Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 30

EPP IV

Date: __________
I. Layunin
Naisasaalang-alang ang mga pangangailangan ng mag-anak tungo sa maayos at kasiya-siyang
pamumuhay.
a. naipapakita ang maayos na pagsasamahan ng mga kasapi ng mag-anak.
b. naipapakita ang pagmamahal, pagmamalasakit, at pagtutulungan ng isat isa.
II. Paksang Aralin:
Kasiya-Siyang Pagsasamahan ng Mag-anak
Sanggunian:
Makabuluhang Gawaing Pantahanan IV
BEC PELC 2.1, p. 3
Kagamitan:
Larawan
III. Pamamaraan:
A. Talasalitaan
pagpaparaya
tungkulin

pagsasamahan
mapayapa

B. Mungkahing Pamamaraan
1. Ipakita sa mga bata ang mga larawan na nakasabit sa display board tungkol sa magandang
pagsasamahan ng mga kasapi ng mag-anak. Bayaan ang mga batang mag-ulat ng kanikaniyang kaisipan tungkol sa mga larawang nakatanghal. Ipatukoy kung alin sa mga
nakalarawan ang katulad ng kanilang mag-anak na may magandang pagsasamahan.
2. Ipagamit sa pangungusap ang mga salita sa talasalitaan.
3. Ipabasa ang nilalaman ng aralin sa batayang aklat sa pahina 34. Bayaang inagpalitan ng kurukuro tungkol sa mabubuting gawi na makatutulong sa mabuting pagsasamahan ng mag-anak.
5. Ipakita sa pamamagitan ng pagsasadula ng ilang halimbawa ng mabuting pagsasamahan ng
mag-anak.
IV. Pagtataya
Lagyan ng tsek () ang bilang na naglalarawan ng magandang katangian ng kasiya-siyang maganak, at lagyan ng ekis (x) ang hindi.
____ 1. Kani-kaniyang lakad ang mag-anak nina Rosa.
____ 2. Ang bawat miyembro ng mag-anak ay ginagawa nang maayos ang kanyang tungkulin.
____ 3. Ang mga bata ay mapagparaya lalo rin sa nakababatang kapatid.
____ 4. Parating nag-aangilan ang magkakapatid kapag gumagawa.
____ 5. Ang buong mag-anak ay tulong-tulong sa mga gawain.
V. Takdang-Aralin:
1. Sumipi ng mga kasabihan tungkol sa maayos at kasiya-siyang pamumuhay ng mag-anak.
2. Gumupit ng mga larawan na nagpapakita ng mabubuting gawi ng isang kasiya-siyang mag-anak.
Itanghal ang mga ita sa bulletin hoard.

EPP IV
Date: __________
I. Layunin
1. Naisasagawa ang wastong pag-aalaga sa nakababatang kapatid.
a. nakasusunod sa lahat nang tagubilin ng tagapag-alaga
b. naipakikita ang pagmamalasakit sa nakababatang kapatid.
II. Paksang Aralin:
Pag-aalaga ng Nakababatang Kapatid
Sanggunian:
Makabuluhang Gawaing Pantahanan IV
BEC PELC 2.2.1, p. 4
Kagamitan:
Larawan
III. Pamamaraan:
A. Talasalitaan
matiyaga
maliksi

huwaran
masinop

B. Mungkahing Pamamaraan
1. Bilang pagganyak, tanungin ang mga bat a kung sino sa kanila ang may nakababatcmg bpatid
at kung sino ang nag-aalaga sa kanya. Bayaang mag-ul?.t ang mga bata ng kanilang
karanasan sa pagaalaga ng nakababatang kapatid.
2. Hanapin ang mga salita sa talasalitaan sa loob ng cross word puzzle.
IV. Pagtataya
Piliin ang wastong sagot sa hinihiling na pangyayari. Isulat lamang ang titik ng wastong sagot.
1. Si Ana ang siyang naatasang mag-alaga sa kanyang nakababatang kapatid. Ano ang dapat niyang
gawin?
a. Pabayaang maglilikot sa loob ng bahay
b. Huwag nang bantayan sa loob ng tahanan
c. Paluin kapag nagkamali
d. Magpakita ng kawilihan sa pag-aalaga ng kapatid
2. Malikot at masayahin ang inaalagaang kapatid ni Bianca kaya't siya'y dapat na
a. magtiyaga
b. magsungit
c. magdamdam
d. maging matapang
3. Nais ni Juliet na matuto ang kanyang inaalagaang kapatid ng mga pang-araw-araw na tungkulin
sa sarili kaya't
a. Pinipilit niyang isagawa ng kapatid ang mga tungkulin.
b. Sinasanay niya ang kapatid na gawing mag-isa ang pangaraw-araw na tungkulin sa sarili
c. Sinisigawan niya ang kapatid kapag nagkakamali
d. Pinapalo ang kapatid kapag hindi nagagawa ang mga gawain
4. Nais matulog ang inaalagaang kapatid ni Adrian kaya't
a. Binabantayan niya ito
b. Pinaghehele upang makatulog agad
c. Binubulyawan
d. Tinatakot niya para malulog agad

V. Takdang-Aralin:
Isulat nang maayos sa isang buong papel ang mga tagubiiin sa mga tagapag-alaga ng
nakababatang kapatid.

EPP IV
Date: __________
I. Layunin
Naipakikita at naisasagawa ang wastong paraan ng pag-aalaga sa nakababatang kapatid tulad ng
pagpapaligo, pagbibihis, pagpapakain, kikipaglaro, at pagpapatulog sa nakababatang kapatid
II. Paksang Aralin:
Mga Pamamaraan ng Pag-aalaga sa Nakababatang Kapatid
Sanggunian:
Makabuluhang Gawaing Pantahanan IV
BEC PELC 2.2.1, p. 4
Kagamitan:
Larawan
III. Pamamaraan:
A. Talasalitaan
paghikayat
junk food

ipaghele
cereal

B. Mungkahing Pamamaraan
1. Pagganyak - tanungin ang mga mag-aaral kung mayroon silang inaalagaang nakababatang
kapatid. Ipasalaysay ang mga gawaing alam na nilang gawaing alam na nilang gawin na may
kinalaman sa pag-aalaga ng kanilang batang kapatid tulad ng pagpapaligo, pagbibihis,
pakikipaglaro, pagpapakain, at pagpapatulog ng mga bata
2. Ipakita ang tamang paraan ng pagpapaligo, pagbibihis, pagpapakain, at pakikipaglaro sa
nakababatang kapatid batay sa isinasaad sa batayang aklat sa pahina 40-45. Magpa-awit ng
isang magandang pangheleng awitin upang ang bata ay madaling makatulog.
3. Pag-usapan ang kanais-nais na mga gawaing dapat tandaan at sundin sa pag-aalaga ng
nakababatang kapatid.
IV. Pagtataya
Isulat ang Tama kung ang kaisipan ay was to, at isulat ang Mali kung hindi wasto.
_____ 1. Isaisip ang gulang at hilig ng iyong nakababatang kapatid sa pagpili ng kanyang laruan.
_____ 2. Papaglaruin ang nakababatang kapatid kahit saan niya ibig.
_____ 3. Punuin ng pagkain ang plato ng bata upang siya ay mabusog.
_____ 4. Turuan ang batang huwag magsalita habang may lamang pagkain ang bibig.
_____ 5. Kapag nagkamali ang bata, kagalitan ito habang siya'y kumakain.
V. Takdang-Aralin:
Umisip ng isang laro na makaaakit sa iyong nakababatang kapatid. Kailangang ang larong
itoy angkop o bagay sa kanyang gulang.

