Professional Documents
Culture Documents
Sambit - M2009
Sambit - M2009
Sambit - M2009
2
Para sa Iyo
Kay Alvin
At sa Sambayanang Pilipino
3
Mga ninais, ninanais at nanaisin naming saMbitin
Pambungad na Pananalita............................. p. 4 - 7
Mga Salin......................................................... p. 55 - 65
4
Marso 2008
5
At huli, isang kongkretong pagtataguyod ng Filipino
ang saMbit. Nakatutuwang sa kabila ng inyong kabataan ay
nakasumpong na naman kayo ng sarili ninyong paraan ng pag-
papakita ng pagmamahal sa bayan. Hindi man ninyo maga-
wangpumagitna sa mga pagkilos sa mga lansangan at pamaha-
laan, isinusulong pa rin ninyo sa aklat na ito ang Filipinong
kalayaan, kasarinlan, kayamanan at kultura – kahit mula sa loob
ng bakuran ng paaralan lamang.
Sumasainyo,
Ser Ron
Ronan B. Capinding
Guro sa Klaseng
Pandangal sa Filipino
6
31 Marso 2008
Mabuhay!
7
Isa siguro sa mga bagay na talagang maipagmamalaki
namin ay ang pagpapalimbag ng aklat na ito (liban sa cd
namin). Aklat na naglalaman ng mga bagay-bagay na nais
naming saMbitin, mga ideya at saloobin na gusto naming
ipahayag sa lahat at gampanan ang tungkuling inatas sa amin
upang magtaguyod at maging dalubhasa sa Wikang Pambansa.
Ang aklat na ito ang nagsisilbing instrumento ng aming mga
salitang sana buksan ang inyong mga isipan bilang isang
Pilipino. Mga tula at sulating naglalaman ng aming marubdob
na damdamin na sana‘y makaapekto sa inyo kung hindi man
makapagpabago sa inyong mga katauhan
Ian Agatep
Pangulo, Klaseng M2009
8
Mahal naming mambabasa…
9
Sa aklat na ito, sana maaliw ka at lalo mo pang
mapalakas ang iyong bokabularyong Pilipino. Sana masilayan
mo muli ang kagandahan at karangyaan ng Wikang Pambansa
na matagal mo nang sinasaMbit, isinisigaw, ipinahahayag at
higit sa lahat, dapat, minahal buong buhay mo.
10
Bago ang lahat., mahalaga ang...
Pasasalamat
11
Kay Ser Bok na naging tagapayo (hindi ―tagapagpayo‖...
wala raw salitang ganoon!) namin sa Filipino noong ikalawang
taon. Salamat dahil nararamdaman naming na napakaputi ng
mga kutis namin tuwing kapiling kayo.Sa mga kuwentong
nagbigay ligaya at katatawanan, lalo na yung mga tipong
naglalabasan na yung bituka at laman-loob… . Salamat! Kayo
ang unang nagpamalas sa amin ng aming responsibilidad
upang kalingain ang aming wika‘t kultura. Kayo rin ang unang
nagpakulo sa putsero ng aming isipan kaya ngayo‘y umaapaw
sa katalinuhan at kalokohan. Salamat, dakilang Pilipino!
12
Sa aming mga maganda, guwapo, matalino, at mabait na
mga guro na walang sawang nagbibigay ng mga sumusunod:
words of wisdom,
mga gradong nagpapaiyak (sa tuwa at minsan sa lungkot),
pagkakaibigan,
mga bonding sessions,
sermong napakahaba,
H2H (Heart-2-Heart)
kuwentuhan
Pagmamahal
Pasensya… dahil nakayanan nilang magtagal ng isang taon
sa ‘min.
Mga pagtuturo na nagdudulot sa aming mga ilong na
dumugo nang todo.
Sa aming mga:
kapatid, at mga kapatid na hindi namin alam kung kanino
nanggaling
mga matalik na kaibigan na handang kumain ng mga bato
at uminom ng dugo ng baboy para lang sa ‘min
tito at tita, tiya at tiyo, at ano man ang maisip nilang tawag
mga kaibigan ng aming magulang na tinatawag din naming
‖tito‖ at ‖tita‖
syota, nililigawan at mga walang alam na nililigawan na
namin pala (kaya magisip-isip na kayo kung sasagutin niyo
na kami... SIGE NA NAMAN OH!)
ninong at ninang
lolo at lola
pinsan at nagsasabing pinsan daw namin
anak namin?!?! (huh?)
nagpasawi sa‘min—dahil sa inyo mas lalo kaming nagpapogi
magiging bayaw at manugang namin… sana handa kayong
makita ang pagmumukha namin araw-araw sa bahay niyo…
biro lang!
13
Sa pamilyang Agatep, na walang sawang binusog sina
Ian, Mark at Guelan habang ginagawa ang aklat na ito sa bahay
nila. At sa walang sawang pagpilit na matulog na sila,
ISA PA PALA!!!!
14
15
Naglalakad akong pauwi Sa linyang kahuli-hulihan.
Buhat sa aking paaralan.
May mga salitang umaali- Ako‘y napatameme,
aligid Biglang napatanga
Sa nalilito kong isipan. Hinding-hindi ko malaman
Kung paano tapusin ang tula!
Sinabi sa ‗min ng aming guro
Na kami raw ay magsulat Kalunus-lunos na sumpa ito!
Ng tulang aming binuo Hindi ko matuldukan ang
Mula sa mura naming ulirat. sinimulan ko
Kaya‘t huli kong solusyon:
Ako‘y sobrang nabagabag Umpugin ang aking ulo.
Hindi na makakain
Dahil sa inatas sa aming Inumpog ko nang inumpog
Mahirap na gawain. Hanggang maisip ang huling
linya…
Hindi ako makata …at dahil nasobrahan…
Bulok akong magsulat …
Ang mundo ng paglikha …
Sa ‗ki‘y masukal na gubat. … namatay ako.
Haaaay…
Pagsapit sa bahay,
Nakaupo sa dyebakan,
Biglang nagsilabasan
Ang dumi…sa ‗king
kamalayan!
Kabigha-bighani!
Nagsusulat ako.
Tuluy-tuloy ang buhos
Ng tinta sa papel ko!
16
―Binatang Mukha‖
ni Calvin Cellona
Ngunit,
nakatingin
lang
pala
siya…
…sa
“Aking Tula”
ni Neil Torio
Ang bubuhay ng Aking Tula,
ang Nagbabasa.
Ang pupuri ng Aking Tula,
ang Nagbabasa.
Ang kukulay ng Aking Tula,
ang Nagbabasa.
Ang makaiintindi ng Aking Tula,
ang Nagbabasa.
Ang magpapasikat ng Aking Tula,
ang Nagbabasa.
Ang kikilatis ng Aking Tula,
ang Nagbabasa.
Ang nauuto ng Aking Tula,
ang Nagbabasa.
Ang sisira ng Aking Tula,
ang Nagbabasa.
Ang papatay ng Aking Tula,
ang Nagbabasa.
Ang Nagbabasa ng Aking Tula,
bahala ka na.
17
―Sa Mahika ng Isang Salita‖
ni DJ Villeza.
LAGABLAB‖
ni Regil Badilles
18
Bukod sa aking
KATAWAN,
Tila ibinibilanggo rin ako ng
ORAS…
Hindi
ko
na
maitatama
ang
mga
nagawa
ko
sa
NAKARAAN. Hindi
rin
ako
maaaring
mag-apura
para
sa
KINABUKASAN.
Nandito ako sa NGAYON,
Kung saan dapat kong
gawin ang dapat kong
gawin……
…… GANOON TALAGA ……
Hindi naman ako si SUPERMAN
para
balik –
ta –
rin –
ang
mundo
at
ibalik
ang
ORAS.
Wala pa namang time travel
para
makaya
kong
mag –
lak –
bay
Sa
KINABUKASAN……
librong ―Pilosopo Tasyo‖ - Guelan Luarca
19
Ano ang tula?
Tinipong salita
Sa Isip ng Makata
Salitang Salungat
Sa Isip ng
LAHAT
Salitang Pinakawalan
Upang magkaroon ng kalayaan
Kalayaan
Ipahatid
Iparanas
Isalin
- Matthew Manlongat
―Papel‖
ni Calvin Cellona
20
―PAANO BA MAGING BINATILYO?‖
ni Cocoy Vargas
Binatilyo
pa
rin
ba
ang
ayaw
sa
basketbol,
hindi
gusto
ang
magka-girlfriend
at
iba
ang
tinitingnang
hubad
sa
internet?
21
Hindi ko gusto ang pagsusulat ng tula
Sa larangan na ‗to, wala kang makukuhang pera.
Nabubusog ka ba sa tula?
Ano ba ang nakukuha mo sa awit, dalit o tanaga?
Sige na nga!
Napipilitan ako!
Para magustuhan ko ang tula,
Mamimilosopo na ako!
-John Tantoco
―Noon at Ngayon‖
ni Ian Agatep
22
―Iskul-Bulok‖
ni Jian Yumol
Araw-araw tinuturuan
Bawat araw sinasabihin
Lagi na lang pinagagalitan
Ng teachers.
Araw-araw binibigyan
Bawat araw pasan-pasan
Lagi na lang pinahihirapan
Ng homeworks.
Araw-araw pumapasok
Bawat araw humihimutok
Lagi na lang hinihimok
Ng iskul-bulok.
Habang nagbibinata
Parang abuhin ang lahat
Nalilito ako kung ano ang tama o mali
Daang sanga-sanga
‗Di alam, ano ang tatahakin
damdamin at barkada
ako‘y halos sunud-sunuran
-Wowee Sanchez
23
―Ang Barbaro‖
ni Louis De Jesus
―Sulat Eksam‖
ni Chuck Tibayan
24
Saglit na tumitigil ang galaw ng mundo
siya pala‘y kasama ko
Magkahawak kamay
Sabay sa paglakbay
Napakasaya
at
RIIIIIIIING!
Gising na!
- Kevin Lim
-Cocoy Vargas
-Matthew Manlongat
25
―Sagot‖
ni DJ Villeza
―B‖? ―B.‖
―U‖? ―U.‖
―H‖? ―H.‖
―A‖? ―A.‖
―Y‖? ―Y.‖
- Robin Anupol
26
Ang mga malayang maya,
humuhuni sa puting ulap
Sa maitim na kahoy ng silyon
Umupo.
-Jorem Domingo
Sa pagsulat ng TULA
‗di talaga kailangan ang TALINGHAGA
‘lang saysay ‘yong TANAGA
Kung wala ka naman talagang NILAGA
Pagsulat ko ng TULA
Imahinasyon kaysa TALINGHAGA
‘di gusto ang TANAGA
Kaya nakatuon sa ibang NILAGA
-Kevin Chu
27
‖Sa Kapihang Tula‖
ni Owen Chua
Sa kapihang Tula,
May mga masasalamuha,
Iba‘t ibang mukha,
Ng buhay!
Sa kapihang Tula,
May mga nagbubulungan,
May mga sumisigaw, tumutula,
At mayroon din namang kumakanta.
Sa kapihang Tula,
Lahat ng nadarama ay pinahahalagahan.
Galit, saya, lungkot, ligalig at minsan ay pagkamanhid,
Mga damdaming abot-langit.
Sa kapihang Tula,
Iba‘t ibang larangan at kwento ang pinag-uusapan dito,
Pulitika, kalikasan, pag-ibig, kasawian at iba pa,
Sa kapihang ito, lahat ay walang takas.
28
―Parolang ito‖
ni Zack Neilson Curley
Buwan sa taong-dilim,
Araw sa taong-buwan,
Paglalakbay sa taong-bahay,
Apoy sa taong-yelo,
Ginto sa taong-hirap,
Tubig sa taong-uhaw.
29
Malayang taludturan:
Walang bakuran,
Sukat ay hindi kailangan
Tugma‘y hindi kailangan.
-JP Dayao
30
Nang siya‘y makita,
Ako‘y hindi makapaniwala.
Mukha niya‘y kay ganda,
Ay…katawan niya rin pala.
Para sa ‗yo aking tala,
Lahat ay aking ginawa.
Nag-aaral nang malala;
Gumagala hanggang hindi na madala;
Pumulot ng basura;
Binugbog ang kakompitensya;
Sumayaw ng Cha-cha,
na bali ang paa;
tumalon sa bintana;
lahat ay winalang-bahala,
-Jim Nemeño
Hindi ko maatim
Ang puso kong nangingitim
Na lalo pang nabubulok.
31
[Hango sa isang artikulo sa pahayagang pinamagatang ―Paslit, pi-
nalakol ng sariling ama; patay‖ ni Jun Aguirre]
Hindi maipaliwanag
ng isang 36-anyos
na
Ama
Sa Agsirab Village,
Dumarao, Capiz.
-Calvin Cellona
Paumanhin,
-Pietro Lazatin
32
bigkasin ang mga salitang…
binatilyo ay ‗di kanyang
karamihan sa mga
na nagpatunay na
sa mga propesyonal
silang alam kaysa
dahil mas marami
sa agham at ingles,
dahil mahusay sila
Sundin natin sila
Napunta ka na sa iba,
At ako ngayong ay nagsisisi.
Wala kasing ginawa.
