Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Ang Tsinelas ni Inoy

Ni Renato C. Vibiesca
Inoy, baliktad ang tsinelas mo. Kailan ka ba matututo?
Inay, hayaan nyo na pong baliktad ang tsinelas ko
Inoy, baka matalisod ka sa paglalakad mo.
Inay, mag-iingat po ako nang hindi ako madapa kahit sa pagtakbo.
Kahit saan, kahit kailan, ang tsinelas ni Inoy ay baliktad. Para sa kanya mas masarap isuot ang tsinelas na
baliktad. Masaya si Inoy kapag nakikita niyang baliktad ang kanyang tsinelas.
Madalas, ang mga kaibigan niyay nakangiti sapagkat ang mga daliri niya sa paay nakausli. Isang araw,
tinawag siya ng kanyang Itay.
Inoy, ibili mo ako ng pomada at itama mo muna yang tsinelas mong baliktad kung ayaw mong ang
sinturon ko ang tumama sa puwit mo.
Opo, Itay.
Lukot ang mukha ni Inoy papalabas ng bahay, Paa niyay nangangati dahil tsinelas niyay hindi gaya ng
dati. Sampung hakbang pa lang siyay hindi mapakali. Ang lakad niyay iika-ika, ang pakiramdam niya,
ang daan ay sira-sira.
Huminto siya sa paglakad. Tumingin sa kaliwa. Tumingin sa kanan. Pagkatapos, mabilis niyang binaliktad
ang tsinelas na kinakaladkad.
Ahh., ang sabi niya. Sabay lundag na may kasama pang tadyak. Ang gaan ng pakiramdam, palundaglundag pa siya sa daan. Ang tsinelas ni Inoy ay baliktad na naman.
Lundag dito, lundag doon. Hindi niya napansin ang batong patong-patong. Ang tsinelas ni Inoy ay
sumabit sa isang batong mahigpit ang kapit sa lupa. Siyay mabilis na bumulusok sa mga batong
nakatutusok. Paningin ni Inoy ay umikot bago tuluyang naipikit ang mga mata niyang marikit.
Pagdilat ni Inoy, tsinelas agad ang sa paay inilapat. At saka pa lamang naalala ang perang hawak na
pambili sana ng pomada. Agad siyang tumingin sa tindahan ni Aling Ising. Ngunit biglang nawala ang
tindahan ni Aling Ising. Ngunit biglang nawala ang tindahan ni Aling Ising. Ang bahay ng kaibigang si
Rosita ay hindi rin niya makita. Si Inoy ay kinabahan. Ang bahay nila ay nasaan?
Iba ang simoy ng hangin, iba rin ang kulay ng paligid. Nagulat na lamang siya nang isang aso ang sa harap
niya ay nagpakita.
Sino ka? tanong ng aso.
Aso, nagsasalita? pagtaka ni Inoy. Ako si Inoy.

Ako si Tayban, sabay lipad ng aso papaitaas.