EPP IV
Date: __________
I. Layunin
Natutukoy ang mga gawain tungkol sa paglilinis ng tabanan upang mapanatiling malinis a.t
maayos ito.
II. Paksang Aralin:
Paglilinis ng Tahanan
Sanggunian:
Makabuluhang Gawaing Pantahanan IV
BEC PELC 2.2.2.1, p. 5
Kagamitan:
Larawan
III. Pamamaraan:
A. Talasalitaan
tulung-tulong
pag-aalikabok

kawili-wili

B. Mungkahing Pamamaraan
1. Magpakita ng larawan ng isang malinis at maayos na tahanan. Bigyan ng pagkakataon ang
mga bata na magbigay ng kanikaniyang kaisipan tungkol sa kabutihang dulat ng malinis at
maayos na tahanan.
2. Ipagamit sa pangungusap ang mga salita sa talasalitaan.
3. Ipabasa sa pahina 48 ng batayang aklat ang tnngkol sa kabutihang dulat ng malinis na
tahanan.
4. Hingiin sa mga bala ang paliwanag kung bakit kasiya-siya ang isang malinis na tahanan.
IV. Pagtataya
Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay wasto, at Mali, kung hindi wasto.
_____ 1. Ang tahanan ay kailangang laging malinis at maayos.
_____ 2. Nagiging malinis ang tahanan dahil sa tulung-tulong ang buong mag-anak.
_____ 3. Ang tatay ay hindi dapat tumulong sa gawaing bahay.
_____ 4. Hindi kailangang alisin ang agiw sa kisame.
_____ 5. Kapag malinis ang taluman, ito'y ligtas sa dumi, mikrobyo, at sakit.
V. Takdang-Aralin:
Itala ang mga katangian ng isang malinis at maayos na tahanan.

EPP IV
Date: __________
I. Layunin
Nakasusunod sa mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa paggawa sa tahanan
II. Paksang Aralin:
Pangkalusugan at Pangkaligtasang Gawi sa Paglilinis ng Tahanan
Sanggunian:
Makabuluhang Gawaing Pantahanan IV
BEC PELC 2.2.2.3, p. 6
Kagamitan:
Larawan
III. Pamamaraan:
A. Talasalitaan
saket
muriatic acid

sakuna
vacuum cleaner

B. Mungkahing Pamamaraan
1. Bilang pagganyak, tanungin ang mga bata kung nagkaroon na ng sakuna habang sila'y
naglilinis ng kanilang tahanan. Bayaang ibahagi ang kani-kaniyang karanasan tungkol sa
sakunang nangyari sa kanila .
2. Itanong ang kahulugan ng mga bagong salita sa talasalitaan at ipagamit ang mga ito sa
pangungusap.
3. Ipabasa ang pahina 51-52 ng batayang aklat ang tungkol sa. mga panuntunang pangkaligtasan
at pangkalusugan sa paglihms ng tahanan upang maiwasan ang sakuna.
.
4. Itanong sa mga bata ang kahalagahan ng mga panuntunang Ito
IV. Pagtataya
Piliin ang wastong sagat.
1. Ang pagsunod sa panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan ay kailangan ________ upang
ang sakuna.
a. maiwasan
b. magkaroon
c. maligtasan
2. Ang hagdan na binunutan ay kailangang
a. padulasing mabuti
c. pabayaan na lang
b. walisan
d. huwag nang punasan
3. Iwan ang mga kagamitan sa paglilinis
a. kung saan huling ginamit ang mga ito
b. sa kani-kaniyang dapat kalagyan
c. sa isang sulok
d. sa likod bahay
4. Bago humawak ng mga kagamitang dikuryente
a. maghugas muna ng kamay
c. patuyuinmuna ang basang kamay
b. pagpagin muna ang kamay
d. balutan ang kamay
V. Takdang-Aralin:
Magbalak ng isang palatuntunan na magpapakita ng mga gawing pagsunod sa mga
panuntunang pangkaligtasan at pangkalusugan sa paglilinis ng tahanan.

EPP IV
Date: __________
I. Layunin
Nagagamit sa maayos at matipid na pamamaraan ang mga kasangkapan at kagamitan sa paglilinis
ng tahanan.
.
II. Paksang Aralin:
Mga Kagamitan sa Paglilinis
Sanggunian:
Makabuluhang Gawaing Pantahanan IV
BEC PELC 2.2.2.4, p. 6
Kagamitan:
Larawan
III. Pamamaraan:
A. Talasalitaan
waslis tambo
walis tingting
pandakot

floor polisher
iskoba
mop

B. Mungkahing Pamamaraan
1. Magpakita ng mga larawan ng mga kagamitan sa paglilinis.Tulungan ang mga bata kung alin
sa mga kagamitang nasa larawan ang mayroon sila. Bayaan silang magpalitan ng salaysay.
2. Magbigay ng isang sitwasyon na kung saan ginagamit ang mga salita sa talasalitaan
Hal.
Akoy magwawalis sa mapinong sahig. Ano ang gagamitin kong walis?
IV. Pagtataya
Isang Laro Pagpapahula sa bagay na inilalarawan.
_____ 1. Ako'y isang bungkos ng maliliit na tangkay ng kawayan.Ginagamit ako sa pagwawalis ng
dumi sa magaspang na sahig. Ano ako?
_____ 2. Akoy tuyong kalahating bahagi ng niyog na ginagamit sa pagpapakintab ng sahig. Ano
ako?
_____ 3. Ako'y yari sa isang lata na nakapako sa mahabang tangkay ng kahoy. Dinadampot ko ang
mga duming inipon sa isang sulok. Ano ako?
_____ 4. Akoy sirang damit na ginagamit na pamunas sa mesa, bintana, at sahig. Ano ako?
_____ 5. Ako'y may hawakang yari sa kawayan. Ang aking buhok ay ginagamit na pangwalis ng
dumi. Ano ako?
V. Takdang-Aralin:
Ipakita sa pamamagitan ng piping palabas ang wastong paraan ng paggamit at pangangalaga sa
mga kagamitan sa paglilinis ng bahay.

