimbitahin kumain ng hapunan
kasama ang kanyang ina nang biglang lumabas si Gracia sa resting room ni Gerry sa klinika at
biglang nagkatitigan ang dalawa at hindi inaasahan ni Victor na makikita niya ulit si Gracia sa
unang pagkakataon mula ng sila ay maghiwalay at tumuloy na nga si Victor.
Naghapunan na sa labas ang mag-ina at napagusapan ni Gerry na mukhang humihingi na
ng tawad ang kanyang ama rito ngunit hinayaan lang ito ng kanyang ina. Napagusapan din ni
Gerry ang pagpapahiwatig niya sa kanyang ina na gusto nang pakasalan ni Gerry si Leni.
Kabanata 27: Sa Pintuan
Kumain sa labas ang mag-ina. Talagang tinanggal na ni Gracia sa buhay niya si Victor
dahil sa mga nagawa ni Nyora Tentay at Victor sa kaniya. Sinabi rin ni Geronimo na iniimbita
sila ni Victor mananghalian o maghapunan ngunit ang sagot ni Gracia ay hindi pa rin nagbabago
si Victor dahil hindi pa rin siya makatayo sa sarili niyang mga paa. Noong binanggit ni Gracia
si Leni sa kanilang pag-uuspan nakita ni Gracia ang kaligayahang nakaguhit sa mukha ng
kanyang anak.
Tintanong ni Doktor Jalandoni si Nyora Tentay na kung ang bayong daw ba ay sa
kanya at sinagot ng malakas ni Nyora Tentay sa kanya iyon ngunit hindi lang niya maalala kaya
ang ginawa ay pinatulog siya nito ng ilang sandali para maalala niya ang mga nakalimutan niya
noong nakaraan na bagyo. Pagising ni Nyora Tentay ay naalala nga niya na nagkaroon nga ng
bagyo ngunit yun lamang ang naalala niya at pumikit muli siya at hinayaan na ni Victor at ng
doktor. Inuwi ni Victor si Nyora Tentay sa bahay. May konting pagababago na sa kalagayan
niya. Nakakapag-salita na siya. Dahil bilin ni Doktor Jalandoni na palagi dapat siyang
kakausapin ukol sa bayong niya upang matulun9gan siyang makrecover. Pagkatapos ay
nakipagkita na si Victor sa kaniyang anak na si Gernomio, una sa Gernoimo ang ang gusto
magbayad sa kahera pero pumilit si Victor na siya na lamang ngunit hindi pa din pumayag si
Geronimo kaya pinabayaan na lamang ni Victor. Nasaktan si Victor. Pumunta si Victor sa
tahanan ni Gracia ngunit hindi kaagd siya pinatuloy doon.
Kabanata 28: Pagsuko
Inakala ni Gracia na ang kanyang ama ang kanyang bisita, ngunit si Victor pala ito.
Noon pa daw sana bibisita si Victor pagkatapos nilang magkita sa klinika ni Gerry. Pinatuloy ni
Gracia si Victor sa bahay dahil ibig niyang Makita nito ang layaw na tinatamasa ni Geronimo
nang wala si Victor at hindi tinutulungan nito. Hiniling ni Victor na makasama si Gracia sa
kanila ni Gerry kung kumakain sila sa labas. Ikinwento rin niya na malinaw na ang isip ni Nyora
Tentay dahil sa doctor na inirekomenda ni Gerry. Sinabi rin niya na hindi na nila ilalaban ang
kaso. Bahala na daw ang abogado at ang husgado. Sinabi na rin ni Victor ang tunay na pakay
niya kay Gracia at ito ay ang pag-usapan ang plano nila Leni at Geronimo, ngunit ang sinabi

lamang ni Gracia ay magagawa nila ang kanilang gusto nang hindi na kailangan ang permiso ng
mga magulang. Ibig niyang ipamukha kay Victor ang mga ginawa ni Nyora Tentay na pumagitan
sa kanila hanggang tuluyang mawasak ang kanilang pagsasama. Nang aalis na si Victor, nag
kamay sila at nang mag dikit ang kanilang mga palad ay gumapang sa kanyang kabuuan ang
damdamin mula sa mga daliri nito.
Hindi matanggap ni Victor na ibalik si Nyora tentay sa dati nilang tirahan sa Canal de
la Reina, kahit iyon ang payo ng doktor. Muli niyang dinalaw ang pook na sinalanta ng baha.
Habang naglalakad ay nakasalubong niya si Delang, ang asawa ni Doro. Ibinalita niya na
namatay na si Doro. Maraming kwentang hawak si Doro, at nang matapos ang baha, hindi niya
naisipang hanapin ang mga taong alam niyang may utang kay Nyora Tentay.
Ibinalita rin niya na bawal nang magpatayo ng bahay sa Canal de la Reina, kung hindiy
paaalisin ng gobyerno. Ibinalita rin niya na namatay na rin si Dado, ang asawa ni Pacing.
Nakasalubong rin niya si Justo, ang laging ipinatatawag ni Nyora Tentay tuwing may
ipapaayos sa bahay. Alam niyang lagi nitong tinutukso si Tisya. Tinanong nito kay Victor kung
may balita na kay Tisya na matagal nang nawawala. Maraming tao ang namatay dahil sa baha.
Pati nga si King Kong ay nawawala pa rin, ngunit sapat na kay Victor ang walang nag-uusisa
tungkol kay Nyora Tentay, gayong alam niyang pinaguusapan ng buong pook ang wariy
pagkabaliw nito. Sa sandaling iyon, natiyak ni Victor na iiwan na nila ang Canal de la Reina, sa
gusto o ayaw ni Nyora Tentay.
Kabanata 29: Papalapit na Wakas
Bumalik si Victor sa kanyang tirahan para makita ang ina. Ibinalita nito kay Nyora
Tentay na ang kanyang tirahan sa Canal Dela Reina ay tuluyan ng nasira ng nagdaang bagyo.
Nagising si Nyora Tentay at nagtanong tungkol kay Ingga. Sinisisi niya ito sa
pagkawala
ng mga alahas nito. Ipinagtapat rin ni Victor na gusto na niyang magsarili at magkaroon ng
sariling bahay. Ngunit alam na nilang panalo na sila Caridad kaht na hindi pa nadedesisyunan
ng korte kung sino ang panalo o hindi. Binitiwan na ng abogado ni Nyora Tentay ang kaso
ngunit nagpumilit pa rin si Nyora Tentay hanggang malitis ang kaso. Ang hatol ay ang lupa sa
Canal Dela Reina ay orihinal na pagmamayari ni Caridad.
Marami ng tumatawag sa bahay ni Caridad upang batiin ang pagpasa ni Leni sa board
exam. Si Leni naman ay tuwang tuwa dahil mamanhikan si Gerry sa kanyang pamilya kasama
ang kanyang ama, si Vic.
Kabanata 30: Dito Babangon
Hindi inaasahan ni Vic na siya ay buong pusong paring tatanggapin sa tahanan nila
Caridad at Salvador. Binati naman agad ni Vic si Leni sa pagpasa ng board at sa pagiging
opisyal na doktora. Habang naguusap sila sa may sala at naanigan ni Vic si Ingga sa salamin at
tinawag niya ito na nagbigay takot naman kay Ingga. Inamin na ni Caridad kay Vic na si Ingga
talaga ang nakakuha sa bayong ni Nyora Tentay. Gustong bawiin ni Vic si Ingga upang ipaalam
sa kanyang ina na ang nakakuha ng bayong nito ay si Ingga ngunit ayaw na ni Ingga na bumalik
pa ulit kila Nyora Tentay at itoy luluwas na ng probinsya sa araw din na iyon.
Sinabi na ni Gerry na magpapakasala na sila ni Leni ngunit parang kinakabahan pa siya
sa mga mangyayari . Ipinaalam din ni Gerry ang mga plano nilang dalawa ni Leni lalo na ang
pagpapatayo ng ospital sa loob ng kanilang bakuran na malapit rin sa kanilang bahay. Ang
ospital na ito ay para lamang sa mga taong walang panggastos upang ipagamot ang kanilang
mga anak.
Araw na ng kasal ni Gerry at Leni ng lumambot na muli ang puso ni Gracia sa dati niyang
asawa na si Victor.
Naitanong ni Caridad kay Junior kung may naiisip na itong konsepto o plano sa balak na
ospital ng kanyang kapatid dahil alam ni Caridad na gusto talaga ni Junior
ang Architecture. Naisip ni Junior na ang magandang itayo roon ay ang isang simbolo ng
pagtindig ng isang bagong pamayanan na malaya. Itoy kanyang naisip dahil kinakailangan nila
ng pagbabago at kinakailangan rin magkaroon ng kahulugan ang lupang iyon hindi lamang bilang

isang lupang sinilangan ng kanilang ina kung hindi simbolo ng pagbabago.


Tagpuan:
Inilarawan ang tagpuan bilang isang maburak, mabaho, at pinamumugaran ng mga
iskuwater. Ipinapakita rin nito na hindi lamang mga bagay o mga tao ang maaaring maging
simbolo ng pagbabago. Nagkaroon din ng matinding relasyon ang mga tauhan sa tagpuang
Canal de la Reina dahil ang lupang pagmamay-ari ni Caridad ay nandirito. Maraming pangyayari
ang naganap sa lugar na ito at dito umikot ang kabuuan ng nobela
Bisang Pangkaisipan
Kapit sa patalim, mga katagang naglalarawan sa mga taong nakatira sa Canal De La Reina.
Dahil na rin sa kahirapan ng buhay kung kaya naman marami ngayon ang handang gawin ang
lahat mabuhay lamang sa pangaraw-araw.
Ang akda ay sumasalamin sa tunay na kalagayan ng lipunan malayo sa inaakala nating
malafairytale na mundo. Natutunan ko dito na maraming tao ang mapagsamantala sa kalagayan
ng mga mahihirap.Ang mga mayayaman ay lalong yumayaman, samantalang ang mahihirap ay
nanatiling mahirap.Kalagayang magpasahanggang ngayon ay namamayani sa ating lipunan.
Tunay ngang marami pang bagay na hindi natin alam sa mundong ito. Ngunit isa lamang ang di
nating matatanggi, na bulok ang sistema at maraming nagdudusa sa mga taong walang
malasakit sa kapwa.
Bisang Pandamdamin
Masakit mang aminin ngunit ang mundong ating ginagalawan ay kahindik-hindik ang sitwasyon.
Marami sa ngayon ang kalagayan sa buhay ay lubhang nakakaawa. Sa akdang ito pinukaw nito
ang aking awa gayun na rin ang galit sa mga mapangabuso at tusong tao. Isang makaantig
damdaming nobela na sumasalamin sa kabulukan at kasamaan na namamayani sa mundo.
Bisang Pangkaasalan
Dahil sa akdang ito ay natutunan kung gaano kahalaga na igalang at irespeto ang pagkatao ng
bawat isa sa atin. Dito pinamulat niya sa akin na mas mahalaga ang maging mabait, matapat, at
matulungin na hindi mapapantayan ng anumang salapi.
Ang mundo man ay pinaiikot ng salapi ngunit dapat ay hindi tayo magpatangay at labanan ang
mapangaping sistema ng ating lipunan. Lagi nating isaisip at isapuso na maging pantay ang
pagtrato natin sa ating kapwa tao at huwag abusuhin ang kalagayan nila.

Nena at neneng
Talambuhay ng May-akda
Si Valeriano Hernandez Pea (ang Pea ay apelyido ng kanyang ina) ay isinilang sa nayon ng
San Jose, Bulakan, Bulakan noong Disyembre 12, 1858. Siya ay bunsong anak nina Marcos
Hernandez at Dominga dela Pea. Ang kanyang ama ay isang platero, at ang hanapbuhay na ito
ang kanyang ginamit upang maitawid ang kanyang pamilya sa pang-araw-araw na
pangangailangan.
Nagsimulang mag-aral si Tandang Anong (ito ang tawag sa kanya ng mga kasamahang
manunulat sa Muling Pagsilang) ng Kartilya at ang kanyang naging guro ay ang kanilang kapit-

bahay na si G. Marcelino Nuque. Sa murang edad na sampu ay nakitaan na siya ng pagkahilig


sa pagbabasa at pagsusulat.
Sa nayon ng Matungao, Bulakan, Bulakan ginugol ni Tandang Anong ang malaking
bahagi ng kanyang kamusmusan sa piling ng mga kababatang sina Gregorio Santillan (ama ng
mga manunulat na sina Dr. Jose Santillan at Dr. Pura Santillan-Castrence), Benito dela Pea,
at Mariano Cristobal.
Nagsimula siyang mamasukan bilang kawani ng isang Kapitan Alvarez sa gulang na
labindalawa matapos pumanaw ang kaniyang ama. Nagsilbi rin siyang kawani ng husgado.
Nakasal siya kay Victoria Laktaw, isang taga-Matungao sa gulang na 45, subalit ang magasawa ay hindi pinalad na mabiyayaan ng anak.
Buod:
Sina Nena at Neneng ay dalawang magkaibigan na higit pa sa tunay na magkapatid ang
turingan sa isat-isa. Kapwa sila ulila ng lubos sa kanilang mga magulang. Si Nena ay kinalinga
ng kanyang ale na si Aling Anday samantalang si Neneng ay ang kanyang kuya Pepe na nagasawa bago pa man siya magdalaga. Pananahi ang kanilang hanapbuhay at tuwing umaga ay
dinaraanan ni Nena si Neneng at magkasabay silang pumapasok sa patahian at kung hapon
naman ay sabay silang lumalakad pauwi.
Isang araw ay maagang nagising si Nena at idinahilan sa kanyang ale na siyay
magsisimba. Si Nena ay niligawan ng lilong si Miguel at nagpasya silang magkita sa tapat ng
simbahan. Nagtaka si Neneng sapagkat iyon ang unang beses na di siya dinaanan ng kaibigan
kaya pumunta siya sa bahay ni Nena upang malaman ang sanhi nito. Sinabi ng kanyang ale na
nagsimba kayat pumasok siyang mag-isa sa patahian na punung-puno ng paghihinanakit. Ilang
sandali ay nagkaayos din ang dalawa subalit di napigilan ni Neneng na magsumbong sa ale ni
Nena. Ang nasa niya ay maputol ang nalululong na loob ng kaibigan kayat hinintay niya ang
pagkakataon na makausap ang ale nito at ipinahayag ang pagkakasundo nina Nena at Miguel.
Nagalit ang kanyang ale at nawikang mabuti pa ang siyay mamatay kaysa makitang mag-asawa
kay Miguel sapagkat siya ay isang lalaking mayabang at may palalong puso. Dahil sa pahirap sa
kanya ng kanyang ale ay sumulat siya kay Miguel subalit hanggang sa lumubog ang araw ay di
man lang niya nakita si Miguel. Kinabukasan ay nakita nina Nena at Neneng na magkasama
sina Miguel at Chayong na na nagtatalik sa lansangan at kapwa naghahatiran ng sulyap ng mga
matang nag-iibigan. Magdamag palang magkasama ang dalawa sa isang piging.
Labis na naninibugho ang puso ni Nena sa kanyang nakita. Dinamayan ni Neneng ang

kanyang kaibigan at pinayuhan na di siya dapat malungkot at sa halip ay magalak sapagkat


