FILIPINO 4 2nd Rating

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 77

FILIPINO IV

Date: ______________
I. Layunin:
Natutukoy ang pangunahing ideya at paksa sa balita.
Pagpapahalaga: Magalang na pakikinig
II. Paksang Aralin:
Pagtukoy sa pangunahing Ideya at Paksa sa Balita.
Sanggunian:
BEC-PELC Pakikinig 6
Kagamitan:
radio o tape recorder
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Pagganyak
Nakikinig ba kayo ng balita sa radio? Nanonood din ba kayo ng mga balita sa telebisyon?
Anong oras ba ninyo madalas marinig o mapanood ang mga balitang ito?
B. Paglalahad:
Tumawag ng isang batang naging tagapagbalita. Ipasagot sa mga bata ang mga tanong sa
balitang narinig.
C. Pagtalakay:
Ano ang pangunahing ideya ng balitang inyong narinig? Tungkol saan ang paksa ng balitang
iyong narinig.
Ano ang pinangangambahan ng maraming opisyal ng AFP?
D. Pagsasanay:
(Pangkatang Gawain)
Bawat lider ng pangkat ay babasahin ang balitang ilalahad, ipabigay ang pangunahing ideya
at paksa ng balita.
IV. Pagtataya
Iparinig ang balita tungkol sa Oplan Alis-Disease, Inilunsad.
1. Anong proyekto ang matagumpay na inilunsad ng pamahalaan sa pamamahala ng kagawaran ng
kalusugan?
2. Sino ang namuno dito?
3. Bakit inilunsad ang proyektong ito?
4. Ano ang pangunahing ideya ng balita?
5. Tungkol saan ang paksa sa balita?
V. Takdang-Aralin
Makinig pa ng mga balita sa radio o telebisyon. Isulat ang pangunahing ideya at pangunahing
paksa sa isang buong papel.

Remarks:
____________________________________________________________________

________________________________________

FILIPINO IV
Date: ______________
I. Layunin:
Natutukoy ang konteksto ng isang usapan
Pagpapahalaga: Pagmamahal sa sariling bayan
II. Paksang Aralin:
Pagtukoy sa Konteksto ng isang Usapan
Sanggunian:

BEC-PELC Pakikinig 6
Sining ng Komunikasyon sa Elementarya

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Pagganyak
Anu-anong mga lugar ng napuntahan ninyo sa Pilipinas? Maganda ba ang lugar na
napuntahan ninyo?
B. Paglalahad:
a. Pagbasa ng usapan tungkol sa Maganda ang Pilipinas sa p. 83
b. Pagpapalawak ng talasalitaan
Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na salita.
1. nakaligtaan
4. nag-eeksport
2. ang-import
5. Naglalakbay
3. nakini-kinita
C. Pagtalakay:
Pagsagot sa mga tanong tungkol sa usapan:
Sino ang mga nag-uusap sa usapan? Tungkol saan ang kanilang pinag-uusapan? Bakit
nahihiya raw sa kanyang sarili ang nanay ni Fe? Anu-anong mga lugar sa Pilipinas ang naisipang
puntahan ng mag-ina? Ano ang kahalagahan ng mga lugar na ito?
Sa inyong palagay ano ang kabuluhan ng paglalakbay para sa inyong sarili?
IV. Pagtataya
Pangkatin sa limang pangkat ang mga bata. Bawat pangkat ay gagawa ng maikling dula-dulaan at
ipasadula ito sa klase.
V. Takdang-Aralin
Sumulat ng maikling dula-dulaan at isulat ito sa buong papel, pamagatan itong Ang Ating
Paaralan.

Remarks:
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
________________________________________

FILIPINO IV
Date: ______________
I. Layunin:
Natutukoy ang paksa at layunin sa nadinig na usapan.
Pagpapahalaga: Pagkamatulungin
II. Paksang Aralin:
Pagtukoy sa Paksa at Layunin sa Narinig na Usapan
Sanggunian:

BEC-PELC Pakikinig 6
Filipino sa Elementarya Wika 6 p. 65

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral
Sitwasyon: Naglalaro sina Alama at Rona. Di sinasadya ay natapakan ni Alma ang paa
ni Rona.
Itanong: Tungkol saan ang sitwasyon? Talakayin ang bawat layunin ng bawat kalagayan.
2. Pagganyak
Paglalahad ng isang usapan. Tumawag ng dalawang bata at ipabasa ang usapan.
Itanong: Ano ang paksa ng pag-uusap ng dalawang babae?
B. Paglalahad at Pagtalakay:
Ilahad ang usapan sa klase. Tumawag ng batang gaganap sa bawat tauhan ng dula-dulaan.
C. Paglalahat:
Paano ipinakita ng magkaibigan ang pagtutulungan? Bakit mahalaga ang pagtutulungan?
Ipabigay ang paksa ng usapan.
D. Pagsasanay:
Pangkatin ang mga bata sa apat. Bawat pangkat ay gagawa ng dayalogo. Ang paksa; Pag-uwi
ng mga mag-aaral dahil sa lagay ng panahon. May bagong paparating sa araw na iyon.
E. Paglalapat:
Magpakita ng larawan ukol sa isang masayang mag-anak. Sumulat ng maikling talata ukol
dito. Ang bawat pangkat ay iuulat ang paksa ng nabuong talata.
IV. Pagtataya
Basahin ang dayalogo. Ibaigay ang paksa ng usapan. Ipasadula ang binasang dayalogo.
V. Takdang-Aralin
Manood ng balita mamayang gabi. Tukuyin ang paksa at layunin nito.
Remarks:
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
________________________________________

FILIPINO IV
Date: ______________
I.

Layunin:
Naisasagawa ang ilang panutong napakinggan.
Pagpapahalaga: Pagkamasunurin

II. Paksang Aralin:

Pagsunod sa Panutong Napakinggan..
Sanggunian:

BEC-PELC Pakikinig 6
Komunikasyon sa Filipino IV pp. 33-35

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral
Ilahad ang isang usapan. Tumawag ng mga batang gaganap sa usapan.
Itanong: Paano kaya nasunod ni Rica ang mga bilin na iniuutos ng nanay nia?
2. Pagganyak
Paano mo nasusunod ang mga bagay na iniuutos sa iyo?
Mahalaga ba ang pakikinig nang mabuti?
B. Paglalahad at Pagtalakay:
Magpakita ng larawan ng mga mag-aaral. Anu-ano ang mga panutong dapat sundin ng isang
mag-aaral sa paaralan na kanyang pinapasukan?
Hayaang magbigay ang mga bata ng kanilang sagot.
Itanong: Bakit mahalagang sumunod sa mga panuto?
C. Paglalahat:
Ano ang panuto? Paano mo ito maisasagawa?
D. Pagsasanay:
Pangkatin ang mga bata sa tatlo. Bigyan sila ng paksa. Sumulat ng panuto ukol sa mga
sumusunod:
Unang pangkat - kalinisan sa paaralan
Pangalawang pangkat - pagtawid sa lansangan
Ikatlong pangkat - pagtitipid sa kuryente
E. Paglalapat:
Magkaroon ng paligsahan sa bawat row. Bawat row ay magbigay ng panuto at ang kabilang
row ang magsasagawa sa panutong narinig.
IV. Pagtataya
Makinig sa mga sumusunod na panuto. Ang mga napakinggan ay isasagawa ng bawat pangkat.
Obserbahan ang mga bata. Tingnan kung naisasagawa ng wasto ang mga napakinggan.
1. Kumuha ng aklat. Ipatong sa ulo. Lumakad at iwasang mahulog ang aklat.
2. Pumunta sa harapan ng klase. Ipaawit ang paboritong awitin.
V. Takdang-Aralin
Pumili ng isa sa mga sumusunod na paksa at gumawa ng panuto.
a. May bago kang kaibigan. Nais niyang pumunta sa inyong bahay.
b. Nasa paaralan ka. Dumating ang ate mo. Kailangan niya ang isang aklat na ikaw ang nagtago.

Remarks:
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
________________________________________

FILIPINO IV
Date: ______________
I.

Layunin:
Naisasagawa ang inuutos ng kausap
Naisasakilos ang ilang panutong napakinggan
Pagpapahalaga: Pagkamasunurin

II. Paksang Aralin:

Pagsasagawa ng Utos ng Kausap
Pagsasakilos ng Panutong Napakinggan
Sanggunian:
Kagamitan:

BEC-PELC Pakikinig 6
Komunikasyon sa Filipino (Wika) p. 37
plaskards

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral
Maglahad ng mga panuto sa plaskards. Pangkatin ang mga bata pumili ng lider. Bawat
pangkat ay pipili ng panuto. Isasagawa ng mga panuto ng bawat pangkat.
2. Pagganyak
Ipasabi ang mga bagay na ginawa ng mga bata bago pumasok ng paaralan. Alin sa mga
bagay ang nagawa ninyo nang wasto? Anu-ano ang mga bagay na iniutos ng iyong mga
magulang ang madali mong naisagawa? Nasunod mo ba ito ng wasto?
B. Paglalahad at Pagtalakay
Paglalahad ng isang dula-dulaan. Ipakilos ito sa mga bata. (Pangkatang Gawain)
Itanong:
a. Sino ang nakakuha ng mababang marka sa pagsusulit na ibinigay ni Bb. Miranda.
b. Bakit hindi nasunod ng wasto ni Felix ang ibinigay na panuto ni Bb. Miranda?
C. Paglalahat:
Ano ang dapat gawin sa mga panutong iyong natatanggap?
Paano mo naisakilos ng wasto ang panutong napakinggan?
D. Pagsasanay:
Tumawag ng batang makapagbibigay ng panuto. Ipakilos ito sa mga kamag-aral. Magpalitan
ng mga panuto. Ipasakilos ang mga ito.
E. Paglalapat:
Bumuo ng mga panuto.
Paksa:
Pagtitipid ng Tubig
Pag-iingat sa Gamit
Ipasulat sa bawat lider ng bawat pangkat ang nagawang panuto
IV. Pagtataya
Alin-alin ang maaring maging resulta ng hindi pakikinig ng mabuti sa nagsasalita. Bilugan ang
bilang ng sagot.
1. Naku, mali ang sagot ko.
2. Sori, nanay hindi ko nabili ang gustoninyo.
3. Hindi pa ngayon ang field trip natin.
4. A, e, mali pala ang narinig ko.
5. Magaling talagang nakinig kang mabuti, ano?

V. Takdang-Aralin
Itala ang mga panutong iyong natanggap. Sabihin kung paano ito naisagawa ng wasto sa klase

Remarks:
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
________________________________________

FILIPINO IV
Date: ______________
I.

Layunin:
Napapakinggan ang ideyang sang-ayon at sumasalungat
Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa pamanang kultura.

II. Paksang Aralin:

Pakikinig sa mga Ideyang Sang-ayon at Sumasalungat
Sanggunian:
Kagamitan:

BEC-PELC Pakikinig 6
Diwang Makabansa Pagbasa IV pp. 179-182
larawan ng nagbabalagtasan

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral
Punan ang tamang dahilan ang mga sumusunod na pangungusap.
a. May araw at gabi sapagkat _________.
b. Mainit sa Pilipinas dahil __________.
c. Mataas ang kanyang marka sapagkat _________.
2. Pagganyak
Ipakita ang larawan
Itanong: Ano ang ginagawa ng nasa larawan?
3. Pag-aalis ng balakid
Isulat sa mga kahong katapat ng salita sa bawat bilang ng kasingkahulugan nito.
Obserbahan ang bilang at hugis ng mga kahon.
1. paksa
2. salat
B. Paglalahad at Pagtalakay
1. Pagbasa ng piling mag-aaral sa kuwento.
2. Pagsagot sa mga tanong.
a. Bakit hinahanap pa rin ng mayamang mayaman na ang kayamanan?
b. Bakit naubos ang kayamanan ng isang kulang sa dunong?
c. Kailan magiging ganap ang karunungan?
3. Pag-usapan ang balagtasan. Pumili ng apat na mag-aaral upang gumanap sa mga tauhan.
C. Paglalahat:
Ano ang dapat tandaan upang mapakinggang mabuti ang mga ideyang sang-ayon at
sumasalungat?
D. Pagsasanay:
Gawain 1 1) Igrupo ang klase sa tatlo
2) Papiliin sila ng lider
3) Pipili ang bawat lider ng isang strip ng papel na nakasulat ang KAYAMANAN,
KARUNUNGAN at KASIPAGAN

E. Paglalapat:
Ipagawa ang mga sumusunod.
1. Isulat sa pisara ang paksang pag-uusapan (Malaki o Maliit na Pamilya)
2. Itanong kung sino ang sumasang-ayon na mainam ang malaling pamilya. Isama sila sa isang
grupo at isang grupo para sa nagsasabing mainam ang maliit na pamilya.
3. Papiliin sila ng lider.
4. Sa loob ng 10 minuto hayaan ang bawat grupong pag-usapan ang dahilan kung bakit pinili
nila ang maliit o malaki na pamilya.
5. Ipasulat sa bawat lider ang kanilang napag-usapan.
6. Sa isang papel ipasulat sa mga bata ang mga ideyang sumasang-ayon at sumasalungat sa
bawat paksa.
IV. Pagtataya
Basahin ang bawat pahayag. Isulat ang SA kung ito ay sumasang-ayon at SL kung sumasalungat
sa paksa.
Paksa: Mainam at maliit na pamila
______ 1. Kapag maliit ang pamilya, matutugunan ang pangangailangan nito.
______ 2. Masaya ang may malaking pamilya.
______ 3. Marami ang iyong makakaramay kapag malaki ang iyong pamilya.
______ 4. Maalagaang mabuti ang mga bata kung maliit ang pamilya.
______ 5. Magulo kapag malaki ang pamilya.
V. Takdang-Aralin
Pag-aralan ang paksa sa ibaba. Sumulat ng 2 ideyang sumasang-ayon at 2 ideyang sumasalungat.
PAKSA: Mas mainam ang manood ng telebisyon kaysa makinig ng radyo.

Remarks:
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
________________________________________

FILIPINO IV
Date: ______________
I.