EPP IV
Date: __________
I. Layunin
Naipakikita ang wastong pamamaraan ng paglilinis ng tahanan.
II. Paksang Aralin:
Mga Paraan ng Paglilinis ng Tahanan
Sanggunian:
Makabuluhang Gawaing Pantahanan IV
BEC PELC 2.2.2.3, p. 6
Kagamitan:
Larawan
III. Pamamaraan:
A. Talasalitaan
himulmol

palamuti

kisame

B. Mungkahing Pamamaraan
1. Pagganyak - magpakita ng larawan ng isang malinis na tahanan. Hayaang magpalitan ng
kuru-kuro ang mga bata tungkol sa larawan.
2. Ipagamit sa pangungusap ang mga salita sa talasalitaan.
3. Hatiin sa apat na pangkat ang klase at itakda ang gawain ng bawat isa.
Unang pangkat
- pagwawalis
Ikalawang pangkat - pag-aalikabok
IkatIong pangkat - pagmamap
lkaapat na pangkat - pagbubunot
4. Ipabasa sa bawat pangkat ang kani-kaniyang takdang paksa sa pahina 57-53 ng batayang
aklat.
5. Bayaang mag-ulat ang mga bata tungkol sa paksang itinakda sa kanila. Gabavan sila sa
pagpapakitang-kilos o pagpapakitang gawa sa paraan ng paglilinis na iniatas sa kanila.
IV. Pagtataya
Isulat ang wastong sagot ang mga puwang
kisame
tuyong basahan
1.
2.
3.
4.
5.

araw-araw
sulok

dust pan

Ang pagtatapon ng basura ay dapat gawin ________.


Ang paraan ng pagwawalis ng silid ay ginagawa mula sa _______ papuntang gitna.
Gumamit ng ________sa pag-aalikabok ng mga palamuti.
Unahing walisan ang _________ ababa sa sahig.
Dakutin sa _______ang mga natipong dumi sa pagwawalis.

V. Takdang-Aralin:
Ipalinis sa mga bata ang isang silid sa departamento ng Karunungang Pantahanan araw-araw.
Kailangang may tagasukat (bantay) sa kanilang ginagawang pag1ilinis, Gawing tagasuri ang batang
bantay na magbibigay ng marka sa ginawang paglilinis.

EPP IV
Date: __________
I. Layunin
Naimumulat ang kaisipan sa kahalagahan ng malinis na bakuran.
II. Paksang Aralin:
Ang Malinis na Bakuran
Sanggunian:
Makabuluhang Gawaing Pantahanan IV
BEC PELC 2.2.3.1, p. 6
Kagamitan:
Larawan
III. Pamamaraan:
A. Talasalitaan
pamayanan

bangketa

B. Mungkahing Pamamaraan
1. Bilang pagganyak, ipakita ang larawan ng dalawang bakuran ang isay malinis at ang isa
naman ay marumi. Paghambingin ang dalawang larawan. Hinging magbigay ang bawat bata
ng kaniyang palagay.
2. Bigyang pansin ang mga salitang ginagamit sa talasalitaan na ginagamit din sa paglalarawan
ng malinis na bakuran.
3. Ipabasa ang teksto sa pahina 60 ng batayang aklat. Magpalitan ng kuru-kuro tungkol sa
kahalagahan ng malinis na bakuran.
4. Itanong kung bakit mahalaga sa pamayanan ang malinis na bakuran.
5. Ipasyal ang mga bata sa paligid ng pamayanan. Bayaang magmasid ang mga ito sa mga
magaganda at malilinis na mga bakuran sa loob.
IV. Pagtataya
Lagyan ng tsek () ang bilang na naglalarawan ng malinis na tahanan at ekis (x) ang hindi.
______ 1. Ang malinis na bakuran ay nagpapaganda ng tahanan at ng pamayanan.
______ 2. Ang maruming bakuran ay nagdudulot ng sariwang hangin.
______ 3. Ang malinis an bakuran ay nakatutulong sa kalusugan ng mga mamamayan sa
pamayanan.
______ 4. Ipinagmamalaki ng pamayanan ang malinis at magandang bakuran.
______ 5. Ang buong mag-anak ay nararapat magtulungan sa pagpapanatiling malinis at maganda
ng bakuran.
V. Takdang-Aralin:
1. Ipaulat sa mga bata ang kanilang puna o napansin sa kanilang pagmamasid sa mga bakuran sa
pamayanan.
2. Ipaulat din ang kanilang mungkahi upang higit na maging malinis at maganda ang mga bakuran
sa pamayanan.

EPP IV
Date: __________
I. Layunin
Napananatiling malinis ang bakuran.
a. natutukoy ang mga paraan ng paglilinis ng bakuran.
b. Naisasagawa ang mahusay na pamamaraan ng paglilinis ng bakuran.
II. Paksang Aralin:
Mga Paraan ng Paglilinis ng Bakuran
Sanggunian:
Makabuluhang Gawaing Pantahanan IV
BEC PELC 2.2.3.1, p. 6
Kagamitan:
Larawan
III. Pamamaraan:
A. Talasalitaan
damong ligaw
compost pit

pinagtalupan
bungkalin

B. Mungkahing Pamamaraan
1. Bilang pagganyak, ipakita sa mga bata ang isang larawan ng maruming bakuran. Tanungin
sila kung anong dapat gawin upang ito'y mapaganda.
2. Ipagamit sa pangungusap ang mga salita sa talasalitaan.
3. lpabasa sa pahina 62-63 ng batayang aklat ang tungkol sa mga paraan ng paglilinis ng
bakuran. Bayaan silang magpalitan ng kaisipan tungkol sa wastong paraan ng paglilinis ng
bakuran.
4. Hatiin ang klase sa limang pangkat. Takdaan ang bawat pangkat na magpaliwanag at
magpakitang gawa tungkol sa wastong paraan ng paglilinis ng bakuran na iniatas sa kanilang
pangkat. Ipaalala ang mga pangkalusugan at pangkaligtasang hakbang habang nagpapakitang
gawa.
Unang Pangkat
- Pagwawalis ng bakuran
Ikalawang Pangkat - Pagbubunot ng damong ligaw
Ikatlong Pangkat
- Pagsisiga ng mga tuyong dahon at kalat
Ikaapat na Pangkat - Pagbabaon ng mga basurang natutunaw
Ikalimang Pangkat - Pagdidilig ng halaman
IV. Pagatataya
Piliin ang titik ng wastong sagot.
1. Ang bakuran ay dapat na manatiling __________.
a. madamo
b. malinis
c. marumi
d. may kalat na dahong tuyo
2. Ang kalat sa labas ng bakuran ay dapat __________.
a. walisin
b. dapat itambak
c. bayaang liparin
d. dumami
3. Taniman ng mga halaman ang bakuran upang maging __________.
a. malinis
b. maganda
c. dumumi
d. gumulo
4. Ang damo sa loob ng bakuran ay kailangang __________.
a. bunutin
b. diligin
c. lagyan ng abono
d. palakihin
5. Ang winalis na basura ay kailangang __________.
a. ibaon
c. itambak sa likurang bahay
b. itapon sa sulok
d. ilagay kahit saan