maaga niyang nakilala ang tunay na katauhan ni Miguel at ipagpasalamat na di pa sila nakakasal
ay natanto na ang karungisan ng kanyang puso. Napagpasyahan ni Nena na magpakalayo kay
Miguel kaya naman nagalak ang kanyang ale.
Samantala, labis na namighati si Narciso nang malamang may relasyon ang kanyang
pinsang si Miguel at si Chayong. Nais niya sanang maghiganti subalit dahil sa tunay niyang
mahal si Chayong ay ipinaubaya na lamang ito sa kanyang pinsan. Isang araw, nagkita si Tiya
Belang at Narciso at inanyayahan siya nito na pumunta sa kanila. Nagkita sila ni Chayong,
nagkausap at nagkapatawaran. Sa daan pauwi, naglalakad si Narciso na lito ang isip sa
paggunita ng mga araw na nakalipas nila ni Chayong nang nagipit siya ng isang karumatang
matulin ang takbo at sa pag-ilag ay nabangga niya si Neneng. Namangha siya sa kanyang
nakitang binibini at agad itong nakaagaw sa kanyang pansin. Agad siyang humingi ng tawad
dito at sinuklian naman ito ni Neneng ng isang ngiti ng pagpapatawad.
Isang araw, isang sulat buhat sa lalawigan ang natanggap ni Aling Anday. Nalaman niya
buhat kay Gregorio Magpayo na namatay ang kanyang asawa na si Andoy at pamangking si
Beatriz dahil sa sakit. Napagpasyahan nila ni Nena na umuwi kaagad at inihabilin kay Neneng
ang kanilang bahay.
Isang gabing nalulumbay si Nena sa pagkakalayo sa kaibigang si Neneng ay nagkausap
sila ni Deogracias at nagtapat ito ng kanyang pag-ibig. Si Deogracias ay pamangkin ni Andoy
na buhat pa sa kamusmusan ay inarugang kasama ni Nena.
Sa pagdalaw ni Narciso sa bahay ni Neneng ay nagkita at nagkausap sila ni Pepe at
naitanong nito ang sanhi ng pakikipagkilala sa kanila. Ipinagtapat ni Narciso ang layunin niyang
umakyat ng ligaw kay Neneng. Sinang-ayunan naman ito ni Pepe at pinayuhan na kilalanin muna
ang isat-isa upang di magsisi sa huli.
Isang hatinggabi, ay nagtanan sina Miguel at Chayong. Ganoon na lamang ang
paghihinagpis ng mga magulang ni Chayong dahil sa ginawang pagtataksil ng kanilang anak.
Tatlong araw din ang nakalipas bago nila nadatnan ang pinagdalhan ni Miguel kay Chayong.
Nagsakdal ang mag-asawa sa may kapangyarihan at lumakad ang mga kawani ng puno ng pagusig at hinanap sila sa lahat ng sulok ng nayon. Nang matagpuan ang dalawa ay niyakap si
Chayong ng kanyang ina samantalang si Miguel ay ipinadala sa pangulong lalawigan at
pinatawan ng salang pag-agaw sa babae.
Sinagot ni Nena si Deogracias. Di naglaon kumalat ang balitang si Isiang na isang

binibining kababayan ni Deogracias at ni Nena ay ninanais ng kamag-anakan ni Deogracias na


kanyang maging asawa kaya naman si Nena ay tumangis nang husto subalit ang dalawang ito ay
walang pagtingin sa isat-isa at gawa ng mga kamag-anakan ni Deogracias na ang adhika ay
masira ang umaalingawngaw na pagkakasundo ng dalawa. Ang matamis na paggigiliwan ni Nena
at Deogracias ay nahantad sa kanilang ale kaya ipinagtapat nila ang kanilang niloloob sa isatisa at itinakda ang kanilang kasal.
Sa malungkot na bilangguang pinagpiitan kay Miguel ay unti-unting nangayayat,
nanghina at di nakalaban sa dagsa ng mga sakit sa mga dahilang kulang siya sa pagtulog, salat
siya sa pagkain at pagkakaroon niya ng tanod na animoy mga halimaw. Nagtiis siya at
idinadalanging makatagal at magkita sila ni Chayong sa kanyang paglabas. Sa isang sulat na
tinanggap niya mula kay Narciso ay ibinalita nitong nanganak si Chayong ng isang magandang
sanggol na lalaki at sa linggo ito pabibinyagan. Kasalukuyang pinagduduklay-duklay ni Miguel
sa loob ng bilangguan ang binyag ng kanyang anak kinabukasan nang tinawag siya ng isang
tinyente ng hukom at iniharap sa pasulatan ng eskribano upang ibabala ang hatol. Buhat dito
ay napag-alaman niyang anim na buwan pa siyang ipipiit at siyam na buwan na ang kanyang
inilagi sa bilangguan bago siya nahatulan.
Ikawalong oras at kalahati ng umaga ng Disyembre ay dumating sina Nena at
Deogracias sa Maynila at pumunta sakay ng isang karumata sa bahay ni Neneng. Agad na
sinalubong ni Neneng ang kaibigang si Nena. Ipinakilala nito ang makakaisang dibdib na si
Deogracias. Maya-mayay pumunta ang tatlo sa Rosario at namili ng kanilang kailangan sa kasal
at sa di hinihintay na pagkakataon ay nasalubong nila sa daan si Narciso at dooy nagkakilala
ang dalawang binata sa pamamagitan ng magkaibigang Nena at Neneng. Kinabukasan ay
nagsimba sila sa unang araw ng Misa de Gallo.
Dahil sa dagan-dagang mga hirap ng loob ay nangayayat at nagkasakit si Miguel. Si
Chayong naman ay laging umiiyak at di makadalaw sa hospital ng San Juan de Dios kung saan
nakalagak si Miguel dahil bantay sarado siya ng kanyang mga magulang. Namatay si Miguel na
di man lamang nakikita ang kanilang anak ni Chayong. Kinabukasan ay dumating ang balita kay
Narciso na pumanaw na si Miguel kaya dagli-dagli niyang sinabihan si Chayong at pumunta sila
sa Hospital ng San Juan de Dios. Nakiusap si Narciso sa namamahala upang ipagkaloob sa
kanila ang bangkay ni Miguel at sila na ang magpapalibing subalit hindi sila pinahintulutan
sapagkat may pinunong dapat magpasiya sa gayong namamatay na di pa natatapos ang panahon
sa pagkakabilanggo. Makalipas ang ilang araw ay inilibing si Miguel sa isa sa mga libingan sa
Maynila kung saan nakatunghay na naghihinagpis si Chayong at ang anak na si Narciso.

Sa simbahan ng Bayang B sa Bulacan ay idinaos ang kasal nina Deogracias at Nena


kung saan dumalo sina Neneng, Pepe, kanyang asawa at mga anak nito.
Samantala, isang liham ang natanggap ni Neneng buhat kay Isko na nagpapahayag ng
kanyang pag-ibig sa dalaga. Pinabasa niya ito kay Narciso at tinanong siya kung ano ang
kanyang loob dito. Lumiham si Neneng kay Isko at dito ipinagtapat niya na wala itong
maaasahan sa kanya.
Sa kalapit bahay ni Chayong ay may idinaos na piging. Isang sanggol ang bininyagan at
ang mga kilala niya na nagsidalo sa nasabing handaan ay nagsipag-usisa ng makitang may iniiwi
siyang sanggol. Tinanong nila ang ama ni Chayong kung sino ang ama ng sanggol. Hindi ito
nakasagot at isang maasim na ngiti ang ipinamalas sa mga panauhing nagsisipag-usisa. Di
naglaon ay nalaman din ng mga panauhin ang tunay na dahilan at pagkaalis ng mga ito ay
nagngingitngit na dinaluhong si Chayong ng kanyang ama ng isang suntok dahil sa matinding
pagkapahiya. Pinigilan ito ng kanyang ina subalit wala itong nagawa. Lumuluha si Chayong na
nagbalot ng ilang pirasong damit at mga lampin ng kanyang sanggol at pumunta sa bahay ni
Neneng. Doon ay malugod siyang pinatuloy ng mga ito at kinalinga.
Pagkalipas ng isang buwan mula nang matanggap ni Isko ang liham ni Neneng ay idinaos
ang kasal nila ni Narciso. Dumalo sina Deogracias at Nena at Chayong na nakikipisan sa kanila.
Araw ng Linggo ay sumama sina Neneng, Narciso, Chayong at sanggol nito kina Nena at
Deogracias sa pag-uwi sa probinsiya. Dahil dito, ay muling nakita ni Isko si Neneng.
Bumalik ang mag-asawa sa Maynila at pagkaraan ng ilang araw ay muling nakatanggap
si Neneng ng sulat galing kay Isko na patuloy pa ring nangingibig sa kanya sa kabila ng
pagkakaroon niya ng asawa. Ipinahayag niya sa sulat na dadalaw ito sa kanila. Natilihan si
Neneng at di niya malaman kung ano ang gagawin. Napagpasyahan niya na ipapabasa niya ito
kay Narciso subalit dinatnan ng mabigat na sakit si Pepe kaya nalimutan na niya ang tungkol
dito. Namatay si Pepe at naiwang nagdadalamhati si Neneng at asawa nito.
Isang araw ng naghuhusay ang mag-asawa ng kanilang mga damit sa sisidlan ay nahulog
ang isang sulat at nadampot ito ni Narciso. Tinanong ni Narciso si Neneng kung kanino galing
iyon at tinugon niya na sulat iyon ni Isko. Ipinaliwanag niya na natanggap niya ang sulat noong
magkasakit ang kanyang kuya at nakaligtaan niyang sabihin ito sa kanya. Subalit hindi
naniwala si Narciso at naghinalang naglilihim sa kanya si Neneng. Muling lumiham si Neneng
kay Isko at sinabing kung magpipilit ito sa kanyang gusto ay handa siyang magsakdal sa
maykapangyarihan sapagkat nakasisira ito sa relasyon nilang mag-asawa. Mula noon ay
nagkaroon na ng lamat ang kanilang pagsasama.

Si Isko ay nagpasyang lumuwas ng Maynila upang makita si Neneng kaya naman ang
ipinadalang sulat ay hindi niya nabasa, sa halip ay ang alila nitong si Andres ang nakatanggap.
Sapagkat di alam ng alila kung nasaan si Isko ay nagpasya itong itago na lamang ang sulat.
Tanghali noon ng dumating si Isko sa Maynila at pumunta kaagad sa bahay ni Neneng.
Pagkakita ni Neneng kay Isko ay nabigla ito at nagdalawang isip kung patutuluyin ang bisita
subalit dahil sa kagandahang asal ay pinatuloy niya ito. Datapwat nang anyong nananhik si
Isko ay waring nagulumihanan ng maalalang parating na ang kanyang asawa. Subalit naroon na
si Isko at dito sinimulan ng masamang budhi ang linuhug-luhog kay Neneng. Panay ang luha ng
pakiusap ni Neneng na siyay limutin na subalit mas lalo itong sumigla sa pagsamo. Nang walang
pamatasan ang abang si Neneng ay biglang pumasok sa silid at kumuha ng sandatang
pantanggol. Dumating si Narciso at dahil sa malaking kahihiyan at pagkatakot ay tumalon si
Isko. Lumuluhang sumalubong si Neneng sa asawa ngunit ang mga luhang itoy naging
katibayan ni Narciso ng isang pagtataksil.
Makapaghihinala si Narciso at ayon sa nakita niyay walang mathid na maitututol,
ngunit ang hinalang itoy isang sukat naman maging kahulugan kay Neneng ng isang paghamak
sa kanyang pagkababae. Ang dating tamis ng pag-asang iniibig siya ni Narciso ay naging
masaklap na sakit noon. Walang anumang binanggit si Narciso ng anuman tungkol sa kanyang
nakita. Nagbihis na dali-dali, lumuluhang hinagkan sa noo ang asawa at umalis. Tinanong ni
Neneng kung saan ito patungo ngunit hindi man lamang siya pinansin at patuloy sa patuling
paglakad. Sa masungit na dilim ay tinahak ni Narciso ang kabukiran, samantalang si Neneng ay
napatutungo naman sa bahay ng kanyang hipag. Napansin ng hipag ni Neneng na malungkot
siya nang dumating kayat tinanong niya ito. Hanggang nalalaon ang pag-uusap ay unti-unting
nabubuo ang panghihinuha ng hipag sa palagay na pinagbuhatan siya ng kamay ni Narciso.
Gayun pa man, nakiusap pa rin si Neneng na samahan siyang hanapin si Narciso at hindi naman
siya tinanggihan ng kanyang hipag. Nagmamasakaling makita ni Neneng ang kanyang asawa
ngunit bumalik silang bigo. Nanaog at parang ulol na lumakad ng mag-isa si Neneng upang
bumalik sa kanilang bahay. Sinamahan naman siya ng kanyang hipag. Ngunit mas lalo pang
bumibigat ang kanyang pagpipighati nang hindi pa rin pumaparoon sa kanilang bahay si
Narciso.
Tatlong araw na ang nakalipas ngunit hindi pa rin bumalik ang kanyang asawa.
Dapatwat nang mabuo ang sapantahang silang mag-asaway di na magkikitang muli, ay sa hipag
na lamang iniwan ang bahay, mga damit at ari-ariang sarili nilang mag-asawa. Hinabilin niya sa
kanyang hipag na kay Nena lang siya pumaroon kung hahanapin man siya nito. Hindi na siya
napigilan pa at siyay umalis. Samantalang sukat ang malaking pamamangha ni Nena nang siyay

makarating doon. Nalaman ni Neneng na nakapunta si Narciso sa bahay ni Nena at hinabilin pa


nitong doon muna manuluyan si Neneng sa kaibigan sapagkat matatagalan pa raw ang kanyang
pagbabalik. Namangha si Nena sa pag-alis ni Narciso at tinanong niya si Neneng kung ano ang
dahilan. Ipinagtapat naman ni Neneng kay Nena ang buong nangyari at nang maawas-awasan
sa bigat ng mga hirap na dala-dala ng loob. Ngunit ang lihim na itoy inuring kanya ni Nena at
kanino may di ipinamalay. Lubos ang pagdadalamhati ni Neneng hanggang siyay magkasakit.
Walang ibang sinisi si Nena sa nangyari sa kaibigan kundi si Narciso at kung bakit ito pa ang
pinakasalan.
Samantalang walang ibang sinisi si Neneng kundi ang kanyang sarili sa paglilihim kay
Narciso sa sulat na galing kay Isko at pagpapanhik nito sa bahay nang wala ang asawa. Ngunit
sinabi naman ni Nena na walang kasalanan si Neneng sa nangyari sapagkat walang katuturan
ang panibughong iyon sa kanya ng asawa. Sa pag-iingat ni Nena na baka mas lalong lumala ang
pagdadalamhati ni Neneng sa matagal nilang pag-uusap tungkol kay Narciso ay nagdahilang
sandali at siyay iiwan, ngunit di pumayag si Neneng at muling pinaupo sa kanyang piling at
tinanong sa kaibigan kung naniniwala ba ito sa isang panaginip. Sinabi naman ni Nena na katakata niya lamang iyon. Napahinto sa pagtatawanan ang magkaibigan nang dumating si Isko
kasama ang isang manggagamot. Akmang ang lahat ng dugo ni Nena ay umakyat sa mukha at
ang katuwaay nahalinhan ng malaking galit. Nakita naman sila ni Deogracias kaya pinaalis agad
sila nito. Nanaog si Isko at ang kanyang kasama, taglay ang nakauumid na nangyari sa
pagkaparoon, na parang bunga ng marumi niyang adhika sa ngayoy napahamak na pag-aasawa
ng kulang-palad na si Neneng.
Sa di paghahantong ni Narciso ng nilakad-lakad na itinataguyod ng nakalulumbay
niyang napagsapit, ay sa malayong lalawigan umabot at doon na tinangka ang makipamayan.
Marami siyang nakasalamuha dahil sa kaamuan ng kanyang pag-uugali. Madalas niyang
nagugunita ang asawa at may sandaling pinupukaw ang kanyang loob na magbalik. Ngunit naisip
niya ang nakauumid niyang palad. Dumating ang araw ng malaking pagkawili na kaipalay
pagsisisihan din.
Wala nang magiging kagamutan ang sakit ni Neneng kundi ang muling humilig sa
sinapupunan ni Narciso. Hindi naman niya pinapahalata sa kaibigan na malapit na siyang
mamatay kayat nagkaroon ng pag-asa si Nena na malunasan pa ang kanyang karamdaman.
Ngunit dumating na ang takdang panahong mamamatay na siya ay may habilin siya kay Nena na
isang sulat para kay Narciso. Hinabilin din niya na huwag gumugol ng anuman sa kanyang libing
at iyon ang kahuli-hulihang bilin na ibig masunod. Hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Nena at
pawang nakatulog lamang ng mahimbing. Noon din ay ibinalita sa hipag ng kaibigan ang

kamatayan niya. Kinabukasay idinaos ang libing at kay Nenay ito ang katapus-tapusang araw
ng di kakaunting panahong ipinagsama nilang dalawa.
Samantalang si Isko naman ay hindi tumigil sa mga masasama niyang hilig sa
pagsusugal hanggang sa naubos ding lahat ng mga aring minana niya. Hindi naglaot natutop
siya ng mga kawal ng punong nagsisiusig at isang punlo ang sa kanyay lumagot. Tinapos ang
kamatayan ni Isko na walang dangal, kalait-lait, at kahiya-hiya sa kapwa.
Tila iniaakma ng pagkakataon ang nangyayari kay Narciso sa bayang kinalalagyan niya
upang mapilitan ding umuwi. May ilang Linggo na sa kanyay laging matamlay madalas na tila
nanghihina, tuwinay malungkot, at di nalaot nagkasakit. Di naglaon ay napag-isipan din niyang
umuwi sa kanilang bayan. Pagdating niya sa bahay ng kaibigang si Nena ay inabutan agad siya
nito ng sulat. Doon, nabasa ni Narciso ang kinahantungan ng kanyang asawa. Hindi siya
makapaniwala at gusto niyang makita ang libingan ng asawa ngunit nahulog siya sa hagdanan at
namatay. Ginanap ni Nena at Deogracias ang kahuli-hulihang paglilingkod sa asawa ng
kaibigan,at sa libing din ni Neneng siya isinama. Di sila nagsama sa buhay na ito ngunit
nagsama sila sa hukay, diyan sa mapanglaw na libing, diyan sa malumbay na hangganan ng
lahat.
LUHA NG BUWAYA
Tauhan
bandong Cruz Siya ay isang gurong hinirang upang maging panibagong principal o punong- gurong isang
paaralan sa Sampilong. Siya ay anak ng isang magsasaka at maagang naulila
Don Severo at
Doa Leona Grande Sila ang mayamang mag-asawa na mapang-abuso sakanilang mga trabahador at sa mga
nangungupahan sa kanilang mga lupain. Mayroon silangdalawang anak na nagngangalang Jun at Ninet.
Dislaw Ang katiwala ng mga Grande na mayabang, may masamang ugali at kinamumuhian ngmga magsasaka.
Siya ang karibal ni
Bandong sa magandang dalagang si Pina
Pina Ang dalagang iniibig pareho nina
Bandong at
Dislaw. Siya ay anak ni Mang Pablo at AlingSabel.
Andres Isang lalaking naninirahan sa iskwater area na may lihim na pagkatao. Pinagbintangansiyang
magnanakaw ng ulo ng litson na iniabot lamang sa kanya.
Tasyo Siya ang hinirang na pinuno ng unyon
.
Tagpuan:
Sa probinsya
Katunggali:
Ang kwento ay umiikot sa pang-aapi ng isang mayamang pamilya sa mga maralitang mamamayan ng isang bayan
saprobinsya, at kung papaano nakaisat nagsama-sama ang mga nasabing mahihirap upang lumaban at malutas
angkanilang mga problema.
Buod:
Kagagaling ni