Nanginig si Inoy. Lumipad ang aso kahit walang pakpak, parang ibon sa ulap na malawak. Maya-mayay
isang maliit na ibon naman ang papalapit sa kanya.
Anong ginagawa mo rito? bungad ng munting ibon.
Ha? ang tanging nabigkas ni Inoy.
Naglakad ang ibon papalayo sa kanya. Hinihintay ni Inoy na lumipad ang ibon. Subalit pakendengkendeng lang itong lumakad. Dumampot ng bato si Inoy at ipinukol sa ibon. Akala ni Inoy ay lilipad na
ang munting ibon. Sa halip, kumaripas lang ito ng takbo.
Minasdan niyang mabuti ang paligid. Nasa itaas ang mga ugat ng puno. Sayad naman sa lupa ang mga
dahon at bunga ng puno. May mga paruparo, nakadapo sa sanga. May mga bulaklak dumadapo sa
paruparo.
Si Inoy ay naglakad-lakad, baliktad niyang tsinelas ang siya pa ring kinakaladkad. Siya ay nalilito, makita
sana niya ang kapitbahay nilang si Pepito. Gusto na niyang umiyak. Patutunguhan niyay hindi tiyak.
Hanggang sa hindi na niya matiis, siyay nagtanong sa ipis.
Marunong ka ring magsalita? tanong ni Inoy sa ipis na makinis.
Hi! Hi! Hi! Kahit anong kulisap ditoy puwede mong makausap, tugon ng ipis na makinis.
Nasaan ako? Paligid ko ay bago?
Hi! Hi! Hi! Baliktad ang tsinelas mo kaya ikaw ay naririto.
Gusto ko nang umuwi, mangiyak-ngiyak na sabi ni Inoy.
Hi! Hi! Hi! Gusto mo nang umuwi pero alam mo bang itoy hindi madali.
Saan ako pupunta upang ang bahay namin ay makita?
Hi! Hi! Hi! Maghanap ka muna ng tatlong bagay dito na hindi baliktad at sa isang iglap, mga kamag-anak
moy muling makakausap.
Si Inoy ay nainis sa ipis na makinis. Nagtanong naman siya sa isang manok na hindi tumitilaok. Ganoon
din ang isinagot ng manok. Nagtanong naman siya sa daga na wala sa lungga, sa pusa na aso ang
nilalapa, pati sa ahas na sa lupay hindi nagpapadulas. Napagod na siya sa pagtatanong dahil parepareho ang kanilang sinasabi.
Wala siyang nagawa kundi hanapin ang tatlong bagay na tama. Sa kanyang paglalakad, sa isang ilog siya
napadpad.
Aha! Isdang nasa tubig! sigaw ni Inoy.
Aha ka rin! Marunong akong lumangoy ng matulin! sabi ng isda na biglang lumangoy sa daloy ng tubig.
Ang isda ngay nasa tubig palikpik namay pabaliktad na kinabig. Humakbang pa siya ng marami. Lahat
ng isdang nakita niya sa ilog kung lumangoy ay buntot ang nauuna at nguso ang hila-hila.

Kahit isay wala siyang makitang tama. Lahat yata ay talagang puro baliktad, tatlo pa kaya ang kanyang
mahnap.
Hindi namalayan ni Inoy dulo ng ilog ang kanyang narating. Bumilis ang agos ng ilog. Lagaslas ng tubig ay
lumakas ang tunog. Sa kanyang paningin, bumulaga ang isang hangin. Ngunit sa halip na matakot, si Inoy
ay biglang natuwa. Nakakita siya ng isa na kung lumangoy ay tama.
Bakit tanging ikaw lang ang lumalangoy ng tama? sigaw ni Inoy sa isdang nasa tubig.
Lahat ng klaseng langoy ay aking ginagawa, dahil malakas ang higop ng tubig sa dulo ng ilog. Kapag
akoy hindi lumangoy ng tama, sa bangin akoy biglang mawawala.
Umiba na ng daan si Inoy. Iniisip niyay dalwa na lang ang hahanapin niyang tama upang muling
makasama ang kanyang Inay.
Napunta naman siya sa madamong halamanan. Tulad ng mga puno, ang ugat ng mga damo ay sa langit
nakaturo.
Pagdating sa gitna, siyay nabigla. Isang kumpol ng dahon sa harap niyay patalon-talon. Sinundan niya
ng tingin ang kumpol ng dahon na patalon-talon. Kitang-kita ni Inoy na sa harap ng dahon ay may
dalawang mata na napakaganda. Nilapitan niya ang mga matang makislap subalit itoy muling tumalon.
Ang mga matang makislap ay likas palang mailap.
Ang dahon ay patalon-talon. Si Inoy ay humabol din nang patalon-talon. Maliksi ang kanyang hinahabol.
Tsinelas niyang baliktad ay parang saranggolang umiigtad. Habol nang habol, paa ni Inoy ay nagkabuholbuhol.
Sa isang kangkungan, ang kumpol ng dahon ay napatuntong. Huminto ito at doon kumain ng kangkong.
Naisip ni Inoy, hindi baliktad ang kanyang pagtalon sapagkat mga mata nitoy nasa unahan ng mga
dahon. Itoy hindi dahong may mata kundi hayop na ngumangata.
Sino ka? Ano ka? Bakit ang mga mata mo lang ang nakikita? mga tanong ni Inoy habang papalapit.
Parang walang narinig, itoy ngumangata at walang kanginig-nginig. Tuloy lang ng kain sa kangkong na
nakahain.
Isang hakbang na lang, tsinelas ni Inoy ay nasa kangkungan na rin. Huhulihin ba niya ang dahong
nanginginain? Baka siyay kagatin ng mga matang hindi nakatingin. Gusto na niyang umuwi kaya
huhulihin niya ito kahit siyay takot napapangiwi.
Huli ka! sabi ni Inoy sa kanyang pagdakma.
Mahigpit ang kanyang kapit, mga dahon ay naiipit. Pagtanggal ni Inoy sa mga dahon, ang nakita niyay
mga puting balahibo ng isa palang kuneho.