‗Yan tuloy, ako‘y nasawi.
33
―ARALING WALANG sagot‖
ni Owen Chua
Bakit ba ganito?
Magaling naman ako sa ibang larangan.
Subalit dito ko lamang nadama ang kasawian,
Ang pait at tamis ng pagbagsak.
―Kinram,
na sulat exam‖
ni Aaron Cruz
Nagmamadali,
kaya umikli.
Pinupuwersa,
kaya hindi masyadong matalinghaga.
Hindi sadya,
ngunit may tugma.
Napipilitan,
kaya ang pantig ay walang bilang.
Hindi naghanda,
kaya ang linyang ito ay wala na yatang
kasinghaba.
Badtrip,
kaya, siguro, pumangit.
34
―Romeo at Julieta ng Bug Zapper‖
ni FrancisIanAgatepMarkJasonAlcantaraMiguelAntonioLuarca
Kzzt! Kzzt!
Ang pagbubukas ng
Bagong palengke na
Matatagpuan sa
TAFT AVENUE panulukan ng
ARNAIZ St.
Ay nagbigay kaluwagan
Sa mga kalye ng
P. Villanueva
at
Market Road
Makaraang malipat
Ang mga vendor
Na sumasakop sa
MALAKING BAHAGI
Ng dating palengke.
-Aaron Cruz
35
―Makipagtangis sa Hunyango‖
Ni Guelan Luarca
―Gabing Madlilim‖
ni Tata Babaran
36
―Eksodo 20:3 (Introspektibo)‖
ni Guelan Luarca
Tula.
Makinig at matulala.
Tula.
Tingnan ang mga tugma. Meron man o wala.
Tula.
Sukat? Sakto o kulang?
TULA.
Ikaw ang bahala.
Lungkot, saya, galit, hirap at iba pa.
TULA.
Sakop ka, sakop ako, sakop lahat.
-Kevin Lim
37
―Katahimikan‖
ni Josh Imperial
‖Puso ng Tula‖
ni Edgar Magturo
Pinagsama-samang salita,
‘Di mabilang na kahulugan
Iisa lamang ang mukha,
Ngunit maraming maskara.
Subuking intindihin,
Puso ng Tula.
38
‖Ang Natutuhan ni Juan sa Paaralan‖
ni Jim Nemeño
39
―ASA‖
ni Mark Alcantara
Ang buhay
ng preso,
Puno ng
mga pagdurusa, lungkot at gulo.
Kinukutya at tinalikuran ng tao,
May puwang
pa kaya
sila
ngayon
sa ating
makasalanan
at mapanghusgang Mundo?
40
‖Dolf Constantino Presents...‖
ni Randolf Constantino
Si Superman ay matapang.
Ang taas lumipad ni Superman.
Ang pinagtataka ko lamang,
Ay kung bakit ang brip niya‘y kita ng buong bayan.
‖Sabi Nila‖
ni Abbey Bautista
41
‖Matalinghaga‖
ni Mark Alcantara
―LISAN‖
ni Regil Badilles
42
‖Sa Hapag‖
ni Ian Agatep
―Tukso‖
ni Cocoy Vargas
Pagkahanap ko sa iyo
Rosas mong kutis
Pagdaplis ng daliri ko sa iyo
Kay lambot
Halik ng labi ko sa iyo
Angkin mong tamis
Nanggigil ako sa iyo
Isang kurot
Sinubo kita
Pinaglaruan sa aking dila
Takam ang bawat hibla
Nalunod sa aking dura
Sa isang kisap-mata
Nawala
Koton kendi.
43
‖Tama nga ba? (ukol sa euthanasia)”
ni Neil Torio
-Sky Abundo
44
―BASURAHAN‖
ni Mike Shimamoto
-Abbey Bautista
45
‖Sundalo‖
ni Bien Dilla
―TaTlong Ti‖
ni AJ Santos
Sumulong pa sa hanggang
nakayanan ng Hari
nasilay sa Ina ang
labis niyang dalamhatî.
46
―Tago sa Kumot‖
ni Mike Shimamoto
May itinatago
Raw
Isang nakakakilabot na sikreto
Raw
Hindi kailanman
Oo
Hindi na ito muling mangyayari
Oo
Nais ng hangin
Nasasakal ang baga
Hindi siya makahinga
Ayaw na niya
Nanginginig sa takot
Kabado sa sasabihin sa itsura
Ngunit walang tao
Isa lang
Halika anak
Pag-ibig
Wala kang ikatatakot
Pag-ibig
Pagtanggal ng kumot.
47
―Gago…‖
…wika ng bata…
―Tang-…(ina)!‖
…sigaw ng binata…
―Punyeta!‖
…tugon ng magulang…
―Lintik!‖
…sabi ng matanda…
‖Tanga!‖
...sagot ng lolo‟t lola...
‖TAE!‖
...bulong ng patay...
Sinabi ng tula:
‖ Gago kayo! Tang-(ina)! Mga puchang lintik na mga tanga!
-Toma Cayabyab
48
―Sa Dyip‖
ni JP Pareja
Habang nag-aabang
Sa ilalim ng tulay
Ng dyip na
Masasakyan hanggang bahay.
Ako‘y umaasang magagandang
Dilag ay makasabay.
UPANG MAGPAPANSIN AT
MAGPAGWAPONG TUNAY!
Pasulyap-sulyap sa
Babaeng napupusuan
Umaasang ako‘y kaniyang
matingnan.
Pero sa kasamaang-palad,
‗di ko namalayan
Ako‘y nasa
tapat na
ng dapat
kong b
a
b
a
a
n… At sabihing, ―Sayang ang kyut niya.‖
49
―99.99%‖
ni Jorem Domingo
Tinging
na ...at marami pang iba
ka
pan Sa kanya na‘ng lahat.
tu Lahat-lahat
tu
naw:
Sa mga binatilyo man Hindi pala.
o sa lolo. May kulang pa.
katawang 36
Ako.
28
36,
alindog na busilak
Akala niya,
malaya siya.
50
―Tula‖
ni Wowee Sanchez
Pagpili ng salita
‘Di kinakailangang kamangha-mangha
May sukat man o wala
Basta‘t may katuturan at tama
Sa akin ay maniwala
‗Di importante ang tugma
Magtapos man ito sa ‗ba‘ o ‗a‘
Basta‘t maayos at maganda
Pag-iisip ng talinghaga
Ikaw ay huwag mabahala
Basta‘t may katuturan ang nagawa
Buo na ang tula
51
52
MGA DALIT MGA AWIT
-Sky Abundo
Mahal, di ko magampanan!
Kahit pinagmamasadan,
Presyo‘y mahirap bitawan.
‗Di kita kayang iwanan!
-Toma Cayabyab
Kaibigan, kaibigan...
Sambit doon, dambit diyan
Kaibigan, kaibigan...
Hanggang pangalan nga lamang
-Kevin Chu
-Edgar Magturo
53
Hindi ka matanggal sa aking isipan,
gustong makapiling kahit sandali lang.
Ibig nang mamulat sa katotohanan,
‗di ka panaginip sa ‗king kamalayan
-Akeem Aquino
-Tata Babaran
-Mike Victorio
-Dolf Constantino
―Tinulang Manok‖
ni JP Dayao
54
Ano‘ng iyong inakala,
Pareng Iskong palamara,
nang ikaw ay nakagawa
ng lubhang pagkakasala
sa Anak ng Manlilikha?
-Jian Yumol
-Brian Roxas
-Jorem Domingo
55
56
―Paghuhula ng Kamusmusan‖
ni Ian Agatep
(salin ng isang halaw mula sa
Auguries of Innocence ni William Blake)
Orihinal
Orihinal
57
―Biyaya Silang Namamagitan‖
ni Guelan Luarca
(salin ng The Gift of Mediation bersyong ingles
nina John at Bogdana Carpenterni sa orihinal na Polako ni Julia Hartwig)
Orihinal
58
‖Kung Ako Ma‘y Iyong Malimutan‖
ni Mark Alcantara
(salin ng If You Forget Me
ni Pablo Neruda)
Kung bigla
Mo akong kalimutan
Huwag mo na ‗kong hanapin pa
Dahil nakalimutan na rin kita.
59
‖If You Forget Me‖
ni Pablo Neruda
Well, now,
if little by little you stop loving me
I shall stop loving you little by little.
If suddenly
you forget me
do not look for me,
for I shall already have forgotten you.
60
Salin ni Pietro Lazatin
(salin ng isang halaw mula kay Kokim Shu
na isinalin sa ingles ni Arthur Waley)
Aking pag-ibig
Tulad ng mga damo
nakatago sa kalibliban ng kabundukan:
kahit ang patuloy na paglago,
walang nakababatid.
Orihinal
My love
Is like the grasses
Hidden in the deep mountain:
Though its abundance increases,
There is none that knows.
Iwan natin itong lugar kung saan itim ang ubo ng usok,
at ang madilim na kalsada‘y pumulupot at bumaluktot.
Paglipas sa balon, kung saan ang bulaklak na aspalto‘y tumutubo
Tayo‘y humakbang ng hakbang na sukat at palabo,
At masdan kung saan ang mga puting panturo patungo
Sa lugar kung saan ang tabingdaa‘y hihinto.
Orihinal
61
―SONETO 18‖
ni Cocoy Vargas
(salin ng isang halaw mula sa Sonnet 18 ni William Shakespeare)
Hihigit ka pa ba sa tag-araw?
Higit sa ganda‘t katiwasayan
Ang supling ng Mayo‘y nambulahaw,
at ‗di magtatagal ang tag-araw.
Orihinal
―Apoy at Yelo‖
ni Chuck Tibayan
(salin ng Fire and Ice ni Robert Frost)
Orihinal
62
Salin ni Fidel Ala
(salin ng isang halaw mula sa
Love Song For A Vampire ni Annie Lennox)
Orihinal
Oh loneliness - oh hopelessness
To search the ends of time
For there is in all the world
No greater love than mine.
Orihinal
63
‖Siyudad Na Hindi Humihimbing‖ at langgam na nagpupuyos
ni Mark Alcantara ay sasabak sa dilaw na himpapawid
(salin ng City Without Sleep, na sumisilong sa mata ng mga baka.
Nocturne of the Brooklyn Bridge, ni
Federico García Lorca) Sa ibang araw
makikita ang muling pagsilang ng
Walang isang makatutulog mga mariposa
sa alapaap. Walang isa. at kahit tayo‘t maglibot sa isang
Walang isang makatutulog. tanawin ng mga abuhing ispongha at
Ang mga nilalang ng buwan ay piping barko
nakaamoy at lumilikot sa kanilang tayo‘y susulyap ng singsing na lu-
kamarote. malagablab at mga rosas sa ating
Buhay na basakay ay sasapit upang mga dila.
lusawin ang sankatauhang hindi Masdan!
nananaginip. Silang may tanda ng mga kalmot ng
at siyang lumilisang may pusong sawi kuko at palahaw,
at makakahanap sa kanyang mga ang binatang humikbi dahil wala
sulok siyang nalalaman sa pag-iimbento ng
ang mapayapang buwaya sa ilalim ng tulay
mahimbing na protesta ng mga o ang bangkay na mayroon lamang
bituin. ay ang kanyang ulo at isang sapatos
kailangan silang dalhin sa pader na
Walang isang makatutulog sa kung saan ay naghihintay ang mga
daigdig. Walang isa. basakay at sawa
Walang isang makatutulog. na kung saan ay naghihintay rin ang
Mayroong bangkay sa pinakadulong mga pangil ng oso,
libingan na kung saan ay naghihintay ang
na sa loob ng tatlong taon ay naembalsamong kamay ng isang
nagrereklamo bata,
ng mga tuyong putik sa kanyang at ang balahibo ng kamelyo
tuhod; kumakalisag na kay sobrang marahas.
at ang binatilyong kanilang binaon Walang isang makatutulog sa
nitong umaga humibi nang todo alapaap. Walang isa.
kinailangang tawagin ang mga aso Walang isang makatutulog.
para siya‘y gawing mapayapa. Ngunit kung mayroon mang pipikit
ng kanyang mga mata,
Buhay ay hindi isang panaginip. Mas- hagupitin siya, aking mga anak,
dan! hagupitin siya!
Tayo‘y bumabagsak sa mga hag- Magkaroon sana ng malawak na
danan upang kumain ng tuyong putik saligway sa mga mata
o tayo‘y umaaykat hanggang sa at nagbabagang hapdi at kirot.
bingit ng nyebe kapiling ang koro ng Walang isang makatutulog sa
mga patay na dalya. daigdig. Walang isa.
Ngunit ito‘y walang limutan, walang
tulugan: Nabanggit ko na.
Lamang buhay. Mga nanggagapos na Walang isang makatutulog.
halik sa mga labi Ngunit sa gabing mayroong sobrang
isang buhol sa modernong ugat lumot sa kanyang noo,
at silang nagdurusa, nagdurusa nang buksan ang mga pintuan nang
walang humpay pabayaan siya ng buwan na masdan
at silang natatakot masawi ay bubu- ang mga kasinungalingan, ang lason,
hatin ito sa kanilang mga balikat. at ang bungo ng mga bulwagan
64
City Without Sleep (Nocturne of the
Brooklyn Bridge)
ni Federico García Lorca
65
Salin ni Josh Imperial
(salin ng isang halaw mula sa
Invictus ni William Ernest Henley) Orihinal
It matters not how strait the gate, I‘ll always be there for you,
How charged with punishments Cause there‘s no one I‘d rather be
the scroll, than you
I am the master of my fate:
am the captain of my soul. All alone and the world was
looking harsh upon you
Para sa‘yo, lagi akong narito
ni Fidel G. Ala They had stare of anger and
(salin ng ridicule
I‘ll Always Be There For You I just want you to remember one
ni John Tantoco) thing, just one thing.
66
67
DULANG PANRADYO—IKALAWANG TAON
Mga Tauhan:
BOMBA: Michael Shimamoto
IGNORANTENG PROBINSYANO: Joshua Imperial
TERORISTA 1: Mark Alcantara
TERORISTA 2: John Tantoco
TAGAPAGSALAYSAY: Emerson Domingo
[Ingay: „tooot‟
Dramatikong musika]
68
BOMBA: Labinlimang minuto! Labinlimang minuto na lamang ang nalalabi
bago ako sumabog! Labinlimang minuto bago mangagsibitak-bitak ang aking
mga piraso! Bago lumiyab ang pulburang sinumpa! O, ang kadiliman! Pusikit
na minsan kong kinanlungan
At hinanap, isa ka ngayong parusa sa‘kin! Liwanag! Aninagan akong tago sa
supot na ito nang makita ng taong-madla ang kamandag kong pilit na
ibinigay sa akin! Naaalala ko ang araw nang ako‘y nalikha! Sumpain ako, o
makina ng poot at karahasan! Poot at karahasan… poot at karahasan… [unti-
unting lalabo at tila lulusaw ang pagbigkas niya nito; tutungo ang eksena sa
isang pagbabalik-tanaw.
[INGAY: mga tao, mga tunog-barko sa pagtawag sa mga pasahero, atbp. Ang
eksena‘y sa loob ng isang mataong piyer.
PROBINSYANO: Ala e, alas-nuebe singko na! Alas diyes ikang sabing dapat na
oras ng aking paglulan sa barko! Paano ba ika? Di ko naman memoryado ang
piyer na ire! ‗Di ko alam kung saan ang barko? Ala e, makahingi nga ng
tulong. Iyon kayang dalawang mama roon?... Sige, matanong nga.
69
TERORISTA 1: Kailangang marahang marahan ang pagkalapag. Baka may
mapatid na kung ano‘t sumiklab nang wala sa oras.
TERORISTA 2: Oo na, alam ko‘ng gagawin ko! Masyado kang praning! Duwag
ka ba?
TERORISTA 1: Anong duwag?! Sino ba‘ng nagsimula nitong lahat?
TERORISTA 1: Nahulog!
[Unti-unting hihina ang ingay ng piyer, at iiral muli ang katahimikan. Balik sa
loob ng bagahe.
INGAY: ‗tooot‘]
[INGAY: „tooot‟
Dramatikong musika]
70
sasabog dapat ako… Ngunit bakit may habag? Ito ba‘y isang sablay sa‘king
pagkakagawa? Ano‘t may pag-aalinlangang sumabog? Ano‘t ayaw kong
pumatay? ‗Di ba iyon ang aking tungkulin? Ah, wala bang makapagsasagot?
… O dilim, nag-iisang kaibigan, bantayan mo ako...
TERORISTA 2: Tara na, napindot ko na. Alis na tayo! Baka maabutan pa tao ng
pagsabog!
TERORISTA 1: Sige!
PROBINSYANO: Ala e, ang sungit nga ng dalawang ‗yon! Kala mo naman may
regla?!
71
Huwag kayong mag-alala, ginoo, pinapangako kong ang pakikialam kong
sasagip sa buhay ko! Ah, maupo nga rito bago pa ako maunahan ng ibang
pasahero.
INGAY: ―tooot‖
Dramatikong musika]
[INGAY: „tooot‟]
[INGAY: ‗tooot‘]
BOMBA: Tatlong minuto!!! Kay sandaling panahon bago magwakas ang la-
hat! Ngunit maging ako, kakatwa, maging ang isipan ko, lumihis sa tunay na
landasin ng aking pagkakagawa. Isa rin ba akong hangal? Bomba‘ng ayaw
sumabog? Sandatang ayaw manakit? Karahasang ayaw man lang mangahas
na huminga nang malalim sa takot na makapatay ng insekto! Oo, kadiliman,
ako rin ay isang hangal! Isa ring baliw na tulad ng mga lumikha sa akin! Ang
mga piyesa ko‘y nagngingitngit na ngang lumiyab! Nangangamoy abo na‘ng
mga piraso. Nadadama ko na‘ng pag-init ng hangin! O baliw na sarili, pilitin
mong humimlay sa kadiliman. Naisin mo mang ‗di makapatay, tadhana‘y
suwail sa mabuti mong mithiin! Maghanda, mga piyesa, sa dakilang
pagsabog!
[Babalik muli sa barko. Ingay ng mga pasahero‟t iba pang mga tunog sa piyer.
Temang musika ng probinsyano]
72
TERORISTA 2: Malapit na‘ng lumipas ang labinlimang minuto! Maghintay lang
tayo rito!
Panoorin natin ang tagumpay ng ating kapatiran!
PROBINSYANO: Ang bagahe ho!!! Naiwan n‘yo!!! … Ay, malayo na, at muk-
hang ‗di ako naririnig!
[MATINDING PAGSABOG]
WAKAS
73
DULANG PANTANGHALAN – IKATLONG TAON
‖Lingon‖
ni Guelan Luarca
Casts:
MAGKAKAPATID
Akeem Aquino
Robin Anupol
JP Dayao
Jorem Domingo
Michael Victorio
Mga Tauhan:
[Pag-akyat ng tabing, makikita sina Pete, Juan, Ipe, Tom, at Santi sa hapag-
kainan.
74
Panalangin bago kumain.]
Sandaling katahimikan.]
MGA SERBIDOR:
Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.
Panginoong Diyos, basbasan Niyo po ang aming kakanin sa gabing ito.
Nagtitipun-tipong kaming magkakapatid alang-alang sa memorya ng
aming nasirang ama. Nawa‘y Kayo‘y kapiling na Niya. Amen.
***********
75
[Papasok si JUAN kasama ang iba pang mga SERBIDOR.
Ipaliligpit na‘ng lamesa.
TOM: Paminsan ba, naiisip n‘yong sana iba na lang ang ginawa natin dati?
Sana hindi tayo nakadadama ng pagsisisi sa tuwing iisipin natin ang
nakaraan? Kuya Pete, pa‘no kung ‗di ka na lang naglayas? [Kay SANTI.] E
kung ‗di ka na lang gumamit. [Kay JUAN.] Kung „di ka…iba? Si Ipe, paano
kung ‗di na lang siya naparalisa?
JUAN: Kung nakagagalaw si Ipe, naku, ang husay na sigurong magluto niyan.
Pinagmamasdan lahat ng ginagawa ko sa kusina. Kabisado‘ng lahat ng resipi
ko.
JUAN [sa iba pang MGA SERBIDOR]: Ilabas n‟yo na ang pahimagas.
JUAN: Wala, baka sabik lang sa matamis. Sabi ko nga sa ‗yo, mahilig ‗yan sa
matamis. Lalo na‘t alam niya ang laman ng pahimagas natin ngayon, paburito
kasi niya ang keyk.
[Maghahain ng keyk ang MGA SERBIDOR. Kakain sila ng keyk. Susubuan ni
SANTI si IPE, na tila nag-aatubiling kumain kung hindi sana ipinipilit ni SANTI.]
JUAN: Sige lang, kain ka lang Ipe.
[Matagal na katahimikan.]
JUAN: Tama ang nasabi ni Kuya Pete kangina. Tama rin si Tom. Mukhang sa
isang parte ng buhay nating mag-anak, nagkamali tayo nang lubusan. ‗Di ba‘t
panahon nang iwasto ‗yon? Hindi na ‗ko pupuntang Singapore –
76
PETE: Mabuti –
JUAN: Kung nasaan kayo, d‘un din ako mananatili. [Puwng.] Kuya Pete, Kuya
Santi, Tom, Ipe, mahal na mahal ko kayong lahat. E, dahil nagkamali tayo, ako
na‘ng tatangkang magwasto sa lahat ng sala natin. Noong una, wala pa
akong lakas na loob ituloy ang balak ko. Kinailangan kong makita kung
hanggang ngayon, hindi pa rin tayo nagbabago. Kung mga tanga‘t
mapagpoot pa rin tayo tulad ng dati. Kaya buti na lang, namatay si Papa ‗no?
Dahil kung hindi, paano ko pa kaya mawawasto ang lahat? Pete, mamamatay
ka rin lang naman dahil sa sakit mo; Santi, alam kong pagkatapos ng gabing
ito, kung hindi ko ipagpapatuloy ang balak ko, babalik ka pa rin sa bisyo mo,
at tiyak na hindi mo maaalagaang mahusay si Ipe; Tom, hindi ka tatanda, at
mananatili ka pa ring linta sa leeg naming mga kapatid mo; at siyempre, si Ipe,
ayoko nang magsalita tungkol sa kanya. Patawarin n‘yo ‗ko, pero alalahanin
n‘yong mahal na mahal ko kayo.
[Biglang magbubula ang bunganga ni IPE. Magpupumiglas siya. Pagkuwan,
mamamatay.
Titinag ang MGA SERBIDOR subalit sesenyasang huwag gumalaw ni JUAN.]
TOM: Anak ng –!
[Magbubula rin si SANTI. Mag-uubuhan ang magkakapatid dala ng bisa ng
lason.]
PETE [titingin sa kanyang plato]: Tarantado ka, Juan! May lason ba „to?
[Walang tutugon. Iiitsa ang plato. Tatayo‟t paparo‟t parito sa buong silid,
animo‘y nahihibang sa takot] Sabihin mong wala…
SANTI [tumatawa]: Oy, bakla, ito ba‘ng naisip mong paraan? [Hahalakhak
nang matagal, ngunit unti-unting lulusaw ang paghahagikhik at paghaharian
ng katahimikang tigib sa karuwagan.] Bahala na…[Mamamatay.]
PETE: May pamilya ako…
TOM: Oo nga, marami.
PETE [maglalabas ng baril; isterikal]: Hindi ako mamamatay. Hindi ako
mamamatay. Hindi ako mamamatay. Walang hiya ka! [Babarilin si JUAN.
Pagkuwan, mamamatay rin.]
JUAN [sa mga SERBIDOR]: Huwag kayong lalabas! „Pag namatay na kaming
lahat, ikuwento n‘yo sa mga pulis, sa mga mag-uusyoso, kahit sa mga
estranghero, may pakialam man o wala – ikuwento n‘yo sa kanila ang
kabayanihan ng limang magkakapatid. Hanggang sa pinakahuling hininga,
ikuwento n‘yo. Huwag na huwag n‘yong kalilimutan ang gabing ito.
[Magsisimula ang isang SERBIDOR na linisin ang kalat sa sahig.] Huwag
n‘yong hahawakan ang kahit anuman. Iwanan n‘yo ang lahat. [Walang
kikilos.]
[Katahimikan.]
TOM: Ito na ba‘ng kamatayan?...Halos wala namang pagkakaiba. E kung
ipinagbababaril mo na lang kami, sana tapos na. [Ngingiti.]
JUAN: Ngayon, mas malaya tayo, tingin mo? [Mamamatay.]
TOM: Salamat, kuya. [Sa mga SERBIDOR.] Kayo riyan,… [Mamamatay.]
[Mamamatay sila.]
77
KADILIMAN
MGA SERBIDOR:
***********
[LIMANG MAGKAKAPATID]
PETE: ―Jowa‖–?
JUAN: Nobyo!
TOM: Naku, pa‘no ‗yan? Ikaw na‘ng parang magulang niya. Mahirap na.
JUAN: Hindi ko p‘wedeng isama si Ipe. ‗Di ba patas lang na iba naman sa
inyo‘ng mag-alaga sa kanya?
PETE: Ako ang mas may-kaya, at bukod do‘n, mas marami akong atraso ‗di ba?
SANTI: Sino ba‘ng naroon sa tabi ni Ipe n‘ung nahulog siya sa hagdanan?
Sino‘ng tumakbo kina Mama at Papa nung nabalian ng katawan ‗tong si Ipe?
Ako ‗di ba?
PETE: Ano‘ng kinalaman n‘un? Paano mo maaalagaan iyan, e kahit ang sarili
mo, hindi mo mapangalagaan?
78
PETE: E ‗yung pagtuturok mo!
Samantala, papasok ang isa pang SERBIDOR, na may dalang bote ng alak. Sa
pagitan nitong huntahan, alanganin siyang papasok, halot nagdadalawang-
isip lumabas, ngunit sesenyasan ng isa pang SERBIDOR na magpatuloy.]
SANTI: Patay na sina Papa. Sila lang naman ang dahilan kung bakit hindi ko
kinukuha si Ipe. Hindi rin nila ako pinagkatiwalaan. Ngayong wala na sila,
dapat ko nang alagaan si Ipe.
SANTI: Oo!
PETE: E kung bigla kang masobrahan? Kung bigla kang mamatay, walang
nakaaalam, paano si Ipe? Ha!?
SANTI: Titigil ako! Pati ba naman ‗yun, hindi n‘yo pa ako mapagbigyan? Sa
inyo na nga lahat ng mga naiwanan ni Papa, bigay n‘yo na sa ‗kin si Ipe, ano
ba? May bahay ako, binili ko ‗yon, ako mismo ang nagbayad! May sahod ako.
Malaki rin ‗yon kung hindi ko ipambili. May negosyo. Ano pa‘ng hinihingi
n‘yo? Titigil ako, sige!
PETE: Hindi ako makapapayag mahulog sa kamay ng isang adik ang kapatid
ko.
79
SANTI: Hoy, hoy, hoy! Huwag n‘yo nga ‗kong husgahan. Wala akong
sinasaktan sa bisyo ko, liban sa sarili ko. Wala akong kinakalat na sakit! Hindi
ko kailangang umasa sa iba, at sa tuwing hindi maabutan ng limos,
nagdadabog! Hindi ako nagpapagamit at nagpapaloko sa mga binatang
mukhang pera!
Lahat tayo rito, walang mapagmamalaki. Kung diring-diri kayo sa bisyo ko,
puwes, hayaan n‘yo nang manirahan sa iisang bubong ang isang adik at
isang walang-kuwentang mamamayan ng Pilipinas na ni hindi marunong
maghugas ng sarili niyang puwet!
KADILIMAN
MGA SERBIDOR:
***********
[LIMANG MAGKAKAPATID]
PETE: Iiwanan n‘yo ‗kong walang nalalaman tungkol sa buhay n‘yo, tapos
ngayon, parurusahan n‘yo ‗ko?
SANTI: Hindi naman sa ganu‘n, Pete. Ang kaso kasi, hindi ka namin nakikita.
Ni hindi nga namin alam kung pa‘no ka kokontakin. Tuwing may kaarawan
ng kung-sino, hindi ka pumupunta. Alam mo, wala nga kaming nababalitaan
sa mga pamangkin namin, e.
PETE: Kailan ba ako naging malapit sa inyo ha? Patawad, pero may sarili
akong buhay. Marami akong inaasikaso, at mas kumportable akong
nabubuhay nang mag-isa, nang hindi kayo kasama. Ang hirap-hirap
magpatawad ni Mama at Papa. Ba‘t pa ‗ko luluhod sa harap nila para sa isang
salang nagawa ko noong wala pa ‗kong nalalaman, ha? Kaya ko namang
palamunin ang sarili ko, hindi ko kailangang ngatain ang sahud nila, may
sarili akong hanap-buhay. Hindi ko kayo kinailangan. Ginagamit n‘yo kong
dahilan para sa mga kapalpakan ng nakaraan ninyo – kayo mismo ang may
kasalanan kung bakit kayo nagkandaletse-letse, hindi ako! [Mahabang
katahimikan.] Patawad…
80
SANTI: Tapusin na nga lang natin ‗tong hapunan.
PETE: May HIV ako. Hindi ko alam kung kailan ko nakuha, pero tiyak akong
mayro‘n akong mga asawa‘t anak na nahawa sa ‗kin. Hindi ko pa masabi kay
Lidya. Hindi ko alam kung alam n‘ya. Bahala na…
[Katahimikan.]
PETE [biglang maiiyak na parang bata]: Mga tarantado kayo! Ano ba‟ng akala
n‘yo sa ‗kin, walang puso? Maniwala kayo sa ‗kin, sa tuwing susubukan kong
dumalaw rito, naduduwag ako. Naaalala ko lahat ng pagkukulang ko kay
Mama‘t Papa, sa inyo. Parang hindi pa ‗ko handang patawarin sina Papa, at
‗di rin niya ako mapatawad. Bakit? Ako naman sa ‗tin ang pinakamatagumpay
a. Kung sana man lang nakita nila ‗yun, hindi lang nila alam, e. Tom, bukas na
bukas din, tatawag ako sa Surigao, babawiin natin ang lupa.
JUAN [sa MGA SERBIDOR]: Salamat. Ipalabas n‟yo‟ng mga inumin. [Muli, sa
mga kapatid.] May balak akong mag-abrod. [Aparte.] Kung maganda‟ng
kalabasan ng gabing ito.
KADILIMAN
MGA SERBIDOR:
Ang kabulukan ng ugat ay nababakas sa punla. Ang kahinaan ng
makata, sa ligasgas ng kanyang tula. Ganoon din kaya sa isang taong
makasalanan, namamana ang mga kasuklaman ng kanilang kanunu-
nunuan?
***********
[LIMANG MAGKAKAPATID]
JUAN: Kain na. [Sa MGA SERBIDOR] Kahit isa lang sa inyo muna ang manatili
rito. Patatawag na lang yung iba kung kailangan. [Balik sa mga kapatid.]
Subukan niyo yung adobo, sinunod ko reseta ni Nanay.
81
PETE: Tom, kumusta‘ng paghahanap mo ng trabaho?
TOM: Wala –
TOM: Napadaan ako sa Kalentong nung isang araw, Huwebes ‗ata ‗yun –
SANTI: Hinayupak trapik du‘n, Tom. Kaya ‗di ako dumaraan d‘on e. Mga dyip,
tarantado mga dyip d‘un –
TOM: May bagong tinatayo ro‘n sa may tabi ng Puregold. Laki. [Kay PETE.]
Ahensya mo ba ‗yung gumagawa ro‘n?
PETE: Oo.
JUAN: Medyo normal naman. Parang walang nangyayari. Sabi nga ni Dok
Quimpo masakit talaga ang kanser sa atay. Pero kung titingnan mo si papa
noong mga huling sandali niya, parang walang nararamdaman.
82
JUAN: Napansin na‘ng sintomas niyan n‘ung mga limang buwan bago siya
nagpakonsulta. Laging nananakit ‗yung tagiliran, tapos ‗yung bato pa niya ‗di
ba?
JUAN: Oo. ‗Di paaawat, tsaka halos ‗di nakatatrabaho ‗yan ‗pag ‗di nakainom
maski kaunti.
PETE: Natatandaan n‘yo ba ang mga huling sinabi ni papa? Bago siya
pumanaw.
[Katahimikan.]
JUAN: Tom –
TOM: Tapos tsaka nagmumumura. Wala raw nagmahal sa kanya liban kay
Juan. Kahit ako, dinamay. Nag-iiiyak pa nga nung kinuwento niya kung
paano natin siya tinalikuran dati. Mga inggrata. Mga ‗di marunong lumingon
sa pinanggalingan –
PETE: Juan, alam mong dadating ako kung tumawag ka lang sa ‗kin. Ba‘t di
mo ginawa ‗yun?
JUAN: Patawad –
JUAN: E kaya nga. ‗Yun nga‘ng sinasabi namin. Masyado kang maraming
ginagawa, kaya hindi ka na namin ginustong abalahin pa.
83
TOM: Masyado ka maraming pamilyang pinakakain.
JUAN: Tom –!
TOM: Ano? Kaya nga ako hindi napag-aral ni Kuya ‗di ba?
[Matatawa si SANTI.]
PETE: Ang kapal naman ng mukha mo, Tom, para pakonsyensyahin ako–
dahil lang may sarili akong buhay, at sariling mga pananagutan na kailangan
kong pangalagaan. Hindi kita responsibilidad. Kung nagtrabaho ka sana –
PETE: Huwag mong idadahilan ‗yon. Ang sabihin mo, wala kang ambisyon!
Hanggang sa pinakadulu-duluhang sandali ng buhay nina Mama at Papa,
kumapit ka lang sa kuko nila, dahil wala kang sarili mong bayag! Batugan
kang punyeta ka! Hindi ka makahanap ng disenteng trabaho? Puwes maglinis
ka ng mga pinggan. Punong-kusinero sa Shangri-La ‗yang si Juan, ba‘t ‗di ka
nagprisinta sa kanya?
TOM: Hindi, kuya, ngayon na nga lang tayo nagkikita-kita, hayaan mo nang
malantad ang lahat. [Puwang.] Kuya Pete, kumusta na si Lidya? E si Raquel? E
si Leklek, yung istuwardes? E yung higit dalawampung putang naanakan mo
na, at bawat isa may bastardong hindi dala ang apelyido natin –
JUAN: Labas!
84
[Sa padabog na pagtayo‟t paglabas ni TOM, mahuhulog ang kanyang baso at
titilapon sa sahig ang mga laman nito.]
[Sesenyas ang SERBIDOR sa lagusan ng silid at mula roo‘y papasok ang isa
pang SERBDIOR.]
PETE: Kagaguhan!
JUAN: Kuya, alam mo naman ‗yang si Tom, palibhsa, bunso natin. Binenta na
ni Papa ‗yung maliit na sakahan natin sa Surigao. Pinangarap pa man din ni
Tom na palaguin ‗yun.
PETE: Iiwanan n‘yo ‗kong walang nalalman tungkol sa buhay n‘yo, tapos
ngayon, parurusahan n‘yo ‗ko?
KADILIMAN
MGA SERBIDOR:
Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen. Pangi-
noong Diyos, basbasan Niyo po ang aming kakanin sa gabing ito.
Nagtitipun-tipong kaming magkakapatid alang-alang sa memorya ng
aming nasirang ama. Nawa‘y Kayo‘y kapiling na Niya. Amen.
***********
(PETE, JUAN, IPE, TOM; kapapasok pa lang ni JUAN kasama ni IPE, na pauu-
puin ng nauna sa isang upuan sa lamesa; paroo‘t parito sa silid ang mga SER-
BIDOR, naghahanda sa lamesa.)
TOM: Kuya Juan, tumawag nga pala ‗yung kaibigan ko, si Patrick, sinisingil na
‗ko.
85
JUAN: Wala. ‗Yung kaibigan lang niya…
[Papasok si SANTI.]
SANTI: Patawad mga pare, lintik ang trapik e. Tara na, gutom na ‗ko.
[Magsisiupuan.]
KADILIMAN
MGA SERBIDOR:
Huwag kang lilingon, kaibigan kong lagalag. Baka ka mapatid.
Hindi mo maaarok ang dahas ng daanang tinahak mo, ‗pasalamat ka‘t
manhid na‘ng mga paa mo. Huwag na huwag kang lilingos, makirot ang
gunita. Isa itong haliparot na dalaga. Iiwanan ka para sa iba. Huwag
kang lilingon.
WAKAS.
86
DULANG PANTANGHALAN – IKATLONG TAON
―OBITUARYO‖
ni DJVilleza
TAUHAN:
-Lolo Juanito
-Kaibigan ni Tres
-Tres
-Tito 1 (John)/ Boses 3
-Tito 2 (Emmanuel)/ Boses 4
-Anak ng Kapitbahay
-Kapitbahay
-Boses 1
-Boses 2
Tagpo:
May isang upuan sa gitna ng isang kuwarto; madilim ang buong paligid nito
habang nagkalat sa inalpombrang sahig ang mga pira-pirasong mga ginupit
na diyaryo. Sa gawing kaliwa, may mesa. Sa gawing kanan naman nito‘y ang
mga pinagpatong-patong pang mga diyaryo.
Boses 2
Nakapagdesisyon na siya!
Boses 3
Kuya, ‗wag ka nang pumalag… titulo lang naman ang hinihingi namin eh…
Mahirap bang magbigay ng isang kapirasong papel sa amin? (Hahalakhak)
Boses 2
Mahalaga ito kay itay… Ipinagpasa-pasa na ito sa buong linya ng ating
angkan…
Boses 4
Wala kaming pakialam. Ibigay mo na sa amin ‗yan. Sadyang nasa panahon
kami ngayon ng kagipitan.
Boses 2
Ilang beses na ba kayong ginipit niyang mga katarantaduhang
pinaggagagawa ninyo sa mga buhay ninyo?
Boses 3
Sumosobra ka na! ‗Kala mo kung sino ka nang makapagsalita! Hindi dahil sa
paborito ka ni Itay, gaganyanin mo na kami!
87
Boses 1
Bakit, hindi ba totoo ang mga ‗pinagsasasabi ng asawa ko?
Boses 3
Aba‘y sumasagot ka pa---
Boses 4
Huminahon ka. (Sesenyas kay Boses 3) Kuya, alam naming ipinagkatiwala sa
iyo iyan ni itay para hindi na namin makuha. Pwes, ‗wag mo na akong sisisihin
kung hindi na kita nadaan sa maayos na usapan. (Maglalabas ng baril.) Na-
saan na ang titulo? H‘wag mo nang hintaying makalabit ko pa ‗to…
Boses 2
Daan-daang ektarya ang sakop ng mga titulong ipinagkatiwala sa akin.
Matuto lang kayo maghintay… tama, maghintay… Ipamamana rin sa inyo iyan
ni Itay. Ibaba mo ‗yang baril mo Emmanuel. Masamang biro iyan.
Boses 4
Hindi naman ito biro, kuya… Marahil sa iyo, oo.
(Maririnig ang pagputok ng baril. Sisigaw si Boses 1)
Boses 3
Bakit mo siya pinatay? Hindi na natin tuloy malalaman kung nas‘an na ang
mga titulo…
Boses 4
Walang problema. Nariyan pa ang mag-ina.
