Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 3

I.

Habang nagliligpit ako ng gamit, nakita ko yung kotse-kotsehan ni kuya popoy nun
g mga mga bata pa kami. Ang bilis ng panahon. Lilipat na ako ng bahay, may saril
i na kasi akong pamilya kaya kailangan ko na rin humiwalay sa kapatid at mga mag
ulang ko. Parang kailan lang nung umiiyak ako para lang ipahiram sa akin ang kot
se-kotsehan na ito na pag-aari ni kuya poy.
Palibhasa nabibilang ang pamilya namin sa maituturing peti-burgis ng lipunan. La
yaw na ang turing sa laruan na medyo kagaraan. Bigay daw to ng ninang niyang jap
ayuki nung umuwi ito dito sa pinas.
Dahil de-battery at may remote control. Ang batang ako ay waring isang pulitikon
g buwaya na sabik mahawakan ang kayamanang ito. Ngumangawa ako agad kapag ayaw i
tong ipahiram ni kuya o di naman kaya'y pag kukunin na. Tapos kapag sobrang bwis
it na sya binabatukan niya ako kapag ndi nakatingin si inay. At kapag hindi naku
ntento kukurutin niya pa ang singit ko ng may kalakasan.
Kahit papano naman napagtitiyagaan ako ni kuya. Nung minsan nagperya kaming dala
wa. Nanalo siya sa "kulay-kulay" (yun yung sugal sa peryahan na tataya ka ng per
a sa mga nakalatag na kulay, tapos pagugulungin yung dalawang dice, pag lumabas
kahit sa isa man lang sa mga dice ang kulay na tinayaan mo, dodoble ang pera mo.
Pag lumabas sa parehong dice. Triple na) sumakay kami nuon ng roller coaster. B
umili ng cotton candy, At bumili ng mumurahing kwentas na may pendat na may pang
alang Zenki. Dalawa yun, tig isa kami. Sabay kaming umuwi sa bahay, buhat buhat
ako sa likuran niya ng may pagyayabang sa zengki na kwentas kay ama at ina.
Pero maraming beses kaming nag away ni kuya. Nung elementary ako at high school
sya, t.v ang lagi naming pinag-aagawan. Yung Zenki pa rin ng channel two ang tri
p ko. (ni rereplay kas, parang di mo alam paulit-ulit ang mga palabas) Samantala
ng sinusubaybayan niya ay yung "lupin the third" ng channel seven. (pinagbibigya
n ko na lang siya kasi gusto ko din naman yun. Pag scene na kukunin na ni lupin
yung premyo niya kay fujiko)
Pero badtrip pa rin. Kasi dati nung pwede pa akong ngumawa ay napagbibigyan ni i
na ang bisyo ko. Nuon yun, pero nung grade five na ako, hindi na. Laging sabi sa
akin ni ina, galangin ko daw si kuya.
Pero pano mo ba naman gagalangin ang kuya na pag natutulog ka. Gusto niya sakany
a nakatutok ang elektrikpan (magkatabi kc kami sa kwarto. Ang nakakabata kung ka
patid na si pamela dun katabi nila itay at inay). Kapag tahimik ka namang nanunu
od at dumating siya, wari'y prebelihiyo niyang ilipat ang telebisyon ng walang a
angal. Hindi rin sya naglilinis ng bahay. Buti nga ako nakatoka sa paghuhugas ng
pinagkainan. Pero siya walang pakinabang, di maaasahan. Darating lang kapag may
kailangan o di naman kaya'y kakain na. Kahit gaano karaming sermon ang inaabot
niya kay itay, wala ring epekto.
Lahat yun napagtiisan ko. Pero hindi ko pinalampas ang isang pangyayaring kahit
kailan hindi ko makakalimutan. Yun 'yong nung mawala ang isang daang piso ko. Si
no pa bang pagbibintangan ko, kung hindi sya. Alam niya na sa lagayan ko ng dami
t sa itaas ng tokador ko nilalagay ang pera ko. Imposible namang si ina at ama k
asi sila pa ang nagbibigay ng pera sa akin. Si Pamela naman hindi abot yung toka
dor na lagayan ng damit ko. Galit na galit ako nuon. Halos isang buwan akong hin
di nagrerecess para maipon lang iyon. Kasi balak kung bumili ng pelletgun. At du
on nangyari ang pinakamasaklap naming away. Sa init ng ulo. Diretsahan ko siyang
kinausap.
"Asan na yung ipon kung isang daan sa tokador? Wala ka sigurong pang inom putang
ina ka! kaya naisipan mong magnakaw" basag na boses ang napawalan ko, kahit pap
aano'y may takot na nakakubli sa dibib ko sa inumpisahan 'kong kumprontasyon, ag

ad naman siyang sumagot na nagpapahiwatig ng gulat at gigil.