V. Takdang-Aralin:
Gumawa ng isang proyekto na maaring gamitin sa paglilinis ng bakuran.

EPP IV
Date: __________
I. Layunin
1. Nakatutu1ong sa paghahanda at pagdudulot ng masustansya, mura, at sapat na pagkain para sa
mag -anak.
a. natutukoy ang tatlong pangkat ng pagkain
b. natata1akay ang kabutihang dulot ng bawat pangkat
II. Paksang Aralin:
Tatlong Pangkat ng Pagkain
Sanggunian:
Makabuluhang Gawaing Pantahanan IV
BEC PELC 2.2.4.1, p. 7
Kagamitan:
Larawan
III. Pamamaraan:
A. Talasalitaan
carbohydrates
calcium
phosphorus
protina
iron
yodo
B. Mungkahing Pamamaraan
1. Ipakita sa mga bata ang nakapaskil na mga larawan sa bulletin board. Ang mga ito'y larawan
ng tatlong pangkat ng pagkain.Magbigay ng masaliksik na tanong upang maganyak ang mga
bata na magtanong tungkol sa mga kabutihang idinudulot ng bawat pagkain sa katawan ng
tao.
2. Magpa1aro ng bugtungan "Ano Ako?" Ipasagot ang bugtong na ang mga kasagutan ay ang
mga bagong salita: ha1, ako ay nagbibigay init at lakas sa katawan. Ako'y matatagpuan sa
kanin, champorado, at tinapay. Ano Ako?
3. Ipabasasa pahina 65-68 ng batayang aklat ang tungkol sa tatlong pangkat ng pagkain.
4. Hatiin ang klase sa tatlong pangkat at itala ang paksa ng bawat isa.
Pangkat I - pagkaing nagbibigay init, sigla, at lakas (go foods)
Pangkat II - pagkaing tumutulong sa paglaki ng katawan (grow foods)
Pangkat III - Pagkaing pananggalang sa sakit at impeksyon (glow foods)
IV. Pagtataya
Piliin ang tamang sagot sa loob ng panaklong.
1. Ang (a. taba at langis b. protina
c. mineral) ay sustansyang tumutulong sa pagpapatubo
ngmga buto at kalamnan ng katawan.
2. Ang (a. taba at langis b. protina c. mineral) ay nagbibigay ng init at lakas sa katawan.
3. Ang madahon, madilaw, at luntiang gulay ay mayaman sa (a. bitamina b. protina
c. carbohydrates).
4. Ang kanin, tinapay, at mais ay mga pagkaing nagbibigay ng (a. carbohydrates b. bitamina at
mineral c. protina).
5. Ang mga prutas at gulay tu1ad ng bayabas, suha, kamiyas, at dalanghita ay sagana sa (a. protina
b. mineral c. bitamina ).

V. Takdang-Aralin:
Gumawa ng talaan ng mga pagkaing kinakain ng mga bata sa loob ng isang linggo.
Araw
Lunes
Martes
Miyerkules

Pangkat ng Pagkain

Almusal

Pangkat I
Pangkat II
Pangkat III

pandesal

Tanghalian
kanin

Hapunan
kanin

EPP IV
Date: __________
I. Layunin
1. Nalalaman at naisasagawa ang mga gawaing kamay sa paghahanda ng pagkain.
2. Naipakikita ang mga paraan ng paghahanda upang mapanatili ang sustansya ng pagkain at
maiwasan ang pag-aaksaya nito.
II. Paksang Aralin:
Payak na Gawaing Kamay sa Paghahanda ng Pagkain
Sanggunian:
Makabuluhang Gawaing Pantahanan IV
BEC PELC 2.2.4.2, p. 7
Kagamitan:
Larawan
III. Pamamaraan:
A. Talasalitaan
pagkakaliskis
paghihintay

pagdidikdik
pagtatalop

kolander

B. Mungkahing Pamamaraan
1. Pag-usapan ang kahulugan ng mga salita sa talasalitaan sa pamamagitan ng paggawa o
pakitang turo sa mga bata at bayaan ang mga taong magpakitang gawa muli.
2. Talakayin ang mga pagkaing naaangkop sa bawat paraan. .
3. Ibahagi ang mga karanasan sa sariling tahanan tungkol sa paghahanda ng pagkain.
IV. Pagtataya
Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ang pag-aalis ng balat ng pagkatin tulad ng manggang hinog na ginagamitan ng kamay ay
tinatawag na
a. pagtatalop
b. pagbabalat
c. paghihiwa
2. Ang maliit na isda kung kinakaliskisan ay hinahawakan sa
a. ulo
b. katawan
c. buntot
3. Ang paghihiwalay ng likido sa buong laman ng sahog ay tinatawag na
a. pagbabati
b. paghahalo
c. pagsasala
4. Ang pagdaragdag ng rekado sa pagkain upang ito ay sumarap at magkaroon ng lasa ay tinatawag
na
a. pagtitikim
b. paghahalo
c. pagtitimpla
5. Ang ( a. pagpapakulo b. pagmamantika
c. paggigisa) ay pagpapainit ng pagkaing may
sabaw hanggang umabot sa 1000C.
V. Takdang-Aralin:
Ipakita ang wastong paraan ng paghahanda ng pagkain bilang tulong mo sa iyong nanay.

EPP IV
Date: __________
I. Layunin
1. Naisasagawa ang paghahanda at pagdudulot ng pagkain sa mag-anak.
2. Naipamamalas ang kawilihan sa paghahanda at pagdudulot ng pagkain sa mag-anak.
II. Paksang Aralin:
Pagdudulot ng Pagkain Pag-aayos ng Hapag-kainan
Sanggunian:
Makabuluhang Gawaing Pantahanan IV
BEC PELC 2.2.4.5, p. 8
Kagamitan:
Larawan
III. Pamamaraan:
A. Talasalitaan
cover
table cloth

hapag-kainan
serving plate

placemat
putahe

B. Mungkahing Pamamaraan
1. Sa harap ng hapag-kainan, ipaturo sa mga bata ang salita ng talasalitaan. Tanungin sila kung
mayroon din sila nito sa bhay. Alam ba nilang gamitin ang mga ito tulad ng cover, table cloth,
serving plate, placemat, putahe sa hapag-kainan.
2. Hatiin ang klase sa dalawang pangkat at takdaan ng Gawain
Unang pangkat
Pag-aayos ng hapag-kainan
Ikalawang pangkat Pagduduot ng pagkain
2. Ipabasa ang pahina 78 sa batayang aklat tungkol sa pag-aayos ng mesang kainan at
pagdudulot at paghahain ng pagkain.
IV. Pagtataya
Ipahanap at pabilugan ang mga salitang nakatago sa crossword puzzle. Itoy maaaring pahalang,
paibaba o pahilis. Mga kagamitan sa hapag-kainan ang mga salitang hahanapin

V. Takdang-Aralin:
Ipaayos at ipahanda ang isang mesang kainan para sa pagkain ng isang mag-anak. Tiyaking ang
lahat ng mga kagamitan ay maayos at nasa wastong lugar.