Bakit talon ka nang talon, balahibo moy nakatago sa mga dahon? tanong ni Inoy sa kuneho.
Nahihiya ako sa iba, talon ko ay naiiba. Baliktad akong tumalon kung kayat nagtago ako sa mga
dahon.
Baliktad? pagtataka ni Inoy.
Tinakpang muli ng kuneho ang maputing balahibo. At saka tumalon. Tumalon uli. Tumalon pa nang
tumalon.
Isa na lang, akoy makakauwi na rin, sabi ni Inoy sa sarili.
Nagpatuloy siya sa paglalakad. Sanay na siyang masdan ang mga kabaliktaran sa nilalakaran. Tipaklong
na gumugulong, pagong na ang bilis tumalon, unggoy na hindi marunong maglambitin, malinis na baboy
at hindi palaboy.
Sa kanyang tingin, malayo na ang kanyang nararating. Malapit na siguro ang bahay nina Pepito. Siyay
makakauwi at pagod niyay mapapawi. Malapit nang dumilim sapagkat paligid ay kumulimlim.
Maya-mayay biglang pumatak, ulan na malakas ngunit hindi pababa kundi paitaas. Sandali lang ang
ulan, natuyo agad ang kanyang nilalakaran. Sa kanyang paghakbang muntik na niyang matapakan, ipis na
makinis, ipis na nakakainis.
Hoy ipis! Bakit tatlo ang kailangan kong makita? Baka dalawa lang ay puwede na.
Hi! Hi! Hi! Huwag kang magalit, tatlo ang kailangan kayat huwag kang makulit, tugon ng ipis na
makinis.
Pero buong paligid ay aking nalakad, dalawa lang talaga ang hindi baliktad.
Hi! Hi! Hi! Masyado kang makulit. Kung gusto mong makauwi, huwag kang mapilit.
Gusto ko na talagang makauwi! sigaw ni Inoy sa ipis na nakakainis.
Hi! Hi! Hi! Huli niyang narinig sa ipis na umalis.
Unti-unting dumidilim, gabiy malapit nang dumating. Anong bagay pa ba ang tama? Kahit madilim na
ang paligid puro baliktad pa rin ang nasisilip.
Si Inoy ay hindi na makangiti at mata niyay malapit nang mamuti. Minasdan ni Inoy ang tsinelas na
baliktad. Dahil sa kanyang tsinelas siyay nalungkot at sa mundo ng baliktad napasuot.
Tama si Inay. Tama rin si Itay. Sa paglakad, ang tsinelas na baliktad ay hindi dapat ikaladkad. sabi ni
Inoy at saka naupo sa punong-kahoy.
Dinampot niya ang kaliwang tsinelas at isinuot ang kaliwang paa. Dinampot din niya ang kanang tsinelas
at marahang isinuot sa kanang paa. Pagtayo niya pakiramdam niyay nag-iba. Dahil sa kanyang tsinelas,
bigla siyang sumaya at kanyang pinakawalan ang isang malakas na tawa.

Naglakad siya nang naglakad. Ang kanyang mga mata ay madalas nakatingin sa tsinelas niyang tama sa
paningin. At unti-unti si Inoy ay hindi na nakita sa dilim.
Inoy. Inoy.
Inay? Inay?
Inoy Mabutit nagising ka na, maghapon ka nang tulog sa kama. Sabi ng doktor, pag impis na ang
bukol mo sa ulo, hindi ka na mahihilo.
Inay, ang tsinelas ko po? tanong ni Inoy at sa kama siyay umupo.
Nandito ang tsinelas mo. Kung kaya mo na , kakain na tayo ng Itay mo.
Dahan-dahang isinuot ni Inoy ang mga paa sa kanyang tsinelas. At siyay naglakad patungo sa salas. Ang
Inay at Itay niyay napatingin, tsinelas niya sa paay napansin. Hindi na baliktad ang tsinelas ni Inoy.
Tunay na ligaya ang kanyang nalasap, sa piling ni Inay at Itay siyay napayakap. Sabi ni Inoy: Tsinelas na
baliktad kailan may hindi ko na ikakaladkad.

You might also like