Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

January 29, 2013

Andyan na Si Gardonet: Mag-ingat Ka

Mahigit apatnapung taon na ang nakaraan nang ipatupad ang isang batas na nagdulot
muli ng bangungot at sumindak sa diwa ng bawat mamamayang Pilipino, ang Martial Law. Ito
ay ipinatupad upang mapanatili ang kaayusan sa bansa at masupil ang mga kilusan o grupo ng
mga aktibista na nangahas na kalabanin ang gobyerno tulad ng CPP (Communist Party of the
Philippines), at Moro National Liberation Front (MNLF). Marami ring nagsasabi na ito ay
iprinoklama ni Marcos upang panatilihin ang kanyang pagkakaupo bilang pangulo ng Pilipinas.
Sinuman ang magtangkang siya ay patalsikin sa kanyang kinauupuan at magsilbing balakid sa
pansariling kaunlaran at kapakinabangan ay tiyak na hindi makaliligtas sa kamay ng mga militar.
Anuman ang dahilan ng pagpapatupad ng bagong batas, ito ay nagbunga ng isang bagong
lipunan kung saan ang mga kinahantungan ay inilahad sa akdang Tutubi, Tutubi, 'Wag Kang
Magpahuli sa Mamang Salbahe. Anuman ang mga kinahantungan ng bagong lipunan ay
maaaring maulit o nauulit na sa kasalukuyan.

"Pero ngayon, nababantayan ito ng mga taong unipormado. Sila ang mga bagong amo."
Ang pinakamalaking pagbabago na inilahad ni Jojo, ang bida sa nobela, ay ang paghahari ng
militar. Sa simula pa lang ng nobela, isinalarawan ang kahigpitan sa seguridad ng kanilang
eskwelahan. Ang mga guwardiya na dati'y magalang at walang pakialam ay naging mga bastos,
pakialamero at usisero. Bawat taong papasok sa eskwelahan ay parang kriminal kung kanila'y

1 | Page

suriin. Hindi lang sila mapang-usisa, sila rin ay naging makapangyarihan dahil sa kanilang mga
armas. Ito ang kanilang depensa sa mga taong walang disiplina at taong ayaw sumunod sa
kanilang mga patakaran. Kapalit ng pagsuway ay isang batok, isang tadyak, isang suntok at ang
pinakamalala isang buhay. Isang uri ng hindi makatarungang pagdidisiplina. Hindi na ginalang
ang mga tao. Kaya tuloy mas dumami pa ang nagrebelde sa halip na manahimik at tumunganga.
Mas maraming naging agresibo dahil ayaw matapakan ang natatangi nilang maipagmamalaki,
ang kanilang dignidad (Reyes, 2004).

Kung sa pakikialam lang naman, tinalo pa nila ang security sa airport. Sa airport, mga
bagahe mo lang ang tsinetsek, pero ang mga guwardiyang ito, hindi lang dala mo ang iniinterrogate, kundi pati itsura mo. Bawal ang mahaba ang buhok dahil ito ang fashion statement
ng mga aktibista. Malas ka kapag napagkamalan at napag-tripan ka. Baka hindi lang paghingi ng
tulong ang ipagdasal mo sa Panginoon, baka mangumpisal ka pa dahil hindi mo sigurado ang
buhay mo. Hindi rin kaaya-aya sa kanilang panigin ang sando o t-shirt na gusgusin. Kung
estudyante ka at may hawak kang aklat, pati yun ay uusisain. Nalalaman rin kasi nila kung sino
ang tibak at hindi sa pamamagitan ng librong binabasa. Kahit pa ang librong hawak mo ay
babasahin sa isang paksa sa eskwela, hindi ito palalampasin. Wala talagang kawala ang kahit na
anong bagay sa mga guwardiyang iyon. Dahil sa bagong lipunan, bawal ang pangit (Reyes,
2004).

Dahil ang militar na ang bagong amo, marami sa kanila, hindi lang tiyan ang lumaki,
kundi pati ulo. Naging makapangyarihan lang, yumabang na, akala mo kung sino tulad na
lamang ni Gardonet. " U. Ki. We ar raning in sirkols. Ip istil yo do not koo-perit, I wil batok yu

2 | Page

mor," (Reyes, 2004). Hanep si sir, umi-ispeakening English, yan ang tinatawag na jejemon ng
makalumang panahon. Hindi naman masamang mag-Ingles, pero dahil Pinoy naman ang kausap
niya at dahil silang dalawa naman ay parehong nakakaintindi ng Tagalog, sana ay hindi niya na
pinahirapan pa ang kanyang sarili. Napahiya pa tuloy siya. Kung sasabihin sa kanya ni Rizal
ngayon ang linyang, "Ang di magmahal sa sariling wika ay mas mabaho pa sa malansang isda,"
sigurado kong sapol si tsip. Kawawang wika, kinakalimutan na lang na parang bula.