EPP IV
Date: __________
I. Layunin
Natatalakay at naipakikita ang wastong paraan ng pagliligpit ng pinaglutuan at pinagkainan.
II. Paksang Aralin:
Pagliligpit ng Pinaglutuan at Pinagkainan
Sanggunian:
Makabuluhang Gawaing Pantahanan IV
BEC PELC 2.2.4.6, p. 8
Kagamitan:
Larawan
III. Pamamaraan:
A. Talasalitaan
pinakainan
lababo

kubyertos
glassware

chinaware
silverware

B. Mungkahing Pamamaraan
1. Bigyan ng magandang recess lunch ang mga bata. Pagkatapos nilang kumain, tanungin sila
kung ano ang dapat nilang gawin. Bayaan silang magpalitan ng kuru-kuro tungkol sa paksa.
2. Hayaang maglahad ng kani-kaniyang karanasan ang mga bata ukol sa kanilang ginagawang
pagliligpit ng pinagkainan sa kanilang tahanan.
3. Ibigay ang mga bagong salita sa talasalitaan at hayaan silang magbigay ng halimbawa sa
bawat salita.
4. Ipagawa sa pamamagitan ng piping palabas ang ipinaliliwanag sa Batayang Aklat pahina 8182 tungkol sa mga paraan ng pagliligpit ng pinalutuan at pinagkainan.
5. Pagmasdang mabuti ang mga bata kung paano nila inililigpit ang mga kagamitan sa pagkain
at pagluluto pagkatapos gamitin.
IV. Pagatataya
Pagsunud-sunurin ang mga hakbang sa paglilinis ng mesa pagkatapos kumain. Lagyan ng bilang
ang bawat hakbang tulad ng 1, 2, 3.
_______ a. Pagpatung-patungin ang mga magkakamukhang plato at ilagay sa tray.
_______ b. Punasan ang mesa
_______ c. Alisin ang mga tira-tirang pagkain sa plato.
_______ d. Dalhin ang mga pinagkainan sa kusina at hugasan.
V. Takdang-Aralin:
Magligpit ng pinagkainan at isalansang mabuti ang mga ito sa lababo upang hugasan. Unang
hugasan ang glassware, silverware, chinaware at isunod na ang iba.

EPP IV
Date: __________
I. Layunin
Mailahad ang isang simple o payak na sira ng kasangkapan sa tahanan na maaaring kumpunihin.
Matukoy ang angkop na materyales, kagamitan, at kasangkapang kailangan sa pagkukumpuni ng
bawat isa.
II. Paksang Aralin:
Pagkukumpuni sa ma Sirang Kasangkapan sa Tahanan
Sanggunian:
Makabuluhang Gawaing Pantahanan IV
BEC PELC 2.2.5.1, p. 8
Kagamitan:
Larawan
III. Pamamaraan:
A. Talasalitaan
sapatilya, talasok, pangunahing switch, terminal, bisagra, balbula
B. Mungkahing Pamamaraan
1. Itanghal ang larawan ng isang batang nagkukumpuni ng sirang kasangkapan sa tahanan.
Ipalarawan ito sa mga bata at bayaang magbigay ng kani-kaniyang palagay tungkol sa
nakalarawan. Tanungin ang mga mag-aaral kung nais gayahin ang ginagawa ng nasa larawan
at bakit.
2. Mapakita ang larawan ng mga salita sa ibaba at hayaang kilalanin ng mga mag-aaral ang
bawat isa. Hayaang magbigay ng kuro-kuro ang mga bata batay sa uri at gamit ng mga
kasangkapan sa pagkukumpuni.
3. Ipabasa ang pahina 84-87 ng batayang aklat. Pangkatin ang klase upang iulat ang mga binasa
tungkol sa mga sumusunod:
Pangkat 1 - Pagkukumpuni ng kasangkapang mapurol at kinakalawang
Pangkat 2 - Pag-aayos ng turnilyong lumuwag
Pangkat 3 - Pagkukumpuni ng umuugang paa ng silya o mesa
Pangkat 4 - Pag-aayos ng baradong lababo
Pangkat 5 - Pagpapalit ng pundidong ilaw
IV. Pagtataya
Piliin ang titik ng tamang sagot:
1. Ang angkop na kasangkapan sa pagkukumpuni ng sirang fuse ay
a. barena
c. disturnilyador
b. plais na may insulator
d. a1inman sa nabanggit
2. Alin sa mga sumusunod ang dapat patayin bago magkumpuni ng sira o pumutok na fuse?
a. switch
c. pangunahing switch
b. socket
d. kuntador
3. Ang sukat o laki ng ssapatilyang ipapa1it ay dapat _______ ng sapatilyang papalitan.
a. mas maliit
c. kasinglaki
b. mas malaki
d. alinman sa nabanggit
4. Ang takip gripo ay inaalis sa pamamagitan ng _______
a. disturnilyador
c. liyabe de tubo
b. plais na may insulator
d. wala sa nabanggit
5. Kung maingay ang pintuan sa pagbubukas-sara, ang talasok ng bisagra ay maaring ____.

a. linisin at langisan
b. hugasan at patuyuin

c. palitan ng bago
d. lahat ng nabanggit

V. Takdang-Aralin:
1. Ipahanap sa tahanan ang mga kasangkapang may sira na kailangan ang pagkukumpuni. Ipatala ito
sa isang malinis na papel. Alamin din ang mga materyales, kagamitan, kasangkapan, at ang mga
paraang gagamitin sa pagkukumpuni. Magpasaliksik sa ibang aklat o hayaang makipanayam sa
mga kilalang may sapat na kaalaman sa pagkukumpuni ng mga sirang kasangkapan.
2. Sa mga naitalang sirang kasngkapan sa tahanan, papiliin ang mga mag-aaral at bayaang
kumpunihin ito. Ipasalaysay sa harap ng klase ang paraang ginagamit sa pagkukumpuni.

