Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Samar National School

Catbalogan City, Samar


MAHABANG PAGSUSULIT Sa
Araling Panlipunan 7 (Kasaysayan ng Asya)
PANGALAN: ____________________________________________ Yr./Sect. _________________ Date: _______________
I.PANUTO. Basahin ng mabuti ang bawat aytem. Piliin at SALANGGUHITAN ang tamang sagot sa
loob ng panaklong.
1. Pangunahing layunin upang wakasan ang panghihimasok ng mga mananakop sa kanilang pamumuhay
at kabuhayan. (Pagmamahal, Kalayaan, Pakikipagkaibigan, Pagkakaisa )
2. Malawakang digmaan na kinasangkutan ng maraming bansa sa buong mundo na nagdulot ng
malawakang pagbabago
(Digmaang Pandaigdig, Cold War, Rebolusyon, Nasyonalismo)
3. Ito ay isang sistema o lipon ng mga ideya o kaisipan na naglalayong magpaliwanag tungkol sa daigdig
at pagbabago nito. Ang mga halimbawa nito ay demokrasya, kapitalismo, monarkiya, totalitaryanismo,
autoritaryanismo, sosyalismo at komunismo. (Nasyonalismo, Ideolohiya, Kultura, Relihiyon)
4. Alin sa sumusunod ang hindi kasapi sa french indochina. (Cambodia, Laos, Vietnam, Indonesia)
5. Sa ilalim ng patakarang ito ay sapilitang pinagtatrabaho ang mga pilipinong kalalakihang edad 16
hanggang 60. (Tributo, Kalakalang Galyon, Monopolyo, Polo Y Servicio)
6. Isang halamang gamot na kapag inabuso ay nagdudulot ng masamang epekto sa kalusugan. Galing ito
sa bansang england. (Cloves, Spices, Nutmeg, Opyo)
7. Ito ay tumutukoy sa mga rehiyon sa china kung saan nangingibabaw ang karapatan ng kanluraning
bansa na kontrolin ang ekonomiya at pamumuhay ng mga tao dito. (Extraterritoriality, Open Door Policy,
Sphere Of Influence)
8. Pangalang ng bansa at tinawag ni jose rizal na pearl of the orient seas dahil sa lokasyon nito sa asya.
(Taiwan, Pilipinas, Malaysia, Indonesia)
9. Tawag sa mga unang gurong amerikano na dumating sa pilipinas lulan ng barkong s.s.thomas.
(Thomasites, Jesuites, Sophist, Americans)
10. Isang rebolusyonaryong samahan. Tinatawag din itong kkk o kataas-taasan kagalang-galangan
katipunan ng mga anak ng bayan. Isinusulong nito ang ganap na kalayaan ng pilipinas mula sa mga
espanyol. (Propaganda, Himagsikan, Nasyonalismo, Katipunan)
11. Ito ang opisyal na pahayagan ng kilusang propaganda sa pilipinas noong panahon ng mga espanyol, sa
pahayagan ay ipinahayag ng mga propagandista ang kanilang mga hangarin para sa pilipinas. (La
Solidaridad, El Filibusterismo, Filipina)
12. Siya ang tinaguriang Ama ng Republikang Tsino. (Chiang Kai-shek, Mao Ze dong, Li Yuan,m Sun YatSen)
13. Ang tanyag na lider ng China at isa sa taga-sulong ng komunismo sa China noong 1918. ( Chiang Kaishek, Mao Ze dong, Li Yuan,m Sun Yat-Sen)
14. Pagpapalawak ng kapangyarihan at teritoryo sa pamamagitan ng pananakop ng hindi lang isa kundi
maraming teritoryo o bansa. (Nasyonalismo, Imperyalismo, Digmaan, Himagsikan)
15. Pananakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang bansa upang makontrol at magamit ang likas
na yaman nito para sa pansariling interes. (Nasyonalismo, Imperyalismo, Digmaan, Himagsikan)
16. Ideolohiyang naghahangad na bumuo ng isang lipunang walang antas o uri classless society kung
saan ang mga salik ng produksyon ay pag-aari ng lipunan. (Demokrasya, Aristokrasya, Komunismo,
Teokrasya)
17. Pangkalahatang tawag sa mga mamamayan ng Europe na nanakop ng lupain sa Asya noong ika-16
hanggang ika-19 na siglo. (Barbaro, Kanluranin, Mananakop, Kolonyalista)
18. Isang Portuges na naglayag gamit ang rutang pa-Kanluran na naglayag para sa hari ng Espanya noong
Marso 16, 1521. (Pigafetta, Ferdinan Magellan, Ruy Lopez de Villalobos, Miguel Lopez de Legazpi)
19. Pinuno ng Mactan na kauna-unahang Pilipino na nagtagumpay na mapaalis ang mga mananakop na
Espanyol. (Datu Puti, Raja Sulayman, Raja Humabon, Lapu-Lapu)
20. Ang lugar na ito ay tinatawag ding malaku o spice Island. Ito ang lupaing nais marating ng mga
kanluranin upang makontrol ang kalakaran ng panlasa sa Asya. (Indonesia, Tidore, Moluccas, Pilipinas)
21. Isang paraan ng pananakop kung saan ay pag-aaway-awayin ng mananakop ang mga lokal na pinuno o
mga naninirahan sa isang lugar upang mas madali nila itong masakop. (Divide and Rule Policy, Mandate
System, Force Rule Policy, Monopoly)
22. . Itinatag ng pamahalaang Netherlands upang pag-isahin ang mga kompanya na nagpapadala ng
paglalayag sa Asya. (French East India Company, British East India Company, Dutch East India Company,
Spice Trade System)
23. Sa pamumuno niya ay binuksan niya ang bansang Japan sa mga kanluraning bansa at tinawag niya
itong Meiji Era na ang ibig sabihin ay enlightened rule. (Emperador Kanagawa, Emperador Hirohito,
Emperador Yamashita, Emperador Mutsuhito)
24. Serye ng digmaan na naganap sa pagitan ng France sa pamumuno ni Napoleon Bonaparte at ng mga
bansa sa Europe. (French War, Napoleonic War, Cold War, World War II)
25. Patakarang ipinatupad ng mga Dutch sa Indonesia upang matugunan ang pangangailangan nito sa
pagbebenta ng mga pampalasa. Kilala din itong cultivation system. (Culture System, Tradition System,
Religion System, Social System)
26-27-28. Ang French Indo-China ay binubuo ng tatlong bansa ito ay ang (Laos, Myanmar, Indonesia,
Vietnam, Thailand, Cambodia)
29-30. Ang dalawang magkatunggaling ideolohiya sa China (Demokrasya, Aristokrasya, Komunismo,
Monarkiya, Teokrasya)
30-31-32. Mga patakarang pinatupad ng mga Kastila sa Pilipinas (Tributo, Kalakalang Galyon, Culture
System, Monopolyo, Polo Y Servicio, Open Door Policy)

33-34-35. Mga paraan ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas (Kristiyanismo, Pakikipag-kaibigan,


Paggamit ng Puwersa, Pagbibigay ng regalo, Pagbibigay ng Suhol)
36-40 Masasalamin pa ba sa kasalukuyang panahon sa Silangang Asya at Timog- Silangang Asya ang mga
pagbabagong naganap dulot ng pananakop ng mga Kanluranin? Patunayan ang sagot.
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________

You might also like