Layunin:
Napapakinggang mabuti ang salitang isusulat
Natutukoy ang taong gagawa ng panutong napakinggan
Pagpapahalaga: Pakikinig ng mabuti

II. Paksang Aralin:

Mabuting Pakikinig
Sanggunian:
Kagamitan:

BEC-PELC Pakikinig 6
Batayang Aklat sa Wika 4 pp. 1-4
plaskard ng mga salita, maikling tulang nasa tsart

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral
Pagbabalik-aral sa mga salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba ang diin at kahulugan
2. Pagganyak
Ipasabi sa mga bata kung anu-anong mga salita ang kanilang narinig mula sa tula.
Itanong: a. Paano kaya ang ginawa ni ___ at marami siyang salitang natandaan.
b. Ano ang sinasabi sa inyo ng tula?
B. Paglalahad at Pagtalakay
Pabuksan ang aklat sa Wika at pag-usapan ang larawan nasa p.1
Ipabasa ng tahimik ang maikling kuwentong kasunod ng larawan at talakayin ang nilalaman
pagkatapos.
Ipaliwanag ang kahalagahan ng nalilinang na mabuti ang kanilang kasanayan sa pakikinig.
C. Paglalahat:
Ipabasa ang Tandaan p. 3 upang maging maliwanag sa bawat isa kung papano siya
magiging isang mahusay na tagapakinig.
D. Pagsasanay:
Pangkatang Gawain
Bumuo ng apat ng grupo, bawat grupo ay makikinig sa isang awiting tagalong na nakateyp.
Isulat sa papel pagkatapos mapakinggan lahat ang salita o parirala mula sa awitin. Pakinggan
muli ang awit. Iwasto ang mga salita o parirala mula sa awitin. Tama ba ang mga salita o
pariralang inyong isinulat?
E. Paglalapat:
Isulat sa malinis na papel ang isa o dalawang talatang nagsasabi tungkol sa naging bunga ng
isang mabuting pakikinig na maaring maganap sa bahay, paaralan, isang pagtitipong dinaduhan o
sa isang pagpupulong.
IV. Pagtataya
1. Pagbasa ng isang kuwento Handa na si Marie
2. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang mga sumusunod na tanong.
a. Sino ang handing-handa na sa pag-aaral?
b. Ilang pares ang kanyang pamasok na sapatos?
c. Anong kulay ang mga medias niyang inihanda?
d. Kanino siya nanuluyan noong bakasyon?

V. Takdang-Aralin
Basahin at ipagamit sa pangungusap ang mga sumusunod na salita.
1. dalaga
3. kaalaman
5. pabayaan
2 pinirito
4. talikdan

Remarks:
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
________________________________________

FILIPINO IV
Date: ______________
I.

Layunin:
Napapkinggan ang mga pahayag na nagmamalasakit sa kakpwa.
Pagpapahalaga: Pagmamalasakit sa kapwa

II. Paksang Aralin:

Pakikinig ng mga pahayag na nagmamalasakit sa kapwa.
Sanggunian:
Kagamitan:

BEC-PELC Pakikinig 6
paket tsart, mga larawang nagpapakita ng pagmamahal sa kapwa.

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Pagganyak
May kasama ba kayong matanda sa inyong bahay? Ilarawan siya.
Pag-aralan ang mga larawang ipakikita ng guro. Pag-usapan ang mga ito.
B. Paglalahad
Namamalengke sina Cherisse at Cheska ng mga gulay, karne at isda para sa kanilang
tanghalian. Nakita nila si Lola Mating na may mabigat na bayong. Agad nilapitan ni Cherisse
ang matanda at inabot ang bayong nito.
Kung kayo si Cherisse ganito rin ba ang gagawin mo?
C. Pagtalakay:
1. Sinu-sino ang mga tinuturing na matatanda?
2. Ano ang pagkakaiba nila sa mga kabataan?
3. Dapat ba nating ipakita ang pagmamalasakit at pagmamahal sa kapwa? Bakit? Paano?
D. Pagsasanay:
Basahin ng malakas at tama ang mgay pahayag na nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa.
1. Tulungan ang mgatatanda sa pagdadala ng mabibigat na bagay.
2. Tumulong sa mga nasalanda ng bagyo
3. Igalang at mahalin ang kapwa mo.
E. Paglalapat:
Pangkatang Gawain. Magpatalas ng dula-dulaan nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa.
IV. Pagtataya
Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Sagutin ang mga tanong tungkol dito.
1. Nakita mong may dala-dalang mabibigat na kahoy ang iyong lolo. Ano ang dapat mong gawin?
2. Nakita mong tumawid ang matanda sa kalsada. Ano ang dapat mong gawin?
3. Nawalan ng tirahan ang iyong kamag-anak dahil sa malakas na bagyo, paano mo sila
matutulungan?
V. Takdang-Aralin
Talakayin ang isang sanaysay ang kahalagahan ng pagpapakita ng pagmamahal at malasakit sa
kapwa. Pamagatan ito ng: Kung Wala po Kayo, Wala Kami.

Remarks:
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
________________________________________

FILIPINO IV
Date: ______________
I.

Layunin:
Nakasasagot sa tanong na bakit tungkol sa seleksyong napakinggan.
Pagpapahalaga: Pagmamalaki sa lahat na ikaw ay Pilipino.

II. Paksang Aralin:

Pagsagot sa tanong na Bakit Tungkol sa Seleksyong Napakinggan.
Sanggunian:
Seleksyon:
Tula:

BEC-PELC Pakikinig 6
Komunikasyon sa Filipino (Wika) p. 37
Ang pinsan Kong si Blendia
Kulay kayumanggi

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Pagganyak
a. Ano ang kulay ng balat ng mga Amerikano? Kastila? Negro Pareho ba ang kulay ng
Balat.
b. May babasahin akong tula. Ano ang dapat tandaan kung kayo makikinig sa isang
nagbabasa.
B. Paglalahad
Iparinig ang tula sa mga bata. Kulay Kayumanggi.
C. Pagtalaky:
Sagutin ang mga tanong:
1. Ano ang tunay na kulay ng mga Pilipino?
2. Dapat ba itong ipagmalaki? Bakit?
3. Bakit kulay kayumanggi ang kulay natin?
D. Pagsasanay:
Iparinig ang sumusunod na kalagayan sa mga bata.
Tatawid ka sa daan. Isang dyip na dumarating ang biglang bumusina ng pipippip..Bakit
kailangan mong huminto sa pagtawid?
Tahimik na tahimik sa paligid. Walang anu-ano sunud-sunod na putok ng baril ang narinig
Bang-Bang-Bang.
Bakit kaya may putok ng baril?
IV. Pagtataya
Sagutin ang mga tanong pagkatapos pakinggan ang seleksyong babasahin ng guro.
1. Bakit Neggie ang tukso kay Blandina ng mga kapatid niya?
2. Bakit hindi napipikon si Blandina kapag tinutukso siya ng kanyang mga kapatid?
V. Takdang-Aralin
Sumulat ng limang tanong na nagsisimula sa Bakit.

Remarks:
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
________________________________________

FILIPINO IV
Date: ______________
I. Layunin:
Nakagawa ng dayagram ng ugnayang sanhi at bungang nakalahad sa seleksyong napakinggan
Pagpapahalaga: Anuman ang iyong gagawin makapitong ulit mong iisipin
II. Paksang Aralin:
Paggawa ng dayagram
Sanggunian:
BEC-PELC Pakikinig 6
Kagamitan:
talata na naksulat sa Manila paper
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral: Mga tanong na nagsisimula sa Bakit. Talakayin ang mga gawaing bahay.
2. Pagpapaalala sa pamantayan sa pakikinig
3. Anu-ano ang mga pamantayan sa wastong pakikinig?
B. Paglalahad at Pagtalakay
Babasahin ng guro ang sumusunod na seleksyon.
a. Ano ang sanhi ng paglabas ng bahay ni Greg?
b. Ano ang dahilan at madulas ang puno?
c. Ano ang naging bunga ng malakas na ulan kay Greg?
C. Paglalahat:
Ano ang ibig sabihin ng sanhi? ng bunga? Batay sa mga pangungusap na tinalakay natin?
IV. Pagtataya
Gumawa ng dayagram ng sanhi at bunga ng mga pangyayari. Gamitin ang mga sumusunod na
pangungusap sa ibaba.
1. Kumain ng masustansiyang pagkain.
Lulusog ang katawan.
2. Ang ehersisyo ay gawin sa umaga
Upang lumakas ang katawan
3. Barado na naman an gaming kanal.
Magbabaha sa aming looban kapag umulan.
V. Takdang-Aralin
Hanapin sag awing kanan ang tumpak na bunga ng sanhi na nasa gawing kaliwa.
Sanhi
Bunga
_____ 1. Dahil sa matinding init
a. nagkasakit ang nanay
_____ 2. Butas ang bulsa ni Armando
b. marami ang natutuwa kay Dolly
_____ 3. Ang proyekto sa pagpapabahay.
c. nahilo si Mang Kulas
_____ 4. Dahil sa masinop at lagging malinis
d. ay nagpabuti sa buhay ng mga iskwater
_____ 5. Dahil sa maghapong paglalaba
e. kaya nawala ang pera
Remarks:
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
________________________________________

FILIPINO IV
Date: ______________
I.

Layunin:
Napag-uuri-uri ang pangngalan ayon sa kung kontreto o di-konkreto
Pagpapahalaga: Pagkakaisa

II. Paksang Aralin:

Pag-uuri-uri ng Pangngalan ayon sa Konkreto o Di-kontreto
Sanggunian:
BEC-PELC Pagsasalita 7; Sining sa Wika 4 pp. 49-53
Tula:
Bakit Nga Ba?
Kagamitan:
mga larawan
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral
Pagbalik aralan ang mga natutuhan tungkol sa pangngalan sa pamamagitan ng gawaing
nasa ibaba.
a. magdisplay ng flannel ng limang puno at sa pocket tsart naman ng mga cut-out ng
mangga na may mga nakasulat na pantawag sa tao, hayop, bagay, pook at pangyayari.
b. Ipasabit ang mga cut-out ng mangga sa puno batay sa panutong ibinigay.
B. Paglalahad at Pagtalakay
1. Sabihing di-lahat ng mga pangngalan ay nakikita o nahahawakan katulad ng mga pangngalan
binabanggit sa tulang babasahin.
2. Basahin ang tula ng pabigkas. (Bakit Nga Ba?)
3. Ipasagot ang mga tanong.
a. Sino ang bumigkas ng tula?
b. Ano ang kanyang ginagawa tuwing umaga
c. Saan siya nagpupunta
C. Paglalahat:
1. Natutong mapag-uri-uri ang pangngalan ayon kung konkreto.
2. Ipabasa ang tandaan: Ang pangngalang maaaring makita at mahipo ay pangngalang
konkreto. Ang mga pangngalang hindi nakikita ngunit maaaring madama o maramdaman ay
ang pangngalang di-konkreto.
D. Pagsasanay:
Basahin ang sumununod na usapan. Piliin ang mga ginamit na pangngalang konkreto at dikonkreto. Punuin ang tsart na kasunod.
Mga Pangngalang Konkreto
Mga Pangngalang Di-Konkreto
IV. Pagtataya
Sabihin kung ang sinalungguhitang pangngalan ay konkreto o di-konkreto.
_______ 1. Isang mabait at magalang na kalaro si Benny
_______ 2. Manhik-manaog sa hagdan ang aking alaga.
_______ 3. Hingi natagalan ni Bobby ang init ng panahon kaya siya ninimatay.
_______ 4. Nagpalakpakan ang lahat sa ganda ng palabas ng mga estudyante.
_______ 5. Ang pag-uusap nina Choleng at Rimando ay hindi naikaila sa aming lahat.

V. Takdang-Aralin
Sumulat ng 10 pangngalang konkreto at 10 pangngalang di-konkreto

Remarks:
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
________________________________________

FILIPINO IV
Date: ______________
I.

Layunin:
Nagagamit ang pangngalan bilang paksa at panaguri ng pangungusap.
Pagpapahalaga: Maayos na pakikilahok sa mga gawaing silid.

II. Paksang Aralin:

Paggamit ng pangngalan bilang paksa at panaguri ng pangungusap
Sanggunian:
BEC-PELC Blg. 7
Sining ng Wika 4 pp. 54-62
Kagamitan:
mga larawan
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
Ipabigkas ang tulang Ang Aking Aklat ng may damdamin
B. Paglalahad at Pagtalakay
a. Mula sa tulang ginamit sa panimulang gawain ay hikayatin ang mga batang makapagbigay ng
mga pangungusap na ginagamitan ng mga pangngalan. Isualt sa pisara
b. Pabiligan ang mga pangngalan sa bawat pangungusap.
c. Itanong kung alin sa mga pangngalan ang ginamit bilang simuno? Bilang panaguri?
C. Paglalahat:
Tandaan: a. May mga pangngalang ginagamit bilang simuno ng pangungusap
b. May mga pangngalang ginagamit bilang panaguri.
D. Pagsasanay:
Panuto: Punan ang patlang ng pangngalang kinakailangan upang mabuo ang pangungusap.
1. Ang _______ (simuno) ni Luz ay mapuputi.
2. Si G. Mauricio ay isang _________(panaguring pangngalan).
3. Palaging naglalaro ng luksong tinik sina ______ at _______ (simuno).
4. Si Lapu-lapu ay matapang na _______ (pangngalang panaguri).
5. Matatalinot magagalang ang kanyang mga _______ (simuno).
IV. Pagtataya
Umisip ng mga pangungusap na may mga pangngalan tungkol sa mga larawang nasa ibaba.

V. Takdang-Aralin
Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na pangngalan bilang
A. Simuno
1. dyanitor
2. piloto
3. liham
B. Panaguri
1. lider
2. kapatid
3. manlalaro

Remarks:
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
________________________________________

FILIPINO IV
Date: ______________
I.

Layunin:
Natutukoy ang gamit ng pangngalan sa tulong ng pananda
Naipapakita ang kailanman ng pangngalang isahang si at maramihang sina at ang mga
Pagpapahalaga: Malawak na pag-iisip

II. Paksang Aralin:

Pagtukoy sa Gamit ng Pangngalan sa Tulong ng Pananda
Panandang Pangngalan
Sanggunian:
BEC-PELC 7; Filipino sa Makabagong Panahon 4 p. 63
Kagamitan:
mga larawan
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
Maglahad ng ibat-ibang sitwasyon para makalikha ng isang usapan. Ipagamit ang
pangngalang konkreto at pangngalang di-konkreto.
B. Paglalahad at Pagtalakay
1. Basahin at pansinin ang sinalungguhitang salita.
2. Basahin
Isahan
Maramihan
Si Jose
Sina Charlie at Manuel
Ang bata
Ang mga bata
C. Paglalahat:
Makabuo ng isang paglalahat tungkol sa gamit ng si, sina, at ng, ang mga. Ipabasa at
ipaunawa ng mabuti ang TANDAAN.
2 uri ng pananda
1. ginagamit sa mga pantanging ngalan ng tao.
Halimbawa: Si Jose, Sina Manuel at Charlie
2. ginagamit sa mga pangngalang pambalana.
Halimbawa: Ang saranggola, Ang mga saranggola
Ang salitang ang ay ginagamit kapag ang kasunod ay tumutukoy sa iisa lamang.
Samantala, ginagamit naman ang mga kapag marami ang tinutukoy nito.
D. Pagsasanay:
Isulat kung isahan o maramihan ang tinutukoy sa mga pangungusap.
1. Katulong niya si Ana sa pag-aalaga ng mga ito.
2. Ang mga halaman ni Rose ay magaganda.
3. Kapag umaga na, makikita mo na sina Rosa at Ana sa hardin.
4. Dinidiligan nila ang mga tanim.
5. Ang tubig ay kailangan ng halaman.
IV. Pagtataya
Isulat ang si sina, ang o ang mga sa bawat patlang.
1. _________________
2. _________________
3. _________________
4. _________________
5. _________________

V. Takdang-Aralin
Gamitin sa makabuluhang pangungusap ang mga sumusunod.
1. Si Gng. Torres
2. Sina Pangulong Arroyo at Gobernador Mickey Arroyo
3. Ang pook
4. Ang mga ibon

Remarks:
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
________________________________________

FILIPINO IV
Date: ______________
I.