EPP IV
Date: __________
I. Layunin
Mabigyang halaga sa pagtitipid at pagkamaingat sa paggawa.
Maipamalas ang kawilihan sa pagkukumpuni ng mga sirang kasangkapan at tahanan.
II. Paksang Aralin:
Pagkukumpuni sa ma Sirang Kasangkapan sa Tahanan
Sanggunian:
Makabuluhang Gawaing Pantahanan IV
BEC PELC 2.2.5.3, p. 8
Kagamitan:
Larawan
III. Pamamaraan:
A. Talasalitaan
sapatilya, talasok, pangunahing switch, terminal, bisagra, balbula
B. Mungkahing Pamamaraan
1. Itanghal ang larawan ng isang batang nagkukumpuni ng sirang kasangkapan sa tahanan.
Ipalarawan ito sa mga bata at bayaang magbigay ng kani-kaniyang palagay tungkol sa
nakalarawan. Tanungin ang mga mag-aaral kung nais gayahin ang ginagawa ng nasa larawan
at bakit.
2. Mapakita ang larawan ng mga salita sa ibaba at hayaang kilalanin ng mga mag-aaral ang
bawat isa. Hayaang magbigay ng kuro-kuro ang mga bata batay sa uri at gamit ng mga
kasangkapan sa pagkukumpuni.
3. Ipabasa ang pahina 84-87 ng batayang aklat. Pangkatin ang klase upang iulat ang mga binasa
tungkol sa mga sumusunod:
Pangkat 1 - Pagkukumpuni ng kasangkapang mapurol at kinakalawang
Pangkat 2 - Pag-aayos ng turnilyong lumuwag
Pangkat 3 - Pagkukumpuni ng umuugang paa ng silya o mesa
Pangkat 4 - Pag-aayos ng baradong lababo
Pangkat 5 - Pagpapalit ng pundidong ilaw
IV. Pagtataya
Piliin ang titik ng tamang sagot:
1. Ang angkop na kasangkapan sa pagkukumpuni ng sirang fuse ay
a. barena
c. disturnilyador
b. plais na may insulator
d. a1inman sa nabanggit
2. Alin sa mga sumusunod ang dapat patayin bago magkumpuni ng sira o pumutok na fuse?
a. switch
c. pangunahing switch
b. socket
d. kuntador
3. Ang sukat o laki ng ssapatilyang ipapa1it ay dapat _______ ng sapatilyang papalitan.
a. mas maliit
c. kasinglaki
b. mas malaki
d. alinman sa nabanggit
4. Ang takip gripo ay inaalis sa pamamagitan ng _______
a. disturnilyador
c. liyabe de tubo
b. plais na may insulator
d. wala sa nabanggit
5. Kung maingay ang pintuan sa pagbubukas-sara, ang talasok ng bisagra ay maaring ____.
a. linisin at langisan
c. palitan ng bago
b. hugasan at patuyuin
d. lahat ng nabanggit

V. Takdang-Aralin:
1. Ipahanap sa tahanan ang mga kasangkapang may sira na kailangan ang pagkukumpuni. Ipatala ito
sa isang malinis na papel. Alamin din ang mga materyales, kagamitan, kasangkapan, at ang mga
paraang gagamitin sa pagkukumpuni. Magpasaliksik sa ibang aklat o hayaang makipanayam sa
mga kilalang may sapat na kaalaman sa pagkukumpuni ng mga sirang kasangkapan.
2. Sa mga naitalang sirang kasngkapan sa tahanan, papiliin ang mga mag-aaral at bayaang
kumpunihin ito. Ipasalaysay sa harap ng klase ang paraang ginagamit sa pagkukumpuni.

EPP IV
Date: __________
I. Layunin
1. Nailalahad at maisagawa ang pagkukumpuni ng mga sirang kasangkapan sa tahanan sa matipid
na pamamaraan.
2. Mapahalagahan ang pagtitipid at pag-iingat sa anumang gawain.
II. Paksang Aralin:
Pagkukumpuni sa Matipid na Pamamaraan
Sanggunian:
Makabuluhang Gawaing Pantahanan IV
BEC PELC 2.2.5.4, p. 9
Kagamitan:
Larawan
III. Pamamaraan:
A. Talasalitaan
pinakamahusay
angkop

pag-uulit
pag-aaksaya

B. Mungkahing Pamamaraan
1. Pag-usapan ang mga naitalang sirang kasangkapan sa tahanan at ang paraan ng
pagkukumpuning maaring gawin. tanungin angmga bata kung paano maisasagawa ang
pagkukumpuni sa matipid na paraan.
2. Ipabasa ang pahina 89-90 sa aklat at talakayin ang mga matipid na paraan sa pagkukumpuni.
Magpalitan ng kuru-kuro tungkol dito.
IV. Pagtataya
Punan ng titik ng wastong salita ang bawat patlang.
1. Mahalagang ________ ng gagawing pagkukumpuni bago gumawa.
a. magplano
c. ihanda ang kasangkapan
b. ihanda ang materyales
d. lahat ng nabanggit
2. Makabubuting ihanda ang mga _______ bago magsimula upang maiwasan ang pag-aaksaya ng
materyales at lakas na gugugulin sa paggawa.
a. materyales
c. kasangkapan
b. kagamitan
d. lahat ng nabanggit
3. Kung kinakailangan ang pagsusulat, gawin ito ng wasto upang hindi maaksaya ang ________.
a. materyales
c. lakas
b. oras
d. lahat ng nabanggit
4. Maiiwasan ang sakuna sa paggawa kung isasaalang-alang ang ________.
a. mamahaling materyales
c. kaligtasan sa paggawa
b. angkop na kasangkapan
d. lahat ng nabanggit
5. Ang anumang gawaing pinagplanuhang mabuti ay _________.
a. nagagawa ng maayos
b. nakaiiwas sa anumang pagkakamali at pag-uugali
c. natatapos sa takdang oras
d. lahat ng nabanggit
V. Takdang-Aralin:
Sa isang malinis na papel na pamamaraan sa pagkukumpuni ng mga sirang kasangkapan sa tahanan.

EPP IV
Date: __________
I. Layunin
1. Nakikilala ang sariling kakayahan ng mag-anak na matugunan ang kanilang pangangailangan.
2. Natatalakay ang kaugnaan ng laki ng mag-anak at ang kapakanan nito.
II. Paksang Aralin:
Kakayahan ng Mag-anak sa Pagtugon sa Kanilang Pangangailangan
Sanggunian:
Makabuluhang Gawaing Pantahanan IV
BEC PELC 2.3.1, p. 9
Kagamitan:
Larawan
III. Pamamaraan:
A. Talasalitaan
sariling kakayahan
pagtugon