Bandong, guro sa Sampilong, sa opisina ng Superintendente sa kabisera ng lalawigan sapagkattinagubilinan


siyang manuparang pansamantalang prinsipal sa kanilang nayon samantalang nagbabakasyon angtalagang
prinsipal, si Maestrong Putin.
Dinalaw ni
Bandong si Pina, ang pinakamagandang dalaga sa nayon at anakni Mang Pablo na pangulo ng PTA at
sinusuyo ni
Bandong, upang makipagbalitaan at magpalipad-hangin ukol sakanyang pag-ibig. Nalaman ni
Bandong na may pabatares sa pagapas kinabukasan sina Mang Pablo. Sa gapasan,nagin masaya ang mga
manggagapas kahit na lumabas si donya Leona Grande, ang may ari ng pinakamalawak nalupang sakahin sa
Sampilong. Napakahigpit na kasama si donya Leona.Nang ipaghanda sa bahay-asyenda ang dalawang anak ni
donya Leona, si Jun na nagtapos ng medisina at si Ninet nanagtapos naman ng Parmasya, ang mga kasamang
babae at lalaki ay hugos din sa bahay na bato sa pagtulong samga gawain at sa pagsisilbi sa mga panauhin.
Naganap sa kasayahang ito ang kaguluhang kinasangkutan ni Andres,isang eskuwater na nakatira sa pook na
tinaguriang Tambakan. Nagawi sa Sampilong si Andres mula sa Maynilanoong panahon ng Hapones sa pagkat
natandaang sinabi ng yumaong ina na may kamag-anakan sila sa Sampilong.Nang matapos ang digmaan, si
Andres at ang kanyang mag-iina ay hindi na nagbalik pa sa Maynila.Nakilala nang lubusan ni
Bandong si Andres nang ipinapasok nito sa grade one ang anak na sampung taon. Inamukini
Bandong si Andres na magtayo ng cottage industries sa kanilang pook ng mga eskuwater ngunit
pagkataposlamang na ayusin at linisin nila ang kanilang pook. Pumayag si Andres at ang mga
eskuwater sa mungkahi ni
Bandong.
Bumuo ng isang samahan ang mga magsasaka at si
Bandong ang tagapayo nito. Isinumbong ni
Dislaw, angengkargado at badigard ni don Severo Grande, ang unyon ng mga magsasaka.Ikinagalit iyon ni
donya Leona lalo na nang tanggapin nito ang manipesto ng mga kahilingan ng mga magsasaka.Tumanggi si donya
Leona sa mga kahingian ng mga magsasaka at ang mga ito naman at tumangging gumawa sa
kanilang mga saka.Samantalay nalinis at naayos nina Andres ang pook ng mga eskuwater at tinawag nilang
Bagong Nayon. Sa tulongni
Bandong, lumapit sila ni Andres sa Social Welfare Adminitration. Nakailak sila ng pondo mulsa sa mga kanayon
atsinimulan nilang itayo ang kooperatiba ukol sa industriyang pantahanan.Ngunit ang
Bagong Nayon ay sinimulang kamkamin ni donya Leona. Pagkatapos kausapin ang huwes ng bayan,isinampa ng
mga Grande ang habla at ang ginamit na tanging ebidensya ay isang lumang dokumento ng pagmamay-ari.
Kinasapakat din ni donya Leona ang alakalde na pinsan ni don Severo at ang hepe ng pulisya na inaanak namansa
kasal ng mag-asawang Grande.Lumaban ang mga eskuwater sa pamumuno ni Andres. Ang samahan ng mga
magsasaka at ang kooperatiba ng mgaeskuwater ay nagsanib at sa tulong ni
Bandong, sila ay nakakuha sa Maynila ng isang abogadong naging kaibigan ni
Bandong noong nag-aaral pa siya sa Maynila.Sa isang pagkakataon, nakatagpo ni Andres si Ba Inten na
pinakamatandang tao sa nayon. Sa Pagtatanong ni Andressa matanda, natiyak ni
Ba Inten na si Andres ay apo sa tuhod ng yumaong mabait na Kabisang Resong ng Sampilong.Mayaman sa
Sampilong ang nuno ni Andres ngunit nang mamatay ito ay napasalin sa mga magulang ni donya Leonaang mga
aring lupa nito. Nagawa ng mga Grande na palitawing ibinenta sa kanila ni Kabisang Resong ang lupa nitobago
namatay. Sa pagtatanong ni Andres sa kanilang abogado, nalaman niyang maaari pa niyang habulin ang lupaat
papagbayarin ng pinsala ang mga Grande.Sa utos ni donya Leona, naigawa ng kasong administratibo si Bandong.
Si Dislaw na karibal niBandong kay Pina at siHepe Hugo ng pulisya ang nakalagda sa sumbong. Nang
dumating ang pasukan, isang bagong prinsipal, si Mr.
Danyos, ang dumating sa Sampilong.Noon sinagot ni Pina si
Bandong. Pinagtangkaang halayin ni
Dislaw si Pina. Mabuti na lamang at dumalaw si
Bandong na kung hindi naawat ng mga dumalo ay baka napatay si
Dislaw. Sa nangyari, pinaluwas ni donya Leona saMaynila si
Dislaw.Isang gabi, lihim na ipinahakot ni donya Leona sa mga trak ang mga palay niya sa kamalig at ipinaluwas sa
Maynilaupang ipagbili sa intsik doon. Isang umaga nagisnan na lamang ng Sampilong na nasusunong ang kamalig
ng mgaGrande. Ibinintang ang pagkasunog ng kamalig sa mga pinuno ng unyon ng mga magsasaka at sa mga
pinuno ngkoopertiba ng mga eskuwater. Salamat na lamang at ang mayordoma sa bahay ng mga Grande, si Iska,

ay nagalitkay Kosme na mangingibig niya at siyang inutusan ng donya na sumunog sa kamalig,


dahil sa hindi siya ang isinamani Kosme sa Maynila kundi si Cely na kapatid ni
Dislaw. Ipinagtapat ni Iska kay Sedes na asawa ni Andres ang lihimat ipinagtapat naman ni sedes kay
Bandong.Nahuli si Kosme at umamin sa kasalanan. Isinugod pa ni Andres ang paghahabol sa hukuman sa lupa
niyangkinamkam ng mga Grande.
Dahilan sa kahihiyang tinamo, hinakot ng mga grande sa Maynila ang mga kasangkapanat doon na nagpirmi. Sa
Maynila , si
Donya Leona ay nagkasakit ng alta presyon at nagging paralisado nangmaatake. Si don Severo naman ay
nagkasakit ng matinding insomya.Samantala, napawalang saysay ang hablang administratibo laban kayBandong
at tiniyak ng Superintendente na siyaang ilalagay na prinsipal sa Sampilong sapagkat aalisin doon si
Danyos dahil sa hindi makasundo ng mga guro at ngmga magulang ng mga bata.Namanhikan si
Bandong kay Pina at may hiwatig na siya ay ikakandidato sa pagka-alkalde ng kanyang mga kanayonsa susunod
na halalan.
Komento:
Sadyang nakapanghihimok ng damdamin ang kwentong isinasalaysay ng Luha ng
Buwaya dahil ito ay tungkol samasaklap na kalagayan ng mga mahihirap na magsasaka at mga iskwater matapos
ang panahon ng pananatili atpagsakop ng mga Hapones sa Pilipinas. Pinapakita ng nobela ang tunggalian ng mga
mapang-abusong mayayamanna nagmamay-ari ng mga malawak na lupain (maaari ring tawagin na mga
haciendero) at ng mga inaapingmagsasaka at manggagawa na walang magawa sa kanilang kundisyon at kalagayan
sa buhay. Ang kwento ng Luha ng
Buwaya ay hindi lang basta kathang-isip o gawa-gawa lamang, kundi totoong nangyayari hindi lamang sa
Pilipinaskundi sa buong mundo.

TITSER -Liwayway Arceo


MAHAHALAGANG PANGYAYARI
Dumating si Amelita sa bahay.

Dito malalaman na siya ay guro sa isang pampubikong paaralan.


Ang pagdating ni Mang Ambo at ang kanilang diskusyon ni Aling Rosa.

Mapapalawig ang pag-unawa sa situwasyon ni Amelita sa nobela.


Tatawagin si Amelita upang kausapin ng mga magulang. Magsisimula ang kumprontasyon sa
pagitan ni Aling Rosa at ng anak.

Makikita rito na ipinipilit ng ina ang knayang kagustuhan kahit na napagpasyahan na ng anak
ang nais gawin sa buhay.
Sasabihin ni Amelita na hindi siya maaaring magpakasal kay Osmundo kahit na ito ang
kagustuhan ni Aling Rosa.

Ito ang wakas ng unang bahagi ng kwento at dito magsisimula ang tunggalian ng nobela.B.
HALAGANG PANGKATAUHAN / PANGKALAHATANG MENSAHE
Hindi lahat ng bagay ay mabibili ng pera. Ang mas mahahalagang bagay sa mundo, tulad ng
pag-ibig, tunay na kaligayahan atkabaitan ay hindi ginagamitan ng pera upang makamtan.
Mabuti ang sumunod sa mga magulang, ngunit may limitasyon ito. Dapat matuto ang isang tao
na tumayo sa sariling mga paa dahilhindi panghabangbuhay na nandyan ang mga magulang
upang maggabay at tumulong.
Maging matatag upang makamit ang mga pangarap. Kahit anuman ang sabihin ng iba, huwag
mawawalan ng loob dahil naghihintaysa wakas ang tagumpay kung may pag-asa at nagsisikap

ang isang tao.


Walang sinuman ang may karapatang pumigil na maisakatuparan ang pangarap natin. Nasa atin
ang kakayahan upang mabago angating kapalaran, at wala sa iba.C.
PAGKAKAPAMAGATAng akda ay pinamagatangTitser dahil isinasalay nito ang mga pangyayari
sa isang guro. Umiikot ang nobela sa buhay niAmelita na nagtuturo sa isang pampublikong
paaralan. Nakasaad dito ang mga paghihirap, kabiguan at tagumpay ng mga guro at ang
mgakontribusyon nila sa lipunan at sa pagbuo ng mga isipan ng mga kabataan.Titser ni
Liwayway ArceoTalasalitaan:1.
Kahulilip- Kapantay2.
Himutok- Hinaing3.
Hapis- Lungkot4.
Banayad- Katamtaman5.
Nangatal- Manginig ang tinig sa pagsasalita dahil sa tindi ng takot.Buod at PagsusuriSa ating
buhay, lagi tayong may pinagdadaanang pagsubok sa ating buhay.Mga pagsubok na bubuhog sa
ating pagkatao at magpapatibay saating mga kalooban. Bawat tao dito sa mundo ay
mararanasan ang kahirapan ng buhay katulad ng pangunahing tauhan
sa Titser ni Liwayway
Arceo.Ang nobelang Titser ni Liwayway Arceo ay sumesentro sa buhay ng mag-asawang
Amelita at Mauro na kapwa pinili ang propesyon ng pagtuturo. Nakapokus ang naratibo sa
mariing di-pagsangayon ni Aling Rosa, ang ina ni Amelita, sa pagsasamahan ng dalawa.
Sapagkat ang kanyangapat na anak ay nakapagtapos sa kolehiyo ng may "titulo," tutol si Aling
Rosa sa pagkuha ng kursong edukasyon ng kanyang bunso, dala na rin ngkaisipang hindi
titulong maituturing ang pagiging "titser", bukod pa sa kakarampot na sweldong nakukuha ng
anak. Gayunpaman, nakahanap ng pag-asa si Aling Rosa sa katauhan ni Osmundo, isang binata
mula sa pamilya ng mga asendero na sumusuyo kay Amelita. Subalit nabigo muli si AlingRosa
sapagkat iba ang iniibig ng kanyang dalaga, at ito'y walang iba kung hindi si Mauro, isang ring
guro sa pampublikong paaralan.Sa nobelang ito, lubos na ipinakita ang buhay mag-asawa ng
dalawang titser. Ipinakita kung paano nila hinarap ang bawat pagsubok na dumatingsa kanilang
buhay at kung paano nila ipinaglaban ang kanilang mga desisiyon. Katuald ng buhay ni Amelita,
ang kanyang inang si Aling Rosa aysobrang tutol sa kanyang kinuhang propesyon sa buhay pati
ang kanyang dapat mahalin at pakasalan ay tutol ang kanyang ina. Lagi niyangkunukumpara si
Amelita sa kanyang mga kapatid na lubos ang pagasenso sa buhay sa Maynila.Halos lahat sila
ay titelyadong mga tao. Ayaw ni Aling Rosa na makasal si Amelita kay Mauro na isang titser
din sa eskuwelahang kanyangtinuturuan. Wala daw siyang mapapala sa isang tulad niyang
titser ngunit sa huli, nanaig pa rin ang mga kagustuhan ni Amleita na mangyari sakaniyang
buhay. Silang dalawa ay nagkaroon ng anak na pinangalanan nilang Rosalida. Ng magkaroon ng
sakit si Aling Rosa, si Amelita lamang angnagalagang anak sa kanya kung kayat nagkabati muli ang magkatampuhang sina Amelita at Aling
Rosa. Para kay Aling Rosa dati, ang
pagigingTitser ay hindi isang titulo.Sa totoong buhay, hindi rin maiiwasan ng ibang mga
magulang na pumili ng mapa-nga-nga-sawahan ang kanilang anak, paminsan sila na ang nagdidikta ng ating kinabukasan. Sila ang nag-aayos ng kasal ngunit nasa anak pa rin ang huling
desisyon kung pakikinggan niya ba ang kaniyangmagulang o ang puso at isipan niya ang
kaniyang pakikinggan at susundin.Makikita na isa sa mga suliraning panlipunan sa kwento ay
ang kababaan ng tiningin ng mga tao sa mga guro. Sa kanilang palagay, hindi
isang tunay na propesyon ang pagiging guro dahil hindi ito humahakot ng sandamukmok na
kwarta. Ngunit, ku
ng ating susuriing mabuti, walangmagiging propesyonal na magagaling kung walang gurong

magtuturo sa kanila. Ito ang nais ipahiwatig ng manunulat sa lahat ng mga mambabasa.
.
Halagang PangkatauhanAng mga mahahalagang pangatauhan na ating matutunghayan sa
nobelang
Titser
ay:Paninindigan sa sariling opinyon
Makikita natin sa unang kabanata ang hindi pag payag ni Amelita sa kanyang ina na pakasalan
nito si Osmundo. Hindi siya sumasangayon dito pagkat ang kanyang puso ay nakatira na
sa iba, kay Mauro.
Ang pagiging isang titser ay ayaw ng kanyang ina pagkat wala daw mabuting idudulot ito at
wala rin daw itong
de titulo
. Ang kanyangibang anak ay mga duktor, parmasiyutika, inhinyero at abugado.Pagpapahalaga
sa pamilya
Ang buhay ni A
meilta ay parang naka ikot sa mundo ng kanyang ina at ama. Pagkat nasuway na niya ang
kanyang ina sa pagigingisang titser, itoy patuloy parin niyang nirerespeto.
Ilang beses na siyang dinidiin ng kanyang ina dahil sa kanyang trabaho, ngunit pinapabayaan
niya nalang ito.
II.
PamagatAng pamagat na Titser ay sadyang bagay sa nobela dahil ang buong kwento ay umikot
sa buhay ng mga guro. Ang mga suliraning
panlipunang nababalot sa tula ay tungkol sa buhay ng mga guro, kung kayat wasto at angkop
ang napiling pa
magat ng manunulat.
Buod
Di-pagsangayon ni Aling Rosa, ang ina ni Amelita, sa pagsasamahan ng dalawa. Sapagkat ang
kanyang apat naanak ay nakapagtapos sa kolehiyo ng may "titulo," tutol si Aling Rosa sa
pagkuha ng kursong edukasyon ng
BATA BATA PAANO KA GINAWA
Ang Bata, Bata Pano Ka Ginawa? ay isang nobela na isinulat ng batikang babaeng manunulat
na si Lualhati Bautista. Hinggil ito sa ginaganapang papel ng babae, katulad ng may-akdang si
L. Bautista, sa lipunan ng mga Pilipino na dating pinaiinog lamang ng mga kalalakihan.[1]
Sa mga nakalipas na panahon, sunud-sunuran lamang ang mga kababaihan sa Pilipinas sa
kanilang mga asawang lalaki at iba pang mga kalalakihan. Gumaganap lamang ang mga babae
bilang ina na gumagawa lamang ng mga gawaing pambahay, tagapag-alaga ng mga bata, at
tagapangalaga ng mga pangangailangan ng kanilang mga esposo. Wala silang kinalaman, at hindi
nararapat na makialam ayon sa nakalipas na kaugalian hinggil sa mga paksa at usaping
panghanap-buhay at larangan ng politika. Subalit nagbago ang gawi at anyo ng katauhan ng
mga kababaihan sa lipunang kanilang ginagalawan, sapagkat nagbabago rin ang lipunan.
Nabuksan ang mga pintuan ng tanggapan para sa mga babaeng manggagawa, nagkaroon ng
lugar sa pakikibaka para mapakinggan ang kanilang mga daing hinggil sa kanilang mga
karapatan, na buhay ang kanilang isipan, na may tinig sila sa loob at labas man ng tahanan. [1]