Layunin:
Nagagamit ang angkop na panghalip sa pangngalang hinahalinhan
Pagpapahalaga: Paggawa ng kabutihan sa kapwa

II. Paksang Aralin:

Paggamit ng Angkop na Panghalip sa Pangngalang Hinalinhan
Sanggunian:
BEC-PELC Pagsasalita Blg. 7
Sining ng Wika 4 pp. 63-70
Kagamitan:
mga larawan
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Maghanda ng mga tanong na nangangailangan ng mga panghalip.
Pumasok ba si Gng. Aquino dito sa ating silid-aralan kahapon? Kilala mo ba ang mga
guro sa ating paaralan?
2. Ipabasa at pag-usapan ang maikling diyalogong kasunod. Ipapansin din ang mga
sinalungguhitang salita.
3. Itanong:
Madali bang unawain ang usapan? Bakit? Ano sana ang dapat gawin para higit na maging
maayos at tuluy-tuloy ang pagbasa rito? Natatandaan ba ninyo kung ano ang tawag sa mga
salitang ginagamit na pamalit sa mga salitang tulad ng nasasalungguhitan sa usapan.
B. Panlinang na Gawain:
1. Itanong: Anu-anong panghalip panao ang dito ay ginagamit?
2. Sagutin ang mga tanong hinggil sa mga panghalip panao na ginamit sa kwento.
a. Sinu-sino ang nagsidating kina Evalyn?
b. Saan kava sila sasamahan nina Nelly at Evalyn?
3. Isa-isahin ang mga panghalip panaong ginamit sa kwento.
a. Alin ang ginamit ni Nelly na panghalili sa kanyang pangalan?
b. Alin ang ginamit niyang panghalili sa pangalan nilang magkapatid?
C. Paglalahat:
Anu-ano ang mga panghalip na panao?
TANDAAN
1. Ang ako/kami ay mga panghalili sa pangalan ng mga taong nagsasalita.
2. Ang ikaw/kayo ay mga panghalili sa pangalan ng mga tao o mga taong kausap.
3. Ang siya/sila ay mga panghalili sa pangalan ng tao o mga taong pinag-uusapan.
IV. Pagtataya
Pag-aralan ang bawat nakalarawan. Lagyan ito ng usapan. Gamitin ang ako, ikaw, siya, kami,
kayo, sila.

V. Takdang-Aralin
Bumuo ng limang pangungusap. Gamitin ang mga panghalip na panao.

Remarks:
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
________________________________________

FILIPINO IV
Date: ______________
I.

Layunin:
Nagagamit ang isahan, dalawahan at maramihang anyo ng panghalip panao sa magkakaugnay na
pangungusap
Pagpapahalaga: Malaya at masiglang pakikipagtalakayan

II. Paksang Aralin:

Paggamit sa Isahan, Dalawahan at Maramihang Anyo ng Panghalip na Panao sa Magkakaugnay
na Pangungusap
Sanggunian:
BEC-PELC Blg. 7
Sining ng Wika 4 pp. 71-80
Kagamitan:
mga larawan
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
Maglahad ng isang usapan:
Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Isulat ang naturang mga pangungusap sa loob ng
lobo upang ipakita kung sino ang nagsabi ng mga ito.
Siya ay mahusay na manlalaro sa aming paaralan.
Ako ay umaawit.
Ikaw ang bibigkas ng tula.
B. Paglalahad
Basahin ang isang usapan. Heto ang isang usapan sa telepono. Basahin at tingnan kung paano
ginamit ang mga panghalip.
C. Pagtalakay:
1. Sino ang tinawagan ni Ricky?
2. Pansinin ang mga salitang nakasulat nang pahilig sa usapan.
3. Alin-alin sa kanila ang mga panghalip na pang-isa?
Alin-alin ang pandalawahan?
Alin-alin ang pangmaramihan?
D. Paglalahat:
Unawain at Tandaan:
1. Ang panghalip ay nasa kailanang isahan kung tumutukoy sa iisang tao lamang.
2. Ang panghalip ay nasa kailanang dalawahan kung tumutukoy sa dalawang tao.
3. Ang panghalip ay nasa kailanang maramihan kung tumutukoy sa mahigit sa dalawang tao.
E. Pagsasanay:
Basahin ang talata tungkol sa larawan. Punan ang mga patlang ng panghalip na nasa loob ng
panaklong.
(ako, akin, ko)
Si Susie ay aking alaga. __________ay mahal
niya. Mahal _________rin naman siya. Kami ay
palagi tuloy masaya.

IV. Pagtataya
Lagyan ng panghalip panao ang bawat puwang. Pumili sa mga panghalip na nakakahon.
ikaw
kata

kayo
sila

namin
kanila

ka
iyo

mo
akin

1. Kapag __________ay malusog, hindi _______ magkakasakit agad-agad.

2. Hindi alam nina Jose at Peping kung ano ang iniiyak _____. Sana raw ay kausapin ___siya.
3. _____ raw nina Ana ang magsasabi sa ibang pangkat hinggil sa mga proyektong isasagawa nila.
Ngunit sa Sabado pa ng hapon _______ sila kakausapin.
4. Talaga bang sa _________na ang mga sapatos na ito? Kanino ba ako dapat magpasalamat, sa ___
ba o kay Gemma?
5. May kalayuan dito ang bahay ___________subalit hindi ko iyon ipagpapalit sa bahay ni Don Justo
kahit na ang tingin ng lahat ay isang kubo. Sila at ______ay walang karapatang magsalita ng
hindi maganda.
V. Takdang-Aralin
Basahin ang bawat kalagayan o sitwasyon. Sagutin pagkatapos ang kasunod na tanong. Gumamit
ng mga napag-aralang panghalip pananong. Isulat ang sagot sa isang malinis na papel.
1. Wala raw pasok. Ang sabi sa radyo ay may malakas na bagyong parating sa inyong lugar. Ano
ang gagawin mo?
2. Nag-anyaya ka ng iyong mga kamag-aral para sa iyong kaarawan. Maraming pagkain ang niluto
ng iyong nanay pero walang dumating kahit isa sa kanila. Magagalit ka ba sa kanila? Bakit?
3. Sabay-sabay kayong magkakapatid kung dumalaw sa iyong Lolo at Lola sa tuwina. Subalit sa
darating na Linggo ay tila iyon hindi mangyayari sapagkat may sakit ang iyong Ate at ikaw
nama'y may proyekto sa Agham na dapat tapusin. Hindi kaya magdaramdam ang inyong Lolo at
Lola sa hindi ninyo pagdalaw sa kanila? Ano ang inyong nararapat gawin?

Remarks:
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
________________________________________

FILIPINO IV
Date: ______________
I.

Layunin:
Nagagamit sa pangungusap ang isahan at maraming anyo ng panghalip na pananong
Pagpapahalaga: Kahalagahan ng mga halaman at mga sangkap sa gamot.

II. Paksang Aralin:

Paggamit sa Pangungusap ng - Isahan at Maraming Anyo ng Panghalip na Pananong
Sanggunian:
BEC-PELC Pagsasalita Blg. 7
Hiyas sa Wika pp. 68-73
Kagamitan:
komiks strip, larawan ng mga halamang gamot
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
Magkaroon ng sagot-tanungan. Itanong: Ano ang doctor ng mga hayop? Ano ang tawag sa
doctor na gumagamot sa mga bata? Ano ang tawag sa nagtitimpla ng gamot sa botika o
namamahala ng mga gamot sa botika?
Dula-dulaan o kwentuhan.
Itanong:
Sino ang kauna-unahang parmasyotiko ng bansa?
Ano ang kanyang ginawa para tawagin siyang dakilang botanista?
Paano ang ginawa ni Dr. Guerrero para magkaroon siya ng panindang gamot?
Kailan siya ipinanganak?
B. Paglalahad at Pagtalakay
1. Buksan ang Aklat sa Wika sa pahina 68. Iparinig ang komiks istrip na nasa isipan.
Pagkatapos, tumawag ng dalawang bata at ipabasa ang mga usapan na nasa Basahin.
2. Hayaan silang magtig-isa ng gagampanan.
3. Pagkatapos mabasa ang usapan, ipasagot ang mga tanong na nasa Talakayin.
Talakayin
a. Bakit mahalaga ang mga lumang aklat?
b. Mahalaga ba ang mga halaman? Bakit?
c. Anu-anong pangalan ng orkidya ang alam mo?
d. Gusto mo rin bang maging botanista? Bakit?
C. Pagsasanay:
Punan ng wastong panghalip na pananong ang patlang.
1. _______ ang mga kapatid mo?
2. _______ sa mga ito ang ibibigay mo sa mga kapatid mo?
3. _______ kahalaga sa iyo ang iyong mga kapatid?
4. Ang kilo ng bangus ay ________?
5. _______ piraso ang isang kilo ng bangus?
D. Paglalapat:
Magtanungan kayo ng inyong katabi. Pag-usapan ninyo ang mga halamang-gamot na alam ninyo
sa inyong paligid.
IV. Pagtataya
Salungguhitan ang panghalip sa pangungusap at isulat kung isahan o maramihan ito.
______ 1. Sino ang kailangan mo?
______ 2. Kani-kanino sila nagtanong?
______ 3. Ilan-ilan ang dumalo sa paligsahan?

______ 4. Ano ang ginagawa ni Bb. Cruz?

______ 5. Kanino ang nawawalang bag?
V. Takdang-Aralin
Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod:
1. Sino
5. Paano
2. Sinu-sino
6. Paa-paano
3. Ano
7. Kailan
4. Anu-ano
8. Kai-kailan

Remarks:
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
________________________________________

FILIPINO IV
Date: ______________
I.

Layunin:
Nagagamit ang mga panghalip na paari sa pangungusap
Pagpapahalaga: Kamalayang pangkalusugan

II. Paksang Aralin:

Paggamit ng mga Panghalip na Paari
Sanggunian:
BEC-PELC Pagsasalita Blg. 7
Hiyas ng Wika pp. 68-78
Kagamitan:
larawan ng batang malusog/ batang may katamtamang pangangatawan
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral
Ipabasa ang mga pangungusap na may panghalip na pananong. Ipatukoy ang
panghalip na pananong na ginagamit sa bawat pangungusap.
2. Pagganyak
Magpakita ng larawan ng isang batang matabang-mataba at larawan ng isang batang
may katamtaman ang taba ng katawan. Itanong: Alin sa dalawang bata ang may
malusog na katawan? Ano ang katangian ng isang malusog?
B. Paglalahad
1. Ipabasa sa dalawang bata ang usapan
2. Tumawag ng tatlong bata dalawahang babae at isang batang lalaki. Pagtig-iisahin nila ang
usapan.
C. Pagtalakay:
1. Ipasagot ang mga tanong tungkol sa binasang usapan.
a. Ang lahat ba ng mataba o sobra ang timbang ay malusog? Bakit?
b. Bakit kailangan ang "Balanced Diet"?
c. Bakit kailangan ang pag-eehersisyo?
2. Patnubayan ang mga bata sa pagtalakay ng gamit ng panghalip na paari sa pangungusap.
Itanong: Sino ang nanghihina? Kanino anak si Dondon? Ipabasa muli ang pangungusap sa
bahaging nagsasabing si Dondon ang anak ni Gng. Calabia. Ano ang pariralang kumakatawan
sa pagmamay-ari? " "Akin". Ano ang bahagi ng pananalita ang "Akin"?
3. Ipasuri at hayaang pag-aralan ng klase ang tsart ng mga panghalip na pananong paari.
D. Pagsasanay:
Panuto: Lagyan ng wastong panghalip na pananong paari ang patlang.
Mahal na mahal ni Lola Tacing ang ______ apo na si Marie. Tuwing walang pasok,
nagbabakasyon ito _____Lola Tacing sa nayon."Halika, Marie _____ papasyalan natin ang
palaisdaan ng ______ Lolo Melchor. "Mamimingwit tayo ng tilapia," ang sabi ni Lola Tacing.
"Oo, pero hindi lamang sa _____ iyon kundi sa ______ lahat. Ang lupaing iyan ay pamamana rin
namin sa ______ kapag kayo'y malalaki na," sabi ni Lola Tacing.
E. Paglalapat:
Patnubayan ang mga bata sa pagbubuo ng paglalahat. Anu-ano ang panghalip na pananong
paari na inihahalili sa pangalan ng nagsasalita? Sa pangalan ng kausap? Sa pangalan ng pinaguusapan?

F. Pagsasanay:
Pakuhanin ng kapareha ang isang bata. Ipabasa ang mga pangungusap. Ipahanap ang mga
panghalip na pananong paari. Ipasabi ang kailanan.
Halimbawa:
Mag-aaral A: akin Mag-aaral B: isahan
1. Sa akin iniatas ang gawaing iyan.
2. Nasa inyo ang pagpapasya upang kayo ay umasenso.
3. Iyo ba ang bag na ito?
4. Kanilang tinapos ang gawaing kanilang sinimulan.
5. Nangako silang daraan sa amin.
G. Paglalapat:
Basahin muli ang usapan. Hanapin ang mga panghalip na paari. Gamitin ang concept cluster
sa pagtatala sa mga panghalip na pananong paari gaya ng halimbawa sa ibaba.

Gamitin ang mga itinalang panghalip na pananong paari sa sariling pangungusap

IV. Pagtataya
Gumawa ng usapan. Gamitin ang paksang "Sa Aming Pamayanan". Gamitin ang mga sumusunod
na mga parirala.
Isulat ang usapan sa isang papel.
kanila rin ang magandang tanawin amin ang botika
akin na lamang
iyo na
doon sa aming _________
inyo ba ang ___________?
aming traysikel
kanila ang panaderya
Sitwasyon:
Dumating ang pinsan ni Norma, si Lorna na isang taga-Maynila. Isang araw, niyaya niya itong
mamasyal.
Norma: Halika, Lorna mamasyal tayo sa _________
Dito na tayo sasakay sa ___________
Lorna: _______________Kanino ang ?
Norma: ____________________________
Lorna: ____________________________
V. Takdang-Aralin
Bumuo ng sariling usapan.
Gamitin sa pangungusap ang pananong paari, akin iyo, natin, kanila, inyo.
Remarks:
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
_____________________________________

FILIPINO IV
Date: ______________
I.

Layunin:
Nakapagpapahayag ng sariling karanasan na ginagamit ang panghalip sa pakikipagkapwa
Nabibigkas nang wasto ang narinig na diyalogo
Naiuugnay sa sariling karanasan ang binasang diyalogo
Pagpapahalaga:

Pagtanggap ng pagkakamali; Pagkamatapat; Pag-unawa; Paghingi ng

paumanhin; Pagpapakumbaba

II. Paksang Aralin:

Pagpapahayag ng Sariling Karanasan na Ginagamit ang Panghalip sa Pagkakamali
Sanggunian:
BEC-PELC Pagsasalita Blg. 7
Kagamitan:
tsart at mga larawan
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
Pagganyak
Tanungin ang mga bata kung sila ay may nagawa nang mga pagkakamali.
B. Paglalahad:
Ipa-isa-isa sa mga bata ang mga pagkakamali na kanila nang nagawa.
Bigkasin ang sumusunod na mga salita
pagsusulit
paumanhin
mangopya
parusa
katunayan
bumagsak
niyaya
pinagsisihan
binabagabag
pag-amin
C. Pagtalakay:
1. Ang mga tanong batay sa binasa mong kuwento.
a. Bakit lumapit si Lina kay Gng. Cruz?
b. Ano ang ginawa ni Lina habang kumukuha siya ng pagsusulit?
2. Itanong din ang mga sumusunod na tanong:
a. Nagustuhan nyo ba ang diyalogo?
b. Anu-ano ang mga ginamit na salita na nakalimbag ng palihis?
c. Ano ang tawag natin dito?
d. Ang atin bang tinalakay na aralin ay nagpapahayag ng pagpapahalaga?
e. Ibigay ang mga pagpapahalaga 0 values sa nasabing diyalogo.
D. Paglalahat:
Ano ang panghalip?
Kailan ginagamit ang panghalip sa pangungusap?
D. Paglalapat:
Guhitan ang panghalip na ginamit sa pangungusap at isulat sa tapat ang pagpapahalaga o
values na ipinahahayag.
___ 1. Ang sabi ng isang batang lalaki sa isang matandang babae sa loob ng sasakyan, lola halika
maupo kayo.
___ 2. Mag-ingat kayo sa daan inay!
___ 3. Ako na po ang magdadala ng kahon.
___ 4. Sana ay gumaling kayo agad.
___ 5. Salamat po sa mga ibinigay ninyong tulong.

IV. Pagtataya
Pantigin ang mga salita. Isulat ang bilang ng pantig nito sa _____
1. pagsusulit _____
2. mangopya _____
3. katunayan _____
4. niiyaya _____
5. binabagabag _____
V. Takdang-Aralin
Sumulat ng 5 pangungusap na gumagamit ng panghalip at nagpapahayag ng pagpapahalaga o
values.
1. ____________________
2. ____________________

Remarks:
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
________________________________________

FILIPINO IV
Date: ______________
I.

Layunin:
Natutukoy ang mga pandiwa sa seleksyong binasa
Nasusuri ang iba't ibang anyo ng pandiwa sa aspekto naganap na ang kilos, ginanap ang kilos,
gaganapin pa ang kilos
Pagpapahalaga: Pagtulong sa kapwa

II. Paksang Aralin:

Pagtukoy sa mga Pandiwa
Pagsusuri sa Iba't-ibang Anyo ng Pandiwa
Sanggunian:
BEC-PELC Pagsasalita Blg. 7
Hiyas ng Wika pp. 79-83
Kagamitan:
mga larawang nagsasaad ng kilos
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Ipakita ang ilang larawan hayaang magbigay ng pangungusap ang mga bata tungkol sa bawat
larawan. isulat ang naibigay na pangungusap ng mga bata sa pisara. Itanong kung anu-ano
ang mga salitang nagsasaad ng kilos sa bawat pangungusap.
2. May alaga ba kayong hayop sa bahay? Anu-ano ang mga ito? Paano ninyo sila inaalagaan?
Hayaang magkwento ang ilang bata sa harapan tungkol dito.
B. Paglalahad at Pagtalakay
1. Talakayin ang iba't-ibang anyo ng pandiwa.
Naganap na
Nagaganap
Magaganap
dinilig
dinidilig
didiligin
uminom
umiinom
iinom
2. Anu-ano ang mga panlaping ginamit sa anyong ginawa na? Ano naman ang gingawa sa
unang pantig ng salitang-ugat sa anyong ginagawa o nagaganap pa? Paano naman
binabanghay ang pandiwa sa anyong gagawin pa lamang?
C. Paglalahat:
Paano nakikilala ang pandiwa?
Anu-anong panlapi ang ikinakabit sa pandiwa sa anyong pangnagdaan? Sa pangkasalukuyan?
Sa panghinaharap? Saang bahagi ng salitang-ugat maaaring ikabit o ilagay ang mga panlapi?
D. Pagsasanay:
1. Bigyan ng manila paper ang bawat pangkat. Ipatala ang mga pandiwang makikita sa talata sa
pisara. Tukuyin ang salitang-ugat at panlaping ginamit sa bawat pandiwa.
Tukuyin din ang mga anyo ng pagkakaganap nito.
2. Ipasagot:
1. Bakit nagmamadaling umuwi si Efren?
2. Ano ang napansin niya habang siya'y naglalakad?
3. Paano niya tinulungan ang matandang babae?
4. Kung kayo si Efren, ganon din ba ang gagawin? Bakit?
5. Anong katangian ni Efren ang dapat nating tularan?

E. Paglalapat:

1.
2.
3.
4.
5.

Salungguhitan ang pandiwa sa bawat pangungusap.

Ang mga mag-aaral ay nagtungo sa Nayong Pilipino.
Ang mga paruparo ay nagliliparan sa hardin.
Umiinog ang mundo.
Nagtuturo ang guro sa paaralan.
Naliligo ang mag-anak sa batis.

IV. Pagtataya
Ibigay ang mawawalng anyo ng mga pandiwang nasa tsart. Tukuyin din ang mga panlaping
ginamit sa pagbubuo nito.
Pangnagdaan
Pangkasalukuyan
Panghinaharap
1. binasa
_____________
_____________
2. _____________
nananahi
_____________
3. _____________
_____________
pipiliin
4. _____________
pinagtatawanan
_____________
5. isinara
_____________
_____________
V. Takdang-Aralin
Ibigay ang tamang anyo ng pandiwang nasa loob ng panaklong ayon sa hinihinging aspekto.
1. Kahapon (manood) ng sine sina Arnel at Ate Cita.
2. (Gumising) ako nang maaga bukas para hindi mahuli sa klase.
3. Tuwing umaga (namasyal) kami sa tabing dagat.
4. Sa Paaralang Elementarya ng Barangka (pumasok) ang aking pinsan.
5. (Tulungan) si Bb. Victoria no sa pag-aayos ng aming paaralan.

Remarks:
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
________________________________________

FILIPINO IV
Date: ______________
I.

Layunin:
Natutukoy ang mga ginagamit sa pagbuo ng pandiwa, panlaping makadiwa - um, -mag, makapag,
-in, -an
Pagpapahalaga: Pagkamatapat.

II. Paksang Aralin:

Pagtukoy sa mga Panlaping Ginagamit sa Pagbuo ng Pandiwa, Panlaping Makadiwang -um, mag, -makapag, -in, -an
Sanggunian:

BEC-PELC Pagsasalita 7
Hiyas ng Wika pp. 84-87

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Ipabasa ang maikling talata na nakasulat sa manila paper. Ipatukoy ang mga salitang
nagsasaad ng kilos.
2. Papagbigayin ng pandiwa ang mga bata at ipatukoy ang mga salitang-ugat at panlaping
bumubuo sa bawat pandiwang ibinigay
3. Tumawag ng dalawang bata. Ipabasa ang usapin. Pagkatapos ay tanungin ang mga bata
tungkol dito.
B. Paglalahad at Pagtalakay
1. Basahin ang tulang "Ang Pato at Bulati.
2. Ipasagot ang mga tanong tungkol sa tula.
a. Bakit tinawag ng inahin ang mga inakay?
b. Ano ang samo ng bulati?
c. Tinupad ba ng bulati ang kanyang pangako?
3. Pagtalakay tungkol sa pagsusuri ng iba't ibang aspekto ng pandiwa. Sa tulong ng tsart na nasa
"Tandaan, ipabasa kung paano binubuo ang mga sumusunod.
- pandiwang nasa aspekto na ginagawa pa
- pandiwang nasa aspekto ginawa na
- pandiwang nasa aspekto gagawin pa
4. Ilahad sa pisara ang sumusunod na mga pandiwa. Ipasuri ang aspekto nito kung ginawa,
ginagawa o gagawin pa.
umiinom
magluluto
naglalaro
kumakain magdidilig
magsulat
C. Paglalahat:
Anu-ano ang aspekto ng pandiwa?
Kailan ginagamit ang panlaping -urn? ang in? ang mag? Paano binabanghay ang mga ito sa
iba't ibang aspekto?
D. Pagsasanay:
Pangkatin ang mga bata. Ipabasang muli ang seleksyon. Ipahanap ang mga pandiwa. Ipasuri
ang aspekto nito kung ginagawa pa, ginawa na, gagawin pa. isulat sa tsart ang mga sagot at
humanda sa pag-uulat sa klase.

IV. Pagtataya
Banghayin ang mga sumusunod na pandiwa sa tatlong aspekto nito. Gumamit ng tamang panlapi.
1.
2.
3.
4.
5.

Pawatas
dumating
maglaro
maglaba
umalis
isipin

Ginawa na

Ginagawa pa

Gagawin pa

V. Takdang-Aralin
Piliin ang pandiwa sa sumusunod na pangungusap. Isulat sa tapat ang aspekto nito.
___ 1. Maraming nagtitinda ng prutas kapag mala pit na ang Pasko.
___ 2. Kami ay namimili ng prutas tuwing sasapit ang Pasko.
___ 3. Gumawa si Daddy ng Christmas tree noong Pasko.
___ 4. Ipinapamasko namin sa mga namamasko ang aming mga prutas.
___ 5. Sinabitan ko ita ng mga kendi.
Remarks:
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
________________________________________

FILIPINO IV
Date: ______________
I.

Layunin:
Nakapagsasalaysay ng karanasan na ginagamit nang wasto ang mga pandiwa sa iba't ibang
aspekto.
Pagpapahalaga: Nakapagpapakita ng kalakasan ng loob upang humarap sa madla

II. Paksang Aralin:

Pagsasalaysay ng Karanasan na Ginagamit nang Wasto ang mga Pandiwa sa iba't ibang Aspekto
Sanggunian:
BEC-PELC Pagsasalita Blg. 7
Hiyas ng Wika pp. 84-89
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral
Anu-ano ang mga panlaping ginamit sa pagbabanghay ng pandiwa sa iba't ibang anyo?
Ipabanghay sa pisara ang mga ilang pandiwa na ginagamitan ng tsart.
2. Pagganyak
Pag-usapan ang nakaraan na bakasyon.
Sino sa inyo ang nais magkwento sa harapan ng klase tungkol dito.
B. Paglalahad at Pagtalakay
1. Pangkatin ang klase sa apat. Bigyan sila ng paksang pag-usapan. Hayaang silang magusap
upang mailahad ng bawat bata ang kanilang karanasan ukol sa paksa. Pumili ng Iider upang
mag-ulat pagkatapos.
Paksa: Pangkat I - Ang Aming Lakbay Aral
Pangkat II - Ang Aking Masayang Kaarawan
Pangkat III - Ang Unang Araw ng Pasukan
2. Ilahad ang maikling talata.
Pag-usapan:
a. Saan naanyayahan ang mag-anak?
b. Anu-ano ang pandiwang ginamit sa talata? Tukuyin ang mga ito at sabihin ang anyo nito.
C. Paglalahat:
Paano natin maisasalaysay ang ating sariling karanasan sa harap ng madla?
D. Pagsasanay:
Pagsasalaysay ng mga bata sa kanilang karanasan na hindi malilimutan. Patnubayan sila sa
pagbubuo ng kanilang talata. Paalalahanan din silang gumamit ng wastong anyo ng pandiwa.
IV. Pagtataya
Sagutin ang mga sumusunad na tanong. Gumamit ng tamang pandiwa sa pagsagat sa mga tanong.
1. Ano ang ginawa mo bago pumasok sa paaralan?
2. Ano ang dapat gawin ng taong maysakit?
3. Ano ang ginagawa ng mga taa kapag Araw ng mga Patay?
4. Ano ang ginagawa mo bago matulog?
5. Ano ang dapat mong gawin pagkagising sa umaga?
V. Takdang-Aralin
Sumulat ng maikling talata tungkal sa pabaritong:
- Alaga - Libangan
- Artista
Gumamit ng mga pandiwa sa pagsulat ng inyong talata.

Remarks:
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
________________________________________

FILIPINO IV
Date: ______________
I.

Layunin:
Naibibigay ang pangunahing diwa ng kwento.
Nabibigyang-diin ang kabutihang naidudulot ng pagkakaroon ng gulayan sa sariling bakuran.
Pagpapahalaga: Pagkamaparaan

II. Paksang Aralin:

Pabibigay sa Pangunahing diwa ng kwento
Sanggunian:
Kagamitan:

BEC-PELC Pagbasa 8
Filipino: Sa Bagong Siglo p. 171-173
mga larawan

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Pagganyak
Ipaawit ang awiting Bahay-Kubo
Itanong:
a. Ilan sa inyo ang may gulayan sa inyong bakuran?
b. Anu-ano ang mga tanim ninyong mga gulay?
c. Anu-ano ang mga kabutihang naidudulot sa inyo ng pagkakaroon ninyo ng sariling
gulayan?
2. Paghawan ng Balakid
Magbigay ng kasing kahulugan ng mga sumusunod na salita at gamitin ito sa
pangungusap. (word cluster)
2. Pagbuo ng pagganyak na tanong. Ipakita ang larawan at itanong:
Ano ang mabubuo nating mga katanungan base sa larawan na ito?
B. Paglalahad
Pagbasa ng tahimik ng mga bata at ipaalala ang mga pamantayan. Paunlarin ang binasa:
Punan ang mga patlang sa tsart.
Suliranin ng mga mamimili
Solusyon ng mga
ng pagkain
mamimili
1.
1.
2.
2.
3.
3.
a. Talakayin ang kuwento
1. Bakit pataas nang pataas ang presyo ng mga pagkain sa palengke?
2. Saan manggagaling ang mga binhi ng gulay?
3. Ano ang maaring gawin kung maliit o walang bakuran ang mga bahay na ibig
magkaroon ng gulayan?
4. Pagsagot sa pagganyak na tanong.
C. Paglalahat:
Maging dampa o mapalasyo man ang bakuran, dapat magtanim ang may-ari sa bakuran ng
mga halamang gulay at mga punong namumunga ng prutas? Ipaliwanag ang iyong sagot.

IV. Pagtataya
Tumulong sa inyong nanay o tatay sa paghahanda ng plot na tataniman ng gulay. Isalaysay sa
klase ang iyong ginawa.
V. Takdang-Aralin
Magkaroon ng pag-uulat sa binasang bagong kwento.
Ipabigay ang diwa ng kwento.

Remarks:
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
________________________________________

FILIPINO IV
Date: ______________
I.

Layunin:
Natutukoy ang mga salita na nagbibigay pahiwatig sa kahulugan ng ibang salita sa pangungusap.
Pagpapahalaga: Wastong aral sa pagsakay ng sasakyan para sa kaligtasan ng drayber at pasahero.

II. Paksang Aralin:

Pagtukoy sa mga salitang nagbibigay pahiwatig sa kahulugan ng ibang salita sa pangungusap.
Sanggunian:
Kagamitan:

BEC-PELC Pagbasa 8
Hiyas ng Pagbasa p. 172-177
larawan ng dyip, mga tugmang de gulong na nasulat sa poster

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral
Itanong: Ano ang tawag sa mga saknong namagkakasintunog ang hulihan ng salita? (Tugma)
2. Pagganyak
Magpapakita ng larawan ng isang dyip at itanong "Sinu-sino sa inyo ang madalas
sumakay sa dyip?
Anu-anong bagay ang nakikita ninyo sa loob ng dyip na hindi ninyo nakikita sa loob ng
ibang sasakyan?
B. Paglalahad at Pagtalakay
Nakabasa na ba kayo sa loob ng dyip ng mga tugmang ipinatutungkol ng drayber sa kanyang
sarili at sa kanyang mga pasahero?
Ano ang pagkakaunawa ninyo sa pariralang tugmang de gulong? Kani-kanino
ipinatutungkol ang mga tugmng de gulong?
Ako nga ay mabagal
Buhay nyo naman ay tatagal
Ang sumusutsot ay sa aso
Ang kumakatok ay loko
Ang pumara ay tao
C. Pagtalakay:
Mga tanong:
1. Anu-ano ang magagandang katangian ng drayber?
2. Bakit kava tatagal ang buhay kung mabagal magpaandar ng dyip ang drayber?
3. Bakit hindi magandang samantalahin ang kabaitan ng drayber?
4. Kung ikaw ang isa sa mga pasahero ng dyip, paano ka magiging maingat?
5. Paano mo mapaaaialahanan ang drayber na mag-ingat sa pagmamaneho?
D. Paglalahat:
Ano ang naitutulong ng natutukoy ang mga salita na nagpapahiwatig ng kahulugan? Sagot:
Nakakatulong ito sa pamamagitan ng paghahatid ng mensahe aral na hatid nito sa babasa o
makaririnig.

E. Pagsasanay:
Pangkatin ang mga bata
Pangkat I
Magbibigay ng kahulugan ng tugmang de gulong na nauukol sa pasahero at drayber.
Pangkat II
Magbibigay ng kahulugan ng tugmang de gulong na ibinigay ng unang pang kat.
IV. Pagtataya
Panuto: Basahin ang mga tugma o mga pahiwatig na nasa Hanay A. Hanapin ang kahulugan sa
Hanay B. Isulat sa patlang ang titik ng wastong sagot.
Hanay A
Hanay B
______ 1. Ibigay po lamang ang tamang kabayaran
a. nakalampas
______ 2. Kahit na lumuha ka pa. hindi ako papara
b. maging maagap sa pagbabayad
kapag nasa gitna. Pagkat baka ka
madisgrasya.
______ 3. Pag sad yip nahiming malayo ang
c. maging matapat sa pagbabayad
mararating.
______ 4. Magbayad muna, bago bumaba.
d. iwasang matulog sa sasakyan
______ 5. Barya lang pos a umaga, nang tayoy di
e. lagging maghanda sa baryang
maabala
ibabayad
V. Takdang-Aralin
Panuto: Ibigay ang kahulugang ipinahihiwatig ng mga sumusunod na tugmang de gulong.
1. Ang sasakyan ay parang alkansiya.
Kaya ang ibigay ninyo ay barya.
2. Magbayad nang maaga
Upang hindi maabala
3. Ang drayber na may bigote
Magaling sa diskarte
4. Kalimutan na ang lahat
Huwag lang ang bayad
5. Pasaherong masaya
Tiyak na may pera

Remarks:
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
________________________________________

FILIPINO IV
Date: ______________
I.

Layunin:
Natutukoy ang mga pamaksang pangungusap sa seleksyong binasa.
Pagpapahalaga: Magsikap na mabuti upang matamo ang pangarap.

II. Paksang Aralin:

Paggamit ng pangngalan bilang paksa at panaguri ng pangungusap
Sanggunian:
Kagamitan:

BEC-PELC Pagbasa 8
Hiyas sa Pagbasa pah. 29-36
larawan ng mga bayani; mga propesyonal na tao

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Pagganyak
Bigyan ng mga paligsahan ang mga bata sa pagbibigay ng mga pangalan ng mga bayani.
Kung sino ang makapagbibigay ng maraming pangalan ng mga bayani ay siya ang panalo.
2. Paghawan ng Balakid
makata
kasaysayan
karunungan
martir
garote
B. Paglalahad
1.
Itanong: Sino ang dapat nating pasalamatan sa natamong kasarinlan at kalayaan ng
bansa?
2. Ipabasa ang tulang pinamagatang "Mga Bayani ng Bansa Ipaalaala ang mga pamantayan sa
pagbasa nang tahimik.
C. Pagtalakay:
1. Sinu-sino ang bayani ang tinutukoy sa kabuuan ng tula? (Cluster Srategy)

Jose Rizal

2. Paano naging tanyag si Melchora noong panahong iyon? (Fish Bone)

D. Paglalahat:
Tungkol saan ang tula? Ano ang kaisipang nais ipabatid ng tula? Ano ang paksang
pangungusap ng tulang ito?
E. Paglalapat:
Bigyan ng maikling seleksyon ang bawat pangkat at salungguhitan nila ang paksang
pangungusap.
Ang bakanteng lote'y di dapat gamitin
1. Ang tula ay tungkol sa:
Na tapunan nitong mga kalat natin;
a. kalusugan
Sa halip ay puno ang dito'y itanim
b. pagtatanim ng puno
Nakatutulong
pa sa kalusugan natin
c. pagtatapon ng basura

IV. Pagtataya
Ipabasa ang tulang, "Musmos na Pangarap" at ibigay ang paksang pangungusap nito.
Pamaksang Pangungusap
_________________________________
Ibang Detalye ng Tula
a. __________________
b. __________________
c. __________________
V. Takdang-Aralin
Pumili ng isang kwent sa mga aklat ninyo at hanapin ang paksang pangungusap.

Remarks:
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
________________________________________

FILIPINO IV

Date: ______________
I.

Layunin:
Nagagamit ang dating kaalaman sa pagbibigay kahulugan ng ibang salita at parirala.
Pagpapahalaga: Magamit ang mga ha/amang gamot sa tamang paraan

II. Paksang Aralin:

Pagbibigay ng kahulugan ng ibang salita sa paggamit ng dating kaalaman
Sanggunian:
BEC-PELC Pagbasa Blg. 8
Hiyas ng Pagbasa p. 113-116
Kagamitan:
halamang gamot, aklat
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral : Piliin ang kahulugan ng tambalang salita sa titik B.
A
B
______ 1. dalagang bukid
a. isang laro sa padulasan
______ 2. silid-aralan
b. nagsisilbi sa isang amo
______ 3. punungguro
c. isang uri ng isda
______ 4. alilangkain
d. silid na pinag-aaralan
______ 5. palo-sebo
e. pinuno ng isang guro sa paaarlan
2. Pagganyak
Ipakita sa mga mag-aaral ang iba't ibang halaman gamot man o hindi. Itanong: "Anuanong halaman ang nasa inyong harapan? Ipabanggit sa mag-aaral ang pangalan ng bawat
halaman. Alin-alin sa mga halamang ita ang naigagamot sa sa kit at karamdaman.
3. Pag-alis ng Sagabal
Bago natin basahin ang panayam, pag-aralan muna natin ang mga salitang hango sa
babasahin natin
bayolohiya
pasyente
pananaliksik
nakapagtitipid
ha/amang-gamot
pinaglagaang-tubig
B. Paglalahad
Itanong: Tungkol kaya saan ang babasahin natin?
Pagbibigay ng sasaguting tanong
a. Anong asignatura ang itinuturo ni Gng. Elizabeth. Dungo?
b. Saang paaralan siya nagtuturo?
c. Ano ang paksa ng talakayang pangklase ng IV Masunurin?
d. Paano napatunayan na mabisa ang mga halamang gamot sa pagpigil ng iba't ibang sakit
at karamdaman?
C. Pagtalakay:
Pagsagot sa mga tanong.
D. Paglalahat:
Ano ang dapat tandaan sa pagbibigay ng kaguluhan ng salitang hindi ninyo alam?

E. Pagsasanay:
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng Salitang may salungguhitan ayon na rin sa inyong sariling
karanasan o dating kaalaman.
1. Kanina'y sumasakit ang ngipin mo. Nang uminom ka ng gamot ay napawi ito.

2. Maraming gamot na mabibili sa tindahan ngunit mahal ang mga ita kaya di ka na bumibili
sa botika.
3. Sa kanilang bakuran ay maraming tanim na halaman pati sa paligid ng kanilang bahay.
F. Paglalapat:
Panuto: Isulat ang kahulugan ng mga sumusunod na salita ayon sa inyong dating kaalaman o
karanasan.
1.
panayam
2.
impormasyon
3. mataas na antas
4. umukit
5.
karamdaman
IV. Pagtataya
Ibigay ang kahulugan ng salitang may salungguhit ayon sa inyong dating kaalaman o sariling
karanasan.
1. Ang istilo ng damit ng mga kabataan ay masyadong magastos.
2. Sinamsam ng isnatser ang alahas ng ale.
3. Ang sentro ng ating buhay ay dapat sa Poong Maykapal.
4. Ang matalas na kutsilyo ay nakasugat ng bata.
5. Nasukol ng mga pulis ang magnanakaw.
V. Takdang-Aralin
Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na salita ng ayon sa inyong sari ling karanasan o
dating kaalaman.
1. multa
2. masugpo
3. uspos ng pag-asa
4. simple
5. maamo

Remarks:
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
________________________________________

FILIPINO IV
Date: ______________
I.

Layunin:
Natutukoy ang kahulugan ng salita ayon sa konteksto sa pangungusap.
Nakikilala ang mga magagandang lugar sa bansa.
Pagpapahalaga: Pagmamalaki sa mga magagandang pook sa Pilipinas.

II. Paksang Aralin:

Pagtukoy sa kahulugan ng salita ayon sa konteksto sa pangungusap.
Talagang Maganda ang Pilipinas.
Sanggunian:
BEC-PELC Pagbasa 8
Kagamitan:
mga larawan ng magagandang lugar sa Pilipinas
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Ipaawit ang "Tayo na sa Antipolo"
Itanong: 1. Sinu-sino sa inyo ang nakarating na sa Antipolo?
2. Ano ang ipinagmamalaki ng tagaroon?
2. Ipakita ang larawan ng Hinulugang Taktak at ng ilan pang magagandang tanawin sa bansa.
Pag-usapan ang bawat tanawin. Batay sa mga nakita at napag-usapan nating mga
larawan, ana ang masasabi ninyo sa Pilipinas?
3. Paghawan ng Balakid
Bilugan ang titik ng pinakamalapit na kahulugan ng nakaguhit na sa salita sa
pangungusap at gamitin ita sa sa riling pangungusap.
1.
Maraming kababalaghan nasaksihan nila sa ngayon.
a. mga kasiya-siyang bagay
b. nakatatakot na bagay
c. mga bagay na nakakaaliw
d. mga bagay na kataka-taka
2. Ang ating bayan ay sagana sa mapagpalang kalikasan.
a. walang silbi
b. mapanira
c. mapagbiyaya
d. masama
B. Paglalahad /Pagtalakay
Pagbasa ng tahimik sa akda. Ipaalaala ang pamantayan. Igrupo ang mga bata at bigyan ang
bawat grupo ng bahaging kanilang isasadula.
Talakayan:
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Sinu-sino ang mga tauhan sa dula-dulaan?
2. Anu-ano ang mga patunay na si Mang Sendong ay mapaglakbay?
3. Ano ang ipinayo ni Mang Sendo kay Ben tungkol sa paglalakbay?
C. Paglalahat:
Ituro sa mapa ang kinaroroonan ng iba't ibang magagandang pook sa binanggit ng lolo sa
kanyang apo. (Tingnan ang mapa). Gabayan ang klase sa pagbuo ng paglalahat.
IV. Pagtataya
Isulat sa patlang sa hanay A ang titik na kumakatawan o may kaugnay sa mga isinasaad na hanay
B.
A
B
_____ 1. Chocolate Hills
a. nagbibigay ng lakas-ekektrisidad

_____ 2. Banawe Rice Terraces

_____ 3. Lungsod ng Baguio
_____ 4. Hundred Islands
_____ 5. Talon ng Pagsanjan
_____ 6. Rizal Park
_____ 7. Bulkang Mayon
_____ 8. Bulkang Taal
_____ 9. Talon ng Ma. Cristina
_____ 10. Dapitan

b. luneta
c. pook na pinagtapunan kay dr. Jose Rizal
d. parang tumpuk-tumpokan lupaang sadyang
inilagay na lapit-lapit
e. bulking napaliligiran ng lawa
f. lungsod ng Pino
g. itinuturing na paraiso ng mga turista at
bakasyunan.
h. Nakapamamangka sa sapide
i. Hugis balisong
j. Sagisag ng kasipagan, tiyaga at pagkamalikhain ng
mga Ifugao.

V. Takdang-Aralin
Ipapalagay sa mga mag-aaral na mayroon silang mga kamag-anak na balikbayan na maari nilang
ipasyal sa kani-kanilang lalawigan. Papunan ang sumusunod na tsart ng mga pangalan ng mga pook
sa kanilang lalawigan na ibig nilang makita ng mga kamag-anak nilang balikbayan. Ipatala rin ang
mga katangian ng mga pook na ito.
Pook
Mga katangian nito

Remarks:
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
________________________________________

FILIPINO IV
Date: ______________
I.