Maliban sa mahigpit na guwardiya, isa pang mahigpit na alituntunin ang nauso noong
panahon ng martial law, ang curfew. Sa tuwing sasapit ang alas dose ng hatinggabi, dapat ay
wala nang nakaistambay na tao sa mga kalsada, sa labas ng bahay, kahit sa mga eskinita. Kung
magpapahuli, tiyak na sa presinto ka didiretso, tiyak makikita mo ang mga kauri ni Gardonet.
Dahil sa ganitong set-up, maraming bar, restaurant, at iba pang establisimyento and nagsipagayos ng kani-kanilang mga schedule.Tulad ng nabanggit sa aklat, ang folk house na tambayan ni
Jo at ng kanyang mga kaibigan, dati'y pasado als-otso pa ng gabi kung magbukas pero ngayon
alas-sais pa lang, nakahanda na sila (Reyes, 2004). At kung maabutan ka ng bell sa daan,
maghanap ka na ng malapit na mapagtutuluyan.

Marami pang alam ang mga militar na katulad ni Gardonet tulad ng pagpapaalis sa mga
squatters at paninira ng bahay ng may bahay, panunugod sa iba pang bahay, pagdukot sa mga
taong walang kasalanan at may kasalanan, pagpatay sa mga taong pangit at walang kalabanlaban. Pero syempre ang paborito nilang mga pain ay yung mga tibak dahil para silang mga sili
na laging pinapainit ang sikmura ng mga militar. Kaya naman bagay na bagay sa kanila ang
kursong BS Criminology Major in Torturing. Sigurado ako marami sa kanila ang laude. Kanino

3 | Page

pa ba magmamana ang mga taong eto, eh di sa purok leader nilang si Marcos. Para silang mga
tuta na madaling pasunurin. Kapag pinakain mo ng buto, agad na mapapasunod mo, baka
mapamahal pa sayo. Parang silang mga robot na kapag inutusan mong tumayo, tatayo agad,
kapag inutusan mong pumatay, papatay agad. Hindi man lang nila iniisip kung tama ba ang
kanilang ginagawa, kung makatarungan pa ba ang mga ito. Sa bagay, sino ba namang aso ang
hindi bibigay sa buto? Eh kung dog food pa kaya?

Mahigit apatnapung taon na nga ang nakaraan nang ipatupad ang isang batas na nagdulot
muli ng bangungot at sumindak sa diwa ng bawat mamamayang Pilipino, ang Martial Law. Pero
huwag kang pakasisiguro dahil marami pa ring Gardonet sa kasalukuyang panahon. Tumingin ka
lang sa piligid mo. Sa pagsakay mo ng dyip, FX, o kaya bus, makikita mo ang Gardonet na
sinasabi ko. Minsan naka-blue, minsan naka-green, sila yung pumapara sa mga sasakyang
napatigil lang sandali ay bibigyan na ang drayber ng ticket. Minsan naiintindihan ko sila dahil
may pasaway din naming mga drayber pero madalas walang hustisya ang ipinapataw na ticket.

Lumingon-lingon ka pa sa kaliwa, sa kanan, andyan na si Gardonet na sobrang laki ng


tiyan. Kaya siguro sa mga teleserye laging huli ang pulis, hindi na makayanan ang bigat ng
katawan sa pagtakbo, yan tuloy nakakatakas ang mga loko. Kung ginagawa lang sana nila ng
maayos ang kanilang mga tungkulin, hindi lalaki ang tiyan nila ng ganun. Baka naging macho pa
sila. Naibahagi pa nga sa nobela ang isang eksena kung saan nagtakbuhan sina Jojo dahil
hinahabol sila ng mga lasing na tambay. Tinanong sila ang pulis kung bakit sila tumtakbo at
sinabi naman nila ang katotohanan. Ang pulis ay nagmayabang, inilabas ang kanyang
mahiwagang baril. Siguro sa sobrang kahiwagaan, hindi nakayanan ng pulis, yung tuloy naagaw

4 | Page

ng mga tambay (Reyes, 2004).

Marami pang alam ang mga pulis. Naniniwala akong pinaniniwalaan ng iba sa kanila ang
kasabihang, Keep your friends close and your enemies closer. Ang mga kaaway ng pulis ay
ang mga kriminal ngunit kumakapit din sila sa kriminal. Mas naging malala pa ang sitwasyon.
Ang dapat na mabuti ay nakipag-sanib pwersa sa masama. Sino ba naming hindi papayag? Sabi
nga nila, Its a win-win situation. Hindi mahuhuli ang mga kriminal dahil pulis ang kanilang
lookout at ang pulis makikinabang din sa kita. Talagang tuso ang mga tao; kung gusto may
paraan. Hindi na nakapagtataka kung bakit maraming mayamang pulis.

Kaya dapat tayong maging tuso, maging matalino, maging matatag. Sa pagharap sa
mundong puno ng katiwaliaan, puno ng kalokohan at kabulastugan, kailngan nating mag-ingat.
Mamaya lang, andyan na si Gardonet.

Siniping Akda
Reyes, Jun C. Tutubi, Tutubi, 'Wag Kang Magpahuli sa Mamang Salbahe. Lungsod Quezon: UP
Press. 2004. Nakalimbag.

5 | Page

6 | Page

You might also like