Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Si Pinkaw

Isabelo S. Sobrevega
Ang maikling kwentong ito ay tungkol sa isang biyuda na si Pinkaw, ang asawa nito
na dapat na katulong nito sa paghahanap buhay at pagtataguyod sa pamilya nila ay sa
kasamaang palad ay nasawi. Tangap na ni Pingkaw ang buhay na tinatamasa nilang
pamilya, binubuhay niya ang kaniyang tatlong anak na sa balita ay iba-iba ang ama sa
pamamagitan ng pangangalakal sa kalye. Isang araw na pinakain niya ang kanyang
mga anak na napanis na sardinas ay sumakit ang mga tiyan nito, dali-dali niyang
isinakay sa kariton ang mga ito at humingi ng tulong sa mga doktor na kilala niya ngunit
hindi rin siya tinulungan. Huli ng malaman niyang patay na ang anak niyang panganay
at sumunod ang pangalawa, masuwerteng naligtas ang gwapong anak nito na bunso
ngunit ng sumunod na mga araw ay namayapa rin ito. Sa labis na kasawiaan
natanggap ni Pinkaw ang mga pangyayari na nagdulot na kanyang pagkawala sa sarili.
Ang mga tauhan ng kwento ay si Pinkaw, Ina ng tatlong batang lalaki na sina
Porang, Basing ,at Takoy at siyang pangunahing tauhan ng istorya. Porang ang
panganay na anak matangkad ngunit sobrang payat. Basing ang pangalawang anak
siya ay sungi ngunit mahilig kumain ng tubo.Takoy ang bunso makisig at gwapong
gwapong bata.
Naganap ang tagpuan ng kwento sa tambakan.
Pagdating sa paniniwala, kultura , at pag-uugali sumasalalim sa isa sa mga
kwentong Hiligaynon ang Si Pinkaw ang pagmamahal ng isang ina, pagiging kuntento
sa buhay ,pagiging masipag,matulungin at maparaan ,pagkakaroon ng paninindigan at
dignidad.
Bilang pagpapatunay narito ang ilang bahagi ng kwento na nagpapakita ng
paniniwala , kultura at pag-uugali na nakapaloob sa kwentong Si Pinkaw
May dignidad at kuntento sa buhay
Bakit iaasa ko sa pamahalaan ang aking pamumuhay? Malakas at masigla pa naman ako
sa pagtutulak ng aking kariton upang maging palamunin. Marami pang iba riyan na
nararapat bigyan ng tulong. Ang hirap lang sa ating gobyerno, kung sino ang higit na
nangangailangan ay siyang hindi tinutulungan. Ngunit ang ibang tao riyan na mabuti naman
ang kalagayan sa buhay ang siyang nagkakamal ng tulong. Kalokohan...
Iyan si Pinkaw. kontento na siya sa kanyang maaabot sa buhay.

Pagiging maparaan
Walang nagdaraang sasakyan sa kalyehon kaya sa kariton isinakay ni Pinkaw ang mga
anak.

Paniniwala
Nagpapatunay pa rin na may awa ang Diyos. Kung ninais niyang mamatay ang aking anak,
sanay namatay na. Ngunit dahil nais pa niyang mabuhay ito, nabuhay na kahit hindi
naipaduktor, sabi ni Pinkaw nang magpunta siya sa tindahan bago pa man gumaling ang
kanyang anak.
Hindi kailangang paluin; sapat nang sabihan sila nang malumanay. Iba ang batang
nakikinig sa magulang dahil sa paggalang at pagmamahal. Ang bata kung saktan, susunod
siya sa iyo subalit magrerebelde at magkikimkim ng sama ng loob.

Pagiging matulungin
Sa tunggalian ng kabuhayan sa tambakan, kung saan ang tao ay handang tumapak sa
ilong ng kapwa-tao upang mabuhay, nakapagtataka ang katangian ni Pinkaw. lubha siyang
matulungin, lalo na sa katulad niyang naghahalukay lamang ng basura. Madalas siyang
tumutulong sa pagtutulak ng kariton ng iba, lalo na ng matatanda at bata

Mapagmahal
Mahal na mahal ni Pinkaw ang kanyang mga anak. Sa tambakan, karaniwang makikita mo
na sinasaktan ng mga ina ang kanilang mga anak, ngunit hindi mo man lang makikita si
Pinkaw na inaambaan ang kanyang mga anak.

Ang kwento ring ito ay nagbubukas ng mga isipan ng mga tao lalo na sa may
kapangyarihang sakim at sa mga pampublikong hospital na kadalasang nangyayari ang
pamimili ng pasyente
Narito ang ilang bahagi ng kwento bilang halimbawa
Natuliro si Pinkaw. Nagsisigaw. Tumakbo sa mga kapitbahay upang humingi ng tulong.
Ngunit wala silang maitulong maliban sa pagsasabihan siyang dalhin ang anak sa ospital.
Walang nagdaraang sasakyan sa kalyehon kaya sa kariton isinakay ni Pinkaw ang mga
anak. Nagtungo siya sa bahay ng doctor na malapit lamang, ngunit wala ang duktor
sapagkat naglalaro raw ito ng golf, ayon sa katulong.
Kaya natatarantang itinulak ni Pinkaw ang kanyang kariton sa isa ppang duktor. Matagal

siyang tumimbre sa trangkahan ngunit walang nagbukas gayong nakita niyang may
sumisilip-silip sa bintana.
Litong-lito, itinulak na naman ni Pinkaw ang kanyang kariton papuntang bayan. Halos din a
makakilos sa pangangapos ng hininga, bukod pa sa lubhang kalungkutan sa pagiging
maramot ng kapalaran. Ipinagpatuloy niya ang pagtulak ng kariton.
Nang makarating siya sa punong kalsada, maraming sasakyan siyang pinapahinto upang
isakay ang maysakit na mga anak, ngunit wala ni isa man lang ang tumigil. Maya-mayay
napansing hindi na kumikilos ang kanyang panganay. Sinalat niya ito at parang sinakluban
siya ng langit nang mabatid niyang itoy hindi na humihinga. Humahagulgol niyang
ipinagpatuloy ang pagtulak ng kariton upang sikaping mailigtas ang buhay ng dalawa pa
niyang anak. Maraming tao ang nagmamasid lamang sa kanya ngunit nakapagtataka kung
bakit wala man lang kahit isa ang lumapit sa kanya upang tumulong. Tumatalbog-talbog ang
katawan ng kanyang mga anak sa kariton tuwing dumaraan ito sa lubak-lubak na kalsada.
Pakiramdam niyay isang daang taon na lumipas bago niya narating ang ospital ng
pamahalaan. Matapos ang pagtuturuan ng mga duktor at nars, na ang binibigyang pansin
lamang ay ang mga pasyenteng mukhang mayaman.

Ang kwentong ito ay halimbawa ng teoryang naturalismo. Sapagkat itoy


nagpapakita ng simpleng taong dumadaan sa mahihirap na suliraning panlipunan.

You might also like