Professional Documents
Culture Documents
Filipino (Let Reviewer)
Filipino (Let Reviewer)
Pantukoy na mga
Halimbaa: May mga batang pupunta dito mamaya.
Pang-ukol na sa
Halimbawa: May sa-kalabaw ang boses ng taong iyan.
Gamit ng Mayroon
sinusundan ng panghalip na palagyo
Halimbawa: Mayroon kaming dadaluhang pulong bukas.
sinusundan ng isang kataga
Halimbawa: Mayroon ding pulong ang kababaihan.
ginagamit sa patalinghagang kahulugan
Halimbawa: Si Mayor Favila ang mayroon sa lahat.
Subukin at Subukan
subukin pagsusuri o pagsisiyasat sa uri, lakas o kakayahan ng isang bagay o tao.
subukan tingnan kung ano ang ginagawa ng isang tao o ng mga tao.
Halimbawa: Subukin mong gamitin ang sabon na ito.
Sunubukan nila ang disiplina ng mga mag-aaral.
Pahirin at Pahiran
pahirin pag-aalis o pagpawi
pahiran paglalagay ng bagay
Halimbawa: Pahirin mo ang dumi sa iyong mukha.
Pahiran mo ng pulang pintura ang gate.
Walisin at Walisan
walisin pandiwang pokus sa layon.
walisan pandiwang pokus sa ganapan.
Halimbawa: Walisin mo ang mga tuyong dahon sa bakuran.
Walisan mo ang bakuran.
Maliban at Bukod
maliban (except o aside) may kahulugang matangi sa bagay na binanggit ay wala nang iba.
bukod (in addition to o besides) karagdagang sa mga bagay na binanggit.
Halimbawa:
Anong gagawin ko sa ganiton bagay
ang sinta ko kayay bayaang mamatay?
13. Pagmamalabis o Hyperbole pahayag na ibayong maindi kaysa katotohanan o lagpas sa
maaaring mangyari.
Halimbawa:
Bababa si Marte mula sa itaas,
Sa kailalimay aahon ang parkas.
14. Aliterasyon paulit-ulit na tunog ng isang katinig na ginagamit sa mga magkakalapit na salita o
pantig.
Halimbawa:
At sa mga pulong ditoy nakasabog, nangalat, nagpunla.
Nagsipanahanan, nangagsipamuhay, nagbatot nagkuta.
15. Asonansya inuulit ang tunog ng isang patinig sa halip ng katinig.
Halimbawa:
Ang buhay ng tao at sa taong palad,
Nasa ginagawa ang halagay bigat.
16. Onomatopeya pagkakahawig ng tunog ng salita at ng diwa nito.
(1) Tuwirang onomatopeya kapag ginagagad ng ga tunog ng patinig at katinig ang tunog ng
inilalarawan ng taludtod.
Halimbawa:
Ikawy iniluwal ng baha sa bundok
Hahala-halakhak at susutsut-sutsot.
(2) Pahiwatig na onomatopeya kapag ang mga tunog ng patinig at katinig ay hindi gumagagad
kundi nagpapahiwatig lamang ng bagay na inilalarawan.
Ayon kay Lope K. Santos, ang ating mga titik ay nag-aangkin ng sari-sariling pahiwatig na kaisipan.
Ang A ay nagpapahiwatig ng kalakhan, kalinawan, kalawakan, kalantaran, samantalang ang I ay
nagtataglay ng diwa ng kaliitan, labuan, karimlan, kalaliman, kalihiman, at iba pa.
a araw, buwan, ilaw, buwan, linaw, tanghal
i gabi, lilim, lihim, kulimlim, liit, unti, itim
Pag-unlad ng Tula
Unang Hati. Sa mga unang tatlumpu hanggang apatnapung taon ng pananakop ng mga
Amerikano, ang mga makatang Pilipino ay mapapangkat sa dalawa: nakatatanda at
nakababata.
1. Nakatatanda kabilang sa nakatatanda sina Lope K. Santos, Pedro Gatmaitan, at
Iigo Ed. Regalado. Ang unang pangkat na ito ay aral sa Kastila.
2. Nakababata sa nakababata naman ay sina Jose Corazon de Jesus, Teodoro Gener,
Ildefonso Santos, Cirio H. Panganiban, Aniceto F. Silvestre at Amado V. Hernandez.