Layunin:
Natutukoy ang detalyeng walang kaugnayan sa pangunahing diwa.
Pagpapahalaga: Mag-ukol ng panahon sa ating kapwa

II. Paksang Aralin:

Pagtukoy sa Detalyeng Kaugnayan sa Pangunahing Diwa
Sanggunian:
BEC-PELC Pagbasa 8
Hiyas ng Pagbasa p. 15-17
Kagamitan:
larawan ni Rosa Rosal
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral
Itanong kung ano ang pinakapaksa ng usa pan ng dalawang bata

2. Pagganyak
Magpakita ng larawan ni Rosa Rosal. Itanong: Sino sa inyo ang nakakakilala sa babaeng
nakalarawan? Saan ninyo siya madalas makita?
3. Paghahawan ng Balakid
Piliin ang kahulugan ng salita o lipon ng mga salitang may salungguhit.
1. Natutuwa ako sa mga batang tulad mo. Matalino at may direksiyon na sa buhay.
Malayo ang iyong mararating.
a. magtatagumpay
c. makapangingibang-bansa
b. maglalakbay
d. mamamasyal
2. Ngayong may matatag na silang hanapbuhay, nagpapalaki na rin sila ng mga batang
iniwan sa ospital.
a. malalaki
c. kumikita nang maayos
b. tapos nang mag-aral
d. maraming gawain
B. Paglalahad at Pagtalakay
Pagbasa sa kuwento "Naiibang Rosa" Hiyas sa Pagbasa, pah. 15-17.
C. Pagtatalakayan:
1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
2. Ano ang tinanggap niyang papel sa mundong ito?
3. Bakit masasabing naiiba si Rosa Rosal sa ibang artista?
4. Paano siya nakapasok sa larangan ng kawanggawa?
5. Saan siya napadalaw nang ito'y maghandog ng dugo sa isang bata?
D. Paglalahat:
Paano ninyo matutukoy ang pangunahing diwa?

E. Pagsasanay:
Aling pangungusap ang hindi kaugnay sa pangunahing diwa?
Hapon na nang dumating kami sa Dapitan matapos ang mahalagang biyahe. Kay ganda
pala ng Dapitan lalo na kapag papalubog na ang araw. Nakulong si Jose Rizal sa Fort Santiago.
Napakalamig ng simoy ng hangin na nagbubuhat sa dalampasigan. Ang tanawin ay tunay na
kasiyang-siyang pagmasdan.
IV. Pagtataya
Basahin ang mga talata at isulat ang walang kaugnayan sa pangunahing diwa.
1. May isa akong anak, si Toni Rose. Ngunit marami akong pinalaki. Mahigit yatang pitumpu.
Marami akong alagang hayop. May mga apo na ako. Dalawa kay Toni Rose at mas marami sa
mga palaki ko.
2. Minsan, napadalaw ako sa pambansang pagamutan. Nakakita ako ng batang walang malay dahil
sa wala raw maisaling dugo. Noon din ay. inihandog ko ang sarili kong dugo. Binigyan ko siya ng
pera at alahas. Hindi ko malilimutan ang unti-unting pagbabalik-malay ng bata nang maisalin ang
dugo sa kanya.
V. Takdang-Aralin
Basahin ang talata. Isulat ang pangunahing diwa. at wa1ang kaugnayan sa pangunahing diwa.
''Ang pagtulong kapwa ay naging ugali na ni Jacinta. Bawat pulubing lumalapit sa kanya'y
kanyang nililimusan. Si Ramon Magsaysay ay ipinanganak sa Zambales. Madalas iniimbitahan niya
ang mga batang mahihirap na makipaglaro sa kanya.

Remarks:
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
________________________________________

FILIPINO IV
Date: ______________
I.

Layunin:
Nakasusulat ng balangkas sa anyong pa-paksa o pangungusap. (topical or sentences outline).
Pagpapahalaga: Kilalanin ang ating kamalian

II. Paksang Aralin:

Pagsulat ng Balangkas sa Anyong Papaksa o Pangungusap.
Sanggunian:
Kagamitan:

BEC-PELC Pagbasa 8
Diwang Makabansa/Pagbasa pp. 106-109
"Ang Kasalanan ni Caloy"
cartolina strip

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral : Ibigay ang pinakapaksa ng mga sumusunod.
a. sipa, badminton, basketball
b. rose, ilang-ilang, sampaguita
c. bangus, dalag, tilapia
2. Pagganyak
Ano sa palagay ninyo, bakit kinakailangan kilalanin ang ating pagkakamali? Ano
ang dapat gawin sa oras na tayo'y magkamali?
3. Paghawan ng Sagabal
Alin ang tamang kahulugan ng salitang nakasalungguhit sa bawat pangungusap?
a. Ang mga impormasyong hindi nakikita sa mga aklat silid-aralan ay ipinasasaliksik
ng mga guro sa aklatan.
(ipinahahanap, ipinahihiram, pinasusulat)
b. Matamlay ang isang taong may sakit.
(masigla, walang sigla, malungkot)
B. Paglalahad at Pagtalakay:
1. Pagbasa sa kwento "Ang Kasalanan ni Caloy".
2. Pagtalakayan:
1. Ano ang ibinigay ni Bb. Dantes sa mga bata?
2. Anu-ano ang mga nakapaskil sa aklatan7
3. Paano nagsasaliksik sina Dennis at Caloy?
4. Ano ang kakaibang ikinilos ni Caloy?
5. Kanino ipinagtapat ni Caloy ang kanyang kasalanan?
C. Paglalahat:
Anu-ano ang dapat tandaan sa pagbuo ng balangkas?

IV. Pagtataya
Panuto: Sasahin ang kuwentong "Bumaba ang Halaga ng Piso" at gumawa ng balangkas.
Bumaba ang Halaga ng Piso
A. Ang balita sa radyo
1. Epekto sa Kabuhayan ng Pagbaba ng Halaga ng Piso
2. Babala sa Mapagsamantalang mga Tindera

3. Panawagan ng Pamahalaan
B. Ang balak ni Mang Carding
C. Tulung-tulong sa Paggawa
1. Sinu-sino ang nagtulong?
2. Ano ang ginagawa ng bawat isa?
V. Takdang-Aralin
Sumasa ng isang kuwento at gumawa ng balangkas nito. Ang Kasalanan ni Caloy

Remarks:
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
________________________________________

FILIPINO IV
Date: ______________
I.

Layunin:
Nagagamit ng wasto ang diksyunaryo.
Pagpapahalaga: Pagiging Maliksi sa paggawa

II. Paksang Aralin:

Paggamit ng Wasto sa Diskyunaryo
Sanggunian:
BEC-PELC Pagbasa 8
Hiyas sa Pagbasa p. 195-196
Kagamitan:
diksyunaryo
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral
Magdaos ng isang laro. Pangkatin ang mga bata sa 4 na grupo. Paramihan ng pagsulat ng
mga salita na nagsisimula sa titik D. Ang pangkat na may pinakamaraming isinulat ay siyang
panalo. Bigyan pansin ang pagiging alerto sa paggawa.
Pagwawasto ng sagot ng bawat grupo.
2. Pagganyak
Mayraon ang aklat na naglalaman ng mga salita o halos lahat ng mga salita na nababatay
sa alpabetong Filipino? Ano ang tawag dito?
B. Paglalahad:
Magpakita ng isang diksyunaryo. Ipasuri ita sa mga bata. Hayaang ilarawan nila ang
diksyunaryo.
C. Pagtalakay:
1. Ano ang diksyunaryo? Ano ang ipinapakita nito? Bakit tayo gumagamit ng diksyunaryo?
2. Anu-ano ang gamit ng diksyunaryo?
3. Ano naman ang tawag natin sa mga salitang nasa gawing itaas ng diksyunaryo? Ano ang
gamit ng mga ito? Magpakita ng halimbawa ng pamatnubay na salita na katatagpuan ng
salitang WlKA at BAYAN.
4. Pagbibigay sitwasyon kung paano magiging maliksi sa paggawa.
D. Paglalahat:
Ano ang diksyunaryo? Paano nakasulat ang mga salita sa diksyunaryo? Anu-ano ang gamit
ng diksyunaryo?
E. Pagsasanay:
1. Piliin at isulat ang titik ng patnubay na salitang maaaring katagpuan sa mga sumusunod na
salita.
A. henerasyon
____________
a. hamon - hibang
b. hugot - huli
c. hiram - hirap
d. heneralisado - heneralisahin
B. dayuhan ___________
a. dayang - dayupay
b. dawago - dayang
c. dapdap - dapog
d. dehado - delikado

2. Hanapin ang kahulugan ng mga sumusunod na salita:

a. kalikawin
c. kaligtasan
a. kalihim
d. kaligrapo
E. Paglalapat:
Pangkatin ang mga bata. Pabilisan ng paghahanap ng salita sa diksyunaryo. Ang pangkat na
unang nakahanap ng salita sa diksyunaryo ay siyang panalo.
IV. Pagtataya
Punan ng wastong impormasyon ang tsart.
Salita

Kahulugan

Kalihim
1. praternidad
2. moralidad
3. kritiko

taga-sulat

Pagpapantig
ka-li-him

Kasingkahulugan
sekretaryo

Uring
panana- lita
pangngalan

4. teatro
5. kultura
V. Takdang-Aralin
Hanapin ang kahulugan ng mga sumusunod na salita:
1. matapat
2. pabitin
3. hamon
4. pakat
5. malaya

Remarks:
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
________________________________________

FILIPINO IV
Date: ______________
I.

Layunin:
Napipili nang mahusay ang angkop na kahulugan sa diksyunaryo.
Pagpapahalaga: Pasalamatan ang Diyos sa mga ipinagkaloob niyang biyaya sa atin.

II. Paksang Aralin:

Pagpili ng Angkop sa Kahulugan sa Diksyunaryo
Sanggunian:
BEC-PELC Pagbasa 8
Diwang Makabansa, Pagbasa IV p. 62-64
Kagamitan:
diksyunaryo/talatingin, tsart
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral
Iayos ang mga salita sa bawat pangkat ng paalpabeto. Isulat ang bilang lamang.
A
B
_____ balikbayan
_____ kutson
_____ alamat
_____ kama
_____ cabinet
_____ kadena
_____ damit
_____ kimona
2. Kung hindi natin alam ang angkop na kahulugan ng isang salita, ano ang ating gagamitin?
Mayroon ba kayo nito? Paano ninyo ito ginagamit? Paggamit ng ANNA.
Diksyunaryo/Talatinigan
Alam Na
Gustong Malaman
Natutuhan
3. Pag-aalis ng Sagabal
Kapag nabanggit ang salitang talatinigan, ano ang pumapasok sa inyong isipan
4. Pagganyak na tanong
Paano natin magagamit ang talatinigan nang wasto?
B. Paglalahad:
1. Ipabasa sa tula: Pasasalamat sa Diyos
2. Pagsagat sa Pagganyak sa tanong at iba pang tanong.
a. Bakit taya dapat magpasalamat sa Diyos?
b. Paano natin magagawa ang mga ito?
c. Anu-ano ang mga anyong tubig na nabanggit sa tula?
d. Anu-ano ang mga yaman na makukuha natin sa mga anyong-tubig na ito?
3. Paggamit sa talatinigan/diksyunaryo.
Alam ba ninyo ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa tula? Saan ninyo
hahanapin ang angkop na kahulugan ng mga ito? Hanapin nga ninyo ang kahulugan ng mga
ito sa inyong talatinigan.
4. Karagdagang Gawain
Ipabasa ang mga sumusunod na pangungusap at ipagamit ang talatinigan sa pagkuha ng
angkop na kahulugan sa mga salitang may salungguhit.
a. Nakakuha siya ng galing sa puso ng saging.
b. Hawakan mo ng kanyang braso. Ang galas nito.
5. Pag-usapan kung bakit dapat pasalamatan ang Diyos sa mga ipinagkakaloob niyang biyaya sa
atin.
C. Paglalahat:
Saan natin ginagamit ang talatinigan? Paano natin ito gagamitin? Anu-ano ang dapat tandaan
sa paggamit nito?

D. Pagsasanay:
Kumuha ng talatinigan at gamitin ito sa pagkuha ng angkop na kahulugan sa salitang may
salungguhit. Isulat sa patlang ang sagot.
____ 1. Ang prinsesa ay ubod ng ganda.
____ 2. Makinis ang maputi niyang balat.
____ 3. Naghihintay siyva ng kalinga mula sa kanyang ina.
____ 4. Si Ana ay lubhang mapanuri.
____ 5. Bukas ang kanyang palad sa pagtulong.
E. Paglalapat:
Hatiin ang klase sa tatlong pangkat, A, B, C.
Mamimitas tayo ng mga bulaklak sa hardin upang ilagay sa ating ma plorera. Sa mga
bulaklak na ito'y may nakasulat na salita. Gagamitin ninyo ang inyong talatinigan sa pagkuha ng
angkop na kahulugan ng mga ito. Unahan kayo sa pagbibigay ng kahulugan. Ang mauuna ang
siyang makapipitas ng bulaklak. Ang pinakamaraming bulaklak ang panalo.
puwesto
abaniko
lambak
ulila
burol
IV. Pagtataya
Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Gamitin ang talatinigan sa pagkuha ng angkop na
kahulugan ng salitang may salungguhit.
1. Ubod na ng bilis ang manlalarong iyon.
2. Ang taas ng halaga ng bilihin.
3. Nakakain ka na ba ng ubod ng kaong.
4. Bukas ang kanyang palad sa pagtulong.
5. Bukas siya darating.
V. Takdang-Aralin
Isulat ang angkop na kahulugan ng mga salitang nasa ibaba. Gamitin ang inyong talatinigan.
1. kapos
2. maralita
3. angkan
4. duluhan
5. lumbay
Remarks:
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________

FILIPINO IV
Date: ______________
I.

Layunin:
Natutukoy ang mga pangyayari na pinag-uugnay ng sanhi at bunga.
Nakabubuo ng dayagram ng sanhi at bunga.
Pagpapahalaga: Napahahalagahan ang pagmamahal at pag-aaruga ng magulang.

II. Paksang Aralin:

Pagtukoy at Pag-uugnay sa Bunga at Sanhi
Sanggunian:
BEC-PELC Pagbasa 8
Kagamitan:
tsart
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Pagganyak
Sa pamamagitan ng pagguhit, ipakita ang ginawa ninyo para sa inyong ina sa "Araw ng
mga Ina".
2. Pagtatakda ng layunin sa Pagbasa/Pagganyak na Tanong.
Ang babasahin natin ay pinamagatang "Huwarang mga Anak, Ang Dalawang Aktor sa
Pagmamahal sa Ina".
Ano ang alam ninyo tungkol sa huwarang anak?
B. Paglalahad:
1. Pag-iinterbyu sa 2 aktor
2. Pagsagot sa tanong na pagganyak
3. Pagsagot sa ANNA
4. Pagtalakay
Bakit itinanghal na pinakamagaling na batang aktor si Roderick?
5. Bilang lsang mabuting anak, paano mo mapapahalagahan ang pagmamahal at pag-aaruga
ng magulang?
Si Roderick ay magaling umarte kaya tinanghal siyang pinakamagaling na batang
aktor.
6. Paglilinang na Kasanayan
Ayon sa narinig ninyong artikulo magbigay ng mga pangungusap na magpapahayag
ng sanhi at bunga.
7. Pagpapalawak na Gawain
Magpakita ng sitwasyon na nagpapahayag ng sanhi at bunga sa pamamagitan ng
isang dula-dulaan.
C. Paglalahat:
Ano ang dapat tandaan upang matukoy ang sanhi? ang bunga? Ano ang mensaheng
ipinahahayag ng artikulo? Magbigay ng positibo at negatibong epekto ng isa sa mga kaugalian
ng mga Pilipino, ang pagmamahal sa pamilya (close family ties).
D. Pagsasanay:
Itambal ang mga sanhi na nasa titik A sa mga bunga na nasa titik B. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa patlang.
____
____
____
____

1.
2.
3.
4.