Ito ang paksang tinatalakay at inilalahad sa nobelang ito na may 32 kabanata. Sinasalaysay ng
katha ang buhay ni Lea, isang nagtatrabahong ina, may dalawang anak isang batang babae at
isang batang lalaki kung kayat makikita rito ang paglalarawan ng pananaw ng lipunan tungkol
sa kababaihan, pagiging ina, at ang kung paano ganapin ng ina ang kaniyang pagiging magulang
sa makabagong panahon.[1]
Naging pelikula rin ang mahabang salaysaying ito, na ginanapan ni Vilma Santos, bilang Lea,
noong 1998. Pinangasiwaan ng direktor na si Chito S. Roo ang pagsasapelikula ng nobela.[1][2]

Mga nilalaman

1 Mga pangunahing tauhan

2 MGA PANGYAYARI

3 Pagsasalinwika

4 Mga sanggunian

5 Mga kawing panlabas

Mga pangunahing tauhan

Lea ang bida at bayani sa nobela

Maya anak na babae ni Lea

Ojie anak na lalaki ni Lea

Ding lalaking kinakasama ni Lea, ama ni Maya

Raffy unang asawa ni Lea, ama ni Ojie

Johnny kaopisina at matalik na kaibigan ni Lea

MGA PANGYAYARI
1.Umiinog ang katha sa pambungad na pagtatapos ng kaniyang anak na babaeng si Maya mula
sa kindergarten. Nagkaroon ng palatuntunan at pagdiriwang. Sa simula, maayos ang takbo ng
buhay ni Lea ang buhay niya na may kaugnayan sa kaniyang mga anak, sa mga kaibigan niyang
mga lalaki, at sa kaniyang pakikipagtulungan sa isang samahan na pangkarapatang-pantao.
Subalit lumalaki na ang mga anak niya at nakikita niya ang mga pagbabago sa mga ito.
Naroon na ang mga hakbang sa pagbabago ng mga pag-uugali ng mga ito: si Maya sa pagiging
paslit na may kuryosidad, samantlang si Ojie sa pagtawid nito patungo sa pagiging isang ganap
na lalaki.
2.Dumating ang tagpuan kung kailan nagbalik ang dating asawa ni Lea upang kunin at dalhin
sana si Ojie sa Estados Unidos. Naroon ang takot niyang baka kapwa kuhanin ng kani-kanilang
ama ang kanyang dalawang anak. Kailangan niya ring gumugol ng panahon para sa trabaho at sa
samahang tinutulungan niya.
3.Sa bandang huli, nagpasya ang mga anak niyang piliin siya isang pagpapasyang hindi niya
iginiit sa mga ito. Isa ring pagtatapos ng mga mag-aaral ang laman ng huling kabanata, kung
saan panauhing pandangal si Lea. Nagbigay siya ng talumpati na ang paksa ay kung paano
umiiral ang buhay, at kung paano sadyang kay bilis ng panahon, na kasingbilis ng paglaki,

pagbabago, at pagunlad ng mga tao. Nag-iwan siya ng mensahe na hindi wakas ang pagtatapos
mula sa paaralan sapagkat iyon ay simula pa lamang ng mga darating pang mga bagay sa buhay
ng isang tao
DEKADA 70
Komunikasyon sa pagitan ng mag-asawa. Naiparating ngnobela na ang pagkitil sa boses ng
isang asawa angmaaaring magdulot ng malalim na hidwaang emosyonalng magkabiyak.3.
Suliraning Pang-sarili: Sinabi ni Amanda kay Julesna hindi niya alam kung saan siya nagkamali
sapagpapalaki ng kanilang mga anak. Ngunit sakabilang banda, kung tutuusin ay inialay ni
Amandaang kaniyang buhay sa pag-aalaga ng kaniyang buongpamilya.4.
Suliraning Pangkalalakihan: Sinabi ni Jules kayAmanda na kahit ang mga lalaki ay nasasaktan
aykinikimkim na lamang ng mga lalaki ang kanilangnararamdaman dahil hindi magandang
Makita silangumiiyak o nagsasalita ng tungkol sa problema. Angpaniniwalang ito ay idinikta ng
lipunan at kulturangPilipino.5.
Suliraning Pangpolitikal: Sa panahon ng dekada 70naipatupad ang Martial Law na nagbukas
sa maramingisipan at damdamin ng mga Pilipino tungkol sa pang-aabuso ng gobyerno sa
kanilang karapatangpangkalayaan.
IV.
BUOD
Ang Dekada 70 ay tungkol sa pangarap ng isang babae namagkaroon ng sariling katangitanging pagkatao atpagkakakilanlan.Si Amanda Bartolome, sa simula ng nobela, ay
isangkaraniwang maybahay at ina, na walang inatupag kundipangalagaan at asikasuhin ang
kanyang mga anak at asawa.Nakita ni Amanda ang mga pagbabago ng mga anak habanglumalaki
ang mga ito, lalo na si Jules. Ang pagkahilig niJules sa mga awiting nagsasaad ng
pagkamakabayan aynagtulak dito upang sumapi sa mga kilusang laban sakatiwalian ng
gobyerno. Sinabi niya ito kay Julian ngunitnagwalang bahala lamang ito. Hindi nakatiis si
Amanda.Sinigawan niya si Julian na takang-taka sa inasal niya.
Unang linggo ng Mayo, taong 1974, nang nag-empake siJules. Pupunta raw siya ng Bikol.
Napasigaw si Amandanang itinanong niya kung ano ang gagawin nito sa Bikol.Napatanga si
Jules. Nagulat ito sa pagsigaw ng ina.Kinutya nito ang ina na makabubuting sumama ito at
bakasakaling mamulat ito. Nasampal ni Amanda si Jules.Nahuli si Jules at dinala sa Kampo
Crame. Dinalaw nilaito at doon narinig ni Amanda ang mga kabuktutangginagawa ng mga
sundalo sa kanilang mga nahuhuli.Nagpasya si Jason na huminto na sa pag-aaral. Dahil sawala
itong pinagkakaabalahan, halos nagpapa-umaga ito sakalye. Isang gabi, ay nakatanggap ng
tawag sina Amanda atJulian. Nahulihan si Jason ng marijuana. Nagtanung-tanongsila sa mga
presinto. Nalaman nilang pinalaya na itongunit hindi umuwi sa kanilang bahay. Pinaghahanap
siyani Em, na isa pa rin sa mga anak ni Amanda. Lasing naumuwi si Em at ibinalita sa mga
magulang na napatay siJason.Ilang gabi nag-iiyak si Amanda. Napagtanto niyang walangsilbi
ang kanyang buhay. Nagpasiya siyang humiwalay nakay Julian. Ngunit hindi siya umalis. Naisip
niyangmarami pa silang dapat pag-usapan ni Julian. Simula iyonng ng kanilang pag-uusap, ng
kanilang pagkakaunawaan.Pinalaya si Jules. Ngunit ang kanyang pagkakalaya ayhindi nagpabago
ng kanyang simulain. Ibinalik siya saKampo Crame. Nang ideklara ang pagbawi ng martial
law,sabay-sabay rin pinalaya ang maighit sa tatlong daangbilanggong pulitikal.May kani-kanya
nang buhay ang kanyang mga anak, mula kayJules hanggang kay Binggo. Ngunit ngayon, hindi
na siyangnag-aalalang hindi magtatagal at maiiwan V.
ARAL
Bawat tao ay may kani-kaniyang pangarap at paninindigansa buhay. Importante ang
pagrespeto ng mga magulang sapaniniwala ng anakm subalit dapat din inti9ndihin ng anakat
timbangin ang bawat desisyon na kanilang gagawin.

VI.
REKOMENDASYON
Maganda ang istorya, pero mahirap intindihin para saaking edad. Mainam na magpagabay sa
magulang sa mgabagay at sitwasyon na hindi maintindihan tungkol sanobela.Sa kalahatan,
maganda ang mensaheng pampamilya ng nobela.Na ang pamilya ang sandigan ng bawat isa sa
atin sa hirapman o sa ginhawa.
VII.
PAGPAPAHALAGA
Malaking importansiya ang pagpapahalagang ipinakita ngmga magulang sa pagrespeto nila sa
mga desisyon ngkanilang mga anak. Sa bandang huli, naisip at natanggapng mag-asaw na wala
silang masamang anak at ginawa nilaang lahat ng ikabubuti ng bawat anak nila. Yun nga
lang,ang mali sa iba ay maaaring tama sa pananaw ng iba.
TUTUBI,
SA
Ni JUN Cruz Reyes

TUTUBI,

WAG
MAMANG

KANG

MAGPAHULI
SALBAHE

BUOD NG NOBELA
Kasasara lang ng eskwlahan at kabababa lang ng batas militar. Si Jojo, nagaaral sa Philippine
School for Science and Technology, ay napadaan at binalak na bumisita sa nagbagong
paaralan. Militar na ang pumalit sa mga gwardiya kay makikipila at magpapa-inspect para
makapasok. Kinukumpiska maski ang suklay na patulis ang dulo. Dapat din ay proper uniform.
May nakasabit pa nganga Sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan kasama pa ang ibong
walang pakpak at paa. Nakipila pa rin si Jojo at noong siya na ang kinapkapan, hinanap ang
kanyang ID, sinita kung bakit hindi siya nakauniporme at ininspeksyon ang kanyang libro.
Napagkamalan pa nga siyang aktibista dahil sa kanyang porma. Dinala siya sa dati nilang
library at inusisa ng miltary interrogator(Gardonet) na parang di marunong magtagalog. Kada
iling ay maybatok. Pinipilit siyang komunista. Pinagsabi pa nga siya ng mga kilala niyang
komunista at nagimbento naman siya. Ginupitan siya ng bohok pagkatapos. Biglang dumating si
Kulas, kabarkada niya at parang may sinesenyas ito. Pinaglinis si Jojo ng mga sasakyan suot
ang malaking plakard at doon niya narinig ang mga sigaw ni Kulas.
Napilitan siyang maglakad dahil nga nagastos niya ang tirang pera sa barberya. Naglabasan
ang mga billboard ng multinational. Napinturahan ang suso ni Moran at baril ni Bronson.
Nilapitan siya ng Amerikanong preacher na naniningil pa para sa leaflet. Lumayo rin ang Kano
at tuloy ang lakad. Naisipan niya ring ibenta ang relo na bigay ng kanyang ama. Buti umabot
siya sa Tambunting at naibenta ito ng higit ochenta. Bumili ng sigarilyo, pagkatapos ay kumain
sa restawrant at nang marinig ang kampana ay nagmadali ng umuwi. Dumaan muna siya sa
simbahan at pinagbentahan at kinuwentuhan pa ng mga pa- lengkera. Nakipila rin siya sa
sinasabing milagrosang imahen(na muntik manakaw). Noong bata pa siya ay pinakokolekta sila
ng porno materials ng pari at noong high school ay pinakukumpisal ukol sa kahalayan.
Idinidepensa
naman
niya
ang
urges
na
dapat
hindi
pinipigil.
Nang pumasok na siya sa simbahan pilit na dinidikta ng pari ang Good News. Pero pumasok sa
isip niya ang plano na pagsamahin lahat ng ayaw niya sa floating school na iiwan sa dagat na
maraming pating. Natakot rin siyang mapunta sa impyerno kung too ang imahe. Ganon pa rin
ang
labas,
palengke
at
mga
nagdedebate.
Pagkaalis ng simbahan naalala niya ang mga unang araw sa eskwela at pagbabago ng paniniwala
sa talino. Kapareho nito ng ilan niyang kabarkada sina Kulas, Minyong, Joey, Herbi, Lib at si
Mr. Kabayan. Mga aktibista ang kanyang mga kasama kaya medyo nahahawa na rin siya.
Ikinukwento niya rin ang mga pangyayari sa paaralan lalo na ang tungkol sa mga chismis ni
Miss Spermatozoa(na bastos). Isang araw pa nga ay nagpatigasan sila ni Jojo dahil sa proper
uniform. Sa huli ay sumuko rin ang guro. Akala niya ay kickout na siya pero biglang nagsara

ang
paaralan
dahil
sa
batas
militar.
Napadaan naman siya sa tindahan ng hayop at halaman at napansing nakakulong ang mga hayop
at ginawang bonsay ang mga halaman. Sa kanyang palagay, maski ang hayop at halaman ay
tutol
sa
pagkakakulong.
Lumabas
siya
ng tindahan at si Tess naman ang pumasok sa isip. Naalala niya nang una silang magkita sa
lamay. Umasang tatawagan pero naghintay lang sa wala. Pumasok siya sa Ma-mon-luk at
pagkatapos ay tinabihan ng isang matandang parang nagpapabata. Hinimas-himas ang kanyang
hita at yinaya pa sa I.C. Nagpaalam naman siyang jumingel sa Lola at paglabas niya nang banya
ay lumayo at iniwan ang bill sa matanda. Inabutan siya ng curfew kaya napilitang makitambay
sa
mga
naglalamay.
Kapag nasa probinsya akala ay lagi siyang tama. Pero may kwento rin naman ng kamartiran
tulad ng kay Idyo(na dapat ay valedictorian nila). Malas niya lang at napagmali na lahi sila ng
mangkukulam at nang lumaon ay lumuwas rin ng maynila. Mayroon ring ibang sikat sa kanila
tulad ni Doming na naging Sundalo; si Zeny, dating puta na naging kabit ng pulitiko; si Mayor
Adlaza na payaman ng payaman at ang huli nama'y si Tininte na dating magsasaka na naging
asendero.
Tapos na ang curfew at humigop muna siya ng goto bao naisipang dumeretso sa boarding
house. Hindi sila nagpansinan ng landlady(kahit alam niyang galit iyon). Dumeretso siya sa
kwarto at nadatnang tulog sina Minyong at sisiw(anak ni landlady) pero wala pa rin si Kulas.
Umidlip siya at paggising ay kinausap na lang si Minyong. Hindi pa talaga umuuwi si Kulas at
dagdag pa si Kwakkwak(pusa) na pinalayas dahil nahuling nagnanakaw ng pagkain sa
ref(kasama si Minyong). Nadamay pa nga sila ni Kulas pero nalaman niya rin na wala pa si Mr.
Kabayan. Umalis si Minyong para makibalita sa tribo nila. Gusto niya ring lumabas pero wala
namang maisip na pupuntahan. Nakita niya ang sulat ng kanyang itay(na walang lamang pera).
Pero kakaiba ang nasa sulat, parang hindi maayos ang kalagayan nila at ang huling salita pa eh
magingat ka. Gusto niya ring sumulat pero hindi niya alam kung magsasabi siya ng totoo.
Nong minsan kasing nagsabi ng totoo ay nakagalitan pa(pumunta kasing central luzon). Gusto
na
nga
rin
siyang
ilipat
sa
kanilang
probinsya
pero
napilit
pa rin na huwag. Gusto niyang magdoktor noong una pero ngayo'y ayaw na niya. Gusto na
nyang umuwi pero hindi niya maisulat. Naisip niya namang sulatan si Tess pero napunta lang sa
basurahan ang nagawang sulat. Tumawag si Joey sa telepono para yayain sa meeting si Jojo.
Pero naiilang siyang pumunta dahil nandon sina Ven at Tess. Kasi nang magbreak sina Ven at
Tess ay siya ang ginawang pantakip butas ng babae. Kaya nang magkaayusan na ay naging
panggulo na lang siya. Dumating siya sa folk house(na may trying hard na Bob Dylan at walang
folk). Hindi na niya makita ang matandang waiter na tumanggap sa kanila noong una. Nang
dumating na si Joey(nakapaburgis na kasuotan dahil daw ayaw magpahalatang aktibista),
pinagusapan nila ang nangyayari sa grupo. Si Kulas ay hinuli. Pinlano nila na sunugin kaagad
lahat ng maaaring ebidensya sa boarding house at sa umaga nila yon gagawin kaya tumuloy
muna sila kina Herbi. Pagbisita kina Herbi, una kaagad na pinoblema ang pagkain. Si Herbi ay
anak ng pasto at sanay sa hirap. Ang pisong baon sa buong semestre ay pinapadami sa chess.
Sabi niya ay may solusyon pa naman siya sa kanilang gutom. Sa tabing lagoon ay maraming
kangkong. Tulad ng dati si Jojo ang lookout at sinwerte pa rin sila sa kangkong. Nang
magluluto na si Herbi, napagkatuwaan nilang magchess(pero pareho silang nagdadayaan).
Naisip niya na naman si Tess pero dinaan na lang nila sa kain at biruan ang problema.
Nakatulog
na
ang
dalawa
pero
siya
ay
nagiisip
pa.
Bago pa man din siya makatulog napansin na niyang may sakit si Herbi. Ginising niya si Joey at
naghanap naman si Jojo ng gamot sa mga gamit ni Herbi. Nakakita siya ng gamot at calamine
lotion ang basa niya. Ipinahid niya sa pantal ng kaibigan. Nang gumanda-ganda na ang
pakiramdam ay napansin ni Joey na anti-allergy syrup pala ito at kulang na para ipainom.
Dumeretso sila sa infirmary at doon nakatulog ang tatlo. Nagising lang sila Joey at Jojo nang
dumating ang doktor. Ngayon na pinabalik ni Joey si Jojo sa boarding house para linisin ang
dapat
linisin.
Pagdating
sa
boarding
house,
nakita
niya
na
maraming tao at nalaman niyang pinasok ito ng mga militar. Minabuti niyang lumayo muna.
Sa paglalakad, nakita niya ang maraming pagbabago sa Maynila at naalala ang mga pagbabago

sa probinsya. Nang mapagod na ay bumalik din sa boarding house at doon niya nakasalubong si
Inday. Tinangay nga sila sisiw at landlady. Hinahanap raw si Mr. Kabayan at mga estudyante
nito. Pagpasok naman niya ng kwarto ay nalimas na ang lahat ng kanyang gamit maliban sa
maruruming
damit,
jaket
na
bigay
ni
tess
at
silindro
ni
Kulas.
Pagbalik niya sa bahay ni Herbi, may iniwang note si Joey na pinapapunta siya kina Lib. Ayaw
niya doon dahil sa mga magulang nito. Tinawagan niya muna ang bahay nila Lib at nalamang
gabi pa ito uuwi. Kulang na ang pamasahe niya(at gutom na gutom pa) kaya naisipan na lang
niyang dumiskarte sa Bus. Sinwerte naman siya at nakasakay. Pagdating sa Cubao ay nakaupo
na siya pero minabuti niya na lang ibigay sa matandang ale ang upuan. Dahil nga sa gutom at
pagod
ay
nahilo
siya
at
hinimatay.
Pagkagising niya, nakita niya ang isang matandang babae na nagsusubo ng mainit na sabaw sa
kanya. Siay ang babaeng binigyan niya ng upuan at Mamay ang tawag sa kanya. Dadalhin sana
niya si Jojo sa ospital kaso ay mahirap lang rin sila at manghihilot naman siya. Gusto na umuwi
ni Jojo pero masakit pa ang kanyang binti at baka abutin ng curfew( at nalaman niyang 3 araw
na siya doon). May dumating namang buntis na nagkwento sa mga pagbabago sa kanilang lugar.
Tutol dito si Mamay. Maya maya lang ay dumating si Boy na basang basa. Nagkausap sila ng
kaunti(nabanggit ni boy ang aktibistang kuya) at nang dumating si Jem ay natulog na sila.
Kinabukasan pagkatapos magalmusal ay nagpaalam na siya. Inabutan siya ng limang piso at
hinatid na ni Boy palabas.
Minabuti niyang magpunta muna sa kababayang si Idyo para makibalita sa bayan nila.
Pagdating kina Idyo, sinama siya ng kaibigan sa raket nito, maging fixer. Nang makaipon na ay
pumunta sa isang Kritikal na Papel 7 eskenita at makipaginuman. Habang nagdadaldalan ang
mga lasenggo ay tahimik siya hanggang mapansin ang isang makapal na sinturong nakadispley.
Pagkatapos magsalita ay siya naman ang napunta sa hot seat sa usapan. Tuloy ang inuman at
walang nagpapahalatang lasing. Merong lumabas at humihiga at dahil pala wala nang mainom.
Buti ay may nagpakuha pa ng isang kahon. Noong malasing na si Jojo tsaka lang sinabi ni Idyo
ang nangyari. Nasunog ang kanilang tindahan at nabugbog si Tata Selo. Nagkayayaan naman
silang manood ng bomba. Marumi ang sinehan at matapos ang palabas sa sine ay pumasok ang
isang announcer na nagyayaya sa isang live show sa maliit na silid sa gilid ng sinehan. Medyo
may kamahalan ang tiket pero bumili pa rin ang makakasama. Mabaho at makalat ang silid na
iyon, parang isang malaking basurahan. Nagumpisa na ang palabas sa pagitan ng isang babaeng
medyo may edad at lalaking maton. Iba't ibang posisyon ang pinakita at palipat-lipat naman
ng upuan ang mga kasama. Nang matapos na sila ay nagyaya ang announcer na manood uli.
Paglabas ay may nakasalubong na grupo ng mga lasing. Lumapit ang isa at tinadyakan ang isa
nilang kasama. Paglayo ay sinalubong naman sila ng pulis, agad na nagsumbong, at binalikan ang
grupo. Nang magharap-harap ay inagaw ng lasing ang baril sa pulis at kasabay nito ang
dahandahan nilang pagtakas. Humiwalay na si Jojo sa grupo ni Idyo nang makitang may
umaalialigid
na
metrocom.
Pagdating ni Jojo kina Lib, nadatnan niya si Joey at agad na kinwento ang mga nangyari.
Nabalitaan niya rin na patay na sa engkwentro sila Kulas at Mr. Kabayan. Dahil dito
napagpasyahan na buuin muli ang grupong tutubi.

BANAAG AT SIKAT

PAMAGAT
Ang salin sa Ingles ng pamagat na
Banaag at Sikat ay kumakatawan sa katagang mula sa maagangpagbubukangliwayway hanggang sa ganap na pagkalat ng liwanag ng araw (From Early Dawn to Full Light
), nanagmula sa isang pagsusuri nina Patricio N. Abinales at Donna J. Amoroso.
MAY-AKDA
Si Lope K. Santos ay isa sa mga dakilang manunulat sa wikang Tagalog. Siya ay nobelista,
makata, abogado,
kritiko, lider obrero, at itinuturing na Ama ng Pambansang Wika at Balarila. Si Santos ay

isinilang sa Pasig, dating sakop


ng Rizal, noong 25 Setyembre 1879. Namatay si Santos noong 1 Mayo 1963. Si Santos ay
supling nina Ladislao Santosna tubong Pasig at Victoria Canseco na tubong San Mateo, Rizal.
Noong 10 Pebrero 1900, ikinasal si L.K. Santos kaySimeona Salazar na nagbigay sa kaniya ng
limang supling. Kabilang sa mga akda ni Santos ang Ang Pangginggera atBanaag at Sikat na
pawang inilathalang muli ng Unibersidad ng Pilipinas Press para sa bagong henerasyon
ngmambabasa.

MGA TAUHAN
Delfin- Siya ang pangunahing tauhan ng akda. Isa siyang mahirap na peryodista. Niyakap niya
ang ilangsosyalistang ideya kaugnay ng unyonismo at makauring pakikibaka.
Felipe- Siya ay isang anak-mayaman; radikal bagamat tipong anarkista.
Meni- Siya ay nakatakdang ikasal kay Delfin na anak ng isa sa pinakamayaman sa Maynila.
Tentay- Minamahal siya ni Felipe. Siya ay isang babaeng mahiyain at anak siya ng isang
manggagawa.
MAIKLING BUOD
Ang Banaag at Sikat ay umiikot sa dalawang magkaibigan sina Delfin at Felipe.Si Felipe ay
isang anarkista nagustong mawala ang mga hari ,alagad ng batas at magkapantay-pantay ang
karapatan ng mag mayayaman at
mahihirap.Kayat itinuro nya sa mga mahhirap ang kanilang karapatan na naging dahilan upang
itakwil sya ng kanyang
ama. Si Delfin ay isang sosyalista na di hangad mawala ang pamahalaan ngunit tulad ni Felipe
ay tutol sya samarangyang pamumuhay. Si Don Ramon ay may dalawang anak sina Talia at
Meni.Naibigan ni Talia ang isangabogado,si Madlanglayon samantalang naibigan ni Meni si
Delfin na tinutulan ni Don Ramon ngunit walangnangyari.Dahil sa kahihiyan ay tumulak sya sa
Estados Unidos kasama ang usang utusan.Nagluwal ng sanggol si Meniat pinabinyagan . May
dumating na isang kablegrama na nagbabalitang si Don Ramon ay napatay ng
kanyangutusan.Kasama sa naghatid si Ruperto na nagsabi kay Felipe na kaya pinatay si Don
Ramon ay dahil sa kalupitan nito. Nalaman ni Delfin ang pagtuligsa sa kanyang pagkatao ni Don
Felimon at Madlanglayon. Binalaan ni Felipe angmayayaman hinggil sa aabutin ng mga
ito.Sinampal sya ng kanyang ama ngunit ipnamukha nya ang kamaliang kanilangginawa at
pagyurak sa kalayaan ng mahihirap.
Nasambit ni Ruperto na Sa akin palang bayan ay may banaag na ang
sikat ng bagong umaga.

IBONG MANDARAGIT

PAMAGAT
Mga Ibong Mandaragit ang pamagat ng libro dahil sumisimbolo ito sa
hindi pagkakapantay-pantay ng tingin samga tao
sa lipunan. Sa libro makikita ang
diskriminasyon
sa kulay, ginagamit itong basehan kung ano ang katayuan ngisang tao. Kung maputi ka, mataas
at magaling ka ngunit kung ikaw ay maitim, kahit anong gawin mo mababa pa din ang
magiging pagkilala at pagtingnin sayo ng mga tao.
Para itong mga ibon na iba-iba ang sukat, kung ito ay malaki,
itoy kakatakutan, tila ba ito ang pinakamakapangyarih
an sa lahat. Sa isipan nito lahat ay takot sa kanya, kungkaya makukuha niya anuman ang

gustuhin niya.
MAY-AKDA
SiAmado V. Hernandez
ay isang bantog na manunulat. Siya ay kilala sa kanyang tapang sa pagpapahayag ngkanyang
mga kuro-kuro ukol sa mga dimaikakailang sakit ng lipunan. Siya ay isinilang noong ika-13 ng
Setyembretaong 1903 sa Hagonoy, Bulakan. Ang kanyang mga magulang ay sina Juan
Hernandez at Clara Vera. Nang siya aysumapit na sa hustong edad, napangasawa niya si Atang
dela Rama, kilala bilang Reyna ng Sarswela. Sila ay biniyayaanng isang anak, at pinangalanan
nila itong Rene Hernandez.Siya ay sa Gagalangin Tondo na lumaki at nagtapos ng kanyang pagaaral sa
Manila High School at sa American Correspondence School, naging iskolar din siya sa
Harvard University. Sa murang edad pa lamang ay
kakikitaan na siya ng hilig at talento sa pagsulat. Nagsimula siyang magsulat para sa dyaryo
ng Watawat at di naglaon ay
naging kolumnista siya ng pahayagang Pagkakaisa.Bilang isang dalubhasang manunulat,
nakatanggap na siya ng mga di mabilang na pagkilala. Isa dito ay angIbong Mandaragit na
nanalo ng Balagtas award. Ilan pa sa kanyang mga natatanging gawa na nagwagi ay ang
kanyangtulang Pilipinas na nanalo ng Commonwealth Literary Award at ang kanyang Isang
Dipang Langit na nanalo naman ngRepublic Cultural Heritage Award
.Dahil sa kagustuhang mapangalagaan ang mga kababayang naaagrabyado gamit ang kanyang
mga akda, siyaay nakulong sa Camp Murphy sa
Fort Aguinaldonuong ika-26 ng Enero taong 1951. Limang taon siyang nabilanggo ngunit hindi
ito naging hadlang at di nagtagal ay nakalaya din siya nuong ika-31 ng Mayo taong 1964 dahil
sa lagak.Pagkalaya ay nakatanggap siya muli ng isa pang pagkilala galing saPalanca Awards
dahil sa mga nasulat niyang dula.Si Amado V. Hernandez ay namatay dahil sa atake sa puso
noong ika-24 ng Marso 1970. Taong 1973 ng siya aytinaguriang Pambansang Alagad ng SIning.
MGA TAUHAN
Mando Plaridel- Alejandro Paminuan-Pangunahing tauhan-Nakahanap sa kayamanan ni
Simoun, na itinapon ni Padre Florentino sakaragatang Pasipiko, sa tulong ni TataMatyasPunong patnugot ng
Kampilan
Dolores Montero
Dolly-Bugtong na anak ng pamilya Montero na nagging karelasyon ni KoronelMoto noong
Panahon ng Hapon atnabuntis ni Tiniyente Whitey saPanahon ng Liberasyon--Makakarelasyon
ni Mando sa Paris
Don Segundo Montero-Ang madugas na negosyante at nagmamay-ari ng Hacienda Montero
Donya Julia Montero-Asawa ni Don Segundo na nahuhumaling sa dating karelasyong si
Gobernador Doblado
Tata Matyas-Ama-amahan ni Mando na isang rebolusyonaryo sa Tatlong Panahon
ngPananakop mula sa Kastila, Amerikanohanggang sa Hapon- Nagmanman sa mga lugar
namaaaring pinagtapunan ni Padre Florentinosa mga kayamanan ni Simoun
Magat- Isang lider sa Kalayaan na namumuno sa mga isang disiplinadong pangkatng gerilyero
pagkat hawak niya anggobyerno doon-Magiging pangunahing editor ng Kampilan
-Isa sa mga kasamahan ni Mando na nakatakas sa paglusob ng mga Haponsa huling kuwartel ng
mga gerilyangPilipino sa may Tayabas, angSampitan-Siyang nagging tulay nina Martin at
Mando upang maging mabutingmagkakasama-Namatay nang itoy inatake ng pating sa karagatang
Pasipiko habangsumisisid

MAIKLING BUOD
Nagsimula ang kwento sa kalagitnaan ng taon 1944 kung kailan humihina na ang imperyo ng
mga Hapon dito saPilipinas. Inatake ng mga Hapon ang Sampitan sa tangkang agawin ang
Infanta mula sa mga gerilyerong Pilipino,nagkaroon ng sagupaan. Dahil sa kakulangan sa mga
armas na pandigma ay halos naubos ang hukbo ng mga Pilipino.Isa sa mga nakaligtas ay si
Mando. Habang tinatahak ni Mando ang kagubatan upang makaligtas ay nakilala niya sinaKaryo
at Martin. Sabay-sabay na tinahak ng tatlo ang daan patungo sa bahay ni Tata Matyas na isa
ding gerilyero noongkapanahunan pa niya. Pagkatapos kumain ay nagpahinga sina Martin at
Karyo samantalang sa labas ng bahay ay nag-usap sina Tata Matyas at Mando. Napag-usapan
nila ang dalawang magigiting na akda ni Jose Rizal, and Noli meTangere at ang El
Filibusterismo. Ipinahayag ni Tata Matyas na naniniwala siya na totoo ang kwento mula sa
mganasabing nobela. Kanya ring ipinahayag ang kagustuhang sisirin ang mga kayamanan ni
Simoun kung siya ay kasingedad pa ni Mando. Sa tulong ng mapang ibinigay ni Tata Matyas,
hinanap nina Mando kasama sina Karyo at Martin angdagat kung saan sinasabing itinapon ang
mga kayaman ni Simoun, natagpuan nila ito sa Atimonan. Sa kabila ngtagumpay ay namatay si
Karyo dahil sa isang pating na sumalakay sa kanya samantalang si Martin naman ay pinatay
niMando dahil sa pagiging sakim nito.Nagwakas na din ang digmaan at muling nagkaroon ng
kapayapaan at katahimikan, ngunit kaakibat nito ay ang
pagbalik din ng di makatarungan at mga makasariling gawain ng mga nakakaangat sa buhay
.Nagtayo si Mando ng isang pahayagan at tinawag niya itong Kampilan. Umalis at nangibangbayan si Mandoupang magkaroon ng salapi para sa kanyang pahayagan. Ipinagkatiwala niya ang
ito sa mga dati ding gerilyero na sinaTata Matyas, Magat, Andres, Rubio at Doctor Sabio.
Bukod sa isang pahayagan ay nagtatag din si Mando ng isangpaaralan na tinawag niyang
Pamantasan ng Kalayaan na naglalayon na mapabuti at mapangalagaan ang mga kabataan.
REAKSIYON.Sa pagbabasa ng buod, medyo nainis ako sa mga naganap dahil ang isa sa mga
tauhan ay namatay dahil sa kasakiman ni Mando. Ninais niya na mapasakanya ang kayamanan
sa dagat kung kayat nagawa niyang pumatay ng
isang kasamahan. Ipinakita ng nobelang ito ang masamang epekto ng pagkagahaman sa paguugali ng isang tao.

ANG MAG-ANAK NA CRUZ


Review Ang Mag-anak na Cruz: Katha na Pumapaksa sa Pagpapahalagang Pilipino ni Liwayway
A... pinaikutan rin ng istorya. Bawat pangyayari sa mga nasabing lugar ay mahalagang bumuo sanobela at bawat
isa ay nagpakita ng katotohanan sa aspetong Pilipino.
Ang Suliranin.
Ipinapakita sa kwento ang mga pangkaraniwan at makatotohanang suliraninng isang mag-anak. Isiniwalat rito
ang tunay na mga pag-iisip at pangyayari sa likod ng isangordinaryong pamilyang Pilipino.Ang istorya ay
naglalaman lamang mga pangkaraniwan at simpleng mga suliranin. Bawatkabanata ay naglalaman ng ibat abang
panandaliang problema na agad namang nabibigyangsolusyon.Kagaya na lamang ng biglaang pagkakalipat ni Tinoy
sa mas mababang posisyon sa trabaho(na kabaligtaran ng inaasahan niyang promotion. Na siyang naging
dahilan upangmapagbuhatan ng kamay nito ang anak na si Baby bunga ng init ng ulo nito. Naging dahilan rinito ng
panandaliang away mag-asawa.Isa pang halimbawa ay gaya ng pagiging guarantor ni Tinoy sa utang sa bangko
ngkasamahang si Pepe, na nagging sanhi ng pagkakalubog nila sa utang na hindi naman sila angmay gawa.Ilan pa
sa mga halimbawa ng simpleng problema na aking tinutukoy ay ang problema sapera, paghihinala sa asawa,
pagdating ng isang bisita na tila ayaw tanggapin, at iba pang mgamaiikling kulo ng damdamin.Sa kabubuan,
walang eksakto o pinaka-naging problema ang mag-anak, dala na rin marahilng pagpapakita ng mga simpleng o
ordinaryong tagpo lamang na bahagi naming talaga ng araw-araw na buhay ng isang simpleng mag-anak..
Tunggalian.
Sa aking pananaw, may dalawang uri ng tunggalian sa takbo ng bawatkabanata nito. Una ay ang tao laban sa

kanyang kapwa at pangalawa ay ang tao laban sa kanyangsarili.Tao laban sa tao: Maraming tao ang
nakasalamuha ng pamilya Cruz, at magkakaiba angbawat isa sa kanila. Lahat tayo ay kinakailangang makisama,
at ganoon din ang pamilya Cruz.Hindi sa lahat ng pagkakkataon ay gusto nila nag mga tao sa kanilang paligid,
gaya ng kumarenilang si Nenita.
Si Nenita ay isang kumare ni Remy na dumalaw sa kanilang bahay sapagkatkaarawan ng kanyang anak na si
Josie, na siyang inaanak nitong si Remy. Sa istorya ipinakitaang kakapalan ng mukha ni Nenita, na kung saan
dumalaw lang ito upang ipanghingi ng regalo ang anak. Hindi handa si Remy noon kung kayat sa loob loob niya
ay sukdulan siyang naiinisdito at napilitan na lamang ibigay ang itinahing damit na para sana sa kanyang
kostumer.Tao laban sa sarili: Makikita sa kwento na si Remy ay isang tradisyonal na babae.Nahihirapan siyang
ipagpalit ang mga dating kagawian para sa mga makabagong paraan. Isa rinsiyang ina na nahihirapang pakawalan
ang mga anak. Sapagkat nakapag-asawa na ang dalawanganak na si June at Baby, hindi maipaliwanag ni Remy
ang kalungkutang nadarama niya sapagdiriwang ng mga okasyon, gaya ng Bagong Taon, na hindi na niya kapiling
ang mga anak.Wariy ayaw niyang umalis ang mga ito sa kanyang piling. Bagay na alam niyang hindi namaaari pa,
sapagkat may sari-sarili na silang pamilya.
Kasukdulan.
Sa kabila ng sari-saring suliranin at mga pansariling damdaming kinikimkimng mag-anak. Nanaig pa rin ang
ugaling Pilipino rito. Kung saan idinadaan na lamang ni Remysa pagpapasensya, at pagtitiis ang mga bagay-bagay.
Bagay na sa huli ay lilipas rin, at kanilangmatatanggap. Gaya na lamang ng biglaang pag-aasawa ni Baby sa ibang
bansa ng wala manlamang pahintulot nila.Nariyan rin ang istorya ng pagiging kontraktor ng Tata Ponso ni Tinoy
sa pinapagawa nilangbahay. Na kung saan sa halip na makatipid dahil kamag-anak ang gumagawa ay lalo
pangnapagastos dahil sa mga sobrang materyales na ipinabibili nito. Ito ay plano ni Tata Ponso upangsiya ang
makinabang sa mga sobra-sobrang materyales na kanya naming ipangkukumpuni ngsariling bahay. Bagamat
ganoon ay patuloy pa ring kontraktor si Tata Ponso, at wala na lamangsilang nagawa kundi pagtiisan ang
matandang kontraktor. Hindi nila nagawang magreklamo,dahil na rin sa ugaling paggalang dito bilang
nakatatandang kamag-anak nila.
Kabuuang Pagsususri
. Sa kabuuan, pinaksa ng aklat ang mga karanasan at pagbabago nanagaganap sa isang tipikal na pamilya sa
Pilipinas. Ang mga sitwasyon sa kwento ay maaaringmangyari sa kahit sinuman sa atin. Ang akda ay may
simpleng pamagat dahil simple rin lamangang kwento. Bagamat umiikot ang bawat pangyayari at istorya sa
iisang pamilya ay tila hindi parin ito maituturing na isang buong nobela. Dahil ito ay pawang mga maiikling kwento
lamangna pumapatungkol sa araw-araw na pangyayari sa buhay ng mag-anak na Cruz.Sinusundan ng mga
kwentong ito ang mag-asawang Remy at Tinoy, mula sa unang mga taonng kanilang pagsasama, hanggang sa
lumakit nag-asawa na ang kanilang mga anak. Kayanaman ang aklat na ito ay tila inaalay sa bawat pamilyang
Pilipino. Dito makikita angkatotohanan sa pag-iisip at pag-uugaling kumakatawan sa bawat isa sa atin.
Isang aklat ito na nagpapakita ng kung ano nga ba ang tunay na buhay sa ating lipunan.Ditoy matapang na
ibinukas ng may-akda ang kabutihan at kasamaan ng bawat isa. Pati angmga pagpapahalagang nananaig sa
damdamin ng tao. Maging ang mga lihim na nadarama atiniisip ng bawat isa ay matutuligsa rin sa aklat. Hindi
maitatagong ang pagiging totoo ng aklat naito ang siyang kagandahan nito kumpara sa ibang libro.Kung susuriin
naman ang kwento, madali namang masundan ang mga kwento ng aklat.Subalit, may mga bagay na maaaring
hindi maunawaan agad sapagkat kailangan ilagay ngmambabasa ang sarili sa konteksto o pangyayari na naroon
sa akda. Ang ilan sa mga salitangginamit rin ay tila may kalaliman, ito ay sa kabila pa ng pagiging moderno ng
panahongkinabibilangan ng akda.
Ang May-akda.
Ang may-akda ng aklat ay si Liwayway A. Arceo. Isa siyang magaling namanunulat, editor, at translator. Nanalo
siya ng gatimpalang Carlos Palanca noong 1962 para sakanyang maikisng kwento. Siya ay pumanaw noong
Disyembre ng 1999.Isinulat niya ang aklat bilang tugon sa mga pangayayari sa lipunang Pilipino, lalo na sa
mgapamilya. Ipinakita niya nag kahalagahan ng pamilya at ang tamang kumbinasyon ng mga lumangpaniniwala at

makabagong paraan.Unang nalathala ang mga akda sa lingguhang Liwayway noong ika-26 ng Abril 1954
attumagal hanggang ika-12 ng Setyembre 1960, at may kabuuang 333 kabanata, na bawat labas ayisang buo at
tapos na katha
REAKSIYON
Napakaganda ng mensahe inihahatid ng nobela dahil ipinapahayag nito na kahit na mahirap ang
isang tao ayhindi dapat pumayag na magpaalipin at magpaapi sa mga mayayaman. Hindi dapat
maging mapagmataas atmapagmata sa mag mahihirap. Kung maayos silang tatratuhin ay
maayos din nila tayong pagsisilbihan.
GAPO
akda ay magkaugnay sa isat isa. Ang lahat ng simbolismo ay naaayon sa tema at konseptong
ipinapakilala ngmay-akda sa mga mambabasa.
Napakaraming pangyayari sa nobela na sa unang basay hindi masasabing isang simbolismo
subalit sa iyong patuloy na pagbabasa hanggang sa huli ay matatanto mong ang ilan sa mga ito
ay may ipinahihiwatig na pangyayari sa atin. Halimbawa ay ang pamimili ni Magda ng
napakaraming produktong stateside noong una at pagsasantabi ng mga produktong Pinoy.
Subalit sa huliy kanyang piniling huwag kainin ang Baby Ruth, itoy panahan ng kanyang
pagdadalantao at kanyang naalala ang mga sinabi sa kanya ni Mike na kanyang tinawanlamang
noon.
Ngunit, makikita nating si Magda ay talaga naming nagbago na ng pananaw sa buhay bunga
narin ng mapapait na karanasan kina Sam at Steve.
Teoryang Historikal Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyangmasasalamin sa
kasaysayan au bahagi ng kanyang pagkahubog.
Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.
Sa nobela ay binigyang paliwanag ang ilan sa mga kadahilan ng bagay-bagay at mahahalagang
kasaysayan ng bansa. Isang halimbawa nito ay ang kuwento ukol sa pagbomba sa Pearl Harbor
at ang napakaraming kabuntotna epekto nito sa ating bansa at ng bansang Amerika.
Talasalitaan
1.Bunny- mga babaing nagpo-pose ng nakasuot ng isang parang kuneho sa mga babasahing panlalaki;
kadalasangginagawa sa ibang bansa; sa nobelay inaakala ng mga magulang na isa itong maayos na trabaho para
sa mga anak na babae, makarating lang sa ibang bansa
2.Parity Rights -Pagbibigay ng pantay na karapatan sa mga Amerikano at Pilipino na gumamit
at linangin angmga likas na yaman ng Pilipinas; ito ang kapalit ng pagbibigay bayad-pinsala sa
atin ng mga Amerikanomatapos ang World War II na nagkakahalagang anim na raan at
dalawampung milyong dolyar; naganap angkasunduan sa pagitan nina dating President ng
Pilipinas na si Sergio Osmea at dating Senador ng
EstadosUnidos na si Milliard Tydings
3.Lay-off
ito ang pagkakatanggal sa trabaho ng mga waiter, hostess, at iba pang nagtatrabaho sa mga
club saGapo sa oras na umalis nang muli ang barkong Kano sapagkat hihina na ang kanilang kita
at uunti ang mga parukyano kaya napipilitang magbawas ang kanilang Manager. Silay
makakabalik muli sa pagdating ng panibagong barkong Kano sakay-sakay ang mga sundalong
Amerikano na kinapapanabikan ng mga hostesssa kadahilanang panibagong kita na naman at
maaari matupad ang kanilang pangarap na makapunta sa States.
4.Yardbird -ayon sa nobela, nakatuwaan umano ng mga Amerikanong sundalo ang mga ibong sa
tuwinaydumadapo sa kanilang barko at kinakain ang tinapay na kanilang inihahagis dito, kaya
kanila itong tinawag nayardbird. Subalit sa hindi malamang kadahilanan ay kanila itong

ibinansag sa mga Pilipinong nagtratrabaho sa base na ang ibig ipakahulugan ay patay-gutom.


Ito ang palaging ipinang-aasar ni Johnson kay Modesto na pilitniyang ipinagsasawalang-bahala
at inilalabas na lamang ang lahat ng galit at tila pagkababa ng kanyang pagkalalaki sa
pamamagitan ng madalas na pag-inom sa Freedom Pad.
5.Gardemet -ito ang palaging sinasabi ng sundalong Kano na si Johnson kay Modesto sa loob ng
base; saibang salita ay ginagardemet o minumura sa tuwina; pinaniniwalaang ito ay may
pakahulugang goddamnit;
6.Collective Bargaining Agreement- Maaaring naging matagumpay ang isang unyon na makamit ang
isang benepisyo sa pamagitan ng sama-samang tawaran (collective bargaining).
Ngunit kahit ang isang benepisyo aynakalagay na sa collective bargaining agreement (CBA),
kailangan pa rin ang masusing pagbabantay ng unyon para matiyak ang lubusang pagtupad ng
manedsment sa benepisyong ito. Ang anumang kapabayaan sa panigng mga manggagawa ay
maaring magbunga ng hindi kanais-nais na resulta. Ito ang nangyari sa kaso ng
mgamanggagawang Pinoy sa base matapos na silay mag-ingay at naghinaing sa mga Big
Boss ng base ukol sahindi patas na pamamalakad sa loob tulad ng di pantay na suweldo. Bakit
umano mas higit na mataas angsuweldo ng mga Kano gayong parehas lang naman sila ng bigat
ng trabaho. Dahil dito, nagkasundongmagkaroon ng general foreman at ang tatayo sa
puwestong ito ay isang Amerikano samantalang ang mgaPinoy ay foreman 1, foreman 2 at
foreman 3,ibig sabihin sila ay nasa ilalim na ng pamumuno ngayon ngkapwa ka-baseng Kano.
7.Yankee -iba pang katawagan sa mga Amerikano o Kano
8.Baby tawag sa isang batang anak ng Amerikano at isang Pilipino; madalas na ibansag sa
mga batanggaya ni Mike na kanyang pilit na itinatanggi kahit na kitang-kita na siya nga ay
isang G.I. Baby sa pisikal nakaanyuaan.
Ngunit, ang kanyang puso ay Pinoy na Pinoy.
9Stateside salitang slang para sa
Estados Unidos; alinmang bagay na galing sa Amerika tulad ng mga pagkaing stateside; iba
pang salita para sa imported
10.Green Card
ibig sabihin ay permanenteng naninirahan sa
Estados Unidos; kapag umanoy tinanong ka saUS
Embassy kung nasaan ang iyong green card at sumagot kang nakalimutan mo ay goodbye
Amerika ka nasapagkat kung US Citizen ka talaga, hindi mo na kailangan ng green card.
B.Paksa/Tema
Ang obra maestra ni Lualhati Bautista na Gapo, bagamat kanyang pinaka-unang nobelang
ginawa, aytalaga namang matagumpay na naihain sa mambabasa ang pinakadiwa ng akda, ang
mapait na katotohanan samatamis na pagsasamahan ng dalawang bansang naging magkaibigan
pagkat nagtulungan noon at matapos angikalawang pandaigdigang digmaan ang estados
Unidos at ang Pilipinas. Bata pa man tayo ay hindimaitatatwang napakaganda na ng imahe sa
atin ng alinmang bagay, produkto o dili kayay tao basta galingAmerika ito. Subalit sa
nobelang ito ay nabatid natin ang ilan sa mga bagay na oo, kapansin-pansin, subalit bakit di
batid ng isa man sa atin. Sa sitwasyon ng mga pangunahing tauhan na sina Mike, Magda,
Modesto, Aliat nating mga Pilipino na di hamak na sangkot sa istoryang ito ay tila may
tumapik sa ating mga balikat, tilamay kumurot sa ating mga puso at ang ating datiy tila
napakatamis na panlasay tila pumait, umalat. Oo, puro pala tayo tila, hindi naman pala tayo
ganoon kasigurado dahil ang alam lang natin ay tanggapin ang lahat ng saatiy isubo. Ke sangayon ba tayo o hindi, ke makabubuti ba sa atin o makasasama, basta ang alam natin,ang mas
may higit na karanasan, kaalaman at karapatan dahil mga Pilipino lang tayo at sila ang
mgadakilang nilalang sa mundo.Sa mga karanasan ni Modesto sa loob ng Base na