Lope K. Santos (1879-1963) tinatawag na Ama ng Balarilang Pilipino. May-akda ng
Banaag at Sikat. Bilang makata, laging mababanggit kaugnay ng pangalan niya ang
mga tulang Ang Pangginggera, Pusot Diwa, Mga Hamak na Dakila, at Sino Ka
Akoy Si
Pedro Gatmaitan Ang kanyang mga tula ay napatanyag dahil sa hindi malayong
paggunita sa mga kabayanihan ng mga bayani ng digmaan at ng himagsikan 1896.
Nagkubli siya sa mga sagisag na Pipit-Puso, Dante, Ernesto Salamisim at
Alitaptap. Nakilala ang kanyang Tungkos ng Alaala, isang katipunan ng kanyang
mga natatanging tula.
Ikalawang Hati. Sa panahong ito namayani ang mga nakababatang Jose Corazon de
Jesus (Huseng Batute), Cirio Panganiban, Deogracias A. Rosario, Ildefonso Santos,
Benigno Ramos at Aniceto Silvestre.
Ilaw at Panitik isang tanyag na samahang pangwika na natatag noon. Ang unang
pangulo ng samahan ay si Jose Esperanza Cruz, naging patnugot ng Liwayway. Panahon
din ito ng mga patimpalak sa pagtula at pagsulat ng tula, at sa mga ganitong
pagkakataon ang mga makatang kasapi ng Ilaw at Panitiki ay naghali-halili sa
pagkakamit ng unang gantimpala.
Balagtasan supling ng matandang duplo. Abril 6, 1924, idinaos ang kauna-unahang
balagtasan. Ginanap iyon sa bulwagan ng Instituto de Mujeres, sa Kalye Tayuman,
Tondo, Maynila. Ang pamagat ay Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan. Si Jose Corazon de
Jesus ang lumagay na Paruparo at si Florentino Collantes naman ang sa Bubuyog. Si
Sofia Enriquez naman ang mabangong Kampupot o Bulaklak ng Kalinisan, samantala
si Lope K. Sntos ang siyang nag-lakandiwa. Si Jose Corazon de Jesus ang nanalo sa
labanang iyon, ayon sa pasiya ng hurado. Naging unang Hari ng Balagtasan si Batute.
Jose Corazon de Jesus naging Makata ng Pag-ibig sa halalan ng mga mambabasa ng
pahayagang Mithi noong 1916. Isa sa mga tanyag niyang tula ang Isang
Punongkahoy.
Florentino Collantes naging katunggali ni Batute sa mga pagbabalagtasan. Naibigay sa
kanya ang karangalang Makata ng Bayan kapanabay ng pagbibibay kay Lope K.
Santos ng karangalang Paham ng Wika. Kabilang sa mga tula niya ang sumusunod:
Ang Sawa, Sa Dakong Silangan, Ang Lumang Simbahan at Ang Tulisan.
Iba Pang Makata
Teodoro E. Gener pangunahing tula niya ang Subo ng Sinaing, Guro at Pag-ibig.
Aniceto F. Silvestre makata ng damdamin. Ang kanyang tulang Filipinas ay
ipinagwagi niya ng gantimpala sa tula sa isang patimpalak na Surian ng Wikang
pambansa noong 1946.
Teo S. Baylen ang mga tula niya sa loob ng tatlumpung taon ay isina-aklat niya sa
kanyang Tinig na Darating.
LikeShow More Reactions
CommentShare
Pedro A. Paterno (1858-1911) may-akda ng Ninay isang nobelang sosyolohiko. Ito ang unang
nobelang sinulat sa Kastila ng isang Pilipino.
Pascual Poblete (1858-1921) nobelista, makata, mananalaysay at tinaguriang Ama ng
Pahayagan. Siya ang nagtatag ng mga pahayagang El Resumen, El Grito del Pueblo at Ang Tinig
ng Bayan. Siya rin ang kauna-unahang nagsalin sa Tagalog ng Noli Me Tangere.
Jose Maria Panganiban (1865-1895) sumulat ng mga sanaysay, lathalain at mga talumpati sa
ilalim ng sagisag na Jomapa.
Pedro Serrano Laktaw leksikograpo at manunulat; isa ring pangunahing Mason. Siya ang unang
sumulat ng Diccionario Hispano-Tagalog (1889).
Isabelo delos Reyes nagtatag ng Iglesia Filipina Independente; nagtamo ng gantimpala sa
Exposisyon sa Madrid, sa sinulat na El Folklore Filipino.