Boses 4
[Kakausapin si Boses 1] Ikaw. Alam mo ba kung nas‘an ang mga titulo?
Boses 1
Wala akong alam! Hindi ba kayo naaawa sa ama ninyo! Iyon na lang ang
tanging pag-aari niya…
Boses 3
Wala kaming kinilalang ama.
(Itutulak si Boses 1, at ito‟y madadapa. Tatawa si Boses 3)
Boses 4
[Kakausapin si Boses 3] Wala na tayong mapapala, John. Ayaw sabihin sa atin
ng ating kapatid. Wala namang alam ang mag-ina. Mukhang si Itay na lang
talaga ang kailangan nating puntiryahin… (Titingin kay Boses 1) Liligpitin ko
rin ba kayo ng anak mo?
Boses 1
Mga walanghiya---
88
Boses 4
Tanga.
TRES
(Hinihingal)
Isang bangungot. Isa lang bangungot…. (Bubuntong-hininga)
TRES
Kamusta na ‗ho kayo? Ako po si Tres, apo niyo.
LOLO
Kilala ba kita? (Titigil at pagmamasdan ang mukha ni Tres.) Pamilyar ang
mukha mo sa akin, anak… (Makikita bigla ang mga nagkalat na diyaryo)
TRES
Apo niyo po ako.
LOLO
(Parang walang narinig)
Anak, pakikuha nga naman ‗yang diyaryong iyan (tuturo sa isa sa
mga nagkalat na diyaryo).
(Ililipat ang mga pahina ng diyaryo tungo sa may bandang dulong bahagi
nito.)
TRES
(Ngingiti, ngunit isang malungkot na ngiti)
‗Yan na naman ho kayo… ‗Lo, bakit niyo po bang paboritong
basahin iyan?
LOLO
Dito ko lamang silang muling makikita… Dito ko lamang malalaman
kung ano na ang mga kinahinatnan ng kanilang mga kapalaran, at kung sinu-
sino pa ba ang mga natitira…
89
Hayan, may isa na naman. Wala namang pasintabi‘t hindi man
lamang namaalam nang maayos! Si Fulgencio talaga!
TRES
Bakit niyo po bang ginagawang pampalipas-oras ang paggupit ng mga… ng
mga… OBITUARYO? Simula nang mamatay ang Lola, iyan na ho ang ginaga-
wa ninyo…
LOLO
(Hindi pinansin si Tres, at nagupit na ang isa namang piraso ng papel. Pinag-
mamasdan niya ang nagupit na papel)
O Fulgencio! Ano ‗to? ―Isang mabuting ama‖…? (Tatawa) ‗Ni isang
beses nga eh di mo man lamang sinustentuhan ang iniwan mong… kabila!
(Tatawa muli)
TRES
(Pupulutin at liligpitin ang mga nagkalat na diyaryo)
‗Lo, mga nakalipas na po itong mga diyaryo… at… wala na pong
silbi, kung may balak po kayong bisitahin ang mga burol nila… [puputulin]
LOLO
Nasaan na ba ang aking pinakamamahal na kahon? Saan ko nga ba
nailagay iyon?
(Titingin kung saan-saan)
TRES
Ito ‗ho.
(Iaabot ni Tres ang kahong kanina lamang ay nasa tabi niya kay Lolo Juanito.
Bubuksan nito ang takip, at ilalagay ang nagupit nang piraso ng Obituaryo sa
loob nito.)
LOLO
Aking mga kaibigan, aking mga minahal… Sadyang masayahin at
mahilig makipaglaro ang oras, kaya‘t kung minsan, ‗di na natin ito mahabol.
90
panig ng mga Tito ni Tres, at hindi kay Lolo Juanito. Hindi man lamang
nagmano ang dalawa. Ang isa‘y humihithit ng sigarilyo, habang ang isa
naman ay katatapos lamang, at inapakan ang upos nito sa inalpombrang
sahig.)
TITO 1
Sabi ko na nga ba‘t iyan at iyan pa rin ang ating aabutan!
TITO 2
Tuwing isang linggo lang tayo dumadalaw, ganito pa ang iyong
madadatnan!
Hoy tanda!
(Tatawagin si Lolo Juanito, habang nasa dulong sulok naman si Tres, patuloy
pa rin sa pagliligpit ng mga diyaryo, ngunit ngayo‘y nakasimangot na sa
harap ng dalawang Tito.)
LOLO
(Ngayo‟y mapapansin bigla ang dalawang Tito; gulat)
Sino kayo? Anong ginagawa niyo rito? Paano kayo nakapasok sa pamamama-
hay ko?
TITO 1
―Pamamahay ko?‖ (gagayahin ang sinabi ng lolo)
TITO 2
―Pamamahay ko?‖ (uulitin ang sinabi ng lolo, may halong pangungutya; sa-
bay silang tatawa ng dalawang tito)
TITO 1
(Titingin muli sa mga nakaligid sa kanila)
Unang-una, isang bang pamamahay maituturing ito? Halos magmukhang
imbakan na ng basura ito ha!
TITO 2
Wala ka talagang utang na loob.
TITO 1
Maliban pa sa mga utang mo!
TITO 2
Parehas lang iyon, John.
TITO 1
Uh — basta marami ka nang utang!
LOLO
Utang? Paano ako magkakaroon ng utang sa inyo? ‗Ni hindi ko nga kayo
kilala?
91
TITO 2
Eh sira naman pala ‗tong matandang ‗to!
TITO 1
‗Tol, hinay lang… ulyanin na ‗yan eh.
LOLO
Hindi ko kayo maintindihan. Ako‘y nananahimik lamang dito‘t kayo‘y bigla na
lamang pumasok nang walang pahintulot! Gusto niyo bang tumawag ako
ngayon ng… (mag-iisip nang sandali) ng mga pulis?!
TITO 1
(Tatawa) Subukan mo. Eh kung sabihin ko kaya sa iyong kami ang
nagbabayad ng linya ng telepono mo!
TITO 2
…ng kuryente!
TITO 1
…at ng tubig!
TITO 2
May nakakalimutan ka pa, John… Ang rasyon ng mga pesteng
diyaryong ito! Buti na lang at tinigil na natin. Ako, matagal na akong
nagtitimpi sa gagong matandang ‗to!
TRES
(sasabat bigla) „Wag niyong pagsalitaan nang ganyan si Lolo!
TITO 2
Alam mo naman siguro kung bakit kami naparito?
LOLO
Hindi. Hindi ko alam.
TITO 1
Ulyanin kasi siya, ang kulit! Kaya nga linggo-linggo tayong pumu-
punta rito, para isaksak nang kahit kakaunti sa kanyang kukoteng pabulok na
ang ating hangarin.
TITO 2
(Ngingiti bigla)
Tama… tama. Ewan ko pa kung natatandaan ninyo… (biglang may
bahid na ng paggalang ang tinig ng kanyang boses) ang pangako ninyo?
LOLO
Pangako?
TITO 1
Matapos mamatay ang ina, na sinundan ng pagkamatay rin ng
aming nakatatandang kapatid at ng kanyang pamilya sa isang aksidente,
lubos ninyong dinamdam ang kanilang pagkamatay. Kami naman, dahil
napakauliran naming mga anak, ay patuloy na iniintindi ang lahat ng inyong
mga pangangailangan.
92
TITO 2
At dahil nga, uliran kaming mga anak, nangako kang ibibigay mo
nang maaga ang iyong pamana sa amin.
TITO 1
Kahit hindi ka pa… (Sesenyas ng paglaslas ng leeg)
LOLO
Wala akong natatandaang may ganoon akong nasabi.
TITO 1
Meron ka kasing sinabi sa amin! Sinabi mong dahil napakabait
naming mga anak na patuloy na nag-aaruga sa iyo ---
TRES
Pawang mga kasinungalingan!
TITO 1
(Hindi pinansin si Tres)
TITO 2
Hoy, John, ‗wag mo akong igaya sa ‗yo! Kasal nga, pero dalawa naman ang
pinamamangkaan! Balak ko rin namang magpakasal sa ina ng mga anak ko…
kapag may sapat na akong panggastos…
TITO 1
(tatawa) Hindi ko na „yan problema. Ang kailangan ko ngayo‘y ang mga titulo
ng lupa… Ilang buwan mo na rin kaming inuudlot, tanda. Kailan mo ba ito
ibibigay?
LOLO
Wala akong alam sa mga pinagsasabi ninyo!
(babalik sa kanyang upuan) Umalis na kayo… mga walang modo!
TITO 2
Sabi ko sa‘yo John eh, ‗di na naman niya matandaan kung saan niya itinago
iyon… ‗Di bale… babalik na lang tayo kinabukusan… Aaraw-arawin na natin
‗tong matandang ‗to.
(Sisipain ang mga nakalatag nang mga diyaryo)
TITO 1
Buti na lang at dalawa na lang tayong magkahati sa lupang iyon!
TRES
Sila ho ba ang matatawag ninyong mga anak?
93
LOLO
Hindi ko sila kilala.
TRES
Matagal na ho silang pabalik-balik dito, ‗Lo. ‗Wag ho kayong
magpalinlang sa kanilang mga pinagsasasabi.
LOLO
May nabanggit ba talaga akong ganoon?
TRES
Ang alin ho?
LOLO
Ang ukol sa isang pangako?
TRES
(Titigil nang sandali) Meron ho.
LOLO
Kung ganun pala‘y sila‘y talagang mga anak ko… ano ba ang naging
atraso ko sa kanila‘t gano‘n sila makapagsalita?
TRES
(Iibahin ang usapan)
‗Lo, saan niyo po nais kong ilagay ang kahon ng mga Obituaryo?
LOLO
Sa isang sulok lang diyan, anak.
(Ilalagay na ni Tres ang kahon sa may mesa)
LOLO
Ah… Tres… tama, tama…
TRES
(Lalapit sa upuan ng Lolo.)
‗Lo, oras na ho ng inyong pamamahinga… (Titinging ang lolo sa kahon na
nakalagay sa may sulok) ‗Wag ho kayong mag-alala… Iingatan ko po iyan.
LOLO
Sige… sige… (dahan-dahang maiidlip sa kanyang kinauupuan, habang may
hawak-hawak na isang piraso ng diyaryo). Hanggang sa pamamahinga ko,
hindi ako tinitigilan ng oras na iyan…
TRES
Matulog na ho kayo. Ako naman po ang magbabantay sa inyo.
94
[KINABUKASAN]
Kapitbahay
‗Lo… kakatok ho sana ako… pero… inabutan kong nakabukas ang pintuan…
AAHH! (Mapapasigaw at magugulat, habang nakitang namamahinga si Lolo
Juanito)
Susmaryosep! Diyos ko, huwag naman sana ang iniisip ko! Wala na nga ang
matandang ginang, pati ang isa nilang anak, ‗wag naman sana siya!
Kapitbahay
(Gulat) Ay aleluya! Buhay kayo!
Lolo
Sino ka? (Magtataka. Pagmamasdan niya ng matagal ang kapitba-
hay) Susunduin mo na ba ako tungo sa itaas?
Kapitbahay
Anong susundu—-? Hindi, hindi, ho ‗Lo! Mali ang akala ninyo!
Lolo
(Magtataka ulit. Ngayon nama‟y may bahid na ng takot ang
kanyang mukha) ‗Wag mong sabihing tungo sa… ibaba?
Kapitbahay
Hindi po! Bumisita lang ho ako sa bahay ninyo para ihatid sa inyo
itong pagkaing ito. Ako po ung nakatira sa bahay na katapat ng sa inyo, kung
natatandaan niyo pa po.
Araw-araw ko naman po kayong dinadalaw para dalhan ng mga
pagkain. Kung bakit naman kasing napaka-ingrata niyang mga anak ninyo!
Lolo
Salamat naman sa inyong pag-aalala.
Kapitbahay
Kung minsan naman po, subukan ninyong lumabas ng bahay…
Makabubuti po sa inyo iyon…
Lolo
Sige, susubukan ko. Ngunit marami pa ring mga alaala ang
nanunumbalik kapag sinusubukan kong lumabas kung minsan…
Kapitbahay
(Ibubulong sa sarili)
Akala ko ba ulyanin ‗tong matandang ito?
Ah… eh… napakahirap siguro ang mamuhay ngayon nang mag-isa…
95
Lolo
Hindi ako nag-iisa.
Kapitbahay
(Iiwan ang ulam sa mesa) Mawalang-galang na ho… uuwi na po ako
sa amin, baka hinahanap na ako. Dadalawin ko na lang ho kayo muli
kinabukasan. Sana magustuhan ninyo ang luto ng misis ko.
(Umalis ang kapitbahay. Makalipas ang ilang sandali, may kakatok. Papasok
ang Kaibigan ni Tres. Pagkapasok, pagkamangha ang makikita sa kanyang
mga mukha.)
KAIBIGAN
Sampung taon… Napakalaki ang nagawa ng limang taon…
LOLO
Sino ka? Bakit ba ang daming labas-masok sa pamamahay ko nang walang
pahintulot?
KAIBIGAN
Ah, sinubukan ko naman hong kumatok.
LOLO
Anong pakay mo rito? (parang masakit na ang kalooban) May pakay ka rin ba
sa akin?
KAIBIGAN
Hindi niyo po ba ako natatandaan, ‗Lo? Talagang nakamamangha ang
nagagawa ng limang taon!
LOLO
Pasensiya na. (Tatayo, at titingnan nang mabuti ang kaibigan) Ah, ikaw nga.
Natatandaan kita… Ikaw ang matalik na kaibigan ni Tres! Kay laki na nang
pinagbago mo!
KAIBIGAN
(Magmamano) Buti na lang ho‟t natatandaan niyo pa ako. Wala naman ho
‗atang nagbago sa inyo, ‗Lo! Nabalitaan ko nga po pala ang pagkamatay ng
inyong ginang… Ikinalulungkot ko po…
LOLO
(Parang walang narinig) Pagpasensiyahan mo na talaga. Matagal na
akong inabandona ng mga alaala ko… Nagkataon lang na namukhaan kita.
KAIBIGAN
O sige ho… hindi na po mahalaga sa akin iyon. Napadalaw po ako para
kamustahin kayo at si Tres. Nasaan po siya? (Titingin-tingin sa kanyang
paligid)
LOLO
Nagtataka nga rin ako eh. Pagkagising ko kanina, umalis na siya.
KAIBIGAN
Ganun po ba? (Mag-iisip) Matagal ko na kasing hindi nakakausap iyon.
Magmula nang lumipat kami ng pamilya tungo sa ibang bansa, wala na po
96
akong naririnig ukol sa inyo at kay Tres. Eh, iba na po ang nagawa ng limang
taon. Marami nang nagbago. Pero disedido pa rin ako bumalik sa bansa, at
sinuwerte kami‘t may negosyong naipundar si Itay para dito na kami
mamalagi muli… Nagbabaka-sakali lang ako, ‗Lo, kaya ako napunta rito, kung
narito kayo, at kung nandito pa ang kaibigan ko.
LOLO
‗Di bale ‗pag dumating ang apo ko, ipaaalam ko na dumalaw ka at
nangamusta.
KAIBIGAN
Salamat, ho. Baka babalik naman ho ako sa susunod na linggo. Sige, ho.
LOLO
Aba‘y nagbalik ka na… May naghahanap sa iyo kanina, yung matalik
mong kaibigan…si… (Mag-iisip nang sandali, at ganap nang nakalimutan)
Anong pangalan mo ulit, iho?
TRES
Ako po si Tres, apo ninyo.
LOLO
Tama, Tres. Tama… May naghahanap sa iyo kanina.
TRES
Palagi naman po eh.
LOLO
Syangapala, maaari bang iabot mo sa akin iyang kahong dala-dala mo?
(Iaabot ni Tres ang kahon.)
Makita nga kung sinu-sino ulit ang mga narito‘t nakahimlay sa loob
ng kahong iniingatan ko… Hay, mahirap na talaga ang tumatanda… halos
wala na akong naaalala kahit sa mga ginawa ko noong nakalipas lamang na
mga minuto.
TRES
Pero tingnan niyo, araw-araw niyo na talaga ‗yang nakagawian.
LOLO
(animo‟y walang narinig, hinahalungkat na ang mga obituaryo)
Fulgencio… Luzviminda, ang aking kinakapatid… Diosdado, hindi ko
na matandaan kung sino ka… at… Juanito…?
Tama ba ang nakasulat dito?
TRES
(Magugulat) Baka ho nagkakamali kayo ng basa…
97
LOLO
Pangalan ko ang nakasulat sa Obituaryo!
TRES
Hindi ho ---
LOLO
Juanito Cruz! Ako ito! Patay na… ako?!? (Natutuwang tinanong niya
si Tres.)
TRES
Mali ho ---
LOLO
(Babasahin muli nang mabilis ang obituaryo) “Juanito Cruz.
Pumayapa na kasama ang kanyang mga nakahimlay na minamahal.‖
Kung gano‘n, nasaan na ang iba? Ang iba pang mga kaibigan ko?
Narito na ako‘t pumayapa na rin, sa wakas! Ako mismo ang gumupit ng sarili
kong obituaryo! (Tatawa) Napakaulyanin ko talaga!
Pati ba naman ang pagkamatay ko, nakalimutan ko pa? (Tatawa)
TRES
Nagkakamali ho kayo---
LOLO
Matagal na akong patay!…Salamat sa Diyos! Pero nakakapagtaka… wala
akong naramdaman nang mamatay ako… at hindi ko alam kung pa‘no ako
ulit namatay… Salamat sa Obituaryo… naalala ko nang patay na ako.
TRES
Hindi kayo patay!
(Pasok bigla ang dalawang Tito. Ang kanilang mga hitsura‟y galit na galit.)
TITO 1
Hoy, tanda! Isang araw na ang nagdaan. Alam mo na ang pakay
namin.
TITO 2
Inip na inip na kami!
LOLO
Natatandaan ko kayo! Mga walang modong anak ko!
TITO 1
Buti naman at nakikilala mo na rin kami, tandang Juanito! Siguro
naman, natatandaan mo na rin kung saan mo na nilagay ang mga titulo ng
lupang ibibigay mo na sa amin?
LOLO
(Tatawa) Wala kayong makukuha sa akin! Paano‟t ngayon ay wala
na ako!
TITO 1
Anong wala ka na?
98
LOLO
Patay na ako! Wala na kayong makukuha sa akin!
TITO 2
Aba‘y hindi lang pala ulyanin ‗tong matandang ‗to ah! Maluwag na
rin pala ang turnilyo! Akala mo ba madadala kami sa ganyang palusot mo?
TITO 1
Marami na ang oras na aming sinayang upang gugulin lamang sa
pagtatanong sa iyo ng mga tanong na ilang beses nang naulit na
NAITANONG! Nasaan na ang mga titulo?
LOLO
Ayaw niyo talagang maniwalang patay na ako? (Ipapakita ang
piraso ng Obituaryo ng kanyang pangalan)
Hayan! Hindi ba iyan pruweba na patay na ako?
TITO 1
(Babasahin) Tarantado ka pala eh! Hindi mo naman pangalan iyan!
Ulyanin! (Akmang susuntukuin)
LOLO
Hindi kita maintindihan!
TRES
(Sasabat) „Wag ninyong pagtangkaing saktan si Lolo Juanito! „Wag
niyo nang uulitin ang ginawa ninyo!
TITO 2
(Hindi pinansin si Tres) Nasaan na ang mga titulo!?
LOLO
Walang titulo! Patay na ako! Kasama ko na rin sa wakas ang mga
taong mahalaga sa buhay ko! (Yayakapin ang kahon) At hindi kayo kasama
rito!
(Ilalabas ang mga laman ng kahon: ng maraming mga obituaryo; malalaglag
ang obituaryo ng kanyang pangalan)
TITO 1
Wala naman talaga kaming pakialam kung ano kami sa iyo, baliw!
Wala akong pakialam diyan sa kahon mong puro obituaryo ng mga nabulok
mo nang mga kaibigan --- ng bulok mong nakaraan, kasalukuyan, at malapit
na rin, huwag ka nang mag-alala, sa iyong mabubulok na kahihitnatnan! Ang
tangi lang na gusto kong makuha ay ang mga titulo, tanda. Magpasalamat ka
at hindi ko pa naisipang magdala ng baril ngayon, at mahaba pa ang
pasensya namin ng kapatid ko.
TRES
‗Wag ninyong sasaktan ang Lolo ko! ‗Lo! (Sa Lolo) Kahit anong
mangyari, ‗wag ninyong ibibigay ang kahon ninyo! (Pumapagitna sa Lolo at
sa mga Tito, pero hindi pa rin siya napapansin) Tungkulin kong alagaan si
Lolo…mula sa inyo!
99
TITO 2
John, alam ko na. Kunin mo sa kanya ang kahon. At itapon mo! ‗Di
ba mahalaga sa iyo iyan, tanda? Puwes, babawiin namin sa iyo ngayon iyan,
at ibabalik lang namin ito kapag ibinigay mo na sa amin ang mga titulo.
TRES
Inihabilin siya sa akin ni inay ---
TITO 1
Sige. (Aagawin sa matanda ang niyayakap na kahon ng mga
Obituaryo)
Tres
(Kakausapin si Tito 2) Bakit hanggang ngayon, pinagmamalupitan niyo pa rin
siya? Wala kayong mapapala! Matagal na niyang nakalimutan kung nasaan
na niya nailagay ang mga titulo! (Animo‘y poprotektahan si Lolo Juanito)
Tito 1
Aba‘t pumapalag ka pa sa kalagayang mong iyan! (Susuntukin niya si Lolo
Juanito. Makukuha na rin sa wakas ni Tito 1 ang kahon)
TRES
Tigilan niyo na siya! ‗Yan lang ang tangi niyang iniingatan at
nalalabi sa buhay niya! Ninanakaw ninyo ang kanyang mga alaala!
LOLO
Wala kayong makukuha! Ibalik ninyo na sa akin iyan! (Lalapitan ang
dalawang Tito, at akmang aagawin.)
TITO 2
John, ‗wag mong hayaang mapunta sa kanya iyan! (Mag-iisip
sandali) Bweno… punitin mo nga isa-isa ang mga laman niyan… (Tatawa)
TITO 1
Tama! (Tatawa)
LOLO
Huwag… wala kayong makukuha… itigil ninyo iyan…
TITO 1
Paalam, Fulgencio… (Pupunitin, at tatawa) Paalam Luzviminda (Hahalakhak
pa lalo)… (Titingin pa sa isang obituaryo) Anong klaseng mukha iyan!?
(Tatawa) Punyeta!
LOLO
Huwag!
TITO 1
(Hahalungkat pa nang kaunti sa kahon, at magugulat sa nakuha)
KUYA! KUYA! TINGNAN MO! NARITO ANG MGA TITULO!
TITO 2
Diyan mo lang pala tinatago iyan ha… Pinahirapan mo lang kami.
Kinailangan pa tuloy naming iligpit ang aming mas nakatatandang kapatid ---
damay na rin ang pamilya niya --- na halata namang paborito mo. Kayo na-
man ni inay, kahit kailan pa‘y hindi ninyo kami binigyan ng kahit kaunting
100
konsuelo.
Hindi lang lupa ang aming hinihinging kabayaran… kulang pa!
(Tatawa) Kunin mo na ang titulo, John. Sa‘yo na ang kahon mo, tanda! Halika
na. Iwanan mo na iyang matandang iyan.
TITO 1
Teka lang, Emmanuel. (Susuntukin muli si Lolo Juanito, at
mapapahandusay si Lolo Juanito sa sahig. Kukunin ni John ang mga titulo at
ibibigay kay Emmanuel. Habang nakahandusay si Lolo Juanito, at walang
malay, lalapitan ni Tito 1 si Lolo Juanito at nagmano nang tumatawa.) Mano
po, itay. (Tatawa muli)
TITO 2
Ano ba, mabubulok na iyan! (Tatawa) Sa wakas!
(Aalis ang dalawang Tito, habang wala nang masabi si Tres. Balot ng lungkot
ang kanyang mukha. Si Lolo Juanito naman ay patuloy na nakahandusay at
walang malay.)
TRES
Lolo… pasensiya na… at wala akong nagawa. Araw-araw naman kitang bina-
bantayan. Sinikap ko ring bantayan ang inyong pinakamamahal na kahon
mula sa kanila. Tungkulin ko iyon…Pero sa bawat araw na iyon, pinagsisihan
kong hindi ko kayo kayang protektahan.
Salamat po‘t patuloy ninyo akong inaalala bawat araw, at patuloy na ring
kinakalimutan bawat araw, dahil alam ninyong masakit ito sa inyong
kalooban…
Sa akin po ito, at kahit anong pilit ninyo, kahit anong gawin ninyo para
makalimutan ito, pagmamay-ari ko ang Obituaryong ito.
KAPITBAHAY
(Mapapasigaw) LOLO! Anong nangyari sa inyo? Narinig naming kanina na
parang may nangyayaring gulo sa bahay ninyo! At dahil nga nag-iisa kayo,
naisip po naming puntahan kayo. Napa‘no ho kayo?
Anak ng KAPITBAHAY
Itay, siya po ba iyong sinasabi ninyong mahilig makipag-usap sa sarili niya?
Ang lungkot naman… Nakita ko kanina yung kaibigan ni Tres kanina…
Kinamusta raw niya sina Lolo Juanito at hinahanap si Tres… Hindi ko namang
masabi sa kanya…
101
KAPITBAHAY
Hayaan mo na iyon. Si Tres --- ang Juanito Cruz III, ay matagal nang patay,
kawaan ng Diyos. Ito ang hindi matanggap ni Lolo Juanito, liban na halos
lahat na ng kanyang mga kamag-anak ay pumanaw na… Kawawang
matanda… Kaya nga pinipilit ko ang asawa kong paglutuan siya ng mga
ulam, kahit araw-araw, para may makain, at mabantayan ko man lamang.
Halika‘t tulungan mo akong dalhin sa ospital si Lolo Juanito…
Anak ng KAPITBAHAY
Bakit nagkalat dito?