epektibo
kapakanan

B. Mungkahing Pamamaraan
1. Bilang pagganyak, ipakita ang mga larawan na nagtataglay ng sariling kakayahan sa
pagganap ng mga gawain sa tahanan. Hayaan silang magtalakayan tungkol sa paggamit ng
sariling kakayahan upang matugunan ang pangangailangan ng mag-anak.
2. Role Playing
Ipakita sa pamamagitan ng pagsasakatauhan ang mga salita sa talasalitaan.
Hal. sariling kakayahan. Gumagawa ng isangproyekto na hindi naghihintay ng tulong ng iba.
3. Hatiin ang buong klase sa dalawangpangkat
Unang Pangkat - Mga sariling kakayahan sa pagtugon ng pangangailangan ng mag-anak
Ikalawang Pangkat - Laki ng mag-anak at ang kapakanan nito.
4. Ipabasa ang batayang aklat sa pahina 92-95 tungkol sa mga sariling kakayahan para sa
pagtugon sa pangangailangan ng mag-anak at ang ugnayan ng laki ng mag-anak at ang
kapakanan nito. Hayaang ipaliwanag nang mabuti ng tagapag-ulat ang iniatas na paksa sa
kanya. Bayaang magtanong ang mga nakikinig.
IV. Pagtataya
Piliin ang nararapat gawin sa mga sumusunod na sitwasyon.
1. Sa inyong bakuran ay may maraming namumulaklak na hilaman
a. pabayaan na lang
b. diligin ang mga halaman sa umaga
c. tambakan ng basura dahil walang tubig
d. bunutin aug mga halaman
2. Kailangan mong tumulong sa pagluluto ng pagkain. Ikaw ay marunong naman
a. magsasaing ka
b. maghuhugas ka ng plato
c. maglilinis ka ng bahay
d. matutulog ka na lang
3. Maayos pa ang iyong uniporme ngunit maikli na ito para sa iyong sukat
a. magpabili ng bago
b. ipamigay sa kamag-anak
c. gawing basahan
d. ibaba ang laylayan at lilipin

4. May sakit ang nanay mo at walang magbabantay sa nakababata mong kapatid sa bahay
a. maglalaro ka
b. manonood ng TV
c. aalagaan mo ang iyong kapatid
d. maglilinis ka
5. Marami kayong tirang kanin, anong gagawin mo?
a. itapon sa kaning baboy
b. ipakain sa alagang hayop
c. hayaang mapanis
d. isangag mo
V. Takdang-Aralin:
Gumawa ng poster na naglalarawan ng ugnayan ng malaking mag-anak at ang kapakanan nito.

EPP IV
Date: __________
I. Layunin
1. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kasiya-siyang pamumuhay.
2. Nasusuri ang mga katangian ng isang kasiya-siyang pamumuhay.
3. Natatalakay ang kabutihang dulot ng bawat katangian sa kasiya siyang pagsasamahan ng maganak.
II. Paksang Aralin:
Kasiya-siyang Pamumuhay
Sanggunian:
Makabuluhang Gawaing Pantahanan IV
BEC PELC
Kagamitan:
Larawan
III. Pamamaraan:
A. Talasalitaan
konsiderasyon

paghubog

matiwasay

B. Mungkahing Pamamaraan
1. Bilang pagganyak, magpaskil ng mga larawan sa bulletin board ng kasiya-siyang
pagsasamahan ng mag-anak.
Hayaang suriin ng mga bata ang mga larawan. Hayaan silang magbigay ng pangungusap
tungkol sa kanilang namasid. Ipaturo ang larawan na may pagkakatulad sa kani1ang maganak. Pabayaang ipaliwanag ng bawat isa, kung bakit iyong larawang itinuro ay kalulad ng
kanilang mag-anak.
2. Pakikibahagi ng sariling karanasn
Pabayaang ibahagi ng mga bata ang kani-kanilang karanasan na ipinakikita ang mga
salita sa talasalitaan tulad ng konsiderasyon at matiwasay.
IV. Pagtataya
Ano ang inilalarawang magandang asal ng mga pangungusap. Pumili ng sagot sa loob ng
kahon.
maunawain
mapagparaya

matulungin
magalang

masunurin
mapagmahal

_______ 1. Ang nakatatandang kapatid ni Perla ay pumapasok sa trabaho ng maaga. Kailangan


niyang gumamit ng palikuran sa umaga. Kailangan niyang gumamit ng palikuran sa
umaga. Siyay pagbibigyang gumamit ng kanyang mga kasama sa bahay.
_______ 2. Ang mga kapatid ni Ester ay humahalik ng kamay sa kanilang mga magulang pagdating
nila sa bahay mula sa paaralan.
_______ 3. Marunong gumuhit ng mga larawan si Nestor, kayat kapag dumarating ang kaarawan ng
kanyang mga magulang ay nagbibigay siya ng birthday card sa kanila.
_______ 4. Alam ni Ana na gusting gusto ng kanyang kapatid na si Flor ang manikang binigay ng
kanilang tiyahin sa kanya. Ibinigay na lang ni Ana sa kanyang nakababatang kapatid ang
manika.
V. Takdang-Aralin:

Gumawa ng isang album na naglalarawan ng ibat ibang katangian ng mag-anak upang


magkaroon ng kasiya-siyang pamumuhay.

EPP IV
Date: __________
I. Layunin
Natutukoy na ang pagpapalaki ng mga anak ay tungkuling pinagtutuwangan ng mag-asawa.
II. Paksang Aralin:
Tungkulin ng Mag-asawa sa Pagpapalaki ng mga Anak
Sanggunian:
Makabuluhang Gawaing Pantahanan IV
BEC PELC
Kagamitan:
Larawan
III. Pamamaraan:
A. Talasalitaan
pagtutuos
hanapbuhay
katuwang
B. Mungkahing Pamamaraan
1. Bilang pagganyak, magpakita ng larawan ng mag-anak. Bigyan ng pagkakataon na suriing
mabuti ang larawan. Hayaan silang magpalitan ng opinyon tungkol sa gawaing
ginagampanan ng kanilang ama't ina.
2. Bigyan din ng pagkakataon aug mga bata na ilarawan nila ang kanilang mga magulang, ang
trabaho ng bawat isa, at ang gawaing bahay na kanilang ginagampanan.
3. Role Playing
Ipagawa ang pagsasakatauhan sa mga bata upang maipakita ang mga mapamaraang
pagpapalaki ng mag-asawa sa kanilang mga anak. Ibatay ang ilalarawang tungkulin ng magasawa sa isinasaad ng batayang aklat sa pahina 98-99. hayaang ihambing ng mga bata ang
paraang isasakatauhan nila sa kanilang tunay na buhay. Ipabahagi ang kanilang karanasan sa
kanilang tahanan. Bayaan silang magpalitan ng kuro-kuro dito.
IV. Pagtataya
Ang pagpapalaki ng mga anak ay tungkuling pinagtutuwangan ng mag-asawa. Isulat sa sagutang
papel ang gma tungkuling pinagtutuwangang gampanan ng iyong tatay at nanay sa inyong tahanan.
V. Takdang-Aralin:
1. Sumulat ng maikling salaysay tungkol sa gawain ng ama at ina sa pagpapalaki ng kanilang mga
anak.
2. Ipalarawan ang kanilang ama at ina kung paano nila ginagampanan ang tungkulin nila sa kanila
bilang magulang.

EPP IV
Date: __________
I. Layunin
Naiisa-isa ang ibat-ibang uri ng hanapbuhay o gawaing pinagkakakitaan ng mag-anak.
II. Paksang Aralin:
Ibat-Ibang Uri ng Hanapbuhay
Sanggunian:
Makabuluhang Gawaing Pantahanan IV
BEC PELC
Kagamitan:
Larawan
III. Pamamaraan:
A. Talasalitaan
kakayahan

pagmamalasakit

ipagmalaki

B. Mungkahing Pamamaraan
1. Ipakita sa mga bata ang mga larawan ng ibat ibang hanapbuhay sa pamayanan. Pag-usapan
ang mga ito.
2. Ipaulat sa mga bata ang makikita nilang mga hanapbuhay sa kanilang pamayanan.
3. Ipakilala sa mga bata ang makikita nilang mga hanapbuhay sa pamayanan sa pamamagitan ng
piping palabas.
4. Ibigay ang kahulugan ng mga salita sa talasalitaan sa pamamagitan ng isang kwento ng
tagumpay ng isang kilalang tao.
IV. Pagtataya
Piliin ang tamang sagot sa panaklong at isulat ang titik nito sa sagutang papel.
1. Ang bawat pamayanan ay nagbibigay ng hanapbuhay sa isang tao ayon sa kanyang
(a. laki
b. kakayahan c. tirahan
d. kasarian)
2. Ang isang tao ay nagkakaroon ng hanapbuhay kung siya ay
(a. mayaiilan b. mahirap
c. masipag at matiyaga d. mapagrnalasakit)
3. Ang pag-aalaga ng hayop ay karaniwang hanapbuhay sa
(a. lalawigan b. lungsod
c. lalawigan at lungsod d. subdibisyon)
4. Ang isang bata ay maaaring tumulong sa paghahanapbuhay sa pamamagitan ng
(a. pagpasok sa opisina b. pagpasok sa pagawaan c. pagtuturo sa paaralan
d. pagtatanim ng mga gulay sa bakuran.)
5. Dapat nating (a. mahalin b. pabayaan c. itago d. ikahiya) ang anumang uri ng hanapbuhay na
marangal.
V. Takdang-Aralin:
Pagawin ng album ang mga bata ng mga ibat ibang uri ng hanapbuhay. Palagyan ng pangalan
ang bawat isa at kung saan ito matatagpuan.

EPP IV
Date: __________
I. Layunin
1. Naiisa-isa ang ibat ibang uri ng hanapbuhay o gawaing pagkakakitaan ng mag-anak.
2. Natutukoy ang mga katangian ng iba't ibang hanapbuhay.
3. Nasasabi ang kabutihaln ng pagkakaroon ng pinagkakakitaang gawain sa pagtugon sa
pangangailangan ng mag-anak.
II. Paksang Aralin:
Mga Gawaing Pagkakakitaan ng Mag-anak
Sanggunian:
Makabuluhang Gawaing Pantahanan IV
BEC PELC B 1.1, p. 10
Kagamitan:
Larawan
III. Pamamaraan:
A. Talasalitaan
kakayahan

pagmamalasakit

ipagmalaki

B. Mungkahing Pamamaraan
1. Bilang pagganyak, magpakita ng mga larawan ng iba't ibang uri ng hanapbuhay o gawaing
pagkakakitaan na makatutulong sa pagpapaunlad ng pamumuhay. Hayaang magtalakayan ang
mga bata tungkol sa namasid nilang larawan.
Bigyan din ng pagkakataon na ilarawan nila ang hanapbuhuy ng kanilang mga magulang.
2. Paghambingin ang hanapbuhay sa siyudad at lalawigan. Sa lalawigan, ang mga kagamitan na
gagamitin sa paggawa ng isang proyekto ay doon mo na rin makikita o makukuha. Ang mga
ito ay tinatawag na katutubong materyales.
3. Ipabasa ang batayang aklat sa pahina 103-104 tungkol sa mga uri ng hanapbuhay o gawaing
pagkakakitaan ng mag-anak upang umunlad ang kanilang kabtihayan,
Unang Pangkat
- uri ng hanapbuhay
Ikalawang Pangkat - kabutihan ng pagkakaroon ng hanapbuhay
IV. Pagtataya
Lagyan ng tsek () ang pangungusap kung ito ay nagsasaad ng magandang hanapbuhay at ekis
(x) kung itoy nagsasaad ng magandang Gawain.
__________ 1. Pagtitinda ng kakainin
__________ 2. Paghahalaman
__________ 3. Pagbibigay ng patubuang pera
__________ 4. Pag-aalaga ng baboy
__________ 5. Pagsusugal
__________ 6. Pagliliwaliw
__________ 7. Pagtatanim ng gulay
__________ 8. Pananahi
__________ 9. Pagbuburda
__________ 10. Pagpapautang

V. Takdang-Aralin:
1. Gumawa ng listahan ng mga gawaing pagkakakitaan na maaaring hanapbuhay ng isang maganak sa inyong pamayanan.
2. Gumawa ng album ng mga ibat ibang hanapbuhay na maaaring pagkakitaan ng isang maganak.

EPP IV
Date: __________
I. Layunin
Nasasabi ang mga kanais-nais na kaugalian at pagpapahalaga sa paggawa.
II. Paksang Aralin:
Kanais-nais na Kaugalian at Pagpapahalaga sa Paggawa
Sanggunian:
Makabuluhang Gawaing Pantahanan IV
BEC PELC B 2.1.1, p. 11
Kagamitan:
Larawan
III. Pamamaraan:
A. Talasalitaan
moral sa paggawa
malikhain
tiwala sa sarili
mapagbigay-halaga

kanais-nais na kaugalian
huwaran
dangal

B. Mungkahing Pamamaraan
1. Bilang pagganyak
Magpakita ng isang dula-dulaan na kung saan ang lahat ng kanais-nais na kaugalian ukol
sa paggawa ay ipillakikita tulad ng batang gumaganap na may tiwala sa sarili, malikhain
nakikipagtulungan, at iba pa.
2. Ipakita sa pa1abas ang mga katangian ng may magandang asal sa paggawa na nasa batayang
aklat, pahina 105.
3. Ang mga salita sa talasalitaan ang ipagamit sa dula-dulaan.
4. Pabayaang magbigay ng kani-kaniyang kuru-kuro o opinyon aug mga batang nanood tungkol
sa ipinakitang pagsasakatauhan.
IV. Pagtataya
Ibigay ang mga kinakailangang sagot sa mga tanong:
1. Ano ang mga pangunahing Gawain sa tahanan na kailangang gampanan ng lahat ng kasapi ng
mag-anak?
2. Anu-ano ang mga kanais-nais na kaugalian na dapat taglayin ng isang bata tungkol sa moral sa
paggawa?
V. Takdang-Aralin:
Gumawa ng isang album na naglalarawan ng ibat ibang gawaing bahay na dapat isagawaga ng
bawat kasapi ng mag-anak.

You might also like