"Tarantado kang pindeho ka!. Wag mo akong pagbibintangan ng kung anu-ano..." mab
ilis niyang sagot na may kasunod na sipa sa pagmumukha ko.
Hindi ako nakapagpigil ng oras na 'yon. Nakadampot ako ng bolpen sa pagka-baliba
g ko sa upuan. Sapat na ang bakal nito sa nguso para sugatan siya. Nang siya'y t
umalikod at padabog na umalis. Walang alinlangan kung sinaksak ang bolpen sa lik
uran nia. agad niya itong ininda. Kapagdaka'y dumaloy ang konsensya sa katawan k
o, kitang kita ko ng mamilipit at malamukos ang kanyang katawan at mukha. Pero h
uli na. Hindi ko na napansin ang paggalaw niya papalapit sa akin. Mabilis na dum
adapo ang mga kamao nia sa pagmumukha ko. Natanggal ang isang ngipin ko. Kasabay
ng pag agos ng dugo sa ilong ko, nang makita niyang hinang hina ako. Muli siyan
g tumalikod papalabas. Ako naman ay agad na tumayo upang ibalik ang pride ko na
dinurog ng mga kamay nia. Kinuha ko yung itak ni itay na gamit sa bukid. Kapagda
kay agad akong lumabas. Tinantsa ko ang layo niya sa pwesto ko. Swerte at hindi
pa siya nakakalayo. Kasing sigurado ako kanina na tatama ito sa katawan niya. Ka
gaya ng bolpen na animo'y bala na pinadapo ko sa likuran niya kanina.
Agad akong tumakbo (sabay sigaw ng mga tao sa kalye matimbrehan siya, na paparat
ing ako na hawak-hawak ang gulok) Pero wala pa rin. Halos natakbo namin ang dala
wang purok ng baryo namin, agad siyang lumiko papabalik, ako nama'y habol-habol
pa rin siya. Nang makarating kami ulit sa harap ng bahay, may narinig ako na pam
ilyar na tunog, Isang sipol. Sipol yun ni ama, sapat na para mamutawi ang takot
at pag aalinlangan sa gagawin ko. Maya-maya sumenyas siya. Pumasok kami sa bahay
. Hindi ko namalayan na nasa likuran ko na pala si ina na agad na kinuha ang gul
ok na hawak hawak ko.
Tig-isang suntok ang parusa ng tatay sa amin. Sa tiyan niya kami inasinta pareho
. Na nagdulot ng ibayong sakit, dahilan para mamilipit ako ng dalawang oras sa k
warto. Magkatabi lang kami ni kuya Poy nuon. Ako'y ngumawa ulit na parang bata.
"Gago ka mamatay kana sana!. Punyeta kang tarantado! Fuck you! Mamatay kana ulol
, wala kang kwentang kapatid!..." Magkahalong sipon at luha ang umaagos sa bibi
g ko. Kasabay ng pagbanggit sa mga salitang ito.
Naisip ko nun. Ako na nga ang nawalan ng pera at isang piraso ng ngipin sa harap
. Pati ako parurusahan, minsan naiisip ko. Mas gusto yata siya ng magulang ko ke
sa sa akin. Siya nama'y kitang inaagusan ng luha pero lalaking-lalaki ang dating
. Tahimik lang ang may kalakihang katawan niya sa sulok at hawak hawak ang tiyan
na dinapuan ng suntok ni ama habang kagat-kagat ang kwentas niya.
II.
Pebrero nuon. fourth year high school ako at malapit ng gumradweyt, nang magka d
engue ako. Isang linggo mahigit na ako sa ospital, maraming platelets ang kulang
sa dugo ko. Araw araw ang aking medikasyon, palaki ng palaki ang bayarin sa osp
ital. Kung kani-kanino na lumapit si ama at ina para mangutang, naisangla na rin
ang kaisa isa nilang alahas, yung kanilang wedding ring. Hindi na rin sila maka
lapit sa mga bumbay, may pauna na silang utang sa mga ito. Utang para matustusan
ang pag-aaral ni kuya. Isang malungkot na pamilya ang masasalamin sa amin nuon.
Isang anak na may dengue, ina na umiiyak at nagbabantay sa ospital, ama na kaka
uwi lang at sinabing wala siyang nahiraman na pera, panganay na hindi alam kung
makakapag exam pa sa darating na finals. kailangan daw kasi ng permit para makak
uha ng exam. (pati kasi yun, dagdag pa sa pinoproblema ni itay)
Wala ng nagulat sakanyang pag-uwi. Alam kasi na wala na siyang pambayad ng test.
Pero dumating siya na animo'y superhero na si Zenki. Nabayaran na niya ang bill
sa ospital, napanatili ang medikasyon ko sa pang araw araw. Wari'y nabibilang k
ami sa mga may kaya sa ospital, hindi nawawalan ng sariwang prutas at mainit na

tinapay ang mesang katabi ng kinahihigaan 'kong kama. Nang tanungin ni ama si ku
ya kung saan galing ang pera na ginamit.
"Tinulungan ako ng U.P tay. Nag ambag-ambag ang mga ka batch ko, tapos nakautang
pa ako sa kaibigan 'kong may kaya sa buhay, kaya nakapag exam pa ako bago ako u
muwi" sabay lagok ng beer na nasa can at bumuntong hininga ng malalim.
III.
Binaril ka muna, bago ka sinunog. dalawang tama ng baril sa sintido, dinurog ang
iyong mabibilis na paa. Hiniwalay sa katawan mo ang iyong pagkalalaki. Halos hi
ndi kana makilala. Marka ng pasakit ang iyong buong katawan, nakilala ka sa pend
at mo na may pangalang Zenki.
Hindi kana pala pumapasok mula nung pebrero, nakita ang ilang sachet ng shabu sa
inuupahan mong kwarto. Ayon sa imbestigasyon, naging pusher ka. Mga kapwa mo sa
organisasyon ang bumaboy sa iyo, nasangkot ka sa drug war.
Sa tuwing maalala kita kuya Poy. Nalulungkot ako, pero ngayon hindi lang lungkot
ang nararadaman ko, konsensya, galit at hinagpis. kung makakahingi lang ako ng
tawad ng personal, kung kaya ko lang ibalik ang oras. Mali ako ng pagbintangan k
itang kumuha sa isang-daang piso na inipon ko, sinaksak kita ng bolpen, hinabol
ng itak, isinumpa ng kamatayan. Mali ako, nakapaluob pala dun sa kotse-kotsehan
mo yung isang-daang piso. Sigurado ako na yun ang pera na 'yon. May sinulat kas
i akong pangalan sa pera. Alam mo ba yung sinulat ko?

"ZENKI".

You might also like