nakakasulasok dahil sa tindi ng diskriminasyon naumabot sa puntong ang kanyang dignidad at


pagkalalaki ay naitapon nat lahat-lahat, ay wala pa ring puknat sapakikipagkapwa ang mga
sundalong Amerikano. Ang nakakarimarim na kalagayan ng mga babaing hostessgaya ni Magda
na isa lamang sa sanlibong nangarap, naanakan, umasam at iniwan. Mga batang gaya ni Mike
na bunga ng mabulaklak na pananalita ng ating mga iniidolong Kano, ano ngayon at tila
insektong nagkalat sa bayan. Mga taong hindi mamatay-matay, patuloy pa rin na nabubuhay sa
kasalukuyan, pilit na kumakawala sahagupit ng malasakit ng
Estados Unidos. Tayo lang naman ang pinagmamalasakitan, sino tayo para tumanggisa
grasya?
TAGPUAN
FREEDOM PAD
Ito ang pangalan ng bar na pinagtatrabahuan nina Magda at Mike. Dito rin sa bar na ito
nagkakilala sinaModesto at Ali. Dito nakilala ni Magda si Steve, dito nagkaroon ng gulo sa
pagitan ng mga Kano atPinoy at marami pang iba na hanggang ang bandang dulong bahagi ng
nobela na maituturing napagkawala ng dambuhalang galit ni Mike sa mga Kano ay dito
naganap. .Ang Freedom Pad ang siyangnaging piping saksi sa ibat ibang pangyayari sa buhay
ng mga pangunahing tauhan
APARTMENT NINA MAGDA AT MIKE
Ito ang bahay na pinagsaluhan nina Dolores at Magda kasama ang nooy maliit pang si Mike.
Nangmamatay na si Dolores at binata na si Mike, mababasa sa ikalawang kabanata ng nobela
ang naging pagtatalo nina Mike at Magda sa tuwina sapagkat hinihiling ng huli na lumipat na si
Mike ng ibangtirahan tutal ay matanda na siya at nakatatayo na sa sariling mga paa. Ang
tunay na dahilan nito ay dahilnagiging sagabal si Mike sa bisnes ni Magda, sa kanyang paguuwi ng kostumer sa kanilang bahay atmakikita si Mike ay inaayawan na siya nito. Siyaempre,
mayroon din namang masasayang pangyayarina naganap dito na nagpapatunay na sina Magda at
Mike ay may pag-aalala din sa isat isa bilangmagkasambahay at magkaibigan. Sa huli, ang
apartment na ito ay isa rin sa mahahalagang tagpuan ng Gapo.
BEACH SA OLONGAPO
Dito nagpunta sina Modesto, Mike, Ali, Jeffrey at Igna bilang paglilibang nila kay Jeffrey.
Sa dagat aynagkakatuwaan sina Modesto, Jeffrey at Mike na animo isang masayang pamilya.
Subalit si Ali aynagmukmok lang sa kanilang nirentahang kubo sapagkat siya ay naghahanap ng
isang lalaking kanyangmamahalin at handa rin naman magmahal sa kanya.
Nang malapit nang lumubog ang araw at habang patuloy si Ali sa pagbuo ng kung anu-anong
imahinasyon sa kanyang sarili ukol sa kanyang ideal boyay biglang sulpot ang napakakisig na
Kano na nagpakilalang Richard Halloway. At dito nagsimula angmatamis na pagmamahalan ng
dalawa.
BASE NG MGA KANO SA OLONGAPO
Lingid sa kaalaman ng kahit sino, matindi ang diskriminasyong nararanasan ni Modesto sa loob
ng Basekapiling ang mga katrabahong mapang-alipusta tulad ni Johnson. Dito di lamang siya
binubulyawan, pinagpipiyestahan at kinakantiyawan ng mga sundalong Kano, kundi natatapakan
na rin ang kanyangdangal at pagkalalaki. Mabuti na lamang ay may isang William Smith na sa
katulad niyang Pilipino aymarunong makisuyo, nakikipagkuwentuhan at nang-aalok ng mansanas
sa bawat makatrabaho.
Ngunitisang karumal-dumal na pangyayari ang dito ay naganap matapos ang ilang araw na
pananahimik niModesto mula malaman ng anak na si Jun ang kanyang tunay na sitwasyon sa
loob. Isang araw, hindina natiis ni Modesto ang pang-aapi sa kanya ng mga sundalong
Amerikano sa base militar.
Nakipagsagutan siya kay Johnson at nauwi ito sa suntukan. Lamang sana si Modesto nang
pagtulungansiya ng mga kasamahan ng sundalong Puti. Sa kabila ng pagpipigil at pakikiusap ni
William, napataynila si Modesto.

BAHAY NIMODESTO
Isang tagpo sa nobela ay ang pag-uwi ni Modesto sa kanyang tahanan kung saan nagbunganga
na namanang kanyang asawa ukol sa kanyang pagtatapon ng pera sa alak at bar sa halip na sa
gastusing-bahaykaya naman lubog na sila sa utang. Ibinalita rin sa kanya ni Jun ang ukol sa
tanggapan sa Base at angkanyang interes na pumasok dito. Tinutulan ito ni Modesto at
sinabing baka isipin ng mga kapitbahay aymasiyado silang abuso sa Base at nakakahiya.
Subalit ang totoo ay natatakot lamang siyang malaman niJun ang kanyang kalagayan sa loob.
Kaya naman nang nagpumilit si Jun ay napigti na ang kanyang pasensiya at binulyawan ito ukol
sa inuutos niya ritong punuin ng tubig ang drama.
TAUHAN
niyang tanggapin. Bunga na rin ito ng sunud-sunod na kawalanghiyaan ng mga Kano sa atin. Una
ay ang pagpatay kay Modesto, sunod ay ang panloloko ni Richard Halloway at Igna kay Ali at
ikatlo ay ang pagtatapat sa kanya ni Steve at hiling nitong ipalaglag na lang ang bata sa
sinapupunan ni Magda.
Nagipun-ipon ang lahat ng ito kaya naman din na niya napigilan ang kanyang sarili. Napatay
niya siSteve at siyas nakulong.
2.Pagkaputol ng isa sa mga kuwedras ng gitara habang tinutugtog ni Mike ang kanyang ikatlong kanta
.Ito ang isa pa sa mga nagbibigay senyales na may masamang mangyayari nang gabing iyon.
Noongunay akala ni Mike ay simpleng tampuhan lamang ang namamagitan sa dalawa.
Noong unay akalaniya ay maayos din kaagad ang lahat ngunit sa mga sinabi ni Steve na si
Magda ay isa lamang puta, nasiya ay may naiwang pamilya sa States at paninisi nito kay Magda
dahil ito umano ang lumimot sa tunaynilang sitwasyon na akala niyay nauunawaan nito una pa
lang. Lahat ng ito ay tuluyang sumira na rin sasumisibol na sanang konsiderasyon ni Mike na
hindi lahat ng Puti ay masama.
Ngunit punung-puno nasiya.
Napigtas na rin ang kanyang pasensiya, pananalig at pag-asa na may mabubuti ring Kano.
3. Pagdating ng barkong
Kano at pagkakagulo ng mga tao sa Olongapo bilang paghahanda gaya ng mgahostess na kuntudo sa pagmamake-up
Hindi bat sa tuwing darating ang mga sundalong Kano ay grabe ang ginagawang paghahanda
ng mgawaiter, hostess, manager atbp. Abat sulputan ang mga ibat ibang pampaganda, ang
mga beauty salonay nabubuhay at mabubuhay na namang muli ang pangarap ng mga hostess na
makarating sa ibang bansa. Pag-asa nga bang talaga ang nais ipahiwatig nito sa atin? Mas
maunlad na buhay nga ba ang saatiy ihahain? Para sa akin ay nagsisimbulismo lamang ito ng
ating maling paniniwala na ang mga Kanoang siyang solusyon sa ating mga problemat
kahirapan. Kung pakasusuriin ay hindi bat higit nakaguluhan sa kapwa kababayan ang sa
atiy hatid ng barkong ito. Dahil sa mga Kano ay di bale nangmaapi ang kapwa Pilipino
maipakita lang ang ating pagiging hospitable. Tsk. Tsk. Mga Pinoy talaga.
4. Pagsasantabi ni Magda sa mga produktong Pinoy gaya ng Mang Tomas, Bagoong
Ilokano at Patis-Pambihira. Sa halip, inilagay niya sa lalagyanan ang kanyang bagong biling inported na produkto
gayang Ruby Ruth, Corned Beef at Hersey atbp
Ipinahihiwatig nito ang pagtangkilik ni Magda sa mga imported na produkto sa halip na
sariling atin.Ipinapakita rin nito ang pangkahalatang persepsiyon nating mga Pilipino na
bastat galing ibang bansaay swak na sa kalidad o lasa. Pati na rin ang ating pananabik sa mga
ito ay naipakita nang sabay-sabaykainin ni Magda ang kanyang pinamili.
Ngunit, ewan kung dahil sa sabay-sabay niya itong kinain atnaghalo ito sa kanyang tiyan, o
siyay naapektuhan sa sinabi ni Mike ukol sa balita sa London kung saanilang katao ang
sinugod sa ospital matapos kumain ng sardinas galing sa Amerika. O dili kayay totoongang
may diperensiya ang mga pagkain, biglang nagsusuka si Magda sa lababo at inilabas ang lahat

ngkanyang kakain pa lang. Tsk. Tsk.


5. Paggagap ni Mike sa kamay ni Magda ng mahigpit sa dulong bahagi ng nobela
Ito ay naganap noong nasa kulungan na si Mike matapos ang krimen at siyay dinalaw ni
Magda.Tinanong ni Magda na kung maaari ay pagtulungan nilang palakihin ang sanggol sa
kanyangsinapupunan. Ginagap ni Mike ang kamay ni Magda sa pagitan ng mga rehas, tunay na
nagpapahiwatig
[12]
ng kanyang pagsang-ayon sa hamon ng pagiging isang ama sa kabila ng kahirapan. Ang
paggagap na itoay nangangahulugang magtutulungan sila ni Magda at magsusumikap na maging
isang masayang pamilya.
Pagdurog ni Magda ng tsokolateng Baby Ruth sa kanyang palad habang nasa ilalim ng arko sa parkena may
nakasulat na To The Lasting Friendship of Two Great Nations
Nang mga panahong ito ay tila napagisip-isip ni Magda ang mga sinabi sa kanya ni Mike noong
maramisiyang pinamiling pagkaing stateside at sa mga nagyari sa kanila nitong mga nakaraang
buwan at sakanyang pagbubuntis ay makikitang nagbago na ng pananaw si Magda. Simula
ngayon hindi na siyatatangkilik ng mga produktong Kano at di na aasang makapapangsawa ng
isang Kano. Ang lahat ng itoay malumanay niyang tinaggap sa kanyang sarili. At tulad ng isang
tsokolateng natunaw, hindi na itomaibabalik pa sa orihinal na hugis, ang pananaw at desisyon
ni Magda ay pinal na.Paglalapat
Sa unang tingin, hindi mo aakalaing ang isang maliit at tila pipitsuging librong Gapo ni
LualhatiBautista ay mayroong napakaraming bagay, aral, katotohanan at kaisipan ang sa ating
mambabasay ipapamana.Sa katotohanan, hindi ko intensiyong magbasa ng isang nobelang
Tagalog noong una sapagkat nasanay na akosa nobelang isinulat sa wikang Ingles. Pero dahil
kailangan, sinimulan kong basahin ang pabalat, sa harap at salikod. Hmmm.... Mukhang kakaiba
ang tema nito ah. Sa isip ko. Kaya pagbuklat ko sa unang pahina, tila akonamahika pagkat di
ko na natigilan ang pagbabasa. Ang pangyayaring ito ay noong akoy nasa ikatlong taon pasa
sekondarya, noong nakaraang taon. Oo, inuna kong basahin ang Gapo sa kadahilanang mas
manipis ito.
Ngunit, huwag ka.
NAKA-adik pala.
Eh di sinunod ko naman ang Dekada 70. At wow! Grabe ang laki-laki pala talaga ng librong
ito.
Naloko ako ah! Haha. Bago pa kung anu-anong sabihin ko dito ay nais ko langibahagi ang ilan
sa mga napulot kot ibinulsang aral sa nobelang ito.
Nagising ang natutulog kong diwa, damdamin at espiritung pagka-Pilipino. Mapapansin mo
naman sakabuuan ng pagsusuring ito ay tila pinapatutsadahan ko ang bansang Amerika o ang
Estados Unidos. Oo, totooyun, bakit? Sa mas sersoyosong usapan, naramdaman kong mahal ko
pala ang bansa ko, ang kapwa ko at angsarili ko. Kasi dati, basta gawang ibang bansa,
pinapanginoon natin, pero dahil sa akdang ito, mas nabigyangliwanag ang mga haka-haka. Oo,
wala naman payak na patunay si Lualhati maliban sa kanyang karanasan, saeksperiyensa ng
mga taong biktima ng kanilang kabutihang-puso.Kung ang epekto nito sa ating bayan, sa
palagay ko ay wala hanggat hindi nakakapagbasa ng isangnobelang tulad ng Gapo. Marahil sa
aming mga mag-aaral na
required na basahin ito ay mayroon. Sana langmabuti ito at magamit sa tamang paraan at hindi
lamang nalaman at wala na, ibinaon na sa kung saan Well, sino ako para diktahan kayo sa
paniniwala niyo. Basta ako, yan ang ilan sa pinaniniwalaan ngisang batang tulad ko.
Kaisipan/Aral
1.
Wala nang hihigit pang kadakilaan sa pag-alay ng buhay sa bayan
Para sa akin, sa kanilang simpleng pamamaraan, maituturing na bayani sina Modesto, Mike,

Magda dahilinialay nila ang buhay sa ating bansa. Hindi man sa paraang pagpapakamatay, sa
paraan ng pamumuhay aynaipakita nila ang tunay na ugali ng Pilipino sa mga pagsubok ng
buhay. Si Modesto na pilit nagtimpi sa kabilang mga pang-aapi, si Mike na Kano man ang
panlabas na kaanyuan ay Pinoy na Pinoy ang paninindigan at siMagda na natuto sa kanyang mga
pagkakamali at sa huli ay nagbao nang tuluyan.
Nakakabilib hindi ba?
2.Ang taong walang kibo, nasa loob ang kulo
Ito ang nangyari kay Modesto nang mapuno na siya sa mga pinaggagawa sa kanya at higit na
nang malamanng kanyang anak ang kalagayan niya sa loob ng base. Ilang araw siyang nawalan
ng kibo at nanahimik, peroisang araw bigla siyang sumabog at di na nakapagpigil. Kaya, dapat
tayong mag-ingat sa pakikitungo sa kapwanatin. Matutong makipagkapwa nang maiwasan ang
pagkakaroon ng kaaway at gulo.
3.
Batong buhay ka man na sakdal ng tigas, sa patak ng tubig lamang naagnas
-- Masasalamin ito sa nagyari kay Mike na animo napakatatag sa kabila ng mga kaguluhan sa
Gapo at tila balewala na lang sa kanya ito.
Nang sumapit ang oras na ang mga kaibigan naman niya ang nalagay saalanganin, hindi siya
nakapagpigil at bumigay ang matagal nang tinitimping galit. Parang sa tao, kahit gaanotayo
kalakas, lahat tayo ay may kahinaan. Maaaring mga mahal sa buhay o mga bahay na mahalaga
sa atin.