Fernando Canon kaklase ni Rizal sa Ateneo. Sumulat siya ng tula ukol kay Rizal. Sa mga tulang
pang-Rizal nagsimula ang kanyang katanyagan.
Kapwa pintor naman sina Juan Luna at Felix Resureccion Hidalgo.
Akdang Panrelihiyon
1. Doctrina Cristiana Ito ang kauna-unahang aklat na nilimbag sa Pilipinas. Nilimbag ito sa
pamamagitan ng silograpiya noong 1593.
2. Nuestra Seora del Rosario sinulat ito at inilimbag ni Pari Blancas de San Jose, O.P., noong
1602 sa Imprenta ng Santo Tomas.
3. Barlaan at Josaphat sinulat ito ni Pari Antonio de Borja, S.J., at inilathala noong 1708 at muli
noong 1712. Ito ay batay sa sa mga salaysay mula sa Bibliya. Ipinalalagay na ito ang kaunaunahang nobelang Tagalog kahit salin lamang.
4. Pasyon sa panahon ng kuwaresma, ang buhay at pagpapakasakit ng Panginoong Hesukristo ay
inaawit.
5. Mga Dalit kay Maria sabayang inaawit bilang handog kung buwan ng Mayo sa pag-aalay ng
bulaklak sa Mahal na Birhen.
Pari Modesto de Castro dahil sa kanyang Urbana at Feliza, tinagurian siyang Ama ng Tuluyang
Klasika sa Tagalog.
Ang Dula
Panunuluyan isang uri ng dulang pangrelihiyon na namalasak noong panahon ng Kastila. Ang
pinakadiwa nito ay ang paghahanap ng bahay na matutuluyan ng mag-asawang San Jose at
Birheng Maria noong bisperas ng Pasko.
Senakulo isang uri ng dulang makarelihiyon na ang pinakamanuskrito ay ang pasyon. Itinatanghal
ito kung Mahal na Araw, kadalasay nagsisimula sa Lunes Santo at nagtatapos ng Biyernes Santo,
kung minsan pay umaabot ng Linggo ng Pagkabuhay. Ito ay itinatanghal sa entablado. Tinatawag
din itong pasyon sa tanghalan.
Moro-Moro itinatanghal sa entablado. Dalawang pangkat ang naghaharap dito: ang mga Kristiyano
at ang mga moro. Tinawag itong comedia de capa y espada na sa kalaunay naging kilala sa
palasak na tawag na moro-moro. Nasusulat sa anyong tula, pumapaksa sa paglalaban ng mga
Kristiyano at mga di-Kristiyanong tinawag ng mga Kastilang moro. Laging magtatagumpay ang
mga Kristiyano sa mga paglalaban.
Tibag ito ay may kaugnayan sa senakulo sapagkat ito ay nauukol sa paghanap sa krus na
kinamatayan ni Kristo sa bundok ng Kalbaryo. Ang mga tauhan dito ay sina Emperatris Elena at ang
kanyang anak na si Emperador Constantino. Tinawag na tibag sapagkat ito ay nauukol sa pagtibag
ng bundok ng Kalbaryo sa paghanap ng krus.
Mga Unang Tula
Ang unang tula sa Tagalog ay sinulat ni Tomas Pinpin at kasamang inilimbag sa kanyang aklat na
Librong Pag-aaralan nang manga Tagalog sa Uicang Castila. Ang tula ay binubuo ng magkasalit na
taludtod sa Tagalog at Kastila sa layuning matutuhan ang Kastila.
Felipe de Jesus ipinalalagay ng mga mananaliksik na ang kritikong si Felipe de Jesus ng San
Miguel, Bulakan, ang unang tunay na makatang Tagalog.
Mga Tulang Romansa
Kurido - tulang pasalaysay na may sukat na walong pantig sa taludtod at may mga paksang
kababalaghan at maalamat (karamihay halaw at hiram sa paksang galing sa Europa) na dala rito ng
mga Kastila. Inaawit ito nang mabilis o allegro. May walong pantig ang taludturan. (Halimbawa:
Ibong Adarna).
Awit isang uri ng tulang binubuo ng labindalawang pantig bawat taludtod ng isang saknong at kung
inaawit ay marahan o andante. (Halimbawa: Florante at Laura)
Seksyon 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin
samga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila.
Seksyon 9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na
binubuo ng mga kinatawan ng ibat ibang mga rehiyon at mga disiplina na
magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba
pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili.