Filip Talumpati

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Ako ang Bagong Kabataan ng CSB

Ni Trisha Louise Caribe A. Delvo


Magandang umaga sa inyong lahat. Sa papaanong paraan masasabi ng mga kabataan na sila

ang pag asa ng bayan? Dahil lang ba sa isang napaka-tanyag na katagang binitiwan ng ating
pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal na Ang kabataan ang pag-asa ng ating bayan ay
kailangang mapwersa at mapresyur ang mga kabataan magpursigi? Paulit-ulit na lang naririnig
ang katagang ito. Ngunit paano? Kung sa ganitong yugto pa lamang mamumulat sa realidad ng
buhay ang mga kabataan. Hindi pa sigurado kung saan dadalhin ng ihip ng hangin. Nangangapa
pa sa pagtakbo ng buhay.
Kung ikaw ay isang kabataan masasabi mo bang may nagawa ka na para sa sariling
bayan? Isang kabataang may paninindigan at prinsipyo? O isa sa mga kabataang walang
pakialam sa kahihinatnan ng inang bayan?
Bata pa lamang ako ay tinuruan na ako ng aking mga magulang na magsumikap at
tumayo sa sarili kong mga paa dahil kapag dumating na ang araw na mawala sila ay marunong
na akong makipag sapalaran sa buhay , hindi uugaliing umasa at magdepende sa iba dahil hindi
sila palaging nandyan para gumabay. Sa mura kong edad ay tinuruan na nila ako gumawa ng
mga gawaing bahay, tinuruan maging magalang at palakaibigan, at pinag aral sa isang
prestihiyosong paaralan para maging maganda ang aking kinabukasan. Nung mga panahon na
iyon, hindi ko bagamat maintindihan kung bakit nila pinapagawa sa akin ang mga bagay na iyon.
Nagtapos ako ng may mga karangalan noong elementarya at laking pasasalamat ko sa
mga magulang ko dahil isa sila sa mga dahilan kung bakit ko nakamit ang mga parangal na iyon.
Ako ay tumungtong ng sekundarya, nagsumikap lalo mag aral sa kadahilanang ako ang panganay
sa aming magkakapatid at ang magpapatuloy ng henerasyon sa aking pamilya. Unting unti
kong natatanto ang mga payo at turo sa akin ng aking mga magulang. Kapag kasama ko ang
aking mga kaklase at wala kaming magulang na handang mag gabay sa amin, ay natututo kami
sa isat isa at nagagamit ang mga tinuro sa amin. Unting unti nauunawaan ang mga pinapagawa
sa akin noon.
Sumali ako ng CAT o Citizenship Advancement Training sa aming paaralan upang
matutong magka disiplina sa sarili, tumulong sa kapwa, at lumawak pa ang aking kaalaman

pagdating sa diskarte sa buhay. Nagkaroon ako ng madaming kaibigan at naging popular sa loob
ng campus. Naging dahilan ito para akoy lalo maging matatag at matalino pagdating sa
pagdedesisyon ko sa buhay dahil sa gabay ng mga kaibigan ko. Hindi pa din ako makapaniwala
na sa bawat baitang ay may nakukuha akong parangal. Siguro din sa kadahilanang hindi ko
maaaring mabigo ang aking magulang at sa pag iisip na kailangan nila ako ipagmalaki. Idagdag
mo pa ang katagang binitiwan ng ating pambansang bayani. Nagdulot lalo ito ng tension at
pagod sa aking pag aaral. Na akoy mistulang naging robot na kailangan gawin ang sinasabi ng
magulang at lipunan.
Ngunit sapat na ba itong mga kaalaman at karanasan ko sa buhay upang masabing ako
ang bagong kabataan? Hindi.
Napatanong ako sa aking sarili. Ano nga ba ang mga salik na dapat gawin o mayroon ang
isang kabataan upang masabing siya ang pagbabago?
Ngayon, ako ay nasa ikatlong yugto na ng aking pag aaral. Ako ay nahirapan sa pagpili
kolehiyo dahil malaking salik ito ng aking kinabukasan. Hindi ako nagkamali sa pagpili sa isang
pribadong katolikong kolehiyo nangangalang Kolehiyo ng San Benildo, isang institusyong
bahagi ng De la Salle Pilipinas. Masasabi mo palang na may maganda itong inaalok na kurso
base sa panlabas nitong anyo. Sa kabutihang-palad ay naipasa ko ang pangunahing pagsusulit ng
Benilde sa kursong arkitektura. Pinili ko ito dahil mayroon na akong kaunting kaalaman sa pag
guguhit at sining. Gusto din itong kurso ng aking mga magulang para sa akin sa kadahilanang
magiging maganda daw ang kinabukasan dito at konektado rin ito sa aking hilig. Nag pasa ako
ng aplikasyon para sa iskolarship bilang tulong na din sa aking magulang dahil sa mahal din ang
matrikula ng kurso ko. Dahil dito ay kailangan kong mapanatiling pasado ang aking mga grado
hanggang sa matapos ang aking pag aaral.
Sa umpisa ng klase ay hindi naging madali sa akin dahil mali ang inakala ko sa kursong
ito. Akala ko ay madali lang ito na puro guhit at pagkukulay lang ang gagawin. Subalit may mas
malalim pa pala itong kahulugan. Hindi ito simpleng bagay, ito ay marahil pinagsamang sining at
siyensya na hindi binabasta-basta. Sa una ay gusto ko ng sumuko sa sobrang hirap ngunit inisip

ko nalang ang mga paghihirap at sakripisyo sa akin ng aking magulang at kailangan kong suklian
ito sa paraang hindi na ako dapat magreklamo dahil pinili ko itong kurso na ito sa umpisa palang.
Dala-dala ko pa din ang mga payo at tinuro sa akin ng aking mga magulang. Ngayon, ako
ay nasa ikatlong taon na sa kursong arkitektura at maipagmamalaki kong tuloy-tuloy kong
naipasa ang aking mga asignatura simula unang taon ng aking pag aaral hanggang ngayong
ikatlong taon ko na. At ipagpapatuloy ko pa ang nasimulan kong ito. Masasabi kong ako ay naka
pokus mashado sa pag aaral dahil sa lipunan binibigyang pansin kung nakapagtapos k aba ng pag
aaral o may pinag aralan ka.
Kung ako ang tatanungin ay hindi lamang dapat sa estado nb pag aaral ang bigyang
pansin ng lipunan. Ito ay dapat balanse lang ang pagtingin sa isang tao at hindi dapat ito
husgahan base sa kanyang napag aralan. Dahil hindi lahat ng tao ay may sapat na pera pang aral.
Sa hirap ng buhay, ang ibang mga kabataang may pagnanais na makapagtapos ng pag aaral ay
nahihinto, ayaw man nila itong gawin. Maagang sumasabak sa hamon ng buhay, naghahanap ng
trabaho, nagbabanat ng buto. Trabahong maituturing na hindi naman sasapat sa lahat ng
pangangailangan.
Sa mga karanasan kong itong tila ba hindi ko pa rin masabi kung ano nga ba ang mga
salik na dapat kong alamin para ako ang maging simula ng pagbabago.
Nasa Benildean Core Values nga ba ang mga salik na ito? Maaaring oo, ngunit base sa
pagsasaliksik at pagooserba ko, wala sa estado ng buhay, pinag aralan, kakayahan, abilidad, atbp.
upang ikaw ang maging simula ng pagbabago.
Dahil nasa modernong panahon na tayo at puro modernong kabataan na ang mayroon
tayo. Naimbento na ang mga ibat-ibang klase ng teknolohiya, at tila ba malabo ng mangyari ang
pagbabago na inaasam natin. Pero kung iyong iisipin, hindi ba dapat mas mapapadali at
mapapalawak ng mabilis ang pagkalat ng pagbabagong ito dahil gumagamit na tayo ng mga
modernong teknolohiya? Kagaya na lamang ng ginagawa ko ngayon. Kayat hindi ako
naniniwala sa mga taong nagsasabi na hindi na kabataan ang pag asa ng bayan. Kaya lamang
nangyayari ito dahil hindi pa din matanggap ng mga matatanda na nasa modernong panahon na
tayo at di na gaano aplikado ang mga sistema noon at ngayon.

Sa kadahilanang pag mamaliit nila sa kabataan ay nawawalan na ng pag asa ang mga
kabataan na ipakita ang kanilang aksyon at opinyon sa lipunan. May kakaunti lamang na
napapatunayan na hindi kasalanan ng teknolohiya kung bakit nawawala na ang pagbabago. Na
ito ay dahil sa isyu na gusto pa din ng mga matatanda na gamitin pa din ang makalumang sistema
sa modernong panahon ngayon. Wala naming problema dito, ngunit hindi naman tugma kung
gagamitin mo pa din ang makalumang sistema sa modernong panahon.
Kung titignan na lamang, maraming tao na ang natulungan dahil sa paggamit ng mga
social media kagaya ng Facebook, Twitter at Instagram, atpb. At madalas na nagpopost rito ang
mga kabataan. Ngunit may mga ibang tao pa din na hindi matanggap ang pagbabagong ito sa
kadahilanang may mga ibang tao na ginagamit ang social media sa maling bagay. Pero hindi na
kasalanan ng teknolohiya iyon, nasa desisyon na ng tao yun. Kaya mahalaga pa din ang may
pinag aralan.
Sa aking opinyon, kapag gumawa ka ng mabuti o tama at naka apekto o impluwensya ito
sa maraming tao lalo na ang mga kabataan ay maaaring ka ng maging simula ng pagbabago. Ang
pagtatama ng mga mali ng kapwa ay isa sa mga salik ng pagbabago. Sa isang simpleng pagpulot
ng kalat sa di dapat tapunan, pag tulong sa kapwa, paggalang sa nakakatanda, pag sunod sa batas
trapiko at panuto, atbp. Hindi kinakailangan na mag simula kaagad sa malaki ang pagbabago,
minsan kahit maliit na bagay lang ay malaking dulot na ito at dito na magsisimula ang malaking
pagbabago.
Malaki ang pasasalamat ko sa College of Saint Benilde sa pagtuturo sa akin sa lahat ng
aspeto ng buhay hindi lamang sa akademikong aking tinatakay. Marami akong natutunan at alam
kong marami pa akong matutunan sa pag aaral ko dito.
At masasabi kong sisimulan ko ang pagbabago sa talumpating ito. Isa sa mga paborito
kong linya ni Gandhi ay, Be the change you wish to see in the world. Sa yo, sa akin, sa atin,
dapat magsimula ang pagbabago na gusto nating makita sa mundong ito. Gaano man kalaki o
kaliit. Ang pagbabago ay pagbabago.
Maraming Salamat po.

You might also like