UOD AT ROSAS
Pinamagatang Mga Uod at Rosas. Nobelang isinulat ni Edgardo M. Reyes na sabi niyay
isa sa paborito niyang nobelang kanyang isulat . Nabanggit rin nya na hindi talaga madali ang
mga nangyari bago maisalibro ang nobelang ito. Sabi niya nakakapanghinayang ito kung hindi
maisasaaklat. Na talagang totoo dahil marami kang matututunan sa aklat na ito. Noong 1980
pa nga raw niya ito nasulat ngunit nang nais na niyang itoy maisalibro ay may nakahiram at
hindi na ito nisauli.Nangapa ako sa hangin kung saan ako makakahagilap ng kopya dagadag
pa nito . Matapos ang halos 30 taon nakahanap din siya ng kopya at itoy nasa libro . Ang Mga
Uod at Rosas ay nobela tungkol sa buhay nga isang artist , tulad ni Ding ,na bagamat alam
niyang walang pera dito ay itinuloy niya parin ang trabahong ito.Matutunghayan din natin dito
ang kasabay na pagpasok ng buhay pag-ibig ni ding sa gitna ng hirap ng paghahanap ng pera ng
isang taong katulad niyay artist .
Kung may isang bagay na lubhang kinasusuklaman ang isang artist , itoy ang katotohanan
na kailangan din niya ang pera . Kailangan din nito ang kumain tulad ng isang karaniwang
mortal. Dagdag pa niya . Iyan ang buhay ng isang artist,si Ding . Si ding ay isang artist na
ngayoy nangungupahan sa isang intresuelo . Pangatlong buwan narin siyang hindi
nakakapagbayad , mga P600.00 sa kabuuan ang lahat . Nagustuhan ko ang akdang ito pagkat
gaya nga ng sinabi niyang mahirap at walang pera sa pagiging artist , nais kong malaman ang
mga gagawin niya upang magkaroon ng laman ang kaniyang tiyan at makaraos sa pang-arawaraw na buhay .
Makikita rin natin sa kwento ang pagtatalaky sa buhay pag-ibig niya . Katulad ng isang tao,
di mawawala ang makaramdam ng pag-ibig . At kasama ng pag-ibig kung paano niya ito
mapagsasabay sa pagharap sa mga suliranin sa niya sa buhay . Na nabanggit sa kwento na
tinutulungan sya ng isang babae upang may matirhan at makain araw araw , na alam nyang
hindi naman niya ito kaano ano .

PINAGLAHUAN
November 7, 2009
Nobela: Pinaglahuan

Awtor: Faustino Aguilar


Taong Nailathala: 1907
Mga Tauhan:
Eduarda Danding Gutierrez
Luis Gat-buhay
Victorino Rojalde
Don Nicanor Gutierrez
ora Titay Gutierrez
Mr. Kilsberg

Ang mga kasawiang-palad na ganiyay dapat nating daanin sa tiis.


Ganiyan na nga ang nabubuhay na tao, mag-aasal patay

Pinaglahuan, 1907.

Pinaglahuan isang nobela ni Faustino Aguilar na may temang pag-ibig at iniluwal noong 1907.
Ngunit piksyonal man, ang nobelang ito ay mayroong makatotohanan na pagsusuri sa lipunang
Pilipino noong panahon iyon.
Sa kasalukuyan, mahigit isandaang taon na ang nakalipas ngunit patuloy pa rin na sinasalamin
ng nobela ang kalagayan ng batayang masa at ang kinahaharap nila sa ilalim ng imperyalismo.
May tatlong matingkad na puntos akong napuna sa nobelang ito.
Una, ay ang pagpapakita ng nobela ng pagka-unawa sa kalagayan ng bayan sa ilalim ng
imperyalismo. Ipinakita dito kung paano ang mga tauhan (na representante ng mga uri sa
lipunan) ay nagtutunggalian sa ilalim ng iskemang ng imperyalismo.
Ikalawa, ipinakita ng awtor sa nobela na may mga ideolohikal na aparato ang estado na siyang
nagbubunsod sa mga tauhan na manatiling docile na lamang. Ang mga institusyong ito rin ang
nagpapanatili sa moda ng produksyon ng mga ideolohiya ng naghaharing uri sa pamamagitan ng
pagrereprodyus nito.
Ang huli, napansin ko sa nobela na mayroon na itong abanteng pagsusuri sa kalagayan ng mga
kababaihan sa lipunan, at buhat dito ay ipinakita ang sitwasyon na dinadanas din ng Inang
Bayan.

Tema ng Pag-ibig Bilang Pagpapakita sa Kalagayan ng Bayan


Ang mga tauhan sa nobela ay siya ring mga tampok bilang mga aktuwal na tauhan sa lipunan.
Nariyan si Mr. Kilsberg na siyang manipestasyon ng imperyalismo. Si Rojalde bilang
representante ng Malalaking Burgesya Kumprador at mga Panginoong may Lupa na siyang mga
masasalapi at nakikinabang sa mga iskema ng imperyalismo. Sila Don Nicanor Gutierrez na
mga representante ng Pambansang Burgesya.

Si Luis naman ay siyang representante ng uring manggagawa o sa uring anakpawis. Samantala


si Danding naman ang manipestasyon ng lipunang Pilipino sa kaanyuan ng Inang Bayan. Sa
pamamagitan ng tema ng pag-ibig ay naiangat ni Faustino Aguilar ang istorya upang mulatin
ang kamalayan ng mga mambabasa. Ano nga ba ang pag-ibig na ito kundi ang pag-ibig sa bayan
at ang paghahangad ng bawat masang Pilipino na naduhagi ng imperyalismo, na siyang rurok ng
kapitalismo, na matamo ang tunay na kalayaan sa lipunan at wagas na pagkakapantay-pantay.
Sa paumpisa pa lamang ng nobela ay ipinakita na nito ang mito na ang U.S ay may pag-aasam
na palayain o idemokratisa ang Pilipinas. Bagkus, ay ipinakita kung paano sa pamamagitan ng
Paris Treaty ay napaloob sa bagong kolonyalista ang bayan. Ipinakita din sa nobela na noong
panahon na iyon ay may pagkakahati sa mga Pilipino.
Ang una ay yaong mga nagsipagsandata upang matamo ang tunay na pagsasarili. Ang sumunod
naman ay yaong mga makikinabang sa pakikiugnay sa U.S. Nagpuna si Aguilar sa umpisa pa
lamang ng kanyang akda na sadyang may kahirapan para sa huli na pumanig sa pagsasarili
sapagkat puro sariling galing at hindi kagalingan ng bayan ang pinaiiral.
Mayroong pag-aanalisa sa uri sa nobelang Pinaglahuan. Sinuri nito kung paano ang bawat uri ay
kikilos upang dumulog sa panawagan ng bayan. Nabanggit sa nobela na: Bayan ang tumawag at
bayan ang dumalo ibig sabihin ay may kahandaan din ang mamamayan na dumulog sa
panawagan ng bayan.
Ngunit, mayroong uri sa lipunan na maaaring isawalambahala ang panawagang ito. Gaya ng puna
ni Luis Gat-Buhay doon sa nagmamay-ari ng tanghalan na ayaw ipahiram ang kanyang lugar sa
pagpupulong.
Ayon kay Luis: Kung walang nilit sa kanyay [ang nagmamay-ari ng tanghalan] di tatalikwas.
Palibhasa ay nagdadalawang isip sa takot na maapektuhan ang kanilang kalagayang nakaaangat
sa lipunan.
Ito ay sapagkat silang mga masalapi ay walang interes na dumulog sa pulong na pag-uusapan
ang pagsasarili ng bayan sapagkat ayon sa nobela: Manapay nagsisipangambang makisama sa
bayan at baka mangapahamak. Sila ay nariyan lamang tuwing may tagumpay ang bayan. Sa
ganitong pagkakataon ay sila pa ang nagkukumahog na manguna.
Samantala, ipinakita sa mga nais ni Luis ang hinahangad din ng kabuuan ng masang Pilipino na
binanggit sa ika-anim na kabanata ng nobela.
Ang anim na pinaka-aasam ni Luis ay ang una, panahon na walang panginoon at walang
alipin.Ikalawa, na ang kawanggawa ay hindi na mabibili.Ikatlo, na ang bawat isa ay magkasya
sa kaniyang kailangan na lamang.Ikaapat, na ang kagalingan ng lahat ang siyang mag-udyok sa
tao sa pagdaraos ng ano mang akala.Ikalima, ang kapangyarihan sa pamamahala ay maging
kahulugan ng kalooban ng lahat at huwag ng iilan.At ang ikaanim, ay ang pagkakaroon ng isang
panahon na ikatutupad ng mga aral at haka-hakang ngayon ay inaring panaginip lamang.Ito ay
ang mga adhika ni Luis na siyang nais niyang makamit ng bayan. Ngunit siya namang hindi
hinahayaan ng interes ng imperyalismo at mga kaalyado nito na maisakatuparan. Ito ay dulot
ng pagnanais na magkamal pa ng maraming kayamanan at kapangyarihan.
Mga Represibong Institusyon ng Lipunan
Samantala nirerepresenta naman ni Danding ang abang kalagayan ng mga Pilipino sa gitna ng
mga institusyon na siyang nagpapalaganap ng ideolohiya ng naghaharing-uri sa lipunan. Nariyan
ang kaniyang mga magulang o ang institusyon ng pamilya. Nariyan din ang institusyon ng
ekonomiya, ng pulitika at ang institusyon ng simbahan na siya ring nagpapalaganap ng naturang
mga ideyolohiya.

Ano nga ba at nabanggit ni Luis na ang salapi at pananampalataya ay mga napakalalakas na


kaaway niya. Ito ay dahilan sa kalagayan na kinahaharap nila ni Danding. Nalalaman ni Luis na
hindi maaaring maisakatuparan ang pag-iibigan nila ni Danding dahilan sa ang kapalaran nila ay
itinakda na ng mga institusyon na nakapalibot sa kaniya.
Makikita din sa nobela ang kalakaran sa lipunan. Dalawa sa mga ito ay kung paano pinapananaw
ng mga tao ang kaunlaran at ang sumunod ay kung paano nga ba naisisilang sa lipunan ang mga
kriminal. Napansin ko na mayroong macro-objectivist na pagpapananaw si Aguilar sa kung
bakit nga ba may mga krimen sa lipunan. Tinitingnan nito sa kabuuan o malawakang
perspektibo ang pagsusuri.
Sa ilalim ng mga teorya sa macro-objectivism sinsabi na ang pagsalungat ay bunga ng mga
kondisyon sa lipunan. Dito, sinasabi na bawat lipunan ay may mga pinahahalagahan na mga
values. At sa isang kapitalistang panahon ang mga values na pinahahalagahan ay yaong mga
materyal na kagaya ng salapi. Sa loob ng lipunang ay may tatsulok, na siyang nagsasabi na
mayroong pagkakahati-hati sa uri, at kabilang dito ang malaking bilang ng mga uring
anakpawis.
Dahil sa may mga mamamayan na walang kakayanan na makamit ang itinakdang values ng
lipunan sa pamamaraan na aprubado nito ay napipilitan sila na kamtan ito sa ibang
pamamaraan. Paraan na ayon sa batas ay mali sapagkat silang nagtatakda ng mga patakaran,
ay siya ring mga naghaharing-uri na ang interes ay ang mapanatili ang sariling kagalingan.
Mula sa pagpapakita ng mga institusyong ito na siyang nagsasagka sa ikakatuparan ng pagiibigan nila Danding at Luis ay nasuri ni Luis na siya ring mga naturang institusyon ang dahilan
ng pagkaduhagi ng mga mahihirap sa lipunan.
Ang mga institusyong ito na siya ngang nagpapalaganap ng ideyolohiya na kumakalinga sa
naghaharing mga uri ay siya ring pumipigil sa ikasasakatuparan ng mga hinahangad ni Luis na
mga pagbabago sa Pilipinas. At siya ring pumupigil sa tunay na kaginhawaan ng masang
nakararami. Ang buhay nila sa pagkakasabi ni Luis ay ang sa alamang, paglukso ay patay. Ano
pa nga ba at itinakda na rin ang kapalaran ng mga dukha na masasalimin sa madaming tagpo sa
nobela.

Doon na nanghina ang kaniyang malalakas na butong mula nang mapasabahay na iyon ay
ginamit na lamang sa paglingkod sa iba at minsan may hindi sa sarili. Palad ng dukha,
katalagahan sa buhay ng mahirap.

Pinaglahuan, Kabanata 9
Nagbubukang-liwayway sa kasilanganay ngumingiti na ang masayang liwanag, ang mga
manggagawang maaga kung pumasok ay nagsali-salimbay sa mga lansangan at ang mga dukhang
di naghapunay gising nang nangag-iisip kung saan kukuha ng makakain sa maghapon.
Pinaglahuan, Kabanata 9
Samantala yaong mga interes at pagpapalagay ng masasalapi at mga opisyal sa pamahalaan sa
mga dukha at rebolusyonaryo ay ipinakita din sa nobela.

Ang mga dukha ay di maaaring makisilong man lamang sa lilim ng aking panambi
Pinaglahuan, [Don Nicanor] Kabanata 4
[K]ahit sa paninirang-puri sa ganito o gayong manggugulo, gaya ng tawag sa mga may

damdaming mahal na di nagbibili ng kanilang pananalig at layon, palibhasay nangakatatalastas


na hindi ang lagay na kasalukuyan ang marapat sa Pilipinas, kundi ang isang kapalarang lalong
may mataas na uri, bilang kapalit ng dugo ng kaniyang mga bayaning sa lahat ng dakoy
nagsuyo ng buhay na yakap ang watawat ng isang banal na adhika
Pinaglahuan, Kabanata 10
Sa nobela ay ipinakita din na ang mga tauhan doon ay mayroong pagkilala sa pangangailangan
ng isang rebolusyon upang makamit ang tunay na pagkakapantay-pantay.

Upang mabago ang kalagayan natin sa pamamayan ay nangangailangan tayo ng paghihimagsik


Pinaglahuan, Kabanata 7
Walang kapoon-poon kundi ang katwiran, sa kaniyang kahulugang talaga, ang katwiran ay
siyang panginoon ng lahat, haring makapangyarihan na di kumikilala ng lahi, kulay at
pagkatao
Pinaglahuan, Kabanata 7
Sitwasyon ng Kababaihan sa Lipunang Pilipino

Sasabihin lamang na napalaki ang isinulong ng sansinukob, gayong ang katotohanay


kasangkapang kung ipalagay ang babae, kasangkapang pamuno ng isang kailangan at alipin
habambuhay
Pinaglahuan, Kabanata 18
Palibhasa ay mayroong pagsasapananaw sa kaunlaran na ayon kay Danding ay sa malinaw na
tubig tumitingin, [at] hindi sa mabahong burak sa kailaliman kung kaya mababaw din ang
pagsasapananaw sa kahulugan ng kaunlaran. Kadalasan pa nga ay sa ngalan ng kaunlaran ay lalo
pang naisantabi ang kalagayan ng mga naghihirap na Pilipino.
Sinabi sa nobela na si Don Nicanor Gutierrez ay may paniniwala na ang anak na babae ay
puhunan. Tila ganito din ang pagsasapananaw sa kalagayan ng Inang Bayan na ang kahalagahan
ay nasusukat hanggat ito ay makukunan ng kapakinabangan.
Bukod sa pagpapakita ng kalagayan ng mamamayan na impluwensyado ng mga institusyon sa
lipunan ipinakita din sa katauhan ni Danding kung paano ang kalagayan ng inang bayan na
siyang kinadenahan ng mga institusyon ng imperyalismo upang masiguro ang kanyang
pagsunod. At ang mga masalaping anak ng bayan ay nakikialyado pa sa imperyalismong interes
dahil sila ay may kapakinabangan din.
Maigting na ipinakita sa nobela ang kalagayan ng mga kababaihan sa lipunang Pilipino na
masasalamin sa mga pahayag ni Danding sa nobela. Ipinahayag niya sa nobela kung paano nga
ba ang sektor ng kababaihan ay itinatakda na ang buhay kahalintulad ng kapalaran ng bayan.
Sa mga pananalita ni Danding na ang puso niya ay di kailanman makukuha ni Rojalde ay naalala
ko ang sinabi ng lider katutubo na si Macli-ing Dulag: Ang katawan ko lang ang mamamatay,
hindi ang diwang ipinaglalaban. Maihahalintulad ko sa porma ng pag-aaklas na ginawa ni
Danding na kahit na ang pisikal na katawan niya ay hindi na niya hawak ay naniniguro naman
siya na ang kanyang diwa ng pag-ibig ay hindi maaagaw mula sa kanya, pag-ibig para sa
kasintahan na siya ring pag-ibig sa diwa ng kalayaan.
At yaong anak na isisilang ni Danding ay siyang rebolusyon na bunga ng panawagan ng mga
dukha na makamtan ang isang tunay na kalayaan ng bayan. Ang pag-ibig ng mamamayan sa

Inang Bayan ang siyang nagluwal sa himagsikan.

You might also like