KAPITBAHAY
Malay ko… marahil nanakawan ‗ata…
LOLO
Huwag niyo na akong dalhin kung saan… Huwag ninyo akong dalhin kahit
saan! Iwanan niyo na lang ako rito! Iwanan ninyo na lang ako! (Iiyak)
KAPITBAHAY
Pero malubha ang lagay ninyo!
LOLO
Wala na iyang silbi… Wala na akong silbi… Patay na ako…
KAPITBAHAY
‗Lo, nakakausap pa rin namin kayo. Buhay pa kayo. Nahihibang lang kayo.
LOLO
Hindi ako nagbibiro. Nakahimlay na ang pangalan ko sa obituaryo! Ako… ako
mismo ang gumupit…. Ang gumupit….
Anak ng KAPITBAHAY
Malala na ‗ata ang lagay niya, itay.
LOLO
Ako mismo ang gumupit ng obituaryo ko.
Ako mismo ang gumupit ng obituaryo ko. Pangalan ko.
Ang obituaryo ko.
WAKAS.
102
DULANG PANTANGHALAN – IKATLONG TAON
‖KORTENG-KORTE!‖
Isinulat ni: Ian Agatep
Konsepto ni: Mark Alcantara
TAUHAN
TAGPUAN
BOY: Ano ba ‗to? (Lalapit sa bangkay, di pa alam na bang kay pala) Muhka
pang manikin—ay! Diyos ko! Naku po! Naku po! PATAY! PATAY! Saklolo!
Saklolo!
BONG DELA CRUZ: Ano ‗yang kaguluhang ‗yan! Tanghaling tapat ang ing—
aayy! PATAY! Si…si Faustino! (Lalapit sa bangkay) Alis diyan Boy! Dali! Dali!
Tumawag ka ng pulis!
BOY: Opo! Opo! (Patakbo sa labas ng entablado) Ay Santa Maria ina ng Diyos,
patawarin mo kaming makasalanan…
103
ROMULO CONCEPCION: Ano namang kabaklaan ‗to tanghaling tapat, sa
gitna pa ng kalsada. Mga tao talaga ngayon…Hoy! Ay…Bong ikaw pala!
RICO MADRIGAL: (Nakatingin kay EDUARDO) Saan ang sinasabi mong papa!
Tito, Saan ang papa! PAPA! (Tatakbo sa gobernador aalis ang iba)
BONG DELA CRUZ: Tumahimik kayo kakamatay lang ng ama ng bata! Kung
ama niya nga siya!
(Mapapatingin si RICO)
EDUARDO SALOME: Bakit, ibig mo bang sabihin walang makukuha ang bata?
Ha Bong?!
ROMULO CONCEPCION: Ahh! Ang pamana, dumating na rin tayo riyan! Ang
pamana ng biyudong gobernador!
BONG DELA CRUZ: Ako ang may alam sa mga ari-arian ng gobernador! Ako
ang mag-hahawak ng pamana!
ROMULO CONCEPCION: Tama ang binata! Siya ang may karapatan humawak
ng pamana! Sa kaniya mapupunta ang pamana pero ako, ako ang—
104
BONG DELA CRUZ: Sipsip! Hanggang nandirito ako, ako ang maghahawak
ng pera ng gobernador!Minor de edad pa lang ang bata! At Boy! Saan na ang
mga pulis! Sabi ko ‗yon ang kunin mo! Tapos itong mga may topak ang mga
pinadala mo!
BOY: Ginoo!
BONG DELA CRUZ: ‗Wag mo ako istorbohin! At isa pa, ako ang pinansyal na
tagapayo ni Faustino! Ano pa ang hinihintay mo ngayon Semana Santa? Ang
pulis!
SPO1 BALDO NEPUMOCENO: Iyon ho attrorni! Alis! Alis dadaan ang abogado
ng gobernador. (nagsusulat)
105
RICO MADRIGAL: Opo, ginoo. Ngunit paano malulutas ‗to. Namatay ang
aking ama sa maling oras at ‗di niya naayos ang mga kailangang maayos 16
pa lamang ako!
RICO MADRIGAL: Ano ba kayong mga sira-ulo, ang ama ko nasa kalsada pa
rin!
(Magkakaguluhan at mag-aalitan)
TAGPO 2: SA HUKUMAN
106
SPO3 JHUN-JHUN ALARCON: (Mabilis at may buhay) Magsitayo po tayo lahat
sa kagalang-galang na Ferdinand Raul Markus Q. Cristobal-Buenafe VIII!
HURADO: Iyan mabuti! Magsiupo kayo. Narito tayo ngayon para malaman ng
kung sino ang mag-aari ng mga naiwang kagamitan ng yumaong
Gobernador Faustino Madrigal. Ginong Buenaventura simulan na ang
pagtataong.
(Aakyat sa podyum)
(Aakyat sa podyum)
107
HURADO: Tumahimik ka gunggong! Magsimula!
BONG DELA CRUZ: Wala ‗yang naalala, ni hindi nga ‗yan makasama ng ama
niya! Kundi ang bading niyang tito! Huahahaha!
SPO1 BALDO NEPUMOCENO: (Inaantok na) Itaas ang iyong kanang kamay.
Ipinapangako mo bang sabihin ang katotohanan, ang BUONG katotohanan
at wala nang iba kundi pawang ang katotohanan lamang sa tulong ng
Maykapal?
108
EDUARDO SALOME: Opo.
BONG DELA CRUZ: Iyan, iyan ang katotohana! Kaya nagpapadala ng pera
kasi takot malaman na may anak sa labas! Ayaw ipabunyag sa bayaw sa
buong sambayanan!
109
BONG DELA CRUZ: Opo.
110
HURADO: Hmm, aha, ah! Tama! Tama! Ating tapusin na ‗to tawagin na ang
nag-iisang testigo sa pagkakamatay sa Gobernador. Mga walang hiyang
baboy!
HURADO: ‗Wag na! Tara! Bilis-bilis! Gusto ka na kumain habang may handaan
pa sa Maynila si FG, buong araw ‗yon! Bilis!
111
CYPRIANO BUENAVENTURA: Ito ho.
(Boses ng Gobernador)
(Boses ng Gobernador)
(Boses ng Gobernador)
(Boses ng Gobernador)
(Boses ng Gobernador)
112
ROMULO CONCEPCION: Sa abugado! Ano!!!!
(Boses ng Gobernador)
HURADO: Oo!
HURADO: Sandali may natira pa pala! Nasa baba eh…Iyan ang sabi ay… At
ang huli kina Jhun-Jhun at Baldo ang tangi kong mga pulis, ang mga aso ko,
alagaan niyo sila.
LAHAT: NGE!
KADILIMAN
- WAKAS-
113
TA GUAN
Akda ni Cocoy Vargas
MGA TAUHAN
JEREMY, isang lalaking nakaratay sa ospital (Brian Roxas)
VICTOR, isang lalaking pinatay, kapatid ni Dennis (Michael Tamayo)
VENDELA, isang babaeng ginahasa, kapatid ni Dennis (Kevin Chu)
VIRGIE, isang may pusong babaeng pinatay, kapatid ni Dennis (Chuck Tibayan)
DR. ANDRES, duktor na tumitingin kay Jeremy (Zack Curley)
NARS at NARS#2, katuwang ni Dr. Andres (Cocoy Vargas at AJ Santos)
ATTY. JOSE, abogadong tumutulong sa kaso ni Jeremy at ng kanyang mga ka-
patid (Toma Cayabyab)
DENNIS, kaibigan ng pamilya nina Jeremy (Dolf Constantino)
114
NARS DR. ANDRES
Halos ‗di nagbago ang kanyang lagay Magaling, nars, napakagaling.
mula noong una s‘yang nanahan. Mahusay mo namang tuparin
Walang ubra ang nakagagaling na ang para sa ating hangaring
bagay ang pasyente natin ay gumaling.
na sa kawawa‘y ibinibigay.
EKSENA 3 Opisina ni Atty. Jose
DR. ANDRES
Gaano ba karami ang kagamutang DENNIS
inyong ipinaiinom sa kanya? Kayo ba‘y may sapat nang nakalap
Baka ‗di sapat ang ating bigay Tungkol sa mga sinapit na malas
para riyan sa nakahilata? Ng mga kapatid na walang mukat?
NARS DENNIS
Sigurado ho ba kayo, Doktor? Ganoon ho ba ang nangyayari?
Napakamalas ng aming sinapit.
DR. ANDRES Walang pinatutunguhan ang lunggati.
Sinabi ko nang ako‘y sigurado. Sa paghihintay, ako na‘y naiinip.
‗Wag nang magpaligoy-ligoy pa. Tila ako na rin ay napipipi:
Utos ko‘y sundin mo na, kung hindi, Walang masabi tungkol sa pangyayari.
Katauhan niyo‘y baka masalanta. Magagawa ko na lang ay maghintay.
NARS
O siya, heto na po, Doktor.
115
ATTY. JOSE Isang gabing napakalamig,
Dennis, nauunawaan kita. piling ko ang aking mga kapatid
Ang pagtingin mo sa nangyayari at marahan kaming bumabalik
ay talagang kahanga-hanga. sa aming tahanang tahimik.
Dennis, tunay kang magiting. Sa dilim ng landas mula sa ospital,
Patuloy kang maging ganito hindi na namin namalayan
at ang lahat an gaming gagawin ang mga umaaligid sa kapaligiran.
para lang sa iyong mga kapatid. Dumating na sa kanyang kalagitnaan
ang aming munting paglalakbay
DENNIS nang maramdaman ko sa aking
Maraming salamat ho, Attorney. tagiliran
Hanggang sa muli. ang isang haplos na malumanay.
Nadama ko ang hawak ng magaspang
EKSENA 4 Madilim-dilim na lugar na kamay,
na sa sukat ay may kalakihan
JEREMY at tila may ibang kasuotan,
Wika n‘yong ang tangi n‘yong pag- sa kahabaan ng aking katawan.
asa‘y ako Lubos akong nagulat sa aking
samantalang sa kaalaman ako‘y salat. naramdaman:
Ano nga bang dahilan kung bakit paghalo ng kaba at gulo sa aking
nangyayari ito? puso‘t isipan.
Sabihin n‘yo dahil ako‘y wala Ang hawak sa aki‘y unti-unting
kamuwang-muwang. humigpit;
Hiningang unti-unti sa aking leeg ay
VIRGIE lumapit;
Walang kamuwang-muwang? Sa paglapit sa akin ay nagpupumilit.
Sabihin mong ika‘y nagloloko; Ako‘y walang nagawa sa aking
sumasatsat nang ‗di seryoso. pagkapiit
‗Di p‘wedeng wala kang alam at nanigas sa pagtapyas ng aking
‗pagkat ang s‘yang may batid ay ikaw damit.
tungkol sa kay saklap na kapalaran.
VICTOR
VICTOR Ako na‘y nagtaka no‘ng aking naalin-
Nag-iisa kang may batid tana
sa kamalasang aming nasapit. ang biglang katahimikan ng dalaga.
Ikaw ang maaaring tumuwid Lumingon ako rito at sa kabila.
sa kasawiang sa amin ay hatid. Laking gulat ko nang siya na ay
nawala.
JEREMY
‗Di ko maunawa kung bakit ako VIRGIE
kinukulit. At kami‘y nagsimula sa paghahanap.
Ano bang sinasabi n‘yong aking batid Sa kung saan-saan, kami ay napadpad.
eh ni isang bagay, wala akong Ang aming mga hakbang ay iisa ang
maalala! hangad:
Sabihin n‘yo na nang ako‘y Mailigtas si Vendela sa anumang
makaunawa. hamak.
VENDELA VICTOR
Marubdob. Nakalulunos. Masalimuot. Pagtapak namin sa eskinita,
Ang karanasang ito‘y nais kong ‘di kami makapaniwala sa nakita.
malimot. Si Vendela, sa kongkreto‘y nakahiga.
Ngunit napipilitan akong ito‘y tandaan Sa nangyayari ay walang nagawa.
upang ikaw ay maliwanagan.
VIRGIE
Kalabuan na lang ang aking
116
natandaan. DENNIS
Paghalo ng kalamnan at kaputian. Akala ko ho ba‘y malinis ang gawa ng
‘Di ko maisip na mangyayari kay kriminal
Vendela at halos walang bakas ang kanyang
ang pagbakbak ng pagkadalisay. naiwan?
Sabi niyo pa‘y tila may guwantes ang
VICTOR, VENDELA, VIRGIE kanyang kamay.
Hustisya! Hustisya! aming sigaw. Anong natuklasan para ang sinabi
Kaming mga iniwan sa malamig na niyo‘y palitan?
lansangan,
‗di pa kami rinig, ‗di pa rin tanaw. ATTY. JOSE
Pag-asa sa hustisya‘y tanging ikaw. Nang suriing mabuti ang damit
ng sawimpalad mong mga kapatid,
EKSENA 5 Sa opisina ni Atty. Jose natuklasan namin ang bakas ng mga
daliri,
ATTY. JOSE iba sa mga nakita naming dati.
Hatid ko sa ‘yo‘y mabuting balita. Pagkakataong sa kriminal ito‘y malaki.
Sa imbestigasyon, kami‘y may nakita.
Isang lalaking maaaring may gawa DENNIS
ng krimeng walang kaawa-awa. Kung kaninong daliri ang humipo
sa kasuotan ng aking mga kapatid?
DENNIS Ang sagot niyo sana ay oo
Totoo ba ang nahanap ninyo? pagkat hangad kong sila‘y ‗di mapiit.
Tunay ba ‗tong maaasahan ko?
Ang paasahin ako ay ‗di ko gusto. ATTY. JOSE
Dapat ang sabihin sa aki‘y totoo. Matuwa ka na dahil hiling mo‘y tupad.
Oo, alam naming kung kaninong
ATTY. JOSE bakas
‘Di maiiwasan ang kaunting mali. ang naiwan sa damit ng ‗yong mga
Asahang ito‘y darating, kahit kaunti. mahal.
Kung dapat ipagkabahala ay hindi.
Lahat ito‘y may pinatutunguhang DENNIS
Isang mahalagang kasagutan. Sabihin n‘yo sa akin, ako‘y nasasabik.
Dala nito‘y ginhawa sa aking puso‘t
DENNIS isip.
Ano nga ba itong inyong hatid
na maaaring tumulong sa nangyari sa ATTY. JOSE
‗king mga kapatid? Ang may-ari ng bakas na natuklasan
ay namamalagi sa isang ospital.
ATTY. JOSE Ang ospital ay katabi ng
Nalaman namin sa ‘ming pagsisiyasat, pinangyarihan
noong ang kabusalsala‘y naganap, ng pagpaslang na karumal-dumal.
isang lalaking maaaring may gawa Nabaliw siyang lubha
ng krimeng walang kaawa-awa. pagkatapos ng kanyang ginawang
pagsupil ng buhay.
DENNIS
Akala ko ba‘y wala kayong makita DENNIS
na kahit anong ebidensya? Ano ang ngalan ng kriminal?
117
EKSENA 6 Madilim-dilim na lugar DENNIS
Magandang araw ho, dok.
JEREMY Dennis Villanueva ho ang aking
Parang natatandaan ko na... ngalan.
ngunit kaalaman ko‘y kung pa.
Kuwento niyo‘y damihan pa DR. ANDRES
nang ako‘y makatanda na. Magandang araw Dennis.
Ano ang sadya ninyo rito?
VICTOR
Tumayo ang lalaki nang kami‘y nakita. ATTY. JOSE (naguguluhan)
Kami‘y nilapitan at binalaan: Anong sadya namin, tanong ninyo?
kung gumawa ng kahit isang hakbang, Alam n‘yo na siguro kung bakit kami
‘di na raw masisinagan ng araw. narito.
Una, ika‘y aming pinasasalamatan
VIRGIE dahil napakalaking tulong ng naibigay
Ngunit kami pa ri‘y nagpumilit. ng ebidensyang inyong binigay
Sa kawawang dalaga, kami‘y lumapit. para sa ikauusad ng aming asunto.
Tila biglang taas at lakas ang init
nang sa malalang sakuna, kami‘y DR. ANDRES
naipit. Ganun ho ba...
118
Kaya ang kausapin siya‘y lubhang Siya si Dr. Andres, ang matagal ko
kailangan. inasahan
Kung maaari kami na‘y inyong pagbi- ngunit sa totoo‘y isang palang hangal.
gyan
upang ang hustisya ay agad nang VICTOR, VENDELA, VIRGIE
maialay. Hustisya! Hustisya! aming sigaw.
Kaming mga iniwan sa malamig na
DR. ANDRES lansangan,
Kung gayon, kayo na ay bumalik. Unti-unting naririnig, unti-unting nata-
Tatlong oras ang aabutin ng kanyang tanaw.
hilik. Pag-asa sa hustisya‘y tanging ikaw.
Sa nars niyo na lang ipaalam
Kung kayo‘y aakyat na. EKSENA 9 Sa mental asylum
VENDELA NARS
Kaming mga biktima‘y kanyang Sa kasamaang-palad, ‗di puwedeng
tinakbuhan gawin.
at nagtungo sa direksyon ng ospital... Ang paggising niya‘y kailangan pang
hintayin
JEREMY bago gamot ay ma‘aring painumin.
Unti-unti ko nang natatandaan...
Nawala sa kadiliman ang kriminal.
Ang mukha niya‘y tuluyang lumitaw.
Agad na nakilala ang may labis na
karuwagan.
119
DR. ANDRES paglisan.
Manatili kang nakabantay
upang paggising niya‘y maantay NARS
at ang gamot ay maibigay. Masusunod ho.
120
JEREMY sinundan
Ito ay dahil aking tinangka ang bawat isa sa kanyang mga
ang pagsagip sa mga biktima. hakbang.
Huwag ako ang tawaging masama Sa eskinita sa tabi ng ospital
dahil kilala ko ang tunay na may sala! siya‘y aking naabutan at dinala.
Sa wakas ay akin na siya para
DR. ANDRES matuklasan.
Kasinungalingan! Ngunit ang mga kapatid niya ay
Huwag siyang paniwalaan! nariyan;
nakita ang aking kabalbalan.
ATTY. JOSE Nilabas ko ang sa kutsilyo sa bulsa
Ang katotohanan ay ilahad mo na. at pinatay ko ang bawat isa.
Sino ay nakita mong may sala? Sa krimen ay walang bakas na naiwan
dahil may guwantes noon ang aking
JEREMY kamay.
Nakalulungkot isipin, ngunit tunay. Nakita ni Jeremy ang lahat sa pagdaan
Ang pangyayaring ito‘y ‗di ko inasa- niya sa eskinita.
han. Natakot ako at binugbog ko siya.
Kung ayaw niyang umamin, puwes,
(maglalakad patalikod si DR. ANDRES) Sinabi ko na lang na siya‘y baliw kaya
ako ang aamin: ang kriminal ay si Dr. siya nakaratay.
Andres! Ang katotohanan ay siya ang may
alam
(may mabubunggong mesa si DR. kaya pilit ko siyang minamanmanan.
ANDRES at may mahuhulog na Ngunit ngayon labas na ang
duguang kutsilyo at guwantes) katotohanan.
Lantad na ang aking katangahan.
ATTY. JOSE (uunahan si DR. ANDRES
sa pagpulot ng nahulog na kutsilyo at (aagawin ang kutsilyo mula kay ATTY.
guwantes) JOSE)
Imposible! Imposible!
Ang ibinunyag ay totoong terible! Sa inyong lahat, isang pamamaalam.
Hindi ba‘t siya‘y baliw? Habambuhay na akong matandaan
Ang pag-amin niya‘y ‗di magiliw! bilang isang hangal na kriminal.
‘Yun na ang aking parusa
DR. ANDRES sa aking katangahang ginawa.
Oo! Aaminin ko na! Muli, ako‘y nagpapaalam.
Ako ang may sala!
Ako ang pumatay sa magkakapatid na (sasaksakin ni DR. ANDRES ang
Villanueva! kanyang sarili)
Ngunit lubha kong pinagsisisihan
ang ginawa kong katangahan! (papasok sina VICTOR, VENDELA at
Lahat ito‘y bunga ng aking kalibugan VIRGIE)
dahil si Vendela ay aking natipuhan.
‗Pag siya‘y nagpapatingin sa ospital, VICTOR, VENDELA, VIRGIE
siya‘y lagi kong minamasadan. Hustisya! Hustisya! aming sigaw.
Pero ang tanggapin ang katotohanang Kaming mga iniwan sa malamig na
hindi kami puwede, ako‘y nahirapan. lansangan,
Ako‘y malungkot na matanda kami ay narinig, kami ay natanaw.
habang siya‘y isang mutya. Pag-asa sa hustisya‘y tunay na ikaw.
Pag-asa ko sa kanya‘y wala.
Ginusto ko na siyang mahawakan. -WAKAS-
Ginusto ko na siyang halikan.
Kaya isang gabing pumunta siya sa
ospital,
daahan-dahan at tahimik kong
121
Pagsasadula kay Plato matapos maghugas kamay
(Proyekto sa klaseng Relihiyon)
―SALÀ‖
ni AJ Santos
Yung mga Hudyong ‗yan, masyado na sila! Mga peste!! Kund‘i dahil
mahaba ang pasensya ko, naipako ko na sa krus ang bawat isa ng mga ‗yun!
Palayain ko raw dapat ang isa sa mga kriminal nila tuwing Paskwa ng nga bu-
wisit na ‗yan.
Aba! Mautak din pala ang iilan sa mga hudyo na ‗yan! Sabi naman ng
mga saserdoteng baliw na mag- aalsa raw siya laban sa Dakilang Roma, at iyan
daw ay kung bakit dapat siyang ipako sa krus. Maya-maya naman, tinanong ko
sa madlang nakatipon kung ano ang gagawin ko sa ―hari‖ nila. ―Ipako siya!‖ sabi
ng mga baliw. Tinanong ko kung bakit. Wala pati siyang kasalanan, sabi ko pati.
―Palayain si Barabas!‖ at ipako raw sa krus ang hiling ng mga sira.
122
123
ARALING PANLIPUNAN: LIVE MTV –IKATLONG TAON
(Nanalo ng Unang Gantimpala)
―Folio‖
ni Cocoy Vargas at Guelan Luarca
KORO
Kuwento natin ng pagguho ng mundo
Nasulat na ‗to‘t nabasa sa libro
Kuwento natin nang muling pagbabago
Napanood na‘t nahimok na ‗ko
BRIDGE
Bawat araw ay nakalimbag sa pahinang salamin
Dabulbol ng tinta
Ito ang makabagong shakespeareanong panoorin
(Koro)
124
ARALING PANLIPUNAN: LIVE MTV –IKATLONG TAON
Panghabang panahon
Pagbabago sa mundong nalason
Sawimpalad, isa ka ng biniyayaan
Huwag bibitaw, naibago mo na ang bayan.
125
MGA AWITIN MULA SA ALBUM
NG MBOYS‘09
KORO:
Ika‘y lagging nasa isip
Ako‘y hirap na hirap,
Hindi nga minsan makatulog
Ewan ko ba kung dahil sa galak.
126
‖Bitaw‖ Sa driga‘y ‗di nagsawa
ni Fidel Ala, Kevin Lim, at Michael Wala na bang magagawa?
Shimamoto Wala na bang magagawa?
127
‖Susan‖ Sa Recto si Fael ay nakilala
Ni Brian Roxas ‗Di napigilan sarili nila
Gamit ang kotse, sila‘y
Mula sa mahirap na lumisan
pamilyang Upang mawala, kadalisayan
Walang trabaho, kanyang
maguang Mag-aral na upang umasenso
Hindi pinalad makapag-aral Sa pamilya ay lagging pum-
Pagkain sa hapag, kanyang westo
dasal Nang sa wakes, buhay kay
ginhawa
‗sang araw s‘ya‘y galling sa Ay dahil sa tiyaga sa pagbasa
simbahan
may nagpakilala, Olan ang (KORO)
ngalan
buhay n kay ganda, nais niya Tulay:
tiniis lahat para sa kanya Tigilan na itong aking
pagsamo‘para respeto‘y
KORO: makamit ko
Susan! ‗wag kang Pagmamahal lamang ang
pagpariwara aking hangad,
‗Wag kang mahulog sa isang Mga salitang kanyang
sumpa binungad
Susan! Ayusin mo ang buhay
mo (KORO)
128
‖Pakiusap‖ Paano ba makikinig sa kanila
ni Mike Shimamoto gayong
Bato ang aking isip at puso.
Daming beses na nagtataka Na para bang ang bawat letra
ako, na
Kung sino ba ang aking Isambit ng ‗yong bibig ay
pakikinggan. nang-iinsulto
Daming boses na nagsasalita, Kahit na sawa na sa ganito,
Ngunit ayaw pakinggan ng ‗di maiwasang umiral ang
utak ko. tigas ng ulo ko
―‘Di alam kung sino ang kaya naman, parang awa niyo
susundin, na,
ang daming tao na ayaw tulungan niyong buksan ko
magpatalo. ang isip ko
Kaya‘t heto at nalilito, ‗di alam
ang (KORO 2x)
Susunod na gagawin ko.‖
walang makapagdedesisyon
KORO: para sa iyo kundi ikaw
Oh, buksan mo ang iyong pero kailangan mo ring
isipan. pakinggan ang mga sabi ng
Oh, buksan mo ang iyong tao
isipan. kunin mo nag mga tama at
itapon ang mga masama
at sa huli ng lahat sundin mo
ang iyong puso
129
TUNGKOL SA PABALAT
Iginuhit ni Mark Alcantara
130
Ang mga eMboys sa likod ng pag- -PAGLULUNSAD-
gawa, pagpapalimbag at paglulunsad
ng aklat na ito upang masaMbit namin Direktor at Puno ng Daloy
ang gusto namin... PINUNO: Toma Cayabyab
KASAPI: Tata Babaran
Tagapamahala ng Proyekto ng Klase
Ian Agatep Mga Tagadisenyo ng Set, Suot at Gamit
PINUNO: Cocoy Vargas
MGA KASAPI:Abbey Bautista
-AKLAT- Kevin Chu
Wowee Sanchez
Mga Patnugot AJ Santos
131
132