Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Langgam at ang Tipaklong

Isang umagang maganda ang sikat ng araw, may isang tipaklong na


masayang naglalaro. Patalun-talon siya sa damuhan. Di nagtagal, dumaan
ang isang langgam na karga-karga ang butil ng bigas.
"Kaibigang Langgam, bakit gawa ka nang gawa? Tingnan mo ako, masayang
naglalaro. Halika, maglaro tayo at maganda ang sikat ng araw," ang anyaya
niya sa kaibigang si Langgam.
"Salamat, mahal kong kaibigan, ngunit marami. pa akong hahakuting
pagkain. Kailangah ko itong gawin upang kapag dumating ang tag-ulan ay
may sapat akong kakainin. Sa gayon, hindi ako gugutumin."

"Matagal pa iyon. Tingnan mo't napakaganda ng sikat ng araw. Kaysarapsarap sumayaw! Halika na," pamimilit ng tipaklong.

"Iyon na nga. Maganda ang sikat ng araw kaya dapat tayong magtipon ng
pagkain," at nagpatuloy ang langgam sa paglakad. Naiwan ang tipaklong na
patuloy na naglalaro sa damuhan. Maghapon siyang sasayaw-sayaw at
pakanta-kanta.
Sumapit ang tag-ulan. Walang makain si Tipaklong. Naisip niya ang
kaibigang langgam. Marami itong tinipong pagkain.
Isang gabi habang naghahapunan ang langgam, nakarinig siya ng marahang
katok sa pintuan. Binuksan niya ang pinto.
"Ako'y nagugutom at giniginaw. Para mo nang awa, kahit kaunting pagkain
ako'y iyong bigyan," ang pagsusumamo ni Tipaklong.
Naawa ang langgam sa kaibigan. Pinatuloy niya ito. Humanga si Tipaklong
sa dami ng pagkaing naitabi ni Langgam.
"Salamat, kaibigan. Ngayon ay alam ko na ang sinasabi mo na habang
maganda ang panahon ay dapat magtipon. Hindi katulad ko na walang
ginawa kundi sumayaw-sayaw sa panahon ng tag-araw," ang wika ni
Tipaklong.
"Huwag ka ng mag-alala. Marami akong pagkain. Heto kumain ka na. Ang
mahalaga ay natuto ka na sa iyong pagkakamali," ang may kababaang-loob
na sagot ni Langgam.
Nahihiyang kumain si Tipaklong. Masaya naman si Langgam sa nakikita
niyang pagbabago ng kaibigan.

You might also like