A
Laging malinis ang bahay
Maagang natutulog si Rosa
Malakas ang ulan kagabi
Lasing na nagmamaneho si Luis

a.
b.
c.
d.

B
basa ang kalsada
pinakulong siya
nabangga ang sinasakyan niya
maagang makapagtrabaho

____ 5. Nagnakaw si Carlo

e. naiiwasan ang sakit

IV. Pagtataya
A. Isulat ang mga parirala sa tamang hanay.
1. Hindi pumasa si Lucy sapagkat...
2. Kaya nasira ang mga bahay at pananim ...
3. Pihikan sa pagkain si Ana kaya ...
4. Masayahin si Rosie kay
.
5. Malikot si James kaya ...
Sanhi

Bunga

V. Takdang-Aralin
Sumulat ng isang maikling mensahe ng pasasalamat sa magulang bilang isang huwarang anak.

Remarks:
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
________________________________________

FILIPINO IV
Date: ______________
I.

Layunin:
Natutukoy kung alin ang sanhi o bunga sa seleksyon.g binasa.
Pagpapahalaga: Nakakatulong sa pagpapabuti n gating kapaligiran.

II. Paksang Aralin:

Pagtukoy ng Sanhi o Bunga
Sanggunian:
BEC-PELC Pagbasa 8
Kagamitan:
larawan, tsart
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Pagganyak
Pagpapakita ng larawan ng kalikasan. Magtanong tungkol dito.
B. Paglalahad:
1. Pagbasa ng sitwasyon
Walang patumangga ang pagputol ng mga puno sa kagubatan kayat wala ng mga ugat ng
punong sumisipsip sa tubig na nanggagaling sa kabungdukan. Kamakailan ay may mga
malakihang pagbaha na kumitil ng maraming buhay.
2. Pagsusuri/Pagtatalakay
Ano ang kalagayan ng ating mga kagubatan ngayon? Ano ang dahilan ng kasalukuyang
kalagayang ito? Anu-ano ang mga naging bunga nito? Angkop ba ang naging bunga sa
inilahad na sanhi?
3. Pagbasa sa tulang Salamat sa Alay Mong Buhay
Anu-ano ang mga dahilan bakit natin dapat pangalagaan ang ating mga kagubatan? Ano
ang mangyayari kugn masisira ang mga ito?
4. Pagtalakay tungkol sa mga. hanapbuhay mula sa mga kagubatan natin; tulad ng pagtotroso,
pagmimina, pag-uuling, pagsasaka.
Paano dapat gamitin ang mga likas na yaman kabundukan natin upang mapangalagaan
ang mga ito?
C. Pagsasanay:
Pagbasa ng ilang sitwasyon o kalagayan. Pagtukoy sa sanhi o bunga ng bawat sitwasyon.
A. 1. Napakarami na ng mga sasakyang bumubuga ng maruming usok.
2. Dumumi ang mga ilog at nangamatay ang mga isda.
3. Gumagamit ang mga tao ng mga nakakapinsalang mga kemikal na unti-unting
bumubutas ng ating ozone layer.
B. a. Ginawang tapunan ng basura ng mga tao ang mga ilog.
b. Nagkaroon ng malubhang init ang daigdig.
c. Naging marumi na ang hangin nilalanghap ng tao.

IV. Pagtataya
Isusulat ang B sa patlang kung ito ay bunga at S kung ito ay sanhi. Isusulat ang magiging bunga o
sanhi nito pagkatapos.
____ 1. Dahil halos ay wala ng mga puno.
__________________________

____ 2. Unti-unting natutunaw ang mga yelo sa malalamig na bansa.

__________________________
____ 3. Nangasira ang maraming pananim.
__________________________
____ 4. Dahil sa marumi ang hangin nalalanghap.
__________________________
____ 5. Dahil sa kaingin.
__________________________
V. Takdang-Aralin
Gumawa ng isang poster na nagpapakita ng pag-aalga sa ating kapaligiran at isulat sa ibaba ang
naging bunga kung ito ay ating aalagaan.

Remarks:
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
________________________________________

FILIPINO IV
Date: ______________
I.

Layunin:
Naisusulat ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayari sa binasang seleksiyon.
Pagpapahalaga: Pagiging handa sa lahat ng oras

II. Paksang Aralin:

Pagsusulat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari sa seleksyong binasa.
Sanggunian:
BEC-PELC Blg. 8
Sining sa Pagbasa 4 ph. 101-108,
Kagamitan:
mga larawan, pisara, yeso
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
1 Balik-aral
Pangkatin ang mga bata sa lima. Bigyan ang bawat pangkat ng larawan. Hayaang idikit
ng isa sa bawat pangkat ang larawan. Ipasulat sa pisara sa bawat miyembro ng pangkat ang
mga kalalabasan o resulta ng mga nakuha nila. Ipabasa ang kanilang mga sagot.
2. Pagganyak
Itanong: Naranasan niyo na bang magbiyahe o magpunta sa ibang lugar nang wala ni
isang sentimo ang inyong bulsa? Kailan at saan kayo nagpunta? Paano ninyo narating ang
inyong pupuntahan?
3. Paghawan ng Balakid
Basahin ang mga pangungusap na nakasulat sa kartolina. Kunin ang larawan ng
mansanas/cutouts namay nakasulat na salita na kasingkahulugan ng salitang nakasalungguhit.
1. Ang makipot at paliko-likong landas ay ginaygay nang magkapatid upang marating ang
kubo ni Nana Sepa.
2. Mahirap magbiyahe kung ang mga kalsadang daraanan ay lubak-lubak.
3. Napatanga si Marie nang makita ang napakagandang damit sa eskaparate.
4. Pamatnubay na Tanong
Paano narating ni Carlos ang kanyang pupuntahan o patutunguhan?
B. Paglalahad at Pagtalakay:
1. Pagbasa ng guro sa kuwento habang sumusunod ang mga bata sa pagbabasa nang tahimik.
2. Pagsagot sa mga Tanong. Isulat ang sagot sa pisara.
a. Ano ang. dahilan o sanhi ng pakikisakay ni Carlos sa FX ni Danilo?
b. Ano ang ibinunga ng pagliliko ng sasakyan ni Danilo?
c. Ano ang dahilan o sanhi ng pagpunta ni Carlos sa Montalban?
d. Ano ang ibinunga ng pagkamatay ng ama at tiyuhin ni Carlos?
e. Ano ang sanhi ng pagsasawalang kibo ni Danilo habang tumatakbo ang kanyang
sasakyan?
3. Bago pagpapangkatin ang mga bata sa pamamagitan ng laro. Bigyang diin sa kanila na ang
bawat pangyayari sa ating paligid at maging sa ating sarili aymay dahilan o sanhi at kapag
may nangyari, tiyak na may kalalabasan o bunga?
C. Paglalahat:
Ano ang ipinahahayag ng sanhi ng mga pangyayari?
Bakit kailangan nating isaisip kung mabuti o hindi ang ibubunga o idudulot ng anumang
bagay na ating gagawin?
D. Pagsasanay:
1. Pag-aralan ang mga larawan. Isulat ang sanhi at bunga ng bawat pangyayari.

E. Paglalapat:
Panuto: Pagtapat-tapatin
A
1. Hindi gaanong nag-uulan
2. Nagtutulungang mga bata
3. Nag-aaral siya ng leksiyon
4. Maaga siyang natulog
5. Masarap ang pagkain

a.
b.
c.
d.
e.

B
maaga rin siyang nagising
naubos agad
natapos agad ang Gawain
mataas ang nakuha sa test
hindi gaanong namunga ang palay

IV. Pagtataya
A. Isulat ang dahilan o sanhi ng mga sumusunod.
1. Pakikisakay ni Carlos sa FX ni Danilo.
2. Pagsasawalang kibo ni Danilo habang tumatakbo ang kaniyang sasakyan.
3. Pagpunta ni Carlos sa Montalban
B. Ibigay ang bunga o kalalabasan ng mga sumusunod na pangyayari sa kuwento.
1. Pagluluko ng sasakyan ni Danilo.
2. Pagkamatay ng ama at tiyuhin ni Danilo.
3. Pagmamadali ni Danilo na makarating sa Montalban.
V. Takdang-Aralin
Bumasa ng Isang kuwento. Piliin ang mga pangungusap na nagsasaad ng sanhi at bunga. Isulat
ang mga ita sa inyong kuwaderno.
Remarks:
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
_____________________________________

FILIPINO IV
Date: ______________
I.

Layunin:
Nakasusulat ng interpretasyon sa dayagram ng sanhi at bunga.
Pagpapahalaga: Pagtutulungan ng bawat kasapi ng pamilya

II. Paksang Aralin:

Pagsusulat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari sa seleksyong binasa.
Sanggunian:
BEC-PELC Blg. 8
Hiyas sa Wika IV
Kagamitan:
larawan-isang bukid na may nag-aararo kasama ang batang lalaki at babae
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral
Pangkatin ang mga bata sa dalawa. Pabilisan ang bawat pangkat sa pagsagot. Sabihin
kung anong mangyayari kung:
a. Hindi ka kakain.
b. Hindi ka matutulog ng maaga.
c. Hindi ka mag-aaral ng leksiyon.
d. Palagi kang nakasimangot.
e. Palagi kang nagbabasa.
f. Palagi kang kumakain.
g. Hindi ka naliligo.
h. Hindi ka nagsisipilyo.
i. Hindi ka nagpapalit ng damit.
j. Palagi kang lumiliban sa klase.
2. Pagganyak
Sinu-sino ang mga kasapi ng isang mag-anak? Anu-ano ang kanilang mga tungkulin?
Nakakita na ba kayo ng isang maligayang pamilya? Saan sila nanirahan? Bakit sila maligaya?
3. Paghawan ng Balakid
Sabihin ng kasingkahulugan ng mga sumusunod:
almusal, tigil,
magu/ang,
nagmamano, kaligayahan
4. Pamatnubay na Tanong
Paano kaya matatamo ang kaligayahan ng isang pamilya?
B. Paglalahad at Pagtalakay:
1. Pagbasa sa kuwento ng guro habang nakikinig ang mga bata. "Ang Masaya Naming Pamilya"
2. Pagsagot sa mga Tanong
a. Ano ang sanhi ng maagang paggising nina Itay at Inay?
b. Ano ang ibinunga ng kasipagan ng mag-asawa?
c. Ano ang ibinunga ng pagtulong nila sa mga magulang?
d. Ano ang sanhi ng pagmamano ng anak bago umalis ng bahay?
e. Ano ang dahilan at nagdarasal gabi-gabi nang sabay-sabay sa tahanan?
3. Bubunot ang mga bata ng mga plaskards na may sulat na tulad ng nasa ibaba at ita ay
sasagutin nila.
a. Nadala ang aming ama sa pagamutan
b. Gumaling si Itay.
c. Maagang gumising si Itay.

d. Palagi kaming nagdarasal.

e. Dahil sa sipag ng aming mga magulang.
4. Tingnan mabuti ang dayagram ng mga sanhi at bunga. Sabihin ang inyong interpretasyon at
isulat ito sa pisara. Pagtapatin muna.

C. Paglalahat:
Bakit kailangan nating ipahayag ang sanhi at bunga ng isang pangyayari?
D. Pagsasanay:
Pagtapat-tapatin
Hanapin ang kaisipang nasa gawing kanan ang. mga kalalabasan o bunga ng mga
pangyayaring nakalahad sa kaliwa.

E. Pagsasanay:
Pangkatin muli ang mga bata sa dalawa. Magpapakita ang guro ng mga dayagram ng sanhi at
bunga. Isusulat ng bawat kasapi ng pangkat ang kanilang interpretasyan sa pisara. Ang
pinakamaraming tamang kasagutan ang panala.

IV. Pagtataya
Isulat sa sagutang papel ang interpretasyan para sa mga sumusunod.

V.
at
klase bukas.

Takdang-Aralin
Bumasa ng isang kuwento at piliin
ang mga pangungusap na may sanhi
bunga. Ibigay ang interpretasyan sa

Remarks:
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
________________________________________

FILIPINO IV
Date: ______________
I.

Layunin:
Naibibigay ang angkop na bunga sa inilahad na sanhi.
Naibibigay ang angkop na sanhi sa inilahad na bunga.
Pagpapahalaga: Pagtitimbang ng mga bagaybagay bago gumawa ng isang desisyon.

II. Paksang Aralin:

Pagbibigay ng angkop na Sanhi/Bunga
Sanggunian:
BEC-PELC Pagbasa 8
Hiyas sa Pagbasa IV
Kagamitan:
Larawan
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Hanapin ang mga salitang inilalarawan sa ibaba mula sa pangkat ng mga titik na nasa kahan.
Ang mga ito'y maaaring nakapahalang, dayagonal, pababa a kaya'y pataas.

1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

nangyari sa mababang lugar matapos ang malakas na ulan

mayroon nito ang isang tao bago magkaroon ng kita
gagawin muna ng magsasaka bago magkaroon ng ani
makikita matapos magtambak ng basura
mararamdaman pagkatapos ng maraming trabaho
resulta ng pag-aaral
gagawin ng tao bago tumawid
kadalasang ginagawa ng isang tao bago matulog
ginagawa natin ito bago kainin ang isang bagay
nararamdaman ng tao pagkatapos kumain.

2. Paggariyak
Dugtungan ang mga sumusunod na kasabihan:
a. Kung may tiyaga may ______.
b. Kung di uukol di _____.
c. Kung anong itanim siyang ______.
d. Kung anong puno siyang _______.
B. Paglalahad at Pagtalakay:
1. Pagbasa sa teksto p. 32-36 ng "Pilipinas: Perlas ng Silanganan.
Itanong:
a. Bakit tayo nakararanas ng araw at gabi?
b. Paano nakaaapekto ang pagkahilig ng mundo sa anggulong 23 at ang pag-ikot nito sa
araw sa klima ng mundo?
c. Bakit iba-iba ang tindi ng init na natatanggap ng mundo mula sa araw?
d. Bakit laging maiinit sa mga lugar na nasa ekwador?
C. Paglalahat:
a. Ano ang tawag natin sa mga pangungusap na nagsaad ng dahilan ng isang bagay?

b. Epekto/resulta ng isang bagay?

c. Paano tayo makapagbibigay ng angkop na sanhi sa inilahad na bunga o vice-versa?
D. Pagsasanay:
A. Magbigay ng angkop na bunga para sa sumusunod:
1. Maghapong naglaro ng basketball si Roy kaya ________.
2. Walang tigil ang pagputol ng mga puno kaya _________.
3. Hindi nakapag-aral si Carlos ng kanyang aralin kaya ________.
B. Magbigay ng angkop na sanhi para sa sumusunod:
1. Nabasag ni Romina ang plorera sa sala dahil ________.
2. Maraming nagkasakit dahil _________.
3. Lumalaki ang polusyon sa hangin dahil ________.
IV. Pagtataya
A. Bilugan ang titik na kumakatawan sa angkop na bunga para sa inilahad na sanhi.
1. Hindi naging maingat sa pagmamaneho si Mang Fidel kaya ________.
a. nakarating sila ng maayos sa pupuntahan
b. nasisira ang sasakyan
c. naaksidente sila
d. naantala ang kanilang pagbibiyahe
2. Madalas magpuyat si Roy kaya ______.
a. lagi siyang huli sa klase
b. maaga siyang magising
c. masigla siyang bumabangon
d. mabilis siyang nakasusunod sa aralin
V. Takdang-Aralin
Sumulat ng maikling kwento na ginagamitan ng ugnayang sanhi at bunga.

Remarks:
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
________________________________________

FILIPINO IV
Date: ______________
I.

Layunin:
Nakasusulat ng balita tungkol sa mga pangyayari ng pagtutulungan at pagkakaisa ng mga
mamamayan ng bansa.
Pagpapahalaga: Malikhaing pag-iisip/Pagtutulungan

II. Paksang Aralin:

Pagsulat ng Balita "Paghandaan ang La Nina"
Sanggunian:
BEC-PELC Pagsulat Blg. 10
Kagamitan:
tsart, aklat, mga larawan
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral
Anu-anong mga payong pangkalikasan ang dapat nating gawin kapag panahon ng tagulan o pagbaha? Ipasabi nang pabigkas.
2. Pagganyak
a. Kayo ba'y nanonood a nakikinig ng balita sa t.v. o radyo? Anu-anong mga balita o
pangyayari ang napapanood o natutunghayan natin kadalasan? Magpabigay ng
halimbawa? Sa papaanong paraan ka makakatulong bilang mag-aaral?
b. Pagpapangkat ng mga mag-aaral na nakatira sa iisang lugar.
3. Pag-alis ng Balakid
1. Piliin sa mga titik A ang wastong kasagutan sa titik B. Letra lamang ang isulat.
A
B
_____ 1. La Nia
a. kanal
_____ 2. estero
b. pagbaha
_____ 3. komunidad
c. mamamayan
d. tag-init
4. Pagganyak na Tanong
Ano ang ibig sabihin ng La Nina? Ano ang panganib na dulot nito sa mga tao?
B. Paglalahad:
Pagbasa ng balita na nakasulat sa tsart. Pagsabi ng pamantayan sa pagbasa nang malakas.
Paghandaan ang La Nia
C. Pagtalakay:
Anu-ano ang mga panganib ng La Nina? Papaano tayo makakaiwas sa mga panganib na dulot
ng La Nina? Ipagawa sa bawat pangkat ang pagbibigay ng reaksyon sa pamamagitan ng
pagsusulat sa pisara, sa hanay A at B.
A. Mga panganib ng La Nia
B. Pag-iwas sa panganib ng La Nia
1.
1.
2.
2.
3.
3.
Pag-usapan kung malilinang ang pagiging malikhain.
D. Paglalahat:
Paano ka makakabuo o makakasulat ng isang balita tungkol sa pagtutulungan at pagkakaisa
ng mga mamamayan ng bansa?

E. Pagsasanay:
Pagbabalak ng bawat pangkat sa mga proyektong dapat gawin sa sariling barangay.
Ipasulat sa Manila paper ang mga pagbabalak na gagawin ng bawat pngkat sa sariling
barangay.
F. Paglalapat:
1. Pag-uulat sa buong klase ng mga balak gawin.
2. Pagwawasto ng guro sa iniulat ng bata.
IV. Pagtataya
a. Sa bawat pangkat sumulat ng isang balita tungkol sa mga pangyayaring nagaganap sa ating bansa
at bilang mag-aaral isulat ang paraan ng pagtulong para magkaisa ang mga mamamayan ng
bansa.
b. Pagsabi ng pamantayan sa pagsulat, ipasulat ng tahimik.
c. Pagmamasid habang silay gumagawa.
d. Pagwawasto ng guro sa mga natapos.
V. Takdang-Aralin
Gumupit ng isang balita sa dyaryo tungkol sa nangyayari sa ating bansa. Idikit sa bond paper at
isulat ang iyong opinyon kung paano kayo makakatulong para sa pagkakaisa ng mga mamamayan ng
bansa?

FILIPINO IV
Date: ______________
I.

Layunin:
Naisusulat nang wasto ang mga pangunahing ideya sa seleksyong binasa.
Pagpapahalaga: Pagkamakabayan/Pagtangkilik sa sariling atin

II. Paksang Aralin:

Pagsulat sa Pangunahing Ideya sa Seleksyong Binasa. Tangkilikin ang Panindang Pilipino
Sanggunian:
Kagamitan:

BEC-PELC Pagsulat 10
Larawan

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Pagganyak
Pambungad na awitin "Ako'y Isang Pinoy". Sinu-sino ang mga naging pangulo ng ating
bansa? Kilalanin ang mga pangulong nasa larawan. Sino sa mga pangulong nabanggit ang
nagslunsod ng patakarang "Pilipino Muna"
2. Pagganyak na Tanong
Sa panahon ng Ikatlong Republika, sino ang may-ari ng karamihan sa mga malalaking
tindahan dito sa Pilipinas?
B. Paglalahad:
1. Pagpapakita ng larawan ng mga malalaking tindahan at pagawaan sa Pilipinas.
2. Pagpapangkat-pangkat sa mga mag-aaral, bago ipabasa ang inihandang babasahin.
3. Pagbasa sa seleksyong napili.
4. Pamantayan sa pagbasa nang malakas.
5. Pagbasa ng pangkatan.
Tangkilikin ang Panindang Pilipino
C. Pagtalakay:
Pag-usapan ang pagsagot sa pagganyak at iba pang tanong.
a. Sinu-sino ang mga may-ari ng mga malalaking tindahan at pagawaan?
b. Bakit kaya maraming Pilipino ang mahihilig sa mga panindang imported?
c. Pagkuha ng ideya sa mga mag-aaral tungkol sa binasang seleksyon.
- Pag-usapan ang mga magagawa tungo sa pagiging makabayan.
D. Paglalahat:
Paano nakakabuo ng mga pangunahing ideya sa talata?
E. Pagsasanay:
Isa-isahin ang mga hakbang na gagawin ng bawat pangkat. Sabihin ang mga pamantayan sa
pagsusulat.
Panuto: Sumulat ng maikling talata na may pinamagatang "Pilipino Muna." Isulat ang mga
pangunahing ideya sa talata.
F. Paglalapat:
Ipabasa sa bawat pangkat ang mga pangunahing ideya sa talatang ginawa.
IV. Pagtataya
1. Basahin ang seleksyong nakasulat sa tsart sa bawat pangkat isulat sa kartolina ang mga

pangunahing ideya sa binasang seleksyon. (Ang Kaarawan ni Mildred)

2. Pagwawasto ng guro
V. Takdang-Aralin
Gumupit ng larawan ng mga panindang gawa o yari sa Pilipinas. Idikit sa kwaderno at sumulat
ng maikling pangungusap kung paano mo ito maipagmamalaki.

Remarks:
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
________________________________________

FILIPINO IV
Date: ______________
I.

Layunin:
Nakasusulat ng pamaksang pangungusap sa isang talata o kuwento.
Pagpapahalaga: Pagiging matiyaga

II. Paksang Aralin:

Pagsulat ng Pamaksang Pangungusap sa Isang Talata o Kuwento
Sanggunian:
BEC-PELC Pagsulat 10
Kagamitan:
Larawan
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Paywawastos ng takdang-aralin
2. Ba/ik-aral: Sa paanong paraan mo maipapakita any iyong pagtangkilik sa sariling atin?
B. Paglalahad:
a. Ang bawat kuwento ay binubuo ng mga magkakaugnay na talata. Ang bawat talata naman ay
binubuo ng magkakaugnay na pangungusap tungkol sa isang paksa. Sa bawat talata ay may
isang pangungusap na nagsasaad ng paksa ng talata. Tinatawag itong paksang pangungusap.
b. Pagbasang muli ng talambuhay ni Tandang Sora (Pangkatan)
C. Pagtalakay:
Panuto: Pangkatin ang mga bata para sa pangkatan pagsagot.
1. Ilang talata ang binubuo ng kuwento?
2. Alin sa mga pangungusap na ito ang pamaksang pangungusap?
3. Saan matatagpuan ang pamaksang pangungusap sa talata?
4. Bakit ito matatawag na paksang pangungusap?
5. Anu-ano ang katangian ng isang batang matiyaga? Magbigay ng halimbawa.
D. Paglalahat:
Ano ang pamaksang pangungusap? Saan matatagpuan ito?
E. Pagsasanay (Pangkatan)
Ayusin ang mga pangungusap ng patalata at salungguhitan ang pamaksang pangungusap.
1. Hitik sa isda ang ilog at lawa.
2. Maraming kahoy sa gubat.
3. Sagana sa likas na yaman ang aming bukid.
4. Sagana ito sa sariwang hangin, sikat ng araw at patak ng ulan sa buong taon.
5. Malinis ang mga ilog at paligid nito.
IV. Pagtataya
Pangkatin ang mga bata; basahin ang sanaysay na "Mahalaga ang Tubig" suriin ang mga
pangungusap sa bawat talata. Hanapin ang paksang pangungusap. Isulat ang paksang
pangungusap ng bawat talata sa inyong papel.

V. Takdang-Aralin
Bumasa ng mga 3 talataan sa aklat. Isulat ang paksang pangungusap ng bawat talata.

Remarks:
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
________________________________________

FILIPINO IV
Date: ______________
I.

Layunin:
Nakasusulat ng mga Pangunahing sumusuporta sa pangunahing paksa.

Pagpapahalaga: Pagmamahal sa kalikasan at kapaligiran

II. Paksang Aralin:
Pagsulat ng mga Pangunahing Sumusuporta sa Pangunahing Paksa
Sanggunian:
BEC-PELC Pagsulat 10
Kagamitan:
tsart
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Pagtsek ng takdang-gawain
2. Balik-aral
Basahin at ibigay ang pamaksang pangungusap sa talata.
Mahirap lamang si Mang Teban subalit hinahangaan ng marami ang kanyang pamilya.
Matanda na siya ngunit nakapaghahayupan pa siya. Apat ang kanyang mga anak at lahat
sila'y may matatag na hanapbuhay.
3. Pagganyak
Magpakita ng isang batang nanonood ng telebisyon. Ano ang masasabi ninyo sa larawan?
B. Paglalahad:
Ipabasa: Pangkatan
Mabuting Iibangan ang panonood ng telebisyon. Nakatutuwa ang mga kartons.
Nakababagbag-damdamin ang mga drama. Napakagandang libangan ang panonood ng komide.
Kapupulutan ang mga ito ng magagandang aral. Gustung-gusto rin ng mga bata ang Sine-Iskwela
at iba pang palabas sa telebisyon na nagtatamo ng kaalaman sa siyensiya at matematika.
C. Pagtalakay:
Pangkatang Pagsagot
1. Tungkol saan ang binasa?
2. Alin ang mabuting libangan?
3. Bakit mabuting libangan ang panonood ng telebisyon?
4. Alin sa mga pangungusap ang pamaksng pangungusap?
5. Anu-ano ang mga pangunahing sumusuporta sa pangunahing paksa?
D. Paglalahat:
Ang layunin ng pangunahing sumusuporta sa pangunahing paksa ay upang magbigaylinaw sa
talata.
E. Pagsubok:
Panuto: Sumulat ng mga pangunahing sumusuporta sa pangunahing paksa. Ang Aming
Halaman
IV. Pagtataya
Pangkatan: Sumulat ng mga pangunahing sumusuporta sa pangunahing paksa. Ipakita ang inyong
sagot sa pamamagitan ng balangkas sa ibaba.
"Ang Kalbong Kagubatan"
I. Pagkakalbo ng Kagubatan

A.
B.
C.

D.
E.

V. Takdang-Aralin
Sumulat ng isang maikling talata. Salungguhitan ng isang beses ang pamaksang pangungusap at
dalawang beses ang mga pangunahing sumusuporta sa paksa.

Remarks:
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
________________________________________

FILIPINO IV
Date: ______________
I.

Layunin:
Nakasusulat ng sariling reaksyon sa binasang kuwento.
Pagpapahalaga: Pagkamasipag

II. Paksang Aralin:

Pagsulat ng Sariling Reaksyon sa Binasang Kuwento.
Sanggunian:
Kagamitan:

BEC-PELC Pagsulat 10
Diwang Makabansa Pagbasa
Larawan

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Pagtsek ng takdang-aralin.
2. Balik-aral
Ipabasa: "Ang Aming Halamanan"

Maganda ang aming halamanan. Matataba ang mga halaman. Namumulaklak na

ang Daisy, Rose at Dahlia. Kawili-wiling pagmasdan ang mga bulaklak. Pati mga
paru-paro nawiwili sa mga ito.
Tanong: Alin ang pamaksang pangungusap? Alin-alin ang mga pangunahing
sumusuporta sa pamaksang pangungusap?
3. Pagganyak
Mahilig ba kayong magbasa? Anu-ano ang mga nabasa na ninyong kuwento? Ano ang
reaksyon ninyo?
B. Paglalahad:
Pangkatang Pagbabasa
"Ang Masipag na Mag-anak"
Maaga pa, gising na ang mag-anak na Reyes Umiigib ang tatay ng tubig. Nagluluto ng
almusal ang nanay. Inililigpit ni Fe ang mga hinigaan. Pinakakain ni Pepe ang mga manok at
baboy. Namamasyal ang mag-anak tuwing linggo.
C. Pagtalakay:
1. Sino ang mag-anak na masipag?
2. Ano ang ginagawa ni tatay?
3. Ano ang ginagawa ni nanay?
4. Ano ang ginagawa ni Fe? ni Pepe?
5. Saan namamasyal ang mag-anak tuwing Linggo?
6. Ano ang reaksyon mo o masasabi sa maganak na Reyes?
7. Pag-usapan ang mga tandaanjdapat isagawa ng isang batang masipag.
D. Paglalahat:
Paano ang pagsulat ng reaksyon sa isang kuwentong nabasa? Anu-ano ang posibleng
damdamin ang nararamdaman mo?
E. Pagsasanay:

Hayaang magkuwento ang mga 3 bata sa harapan ng kuwentong nabasa. Pagkatapos ay

magbibigay ng reaksyon ang mga batang nakinig.
IV. Pagtataya
Pangkatan: Pipili ang bawat pangkat ng isang kuwento sa D.M. Pagbasa at magsusulat ng
reaksyon sa kuwentong binasa.
V. Takdang-Aralin
Magbasa ng isang kuwento sa isang aklat at magbigay ng sariling reaksyon tungkol dito.